You are on page 1of 4

Gawain 1:

Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin


ang mga sumusunod na katanungan.

1. ANO ANG NAGING EPEKTO NG EDUKASYONG KOLONYAL SA PAG-IISIP


NG MGA FILIPINO?

Labis ngang maraming nagbago simula noong nilusob ang Pilipinas ng mga
Amerikano at hinubog nito ang kaisipan ng bawat isa mula sa kanilang ideolohiyang
kolonyal. Naging malaya ngunit nakakulong sa pa rin ang kaisipan ng mga tao sa
Pilipinas. Ito ang hudyat ng panibagong yugto ng panlilinlang ng mga banyaga sa
mga Pilipino lalo na sa usaping Edukasyon. Pinaniwala nila na ang edukasyon ang
pinaka-malakas na sandata upang tuluyang masakop ang bansa.

Sa mga patakarang inilunsad ng mga Amerikano, marami ang nagbago at


naging sunod-sunuran ang mga Pilipino. Isa na rito ang pagpapatayo ng mga
paaralan upang maipalawig ang kanilang ideyalismo at makakanluran. Ginamit nila
at mga guro ang wikang Ingles upang maging wikang panturo at isinantabi ang
wikang katutubo, at dahil dito nagbago ang pananaw at pamumuhay ng mga
Pilipino. Dahil dito maraming bagay ang natutunan ng mga Pilipino at naisantabi ang
karamihan sa mga kaugalian at pananaw. Dito rin nagsimula ang lisyang edukayon
na kung saan ang kanilang pagkatuto ay bilang isang mamamayan na ng mga
mananakop sa bansa at hindi bilang mga Pilipino.
2. MAGBIGAY NG HALIMBAWA NG EPEKTO NG NABANGGIT NA
SISTEMANG PANG-EDUKASYON MULA SA KASALUKUYANG PANAHON
AT IPALIWANAG.

Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa nanatili pa rin ito, ang kadenang itinali at


ibinuhol na ibinigay sa atin ng Amerika. Edukasyon na ang naging epektibong
makinarya at sandata upang pamunuan ang mga mamamayan. Sa paaralan,
pamahalaan, kalakalan, trabaho at lipunan, wikang Ingles na ang pangunahing
midyum. Ang mahabang panahon ng pagkaalipin at pagkabulag bilang kolonyal ng
Amerika ay nagmarka na sa ating bansa at lahi, nagbunga ito ng mga kaisispang
patuloy na umaapekto sa mga Pilipino, at ito ay patuloy na umaalipin sa bansa.

Maraming epekto ang nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa


kasalukuyan. Oo nga at mayroong mga magagandang nangyari pero para sa akin,
tila hindi ito sapat upang matalo nito ang mga hindi magandang nagyari dito ngayon
sa Pilipinas. Hindi ko pa man nababasa ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni
Renato Constantino na nasa alituntunin noon, ako ay nagkaroon na ng kaalaman
patungkol dito, Kung titimbangin ko, mas naging mahirap sa ating mga Pilipino na
nagkaroon tayo ng ganitong sistema, hindi naman sa sinasabi ko na hindi na dapat
mag-aral ng Ingles ngunit base sa mga nakikita ko, hindi pa ganoon ka-husto at
kadunong ang mga Pilipino pagdating sa salitang atin, ang Filipino.

Sa pag-aaral, naging sukatan din ang paglinang sa wikang Ingles ng talino ngunit
sa wikang atin ay tila normal na lang. Minsan pa nga kinaiinggitan ko ang mga
magagaling sa wikang Ingles, tila kasi sila ang mas may kakayahan na
makipagsabayan sa mga pakikipagtalastasan at mas may malaking tsansa na
sumagot kapag may pa-“recitation” sila titser. Kahit sa mga asignatura ay nasa
wikang Ingles. Kahit ang asignaturang Heograpiyang Kasaysayan, at Sibika na isa
sa naging paborito ko ay inalis at nawala, nakalulungkot kahit na meron pa ring
Araling Panlipunan. Naging batayan na ang wika kung sino ang naka-aangat at
mayayaman, hindi lahat pero karamihan. Malaking usapin na rin sa ngayon ang
bokabularyo ng mga Pilipino pagdating sa wikang Ingles, may mga pag-aaral pa nga
na isa tayo sa mga bansa na may mababang kapasidad ng kaalaman sa pagsasalita
ng Ingles kahit na marami tayong mga “call center agents” sa bansang ito. At pang-
huli, naging batayan na rin ang wika sa pag-unlad ng bansa, hindi tulad ng mga
karatig-bansa natin na Korea at Japan, niyakap nila ang salitang kanila at nanatiling
maunlad at masagana.

Lahat naman ay nagsisimula sa pagkatuto at pag-aaral, maganda na umaangat


ang kaalaman nang hindi nakakalimot sa nakaraan at pinagmulan.

3. BATAY SA IYONG PAGKAKAUNAWA, ANO ANG NAKIKITA MONG


SOLUSYON SA LISYANG EDUKASYON NG MGA FILIPINO?

Nais kong simplihan lang ang kasagutan. Mag-aral at matuto, kahit hindi magaling
basta marunong. Tulad ng aking sinabi sa pagtatapos ng sagot sa ikalawang
katanungan, lahat nagsisismula sa pagkatuto at pag-aaral. Kung aaralin mo kung ano
ang meron ka, mapapalalim mo ito. Makikita mo ang kahalagahan at ibang mga
kailangang gawin para mapalago ang kaalaman mo. Makikita mo ang pinagmulan at
mahihinuha mo ang kalinangan at kailangan para masulusyunan ang bawat katanungan
na nasa isipan mo at sa ibang tao. Madali lang, maging handa sa pagkatuto at matuto.
Gawain 2:

Mula sa mga talakay sa itaas, pumili sa mga sumusunod na ideya sa ibaba at


gumawa ng isang tula. Maaaring kombinasyon ng mga nakalahad na paksa. Huwag
kalimutan na maglagay ng pamagat. Malayang pumili kung malayang taludturan o may
sukat at tugma.

You might also like