You are on page 1of 11

OLIVAREZ COLLEGE

General Education- CCASE & CBALTCH


FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

O,na k
UTCOMES OF LEARNING
(BUNGA NG PAMPAGKATUTO)

1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na


sanggunian sa pananaliksik
2. Malikhain at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang piling makabuluhang konsepto at
teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
3. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik

II. LESSON PRESENTATION


(PAGLALAHAD NG ARALIN)

Upang magkaroon ng lalim ang pananaliksik at makapag-ambag ito sa


pagpapalawak, pagpapaliwanag, at paglikha ng mga konsepto o kaisipan, mahalaga ang pagpili
ng batayang teoretikal ng pananaliksik.

✔ Ayon kay Abend (2013), ang mga teorya ay binuo upang “magpaliwanag, magbigay
ng prediksyon hinggil sa, o nakatulong sa pag-unawa sa penomenon, at sa
maraming sitwasyon, ay naglalayon ding suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang
umiiral na kaalaman.”
✔ Ang batayang teoretikal ang estrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng
pananaliksik.
✔ Ipinapakilala at inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at ipinapaliwanag kung
bakit umiiral ang suliranin ng pananaliksik.
✔ Ayon kay Torraco (1997), may tatlong konsiderasyon sa pagpili ng teorya bilang
bahagi ng batayang teoretikal: pagiging akma sa pananaliksik, linaw at/o dali (ease)
ng aplikasyon sa pananaliksik, at bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap
ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik.

Narito ang apat na tiyak na paraan kung paano napatitibay ng batayang teoretikal
ang pananaliksik:

1. Tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na


kaniyang binabasa;
2. Inuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na
bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at
sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik;
3. Tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin
ang mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

sa simpleng paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa


pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at
magagamit sa pagsusuri ng iba pang kaugnay na penomenon, sitwasyon atbp;
4. Nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo
ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. Pokus ng araling ito
ang paglinang sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o
buhat sa mga lipunang Pilipino.

Mga Diskurso at Iba’t Ibang Teorya

Diskurso sa Nasyonalismo - “Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino”

Isinulat ni Renato Constantino ang Miseducation of the Filipino at malayang isinalin ni Luis
Maria Martinez sa Flipino bilang “Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino” na naglalaman ng
pagsusuri ni Constantino sa kalagayan ng edukasyon sa bansa. Para sa kaniya, matitiyak na
makapag-aambag sa kaunlaran ng Pilipinas ang mga mag-aaral kung maitratransporma ang
sistemang pang-edukasyon. Isang mahalagang sandata ang edukasyon sa pagpapadalisay ng
sariling kultura.

Ang usapin ng nasyonalismo ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko
rin. At malaki ang gampanin ng edukasyon dito. Humuhubog dapat ang edukasyon ng mga
indibidwal na may malasakit sa bayan at nakalilikha ng mga aksiyon sa pagpapaunlad ng
bansa.

“Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat itong ibatay sa
mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang
makalikha ng mga lalaki at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta…

Dapat na natin ngayong isipin ang ating mga sarili, ang ating kaligtasan, at ang ating
kinabukasan. At hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ng mga kabataan sa
pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa ating bayan
na walang tiyak na patutunguhan at hindi tiyak kung ano ang kasasapitan sa araw
ng bukas.”

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

Tinalakay din sa Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino ang sumusunod:

· Kakulangan sa pagsusulong ng makabayang edukasyon

· Pananaw sa ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos at pagbihag sa kaisipan. Ang


ginamit na paraan ng mga Amerikano sa paglupig sa bansa ay ang edukasyon. Sa pinairal na
edukasyon ng mga Amerikano na nakaangkla sa kanilang pangangailangan, pilosopiya at pang-
ekonomiya tuluyang nahubog ang kaisipan ng mga Pilipino. Sa katunayan, sa ilalim ni Heneral
Otis, ang heneral mismo ang pumili at nagpabili ng mga materyal, libro na gagamitin. (Unti-
unting inalis ang mga likas na mithiin ng mga Pilipino upang mabura ang lahat ng
palatandaan ng pagtutol.)

· Edukasyong Kolonyal.

· Ang Jones Act na naglalayong kahit inihahanda na ang mga Pilipino sa pangangasiwa ng
pamahalaan (bago at habang umiiral ang panahon ng Komonwelt) ay hindi ibinigay sa mga
Pilipino ang pamahalaanan ang kagawaran ng edukasyon.

· Pagkakalikha sa mga Amerikanong kayumanggi ang balat

· Pagtingin sa sariling bayani bilang isang tulisan (halimbawa na lamang si Macario Sakay)

· Layunin ng Edukasyong Amerikano na lalong lumitaw sa Benevolent Assimilation ni


Pangulong McKinley (Disyembre 21, 1891). (hard to swallow pill, hindi sila pumunta para
sagipin ang kamangmangan ng mga Pinoy)

· Pag-alis ng makabayang mithiin gamit ang wikang Ingles, pamumuhay at paniniwala na


nakaangkla sa mga Amerikano. Ang isang ulirang kolonyal ay tunay na kopya ng
kanyang kolonyalista. (Sino sa atin ang ayaw makakita ng niyebe o di naranasang
maghintay kay Santa Claus?)

