You are on page 1of 57

FILDIS |1

YUNIT 1

Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na


Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

Ang wikang pambansa ay may malaking ginagampanan sa ating bansa. Ito ay isang instrumento
na ginagamit natin upang magkaroon ng malawakang pagkakaunawaan sa ating bansa. Sa pamamagitan
nito ay nagkakaisa tayo dahil sa iisang wika. Sa yunit na ito, pag-aaralan ang kasaysayan ng wikang
pambansa at paano ito nahuhubog para gamitin ng mga Pilipino. Layunin nitong bigyan ng kaalaman ang
mga mag-aaral sa wikang pambansa at ang halaga nito sa atin.

Inaasahang matutunan sa Yunit:

1. Malaman ang pinagmulan ng wika sa bansa at paano tayo ito umunlad.


2. Mabigyang halaga ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na gawain.
3. Makapagsagawa ng Survey sa patungkol sa wika at kalagayan ng wikang pambansa.

MODYUL 1

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Kinukunikta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang
kultura at mga tradisyon. Maaring mawala ang matatandang henerasyon subalit sa pamamagitan ng wika
ay naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga
plano o adhikain sa hinaharap. - Masasabi kung gayun na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa
mga aspektong intelekwal, sikolohikal at kultural. - Barker,Barker(1993)

Inaasahang matutuhan sa modyul:

1. Malaman ang kasaysayan ng wikang pambansa.


2. Mabigyang halaga ang wika sa aspektong kultural at intelektwal.

Pagpapahalagang Moral:

“Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang
wika.”

Input:

Mahigit sa 7,000 mga isla ang


bumubuo sa Pilipinas na may iba’t ibang wika
na may bilang na 109. Binubuo ito ng iba’t
ibang grupong etnolinggwistiko na
pinangungunahan ng Cebuano, Tagalog,
Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Waray,
Kapangpangan at Pangasinense na sumasakop
sa 90 % ng bansa. - McFarland(1992)

May higit na 500 mga wika at dayalekto


ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng iba’t
FILDIS |2

ibang etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon na may kani-kanilang wikang sinasalita. -
Consatantino(1992)

“…Education in its true sense was open only to the child of the Spaniards, mestizos, and affluent natives
among whom the Spanish language was used as a medium of instruction. The few institutions of higher
learning received the greatest attention since they were established to meet the demand for the proper
schooling of the children of the Spaniards.” -Bernabe(1987)

Sa panahon ng mga Kastila lalong nagkawatakwatak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at
nasakop ng mga dayuhan at mga katutubo. Ang mga prayle ang
nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo; ang
naturang wika ang ginamit ng mga prayleng kastila sa pakikipag
ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino -
Magracia at Santos(1988).

Makamasa naman ang edukasyon sa panahon pananakop ng mga Amerikano. Dahilan ito para
maging lubhang popular ang wikang Ingles kaysa sa wikang kastila. “In less than three weeks after the
American forces the had occupied Manila… seven schools had already reopened with American soldiers
to teach English…” -Bernabe(1987)

Pinalawak nila ang pagpapagamit ng wikang Ingles sa larangan ng edukasyon na labis namang
ikinasiya ng mga pilipino. At bilang bahagi ng programang pagpapalaganap ng wikang Ingles ay
nagpadala ang gobyernong Amerikano ng mga estudyanting Pilipino sa Amerika upang hasain sa Ingles
kasabay naman ng pag-aayos ng kurikulum para sa pagpapabuti ng pag-aaral ng wikang Ingles. Subalit
ang mga paksang pinag aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano-ang kanilang kasaysayan,
literatura, kultura, ekonomiya at politika. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng
mga katutubong mamamayan na namana at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang
henerasyon.

Sa panahon ng Komonwelt, sa pangunguna ni Pres. Manuel L. Quezon, ay nagsimula ang


pormal na kasaysayan ng paghahangad ng bansa ng isan wika…magsisilbing behikulo ng
pagkakaunawaan para sa pambansang pagkakaisa noong 1935  1935 Konstitusyon, Art.XIV, Sek.3:
-“Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungosa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang
katutubo…”

1935 Konstitusyon, Art.XIV, Sek.3: -“Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungosa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo…”  Bilang pagsunod sa probisyong nabanggit ay
FILDIS |3

pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP na ngayoy
Komisyon sa Wikang Filipino o KWF)

 Jaime C. de Veyra Bilang Chairman ng Surian ng Wikang Pambansa mula Samar, Leyte
 Filimon Sotto Cebu Casimiro F. Perfecto Bicol
 Hadji Butu Muslim Cecilio Lopez Tagalog
 Santiago Fonacier Ilocano Felix S. Sales Rodriguez Panay

Sila ay bumuo ng sumusunod na KRAYTERYA: 1. may maunlad na istruktura, mekaniks at


nakalimbag na literatura; 2. Naiintindihan at ginagamit ng nakararaming bilang ng mga Pilipino - Lumabas
sa pag- aaral na ang wikang Tagalog ang nakatugon sa karayteryang nabuo. - Tinanggap at ginamit ng
mga pilipino ang Tagalog bilang sapagkat ito ang wika na gamit sa Maynila na sentro ng gobyerno.

Naghari sa damdamin ng mga di-tagalog ang rehiyonalismo. Nakadarama sila ng damdaming


kakulangan, na sila’y kinokolonya o napasailalim ng mga Tagalog. Matindi anf nadarama nilang
“oposisyong sikolohikal”… - Hembrador(1974)  Sa ginanap na 1971 Kommbensyonsyong
Konstitusyonal, bilang tugon sa nangyayaring digmaang pangwika  Inalis ang wikang “Pilippino” at
pinalitan ng wikang “Filipino.”

Sa final na draft ng Konstitusyon, lumabas ang Ingles at Filipino bilang mga wikang Opisyal.
Ganito ang isinaad sa probisyong pangwika sa 1973 Konstitusyon; -Art. XIV, Sek. 3 “Ang pambansang
asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng
isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging FILIPINO.”

Naganap sa Pilipnas ang isang pagbabagong historikal na resulta ng Rebulosyong EDSA noong
Pebrero, 1986. • Sa naaprubahang 1987 Konstitusyon ay nagkaroon ng pagbabago sa probisyong
pangwika kung saan kinikilala ang wikang FILIPINO bilang wikang pambansa;

Ganito ang isinasaad sa Art. XIV, Sek.6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Isinasaad parin sa Konstitusyon na dapat suportahan ng pamahalaan ang puspusang


pagtaguyod at paggamit ng Filipino bilag midyum ng opisyal na komunikasyon... - Art. IV, Sek. 7 “Ukol sa
mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Fiipino at haggat
walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wika sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon.” Ipinapakita lang nito na ang
pambansang wika ay nagdaan sa tatlong ebolusyon.

Pagkaka-iba ng “P” at “F” “Ang Filipino ay liberalized variety of Pilipino. Liberal ang pagtanggap
nito ng mga salitang katutubo o dayuhan man para ganap itong maging buhay at dinamikong wika na
natural na ginagamit sa pag- uusap at maging sa pagsulat. Hindi lamang ito linggwa franka sa ka-
Maynilaan kundi sa buong Pilipinas.” -Penida(1996) -samantalang ang Pilipino ay purong “Tagalog”.

Mula sa inilahad na maikling kasaysayan ng wikang pambansa, ang depinisyon ng KWF ay


maaaring hatiin sa Apat;

1. Ang Fiilipino bilang linggwa franka, ay tumutulong sa mga taong nagmula sa iba’t ibang
rehiyon na magkaunawaan at makapag-ugnayan.
2. Ginagamit ito sa pulitika, kultura at lipunan. Dinedevelop at ginagamiit ito bilang simbolo ng
pambansang pagkakaisa. – Holmes
3. Ang wikang Filipino bilang wikang opisyal ay higit na nauunawaan ng mga Pilipino sa mga
opisyal sa talakayan at oipsyal na talakayan at opisyal na transaksyon.
FILDIS |4

4. Bilang opisyal na wika, itinuturo at ginagamit bilang wikang panturo ang Filipino. Sa ilalim ng
Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987, isinasaad na ang paggamit ng Filipino bilang
wika ng literasi.

Marami nang paraan ang ginagawa upang madevelop ang wikang pambansa. Ang ilan sa mga
ito ay;

1. Pagsasabatas at Pagsunod sa Batas Tungkol sa Wika -ang pormal na mga hakbang sa


pagdevelop ng wikang pangbansa ay nagsimula ng isaad sa 1935 Konstitusyon na –ang
Konggreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pangbansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. sa pamamagitan ng mga
seminar at mga konferensyang pangwika lalong nadedevelop ang Filipino sa tulong ng mga
bagong kaalaman na nagpapalawak sa pag-unawa ng mga kalahok sa kanilang tungkulin.
2. Magiging modernisado at intelikwalisado ang Wikang Filipino kung gagamitin ito sa iba’t
ibang domeyn ng Wika- gobyerno, kalakalan, edukasyon, propesyon, at mas ayon sa KWF,
ang Filipino bilang wikang buhay ay dumaraan sa proseso ng pagdevelop sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga Wika sa Pilipinas at sa mga banyagang Wika.
3. Ang pagbabago at pagreforma ay nakabatay sa pangangailangan ng lipunan at sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa lipunan. Makatutulong ito sa istandardisasyon ng Wikang
Filipino.Ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga mamayang Pilipino sa isa’t isa.

Gawain:

Panuto: Magsagawa ng survey o pakikinayam sa 5 persona sa kalagayan ng wika at kung gaano


ito kahalaga para sa atin.

Pagsusulit:

I. Panuto: Ibigay ang mga hinihiling na sagot sa bawat aytem. Isulat sa inyong papel ang sagot.
1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”
a. Manuel L. Quezon
b. Manuel T. Quezon
c. Manuel C. Quezon
d. Manuel E. Quezon
2. Ilang salita ang ginagamit natin mula sa wikang Ingles?
a. 3,500 c. 3,200
b. 5,000 d. 1,500
3. Sa ilalim ng Batas Komonwelt blg. 184, itinatag ni Pangulong Manuel ang kalipunang ito upang
magsaliksik sa pagpili ng ating wikang Pambansa.
a. Surian ng Wikang Pilipino
b. Surian ng Wikang Pambansa
c. Surian ng Wikang Filipino
d. Komisyon ng Wikang Pambansa
4. Siya ang napiling tagapangulo ng institusyong itinatag ng Batas Komonwelt Blg.184.
a. Jayme C. de Verya
b. Jayme C. de Veyra
c. Virgilio Almario
d. Jaime C. de Veyra
5. Anong wikang hindi napapabilang sa wikang Malayo-Indonesia?
a. Kawi c. Haganes
b. Persano d. Aprika
FILDIS |5

6. Sinong Kalihim ang nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad n na


kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang Salitang Pilipino ang gagamitin.
a. Jose E. Romero c. Jose C. Romero
b. Jose L. Romero d. Jose P. Romero
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan kung bakit Tagalog ang napiling
batayan ng wika.
a. Mas medaling matutuhan ang tagalog kumpara sa ibang wikain.
b. Ang wikang tagalog ay may historical na basehan sapagkat ito ang wikang ginagamit sa
pananakop na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
c. Mas marami ang nakapagsasalita.
d. May mga panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog.
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa walong pangunahing wika sa Pilipinas.
a. Waray
b. Bisaya
c. Panganseninse
d. Ilonggo
9. Sa anong batas nakasaad na “Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungosa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga wikang pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
a. Artikulo XIV, Sek. 6, 1935
b. Artikulo XIV, Sek. 3, 1935
c. Artikulo XIV, Sek. 6, 1937
d. Artikulo XV, Sek. 2 at 3, 2935
10. Sa anong batas isinasaad na “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
a. Artikulo XIV, Sek. 6, 1986
b. Artikulo XIV, Sek. 3, 1986
c. Artikulo XIV, Sek. 6, 1997
d. Artikulo XV, Sek. 2 at 3
11. Minana natin mula sa mga Amerikano.
a. Relihiyon c. Wika at Edukasyon
b. Kasuotan d. Negosyo
12. Sa Pahayag ni Pang. Marcos sa kanyang talumpati sa Pansiyam na Pambansang Gawain-
Kapulungan sa Pilipinas, saan gagamitin ang Wikang Pilipino?
a. Sa Pakikipagkalakalan
b. Sa Pandaigdigang usapin
c. Sa pambansang pangangailangan
d. Sa Television
13. Ang Kastila ay nahahati sa dalawang wika na pinag-ugatan nito. Ano ang dalawang wikang ito?
a. Aleman at Pranses
b. Griyego at Hebreo
c. Latin at Pranses
d. Latin at Griyego
14. Bakit iilang Pilipino lamang ang nakakaunawa ng wikang kastila sa panahon ng mga espanyol sa
Pilipinas?
a. Dahil di lahat ng mga Pilipino ay nakapag-aral sa pagsasalita ng Wikang Kastila
b. Dahil ang mga Pilipino noon ay mga mangmang
c. Dahil ang mga paninindigan sa sariling wika
d. Wala sa nabanggit
15. Ito ang tawag sa paglinang ng wika sa antas ng Akademiko at sa iba pang mga Larangan.
a. Intelektwalisasyon
b. Lingua Franca
c. Mother Tongue
FILDIS |6

d. Bilingual

II. Paglalahad: (16-25)

Paano ka makakatulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino?

Modyul 2

Filipino sa iba’t ibang Disiplina

Ang pagtatalakay na ito ay nakatuon sa pangunahing hakbang o pagsasaalang sa pagsasaliksik


at mga pag-aaral. Isinasaalang din ang mga dapat na paghahanda lalo na sa pagbuo ng paksa. Kabilang
na rin dito ang pagsasaling wika at ang mga gamit ng salita sa iba pang larangan. Layunin nitong
maihanda ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng iba’t ibang pag-aaral.

Inaasahang matutuhan sa modyul:

1. Makabuo ng isang Paksa sa Pananaliksik.


2. Makapagsalin ng mga salita at pangungusap.
3. Matukoy kung saang larangan nabibilang ang mga salita.

Pagpapahalagang Moral:

“Magsalik na may paghahanda at may sapat na kaalaman.”

Input:

Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik

Hanguan ng paksa

 Sarili- karanasan, napakinggan, nabasa, napag-aralan at natutuhan.


 Dyaryo at Magazine- mga Kulom, entertainment, bisnes, isports at mga balita,
 Radyo, TV, CABLE TV- mga Programa
 Awtoridad, Kaibigan at mga guro-
 Internet

Paglilimita ng Paksa
 Panahon- hal. Karapatan ng mga Pilipino sa Panahon ng bagong lipunan.
 Edad- mga batang imbentor sa edad 13-17
 Kasarian- papel ng mga kababaihan sa NGO
 Perspektib - epekto ng globalissasyon sa espirituwal na pamumuhay ng mga Pilipino
 Lugar – mga naiibang tradisyon sa Kabankalan City
 Propesyon o Grupo- pag-aaral ng wika ng mga baklang parlorista
 Anyo o uri- persepyon ng mga kababaihan sa larangan ng Panulaang Ilokano
 partikular na kaso- halimbawa: epektong pangkapaligiran sa mga beach resort sa pilipinas:
kaso ng Puerto Galera.
 Kumbinasyon- akademikong perpormans ng mga batang nagtitinda sa Kabankalan National
High School
Mga hakbang sa pagbuo ng paksa
- Alamin ang paksa. Mahalaga sa pagbuo ng paksa ay alam mo kung ano ang iyong gustong
bigyan ng pansin at pag-aaral. Tiyaking ito ay napapanahon.
FILDIS |7

Halimbawa: Epekto ng Social Media


- Hatiin ang nabuong paksa sa ispisipikong pagsusuri. Pagnakabuo ng isang paksa, mas
mabuting alamin kung ano yung dapat na suriin upang hindi malito o mahirapan. May mga
paksa kasi na generalize at mahihirapan ito sa pagkalap ng datos.
Halimbawa:
Nabuong paksa- Epekto ng Social Media
Nahating paksa-
 Paano nakaapekto ang social media sa akademikong perpormans ng mga Grade
10
 Iba’t ibang epekto ng social media sa relasyon ng pamilya
 Epekto ng social media sa kaugalian ng grade 10.
 Social Media: epekto sa kasanayang pagsulat ng Grade 10

- Pagpili ng ispisipikong paksa.


- Bumuo ng mga tanong para sa isasagawang pananaliksik. Layunin nitong masuhayan at
hindi malihis sa paksang pag-aaral. Mahalaga sa hakbang na ito na bumuo ng tanong na
naaayon lamang sa paksang pag-aaralan.
- Tasahin ang paksa. Sa bahaging ito ay nililinaw kung ano ang pagpupukusan at saklaw ng
pag-aaral.
Halimbawa, ang paksang napili ay Social Media: epekto sa kasanayang pagsulat ng Grade
10. Ang nais na saklawin sa pag-aaral na ito ay alamin ang kasanayang pagsulat ng Grade
10 na mag-aaral sa pagbabaybay, pagbuo ng pangungusap at paggamit ng bantas.

Haguan ng datos
Primary- indibidwa, awtoridad, grupo, pamilya, asosayon at iba pa.
Sekundarya- aklat, diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat, almanac at atlas.
Elektroniko- kompyuter, URL (Uniform Resource Locator), E-mail at iba pa.

Gawain 1:

Panuto: magsagawa ng isang maikling pananaliksik. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:
1. Bumuo ng isang paksa at alamin kung anong pinagbatayan mo sa pagbuo nito. Sundin ang mga
hakbang sa pagbuo ng paksa.
2. kinakailangang nakaayos at ilimita ang paksa.

Pagsasalin-wika

W1 - uri ng pagsasalin - salin


If i were in your shoes - idyomatikong salin - kung ako ikaw
- Literal - kung akoy nasa
iyong sapatos

Democacy - literal - demokrasya

Feedback - lubhang malaya - bumalik na ingay

Katumbas ng salitang bata sa ingles: Follower, Child, Lover, Protégée, Mistress, Right hand

Tuntunin sa panghihiram

Paraan I – isalin muna sa kastila bago baybayin sa Filipino


Ingles - espanyol - Filipino
Cemetery cementerio sementeryo
FILDIS |8

Paraan II- pareho ang pagkabigkas, nag-iba ang baybay sa Filipino


Ingles - Filipino
Truck trak

Paraan III- kung ano ang bigkas at spelling ay ganon pa rin ang paggamit sa Filipino
Gamma Ray - gamma ray
Oxygen - oxygen

Paraan IV- pwedeng maglapi ng mga salitang Ingles ngunit lagyan ng Gitling
Ma-develop nag-fe-facebook

Filipino sa iba’t ibang disiplina

Tatlong pangunahing Disiplina


1. Humanidades (humanities) : wika, panitikan, pilosopiya, telohiya, pinong sining, arkitektura,
teatro, sining, musika.
2. Agham Panlipunan (Social Science): sosyal oryentasyon, sosyolohiya, negosyo, ekonomiks,
arkeolohiya, abogasya, kasaysayan, agham pulitika, sikolohiya, paglilingkod panlipunan, antropolohiya,
edukasyon.
3. Agham pisikal (social Science): exact Science, Matematika, Biological Science, agrikultura,
medisina, astronomiya, inhinyera, pisika, kemistri, pangungubat, botanika, soolohiya, soolohiya,
heolohiya.

Salita larangan Kahulugan


Composition Musika piyesa o awit
Komposisyon lenggwahe sulatin
Sayans pinagsama-
samang element

Strike Isports nasapol, termino sa bowling


Istrayk paggawa welga
Lenggwahe hambalusin, hampasin

Operation Paggawa pagpapalakad ng makina


Operasyon medisina pagtitis
Kalakalan pamamahala
Military pagsasakatuparan ng isang
plano

Authority batas tuntunin o kapasyahan


Awtoriti sosyolohiya tao o pangkat na may karapatan
Kapangyarihan
Literature dalubhasa dahil sa likha
Edukasyon dalubhasa sa paksa o sangay ng
Karungungan
Military taong may katungkulan sa
military
Politika taong may kapangyarihan sa
pamahalaan

Order Relihiyon orden


Lenggwahe pagkakaayos o pagkakasunod-sunod
Batas pagtupad sa kautusan o tuntunin

Gawain 2:
FILDIS |9

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang salin ng pahayag na “If i were in your shoes” sa idyomatikong salin nito sa Filipino?
2. Ano ang salin ng “Fall-in-line” sa literal na pagsasalin?
3. Ano ang salin ng “Fall-in-line” sa lubhang malaya?
4-5. Magbigay ng dalawang salin sa englis ng salitang babae?
6. Ibigay ang tamang pagsasalin ng salita “I Love You”.
7. Autority- _____________-tao o pangkat na may karapatan o Kapangyarihan
8. Operation-_______________- Pagtitis
9.Composition- musika- _____________
10. Strike- sports- __________________

Yunit 2

Filipino sa larangan ng Humanedades, agham panlipunan o kasaysayan at likas na agham

Layunin sa yunit na ito na pag-aralan at alamin ang kahalagahan at ginagampanan ng Filipino sa


Lararangan ng Humanedades, Agham Panlipunan at Likas na Agham.

