may 200 wikain o dayalektong ginagamit ng mga Pilipino. Sina Padre Chirino at Padre Colin ang kauna-unahang gumawa ng pag-aaral tungkol dito. Binalak ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng isang pambansang wika noong 1925.
Opisyal na kinilala ang hangaring
magkaroon ng pambansang wika noong panahon ng Komonwelt, sa seksyon 3, Artikulo XIII ng 1935 Konstitusyon. Sa pamamagitan ni Manuel Quezon, pinagtibay ng Saligang Batas Komonwelt Blg.184 na nagbigay daan upang mabuo ang surian ng Wikang Pambansa. Ang punong ahensyang nanguna sa paglinang ng isang pambansang wika ay ang Institute of National Language.
Narito ang mga kasapi:
1. Jaime C. de Veyra- Bisaya (Samar,Leyte)Tagapangulo Mga Kagawad: 2. Hadji Buto ( Moro ) 3. Santiago A. Fonacier (Ilokano) 4. Casimiro Perfecto ( Bicol ) 5. Felix salas ( Hiligaynon ) 6. Cecilio Lopez ( Tagalog ) 7. Isidro Abad ( Bisaya Cebu ) 8. Zoilo Hilario ( Kapampangan )
Mga dahilan kung bakit napili ang Tagalog
bilang batayan ng Wikang Pambansa: Hindi mahirap ang Tagalog sa mga diTagalog dahil may pagkakatulad ito sa lahat ng wika sa Pilipinas. Ang Tagalog ay nagtataglay din ng 5,000 salitang hiram sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik at 3,000 sa Malay. Mayaman ang Tagalog dahil sa dami ng panlapi nito. Madaling pag-aralan ang Tagalog. Hindi lamang sa mga Pilipino madali ang pag-aaral ng Tagalog kundi maging sa dayuhan.
Filipino ang sinasabing pambansang lingua
franca ng Pilipinas . Ayon sa Resolusyon 96-1 ng KWF (1996) Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.