You are on page 1of 32

Ano ang Pagsasaling Wika?

Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag ay isinasalin sa
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilo. Ito ay ang pagpapalagay na ang isang salita
o pahayag ay may katumbas o katulad ding kahulugan sa isa nang dating umiiral na
pahayag sa ibang wika.
Ayon kay E. Nida, ang pagsasaling-wika ay ang muling paglalahad sa pinagsalinang wika
batay sa: una, kahulugan, at pangalawa, estilo.
Ang pagsasaling-wika ay pinaniniwalaang kasintanda na rin ng panitikan.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Daigdig


Ayon kay Theodore Horace Savory ang kinilalang unang tagapasaling-wika sa Europa ay
isang aliping Griego na nagngangalang Andronicus.
Isinalin niya nang patula sa Latin noong 249 B.C. ang Odyssey ni Homer na nasusulat sa
wikang Griyego. Isinalin niya nang patula sa Latin noong 249 B.C. ang Odyssey ni Homer
na nasusulat sa wikang Griyego.
Sinasabing maaaring hindi siya ang kauna-unahang tagapagsalin subalit ang kanyang
salin ang kinawiwilihang basahin ng nakararami.
Ang unang pagsasalin na ito ay sinundan pa ng ibang pagsasalin. Sina Naevius at Ennius
ay gumawa ng pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego tulad ng mga sinulat ni
Euripides.
Bukod sa mga nabanggit, may mga nakilala pang ibang dakilang manunulat gaya ni
Cicero na naging mahusay na tagapagsaling-wika rin.
Nang mga panahong iyon, dumami ang mga tagapagsaling-wika. Nakatulong ito nang
malaki sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa ang pagsasaling-wika sa iba’t ibang sangay
ng panitikan.

Ang mabilis na pag-angat ng Arabia, noong ikalawa hanggang ikasiyam na siglo mula sa
kamangmangan ay dulot ng mga pagsasaling-wika na isinagawa mula sa wikang Griyego
na noon ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t ibang karunungan sapagkat ang bansang
Gresya noon ang kinikilalang sentro ng sibilisasyon.
Isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang laging nababanggit kapag napag-uusapan ang
pagsasaling-wika.
Ang mga iskolar na ito ay nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabiko
ang mga sinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang pantas at manunulat.
Mula dito ay Nakilala ang Lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika
na naging bukal ng kumalat na karunungan sa Arabia.
Dumating ang panahong nawalan ng sigla ang tagapagsaling mga iskolar sapagkat
napabaling ang kanilang kawilihan sa iba pang mga bagay na pang- intelektwal tulad ng
pagsusulat ng artikulong pampilosopiya.
Pagkaraan ng tatlong siglo, ang Baghdad ay napalitan ng Toledo, bilang sentro ng
karunungan sa pagsasaling-wika.
Nakaabot din sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa
wikang Griyego. Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagapagsalingwika na
magsalin nang tuwiran sa Latin mula sa Griyego. Sa gayon ay nabawasan ang mga
pagkakamali sa karaniwang nagaganap kung pagsasalin ay di- tuwiran.
Marami-raming salapi at panahon ang ginugol ng mga iskolar ng Toledo upang isalin
naman sa Latin ang mga nasusulat sa wikang Arabiko. Sa mga tagapagsalin na nahikayat
magtungo sa Toledo, napatanyag sina Adelard at Retines.
Si Adelard ay naging tagapagsalin sa Latin ng Principles ni Euclid na noon ay naisalin na
sa Arabiko. Samantalang si Retines naman ang nagsalin sa Lati n ng Koran noong 1141.
Dahil palawak nang palawak ang ugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. nakaabot na
sa Toledo ang orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego.
Nagkaroon ng iba’t ibang salin sa iba’t ibang wika sa Europe ang Barlaan et Josaphat,
kaya’t napilitang kilalanin ng simbahang Latino bilang mga Santo sina Barlaan at
Josaphat, dalawang tauhang uliran sa paguugali at sa pagiging maka-Diyos, kahit ang
mga ito ay likhang isip lamang.
Ang mga pangyayaring ito ay itinuturing na siya na marahil pinaka- di- karaniwang
natamo ng alinmang pagsasaling-wika sa daigdig.
Noong ikalabindalawang siglo ay umabot sa pinakataluktok ang pagsasaling-wika. Noon
nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ng salin nina
Tyndale at Coverdale. Samantalang ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay
ang salin ni Martin Luther (1483-1646) sa wikang Aleman.
Dito nagsimulang makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang
Alemanya.
Kalaunan, lumitaw ang mga salin ni Jacques Amyot, obispo sa Auxerre na kinikilala sa
Europa bilang Prinsipe ng Pagsasalingwika.
Ang pinakamahalagang utang ng pandaigdig na panitikan kay Amyot ay ang
pagkakapagsalin niya sa wikang Aleman ng Lives of the Famous Greeks ang Romans ni
Plutarch na siyang pinagkunan ng salin sa Ingles na nagkaroon pa ng mga pagsasalin sa
iba’t ibang wika sa daigdig.
Sa Inglatera, nakilala ang tagapagsaling si John Bourchier. Ang kanyang mga salin ay
mula sa wikang Kastila na ngayon ay hindi na kinawawilihang basahin bagaman siya ang
nakatala bilang tagapagsalin ng Chronicles ni Froissart, isang awtor na ang paksa at estilo
ay kanyang labis na kinagigiliwan.
Ang panahon ng unang Elizabeth ang maituturing na gintong panahon ng pagsasaling-
wika sa Inglatera bagaman ang panahon ng pangalawang Elizabeth ang kinikilalang
pinakatuktok.
Ang pambansang diwang nangingibabaw sa panahong ito ay pagkikipagsapalaran at
pananakop na siya ring naging layunin ng mga tagapagsalin – ang pagtuklas sa anumang
nababago sa panitikan.
Si Sir Thomas North ang kinikilalang pinakadakila sa mga tagapagsalin sa Inglatera noong
panahong iyon. Ang salin ni George Chapman naman sa mga isinulat ni Homer ay
nalathala sa pagitan ng 1598-1616. Noong 1603, lumabas ang salin ni John Florio sa
Essays ni Montaigne, isang babasahing itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North.
Samantalang taong 1612 nang isinalin ni Thomas Shelton ang Don Quixote.