Inaasahang Layunin sa Yunit:

1. Malaman ang kahulugan ng tatlong laranagn, ang Humanedades, Agham Panlipunan at Likas na
Agham.

2. Matukoy ang halaga ng Humanedades, Agham Panlipunan at Likas na Agham.

3. Matukoy ang pagkakaiba ng Humanedades, Agham Panlipunan at Likas na Agham.

Pagpapahalagang Moral:

“Ang wika ay makapangyarihan upang pagalawin ang isipan at paniniwala ng isang tao kahit
saan mang larangan.”

Input:

Humanedades

Katotohanan,
Kagandahan,
Pag-ibig, Pagkapantay-pantay ay apat na pundasyon ng larangan humanedades. Ang humanidades
o humanities ay nakasentro sa mga damdamin, paniniwala at kaisipang basal o abstrak na nagtutulak
sa taong maging tao (being to become human). Hindi gaanong nagpapahahlag sa mga
eksperimentasyon, pagtuklas, pananaliksik at evalwasyon. Mas madiin sa katarungan, pagkakaisa,
kalayaan at pagmamahalan.

Kabilang sa mga larangan ng espesyalisasyon ng humanidades ay ang sumusunod:


FILDIS |10

 Wika: batayan at instrumento ng pakikiipagkapwa


 Literatura: ang sining ng malayang kaisipan
 Pilosopiya at teolohiya: nangangalaga sa ispiritwal at katwiran
 Teatro at musika: himig at galaw ng malikhaing hiraya
 Sining at arkitektura: ang tiyak at nahahawakang representasyon ng apat na batayang
pantao.
Para sa nananlig ng disiplinang ito, ang buhay ay hindi lamang puti at itim, kundi
kalaydeskopyo ng malikhain at mayamang imahinasyon at guni-guni. Kabilang sa mga ganitong
uri ang maikling kwento, drama at nobela, mga tulang liriko, pandulaan at pasalaysay, mga awit,
at himno. Ang mga pelikulang nagnanais na mang-aliw at magbigay aral ay kabilang rin sa
ganitong anyo. Ito ang kinikilala bilang akdang fiksyon o fiksyunal.

Gawain1: Bumuo ng isang tula at sariling paksa.

Krayterya:

Mensahe 40

Emosyon 40

Kaayusan 20

Kabuuan 100

Agham panlipunan at kasaysayan

Pundasyon ng disiplinang ito ang mga pangyayari na naging susi sa pagiging tao sa
kasalukuyan. Mahalaga ang oryentasyong sosyal o pakikipagkapwa-tao at ang relasyong mutwal
ng bawat organismong nabubuhay sa mundo.

Mahalaga ang “origin” o pinagmulan, ang pamumuhay at ang mga tuntuning nagiging batayan sa
Pamamaraan ng eksistens.

Mga larangan:

 Sosyolohiya: pag-aaral at klasipikasyon ng tao sa lipunan.


 Sikolohiya: agham pangkaisipan o mental
 Pagnenegosyo
 Pagbabatas
 Arkeolohiya
 Kasaysayan sa agham panlipunan

Non-fiksyon ang mga akda nasusulat at gumagamit din mga idyomatikong pahayag o tayutay.
Halimbawa nito ay, “Don’t do unto others if you don’t want others do unto you.” -Confucius

Mga akda
• Evolution of man- Charles Darwin
• Big bang theory
• Teorya ukol sa pagkawala ng dinosaur

Likas na agham

Katulad ng disiplinang Agham Panlipunan, faktwal ang mga kaisipang nakapaloob sa likas na
agham. Mga non-fiksyunal ang mga akdang nasusulat sapagkat nakalaan ang pagkatuto sa aplikasyon
ng mga teorya at pang-agham na pag-aaral. Kadalasang naglalahad, nangangatwiran o naglalarawan
ang akadang nasusulat sa larangang sakop nito tulad ng Matematika, medidina, agrikultura, inhinyero,
kompyuter sayan at iba pang pisikal na agham.
FILDIS |11

Kahulugan sa bawat larangan

Paaraan ng pasusuri
humanedades Agham panlipunan at Likas na agham
kasaysayan

terminolohiya Hindi mayaman sa mga Applikasyon ng bawat mga kombensyunal,


pananalita o katawagang salita ay nakasalalay sa makabago at
teknikal. larangang pinaggagamitan napapanahon.

Pangunahing ideya Nakatuon sa paksa, Teorya ang kaisipang Ang mga simulain at
kaisipan o ideya. kinaiikutan ng mga akda at teoryang kadalasang
kung paano ito hinahanapan ng
mapapatunayan pagpapatunay at
pagsusuri ay
ipinapalagay at
tinatanaw bilang
katotohanan.

Pagbuo ng teksto Paglalahad batay sa Ang mga akda ay Kronolohikal at lohikal


panahon, anyo uri ng nakaayos na papaksa na nangangahulugan
literature, tema at (topical), kung saan iniisa- na ang pag-aaral at
relihiyon isa ang mga katangian, pagbabasa ay simula
kahalagahan, positibo at sa unang hakbang
negatibo ng mga paksa. patungo sa
kasukdulan
Gumagamit ng Pinapagalaw ang mga Gumagamit ito ng mga Gaya ng agham
grapikong guni-guni at naeehersisyo tsart, grap, ilustrasyon, panlipunan,
representasyon ang isip. dayagram at iba pa. Gumagamit ito ng mga
tsart, grap, ilustrasyon,
dayagram at iba pa
iskemata Maunawaan at Kamulatan at pagkabatid Ang kabatiran at
maipakahulugan ang mga ang dapat kamulatan ng pagkaunawa ay
akda isang mambabasa. lubhang mahalaga
upang matukoy ang
pakahulugan sa mga
ekwasyon at grafikong
tala.
pagsusulit • Pakahulugan, • Multiple choice • Multiple
Interpretasyon, • Fill-in-the blank choice
halaw, buod, • pagsasanaysay • Fill-in-the
lagon at blank
pagsasagawa o • paglalabel
pagsasadula

Gawain:

Panuto: Punan ang mga hihihinging sagot sa loob ng talahanayan. Isulat ang kahulugan ng
bawat laranagn at kahalagahan.
FILDIS |12

Larangan Kahulugan Kahalagahan

Humanedades

Agham Panlipunan

Likas na Agham

Gawain 2:

Panuto: Sa Loob ng Venn Diagram ay alamin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tatlong


Larangan (Humanedades, Agham Panlipunan at Likas na Agham ).
FILDIS |13

YUNIT 3

Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino


Ang pagsasagwa ng pananaliksik ay kinakailangan ng matibay na kaalaman sa mga iba’t ibang
teorya at mga pag-aaral. Sa yunit na ito ay tatalakayin ang mga iba’t paniniwala at teorya na may
malaking impluwensya sa takbo ng lipunan at sa kaisipan ng tao. Layunin nito na maalaman ng mga
mag-aaral ang mga iba’t ibang teorya na makakatulong sa kanilang dagdag na kaalaman lalo na sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Ninanais din sa yunit na ito na makapagsaliksik at makabuo ng sariling
pananaw at ideya hingil sa mga teoryang pag-aaralan.

Inaasahang matutuhan sa Yunit:

1. Magkaroon ng kaalaman sa mga iba’t ibang teorya.


2. Makabuo ng sariling Pananaw.
3. Maibigyang repleksyon ang mga teorya sa realidad.

Modyul 1

Nasyunalismo sa Pilipinas

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas ay hindi nawawala ang kaisipang nasyunalismo sa


isipan ng iilang Pilipino. Kahit nahaluan na ng mga banyagang kaugalian ay nanatili ang kaisipang ito.
Ang pagtatalakay sa nasyunalismo ay isang mahalagang hakbang upang ang mga mag-aaral ay
mabigyan ng kaalaman at diwa sa pagiging makabayan.

Inaasahang matutuhan sa modyul:

1. Makabuo ng pananaw sa kaisipang nasyunalismo sa bansa.


2. Makapagbigay ng mga halimbaya ng mga kilalang tao sa kasaysayan at kasalukuyan na may
malaking ambang sa nasyunalismo.

Pagpapahalagang Moral:

"Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"

Input:
Nasyonalismo sa Pilipinas

Nasyonalismo – Ito ay ang Katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupang


sinilangan. Mula dito, naghangad ang mga Pilipino na makalaya sa mapang-abusong kamay ng mga
Espanyol.

Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas

1. Pag-usbong ng Gitnang Uri sa


Lipunan – Tinatawag din sila bilang
“Clase Media”; sila ay mga taong
naging may-kaya dahil sa pag-unlad ng
ekonomiya dala ng mga pagbabago sa
agrikultura at komersiyo. Sila ang
bumubuo sa principalia ng bawat bayan.
Ito ay sobrang naramdaman sa iba’t-
ibang lugar sa Kamaynilaan, lalo na sa
Intramuros. Ang Intramuros ang naging
FILDIS |14

politico-religious center ng Spanish enclave sa Pilipinas. Ang Binondo, Manila ang naging kilala naman
sa pagiging pinakamalaking sektor-negosyo (business sector) sa Manila.

2. Pagbubukas ng Suez Canal noong 1869 –


Ang pagbubukas ng Suez Canal, sa bansang
Egypt, noong Nobyembre 17, 1869 ay ang
nagbigay-daan sa pakikipag-kalakalan ng
Espanya at ng Pilipinas nang direkta. Ito ay
nagbunga ng mas maraming tao ang naging
Mayaman. Dahil din dito, pumasok din ang iba’t-
ibang ideyolohiya o kaisipan na nanggaling sa
iba’t-ibang bansa. Naimpluwensiyahan ang mga
Pilipino sa iba’t-ibang ideyolohiyang ito.

3. Paglakas ng mga Ilustrado – Ang mga Ilustrado ang


tawag sa mga may-kayang tao noong Panahon ng mga
Espanyol. Noong ika-19 na siglo, ang mga Ilustrado ay
unti-unting lumalakas ang kanilang impluwensiya at
nalalaman na nila ang iba’t-ibang kamalian sa
pamumuno ng mga Espanyol.

Mga Ilustrado sa Espanya


Sila ang naging instrumento sa pag-usbong ng
damdaming Nasyonalismo sa Pilipinas.
• GomBurZa – Ang GomBurZa ay tatlong paring Pilipino (Mariano Gomez, Jose Burgos at
Jacinto Zamora) na pinatay gamit ang paraan ng garote noong Pebrero 17, 1882 sa Bagumbayan
(ngayo’y Luneta) dahil sa pag-aakusa sa kanila na may kinalaman sila sa pag-aaklas sa Cavite.

• Kilusang Propaganda – Ito ay ang Katawagan sa panahon kung saan Gumagamit ng paraan ng
pagpapakalat o paggawa ng propaganda ang mga Pilipino upang mapagbigay-alam ang kanilang
damdaming Nasyonalismo at ang pagnanais nilang makalaya sa kamay ng Espanyol.
GOMBURZA,1882
Mga Layunin ng Kilusang Propaganda:
1. Representasyon ng mga Pilipino sa Spanish Cortes
2. Sekularisasyon ng mga clergy
3. Pantay na oportunidad para sa mga Pilipino at mga Espanyol para makapasok sa serbisyong
pamahalaan.
4. Abolisyon ng Polo y Servicio at Bandala

• Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Jose


Rizal) – Siya ang tinaguriang “Ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas”. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa may
Calamba, Laguna. Siya ay naging tagapagtatag ng kilusang “La
Liga Filipina” noong 1892 at kilalang miyembro ng Kilusang
Propaganda. Ngunit sa pag-aakusa sa kanya na may kinalaman
siya sa kilusang Katipunan, siya ay inaresto at pinapatay sa
pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan noong
Disyembre 30, 1896. Ang Noli Me Tangere at El Filibustero ay
ang dalawang akdang naging ambang ni Rizal sa
Nasyonalismo. Naging sandata ito upang tuligsain ang
katiwaliang nagaganap sa bansa. Ang dalawang akdang
nabanggit ay naging suhay sa mga mamamayang Pilipino
upang pukawin ang damdaming makabansa.
FILDIS |15

Dr. Jose P. Rizal


• Katipunan (KKK) – Ito ay ang samahang pang-
himagsikan na binuo noong Hulyo 7, 1892 sa may
Azcarraga Street (ngayo’y Claro M. Recto Avenue)
sa may Tondo. Ito ay pinuntahan nina Deodato
Arellano, Andres Bonifacio, Valentin Diaz, atbp.

Mga Layunin ng Katipunan:


1. Pagkahiwalay ng Pilipinas sa Espanya
2. Pagtuturo ng mga magagandang asal at moral
3. Tulungan ang mga mahihirap at ang mga taong
kailangan ng tulong
4. Pagtatag ng isang Republika pagkatapos
makalaya sa kamay ng Espanyol

• Andres Bonifacio y de Castro (Andres Bonifacio) – Siya ang tinaguriang “Ama ng Rebolusyong
Pilipino”. Kinikilala rin siya ng ibang historyador bilang unang presidente ng Pilipinas. Siya rin ang naging
pinakakilalang Supremo o Presidente ng Katipunan. Siya rin ay isang kasapi ng kilusang Freemason.

Gawain
May epekto ba ang nasyunalismo sa bansa sa kasalukuyan? Magbigay ng mga halimbawa at
ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________.

Output:
Sa Loob ng kahn ay gumuhit ng larawan ng isang bayani na may malaking kontribusyon sa
nasyunalismo. Ilahad kung ano ang kanyang nagawa para kilalaning isang nasyunalista.

Modyul 2

Globalisasyon at Dependensya
FILDIS |16

Ang paksang ito ay naglalayong alamin ang pagkakaiba at ano ang epekto nito sa lipunan at
kultura ng bansa. Aalamin kung ano ang impluwensya nito sa pamumuhay ng mga Pilipino sa
kasalukuyan tungo sa hinaharap.

Inaasahang matutuhan sa Modyul:

1. Malaman ang epekto ng globalisasyon sa kasalukuyang panahon.


2. Makapagbigay ng halimbawa ng globalisasyon kung paano ito tumatakbo sa lipunan.
3. Alamin ang kahalagahan ng dependensya sa lipunan kung ito ba ay nakakabuti sa
kaugalin at kultura ng bansa.
4. Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng globalisasyon at dependensya.

Pagpapahalagang moral:

“Hindi masama ang pag-unlad at pakikipagsabay sa ibang bansa, huwag lang kalimutan ang
ating wika at kultura.”

Input:

Globalisasyon
Ang “globalisasyon” ay katagang ginamit ng ilan upang ilarawan ang lumalawak na pandaigdig na
pagkaumaasa ng mga tao at mga bansa sa isa’t isa. Gayon na lamang kabilis ang takbo ng prosesong ito
sa nakalipas na dekada o higit pa, pangunahin nang dahil sa malalaking pagsulong sa teknolohiya. Sa
panahong ito, ang nagkakasalungatang mga bansa noong Cold War ay halos naglaho na, nabuwag ang
mga hadlang sa kalakalan, nagsama-sama ang pangunahing mga stock market (pamilihan ng sapi) sa
daigdig, at naging mas mura at madali ang paglalakbay.
Ang lumalawak na pandaigdig na pagsasama-samang ito ay nagdulot ng panlahatan at kawing-kawing na
mga resulta ng pagbabago—sa ekonomiya, pulitika, kultura, at kapaligiran. Nakalulungkot, ang ilan sa
mga resultang ito ay maaaring di-kaayaaya. Ipinaliwanag ng publikasyon ng United Nations na Human
Development Report 1999 ang ganito: “Lalong lumalim ang ugnayan sa buhay ng mga tao sa
palibot ng daigdig, mas punô ng buhay, mas malapít higit kailanman. Nagbukas ito ng maraming
oportunidad, anupat nagbibigay ng bagong pagkakataon para  sa kapaki-pakinabang at
nakasasamang mga pagbabago.” Tulad ng maraming tagumpay na naisagawa ng tao, ang
globalisasyon ay may mabubuti at masasamang aspekto.

Ayon kay Angelica Aquino, magkaiba ang opinion at pananaw ng mga tao sa Globalisasyon. Ito
ay maaaring negatibo o positibo. Ang Globalisasyon ay dahilan ng pagiging global ng mga lokal o
pampook o mga pambansang mga gawi o paraan.

Ang epekto ng globalisasyon sa wika at ekonomiya ay mas nahahasa natin ang wikang Ingles
ngunit mas lumalala ang problema sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman. Dumadami rin
ang numero ng mga at trabaho at mas napapadali ang pagpasok ng puhunan.

Ang epekto ng globalisasyon sa edukasyon ay malaking tulong sa mga asignatura at


kurikulum ng mga mag-aaral sa sa paaralan.

Ang mga epekto ng globalisasyon sa kaisipan at ideolohiya ay ang pagkawala ng


nasyonalismo at ang pagtangkilik sa mga gawa ng ibang mgga bansa.

Ang mga epekto ng globalisasyno sa ugnayang panlipunan ay mas nahahasa ang ating
kaalaman sa iba’t ibang uri ng kultura at paniniwala.

Ayon kay Susan Grace Neri, ang globalisasyon ay isa sa naging daan ng Pilipinas upang
makaahon ang ating bansa sa pagkabaon ng ekonomiya noong mga panahon Marcos.
FILDIS |17

Binigyan ng pokus ng may akda ang epekto ng globalisasyon sa sistemang industriyal at


edukasyon. Sinasabing noong masakop tayo ng mga dayuhan kagaya ng mga espanyol, hapon at lalo na
ang mga amerikano ay ginamit at ginagamit pa rin natin ang kanilang mga wika at ito’y tinuturo pa sa
paaralan.

Ang layunin ng mga Amerikano nang ginawa nila ang sistemang pangedukasyon ay para
palayain tayo sa ating nakaraan na ang maaaring maging ibig sabihin ay makalaya tayo sa mga espanyol
at malimutann na nati ang mga tinuro o impluwensiya ng mga espanyol at ang isang maaaring maging
ibig sabihin ay tuluyan na nating malimutan ang mga panahong tayo ay malaya pang namumuno ng sarili
nating bansa.

Sinasabi pa na ang wika ay ang proteksyon at kapangyarihan ng mga Pilipino at dapat natin
itong pahalagahan sapagkat ang wikat kultura ay ang mga importanteng bagay sapagkat ito ang
humubog sa mga Pilipino at Pilipinas.

Mayroong mabuti at masamang epekto ang globalisasyon na maaarig makatulong o makasira sa ating
bansa ngunit dapat ay manatili tayong mga Pilipino at hindi mabago ang ating kultura at huwag nating
hayaan nna makontrol tayo ng mga mas dominante o mas malakas na bansa o mga banyaga.

Teoryang Dependensiya

Ang teoryang ito ay popular ang teoryang ito sa Latin America at iba pang kontinenteng bahagi
ng Third World. Sa pananaw ng mga naniniwala rito, pinagsasamantalahan ng mga bansang mahirap sa
pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya.

Dr. Ernesto “Che” Guevera

Isang physician, ekonomista at popular na lider ng mga gerilya


na katuwang ni Fidel Castro sa pagpapatalsik sa diktadura ni
Fulgencio Batista.
Sa kanyang talumpati sa United Nations Conference on Trade
and Development (UNICAD), ipinahayag niya ang huod ng kritisismo
ng Teoryang Dependensya sa pandaigdigang status quo: “Ang
pagpasok ng capital mula sa mauunlad na bansa’y rekisito sa
paglalatag ng dependensiyang ekonomiko. Ang pagpasok ng ito’y
may iba-ibang porma: mga utang na may mabibigar na kondisyon;
puhunang naglalagay sa isang bansa sa kamay ng mga
mamumunuhan; halos pangkalahatang subordinasyong teknolohikal
ng palaasang bansa sa maunlad na bansa; control ng malalaking
monopolyong internasyonal sa kalakalang panlabas; at sa ilang
malalang kaso, paggamit ng dahas bilang sandatang ekonomiko na sumusuhay sa iba pang porma ng
pagsasamantala.” Higit na malinaw ang kabuluhan ng teoryang dependensiya sa pagsusuri ng mga
programang pang-edukasyon kung sisipatin ang binanggit ni Che Guevara na “Iba pang porma ng
pagsasamantala.”

Vincent Ferraro

Sa kanyang kabanatang pinamagatang “Dependency Theory : An Introduction.” (sa aklat na The


Development Economics Reader, ed. Giorgio Secondi) ay nagbigay ng pahiwatig sa iba pang porma ng
pagsasamantala na masisipat sa isang webpage ng Mount Holyoke College: “Ang distinksiyon sa pagitan
ng mabagal na pag-unlad at kawalan ng pag-unlad ay naglalagay sa mahihirap na bansa ng daigdig sa
napakakaiang kontekstong historical… sila’y mahihirap sapagakat sila’y sapilitang isinama sa sistemang
FILDIS |18

ekonomikong Europeo bilang mga produsyer lamang ng hilaw na materyales o para maging
pinagkukunang-yaman sa paraang kokompitensya sa mauunlad na bansa.”

