You are on page 1of 58

ARALIN 3

FIL I: KONTEKTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Paano nakatutulong ang mga Wikang
Katutubo sa pagpapaunlad ng
pambansang wika?

Ano-anong mga gawain ng mga


ahensyang pangwika ang tutugon sa
pagpapaunlad ng pambansang wika?
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. ito ay
Samantalang nililinang,
dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Sanggunian: 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas


Ang mga sumusunod ay tugon sa paglinang Filipino bilang
wikang pambansa:

1. Paggamit ng iba pang wikang umiiral sa


Pilipinas kabilang ang mga WIKANG KATUTUBO

2. Pag-iral ng ahensyang pangwika.


Ayon kay S. Lily Mendoza (2016), makikilala ang mga
katutubo sa pamamagitan ng mga ilang natatanging pananda:

1. madalas nakatira sa relatibong maliliit na mga


komunidad; alam pa kung paano mamuhay sa
lupa labas ng modernong industriyal na
imprastraktura;

Sanggunian: Mendoza, Lily S. 2001. Katutubo. Mga Pangunahing Konsepto sa Dayalogong Interkultural. Key Concepts
in Intercultural Dialogue, No. 31
2. may sariling wika na kumakatawan sa
napakaraming ugnayan sa lupang ninuno,
ekolohiya, mitolohiya, at mga kuwentong
bumubuo sa isang masalimuot na kosmolohiya;

Sanggunian: Mendoza, Lily S. 2001. Katutubo. Mga Pangunahing Konsepto sa Dayalogong Interkultural. Key Concepts
in Intercultural Dialogue, No. 31
3.napananatili ang mga natatanging tradisyong
kultural;

Sanggunian: Mendoza, Lily S. 2001. Katutubo. Mga Pangunahing Konsepto sa Dayalogong Interkultural. Key Concepts
in Intercultural Dialogue, No. 31
4. atkumikilala sa kanilang sarili bilang naiiba sa
nakararami. Sa pangkaraniwang diskurso, ang
salitang katutubo ay kadalasang may
estereotipikal na pakahulugan bilang “primitibo,”
“paurong,” o di kaya’y “napag-iwanan ng
panahon.”

Sanggunian: Mendoza, Lily S. 2001. Katutubo. Mga Pangunahing Konsepto sa Dayalogong Interkultural. Key Concepts
in Intercultural Dialogue, No. 31
“Ang wika mismo ang patunay ng ating katutubong
kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng
mahabang pananakop at nagtataglay ng kaalaman at
katarungan ng lahi. Ngunit kailangan pang payabungin ang
wika. Tulad ng atas sa Konstitusyong 1987, kailangan nitong
ilahok ang ibang katutubong mga wika ng Filipinas upang
ganap na matipon ang yaman at salimuot ng kulturang
Filipino” (Almario, 2003)

Sanggunian: Santos, Benilda S. 2003. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa. Unang sourcebook
ng SANGFIL 1994-2001.
Ang AMBAGAN:
MGA SALITA MULA SA IBA’T
IBANG WIKA SA FILIPINAS
ay isa sa mga tugon upang
mapagyaman ang wikang
Filipino. Layunin nitong
mapasimula at mapabilis
ang pagpapayaman ng
wikang Filipino batay sa
umiiral na mga wikang
katutubo sa Filipinas.
MGA TAMPOK NA SALITA SA LUZON

IFUGAO

1. Bagol – makapangyarihan o diyos ng mga Ifugao

2. Baltung- “foot stamping”. Isa sa mga porma ng rituwal.

3. Bogwa – rituwal ng mga Ifugao na hinihukay ang bangkay


mula sa libingan, linisin at muling ilibing.

Ang mga nabanggit na salita ay walang katumbas sa


anumang wika sa Pilipinas.

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA LUZON

Kapampangan

1. Luslus – abnormal na paglawlaw ng organo o bahagi nito.


Tagalog (Binangonan)

1. Buraot – (a) taguri sa taong mahilig sumabit kung saan-


saan, at walang pakiaalam kung saan ipapadpad ng
tadhana. (b) tao na mahilig manghingi nang manghingi
ngunit ayaw o bantulot magbigay sa ibang tao.

2. Mambabakaw – mangunguha o manghihingi ng isda o


anumang bagay sa palengke o baybayin.
Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA LUZON

Bikol

1. Gimata – ang lima hanggang anim na araw ng bagong


buwan (new moon). Panahon na sinasamantala ng mga
mangingisda na pumalaot dahil madilim ang paligid ng
dagat.