Ikalabimpitong Siglo
Noon ang mga salin ni Hobbes sa Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan
gayundin ang mga salin ni John Dryden sa Jevenal at Vigil. Si Dryden ang ibinibilang na
isa sa mga mahuhusay na tagapagsalin noong kanyang panahon sapagkat pinag-uukulan
niya nang maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin. Siya ang kauna-unahang kumilala
sa pagsasaling-wika bilang sining.

Ikalabing-walong Siglo
Ang pagsasaling-wika ay kasinsigla noong nakaraang siglo. Isinalin ni Alexander Pope at
William Cowper sa Ingles ang Homer sa paraang patula. Sa panahon ding ito lumabas
ang salin ni Pope sa Illiad; sa pagitan naman ng 1715 at 1720. Nailathala naman ang
kanyang Odessey noong 1725.
Bukod sa mga naunang nailathala, lumabas din ang salin ng Odessey ni Cowper, noong
1791. Makalipas ang isang taon, 1792, nalathala ang aklat ni Alexander Tytler na may
pamagat na Essay on the Principles of Translation. Inilahad niya dito ang tatlong
panuntunan sa pagkilatis sa isang salin.

1. Ang salin ay kailangang katulad na katulad ng sa orihinal.


2. Ang estilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas” ng pananalitang tulad ng
sa orihinal upang hangga’t maaari ay magparang orihinal
Ikalabinsiyam na Siglo
Noong 1824, isinalin ni Thomas Carlyle ang Wilheim Meister ni Goethex. Dahil sa kanya,
nagsimulang pagtuunan ng pansin ng mga palaaral ang panitikan ng Alemanya.
Nagkaroon din ng salin ng Rubaiyat of Omar Khayam ng mga Persyano noong 1859.
Naging dakilang salin ito bagaman hindi ang pinakadakila. Dito nagsimulang mauso ang
mga tulang may apat na pentametro na ang ikatlong linya ay hindi nakatugma.
Hindi tinangka ni Fritz Gerald na isalin ng literal ang Omar Khayam sa halip ay sinikap
niyang mapannatili ang likas na kagandahang pang-estetiko na siyang kinagigiliwan nang
labis ng mga mambabasa.
Noong 1861 naman, isang sanaysay ang naisalin. Ito ay ang On Translating Homer ni
Matthew Arnold. Tumatalakay ito sa mga simulain na ang isang salin ay kailangang
magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal.