Ang Pilipinas ay isa sa mga Pangunahing “Suplayer ng muranf Labkas-paggawa” sa


Kasalukuyan. Sa datos ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), humigit-kumulang sa 3,500
na Pilipino ang nangingibang-banyan araw-araw para maging Overseas Filipino Worker (OFWs).
Ipinagmamalaki rin ng gobyerno na ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing sentro ng Business
Processing Outsourcing (BPO) na “nagnanakaw” ng mga trabaho sa mga Norte Amerikano at Europeo
para “ibigay” sa ilang Asyanong bansa na tumatanggap ng mas mababang lebel ng sweldo kaysa sa
maunlad na bansa, ayon sa mga kritiko nito. Ayon sa ulat ni Francis Earl A. Cueto para sa Manila Time,
naungasan na ng Pilipinas ang India bilang nangungunang bansang nagbibigay ng serbisyong BPO.
Kompara sa 300, 000 call center agents ng India ay may 350,000 ang Pilipinas noong 2011, at batay sa
projection ng gobyerno, aabot na sa 1,000,000 an call center agents sa bansa sa 2016.

Epekto ng Dependensya sa Edukasyon ng bansa

Trahedya ang idudulot ng kaisipang anti-edukasyong tersiyarya na isinusulong ng mga maka-K to


12. Kataka-taka na tila hindi pinapahalagahan ng mga maka- K to 12 ang edukasyong tersiyarya, gayong,
gayong kapansin-pansin na maraming maunlad na bansa ang maymataas na porsiyento ng enrollment sa
antas tersiyarya, samantalang mababa ang sa mahihirap na bansa. Siguradong pananatilihin din ng K to
12 ang kawalan ng akses ng mahihirap sa antas tersiyarya, na malubha na bago pa man nito pahabain
ang bilang ng taon ng pag-aaral sa antas sekundarya. Ipinakikita ng datos sa ibaba ang porsiyento ng
populasyon sa bawat antas sosyo-ekonomiko na nakatapos ng kolehiyo. Dahil pinahaba pa ng K to 12
ang bilang ng taon ng isang mag-aaral, inaasahang lalong liliit ang bilang ng mahihirap na makatatapos
ng kolehiyo at magiging habang buhay na lamang na “alipin” ng mga dayuhang korporasyon – walang
socio-economic mobility, walang asenso, walang professional development –ang mayorya ng mga
Pilipino na walang kakayahang magbayad para makatapos ng kolehiyo. Ngayon ay malinaw na kung
bakit ipinagtutulakan ng mga maka-K to 12 na huwag nang magkolehiyo ang mahihirap: upang sila’y
mabaon sa karikhaan at di na makabangon pa sa kumunoy ng kawalang-asenso habang nananatili ang
di makatwirang- “Tatsulok ng Lipunan” na pinangingibabawan ng mga masalapi sa nakalipas na mga
dekada.
Dapat bigyang-diin na ang mauunlad ba bansa ay karaniwang may mataas na bilang ng mga
mamamyang nakatapo ng kolehiyo kaya nasusustine nila ang paglago ng kanilang ekonomiya.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Gaano kahalaga ang globalisasyon sa ating bansa at ano ang epekto nito sa atin?

2. Magbigay ng mga halimbawa ng kaganapan o alin mang bagay na may kinalaman sa globalisasyon.

3. Ano ang papel ng dependensya sa ating bansa at epekto nito sa ating kultura at kaugalian?
FILDIS |19

Gawain 2.
Panuto: paghahambingin ang Dependensya at Globalisasyon gamit ang Venn Diagram.

Globalisasyon Dependensya
FILDIS |20

Modyul 3
Marxismo
Ang bawat estado ng buhay ay may kaaakibat na paniniwala at katayuan. Kung ang resulta ng
globalisasyon at paniniwalang dependensya ay hindi maganda at sumisira sa kamalayan ng mga
nasaibaba lalo na sa pag-ahon sa kahirapan. Sa paniniwalang marxismo ay pag-aaralan kung ano ang
kanilang katugunan hinggil sa suliraning ito. Layunin ng pag-aaral na ito na palawakin ang kaisipan ng
bawat isa sa estado ng pamumuhay at sa karapatan.

Inaasahang matutuhan sa modyul:


Maisalarawan ang kalagayan ng bansa hinggil sa kaapihan at pakikipagtunggali sa nakakaangat
sa lipunan at paano nakakatulong ang kaisipang marxismo.

Pagpapahalagang Moral:
The rich will do anything for the poor but get off their back.
~Karl Marx

Input:

MARXISMO

Karl Marx
Si Karl Marx o Karl Heinrich Marx sa kompleto
nitong pangalan ay isinilang noong ika-5 ng
Mayo, 1818 sa bayan ng Trier, Rhine Province,
Prussia, sa bansang Germany at pumanaw
noong March 14, 1883 sa London, England.
Isang rebolusyunaryo, sosyolohista, historyador
at ekonomista. Kanyang inilathala ang Manifesto
der Komministischen Partei o sa salin nito ay The
Communist Manifesto kasama niya sa pagbuo
nito ay si Friedrich Engels na naging katuwang
niya naman sa ipinaglalaban nito na pantay na
pagtrato at karapatan ng mga mataas at
mababang uri sa lipunan. Naging kilala ang
lathang ito sa kasaysayan ng mga socialist
movement. Naging may-akda din si Karl sa
kanyang aklat na Das Kapital.ang mga akdang ito ay naging basihan ng mga paniniwala at kaisipan ng
Marxismo.
Bata pa lang Karl ay nabuhay siya sa marangyang
pamumuhay. Ang kanyang ama ay isang abogado, ito ay si
Ginoong Heinrich. Naging malaki ang impluwensya ang
kanyang ama sa kaisipan at paniniwala ni Karl upang
maunawaan ang kalagayan ng kanyang mga kapwa
mamamayan sa Prussia. Ang kanyang mga magulang ay
kapwa mga Jewish. Bagaman bilang isang kabataan, hindi
gaanong nagkaroon ng malaking impluwenysa sa kanya ang
paniniwala ng Relihiyon bagkus ay naging mas matimbang sa
kanya ang sitwasyong kritikal na nangyayari sa kanyang
lipunan. Ang relihiyon para sa kanya ay umuudyok sa kanya
upang maging prejudice at diskriminasyon na kung saan
naging malaking katanungan sa kanya kung ano ba ang papel
ng relihiyon sa lipunan at nakatulong ito sa kanyang paniniwala
na magnasa para sa pagbabago sa lipunan.
Karl Marx (1818-1883)
Ang relihiyon ay dili iba kundi isang instrumento ng
paniniil (instrument of oppression). Kabuluhan ng buhay ay hindi natatagpuan sa mga simulaing itinuturo
FILDIS |21

ng relihiyon burgis o kapitalista ang relihiyon upang lalong siilin at alipinin ang masa. “opyum ng mga tao.”
ang relihiyon na mahigpit na nakatali o nakapulupot sa tao

Pananaw ng marxismo
Nagaganap dulot ng mga class struggles o mga
tunggalian sa pagitan ng iba't ibang estado malakas o
mahinang bansa o lipunan tao ay may sariling
kakayahan na umangat pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Batayan sa
Katwiran o Katotohanan kaalaman tungkol sa paksang
pinangangatwiranan mabatay ang katwiran sa
katotohanan upang mahikayat at maakit.

Malalimang pagtalakay
 Tumatalakay sa mga pangyayari at mangyayari
sa mga hinaharap at usapin tungkol sa lupa at karapatan.
o Halimbawa sa kalagayan ng ating
bansa. Ang Pilipinas ay nabibilang sa
kapitalistang bansa na pinauupa ang
mga banyaga at mga mayayamang
business man upang magpayaman at
makinabang ng malaki sa lakas
paggawa ng mga ordinaryong
Pilipino. Maihahalintulad nito sa isang
magsasaka ng palay, noong unang
panahon, ang mga katutubo pilipino
ay nagsasaka lamang para sa
kanilang pangangailangan, nang
dumating ang mga banyagang
negosyante ay pangangakuan sila ng
mga magagandang kinabukasan
basta magtatrabaho sila katutubong ito sa kanila, bibilhin ng mayayamang negosyante
ang kanilang lakas-paggawa at propidad kapalit ng pera at gusto nila. Pero ang hindi
alam ng mga katutubo ay nilalamangan sila ng mga negosyante sa yaman at
kapangyarihan. Sa pagtagal ng panahon ay unti-unti nang kinikimkim ng mga
negosyante ang kanilang lupain at mawawalan na sila ng karapatan. Ang tanging
magagawa na lamang nila at magtrabaho para kumita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit
nagkaroon ng mga CPP-NPA sa bansa dahil sa ganitong kalakaran. Hindi natin masisisi
ang mga rebeldeng ito dahil na rin sa mga mahinag gobyerno sa bansa sa ilang dekada
na pinapayagan nila ang mga oligarch at mayayaman dayunan na mamuhunan sa bansa
at pagkitaan ang ating natatanging yaman at ang mga politiko naman ay nakikinabang o
nakikibahagi sa kitang tinatamasa ng mga ito.

 Tumutuligsa sa mga papet na gobyerno.


o Nabanggit natin sa unang pagtatalakay
ang gobyernong nakikinabang sa mga
mayayamang namumuhunan sa bansa.
Halimbawa sa panahon ng pangulong
Marcos ay hindi niya pinayagan ang
mga Oligarch sa bansa na makinabang
sa ating yaman at iba naman ay
dadalhin ang kanilang produkto para
pagkakitaan sa bansa, ang mga
pruduktong na pwede namang gawin
FILDIS |22

mismo o may kakayahan rin ang bansa para bumuo ng sariling produkto. Sa panahon ng
kanyang panunungkulan bilang pangulo ay umangat ang ating bansa dahil tayo ang
kumikita at nakikinabang sa ating sariling yaman. Tayo ang nag-po-produce ng mga
produkto sa ibang bansa kabilang na ang bigas, niyog at mga minerals. Tayo rin ang
bumubuo ng ating mga sandatahang kagamitan at hindi na tayo ang bumibili sa ibang
bansa. Nang sapilitang pinababa si Marcos ng kasunod na administrasyon ay unti-unting
bumaba ang kakayahan ng ating bansa lalo sa ekonomiya. Humina ang mga
negosyanteng Pilipino at kasabay nito ang pagdami ng mga dayuhang namumuhunan sa
bansa. Nagkaroon ng kontrata sa mga banyaga at nawalan na ng kapangyarihan ang
mga Pilipino na makinabang sa yamang dati tayo ang nakikinabang. Dahil sa
gobyernong nakikinabang sa kita ng mga namumuhunan ay mas lalong yumayaman sila
dahil sa porsyento at ang mga ordinaryong Pilipino naman ay mas lalong humihirap sa
pagkayod at karamihan ay nagtatrabaho sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa
para makatanggap ng sahod pero ang kanilang lakas paggawa ay naging dahilan naman
para pagkakitaan ng malaki. At dahil sa pagbagsak ng kaunlaran sa bansa ay patuloy na
paghihirap ng mga Pilipino ay napilitan ang iba na mangibang-bansa para maiwasan ang
sigalot na bumabalot sa lipunan at makaahon sa kahirapan.

Gawain:
Panuto: Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang slogan hinggil sa ipinaglalaban ng Marxismo sa
pagkakaroon ng pantay na karapatan laban sa mga mapang-api. Sa ibaba ay isulat naman iyong
pagpapaliwanag o refleksyon hinggil sa iyong iginuhit.

_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_
FILDIS |23

Modyul 4
Pantawang Pananaw
Ang pantawang pananaw ay isang paniniwala na may mesteryosong kadahilanan kung paano ito
gumaganap sa lipunan. Layunin nito na pag-aralan ang mga iba’t ibang porma ng mga katatawanan o uri
na pumapaloob sa pananaw na ito.

Inaasahang matutuhan sa Modyul:


1. Mabuksan ang isipan ng mag-aaral kung ano nga ba ang Pantawang Pananaw at layunin nito.
2. Maipaliwanag ang papel na ginagampanan ng Pantawang pananaw at paano nito binabago
ang takbo ng ating kaisipan.
3. Makabuo ng isang Video clip na may katatawanan.

Pagpapahalagang moral:
Ang pagtawa ay ang pinakamahusay na gamot at ang katatawanan ay ang pampalasa ng buhay.
~Batacan, 1966

Input:
Pantawang Pananaw
Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw mula Pamumusong Hanggang Impersonasyon ni Rhod V.
Nuncio

M a r a m i n g p i

kalagayah ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, ika bfa, may redempsyon mula sa problemang kinakaharap
ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik o halakhak naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa
nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan
ng saloobin o damdamin.

“Laughter is the best Medicine and humor is the spice of life”


~Batacan, 1966

Kung susuriin nang mabuti ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay-laman sa
puwang o guwang sa damdamin na nagbibigay-laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang
FILDIS |24

malungkuting tao o di kaya;y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kungkaya’t, nahihinuha
sa sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga karapatang magpapaaliw sa kanya. Ang eksinang
nadulas, nadapa, nahulugan ng mabibigat na bagay at marami pang iba ay mga pangayayaring nagdulot
ng katawa-tawang reeaksyon sa iba. Maging anfg paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin
ang sexual na sensibilidad ay nagiging katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green joke o toilet humor.
Maaaring may nakaligtaan at kakayahan ng tawa upang magbigay ng aliw ay isang malawak na sakop ng
sikolohiya. Ang mga halimbawa sa itaas ay mahalagang mabanggit upang bigyan ng pagtatasa o
kaibahan sa isang uri ng tawa o pagpapatawa na nakaangkla hindi lamang sa damdamin o emosyon
ngunit maging sa kamalayang Pilipino.

Sa paggamit ng salitang ‘pananaw’ tumutukoy ito sa pag-iisip ng tao. Kung ang tawa ay
reaksyong pandamdam, patungkol naman ang pananaw sa kaisipan. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng
isang tao ang pagkakaroon ng pananaw. Higit pa sa isang opiniyon lamang ang pananaw ng isang tao,
isang pagbasa o interpretasyon ito sa nangyayari sa kanya at kanyang kapaligiran. Inaarok ng isipan ang
kahalagan o kabalintunaan ng isang pangyayari o kaalamang naging malaki ang epekto o kinahinatnan
sa sariling buhay, pakikipag-ugnayan sa iba at sa sandaigdigan. Kung isang interpretasyon o pag-unawa
ang pananaw, isasakontexto ito bilang kritika. Naiiba ang kritika sa komentaryo sapagkat pinagnilayan ito
nang husto at hindi lamang puna nang puna sa nakikita o nararanasan.

Ang kritika ay interpretasyon o pagbasa sa karanasan, texto, kultura na inuunawa sa perspektiba


ng kamalayan. Hindi neutral na salita ang pananaw sa pagbasang ganito. Kritikal na pagbasa ito at
nakaugat sa kontextong panlipunan. Ang pantawang pananaw ay nangagahulugang tawa bilang kritika sa
mga isyu at tauhan sa lipunan. Kung kaya’t isang pagbasang kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng
damdamin at isipan) ang pantawang pananaw, ng isang taong mulat sa nangyayari sa lipunan. Ang
pantawa bilang ‘pan + tawa’ ay pag-angkin at pantukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang
kritika. Tinaguriang pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang catharsis
ay masasabing panandalian—isang comic relief.

Ang pantawang pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino. May limang
elemento ang pantawang pananaw. Ito ang: (1) midyum, (2) kontexto, (3) kontent o anyo, (4) aktor, at (5)
manonood. Isang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng
tawa bilang kritika, bilang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa
oral na tradisyon, bago pa dumating ang mga Kastila, hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon.
Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng pantawang pananaw.

Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang pantawang pananaw.
Kasama rin sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan, halimbawa, sa entablado, kalye, radyo at
telebisyon. Samantala, nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong
bayan, entremes, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa
telebisyon. Ang mga nagsisiganap o mga aktor, karakter ang tinaguriang mga pusong, aktor/komedyante
at impersoneytor.

Ang mga isyung panlipunan na tumatahak


sa sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang
bumubuo sa kontexto ng pantawang pananaw.
Ilang Katangian ng Pantawang Pananaw Isang
pagbasang kritikal. Katulad nang nabanggit na
hindi lamang pagtawa na walang kontexto ang
pantawang pananaw. Itinataas ito hindi lamang
bilang sa aspektong emosyunal, kundi bilang
isang kritikal na pagbasa na tumatarok sa
kamalayan at kaisipang Pilipino. Subjektibong
pagbasag sa imahe at katawan. Masasabing isa
itong pagkwestiyon sa katauhan, kaligiran,
FILDIS |25

katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek ng tawa at pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong
kritikal na pagbasa ang imahe ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan bilang imahe ng
kawalang kapangyarihan. Masasabi nating nakatuon sa pangyayaring historikal ang pagkukwestiyon sa
imahe o katawan ng kolonyalismo (pahanon ng pananakop) o komersyalismo (panahon ng kulturang
popular). Nagpapabago ng kahulugan ang pantawang pananaw sa tayo o poder ng karanasang
kolonyalismo o komersyalismo.

Intersubjektibo

Nangangailangan ng kapwa o sabjek na tuwirang babasa at


magkikritika gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong
paraan ay nangangahulugan ng walang humpay na pagbasa
ng manonood, tagapakinig at sinuman upang makapagbigay
ng tuloy-tuloy na panlipunang kritika. Intertextual at Reflexibo.
Nangangailangan nang pagiging bukas ng ilang texto upang
magamit sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe o
simbulo sa alinmang diskurso. Kung kaya’t mahihinuhang
naglalakbay ang pantawang pananaw mula sa kwentong
bayan hanggang sa kulturang popular. Samakatuwid, hindi
lamang masasabing isang genre o anyo ng panitikan ang
pantawang pananaw, sapagkat nakabukas sa iba’t ibang
anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang pagiging texto
nito bilang pagbasa. Maaari rin kasing isama ang komiks,
comic strip na makikita sa mga pahayagan, pelikula at iba pa.
Kung tutuusin, isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng pantawang pananaw ang isama ang
ilang nabanggit na anyo. Subalit nakatuon lamang sa limitasyon ng pag-aaral na ito ang konsepto at
praktika ng pagtatanghal at palabas gamit ang pantawang pananaw, partikular sa impersonasyon. Sa
bandang huli ang puntos ng intertextualidad sa pagdulog ng pantawang pananaw ay masasabing
paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng kapangyarihan, karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan upang
isakontexto ang pakay ng pag-aaral na ito.

Salaysayin

Tungkol sa impersonasyon bilang pantawang pananaw ang pag-aaral na ito. Nakatuon sa


kasalukuyan, sa napapanahong isyu at tauhan sa lipunan ang pagbasa ng impersonasyon. Subalit bago
natin patibayin ang kasalukuyang diskurso, diwa, dalumat at pagbasa ng impersonasyon kinakailangan
muna nating balikan ang salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Isang dalumat ito ng pagbasa –
isang reflexibo at kritikal na pagsukat sa nangyayari sa lipunan, sa mga tauhan sa lipunan. Upang
mabigyan ng katuwiran ang kasalukuyang pagbasa sa impersonasyon bilang pantawang pananaw,
marapat na alamin kung bakit naging reflexibo sa tala ng kasaysayan ng dula at panitikan ang pantawang
pananaw.

Ang dalumat na ito ay isa na mismong pagteteoryang politikal, sosyal at kultural. Nakabalot sa
tradisyon at kultura ang panitikang nagbibigay ng pakahulugan, puna at deskripsyon sa nangyayari sa
lipunan. Sa ganitong analisis, nakatuon sa isyu at tauhang sumasagisag sa o bumubuo ng lipunan ang
panitikan bilang texto. Ang texto na umuugma sa samu’t saring pakahulugan at ganap na impluwensya
nito sa kalakaran ng mga tao at institusyon, politika at kultura ay masasabing may kaganapan sa paglipas
ng panahon. Kung kaya’t ang pantawang pananaw bilang dalumat ng pagbasa ay magsisilbing diwa sa
pag-uunawa sa kaganapang sosyo-politika sa pamamagitan ng tawa. Mahalaga ito sapagkat bilang
dalumat gustong ipahatid ng pag-aaral na ito na namumutawi na ang pantawang pananaw sa talastasan
o kwentuhan at pagtatanghal bago pa man dumating ang mga Kastila. At nagpapatuloy ito sa ngayon sa
mga palabas sa telebisyon bilang isa sa mga bumubuo ng kulturang popular. Bilang isang diwa,
nakapaloob na sa damdamin at isipan ng mga Pilipino ang pagpapatawa bilang pagbatikos sa kolonyal
na kapangyarihan.
FILDIS |26

Makikilala ang pantawang pananaw mula sa mahabang naratibo ng karanasan at kasaysayan ng


mga Pilipino. Sumasabay ito bilang diwa at dalumat sa iba’t ibang anyo at genre ng panitikan. Hindi
naman masasabing isang likas o lantay na uri o anyo ng panitikan ang pantawang pananaw dahil sa
pagiging reflexibo at daynamiko nito sa takbo ng panahon. Kasama gayundin, bilang bahagi ng kritikang
intertextual ang pakahulugan, deskripsyon at puna ng pantawang pananaw bilang isang pagbasa sa
pagkaka-ugnay mula dula at pagtatanghal hanggang sa palabas sa mga isyung politikal at kultural ng
isang bansa. Samakatuwid, isang kritikang panlipunan ang tawa bilang pananaw na maaaring sabihing
impluwensyal upang makapagdulot ng malalimang repleksyon at pagsusuri sa gitna ng pagtawa o
paghalakhak.