· Espanya bilang kontrabida at ang Estados Unidos ang tagapagligtas

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

· Binabasa natin ang kasaysayan ng ating mga ninuno na para tayong mga turista sa
isang dayuhang lupa.

· Pagsusuri sa larawan ng isang bukirin:

D.A.N.T.E.H.I.P.O.L.I.T.O. (2020). BUKID PAINTING [Painting]. Https://Www.Pinterest.Com/.


https://i.pinimg.com/originals/92/a6/50/92a650b90f806190916e78cefd11c232.jpg

· Tungkulin ng edukasyon:

Paghubog sa tao nang magampanan nang buong husay ang papel niya sa
lipunan at HINDI lamang pangangalap ng impormasyon.

HINDI hiwalay ang edukasyon sa lipunan.

HINDI ito dapat ihiwalay sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

HINDI kinakailangang pare-pareho ang kahingian ng edukasyon sa


lahat ng lahi.

· Makikita ang malaking pagkakaiba ng Estados Unidos at Pilipinas kung sisipatin ang
kalagayang pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura na kinakailangang maisaalang-alang sa
sistema ng edukasyon.

· Ang Internasyonalismo at Mga Pilipinong Maka-dayuhan

“…may ilang Pilipinong mas inalala ang dayuhan na baka masaling ang damdamin
at mag-isip na sila’y ating inaaglahi.”

Makabayan ka na ba kung…

● Alam mo ang pagkakaiba ng “ng” sa “nang”?


● Ginagalang mo ang watawat?
● Tumitigil kapag naririnig ang Pambansang Awit?
● Saulado mo ang Panatang Makabayan?

· Usapin ng Wika

Mas maraming Pilipino ang tumututol sa paggamit ng sariling wika kaysa dayuhan sa loob ng
edukasyon. Tila sinasabi na hindi magiging tunay na edukasyon ang umiiral na
sistema kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles. Hindi pa rin
ganap ang espasyong nakalaan para sa katutubong wika sa loob ng edukasyon.

Tinuturo at ginagamit ang wikang Ingles sa edukasyon dahil sa paniniwalang ito raw ang wika
ng demokrasya at mag-aalis ng pagiging pribilehiyo ng edukasyon na nagsimula sa panahon
ng kastila.

Ang paggamit sa wikang Ingles ang humadlang sa pag-unlad ng mga katutubong wika at
dahilan kayat nananatiling hungkag ang lideratong pampulitika. Pinaubaya ng masa ang

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

pamamahala sa bayan sa mga hinalal na lider dahil nakontento na sila sa naririnig nilang
talumpati at di na nila nasuri ang suliraning pambansang kailangang matugunan.

Ibig sabihin lang, hindi lang katutubong wika ng Pilipinas ang pinababagal ng wikang Ingles
bagkus ito ay mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya sa ating bansa.

· Mahalagang komentaryo ni Najib Saleeby noong 1924 tungkol sa wika ng Pilipinas.

· Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag-aralan ang dayuhang wika. Pero,
dapat itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng
ibang wika.

Diskurso sa Nasyonalismo - “Teoria de la Dependencia”

Ang Teoryang Dependensiya ay nakaugat sa Amerika at Latina. Sila Raul Prebisch at


Theotonio dos Santos ang ilan lamang sa kilalang teorista nito.

· Usapin ng pagsasamantala ng mga bansang industriyalisado sa bansang mahihirap,


halimbawa na lamang ang pangingibabaw sa kaisipan sa paghihimok sa pagpasok ng dayuhang
puhunan o foreign investment.

Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon Ideolohikal na Kritik ng


Programang K to 12 ng Pilipinas ni San Juan (2013)

Nilinaw sa artikulo ang kaugnayan ng diskurso sa nasyonalismo at ng Teoryang


Dependensiya.

· Walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi isasaalang-alang


ang kaunlaran ng mga mamamayan;

· Walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit ito pa’y sumusunod sa
“pamantayang global”.

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

I
III. NTERACTIVE DISCUSSION QUESTIONS
(INTERAKTIBONG TALAKAYAN)

1. Ano ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga teoryang ito bilang mamamayan?


2. Papaano nakaaapekto sa bansa ang edukasyon na natatamo ng mga mag-aaral?
3. Kung mayroon kang isang bagay na maihahalintulad sa edukasyon, ano ito?
4. Gumagawa ka ba ng sarili mong paraan para lumawak at lumalim ang iyong nalalaman
sa propesyong iyong tinatahak?

IV. VALUES REFLECTION


(PAGPAPAHALAGANG PAMPAGKATAO)

Pagnilayan / Paglimian ang mga aralin mo simula nang ikaw ay pumasok sa unang baitang ng
iyong pag-aaral. Ano ang ginawang paghubog sa iyo ng edukasyong natamo? Ano-ano ang mga
sitwasyong masasabi mong naghubog sa iyo?

