You are on page 1of 3

FILIPINO SA BATAS: MGA PROBLEMA AT ESTRATEHIYA

Cezar C. Peralejo

Isa sa pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas ang pananakop ng mga


Espanyol sa ating bansa. Sa loob ng tatlongdaan tatlumpu’t tatlong taon ay napasailalim ang
bansa sa isang sentralisadong pamahalaang itinatag ng mga mananakop. Sa ilang daang taong
pananakop ay maraming mahalagang pangyayari ang naganap na lubhang nakaimpluwensya
sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. Kung kaya, upang maitala ang mga ito bilang
bahagi ng kasaysayan, ay nagkaroon ng mga manunulat na nagsatitik ng mga pangyayari
mula sa pagdating mga Espanyol na sila ay nakakita ng estado bago pa man
naimpluwensyahan ng dayuhan. Kabilang sa mga manunulat na ito ay sina Juan De
Plasencia, Antonio De Morga, at Miguel De Loarca. Sinasabing ang mga katutubo ay
naninirahan sa barangay na pinamumunuan ng mga datu o Rajah. Tulad na lamang ng
Maynilad at Tondo na pinamumunuan nina Rajah Matanda at Soliman.

Isa sa pinamalaking kaganapan sa buong mundo ang Kasunduang Paris na naging


ugat upang magatapos ang pananakop ng Espanyol at magsimula ang pananakop ng mga
Amerikano. Ang kasunduang ito ay pormal na tratadong nilagdaan ng Espanya at ng Estados
Unidos sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898. Nakapaloob sa kasunduang ito ay pagsuko
ng Espanya sa Cuba, Puerto Rico, at ilang bahagi ng West Indies, Guam, at Filipinas sa
Estados Unidos kapalit ng $20 milyon. Ito ay naipatupad noong ika-11 ng Abril 1899.
Samantala ang mga batas na umiiral sa Pilipinas mulang noong taong 1898 hanggang 1950 ay
nakapaloob sa Kodigo Sibil at Kodigo Penal.
Sa pagdating ng mga Amerikano ay dinala nila ang wikang Ingles sa Pilipinas sa
pamamagitan ng batas partikular ang Kodigo Sibil. Ang Kodigo Sibil na umiiral sa Pilipinas
ay nagsimula sa panahon ng Espanyol na tinawag din na Ley de Enjuciamento Civil o Civil
Prosecution Law. Samantala ito ay napalitan sa panahon ng mga Amerikano at kalaunan ay
naging Code of Civil Procedure. Ang Kodigo Sibil ay ang kodigong saligan ng mga batas-
pangmamamayan, na ginagamit sa ugnayan ng mga taong-bayan hinggil sa kanilang ari-
arian, mga gawain, pagbabagong anyo ng kani-kanilang tungkulin at karapatan, alinsunod sa
iba’t ibang kalagayan ng tao maging sa pangkasunduan o sa makataong pag-uugnayan. Sa
kabilang banda, ang Kodigo Penal ay naglalaman ng pangkalahatang batas na nauukol sa
iba’t ibang uri ng krimen at kaukulang parusa ng mga ito. Sa madaling salita, mula sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa pananakop ng mga Amerikano, ay
dayuhang batas ang namayani sa ating bansa.
Noong taong 1950, naipatupad na ang binagong Kodigo Sibil ng Pilipinas na
ginagamit hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng Batas Republika Bilang 366. Ang sinabi ng
Code Commission tungkol sa pagbabalangkas ng Kodigo Sibil ng Pilipinas ay ganito:
 Naglalarawan ng kulturang Filipino at katutubong kaugalian
 Gumawa ng sariling batas nang walang banyagang panghihimok o superbisyon
 Hindi dapat magbadya ng makitid at eksklusibong nasyonalismo
 Isabatas ang mga kaugalian na karapat-dapat panatilihin
 Makalinang ng solusyong legal na nakaugat sa pinagmulan ng moralidad at
katarungan

Magpahanggang ngayon, kanluranin pa rin ang namamayani sa ating binagong


Kodigo Sibil dahil ang karamihan ay hango o buhat sa salitang Greek, Latin, French, at
Spanish. Sa madaling salita, ang lahat ng mga batas na umiiral na namamahala sa Pilipinas
noong tayo ay sakop ng mga Espanyol at Amerikano. Hindi lamang sa batas, kundi pati na
rin sa pamamaraan ng pamumuhay. Naisin man nating makabuo ng teorya o metodong
bunga ng kaisipang Filipino, mahirap pa rin dahil tayo at nakabilanggo sa isipan at
damdamin na Kanluranin. Kung nagnanais ng katarungan ang ating Estado, dapat lamang na
maisalin sa wikang Filipino ang ating batas upang ito ay maunawaan ng balana.