Bilang isang pagbasa ang mananaliksik ay gagawa


ng sarbey sa paglilinang sa salaysay at saysay ng
pantawang pananaw. Hindi nagtatakda ng isang ganap na
kasaysayan ang gagawing pagtalakay dito. Layuning bumuo
ng sarbey ang pagsasalaysay na ito mula sa naitalang
naratibo, kuwento o texto. Kasama rito ang pagtalima sa
dalumat ng pantawang pananaw sa pagbabalik mula sa
nakaraan. Hahatiin sa dalawang punto ang gagawing
paggalugad sa nakaraan. Kabilang sa sarbey na ito ang mga
sumusunod: (1) Pusong mula sa kwentong bayan, (2)
entremes at sainete mula sa komedya at sarswela, (3)
drama, (4) comedy skits mula sa bodabil, (5) dula mula sa Bodabil
programang panradyo at (6) palabas sa telebisyon na may
impersonasyon. Magandang balikan ang ilan sa mga datos
na nagpapatibay sa ganitong penomenon ng tawa na hindi
lamang bilang pang-aliw sa manonood bagkus, isang
pagpuna o kritika rin.

Mula sa Kwentong Bayan—Ang Pusong Mayaman at


laganap ang mga kwentong bayan sa oral na tradisyon.
Pasalin-salin sa bukambibig ng mga taong pinanggalingan,
tumangkilik at tumatangkilik pa rin sa mga kwentong ito.
Bilang daluyan ng pantawang pananaw masasabing Komedya
nagsimula pa noong bago pa man dumating ang mga Kastila
(ika-16 siglo pababa) ang mga kwentong bayan na ito. Kung
tutuusin ang pagsusuri sa kontexto nito ay bilang isang social praxis. Bago man ito tinaguriang isang
panitikan, isang matibay na kinagawiang tradisyon at pamumuhay ang pagsasalin ng kani-kanilang
kaalamang bayan.

Ayon kay F. Lando Jocano ang tradisyong oral ng mga Pilipino ay nagbubunsod sa isang
malakihang rekonstruksyon ng panlipunang kontexto ng sinaunang kasaysayan. Nakapagbibigay din ito
nang mas mahusay na pag-uunawa sa mga detalye ng ganitong tradisyon sa kasaysayan na kung saan
nagsisilbing pundasyon ng kasalukayang kultura at lipunan ng mga Pilipino (sa Manuud 1967).
Samakatuwid, ang puno’t dulo ng tradisyong oral ay nasa kaligirang panlipunan na tumatalakay sa
buhay-buhay, kustumbre, paniniwala, sining at spiritualidad. Isang malaking dagok kung ituturing na
primitibong panitikan ang kabilang sa ganitong tradisyon. Mahirap tukuying isang primitibo ang anyo ng
kwentong bayan, at isang lipunang walang sistemang panulat ang pinanggalingan nito katulad nang
nabanggit ni Arsenio E. Manuel.

Ayon kay W. H. Scott, hindi totoong mahirap balikan ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino,
dahil lamang sa itinakda ng mga Kastila na wasakin ang mga labi ng kalinangang panulat o oral at
kaalaman noon. Ang mga Kastila ang may monopolyo sa pagbubuo (o pagwasak) ng panibagong
kaalaman upang gahasain ang kultura, kasaysayan at kamalayan noong panahong iyon. Subalit may
FILDIS |27

mga guwang sa texto (cracks in the parchment) na maaaring basahin batay na rin sa oral na tradisyon na
naging daluyan ng mga kwento kay Juan Pusong, at batay na rin sa ginawang koleksyon ni Eugenio
(1989). Ano ang maaaring ipasok sa pagbasa ng mga guwang na ito? Patungkol ang unang paliwanag sa
pag-usisa upang mang-uyam at manudyo sa harap ng may kapangyarihan, i.e., karaniwan ang hari o
sultan. Kung susuriin nang mabuti si Juan Pusong ay isang ordinaryong tao lamang na mahilig magbiro
hindi sa katulad niya (sa kontexto ng nabanggit na kwento), kundi sa katauhan ng mga hari at datu—
silang mga angat sa estado sa lipunan. Maaaring hindi totoo subalit sino naman ang makakapagsabi,
gayong dumaan sa mahabang panahon ang pagsasalin sa bibig ng ganitong kwento. Kung tutuusin sa
pagdating ng mga Kastila at sa ilang anyo ng dula na galing sa Espanya, ang pamumusong ay naging
kasakasama bilang komentaryo sa pagtatanghal. Isang patunay na ang pusong at pamumusong ay
bahagi ng pagganap at paggamit sa wikang oral.

Sabi ni Feldman: “And these events, as signal social events, not only take place in, but…are
made by their characteristic forms of talk, for these forms of talk are much like those other event-making
forms of language” (1991: 49).

Kung kaya’t maisasama sa pagtatanghal ang mga kwentong pusong sa dahilang sa


pamamagitan ng pagkukuwento at pagsasalin-salin nito sa ibang bibig, ang kaganapan ng buhay at
kaisipan ang naipapaabot sa ibang nakakarinig o nakakaalam. Hindi ang pagkamito ng kwento ang punto
rito bagkus, nakatuon sa mensahe at simbulo laban sa imahe ng kapangyarihan. Katulad sa Sulo,
sinabing lumaganap ang kwentong Pusong noong panahong nanungkulan ang isang sultang diktador o
autokratiko. Maipapalagay na gumamit ng kwentong Pusong ang mga tao noon upang paglaruan ang
imahe ng Sultan at upang ilabas ang kanilang saloobin sa kagustuhang makaganti sa katauhan ni Juan
Posong (Eugenio, xxxv). Umaangkop sa pantawang pananaw ang katauhan ni Juan Pusong bilang aktor
sa pagpapatawa at pagbibiro. Sinusumbatan ng kwento ang kapangyarihan sa katauhan ng isang tuso at
mapagbirong tao. Si Pusong o Posong ay isang karakter na masasabi nating binuo sa tradisyong oral at
gumamit ng pang-aasar, panggagaya o pagpapanggap at panloloko.

Subalit hindi dapat tingnan sa negatibo ang mga katangiang ito ni Posong, tulad ng depinisyon
nina Hart at Hart: [Juan Pusong] “is…a scampish young Filipino trickter, whose swindles, notorious
escapades, and practical jokes are always amusing, frequently off-color, sometimes obscene but rarely
villainous” (sa Eugenio 1989: 315). Maituturing na isang pagtingin sa kapangyarihan ng tawa o
pagpapatawa ang mga kaparaanan ni Posong. Nakakatawa nga ang mga ito dahil ginagawa nitong
mangmang ang hari at sa bandang huli si Posong ang humahalili at nagwawagi. Katangian ito ng
pagsubvert at pagbaligtad sa kapangyarihan. Na kahit sa panahon noong bago pa dumating ang mga
Kastila, ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapatawa at nagbibiro na upang kwestyunin ang nasa
kapangyarihan. Ito ang guwang sa mga kwento at kasaysayang, maituturing, patungkol sa kamalayan at
karanasang Pilipino noon. Batid pa nga ni F. Landa Jocano na: “Oral folk literature functions in society as
a means through which the people’s faith in the efficacy of their tradition is affirmed, and their convictions
strengthened. It constitutes the framework of meaning and values in terms of which the people interpret
their experience and guide their actions” (Manuud 1967: 307)

Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanugan.
1. Ano ang pantawang pananaw at ano ang layunin nito?
2. Bakit nasabi ni Batacan na “Laughter is the best Medicine and humor is the spice of life”?
3. Bakit ginamit ang paraan ng paglikha ng katatawanan o ang pantawang pananaw upang
tumuligsa o panlaban sa maling pamamahala lalo na sa panahon ng Kastila at bagong lipunan?
4. Para sa iyo, ito ba ay may magandang layunin ang paraan ng pantawang pananaw bilang isang
sandata upang tumuligsa? Halimbawa: ang paggaya o pag impersonate sa mga lider ng bansa o
kilalang tao gaya ng ating pangulo sa telebisyon.
FILDIS |28

Pangkatang-gawain:
Panuto: Bawat pangkat ay magsasagawa ng Funny Video Clip. Sundin ang mga pamantayan sa
ibaba:
1. Kinakailangan ito ay naka rekord.
2. Magsagawa ng 4 hanggang 7 eksena.
3. Lahat miyembro ay kalahok sa eksena maliban sa cameraman.
4. Hindi lalagpas sa 10 minuto ang Video.
5. Huwag isama sa eksena ang mga hindi kaaya-ayang gawain.
6. Iwasan ang mga pagsasalita ng mga hindi maganda.

Modyul 5
Pantayong Pananaw
Ang pantayong pananaw ay umuugnay sa sosyolohikal na kaisipan. Layunin nito na pukawin ang
isipan ng mag-aaral kung gaano kahalaga ang kultura at kaisipan ng mga Pilipino.

Inaasahang layunin sa Modyul:


1. Malaman ang kahulugan ng Pantayong pananaw.
2. Mabigyang kahalagan ang pantawang pananaw bilang senaryo sa pagbabago at pagpapanatili
ng ating kultura.
3. Makapagsaliksik ng mga sitwasyong kultural at kaisipan mula sa iba’t ibang grupo.

Pagpapahalagang Moral:
Tankilikin ang Sariling atin, Pagyamanin at Paunlarin.
~Unknown

Input:
Pantayong Pananaw

Ang pantayong pananaw ay lumitaw mula sa aking analisis ng mga pundamental na punto-de
bistang pangkasaysayan sa proseso ng ating pagiging bansa. Noon pang unang bahagi ng mga taong
70, ang pinakabuod ng pananaw na ito ay isang importanteng batayan na ng aking kurso sa
historiograpiya, kung saan pinag-aaralan ang metodolohiya, pilosopiya at pamamaraan ng pagsusulat ng
kasaysayan. Sa partikular, noong 1974 pinahayag ko ang buod ng pananaw na ito sa isang hiniling ng
Malakanyang na pagsusuri ng inihahanda pa lamang noon na Filipino Heritage. Pinuna ko noon na ang
pananaw ng inihahaing ensiklopediya ay hindi pantayo kundi pangkami, sapagkat ang kinakausap ay
mahihinuhang mga taga-labas (o mga elite na medyo o lubusang tagalabas na ang batayang
pangkaisipan) at hindi ang mga Pinoy mismo. Makikita ito sa mga sumusunod na pangyayari: (1) ang
wika ay banyaga at hindi naiintindihan ng nakararami sa lipunang Pilipino; at (2) ang tendensiya ay
FILDIS |29

tingnan ang ating bansa bilang obheto/paksain ng pag-aaral mula sa labas ibig sabihin, hindi mula sa
loob, hindi rin para sa taong taga-loob, at Ialong hindi nasasalalay sa mga konsepto, pandama at diwa
mismo ng mga kalinangang Pilipino at mga kabihasnan ng kapilipinuhan sa agos ng kasaysayan nito
hanggang sa ngayon. Hindi tumalab ang tuligsang ito. Ang importante noon para sa mga gumagawa ng
ensiklopediya ay maipakita ang opinyon at pagkaunawa ng mga elite tungkol sa Pilipinas, sa kanilang
sariling kasiyahan— i.e., para sa kanila mismo at para sa mga banyaga na gusto nilang pahangain o
akitin. Sa katunayan, ito ang direksyon din ng mga publikasyon ng Malakanyang noong panahon ng
“Bagong Lipunan” (at, sa pangkalahatan, hanggang ngayon). Ang pangangailangan ng mga
nakapagpapasya noon (at, sa kasamaang palad, ngayon pa rin) ay ang ipaliwanag at ipaintindi tayo at
ang ating bayan sa mga tagalabas, sa halip na unawain natin muna mismo ito at ang sariling karanasang
pangkalinangan i.e., para sa atin mismo, sa diwang atin at sa wikang atin, sa pamamagitan ng mga
dalumat at halagahin (values) ng ating (mga) kalinangan, kasama ang mga natamo at naangkin natin sa
pagdaloy ng Kasaysayan; sa madaling sabi, sa loob ng, at alinsunod sa ating sariling kabihasnan.
Samakatuwid, walang pagkakaiba ang Filipino Heritage sa ensiklopediyang matagal na noong nailathala
ni Zoilo Galang, maliban sa mga bagong datos at sa dami ng mga bagong manunulat ng mas bagong
obra. Pagkatapos, nagplano pa nga rin ang Malakanyang noong Dekada 80 na ipagawa ang isang
ensiklopediya sa ganitong diwa, at, mangyari pa, sa wikang Ingles. Hindi pa rin naintindihan ng mga
nagplano kung ano ang magiging pagkakaiba nito sa mga ensiklopediya ng mga Amerikano, lngles,
Australyano, at iba pang bayang Anglo-Amerikano, maliban siguro (1) sa pangyayaring gawa ang
ensiklopediyang Pilipino ng mga taong may nasyonalidad na Filipino; (2) sa posibilidad ng pangongopya
ng mga manunulat na Filipino; at (3) sa “pakikipagtulungan” ng mga banyaga sa gawaing ito. Malinaw
ang pagkakahawig ng ganyang gawain sa “pakikipagtulungan” ng mga elite natin sa banyaga sa
ekonomiya at iba pang larangan. Ibig sabihin, “malabo” ang pagiging tunay na Pilipino ng ensiklopediyang
binabalak noon. Ang tinutumbok ng diwa nito ay ang magkaroon ng isang bersyong Pilipino na mula (o
nakita) sa banyaga, para sa elite na Pinoy at sa kanilang káunawaán (o kausap) sa Ingles. Ang pinalilitaw
at pinaiibayo ay hindi mula sa karanasang pangkalinangan ng bayang Pilipino, para sa buong bayang
Pilipino — i.e. , hindi nasa loob ng isang pantayong pananaw na makabubuo sa bansa. Ano nga ba
talaga itong “pantayong pananaw”?

Binigyang depinisyon ang “Pantayong Pananaw” bilang isang metodo ng pagkilala sa


kasaysayan at Kalinangang Pilipino na nakabatay sa “Panloob na pagkakaugnay-ugnay at pagg-uugnay
ng mga katangian, halagahin (Values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at
karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan- kabuuang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan
ng iisang wika; ibig sabihin sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskurong pangkaliinangan o
pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang etnolinggwistikong grupo na may kabuuan at
kakanyahan sa atin, at sa iba pang dako ng mundo.” Ang pantayong pananaw ay isang konsepto at hinua
ng historyador na si Dr. Zeus A. Salazar na nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino
sa wikang pambansa para sa kasaysayan at agham panlipunan.

Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at paguugnay ng


mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pagaasal at karanasan ng isang
kabuuang pangkalinangan — kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika;
ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.
Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang grupong etnolingguwistikong may kabuuan at kakanyahan, sa
atin at sa ibang dako man ng mundo.

Sa lahat ng mga wikang Pilipino, matatagpuan ang mga konseptong katumbas ng sa Tagalog o
P/Filipinong “kayo,” “kami,” “sila,” at “tayo.” Tinutukoy nitong huli ang nagsasalita at ang lahat ng kanyang
kausap, kasama kahit na iyong wala subalit ipinapalagay na kabahagi sa kabuuang kinabibilangan ng
nagsasalita at mga kausap. Halimbawa, ang ekspresyong “tayong mga Pilipino,” sa pagkakaiiba nito sa
“kaming mga Pilipino,” ay implisitong nagpapahiwatig na ang nagkakausap-usap ay mga Pilipino lamang.
Ibig sabihin, hindi kasali ang mga banyaga, ang mga di-Pilipino. Sa sitwasyong ito, ang kalagayan,
konsepto, kaisipan at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay madaling maintindihan, dahil
FILDIS |30

napapaloob sa ating sariling lipunan-at-kalinangan, na kapwa ipinahihiwatig ng (at nakabalot sa) isang
wikang nauunawaan ng bawat isa. Maipagkakabit-kabit natin sila sa isa’t isa nang hindi na kailangan
pang tukuyin ang iba pang mga konsepto, tao, ugali at kaisipan na kaugnay nila. Sa katunayan nga,
maraming bagay at dalumat ang implisito nating nauunawaan at napag-uugnay-ugnay. Sila at ang
kanilang kaakibat na pag-uugali ang siyang bumubuo ng isang “mentalidad” (natatangi at katangi-tanging
kaisipan at pag-iisip) na mahirap maintindihan ng isang dayuhan na hindi pa nakapapasok sa isang
kalinangan-at-lipunang may pantayong pananaw.

Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t isa,
iyan ay maihahalintulad sa isang sistemang sarado o closed circuit — isang “nakapinid na pag-
uugnayan/pakikipag-ugnayan.” Nagkakaintindihan ang lahat nang hindi na dapat tukuyin ang iba pang
bagay na nasa labas o panlabas. Samakatuwid, ang isang lipunan-at-kalinangan ay may “pantayong
pananaw” lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang
kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang
code o “pinagtutumbasan ng mga kahulugan,” ibig sabihin, isang pangkabuuang pag-uugnay at
pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang
pagkakaroon ng iisang wika bilang batayan at daluyan ng pang-unawa at komunikasyon.

Madaling makita ito kung titingnan natin ang mga grupong etnolingguwistiko sa Pilipinas.
Halimbawa, ang mga Tagalog ay may iisang wika; nagkakaintindihan sila sa loob ng wikang ito kung ano
ang ibig sabihin ng lahat ng may kaugnayan sa kaugalian at kaisipan ng lahat. Kaya noong araw, pati ang
kanilang relihiyon ay iisa — nananalig sila sa anito, at sa mga mitolohikal na personahe na ang
pinakasentral ay tinatawag nilang “Bathala.” Ang mitolohikal na tauhang ito ang siya ring prinsipal na
katauhan ng kanilang epiko o awit. Nang mawala ang awit na ito tungkol kay Bathala noong panahon ng
Kastila, ang ipinalit ay ang pasyon, subalit ang pangunahing katauhan nito ay isang “bathala” rin — ang
diyos ng mga Kastila, si Kristo. Makikita natin na bago pa man makaugnay ng Kapilipinuhan ang mga
Kastila, bawat isa sa mga grupong etniko ay may sariling “pantayong pananaw,” o sariling kabuuan na
nasasalalay sa pagkakabit-kabit ng mga elementong pangkalinangan at panlipunan sa isa’t isa, na
naiintindihan at naipapamalagi ng mga kasapi ng grupong etnikong yaon sa pamamagitan ng sariling
wika.

Sa ganitong pagkakaunawaan, ang pantayong pananaw kadalasan ay hindi hayag sa (o halata


ng) mga kasapi mismo, kung buo ang kanilang lipunan-at-kalinangan. Ito ay dahil sa umiiral na reyalidad,
dahil sa iyon ang talagang kinagisnan nila. Wala nang iba pang kalinangan silang natututunan, maliban
sa mga sangkap na nakapasok sa (at naangkin na ng) kanilang batayang kalinangan. Nakikita ito sa
kanilang mga ugali, kilos at gawa na ipinahihiwatig ng, at nasasalalay sa iisang wika-at-kalinangan. Para
silang mga isda sa tubig. At kung mapapalabas sila sa kanilang kalinangan-at-lipunan, kailangan pang
maipaliwanag sa kanila o unawain ang mga gawa at ugali ng/sa ibang kultura-at-lipunan. Pagkatapos,
kailangan din nilang ibahagi ito sa kanilang kakalinangan (kababayan), sa pamamagitan ng kanilang
sariling wika, sa sariling pagdadalumat. Sa pagpapaliwanag na ito, ang pananaw ay masasabing
“pansila” — ibig sabihin, patukoy sa iba at hindi sa kapwa — hal., “ganito sila,” “ganito ang ugali nila,”
“ganito ang mga tagalabas o banyaga.”