2. Ilawod – patungo sa laot

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA VISAYAS

Cebuano

1. Katarungan – Mula sa salitang-ugat na tarung na ang ibig


sabihin ay tuwid. Wastong pag-iral ng batas.

2. Larawan – imahen ng isang tao, hayop o anumang bagay


na likha ng pagguhit, potograpiya at iba pa. repelksiyon sa
salamin.

3. Hulagway – pagsasalarawan ng panukalang kaisipan o


damdamin sa isang akda.

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA VISAYAS

Gabay sa pag-ambag ng salita mula sa Cebuano ayon kay


Teresita Gimenez-Maceda:

1. Wala pa UP Diksiyonaryong Filipino

2. Naipasok ang salita pero hindi kinilalang Cebuano o/at


may natatanging kahulugan bukod sa nakasulat.

3. Salitang katumbas ng isang terminong Ingles na madalas


gamitin o hiramin dahil wala pang katumbas sa Filipino

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA VISAYAS

Gabay sa pag-ambag ng salita mula sa Cebuano ayon kay


Teresita Gimenez-Maceda:

4. Salitang madalas nang marinig pero ‘di pa rin naipapasok


sa disiyonaryong Filipino

5. Labas sa sampung salitang iminumungkahi ang ugat na


salita ng ilang terminong matagal nang ginagamit sa Tagalog
at Filipino. (Hal. Katarungan at Larawan)

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA VISAYAS

Hiligaynon
1. Tamawo – nilalang na nakatira sa malalakung puno.
Maaaring kasingkahulugan ng engkanto.

2. Palangga – galing sa salitang angga na ang ibig sabihin ay


petting o fondling na nagpapakita ng pagalalambing
(affection).

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA VISAYAS

Kiniray-a

1. Tigayon – isang pandiwa na ang mga konotasyon nito sa


ingles ay to facilitate, to coordinate, to support, to
implement at to succeed.

2. Biray – ito ay isang fluvial parade, na karaniwang gawain


tuwing Pebrero sa pista.

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA MINDANAO

Magindanawon

1. Halal at Haram – Halal ang tawag sa minamarapat kainin at


gawin ng isang Muslim at Haram naman ang tawag sa
ipinagbabawal na kainin at gawin ng isang Muslim.

2. Malatabat – tumtukoy sa katayuan ng isang mamamayan sa


kanilang pamayanan.

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA MINDANAO

Meranaw

1. Bangsamoro – Mga Muslim sa Pilipinas na binubuo ng 13


etnolingguwistikong grupo ng mga katutubo sa Mindanao
na kinupkop ang Islam bilang paraang ng kanilang
pamumuhay.

2. Malong – isang mahabang damit ng Meranaw na parang


saya o kaya’y parang hugis bariles na bukas sa bahaging
itaas at ibaba.

3. Singkil – Katutubong sayaw ng prinsesang Muslim

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
MGA TAMPOK NA SALITA SA MINDANAO

Tausug

1. Haylaya Puasa – katapusan ng Ramadan

Sanggunian: Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City
Sa pag-aaral nina Marasigan, et al., (2018), inilista
nila ang mga salitang katutubo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa Oriental
Mindoro.

Marasigan, Loida G., Castillo, Glenda C. at Suizo, Christy D. 2018. Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang
Komunikatibo. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1. inakses sa
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf
Marasigan, Loida G., Castillo, Glenda C. at Suizo, Christy D. 2018. Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang
Komunikatibo. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1. inakses sa
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf
Marasigan, Loida G., Castillo, Glenda C. at Suizo, Christy D. 2018. Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang
Komunikatibo. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1. inakses sa
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf
Mayaman ang wikang Filipino sa mga
katutubong salita na magagamit sa paglinang at
pagpapayaman ng ating kultura (Marasigan, et al.,
2018).

Marasigan, Loida G., Castillo, Glenda C. at Suizo, Christy D. 2018. Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang
Komunikatibo. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1. inakses sa
http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf
Ang pambansang wikang tinatawag na
Filipino ay isang kumbinyenteng kasangkapan
para sa pakikipagtalastasan ng mga grupong
etniko. Maaarimg magtungo sa alin mang lugar
sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa
pamamagitan ng wikang ito.

Kung gayon, hindi Tagalog ang


pambansang wika at hindi lang Tagalog ang mga
salitang ginagamit sa pagbuo ng pambansang
wika– ang Filipino.
vakul
GAMIT NG WALONG BAGONG TITIK

Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay


na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag
na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q,
V, X, Z.