Nilalayon ni Peralejo na isalin sa wikang Filipino ang orihinal na teksto ng batas na


nakasulat sa Ingles. Ginamit niya ang mga sumusunod na simulain bilang panuto sa
pagsasalin:
1. Maisalin nang matapat ang teksto at kahulugan ng orihinal
2. Ang anyo at estilo ng pagkasulat hangga’t maaari ay hindi dapat malayo sa
orihinal.
3. Ang salin ay dapat mag-angkin ng katiyakan sa kahulugan at kariktan sa himig
at pagpapahayag.

Sa pagsunod sa mga tuntunin ng pagsasalin, pumapasok ang mga problema o


suliranin na kung saan ay ang kawalan ng sapat at/o tiyak na katumbas sa wikang Filipino ng
mga katawagang Batas sa Latin, Espanyol, at/o Ingles. Narito ang mga estratehiya sa
pagsasalin ng mga “Tuntunin sa Hukuman”:
1. Inaangkin nang walang pagbabago ang mga tradisyonal na mga kataga at pariralang
pambatas sa wikang Latin.
2. Inaangkin nang buo na walang pagbabago ang mga tradisyonal na kataga at parirala
sa batas na nakasulat sa wikang Ingles.
3. Marami ang inangkin nang hindi binago ang ispeling sa tradisyon ng salita ngunit
nilapian.
4. Salitang Ingles o Espanyol na ating ginawang pandiwa sa pamamagitan ng paggamit
ng panlapi.

Narito naman ang mga estratehiyang ginamit sa pagsasalin ng Kodigo Sibil ng Pilipinas:
1. Isinulat nang puspusan ang salin ng bawat artikulo upang malaman ang lahat ng mga
“katawagang-batas” sa Ingles at Espanyol na ginamit sa buoang tekstong Ingles ng
Kodigo Sibil.
2. Gumawa ng listahan ng mga katawagang-batas at nagsalisiksik ng mga salita sa
Filipino o Tagalog na maaaring itumbas sa kahulugan ng mga ito.
3. Ang mga pamphlet ng Surian ng Wikang Pambansa ng mga katawagang-batas ang
pinagsaligan at ginawang reperensiya sa pagsasalin.
4. Ginamit sa pagsasalin ng batas ang mga pangkaraniwang salita at binigyan ng
kahulugang naaangkop sa diwang inilahad ng batas.
Hal. lagusan- outlet
Paglisan sa bagay- abandonment of the thing
5. Ang pagsasalin ay ginawang higit na kontekstwal, hindi literal.
Hal. Juvenile courts- mga hukumang pangkabataan
6. Ang mga tala sa ibaba ng mga pahina ng Kodigo Sibil na ipinalimbag ay nagdagdag
sa lalong ikauunawa sa nilalaman ng aklat. At sa katotohanan, ito ang naging batayan
sa pag-aakda ng Aklat Talasalitaan (English-Filipino Legal Dictionary) na
ipinalimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1995.
Hal. mga tadhana ng testament: testament provisions
mga anyo: forms
mga solemnidad: solemnists
Kodigo ng pangangalakal: code of commerce
magpakarangal: observe honesty and good faith
kumilos: This term is used to convey the concept of an ‘act” in law. The word
“kumilos” or “kilos” must not be construed to mean external act or movement
of the doer of action only but should include intention.

Dahil sa kawalan ng tiyak na katumbas sa Filipino, ang mga salitang easement o


servitude, prescription at third person, ginamit ni Peralejo ang linguistic engineering at
bunga nito ay ang salita at pariralang sumusunod:
a. Panlingkuran: katumbas ng katagang easement o servitude ng Ingles
b. Kalaunan: itinumbas sa prescription
c. Taong pangatlo” para sa third person

Ang paliwanag:
 Panlingkuran. Hango sa salitang ugat na “lingkod” na sa Ingles ay tinatawag na
service o servitude. Inilalapat ito sa salitang servidumbre ng Espanyol sa Ingles ay
easement o servitude na ang kahulugan ay pasanin ng isang di-natitinag na ari-arian
para sa kapakanan ng iba kundi ang paglilingkod ng isang ari-arian sa
kapakinabangan ng ibang ari-arian.
 Kalaunan. Hinango sa salitang ugat na “laon” na kasingkahulugan ng paglipas ng
panahon. Inilapat ito sa diwa ng prescription o prescripcion ng Espanyol na ang
kahulugan sa batas ay pagkakamit o pagkawala ng matwid o karapatan dahil sa
paglipas ng panahon.
 Taong pangatlo. Mga salitang pinag-agpang na itumbas sa kahulugan ng tercero sa
Espanyol o third person sa Ingles na ang kahulugan sa larangan ay yaong naiiba sa
magkabilang panig ng kasunduan o pag-uugnayan ng mga tao o walang kinalaman
hinggil sa mga bagay na pinagkasunduan o pag-uugnayan ng mga panig.

Talasanggunian

Peregrino J.M., Constantino, P.C., Ocampo, N.S., Petras, J.D. (2012). Salindaw:Barayti at
Baryasyon ng Filipino. Sentro ng Wikang Filipino.

You might also like