Sagutin ang mga ito sa pamamagitan nang pagpunan ng tsart:

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

PAGKAKAHUBOG SA: SITWASYON NOONG IKAW AY NAG-AARAL


PA:

PAKIKIPAGKAPWA

PROPESYON / LARANGAN NA NAIS TAHAKIN

PAGHARAP SA KINABUKASAN (PERSONAL NA


BUHAY)

MAKABAYAN

V. ACTIVITY ENGAGEMENT
(MGA KAUGNAY NA GAWAIN)

Gumamit ng Online Application na TikTok, i-click ang #EdukasyonNgayon o


#Filipino12 at makikita ang video ng inyong guro. At puntahan ang #Duet sa pagsagot ng
tanong mula sa guro.

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

VI. RESEARCH EXPLORATION


(KARAGDAGANG BABASAHIN)

Basahin ang abstrak ng Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang


Lalawigan ni Noel Clemente.

Abstrak

Karamihan, kung hindi man lahat, ng mga lungsod sa kasaysayan ng mundo ay naitaguyod
bílang sentro ng kalakalan. Dahil may labis na likás-yaman at produktong hindi kailangang
gugulin agad-agad, iniimpok ito, at ikinakalakal, at nagkakaroon ng kíta, na kailangang tipunin
sa isang kabisera: ang lungsod. Kayâ naman, maraming sosyologo ang gumuguhit ng
pagkakaiba ng lungsod at lalawigan sa ekonomikong batayan. Subalit maaari rin nating
pagtambisin ang lungsod at lalawigan batay sa epistemolohikong perspektiba. Hindi natin
maikakailang malaki ang pagkakaiba ng uri ng pangangatwiran ng mga tagalungsod at
tagalalawigan. Kung tatanawin natin ang kalagayan ng mga lungsod ng Filipinas sa ganitong
pananaw, matutuklasan nating edukasyon ang siyang namamamagitan sa dalawang
magkaibang katwiran. Sa papel na ito, nais kong suriin ang kabalintunaang kaakibat ng
edukasyon bílang tagpuan ng katwirang lungsod at katwirang lalawigan. Sa unang bahagi,
ipapaliwanag ko ang gamit ng katwiran bílang balangkas ng pag-unawa ng isang tao, at
ipapakita ang sapantaha kong magkasalungat nga ang katwiran ng lungsod at lalawigan. Sa
ikalawang bahagi, ilalatag ko ang kabalintunaan ng edukasyon na kalakip ng pagiging tagpuan
ng dalawang katwiran, na matutunghayan natin sa kasaysayan hanggang kasalukuyan. Bilang
pagtatapos, magmumungkahi ako ng mga maaari nating gawin upang samantalahin itong
posibilidad ng edukasyon sa pagtawid sa dalawang katwiran, tungo sa tinatawag ni Renato
Constantino na “makabayang edukasyon.”

Analisis: Ano-ano ang ipaliliwanag sa papel ni Clemente?

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
____________________ _____________________________________________________________

Implikasyon: Sa tinalakay na aralin, ano ang tinatawag na makabayang edukasyon?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

I
VII. NTEGRATION PROCESS AND SYNTHESIS
(INTEGRASYON AT PAGLALAGOM)

Isulat ang iyong paboritong asignatura sa kasalukuyan na may kinalaman sa iyong kurso.
Papaano kaya mailalapat (nailalapat) ang makabayang edukasyon sa pagtalakay ng mga araling
nakapaloob dito?

Sintesis:

✔ Humuhubog dapat ang edukasyon ng mga indibidwal na may malasakit sa bayan at


nakalilikha ng mga aksiyon sa pagpapaunlad ng bansa – ito ang isinusulong ng
Makabayang Eduaksyon.
✔ Ang edukasyon ng Pilipinas ay bunga ng pananakop lalo’t higit ng mga Amerikano – ito
ang tinatalunton ng Lisyang Edukasyon na isinulat ni Renato Constantino.
✔ Malaki ang gampanin ng edukasyon sa pagpapadalisay ng kultura at paggising sa
nasyonalismo ng mga Pilipino.
✔ Hanggang sa kasalukuyan, tinitingnan pa rin ng maraming Pilipino na hindi kayang
tumayo mag-isa ng mga Pilipino at kinakailangan ng tulong ng mga dayuhan.

PAG
E \*
MER
OLIVAREZ COLLEGE
General Education- CCASE & CBALTCH
FIL 12: Maunlad na Pananaliksik sa Piling Larangan
Modyul Blg. 3. Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa
Lipunang Pilipino

VII. PAGTATAYA
(ASSESSMENT)

Isang maikling pagsusulit sa pamamagitan ng Google Form.

IX. NETWORK LINKS, DIGITAL SOURCES AND REFERENCES


(SANGGUNIAN)

Clemente, N. (2016). Edukasyon bilang Tagpuan ng Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan. Kritike: An Online
Journal of Philosophy, 10(1), 83–98. https://doi.org/10.25138/10.1.a.4

PAG
E \*
MER

You might also like