Kung patungo naman sa labas o sa banyaga ang pagpapaliwanag, ang punto-de-bistang


ginagamit nila ay “pangkami,” tulad ng naipahiwatig na. Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling
lipunan-at-kalinangan. Kakailanganing ikumpara ito sa ibang sistema ng pag-uugali na ang mga
kasapi/kabahagi ng naturang sistema ang siyang kinakausap. Maaaring gamitin dito ang sariling wika o
iba pang wika, depende kung alin ang mas laganap o mas nakalalamang sa pag-uugnayang kultural o
sosyo-pulitikal. Halimbawa, kung ang isang Tagalog noong ika-16 dantaon ay pupunta sa Brunei o sa
Malakka kaya, ang mga paliwanag niya hinggil sa sariling kaugalian at kalinangan ay maaaring sa wikang
Malayo (ang lingua franca noon sa Timog Silangang Asya) o sa Tagalog (kung nakakaintindi ng Tagalog
ang mga kausap o kaya ang mga ito’y sakop ng mga Tagalog).
FILDIS |31

Halimbawa naman, kung makikipag-away ang mga Tagalog sa mga taga-Brunei at nagapi nila
ang mga ito at nasakop nang ilang panahon, pagsasabihan nila ang mga ito ng ganito, “Kayong mga
taga-Kalimantan ay iba; ganito kayo, hindi kagaya naming mga Tagalog; iba kayo.” Ang ganitong
pagtuturing/pakikipagtalastasan ang maaari nating tawaging “pangkayong pananaw.” Pangkayo ang
pananaw ng nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan,
tungkol sa mga tao at kaugalian nito.

Ang pinakabuod ng pantayong pananaw sa agos ng ating kasaysayan ay ang pangyayaring dahil
sa kolonyalismo’y nawala (o unti-unting nawasak) ang kabuuan ng maraming mga grupong
etnolingguwistiko sa ating bayan. Ang paimbabaw na naipalit (o nailapat sa ibabaw) ay ang kabuuang
kolonyal na siyang magiging (o kaya’y gagamiting) batayan ng
pagkatapos ay magiging “nasyong Pilipino”. Dahil sa ang kabuuang kolonyal ay itinatag at ipinalaganap
sa pamamagitan ng wikang Kastila (na pagkatapos ay papalitan naman ng Anglo-Amerikano sa
pamamagitan ng isang sistema na “edukasyon” na hinangad at/o tinanggap ng nabanggit na elite para sa
buong “nasyon”); at dahil sa mga konseptong sosyo-pulitikal at kultural ng mga Kastila (at, pagkatapos,
ng mga Amerikano) na bunga ng paggamit ng banyagang wika, lalabas na lipos ng kontradiksyon ang
nabuong
“nasyon” / nacion/ (nation). Kaya, ang nasyong “Pilipino” ngayon ay wala (o wala pang) pantayong
pananaw na bumabalot sa kabuuan. Samakatuwid, kung nais nating mabuo ang bansang Pilipino,
kailangang pausbungin at pagyamanin ang pantayong pananaw ng kasalukuyang kabuuang sosyo-
pulitikal, para sa buong bansa — ibig sabihin, ang buong Kapilipinuhang may kasarinlan at kakanyahan.

Mga pangunahing konsepto

Sabi ni Salazar, ang kasaysayan daw ay isang salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para
sa sinasalaysayang pangkat ng tao o salinlahi. Ang bagong kasaysayan ay ang pagsasanib at
pagtatagpo nito sa ideya ng inangking kasaysayan sa loob ng diwa ng makabayang pagkilos at
pantayong pananaw na pangkabuuang Pilipino.

Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa pagkaugnay-ugnay ng mga katangian,


halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Dagdag pa ni
Salazar, magkakaroon lamang ng pantayong pananaw kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan ng
Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.

Tungkol naman sa wikang Filipino at kaugnayan nito sa kasaysayan, pahayag ni Salazar na hindi
ito payak na tagapagpahiwatig, tagapagpahayag at tagapag-ugnay ng kasaysayan. Mabisa rin daw ito
bilang imbakan o pinagkukunan ng kasaysayan dahil dito umaagos ang kalinangan at karanasan. Sa
pamamagitan daw ng wikang pambansa, nagkaroon ang pag-iintindi sa kasaysayan bilang isang bukas at
lantad sa pamimigatan ng pagbibigay kahulugan, kabuluhan, katuturan. Maaaring tingnan ang wikang
Filipino bilang isang kapangyarihan ng nagpapalaya sa bayan at pagiging Pilipino ng kasaysayan.

Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan

Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay nagbunga ng


pagkakahati ng kapilipinuhan — ang “dambuhalang pagkakahating pangkalinangan” — sa dalawang
bahagi: ang kultura-at-lipunan ng akulturadong elite na ang wika ay Ingles-Amerikano, pagkatapos
maging Kastila (at sa panahon ng kolaborasyon ay halos maging Hapones); at ang kalinangan-at-lipunan
ng bayan na ang pangkalahatang wika ng ugnayan ngayon ay Tagalog o P/Filipino, habang sa
kanayunan at mga lalawigan ay nanatili naman ang mga wikang rehiyonal na siyang pinag-ugatan (at
patuloy na pinaghahanguan) ng kalinangang bayan.

Ang namamayaning kultura-at-lipunan ng elite ay nabuo sa pagsusumikap na pulitikal ng mga


“intelektuwal” at ng akulturadong uring panlipunan. Ang akulturasyon ng mga ito ay malinaw na
matatalima sa pagkasunud-sunod na ladino = paring sekular = ilustrado = pensionado/ Fulbright-
FILDIS |32

Mombusho scholar/makabagong intelektuwal. Ang huling kawing ay napapalooban ng lahat ng klase ng


“iskolar,” ‘fellow,” “manunulat,” at iba pang “padala” o “panauhin” sa Estados Unidos, Hapon at iba pang
bansa sa panahong kolonyal at hanggang ngayon. Sila ang napasama sa mga dating ilustrado ng ika-19
na dantaon. Dahil sa mga pensionado at iba pang bagong akulturado, at sa katangiang balimbing ng
elite, naakit sa wikang Ingles at kaugaliang Amerikano ang mga bumubuo ng bagong nasyon matapos
ang digmaang Espanyol-Amerikano. May kahirapan din ang transisyong ito ng mga ilustrado, tulad ng
ipinakikita sa obra ni Nick Joaquin (sa wikang Ingles!). Lalong lumaki ang hanay na ito ng mga
“pensionado” (o makabagong “akulturado”) nang maging matatag ang sistema ng edukasyong batay sa
wika-atkulturang Amerikano na itinayo ng mga bagong kolonyalista (sa tawag ng mga aktibista —
“Imperyalistang Amerikano”).

Ang sistema ng edukasyon ang huhubog at huhulma sa diwa at kaisipan ng mga bagong
akulturado na siya na ring aatang sa sarili (nang walang pahintulot mula kaninuman) na buuin ang
“kulturang nasyonal.” Ang buong produksyon nila sa kalinangan, laluna sa panitikan (sa wikang Ingles!),
ay agad-agad na ipinasok din ng mga Amerikano sa sistema ng edukasyon. Tingnan dito ang mga
babasahing katha ni Camilo Osias, kasama ang mga unang maikling kuwento at tula ng mga Pinoy sa
wikang Ingles-Amerikano na natanggap sa mga antolohiyang pang-edukasyon. Pagkatapos nga, ang
magiging ambisyon ng mga manunulat (at pati ng mga “scientist”) ay “mapablis sa abroad” (i.e. , Estados
Unidos) o lumaki/palakihin ang kanilang “native clearing” (katutubong kaingin) sa kagubatang hindi ang
Pilipinas kundi ang Estados Unidos o ang santinakpan pa ngang hindi malirip-lirip kung sinu-sino/anu-ano
ang nakatira. Maaaring tukuyin dito sina Stevan (i.e. , Esteban) Javellana, Jose Garcia Villa, hanggang
kina Noriega, Abad at Rosca ngayon, na hindi naman babasahin ng madla dahil sa ito’y mas mabibighani
sa mga sulatin sa Tagalog o P/Filipino at iba pang wikang Pilipino.

Bukod sa paghubog sa mga bagong henerasyon ng akulturado sa Ingles at sa American


way of life (gawing Amerikano), ang sistema ng edukasyon ay siya ring nagpuno sa mga kinakailangang
puwesto sa mga larangan ng ekonomiya (kalakalan, bangko, industriya, teknolohiya, atbp.), kultura
(sistema ng edukasyon mismo, agham, sining panitikan, humanidades, entertainment, atbp.) relihiyon
(pagpalit sa mga papaalis na Kastila, pagpapasulong ng protestantismo, panibagong ebanghelisasyon ng
Kordilyera, Mindoro, Mindanao, Sulu at iba pa) at pulitika (gobyerno mula sa itaas — ehekutibo,
lehislatibo, hustisya; hanggang sa ibaba—probinsya at bayan; mga kilusang pangmamamayan, pati na
yaong mga “rebolusyonaryo;” kasama na ang militarya). Lahat ng mga konsepto, kalakaran, ideya at iba
pa sa lahat ng larangang ito ay palalaganapin at matututunan sa wikang Ingles at sa loob ng pang-unawa
(at pati na predyudis) na Amerikano (ibig sabihin, di-atin o banyaga).

Sa madaling sabi, makukulong ang mga intelektuwal na Pilipino sa balangkas ng kaisipang


Amerikano at Kanluranin. Kaya, kahit na iyong pakikibaka para sa kalayaan ay ipapaloob sa mga
simulain at premis ng sibilisasyon at history/ historia ng Estados Unidos at Europa. Ang lalong kapuna-
puna rito ay yaong alitan mismo ng mga “konserbatibo” (o “liberal”) at “rebolusyonaryo.” Una,
nagkakaintindihan sila dahil parepareho ang kanilang mga kategoryang pangkaisipan, magkasalungat
man ang kanilang mga layunin. Pangalawa, kung ang mga “konserbatibo” at “liberal” ay maka-Amerikano,
yaong mga “rebolusyonaryo” ay para sa mga kalaban ng Amerikano (“Kano”), sa simula Ruso
pagkatapos Intsik. At lahat ng mga kaisipan at hakbangin ng mga kalaban ng Kano ay aangkinin naman
ng “rebolusyonaryong” Pilipino. Lahat ng mga “bagong” ideya o kilusan sa Estados Unidos o Europa
(suffragette, Third World, “dekonstruksyon,” “postistruktularismo,” feminismo, at iba pa) ay walang lubay
na aangkatin at idadambana — sa wikang Ingles, maintindihan man o hindi, laluna kung hindi
maintindihan at hindi maiangkop sa kalagayan ng bansa.

Mapag-aaralan ang panunuot ng diwang banyaga sa bawat aspeto at aktibidad sa loob ng bawat
larangang nabanggit — mula ekonomiya hanggang pulitika, matapos daanan ang relihiyon, kultura, atbp.
Subalit, kailangan munang ipaliwanag, sa pamamagitan ng dayagram (paki-tingnan sa pah. 101) ang
nabanggit nang “dambuhalang pagkakahating pangkalinangan” na siyang sanhi ng pagkakahiwalay ng
mga Pilipino sa diwa at sa paguugali.
FILDIS |33

Sa pangkalahatan ay dalawang kalinangan sa pakahulugang antropolohikal ang nakapaloob at


maaaring sumaklaw sa kasalukuyang lipunang Pilipino — ang “kulturang nasyonal” na nagmula sa
Propaganda bilang resulta ng pagkatatag ng nacion/ nation (nasyon) sa pamumuno ng elite at ang
“kalinangang bayan” bilang kinalabasan ng proseso ng pagkabuo ng mga pamayanang Pilipino sa isang
Bayang Pilipino, ang Inang Bayan ng Himagsikan 1896. Ang una’y umiinog sa konsepto ng “nasyong
Pilipino” na sa simula’y binuo sa wikang Kastila (la nacion/ patria filipina) ng mga Propagandista at
Rebolusyonista at pagkatapos ay isinulong ng linyang [Aguinaldo] > Quezon > Osmena > [Laurel] >
Roxas > Quirino > Magsaysay > Garcia > Macapagal > Marcos > Aquino sa pakikipagtulungan sa mga
Amerikano, kung kaya’t sa wikang Ingles ang pagkahulma ng estado sa ngayon. Ang pangalawa naman
ay nakaugat sa karanasang pangkasaysayan ng mga bayang Pilipino na nagkakumpol-kumpol sa isang
Bayang Pilipino sa harap ng panunuot ng Kanluran. Kailanman ay hindi sa banyagang wika binigyan ng
pakahulugan ang karanasang ito — halimbawa, ang mga rebelyong bayan, mula kina Bangkaw
hanggang kina Bonifacio at sa mga sumunod na pag-aalsa matapos isuko ni Aguinaldo ang Himagsikan
ng mga Anak ng Bayan noong Disyembre 1897. Ang mga elite, sa kanilang dako, kadalasan ay
nagpahayag ng kanilang mga layunin at kaisipan sa wikang dayuhan. Masasabing ang wikang Tagalog o
P/Filipino ang naging tagasaklaw ng mga layuning bayan ng mga paghihimagsik ng taumbayan, lalo’t
higit yaong mga tinatawag na mesyaniko, hanggang sa Himagsikan ng 1896 at sa ibayo nito.

Ang “kulturang nasyonal” ang siyang pinalalaganap ngayon ng elite sa pamamagitan ng sistema
ng edukasyon na itinatag ng mga Amerikano sa wikang Ingles, para sa elite at upang madagdagan ang
mga maninilbihan sa bagong sistemang kolonyal. Ito ang dahilan kung bakit ang buong istruktura at
nilalaman ng sistemang sosyo-pulitikal, pangekonomiya, pangrelihiyon at pangkaisipan na sumasaklaw
sa kapilipinuhan ay nakakabit sa (at, kadalasan ay itinatakda ng) banyaga. At dahil nakatuon sa banyaga
ang tingin ng elite, “pangkami” ang pangkalahatang pananaw ng “kulturang nasyonal.” Kung ang
larangang panlipunan at pampulitika lamang ang pag-uusapan, kitang-kitang nakakabit ang ating mga
elite sa dayuhan, lalo’t higit sa Estados Unidos (at, noong panahon ng giyera at nitong nakaraang
dalawang dekada, pati na sa Hapon). Doon sila pinapagaral, nag-aaral o gustong mag-aral sa post-
graduate upang makamit ang di-umano’y “mataas” na karunungan. Sa katunayan, marami sa kanila ang
may mga bahay pa nga sa Estados Unidos, bukod sa kanilang tirahan sa Maynila o karatig-pook at sa
probinsya dito sa Pilipinas. Mas madali silang makipag-usap sa Amerikano sapagkat ang kaisipan at
mentalidad nila ay hango sa kulturang (“culture’ na) Amerikano, o napulot at inangkat mula sa Amerika.
Marami pa nga sa kanila ang nagreretiro sa Amerika matapos ang kanilang “paninilbihan” dito sa atin,
tulad ng mga civil servants na Amerikano noong tahasan pang kolonya tayo ng Estados Unidos. Dapat
ding alalahanin na bago sila mag-ambisyong maging presidente ng (o importante at makapangyarihang
pulitiko sa) Pilipinas, kailangan muna nilang magpabasbas sa Amerikano (cf. ang di rigueur na opisyal na
pagdalaw sa Washington at pananalumpati sa U.S. Congress ng bagong halal na pangulo!).

Pati na yaong mga “nagmamahal sa masa” ay wala nang iba pang bagaheng intelektuwal kundi
iyong nabasa (at naunawaan kung saka-sakali) nila sa mga librong Amerikano, kahit na kung ang mga ito
ay tungkol (o galing) sa iba pang banyagang kultura at sibilisasyon (cf. sa mga “progresibo” sa literatura
at “art studies,” ang second-hand nang istrukturalismo, post-istrukturalismo, post-modernismo,
dekonstruksiyonismo at iba pang “ismo” mulang Pranysa at iba pang bansang Europeo). Kaya, tulad ng
kanilang mga katunggaling pulitikal (na kapwa nilang elite), ay kopyang seroks (xerox copy) lamang sila
ng mga huwaran nilang pangalawang-gamit ng Amerikano. Ang ibig nilang palaganapin sa “nasyon” ay
yaong mga adhikaing kasalungat lamang ng pinaiiral ng naghaharing-uri. Gayumpaman, ang
magkasalungat na layunin ng elite at ng kalaban nitong “rebolusyonaryo” ay kapwa nasasalalay sa mga
simulain (at kontradiksyon sa loob) ng sibilisasyong Kanluranin. Samakatuwid, kapwa ang mga nakaupo
sa kapangyarihan at yaong gustong magpatalsik sa kanila ay nakasandal sa mga kategoryang hiram o
produkto ng kanilang pagigin xerox copy ng banyaga. Walang orihinal na kaisipan ang dalawang
direksyong ito ng tunggaliang sosyo-pulitikal. Sa katunayan, ang dalawang magkatunggaling puwersa
lamang ang siyang nagkakaintindihan sa labanang ideolohikal na ito, sapagkat sa wika at sa mga
kategoryang banyaga lamang isinasagawa ang pingkian ng mga ideya. O dili kaya, ang magkakaugnay
sa tunggalian ay ang dalawang puwersang nabanggit at ang banyaga, na siya namang hinihingan ng
FILDIS |34

tulong ng dalawa: para sa una, tulong sa pagpapaunlad (development aid); para sa pangalawa,
pakikipagtulungang ideolohiyal ng mga kasama (proletarian internationalism).

Narito sa pagiging masamang xerox copy lamang ng kopyang seroks na ring Amerikano ang isa
sa dalawang mukha ng “iskizofrenyang pangkalinangan” ng mga elite, “ordinaryo” man o “reaksyonaryo,”
at ng mga “rebolusyonaryo.” Lagi na lamang dapat nilang ikumpara ang sarili at ang sariling hiram na
kultura sa mga dayuhan. Ito ang sanhi ng kanilang kompleks ng “unang Pilipino” (“fist Filipino doctor,” “fist
Filipino pilot,” at iba pa). Ito rin ang paliwanag kung bakit “pangkami” ang pinaka-katangian ng kanilang
“kulturang nasyonal.”

Hindi lang pangkami ang pananaw ng kulturang nasyonal — i. e. hindi lamang pagpapataas ng
noo ng nakatataas/nakalalamang-sa-lipunan vis-à-vis sa banyaga o dili kaya katas lamang ng kanilang
pakikipag-ugnayan sa mga tagalabas. Pantayo rin ang pananaw ng kulturang ito kung ang nag-uusap-
usap ay mga elite lamang bilang tagapagpagalaw ng lipunan-at-estadong nasyonal. Gaya ng nabanggit
na, ito ang nabuong kultura ng mga elite, sa kabila ng pagiging xerox copy lamang nila — i.e. , ng
kanilang pagiging anino o aninag lamang ng Kanluran. Bukod dito, may mga elemento rin naman ng mga
katutubong kalinangan ang kultura ng elite. Kinailangan ang mga sangkap na ito upang masaklaw ng
mga tagapagtatag ng nasyon ang lahat ng nakatira sa kapuluan. Alam natin na ipinapalagay ng mga elite
ang sarili na mga kinatawan ng mga “Pilipino” sa harap ng Kastila at, pagkatapos, sa harap ng
Amerikano. Sa madaling sabi, sila ang nagpapalagay sa sarili na “kinatawan” ng “pueblo Filipino” sa
simula at, pagkatapos, ng “Filipino people” na madalas nilang ipagkamaling tunay na “Bayang Filipino.”

Gayumpaman, talaga namang may bahagi pa ring katutubo ang kanilang kaluluwa. Marami ang
dahilan nito. Una, sapagkat ang pinakamarami sa kanila ay ipinanganak sa loob ng isa sa mga taal na
kalinangang Filipino (i.e., Tagalog, Magindanaw o Ibanag, halimbawa) bago sila pumasok o ipasok sa
mga unang baitang ng sistema ng edukasyon, at bago magpatuloy o ipagpatuloy ang kanilang
pagpapasabanyaga o alyenasyon sa Amerika o sa iba pang lugar sa ibayong dagat (ang tawag nila rito
ay “abroad”) sa kanilang “pagpopost-gradweyt.” Ibig sabihin, maliban sa kung sila’y talagang ibinukod ng
kanilang mga magulang sa mga kababata nilang kapus-palad, ang kanilang unang pagkabata ay
nahuhubog ng taal na (mga) kalinangan. Pangalawa, kahit pa nga makaligtas sila sa pangkalinangang
hatak ng kanilang mga kababata sa lansangan, hindi naman sila nakawawala sa kanilang mga yaya at
iba pang katulong sa sambahayan. Pangmatagalan ang impluwensiya ng mga ito, higit sa lahat dahil
ipinauubaya sa kalinga ng mga yaya at katulong ang mga anak ng mayayaman.