Sanggunian: Almario, Vigilio S. 2014. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang Filipino.
GAMIT NG WALONG BAGONG TITIK

Pangunahing gamit ng mga ito ang


pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa
pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong
wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay
napakaimportante upang maigalang ang mga
kahawig na tunog sa mga katutubong wika.
Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang
“Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang
“Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.”

Sanggunian: Almario, Vigilio S. 2014. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang Filipino.
MGA HALIMBAWA

alifuffug (Itawes) ipuipo


safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa
ihipan
feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo
jambangán (Tausug) halaman
masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling
sambahan ng mga Muslim
julúp (Tausug) masamang ugali
avid (Ivatan) ganda
vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo
na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw
kuvat (Ibaloy) digma vuyu (Ibanag) bulalakaw vulan (Itawes) buwan
kazzing (Itawes) kambing zigattu (Ibanag) silangan
Sanggunian: Almario, Vigilio S. 2014. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa Wikang Filipino.
MGA TUNGKULIN NG
KWF
 magbalangkas ng mga patakaran, mga
plano, at mga programa upang matiyak
ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at iba pang
mga wika ng Pilipinas;
 magpalaganap ng mga tuntunin, mga
regulasyon at mga patnubay upang
isakatuparan ang mga patakaran, mga
plano at mga programa nito;
MGA TUNGKULIN NG
KWF
 magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik
at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang
ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa
dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang
mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at
pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng
paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo
o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga
koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na
sa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o
nakasama na sa lingua franca; at
MGA TUNGKULIN NG
KWF
 magpanukala ng mga patnubay at
mga istandard para sa mga anyuing
lingguwistiko at mga ekspresyon sa
lahat ng opisyal na mga
komunikasyon, publikasyon, teksbuk,
at iba pang materyales sa pagbasa
at pagtuturo.
MAHALAGANG
TANONG
Gaano kahalaga ang isang
ahensiyang pangwika sa
isang bansa, lalo na sa
Pilipinas, na may humigit
kumulang 130 wika?
BISYON AT MISYON NG
KWF
Bisyon:
Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran
Misyon:
Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit
ng Filipino bilang wikang pambansa habang
pinangangalagaan ang mga wikang katutubo ng
Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa,
at kaunlaran ng sambayanang Filipino.
ADYENDANG PANGWIKA
NG KWF
1. Pagpapalaganap at
pagpapaunlad ng wikang Filipino

Maiangat ang antas ng kahusayan at


pagpapalaganap sa paggamit ng
wikang Filipino at mga wika ng Filipinas
sa iba’t ibang larang ng karunungan at
sektor ng lipunan
Sanggunian: KWF Medyo Matagalang Plano 2017 – 2020
Panoorin ang videong ito tungkol sa pagtuklas ng Salita ng
Taon na itinataguyod ng KWF upang lalong mapayaman ang
talasalitaang Filipino.

https://www.youtube.com/watch?v=h
lVTpY077iA
MAHALAGANG
TANONG
Paano kaya mapapaunlad
ang mga katutubong wika
sa Pilipinas, gaya ng
pagpapaunlad sa wikang
pambansa?
ADYENDANG PANGWIKA
NG KWF
2. Pagpapaigting at
pagpapalawig ng saliksik

Magsagawa ng pananaliksik sa
wikang Filipino, mga wika ng
Filipinas, at sa iba’t ibang disiplina
Sanggunian: KWF Medyo Matagalang Plano 2017 – 2020
SALIKSIK-WIKA
MAHAHALAGANG TANONG
Kung magsasagawa ka ng
saliksik sa iyong larang, anong
paksa ang nais mong
saliksikin? Posible kaya na ang
buong saliksik na ito ay
maisulat sa Filipino?
Ano ang magiging kaibahan?
KWF MEDYO MATAGALANG
PLANO 2017-2010
3. Pagbuo, pagpapatupad, at
pagsubaybay ng patakarang
pangwika
Bumuo, magpatupad, at magmonitor ng
patakarang pangwika batay sa
malawak na saliksik at ugnayan sa mga
pangunahing kasangkot (stakeholders)

Sanggunian: KWF Medyo Matagalang Plano 2017 – 2020


TUNTUNIN BLG. 4.
PAGBAYBAY NA PASULAT

Sa pangkalahatan,
nasusunod pa rin ang
tutuning:

