You are on page 1of 2

1.

Gamit ang iyong sariling pananalita, ilarawan ang dalawang teorya o lenteng
ginamit ng may-akda sa pagsusuri ng paksa. Paano naging epektibo o hindi
naging epektibo ang mga teorya o kaisipang ito upang basahin ang kalagayang
pang-edukasyon sa Pilipinas?

Ang dalawang teorya o lenteng ginagamit ng aksa sa pagsusuri ng paksa ay


epektibo. Ito ay nakaangkla sa inilunsad na programang K to 12 ng Kagawaran ng
Edukasyon. Sa pamamagitan nito, nakikita ang mga tiwaling nakakapagbigay ng
negatibong epekto sa ideolohiya ng Pilipinas. Pinaigting pa lalo ang kamalayan ng mga
mambabasa sa pagbubuwis ng buhay ng mga bayaning nasyonalista upang sila ay
makapagbigay ng tamang interpretasyon at kanilang binabasura ang tiwaling gawain
ng mga dayuhang sumakop sa atin. Ponapakita rin dito na kung paano dumepende ang
Pilipinas sa ibang bansa na isang halimbawa nito ay ang paglunsad ng K to 12. Ito ay
magiging daan upang mas lalong magiging alipin ang ating mangagawa sa kamay ng
mga taga-ibang bansa. Masasabing ang buong akda ay magsisilbing daan upang
magbigay kamalayan sa mga Pilipino at sa konsepto ng kolonyalismo.

2. Bumuo ng repleksyon batay sa kabuuan ng binasa. Bilang nasa uring


akademiko, ano-ano ang mga nakuha mong punto ng mga pagsaalang-alang kung
pipili at maglalapat ng teorya sa anumang paksa o pananaliksik na nililikha?

Sa pagbabasa ng akda, masasabing ang babasahin ay hitik sa mga


impormasyon na makakatulong sa pag-iisip ng mga ideya patungkol sa mga teoryang
kakailanganin ng mga mambabasa sa kanilang pananaliksik. Tumatak sa akin na
kailangan nating paigtingin ang sariling atin at ating pagyamanin. Hindi dapat tayo
maging sunud-sunuran sa mga programang tinatalaga ng mga banyagang bansa lalo na
sa larangan ng edukasyon.

3. Humugot ng isang natatanging linya, kataga, o pahayag mula sa babasahin na


bago sa iyong pandinig at/o nagbigay sa iyo ng malaking dulot bilang
mambabasa. Saka ipaliwanag ang naging implikasyon nito sa iyo bilang isang
Pilipino.

“Kailanma’y di magiging pangkalahatang wika ng bansa ang Kastila, hindi ito


gagamitin ng mga mamamayan, sapagkat ang kamalayang nasa kanilang isip at ang
damdamin sa kanilang mga puso’y di maipapahayag sa wikang iyon…” (galling sa pahina
98).
Kung ating papalitan ng Ingles ang Kastila, mas lalo nating maiintindihan ang
linya na nasa itaas na sinabi ni Simoun kay Basilio. Sa kasalukuyan, ang wikang Ingles
ang nagiging batayan ng intelktwalismo ng isang indibidwal. Kung ikaw ay magaling sa
paggamit ng wikang Ingles, magiging impresyon sa iyo ng mga tao ay edukado kang
tao o mataas ang iyong pinag-aralan. Nang sa gayo’y, unti-unti nating pinapatay an
gating sariling wika na Wikang Filipino at hindi natin pinagyayaman at tuluyang
binabalewala. Dapat nating tandaan na ang paggamit ng ating pambansang wika ang
daan sa pag-unlad ng ating bansa. Hindi masama ang paggamit ng wikang Ingles
ngunit huwag nating pakaligtaan ang Wikang Filipino.

You might also like