Isa iyan sa mga koneksyon ng mga elite sa bayan. Ipinakikita sa dayagram ang pagkakaugnay
na ito, pagkakaugnay na napakahalaga ang aspetong pangkalinangan. Ibig sabihin, sa kaloob-looban ng
kanilang “kulturang nasyonal” na hiram o napulot sa banyaga ay nakabalot ang buod ng kanilang pagka-
Pilipino na nakaugat sa mga taal-saating kalinangan. Ikahiya o ipagmalaki man, ang buod na iyan ang
siyang nagbibigay sa kanila ng karapatang tawagin ang sarili, kahit papaano, na tunay na Filipino.
Gayumpaman, malakas man ang bisa ng katutubong salik na ito, hindi talaga alam ng mga elite ang
kanyang kalikasan, ang kanyang mga katangian, kahit ang kanyang anyo. Malalim ang kanilang
kamangmangan hinggil sa kanilang tunay na pagkatao, hinggil sa pagka-Pilipino at kapilipinuhan.
Napawalay sila rito at nahirati (o nahihirati pa) sa pagpapasa-Kanluran. Nasa relasyong ito sa bayan ang
pangalawang mukha ng “iskizofrenyang pangkalinangan” ng mga elite. Hindi nila malaman kung paano
haharapin o kahaharapin at isasakaluluwa ang kanilang mga kinagisnang kalinangan, ang kanilang
pagiging “katutubo,” i.e. , kung ano ang kanilang gagawin (sa katunayan, kung ano pa talaga ang
kanilang magagawa) sa Kalinangang Bayan na sumasaklaw na sa pinakamarami sa Kapilipinuhan. Gaya
ng makikita sa dayagram, bahagi sila ng mga taal-sa-ating kalinangan at ng Kalinangang Bayan na
umusbong mula sa mga ito sa kanilang pag-uugnayan sa isa’t isa at pakikipagugnayan/pakikipagtunggali
sa ibang kultura sa agos ng kasaysayan; subalit nasa labas din ng Kalinangang Bayan ang mga elite
dahil sa kanilang pagkabuo ng (at patuloy na pagtataguyod sa) Kulturang Nasyonal. Kaya iláng sila sa
Bayan at sa pangkalahatang kalinangan nito.
FILDIS |35

Pagkailang (o pagkalito) at pagsasamantala — sa pananalitang pampolemika: pagkagulo at


panggugulo — ang matatawag na pangunahing katangian ng iba pang koneksyon o pakikipag-ugnayan
ng mga elite sa Bayan. Tatlo lamang ang babanggitin dito bilang kapuna-punang aspeto ng kanilang
pagkailang o pagkalito. Ang una ay hinggil sa kanilang sarili na lagi na lamang pinoproblema ang
identidad. “Sino ba ako?”; “Ano ba tayo?”; “Ano/Sino ba ang Pilipino?” Ganyan ang mga tanong nila, na
nagpapakita kung gaano talaga kalabo at di-katatag para sa kanila ang kakanyahang pambansa na
kanilang idinudulot, bilang imahen ng kanilang pagkatao, upang sumaklaw sa Kapilipinuhan. Hindi ito
nakapagtataka, sapagkat iniuugnay talaga ng elite ang pambansang kakanyahan sa mga banyaga — i.e.
, mula sa labas ang pagkabuo nito bilang bunga ng kolonyalismo. Para sa kanila, samakatuwid,
nasasalalay ang pagiging Pilipino sa kapaligiran lamang at hindi sa pagka-Pilipino mismo, mula sa loob
ng kalinangan o mga kalinangang Pilipino, bilang resulta ng pagsulong (o pamumukadkad) nito (o ng mga
ito) sa agos ng kasaysayan.

Ito ang dahilan kung bakit sa kamalayan ng elite at ng pinalalaganap nilang Kulturang Nasyonal
(sa Ingles), pinakasentral ang ideya ng “impluwensiya” o bahid ng banyaga. Tiyak na maaalala pa ng ilan
ang ipinakita sa paradang paggunita ng Kasarinlan na pinamagatang “Kasaysayan ng Lahi” noong
panahon ng Batas Militar: halos lahat siguro ng mga “lahi” at “kabihasnan” ay ipinarada na upang
iparamdam sa banyaga na napakaimportante ang kani-kanilang “papel” di-umano sa pagiging Pilipino ng
ating “lahi.” [Kung “lahi” nga pala talaga, sa anumang pakahulugan, ang Kapilipinuhan — i.e. , hindi isang
kalinangan/kabihasnang nabuo sa kasaysayan, papaano ba naman maipaliliwanag o maitutugma sa
ideya ng “isang lahi” ang pakikipaglahian ng elite sa banyaga, hindi lamang sa pisikal kundi (lalo’t higit) sa
ispiritwal at kultural?] Ang natabunan ng ganyang pagtingin sa sarili ay yaong elementong pundamental:
ang taal at “katutubo” sa Pilipino. Gayundin, ilang taon na ang nakararaan, sa paggunita ng Rebolusyon
ng Pebrero 1986, halos lahat ng relihiyon ay isinama sa ecumenical service (pati na ang Hudyo!) sa
kanikanilang wikang banyaga. Ang P/Filipino lamang ang wala. At pinakanta pa ni Cardinal Sin ang mga
Pilipino ng “My Country `tis of Thee” (na kanyang natutunan siguro noong panahon ng Amerikano).

Sa totoo lang, ang iwinawatawat ng mga elite ay ang pagiging “halo-halo” ng Kulturang Nasyonal
mula sa pagkain hanggang sa kaisipan at pagkalikha ng mga “bagong” elemento ng kultura. Nag-aanyo
tuloy na parang tambol ang Kapilipinuhan — i.e. , hungkag sa loob at puro banyaga o galing sa banyaga
ang balat na nakabalot at nagbibigay ng tunog sa buong kahungkagan. Hindi naman totoo ito, tulad ng
nabanggit na sa itaas. Matatag at malaman ang Kapilipinuhan: may napakalalim na pinagmulan at
masalimuot ang kanyang pagsulong at pagkabuo mula rito. Nagiging hungkag lamang ang kanyang anyo
dahil mula sa labas ang paningin at pagkaintindi ng mga elite sa pagkabuo ng ating bansa at ng
kalinangan nito. Hindi nila nakita at, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita, na habang nakatuon ang
kanilang buong punyagi tungo sa pagiging tagapagmana ng estado, lipunan at kulturang kolonyal, nabuo
naman ng bayang Pilipino ang Kalinangang Bayan at binibigyang-hugis din ng tunay na mga “anak ng
bayan” si Inang Bayan. Mula naman ang lahat ng ito sa pakikiharap, pakikipagtunggali at pakikipag-ugnay
ng mga kalinangang Pilipino sa isa’t isa at sa kulturang kolonyal ng mga Kastila at Amerikano sa daloy ng
kasaysayan. Diyan nakaugat ang tinatawag na “Dakilang Tradisyon” (Great Tadition) di-umano ng
akulturado at maka-Kanlurang elite sa isang dako, at ng “Maliit na Tradisyon” ( Little Tradition) daw ng
elementong bayan sa kabilang dako. Nakasalalay din sa pananaw na ito ang pagmamaliit ng mga elite sa
panlasang “bakya” ng bayan (cf. ang tinatawag ng mga gaya-gayang intelektuwal na “popular culture,”
anuman ang tiyanak na itong angkat mula kung saan-saan upang magamit sa pag-uuri-uri ng mga
penomenong sosyo-kultural na Pilipino), kapag inihahambing sa di-umano’y “cultured’ o “mataas na
uring” panlasang hiram nila sa banyaga.

Ang relasyon ng mga elite sa Kalinangang Bayan ang siyang pinagmulan ng pangalawa at
pangatlong aspeto ng kanilang pagkalito. May kinalaman ang pangalawa sa kanilang kompleks ng
kawalang-halaga vis-à-vis sa banyaga — i.e. , kinakailangan nilang gawing ibayong ideyal ang mga
Pilipino kapag inihahambing nila ang mga ito sa mga banyaga sa pamamagitan ng kategoryang
intelektuwal at pangkultura ng mga dayuhan. Kaya nga, “mabuti” per se at higit sa lahat ang masa, na
tagapaghubog pa nga ng kasaysayan! May palabra de honor (hindi paninindigan o salitang binitiwan o
FILDIS |36

puri’t dangal kaya) at delicadeza (hindi paggalang o hiya o magandang ugali, pakikitungo, atbp.) ang
Pilipino bilang Filipino! Sa katunayan, para kay Ibn Parfahn, isang Pilipinong sumulat ng Malayan
Grandeur bilang isang rasista ring pangontra sa ideya ng “pangingibabaw ng mga puti” (white
supremacy), ang mga dating Pilipino (tulad daw ng lahat ng mga Malayo — i.e. , kasama ang mga
Pilipino) ang siyang pinakadakilang lahi sa buong daigdig at sa kasaysayan!

Ang pangatlong anyo ng pagkalito ng mga elite ay kabaligtaran ng pangalawa — i.e. , ang lagi
nilang pamumuna at pamimintas sa inaakalang “tunay na Pilipinong paguugali.” Bilang kapalit o kahalili
ng mga kolonyalistang puti, ang mga elite ay pupuna rin sa “katamaran” ng masang Pinoy, gayong
kitang-kita naman ang kasipagan ng mga magsasaka, drayber, manggagawa at iba pang kauri ng mga
ito. Mapapahaba pa ang listahan ng mga pintas ng elite (na unang naging pintas ng mga kolonyalista) sa
mga “katutubong Pilipino.” Subalit ang importante rito ay ang makita o maipakita na kaakibat ng
pagpipintas na ito ang ideyalisasyon ng Pilipino, at ang dalawang reaksyong ito ng mga elite ay tanda ng
kanilang pagkalito sa pakikipag-ugnay sa bayan at sa kalinangang taglay nito.

Konklusyon

Ang pantayong pananaw ay isang buong (ibig sabihin, di watak-watak na) diskursong
pangkalinangan o pangkabihasnan, ang pinakakatangian ng isang kalinangan o kabihasnang may
kabuuan at kakanyahan. Batayan siya, samakatuwid, ng pagkakaisa ng isang grupo ng taong may
sariling wika-at-kultura.

Magkakaugnay ang pantayong pananaw ng mga magkakamag-anak na kalinangang Pilipino sa


pagtatagpo ng mga ito sa kulturang Kastila bilang bahagi ng namumuong sibilisasyong Europeo noong
ika-16 na dantaon. Sa pag-uugnayan ng Kapilipinuhan at Kastila na nakasentro at pinakamasidhi sa
Katagalugan, lumitaw mula sa hanay ng mga ladinong naging ilustrado ang Kulturang Nasyonal na ang
pinakapananaw ay pangkami (bilang pagtanggi/pagkontra sa pangkayong pagmamaliit ng mga Espanyol)
at ang naging pinakakatangian nito ay panggagaya sa kolonyalista, sa kabila ng paghahanap ng dating
“katutubong” (i.e. , taal pa kaysa sa iba nilang kalahi/kabalat) identidad. Natural lamang na, kung
pangkami man ang kanilang pananaw vis-à-vis sa Kanluran, sinikap ng mga ilustrado (at ng kabuuan ng
elite) na mabuo ang isang pantayong pananaw para sa minimithi-ng-lahat na bansa, sa loob ng hiram na
Kulturang Nasyonal. Sa prosesong ito, ninais nilang masaklaw ang buong Kapilipinuhan na kinailangan
nila upang maging iba (sa pahapyaw man lamang) sa Kastila, upang mapawi ang kahihiyan at
kahungkagan ng kanilang pagsasadiwa’t-kaluluwa ng pag-aanyong kaparis nito! Ngunit, habang nabubuo
ang elite sa agos ng kasaysayan, nagkaanyo rin ang bayang Pilipino at ang kanyang Kalinangan.
Nakaugat ang Kalinangang Bayang ito at ang kanyang pantayong pananaw sa Kapilipinuhan (i.e. , sa
mga kalinangang Pilipino) at sa ating kasaysayan (na ang pinakatampok na tema nitong nakaraang apat
na dantaon ay ang pakikipag-ugnayan sa ibang kultura at sibilisasyon).

Ang Kalinangang Bayan ang siyang dapat maging batayan ng Kabihasnang Pambansang may
sariling pantayong pananaw bilang diskursong pangkabihasnan. Samakatuwid, dapat masaklaw ng
Kalinangang Bayan ang Kulturang Nasyonal. Sa praktikal na pananaw, dapat matunaw sa (o kaya’y
maging bahagi ng) Kalinangang Bayan ang Kulturang Nasyonal, upang mabuo ang Kabihasnang
Pambansa. Ang ibig sabihin nito, magiging bintana natin ang Kulturang Nasyonal tungo sa labas; ang
Kalinangang Bayan naman, na nakaugat sa mga Kalinangang etnolingguwistiko at sa karanasang
pambansa, ay magiging salamin at bukal ng ating loob. Ang interseksyon ng lahat ng iyan sa loob ng
pantayong pananaw sa sariling wika ang siyang magpapasibol ng ating orihinalidad bilang bansa at
bilang Kabihasnan.

Nasa simula pa lamang tayo ngayon ng yugto ng pagpapasaklaw ng Kulturang Nasyonal sa


Kalinangang Bayan. Napakaimportante rito ng pagsasa-P/Filipino ng buong sistema ng edukasyon,
upang maginghomogenous o isa at napag-ugnay-ugnay ang pangkalahatang kaalaman, karunungan at
kasanayan na ibinabahagi at pinauunlad sa buong Kapilipinuhan. Sa pamamagitan nito ay magiging isa
at napag-ugnay-ugnay ang batayan ng talastasang pangkabihasnan — i.e. , mawawala ang
FILDIS |37

“dambuhalang pagkakahating pangkalinangan.” Ito rin ang layunin ng pagsasa-P/Filipino ng


komunikasyong opisyal sa gobyerno at ng buong mediang pang-imprenta at elektroniko. Napagpasyahan
na ni Presidente Aquino ang hinggil sa pakikipag-komunikasyon sa lahat ng bahagi ng estado. Sa media
naman, halos 85% ng radio ay sa P/Filipino na at umuunlad din ang wikang Pambansa sa TV. Sa
pamamahayag lamang medyo hindi pa gaanong mabilis ang takbo ng P/Filipino, bagamat nagkaroon na
ng isang seryosong peryodiko sa P/Filipino, ang Diyaryong Filipino, na sa kasamaang palad ay nawala,
ngunit napalitan naman ng Fil-Mag na nagiging mas laganap ngayon (1997). Bukod dito, marami na ring
tabloid sa ating wika at, kahit sa mga pahayagang inglesero ay napipilitan ang mga reporter na ilathala
ang mga sagot sa P/ Filipino ng mga karaniwang mamamayan. Sa paglalathala naman ng mga libro,
dyornal at iba pang babasahin, matagal nang inililimbag ang mga komiks at popular na song books sa
P/Filipino, kasabay ng mga magasin tulad ng Liwayway. Sa Ateneo, malakas na ang programa ng
paglilimbag ng mga nobela sa P/Filipino. Mayroon na ring isang palimbagan na espesyalisado sa “Pinoy
Suspense’ o nobelang detektib.

Bukod sa mga ito, higit na mahalaga ang pagsasa-P/Filipino ng pagtuturo, pananaliksik at


paglalathala sa mga kolehiyo at unibersidad. Ito ay isinasagawa na sa pinakaimportanteng mga
unibersidad sa Kamaynilaan, higit sa lahat sa U.P., kung saan inilunsad ni Pangulong Abueva ang
“patakaran sa wika,” na ipinagpatuloy naman ni Pangulong Javier, kasama ang pagpapaibayo sa Sentro
ng Wika sa buong U.P. Sistema. Kaugnay nito, kailangan din ang pagsasa-P/Filipino ng mga agham
upang ang mga ito’y maging bahagi ng kalinangan ng bayan. Sa pamamagitan nito, magiging mabilis ang
pagpasok ng mga pagbabago sa agham at mahihimok ang paglikha at pagtuklas ng bago sa agham sa
loob ng ating lipunan at kabihasnan. Ibig sabihin kailangang maiugat sa ating lipunan at kabihasnan ang
mga tradisyong siyentipiko, “matitigas” o “malalambot” na agham man ito o hindi. Ang pangunguna sa
kilusang ito ay ginampanan ng mga agham panlipunan, higit sa lahat ng Kasaysayan at ng Sikolohiya sa
U.P. Lahat ng ito ay mga panimulang hakbang tungo sa pagbuo ng Kabihasnang Pambansa na may
Pantayong pananaw

Gawain 1:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang Pantayong Pananaw?
2. Ano ang layunin nito para sa ating kultura at wika?
3. Paano binabago ng Pantayong Pananaw ang kaisipan ng mga Pilipino sa pagtatangkilik ng ibang
kultura at kaugalian?

Modyul 6
Sikolohiyang Pilipino

Ang sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon Pilipino. Ito ay para
mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang
kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung papaano ipapaliwanag ang damdaming Pilipino na
malaking kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiyang Pilipino. Layunin sa pag-aaral na
ito na madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral kung ano ngaba ang ang Sikolohiya Pilipino at
paano nito nakakatulong sa ating paglago sa kaisipan at paniniwala.

Inaasahang matutuhan sa Modyul:


1. Malaman ang kahulugan ng sikolohiyang Pilipino.
2. Matukoy ang pagkakaiba ng tatlong anyo ng sikolohiya.
3. Maisabalik-tanaw ang sikolohiyang nakamulatan natin mula kasaysayan at kung ito ba ay
nananatili.
4. Malaman kung ano ang layunin ng Sikolohiyang Pilipino.

Input:
Sikolohiyang Pilipino
FILDIS |38

Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang


sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng
kanluranin. Sinabi ni Dr. Rigelia Pe- Pua na kahit
ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng
sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga kastila,
gaya ng ating mga pambansang bayaning sina
Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini ay
nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng
pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo
noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr.
Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino)
na may kailangang baguhin para mas madaling
maunawaan ito ng mga Pilipino.

3 Anyo ng Sikolohiya

- Sikolohiya sa Pilipinas: lahat ng mga pag-aaral, libro (textbook) at sikolohiyang makikita sa


Pilipinas, banyaga man o makapilipino.

- Sikolohiya ng mga Pilipino: lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa


sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino

- Sikolohiyang Pilipino: nilalayon ng anyo ng KARANASAN, KAISIPAN AT ORYENTASYONG


PILIPINO.

Mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino

Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin ang


ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng Sikolohiyang
Pilipino ay ang mga sumusunod.

• Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing


at ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.

• Ang sumunod na lebel sa mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Pagtatakda ng


Kahulugan. Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito
ay banyaga. Mga halimbawa nito ay ang pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa mga
salitang “memory” at “recall” upang mas mabuting maintindihan ng mga mambabasa ang ibig
sabihin ng mananaliksik. Kasali rin dito ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng
kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik.

• Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang pagkukuha ng salitang


dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong kahulugan. Isang
halimbawa nito ay ang tambay na nanggaling sa salitang standby. Ang ibig sabihin ng standby sa
Ingles ay paghihintay ngunit dahil sa pag-iiba ng anyo at kahulugan nito sa Pilipino naging tambay
ang salita kung saan ang ibig sabihin nito ay walang ginagawa at mayroong negatibong konteksto.

• Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang Pilipino ay madali lang intindihan


sapagkat ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling
kahulugan sa mga salitang Pilipino. Tingnan ang salitang hiya kung sa Pilipino ay napaka-lalim ang
FILDIS |39

kahulugan habang sa Ingles ay ibig sabihin lang ay shame. Gayunman, alam ng bawat Pilipino na
hindi lamang shame ang ibig sabihin ng hiya.

• Ang pangalawa sa huling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Paimbabaw na


Asimilasyon. Sa Paimbabaw na Asimilasyon pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na
ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito.

• Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang Ligaw/Banyaga na mga


salita. Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang
Pilipinong katapat ito. Isang halimbawa nito ay ang konsepto ng home for the aged na walang
katumbas na Pilipinong salita dahil hindi naman uso, o katanggap-tanggap, na iiwanan lamang ang
mga magulang sa isang home for the aged sa kulturang Pilipino.

Apat na piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino

Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon, o filiation sa Ingles, ang
Sikolohiyang Pilipino:

• Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal: Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano sa


Unibersidad ng Pilipinas, ngunit malaki rin ang papel ng Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad
ng San Carlos sa pag-aaral ng ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay pilosopikal at teolohikal ang
piliyasyon na ito.

• Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko: Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng piliyasyong


ito ang mga akademiko na ituring ang pananaliksik bilang importante sa sikolohiya. Dito rin naging uso
ang pagnanais ng mga sikolohista na magkaroon ng mga resulta na empirikal.

• Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay hindi nagsimula sa isang


unibersidad katulad ng nauunang dalawa dahil dati pa itong pinapraktis ng mga katutubong Pilipino.
Nahahati ito sa dalawa: ang Katutubong Sikolohiya at Kinagisnang Sikolohiya. Tinutukoy ng
katutubong sikolohiya ang mga paniniwala at karanasan ng mga katutubong Pilipino, habang sakop
naman ng kinagisnang sikolohiya ang wika, kultura, at sining ng mga Pilipino.