“Kung ano ang bigkas


ay siyang sulat”
4.9. INGAT SA “SIYOKOY.
Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang
“siyokoy” ni Virgilio S. Almario, mga salitang hindi
Espanyol ay hindi rin Ingles at malimit na bunga ng
kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga
edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang
pananalita. Napansin ito nang iuso ni Rod Navarro sa
programa niya sa radyo ang “konsernado,” na
pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna
ang artistang anawnser dahil “siyokoy” ang Espanyol.
4.9. INGAT SA “SIYOKOY.
Ilang siyokoy ngayon ang “aspeto” na hindi ang Espanyol na
aspecto, “imahe” na hindi ang wastong “imahen’ (imagen),
“pesante” na hindi ang tumpak na paisano ng Espanyol ni ang
peasant ng Ingles, “kontemporaryo” na hindi ang
“kontémporaneó” (contemporaneo) ng Espanyol. Ipinapayo ang
pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang diksiyonaryong Espanyol
bago isalin sa Espanyol ang nais sanang sabihin sa Ingles. O
kayâ, huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung iyon
ang higit na alam: aspect, image, peasant, contemporary. O kayâ,
maaaring higit na maintindihan ng madla kung ang katapat na
salita sa Filipino ang gagamitin: “mukhâ” o “dakò,” “laráwan” o
“hulagwáy,” “magbubukíd” o “magsasaká” “kapanahón” o
“nápápanahón.”
PILIPINAS O FILIPINAS?

BAGUIO CITY – Walang binabago sa baybay ng Filipinas


kundi ibinabalik ang dati at sinusunod ang batas na ginawa
noong 1987 sa bagong alpabetong Filipino.
Ito ang buod ng pahayag ng Tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) at pambansang alagad ng sining na si
Ginoong Virgilio Almario, bilang paglilinaw sa sinasabing
pagbabago ng spelling ng ‘Filipinas’ sa pagbubukas ng unang
Pambansang Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Wikang
Filipino sa Teacher’s Camp, Baguio City kahapon.
Mula sa nakagawiang Pilipinas, layunin ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) na maibalik sa orihinal nitong
ispeling ang pangalan ng bansa.
PILIPINAS O FILIPINAS?
Ani Almario, ang Pilipinas ay ibinatay sa lumang
alpabeto ng bansa, ang Abakada, na inalis sa
sistema noong 1987.
Filipinas ang tunay na pangalan ng bansa, ayon
kay Almario, dahil Las Islas Filipinas ang
ipinangalan ng mga Kastila noong ika-14 siglo.
Dagdag ni Almario, ang Filipinas ay nakabatay sa
makabagong alpabeto ng Filipino na binubuo ng
28 titik. Giit niya, ang mga titik na F at V ay ilan
sa mga letrang dati nang ginagamit ng mga
katutubong tulad ng Mëranaw at Ivatan.
PILIPINAS O FILIPINAS?

Suportado rin ng mga katutubo ang “Filipinas”


sapagkat gusto nilang makilahok sa “nation-
building.”
Upang maiwasan ang pagkalito, Filipino ang
opisyal na itatawag sa mga Pilipino, babae
man o lalaki, at ang Filipinas ang tanging
gagamiting pantawag sa bansa.

Sanggunian: http://kwf.gov.ph/filipinas-di-pilipinas-almario-ituwid-ang-kasaysayan/
Panoorin ang video tungkol sa ilulunsad na app na
Spell Checker ng KWF.

https://www.youtube.com/watch?v=
Kl1x4x_dPuE
MAHALAGANG
TANONG
Sang-ayon ka ba na gawing
estandardisado ang paraan
ng pagsulat sa Filipino?
MAHALAGANG
TANONG
Paano ka makakapag-
ambag sa pagtataguyod
at pagpapalakas ng
pamamahala ng wikang
pambansa?
Mga Sanggunian:

Mendoza, Lily S. 2001. Katutubo. Mga Pangunahing Konsepto sa Dayalogong


Interkultural. Key Concepts in Intercultural Dialogue, No. 31

KWF Medyo Matagalang Plano 2017 – 2020

Marasigan, Loida G., Castillo, Glenda C. at Suizo, Christy D. 2018. Katutubong Salita:
Tuon sa Kasanayang Komunikatibo. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary
Research, Vol. 7, No. 1. inakses sa http://www.apjmr.com/wp-
content/uploads/2019/03/APJMR-2019-7.1.05.pdf
Santos, Benilda S (Pat.). 2003. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa.
Unang sourcebook ng SANGFIL 1994-2001.

Almario, Vigilio S. 2014. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon sa
Wikang Filipino.

Zafra, Galileo S. 2010. Ambagan. University of the Philippines Press. Quezon City

http://kwf.gov.ph/filipinas-di-pilipinas-almario-ituwid-ang-kasaysayan/

You might also like