• Sistemang Sikomedikal at Relihiyon: Nagsimula ito mula sa medikong relihiyosong gawa


ng mga naunang babaylan at katalonan.Tinatalakay rito ang iba’t ibang sistema ng paniniwala.

Ang indirektang komunikasyon ng mga Pilipino ay isang mahalagang parte ng kanilang


personalidad. Ayon kay Enriquez, ang ating kakayahan mabasa o mapansin ang mga di-sinasalitang mga
hudyat tulad ng kilos ng ating katawan. Binibigyang importansiya ng mga Pilipino kung anong
nararamdaman ng kaniyang kapwa, kung kaya ang Pilipino ay madaling makiramdam. Hindi mapakali o
mabigat sa kalooban ng Pilipino kung mayroong itinatagong hinaing sa sarili o sa kapwa. Ayaw ng
Pilipino ang ganitong pakiramdam sa kanilang persepsiyong pakikiisa. Upang maiwasan ang anumang
away (sa sarili o sa ibang tao), maingat ang mga Pilipino sa kanilang mga binibitawang salita kung kaya
nabuo ang konseptong indirektang pakikipag-usap.

Ibang-iba ito sa mga taga-Kanluran kung saan sila ay direktang ipinapahiwatig ang kanilang mga
ideya’t saloobin, na kadalasa’y mali ang dating sa mga Pilipino. Madalas na ang dating ay pambabastos.
Halos lagi ay nakararanas ang Pilipino ng indirektang komunikasyon, at hindi mahirap sa kanilang
basahin ang mga ito.

Gawain 1:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


FILDIS |40

1. Ano ang sikolohiyang Pilipino?


2. Ano ang pagkakaiba ng Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng mga Pilipino, Sikolohiyang Pilipino?
3. Paano naapektuhan ng sikolohiyang banyaga ang ating kultura at kaugalian?
4. Ano ang layunin ng sikolohiyang Pilipino sa ating bansa? Ano ang nais nitong ipabatid.

Gawain sa kabuuang Yunit


Panuto: Punan ang hinihinging sagot sa loob ng talahanayan.

Mga Teorya Kahulugan Layunin Epekto nito sa kultura


at kaugalian
Nasyunalismo

Marxismo

Globalisasyon

Dependensya

Pantayong pananaw
Pantawang Pananaw
Sikolohiyang Pilipino
FILDIS |41

YUNIT 4
PANANALIKSIK PANLIPUNAN
Sa yunit na ito ay pag-aaralan ang iba’t ibang kaparaanan ng pananaliksik at pagsisiyasat.
Layunin nito na linangin ang mga mag-aaral na makalikha at mahasa ang kaisipan sa pagsasagawa ng
pananaliksik sa iba’t ibang kaparaanan. Nais rin sa yunit na ito na madagdagan ang kanilang kaalaman
sa mga hakbang na dapat isasagawa.

Inaasahang Layunin sa Yunit:

1. Makapagsagawa ng mga pananaliksik gamit ang mga iba’t ibang batayang kasanayan.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
mula sa isinagawang mga pagsasaliksik.

Modyul 1
Pagmamapa at Etnograpiya
Ang Pagmamapa at Etnograpiya ay may parehong stratehiyang pananaliksik sa lipunan, kabilang
na ang kultural, histirikal at kaugalin. Sa Modyul na ito ay pag-aaralan kung paano isinasagawa ang
ganitong uri ng pananaliksik.

Inaasahang layunin sa modyul:


1. Makapagsagawa ng pananaliksik gamit ang Pagmamapa at Ethnograpiya.

Pagpapahalagang Moral:
“Tanawin ang Kasaysayan, gawing susi sa kasalukuyan nang mabuksan ang tamang landas sa
hinaharap.”

Input:

Pagmamapang Kultural

Isinusulat din ang mga salita o parirala na may kaugnayan sa paksa. Ang kaibahan lamang, mas
naipakikita sa estratehiyang ito ang koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan sa isa’t isa.

A n g p a g m a m a p a n g k u l t u r a l a y tangible (quantitative) at intangible (qualitative)


n a ma siste ma t ikon g ka sa ng ka pa n n a n a ka p o ku s sa isa ng lu g a r o komunidad na
naglalayong matuklasan ang pagkakakilanlan at maitala ang mga “local cultural assets” o
mga lokal na ari-ariang kultural na may koneksyon o maaaring gamitin ang mga
n a k u h a n g k a a l a m a n s a k o l e k t i b o n g s t r a t e h i y a , masususing proseso ng pagpaplano o
iba pa. Kabilang dito ang paglalarawan at iba pang tuklas sa kulutural na aspeto nito (Batayang
Kaalaman Sa Metodolohiya Part I, n.d.).

Ang salitang kultura ay mabibigyan ng maraming pakahulugan kahalintulad na lamang


ng pagkakaroon ng iba’t-ibang mga kultura. Ginamit rito ang salitang kultura sa konteksto ng
pagkakakilalan (identity) ng isang lipunan.

Ginagamit ng mga propesyunal ang Cultural mapping upang malaman ang m g a


k a t a n g i a n n g i s a n g k o m u n i d a d a t m a g a m i t i t o s a m g a p r o y e k t o n g p a n g ka u n la ra n
(Co mmu n it y De ve lop me n t se ct o r). Tin a ta wa g rin it o ng “Co mmu n it y mapping” sa
kadahilanang ginagamit ito bilang isang instrumento upang malaman ang mga kalakasan at
kahinaan ng isang partikular na komunidad.
FILDIS |42

Tinutukoy sa proseso ng cultural mapping kung sino ang mga bahagi at ano ang mga
katangian ng isang tribo, organisasyon, komumidad, grupo, eskwelahan, aso sa syo n, n eg o syo
o ika w b ila ng ind ib id wa l- - up an g ma kit a an g n at at an g ing kalakasan at pagkakakilanlan.

Isinusulat ang mga salita o parirala na may kaugnayan sa paksa at


masnaipapakita sa estratehiyang ito ang koneksyon ng mga detalye sa listahan sa isa't isa (What is
Cultural Mapping, 2010).

ETNOGRAPIYA

Ito ay nahahawig sa Pagmamapang kultural, ito ay naglalahad ng mga kagawian ng isang pangkat.

Ang pananaliksik etnograpiya ay isang uri ng kwalitatibong pananaliksik na nauukol sa oberbasyon at


interaction ng mga sangkot na mananaliksik at tagatugon sa tiyak na kaligiran na pag-aaral. Ginagamit ito
madlas ng mga antropologo at madalas isinasakatuparan sa larangan ng agham (Weston, 2017).

Ang etnograpiya ay ang makaagham na estratehiya ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa


larangan ng mga agham panlipunan, partikular na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng
sosyolohiya, na kilala rin bilang isang bahagi ng agham pangkasaysayan na nag-aaral ng mga tao,
pangkat etniko, at iba pang mga kabuuang etniko, ang kanilang etnohenesis, kumposisyon, muling
paglipat, mga katangian ng kabutihang panlipunan, pati na ang kanilang kalinangang materyal at
espirituwal. Karaniwan itong ginagamit para sa pangangalap ng mga dat-empirikal hinggil sa mga lipunan
at mga kalinangan ng tao. Kadalasang ginagawa ang pagtitipon ng mga datos sa pamamagitan ng
pagmamasid ng kalahok, mga panayam, mga pagtatanong na nakasulat, at iba pa. May layunin ang
etnograpiya na mailarawan ang kalikasan ng mga pinag-aaralan (iyong mailawaran ang isang pangkat ng
mga tao, na tinatawag na isang ethnos) sa pamamagitan ng pagsusulat.

Tiyak na layunin sa pag-aaral ng etnograpiko

- Mapalalim ang kaalaman ukol sa gawi ng isang pangkat.


- Mailahad ang mga kultura na katangian at mga isyung kinakaharap ng isang pangkat.
- Makapagdisenyo ng angkop na estratehiya upang malulutas ang suliranin.

Dahilan kung bakit isinasagawa ang pananalisik na etnograpiya

- Isinasagawa iyo hindi lamang upang matukoy ang nakalipas na uri ng pamumuhayo
kaanasan kundi nakahigit dito ang hangarin na maranasan kung paano namuhay kasama
ang angkat na pinag-aaralan, matanggap ang kanilang ideya, maunawaan ang kanilang
mithiin, kaisipan, pagpapahalaga at paniniwala.
- Itinuturing itong makatao sapagkat maliban sa pakikibahago ng mananaliksik sa komunidad
naipaparanas din niya ang kanyang ugali, gawi, pagpapahalag at paniniwala kasabay ng
mga tagatugon.
- Dahil dito ang kanyang karanasan ay nagiging makabuluhan.

Metodo:

- Tinatawag na “antropoogical ethnographer” ang nagsasagawa ng pag-aaral na etnograpiko.


Ang mga ethnographer ang nangangalap ng kinakailngan datos. Upang maisakatuparan ito
isinasagawa ang mga sumusunod:

o Live and work approach. Ang mga ethnographer ay nakikipamuhay sa lugar ng


kanilang mga tagatugon sa loob ng isa o mahigit pang isang taon. Sa ganitong
FILDIS |43

paraan ay lumalawak ang impormasyon at kasapatan sapagkat naoobserbahan at


nararanasan ang mga aktwal na gawi ng mga tao sa isang lugar.
o Individual approach. Kung saan ang mga tala ay ukol sa mga tagatugon na nakuha
mula sa obserbasyon, panayam at survey ay napakahalagang suporta upang
maipakita ang kabuoang gawi ng pangkat.
o Etic and emic approach. Mataposs makuha ang mahalagang impormasyon. Itala at
masusing pinag-aaralan ang mga datos, ginagamit ang emic (folk or inside) at etic
(analytic or outside) upang mailarawan ang komunidad.

Paraan ng pagkalap ng datos


- Obserbasyon
- Panayam
- Survey
- Pakikisalamuha
- pakikipamuhay
FILDIS |44

Input:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang Pagmamapa at Etnograpiya para sa iyong pag-unawa?


2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng etnograpiya? Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Pagmamapa Etnograpiya
Pagkakaiba

Pagkakatulad

Output:
Panuto: Maghanap ng kapares at msagawa ng pananaliksik. Sundin ang mga sumusunod ng
mga hakbang.

1. Humanap ng etnikong grupo o Indigenous People. Maaring magsaliksik sa pamamagitan


ng Internet at kumalap ng impormasyon.
2. Magsagawa ng obserbasyon at mag-interview hinggil sa kanilang mga paniniwala at
kultura. Kung sa internet ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng online
interview o maaari rin na magbasa ng mga artikulo na kaugnay sa kanilang kultura.
3. Alamin kung may nabago sa kanilang kultura o nananatili pa rin o patuloy pang
ginagamit.
4. Kumuha ng larawan o mangalap ng mga iba pang detalye o ebedensya hinggil sa
nakalap na datos (maaaring kumuha sa Internet sa ibang impormasyon).
5. I- reedit ang mga nakalap na datos, i-print at I-compile.
6. Lagyan ng sariling pamagat.
7. Kinakailangan nakalagay ang mga tanong na ginamit, mga kagamitan, mga paraan ng
pangangalap at mga taong sangkot sa pananaliksik.

Modyul 2
Pananaliksik sa Leksikograpiko

ang modyul na ito ay tumatalakay sa pag-aaral ng wika. Layunin nito na makalikha at


makapagsasaliksik ng mga bagong salita at kahulugan nito para sa pagpapaunlad ng wika.

Inaasahang layunin:

1. Malaman ang kahulugan at halaga ng layunin ng Leksikograpiko.


2. Makapagsiyasat at makabuo ng mga makabagong salita at kahulugan nito.
FILDIS |45

3. Makapagkritika ng mga bagong aklat na talasalitaan o talahuluganan at tukuyin ang kaibahan


nito sa mga lumang talahuluganan at talasalitaan.

Pagpapahalagang moral:
“Ang taong may puno ng salita at kahulugan ay daig pa ang aklat-pangkarunungan.”

Input:

PANANALISIK SA LEKSIKOGRAPIKO

Mula sa salitang Griyego na Lexicographicos ang sag salitang leksikograpiko na pinagsamang


lexikos (salita o pananalita) at graho (isulat o iukit) at sa Ingles ay lexicography na ibig sabihin ay naukit
na nasulat na pananalita.

Pinakalayunin nito ay maitala ang leksikal na impormasyon ng mga salita gamit ang pagtatala ng
mga ito sa pamamagitan ng anyong diksyonaryo.

Ayon kay Teresita F. Fortunato sa kanyang artikulo na Leksikograpiya: Hakbang sa


Istandardisasyon ng Filipino, importante at susi ang leksikograpiya sa pag-iistandardisa nito sa
komunikasyon. May malaking pangangailangan para mapayaman ang volyum ng mga yaring trabahong
leksikograpiko para sa mataas na antas ng diskursong iskolari. Ito ang hamon sa pagkilos tungo sa
intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa.

Dalawang Pangkat sa pag-aaral ng liksikograpiya:

 Leksikograpikong Praktikal- ito ay sining ng pagsama-sama, pagsulat at pagwawasto ng mga


leksikal upang makabuo ng diksyunaryo.

 Teoretikal na Liksikograpiko- ito ay larangan ng kaalaman o disiplinang nauukol sa analisis at


paglalarawan sa semantika, sintaks at kahulugan ng mga leksikon ng wika.

Leksikograpiko at pananaliksik

Ang Leksikograpiya ay isa rin sa mga pinagtutuonang larangan ng pananaliksik dahil sa wikang
nagbabago. Ang paggamit ng wika ng mga tao sa kasalukuyan ay malaki na rin ang kaibahan sa
paggamit ng mga salita sa mga nakaraang taon.

Ang pananaliksik leksikograpoya ay isang uri na linggwistik. Ito ay deskriptibo at nakatuon sa


pangangalap, paghahanay at pag-aayos, pagbibigay ng kahulugan at paglalahad ng mga
impormasyon.

Mga Metodo sa pananaliksik leksikograpiya (Schierholz)

Ang mga metodo sa pananaliksik leksikograpiya ay ang mga sumusunod:

 Pangangalap ng linngwistikal na datos (salita, tunog, pagsulat at iba pa)


 Paraan ng pag-ayos ng datos (alphabetical or word by word)
 Disiplinang kinabibilangan ng salita at analisis ng kahulugan ng salita
FILDIS |46

 Paggamit ng wastong ortograpiya ayon sa katangian ng wika.


 Pagtukoy sa katangiang kultural ng mga ginamit ng diksyunaryo
 Pagtukoy sa komunidad at kognitibong layunin ng diksyunaryo.
 Pagpili ng kaayusan ng estruktura ng mga kalahok.
 Distribusyon ng lahok at cross reference
 Pagpili ng mga panlapi at paraan ng paglalahad sa mga salita
 Pagpili ng mga parirala
 Pagbibigay katuturan
 Pagsulat ng paraan ng pagbigkas ng salita
 Pagsasana ng iba-ibang rehistro, diyalekto at iba pa.
 Pagsasalin sa lahok

Dalawang pangunahing layunin

 Pagpaplano, pagbabalangkas, paghahanda, paglalathala at pagsasapanahon ng mga


diksyunaryo, tesauro at ensayklopidya.

 Pagtitipon at pagsasapanahon ng mga diksyonaryong monolinggwal, bilinggwal, bokabularyong
siyentipiko at espesyalisado at mga terminolohiyang teknikal.

Gawain 1:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Batay sa kahulugan ng Leksikograpiko, ano ang iyong sariling pakahulugan?


2. Gaano kahalaga ang layunin nito sa pag-aaral ng wika?

Gawain 2:
Panuto: Maghanap ng mga bagong at lumang aklat na talahulugan at talasalitaan at magsiyasat ng mga
salitang may pinagkaiba, nabago o may nadagdagan na kahulugan sa salitang iyon. Isulat ito sa loob ng
talahanayan.
Salita Lumang aklat Kahulugan Bagong aklat Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Output:
Panuto: Gumawa ng sariling diksyunaryo o talahulugan. Pumili lamang sa ibaba kung anong larangan o
disiplina ang iyong gagawan ng talahulugan.

1. Talahulugan para sa kursong Medisina


2. Talahulugan para sa kursong Accounting
3. Talahulugan para sa kursong Engineering
4. Talahulugan para sa kursong Edukasyon
5. Talahulugan para sa kursong Business
6. Iba pang larangan.

Mga pamantayan sa paggawa ng Talahulugan.


FILDIS |47

1. Higit sa limangpung (50) salita sa talahulugan.


2. Maaaring maghanap ng salita at kahulugan sa mga aklat at internet.
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagpapakahulugan.
4. Kung ang salita ay walang katumbas sa wikang Filipino ay maaaring gamitin.
5. Alpabetikal ang pagkakasunod ng mga salita.
6. Ang limitasyon sa pangungusap ng pagpapakahulugan ay hindi lalagpas sa tatlo (3).
FILDIS |48

Modyul 3
Video documentation, S.W.O.T. Analysis, Literature review, Pagtatanungtanong, obserbasyon,
interbyu, FGD at Participant Observation
Ang Video documentation, S.W.O.T. Analysis, Literature review, Pagtatanungtanong,
obserbasyon, interbyu, FGD ay mga kagamitan sa pangangalap ng datos para sa pagpapatibay ng
pagsasagawa ng pananaliksik.
Inaasahang layunin:
1. Malaman ang kahulugan at mga paraan ng pagsasagawa ng Video documentation, S.W.O.T.
Analysis, Literature review, Pagtatanungtanong, obserbasyon, interbyu at FGD.
2. Makapagsasagawa ng Video documentation, S.W.O.T. Analysis, Literature review,
Pagtatanungtanong, obserbasyon, interbyu at FGD.

Input:

VIDEO DOCUMENTATION

Nagbibigay ng reyalidad sa mga datos o impormasyon na kanyang ginagamit at nagiging lubos


na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyong iyo kung binabanggit ng mananaliksik ang video na
pinagkukuhanan.

Ang video documentation ay isa na sa pinakagamiting pamamaraan ng pagkalap ng datos sa


kasalukuyan sapagkat ito ay naglalahad ng aktuwal na pangyayari. Makikita sa dokumento ang lahat ng
mga datos na kailngan at ito ay makakatotohanan at makapagkakatiwalaang hanguan (Bowman, 2016)

Ayon kay Jewitt (2012), ito rin ay napakahalagang kagamitan sa pagkuha ng impormasyon
sapagkat nakakatulong ito upang mailahad nang wasto ang mga impormasyon. Maliban dito,
napapanatiling maayos ang mga impormasyon sapagkat marami nang mga kagamitan na magagamit
upang ang mga recording ay maimbak.

Paraan ng pagsasagawa

Participatory Video Approach

- Isang paraan kung saan ang mga mananaliksik ay kasama rin sa imahen ng video.
Karaniwan ito ay nasa pananaliksik kultural, pangwika, historical at iba pa. Isa itong proseso
kung saan ang mga tagatugon ay maaari ding gumagamit ng video upang idokumento ang
kanilang pamumuhay nang sa gayon ay natural lang sa mga sa datos.

Videography

- Isa itong dulong etnograpiko sa pagbuo ng video documentation na nahahawig sa


participatory video approach. Naiiba lamang ito sapagkat mayroon itobf layunin aesthetic o
pagpapakita ng mga pangyayari sa paraang malikhain.

Existing Videos

- Ito ay paggamit ng mga video na maaring makakuha sa iba’t ibang hanguan o sanggunian.
Maaaring ang mga ito ay mula sa pangkat, organisasyon o kaya ay indibidwal. Ang
FILDIS |49

halimbawa nito ay video na nakuha sa tahanan o home-made/domestic video, broadcast


midea, mga CCTV recording, mga video sa youtube at iba pa.

Video Elicitation

- Mga video mula sa mga panayam na ginagamitan upang mapagkunan ng mga impormasyon
o kaya ay bilang hanguan ng talakayan. Inihihinto ang video sa isang bahagi upangipahayag
ng tagatugon o mga tagatugon ang kaniya/kanilang mga kaisipan ukol dito. Sumakatwid
‘selective’ ang paggamit ng video. Ito ay upang mapaliwanag ng tagatugon ang kaniyang
mga kaisipan.

Video-Base Field

- Ito ay pagkuha ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga video camera na inilagay sa


isang lugar sa mahabang panahon upang makakuha ang bawt saglit ng mga pangyayari sa
‘subject’ na nais pag-aralan.

S.W.O.T. Analysis
(S – strength, W – weaknesses, O – opportunity, T – threats)

Ito ay isang kapaki-pakinabang na pamamaraan para maunawaan ang iyong mga KAKAYAHAN
at mga KAHINAAN, at para sa pagkilala sa mga OPURTONIDAD na bukas sa iyo at sa mga BANTA na
iyong kinakaharap.

Ito ay isang balangkas na ginagamit upang pag-aralan ang mapagkumpetensyang posisyon ng


isang kumpanya at upang bumuo ng madiskarteng pagpaplano. Tinutukoy ng pag-aanalisa ng SWOT
ang panloob at panlabas na mga kadahilanan, pati na rin ang mga potensyal na kasalukuyan at sa
hinaharap.

Ito ay dinisenyo upang mapadali ang isang makatotohanang, nakabatay sa katotohanan,


nakabase sa data na pagtingin sa mga lakas at kahinaan ng isang samahan, mga pagkukusa nito, o
isang industriya. Kinakailangan ng organisasyon na panatilihin ang tumpak na pag-aaral sa pamamagitan
ng pag-iwas sa mga pinaniniwalaan na mga paniniwala at sa halip ay nakatuon sa mga konteksto sa
totoong buhay. Ang mga kumpanya ay dapat gamitin ito bilang isang gabay at hindi kinakailangan bilang
isang reseta.

Ang mga manunuri ay nagpapakita ng SWOT analysis bilang isang parisukat sa bawat isa sa
apat na mga lugar na bumubuo ng isang kuwadrante. Ang visual na pag-aayos ay nagbibigay ng isang
mabilis na pangkalahatang-ideya ng posisyon ng kumpanya. Kahit na ang lahat ng mga punto sa ilalim ng
isang partikular na heading ay maaaring hindi pantay-pantay na kahalagahan, ang lahat ng ito ay dapat
na kumakatawan sa mga pangunahing pananaw sa balanse ng mga pagkakataon at pagbabanta, mga
pakinabang at disadvantages, at iba pa.

LITERATURE REVIEW

• Ay isang uri ng artikulo ng pagsisiyasat na naglalaman ng mga napapanahong kaalaman na


kasama ang mga sustantibong mga natuklasan, gayundin teyoretikal at metodolohikal na
maiaambag sa isang natatanging paksa.

• Ito ay kabilang sa secondary sources at hindi nagsasalaysay ng mga bagong experimental work.
FILDIS |50

• Ito ay ginagawa ng mga estudyanteng magtatapos na sa pag-aaral at kabilang dito ang paggawa
ng thesis.

PAGTATANUNGTANONG

Ay kinilala bilang isang katutubong paraan ng pananaliksik sa Philippine social science research.
Tinatalakay ng papel na ito ang pagiging kapaki-pakinabang nito sa mga cross-cultural studies lalo na sa
mga grupo ng etnikong minorya.

Ang tanong-tanong ay may apat na pangunahing katangian:

 Ito ay likas na nakikilahok. Ang informant ay may isang input sa istraktura ng pakikipag-ugnayan sa
mga tuntunin ng pagtukoy ng kanyang direksyon at sa pamamahala ng oras.

 Ang tagapagpananaliksik at ang informant ay pantay sa katayuan; ang parehong mga partido ay
maaaring magtanong sa bawat iba pang mga tanong para sa tungkol sa parehong haba ng
panahon.

 Ito ay naaangkop at nakakapag-agpang sa mga kondisyon ng pangkat ng mga impormante na ito


ay sumusunod sa mga umiiral na mga pamantayan ng grupo.

 Ito ay isinama sa iba pang mga katutubong pamamaraan ng pananaliksik.

OBSERBASYON

Ang pag-udo, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag, obserbasyon, o pag-oobserba ay maaaring isang


gawain ng isang nabubuhay na nilalang, katulad ng tao, na binubuo ng pagtanggap ng kaalaman ukol sa
mundong panlabas sa pamamagitan ng mga pandama; at maaari ring pagtatala ng datus na ginagamitan
ng mga instrumentong pang-agham. Ang mga katagang ito ay maaari ring tumukoy sa anumang datong
nalipon habang isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga
bagay o kapag tinitingnan mo ang isang bagay.

INTERBYU

Ang Pakikipanayam o Interbyu ay isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang


taong nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat o maipalilimbag.

Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o tanging


kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa
tanyag na tao o kilalang otoridad na kinakapanayam.

Nagbigay ng tagubilin sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigay ng ilang tagubin na dapat
tandaan bago mag-interbyu, sa takdang oras , sa oras ng pag-uusap at pagkatapos ng pag-uusap.

a. Bago mag-interbyu
1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu
2. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natatalakay.
3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at oras ng interbyuwi.
FILDIS |51

4. Hangga’t maaari, kumuha ng pahintulot upang mag-interbyu sa interbyuwi o iba pang


kinauukulan sa pamamahitan ng sulat.
5. Hangga’t maaari, alamin ang lahat ng nahihinggil sa katauhan ng iinterbyuhin.
6. Pag-aralan muna ang paksang tatalakayin sa interbyu.
7. Tiyakin ang mga sasaklawin kasangang-paksa at ang panahong gugugulin sa interbyu.
8. Maghanda ng balangkas o mga gabay na tanong.
9. Magdala ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng teyp rekorder, bidyo, kamera, bolpen,
papel at iba pa.
10. Magbihis ng representable.

b. Sa takdang oras
1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar.
2. Magalang sna magpakilala at ipaalala ang pakay.
3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.

c. sa oras ng pag-uusap
1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng
Oo at Hindi.
2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu
3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng interbyuwi.
4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa paglihis
sa paksa ng interbyu.
5. Makinig ng mabuti.
6. Itala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansing paraan.
7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.
8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyuwi.

d. Pagkatapos ng pag-uusap
1. Huwag pabigla-bigla sa pagtatapos ng interbyu.
2. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong naitala.
3. Kung nakateyp ang inetrbyu, i-transkrayb agad iyon.
4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kwastuhan ng tuwiran sinasabi ng interbyuwi, makipagkita
o makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo’y maliwanagan at nang maiwasan ang
mamis-qoute ang interbyu.
5. Hangga’t maaaari, biyan ang interbyu ng kopya ng transkrip ng interbyu o awtput ng interbyu.

FGD (Focus Group Discussion)

Ang isang Focus Group Discussion (FGD) ay isang kasanayang pamamaraan ng pananaliksik na
binubuo ng isang nakabalangkas na talakayan at ginagamit upang makuha ang malalim na impormasyon
mula sa isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang partikular na paksa.

Ang layunin ng isang pangkat na pokus ay upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga
opinyon, paniniwala, saloobin, pananaw ng mga tao, hindi pinagkasunduan o gumawa ng desisyon.

PARTICIPANT OBSERVATION

• Ang layunin nito ay upang makakuha ng isang malapit at pamilyar sa isang naibigay na pangkat
ng mga indibidwal (tulad ng isang relihiyon, trabaho, pangkat ng subkultura, o isang partikular na
komunidad) at ang kanilang mga kasanayan sa pamamagitan ng isang masinsinang paglahok sa
mga tao sa kanilang kultural na kapaligiran, kadalasan sa matagal na panahon.
• Ito ay isang uri ng paraan ng pagkolekta ng datos na kadalasang ginagamit sa pananaliksik at
etnograpiya. Ito ay isang malawakang ginagamit na pamamaraan sa maraming disiplina, lalo na
FILDIS |52

sa kultura ng antropolohiya, etnolohiya ng Europa, sosyolohiya, pag-aaral sa komunikasyon,


heograpiya ng tao at sikolohiya sa lipunan.

Gawain 1:
Panuto: Salungguhitan ang maling salita o pahayag sa pangungusap at ilagay sa patlang ang
tamang salita.
1. Ayon kay Bowman(2016), ang Video Documentation ay napakahalagang kagamitan sa pagkuha
ng impormasyon sapagkat nakakatulong ito upang mailahad nang wasto ang mga impormasyon.
____________________
2. Ang video documentation ay isa na sa pinakagamiting pamamaraan ng pagkalap ng datos sa
kasalukuyan sapagkat ito ay naglalahad ng di-aktwal na pangyayari.
________________________
3. Ang Videography ay naiiba lamang sapagkat mayroon itong layunin unaesthetic o pagpapakita
ng mga pangyayari sa paraang malikhain. ___________________
4. Ang Participatory Video Approach ay pagkuha ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga video
camera na inilagay sa isang lugar sa mahabang panahon upang makakuha ang bawt saglit ng
mga pangyayari sa ‘subject’ na nais pag-aralan. ______________________
5. Ang SWOT analysis ay dinisenyo upang mapadali ang isang makatotohanang, nakabatay sa
kasinungalingan, nakabase sa data na pagtingin sa mga lakas at kahinaan ng isang samahan,
mga pagkukusa nito, o isang industriya.
6. Ang Iiterature Review ay isang uri ng artikulo ng pagsisiyasat na naglalaman ng mga
napapanahong kaalaman na kasama ang mga sustantibong mga natuklasan, gayundin
teyoretikal at metolohikal na maiaambag sa isang natatanging
paksa._______________________
7. Sa pagtatanong-tanongAng tagapagpananaliksik at ang informant ay pantay sa karapatan ang
parehong mga partido ay maaaring magtanong sa bawat iba pang mga tanong para sa tungkol
sa parehong haba ng panahon. ________________
8. Ang mga Interview ay maaari ring tumukoy sa anumang datong nalipon habang isinasagawa ang
gawaing ito. Ito man ay maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga bagay o kapag tinitingnan
mo ang isang bagay. ___________________
9. Ang layunin ng isang pangkat na pokus ay upang magnakaw ng impormasyon tungkol sa mga
opinyon, paniniwala, saloobin, pananaw ng mga tao, hindi pinagkasunduan o gumawa ng
desisyon.
10. Ang layunin ng Focus Group Discussion ay upang makakuha ng isang malapit at pamilyar sa
isang naibigay na pangkat ng mga indibidwal (tulad ng isang relihiyon, trabaho, pangkat ng
subkultura, o isang partikular na komunidad). _______________________

Gawain 2:

Panuto: Tukuyin kung anong saang oras o takdang panahon nabibilang ang mga sumusunod na
hakbang sa pagsasagawa ng Interbyu. Isulat lamang ang titik bago ang numero.
a. Bago ang Interbyu b. Sa Takdang Oras c. Sa Oras ng Pag-uusa
d. Pagkatapos ng Pag-uusap

1. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.


2. Hangga’t maaaari, biyan ang interbyu ng kopya ng transkrip ng interbyu o awtput ng interbyu.
3. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong naitala.
4. Maging masigla at magtiwala sa sarili
5. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng Oo
at Hindi.
6. Hangga’t maaari, kumuha ng pahintulot upang mag-interbyu sa interbyuwi o iba pang
kinauukulan sa pamamahitan ng sulat.
FILDIS |53

7. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natatalakay.


8. Magalang sna magpakilala at ipaalala ang pakay.
9. Itala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansing paraan.
10. Hangga’t maaaari, biyan ang interbyu ng kopya ng transkrip ng interbyu o awtput ng interbyu.

Gawain 4:
Panuto: Magsagawa ng SWOT analysis ng isang piling kompanya o organisasyon. Alamin ang
Kakayahan at Kahinaan, Opurtunidad at mga banta sa kanilang organisasyon.

Gawain 5.
Panuto: Gumawa ng isang Video Documentation hinggil sa mga pangyayari o kaganapan sa
ating bansa.

Modyul 4
Kwentong-Buhay, Eksperimental na Pananaliksik, Case study , Aksyong Pananaliksik at iba pang
paraan ng pagsasaliksik

Inasahang Layunin sa Modyul:


1. Makabuo ng isang kwentong buhay ng isang kilalang tao o personaidad na may malaking
natanggap na karangalan o matagumpay sa buhay.
2. Makapagsaliksik ng mga akdang experimental at alamin ang haypotesis at resulta ng
pag-aaral.
3. Malaman ang kahulugan at kahalagahan ng mga iba pang paraan ng pagsasaliksik.

Pagpapahalagang Moral:
“Magsalikisik ng may sigasig at pagsisikap, maging mapanuri at matatag.”

Input:

KWENTONG-BUHAY

Ay nangangalap ng mga artikulo sa maraming pamamaraan sa agham panlipunan na nakatuon


sa pananaliksik kung saan ang indibidwal at ang kanyang buhay, karanasan at pag-iisip ay ang
pangunahing pokus ng pag-aaral.
Ang personal na salaysay ay maaaring i-tease out sa maraming paraan gamit ang mga
pamamaraan tulad ng auto/biographical o oral na kasaysayan, at maging ang psychoanalytical.
Ang set na ito ay napakahalaga sa mga mananaliksik sa loob ng mga agham panlipunan at mga
kaugnay na larangan ng pananaliksik (nursing, criminology, pag-aaral sa kultura). Sa maraming 'bagong'
diskarte na magagamit, indibidwal na mga mananaliksik ay inaalok ng access sa materyal na tumutugon
sa parehong 'kung paano' pati na rin ang isang kritikal na pagsusuri ng mga isyu na nauugnay sa kanila.

ANG EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

• Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga


katanungan.
• Haypotesis ang tawag sa hulang ito. Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok sa isang
haypotesis sa pamamagitan ng isang mapamaraang paggamit ng may kaugnayang empirikal na mga
FILDIS |54

salik, sa pag-asang matatamo ang katotohanan kung ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga ng
mga mapamaraang paggamit.
• Sinasabi ni Gay (1976) na itolamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusuboksa
palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na
ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para
subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito


• Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
• Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
• Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa dimalayang baryabol ay inoobserbahan o
pinag-aaralan at sinusulat.

PAG-AARAL NG KASO (CASE STUDY)

Ang paraang ito’y detalyadongpag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
Ang mga case study ay maaaring mas tiyak sa kultura, maaaring magpahintulot para sa higit na
pananaw at mas malalim na paliwanag sa teoretikal.

AKSYONG PANANALIKSIK

Ito ang uri n pananaliksik na may mabisang solusyon ng problema. Dito hindi naman kinakailangang
gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon.
Sa edukasyon, ang aksyong pananaliksik ay ginagamit upang maremedyuhan ang mga problemang
pagtuturo at pagkatuto.

PAGSUSURI NG DOKUMENTO

Isang mahalagang bahagi ng paglilitis at pinakamatrabaho na bahagi ng pagtukalas. Habang


umuunlad ang industriya ng pagsusuri ng dokumento, ang mga karera sa patlang na ito ay lumalago ng
mas marami at komplikado. Ang mga tagasuri ng dokumento ay nagtataglay ng mga espesyal na
kasanayan upang pag-aralan ang komplikadong impormasyon at gumagawa ng mga tawag sa paghatol
na may paggalang sa kaugnayan, pribilihiyo, kakayahang tumugon, at pagiging kompidensyal.

COMPARATIVE ANALYSIS (KOMPARATIBONG PAGSUSUSRI)

Naglalayong maghambing ng anumang konsepto,kultura,bagay,pangyayari at iba pa.

Ang comparative analysis ay nagbibigay-daan sa pag-aaral mula sa natural na mga eksperimento na


isinasagawa sa kapinsalaan ng iba; gayunpaman, ito ay mas matibay at pumipili sa mga tuntunin ng
datos upang maiproseso.

DISCOURSE ANALYSIS

Pag-aaral sa diskurso(berbal na komunikasyon). Ito ang pag-unawa sa pangunahing struktura ng


isang kontrobersyal na interaksyon o masusing paglalarawan ng kombersyon.

Dalawang uri ng diskurso

1. Struktura na diskurso
-Nangangahulugang isang particular na yunit ng linggwahe/wika.
FILDIS |55

- Paraang pagsasalita ng tao.


2. Fangksyonal na diskurso
-Tiyak na pokus sa gamit na wika.
-Maari itong humantong sa lalong malawak o pangkalahatang pagsusuri sa fangksyon ng wika.

CONTENT ANALYSIS

Ang pagtatasang nilalaman (content analysis) ay ang pag-aaral ng mga dokumento at mga artifact
ng komunikasyong,na maaring mga teksto ng iba’t-ibang mga format,mga larawan,audio o video.

SALIKSIK-ARKIBO (ARCHIVAL RESEARCH)

Uri ng pananaliksik na kung saan ang mga nasaliksik ay itinatago at maaring gamitin pa ng mga
susunod na mananaliksik.

IMPACT ASSESSMENT
Sinusukat ang kabisaan ng mga gawaing pang-organisasyon at paghuhusga sa makabuluhang
pagbabago na dulot ng mga aktibidad na ito.

PAGSASAGAWA NG SURVEY
Isang pag-aaral na ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari.paraan o metodolohiya na
ginagamit sa pag-unawa tungkol sa tiyak na paksa.

Layunin:
1. Makatuklas ng bagong impormasyon o ideya.
2. Mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
3. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema.

Mga instrumento sa pahsasagawa ng survey:


1. Ballpen
2. Papel
3. Tanong
4. Recorder
5. Videocam/camera

Uri ng pakikipanayam
1. Pormal
2. Hindi pormal
3. Informative
4. Opinyon
5. Lathalain

Paano gumawa ng survey?


1. Pumili o bumuo ng isang mabisa na paksa at pamagat.
2. Bumuo ng layunin ng inyong pag-aaral.
3. Bumuo ng tanong batay sa layunin.
4. Alamin ang stratehiya ng pagtatanong.
5. Pumili ng magiging respondente

TRANSKRIPSYON

Ginagamit bilang gaya o patnubay kung paano bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.
FILDIS |56

Dalawang uri:
1. Ponemikong transkripsyon – lahat ng makabuluhang tunog sa ponema ay bibigyan ng kaukulang
simbolo.
2. Ponetikong transkripsyon – lahat ng marinig ng nagsusuri ay itinatala mahalaga man o hindi.
Dapat tandaan:
1. Sa pagsasagawa ng transkrisyon,de letra o script ang dapat gamitin at hindi patakbo or cursive.
2. Salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat kahulugan ng dalawang guhit na
palihis.
3. Hindi gumagamit ng malalaking titik sa transkrisyon.

Gawain 1:
Maghanap ng mga kilala at matagumpay tao at saliksikin ang kanyang kwentong buhay. Sundin
ang mga sumusunod:
1. Alamin ang kanyang demograpikong Propayl.
2. Ano ang kanyang kwentong kabataan na di niya makakalimutan?
3. Ano ang pinakamasaya at pinakamalungkot na nangyari sa kanyang buhay?
4. Ano ang kanyang mga napagtagumpayan o karangalan sa buhay?
5. Ano ang mga pinapangarap niya na gusto pang makamit?
6. Ano ang moto niya at maaaring payo sa lahat?

Gawain 2:
Panuto: Maghanap ng mga ekperemental na pananaliksik at punan ang mga hinihinging sagot
sa loob ng talahanayan. Isalin sa wikang midyum na ginagamit sa klase.

Pamagat ng Eksperimental na Haypotesis Resulta ng pagsasaliksik


pananaliksik
1.

2.

3.

Gawain 3:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago
ang numero.

____________1. Sa edukasyon, ang ________________ ay ginagamit upang maremedyuhan ang mga


problemang pagtuturo at pagkatuto.
____________2. Ang mga _______________ ay maaaring mas tiyak sa kultura, maaaring magpahintulot
para sa higit na pananaw at mas malalim na paliwanag sa teoretikal.
FILDIS |57

____________3. Sa pagsusuri g dokumento, ang mga tagasuri ng dokumento ay nagtataglay ng mga


espesyal na ____________ upang pag-aralan ang komplikadong impormasyon at gumagawa ng mga
tawag sa paghatol na may paggalang sa kaugnayan, pribilihiyo, kakayahang tumugon, at pagiging
kompidensyal.
____________4. Ito ay naglalayong maghambing ng anumang konsepto,kultura,bagay,pangyayari at iba
pa.
_____________5. Ito ay isang mahalagang bahagi ng paglilitis at pinakamatrabaho na bahagi ng
pagtukalas. Habang umuunlad ang industriya ng pagsusuri ng dokumento, ang mga karera sa patlang na
ito ay lumalago ng mas marami at komplikado.
_____________6. Sinusukat ang kabisaan ng mga gawaing pang-organisasyon at paghuhusga sa
makabuluhang pagbabago na dulot ng mga aktibidad na ito.
_____________7. Ito ang pag-unawa sa pangunahing struktura ng isang kontrobersyal na interaksyon o
masusing paglalarawan ng kombersyon.
_____________8. Isang pag-aaral na ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari.paraan o
metodolohiya na ginagamit sa pag-unawa tungkol sa tiyak na paksa.
_____________9. Ang ______________ ay ang pag-aaral ng mga dokumento at mga artifact ng
komunikasyong,na maaring mga teksto ng iba’t-ibang mga format,mga larawan,audio o video.
_____________10. Lahat ng makabuluhang tunog sa ponema ay bibigyan ng kaukulang simbolo.

Gawain 4:
Panuto: Ilahad ang mga hinihinging sagot sa mga katanungan. Ang pangungusap ay hindi
bababa sa apat (4).

1. Gaano kalahaga sa iyo ang pagsasagawa ng pananaliksik?

2. Sa mga iba’t ibang paraan o uri ng pagsasaliksik, alin sa iyo ang pinakamadali at mas
magandang gamitin? Bakit?

You might also like