Ikadalawampung Siglo
Sa panahong ito, itinuturing na isa na lamang karaniwang gawain ang pagsasalin. Noong
1919, nagpalathala sina Ritchie at Moore ng isang artikulo na nagsasabing ang tunay na
panitikan ng Pransya ay hindi lumusang maaabot sa pamamagitan ng lamang ng mga
salin.
Sa kasalukuyan ang lahat halos ng mga bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang
pagsasalin ng kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang
wika sa layuning ihatid sa nakararami bahagi ng mambabasa ang makabagong pananaw
sa panitikan.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Pilipinas


Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagkaroon ng anyo noong panahon ng pananakop
ng Kastila kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Kinailangan noong panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika
sa kapuluan ang katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali
ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolika Romana.
Ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng España ay nagsimula noon lamang 1565
nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez
de Legazpi, kasama ang sundalong pare na si Fr. Andres de Urdaneta.
Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong (333) taon na napasailalim sa kapangyarihan ng
bansang España ang Pilipinas. Sa panahong iyon ay pinairal ng mga mananakop ang
kanyang magkakawing na layunin- ang Kristyanismo at Hispanisasyon ng bansang
Pilipinas.
Hindi naging konsistent ang pamahalaang España sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga
“Indios” na kanilang sakop. Kalimitan ang nagiging hari ng España ay matapat sa kanilang
paniniwala na mabisang mapapalaganap ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng wikang
Kastila. Subalit ang kanilang dekreto ay hindi sinusunod ng karamihan ng mga prayle na
hali-haliling namuno sa Pilipinas.
Ang dahilan: Una, batay sa kanilang karanasan sa Timog at hilagang Amerika, higit na
nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa paggamit ng mga wika
ng mga katutubo. Sa madaling salita mas madali na sila ang mag-aral ng mga wika ng
mga katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng wikang Kastila.
Ikalawa, Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga
prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng mga salita ng Diyos. Mapapansin
ang mahahalagang salita ng doktrina ang nanatili gaya ng isa, rosaryo, sermon, katoliko,
krusipiho, nobena, Doktrina Kristiyana, Bibliya , Kumbento, altar at iba pa.
Ang ikatlong dahilan naman, sa kabilang banda, ay hindi lantarang inihayag ng mga
Kastila: May lihim silang pangamba na baka kung matuto ang mga “Indios” ng wika
Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang
pulitikal at sila ang balikan. Lumaganap ang Kristiyanismo sa masang Pilipino sa
pamamagitan ng kanilang mga katutubong wika. Itinakwil ng mga paganong katutubo
ang kinagisnang paniniwala at niyakap ang Kristiyanismo.
Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ang maituturing na unang yugto ng
kasiglahan sa pagsasaling-wika sa Pilipinas. Ilan sa mga naging salin sa Tagalog ng mga
akdang panrelihiyon.

1. Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos halaw sa mga akda ni Buffalo Bill


2. Catesismo na Pinaglaanan nang mga Pangadyi at Maikling Casaysayan na Dapat Pag-
aralan ng Taong Cristiano (mula sa Catesismo)
Ang naging tuon ng pagsasalin noong panahon ng Kastila ay tungkol sa mga materyales
na panrelihiyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ikalawang Yugto
Nang pumalit ang Amerika sa España bilang mananakop ng Pilipinas, nabago na rin,
mangyari pa, ang papel na ginagampanan ng pagsasaling-wika. Ang naging isa sa
pangunahing kasangkapan ng pananakop noong panahon ng Kastila ay krus o relihiyon;
noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang
Ingles. Naging popular na libangan ng mga tao ang teatro.
Marami rin ang naging dami ng salin sa iba’t ibang uri ng genre ng panitikan sapagkat sa
panahon ng Americano, nagsimulang makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang mga
iyon mula sa Kanluran.
Naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa, lalo na ng mga akdang klasika.
Ikatlong Yugto
Sa panahong ito, naging popular ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales
pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian,
gramatika at iba pa.
Kung masusunod ang rekomendasyon ng EDCOM(Educational Commission), Filipino na
ang dapat na wikang panturo sa elementarya at sekundarya pagsapit ng taoong 2000.

Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Biblliya


May mga dahilan kung bakit hindi maiiwasang mabanggit ang pagsasalin sa Bibliya sa
pagsasaling-wika.
Una, ang paksa (lalo na sa Matandang Tipan) ay tumatalakay sa tao – sa kanyang
pinagmulan, layunin at destinasyon.
Sa Bibliya hinahanap ng tao ang panuntunang dapat niyang sundin upang mabigyan ng
katuturan ang kanyang pagkabuhay sa daigdig. Ang doktrinang nakalahad sa Bibliya ay
nakahuhubog nang malaki sa katauhan ng tao dahil dito naiiba ang Bibliya sa ibang aklat.
Ang isang nilikha sa panahon ng pangangailangan ay malimit na sa dahon ng Bibliya
humahanap ng kasiyahan, inspirasyon o tibay ng loob.
Ang kasiyahang nahahango sa Bibliya ay nakasalig sa tibay ng pananampalataya o
paniniwala ng isang nilalang sapagkat ang relihiyo ay pang-emosyon. Tinatanggap ng
isang Kristyano ang mga doktrina ng kanyang relihiyon nang hindi na nagtatanong kung
bakit.
Pangalawa, Di mapapasubalian ang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito. Sa daigdig ng
mga Kristyano, itinuturing pa ring totoo at di-mapapasubalian, kung di man sagrado ang
nakasulat sa banal na kasulatan. Nangangailangan ang isang tagapagsaling-wika ng
ibayong pag-iingat at pambihirang kakayahan sa pagsasalin sa Bibliya sapagkat sa bawat
salita o lipon ng mga salita, lalo na ang mga idyoma ay nangangailangan ng masusing
pag-aaral at paglilirip ang tunay na diwang nakapaloob sa teksto.
Naniniwala ang marami na rito buhat ang salin ni Origen sa wikang Griyego (Septuagint)
gayundin ang salin sa Latin ni Jerome noong ikaapat na siglo. Si Jerome ay isa sa iilang
kiniklalang tagapagsalin ng Bibliya noong kanyang panahon at siya ring naging may-akda
ng saling tinawag na Vulgate.
Bukod saling ito ng bibliya, naging pinakadakila ring salin ang mga sumusunod:

1. Salin ni Jerome sa Latin


2. Salin ni Luther sa Aleman
3. Kay Haring James sa Ingles (Inglatera) kilala sa taguring Authorized Version
Liban sa mga nabanggit, may iba’t ibang personalidad din ang kinilala bilang mga
tagapagsalin ng bibliya.
Si John Wycliffe and kauna-unahang nagsalin sa Ingles ng Bibliya noong ika-14 na siglo.
Dalawa ang kanyang naging salin: noong 1382 at 1390 na in-edit ni John Purvey. Siya
rin ang unang nagmungkahi na kailangang magkaroon ng salin sa Ingles ng Bibliya para
doon sa mga taong hindi marunong ng Latin.
Noong 1526, nagsagawa ng isa ring salin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego
na salin naman ni Erasmus si William Tyndale.
Itinuturing na kakaiba ang kanyang salin sapagkat mayroon itong masalimuot na
notasyon o talababa. Lumitaw din ang salin buhat sa Ebreo ni Pentateuch noong 1530.
Subalit, hindi natapos ang salin ng matandang tipan.
Nakilala rin ang pangalan ni John Rogers. Siya ang nagpatuloy ng salin na hindi natapos
ni Tyndale na binigyan naman ng pugay ng madla noong 1537. Ginamit niya ang sagisag
panulat na Thomas Matthew. Makaraan ang dalawang taon, ang salin niyang ito ay
nirebisa ni Richard Taverner.
Noong 1538, nagkaroon ng kautusan na ang lahat ng simbahan ay dapat magkaroon ng
iisang Bibiliya upang magamit ng lahat. Muling nirebisa ni Coverdale ang Bibliya ni
Matthew. Ang neribisang Bibliya ay naging popular nang mahabang panahon sapagkat
ito ay nagtataglay ng mga Salmo.
Kabilang din sa mga kinilalang tagasalin ng bibliya sina William Whittingham at John
Knox.
Isinagawa ang dakilang Geneva Bible upang makatulong sa pagpapalaganap ng
Protestantismo. Ito ang tinaguriang Breech Bible dahil sa bahaging sumusunod sa
Genesis III, 7 …. and they sowed fig-tree leaves together and made themselves
breeches.”
Nagkaroon din ng mga pagtatangka ang mga Katoliko Romano na magkaroon ng sarili
nilang Bibliya. Kinilala bilang Douai Bible ang unang bibliya. Samantala, nalathala sa
Rheims noong 1582 ang Bagong Tipan at ang Matandang Tipan naman noong 1609.
Nagdaos noong 1603 ng isang kumperensya na binubuo ng mga arsobispo at pari sa
Hampton. 47 obispo at pari ang hinirang niya upang gumawa ng salin ng Bibliya na higit
na maayos kaysa naunang salin. Ginamit nilang pinakasaligan ang Bishop’s Bible at mga
sanggunian ang mga naunang salin at mga teksto sa Griyego at Ebreo. Napagkasunduan
ng lupon batay sa kagustuhan ni Haring James na ang kanilang isasagawang pagsasalin
ay kailangang maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan.
Dito nakilala ang Authorized Version na naging malaganap at popular at waring hindi
malalampasan pa ng ibang susunod na salin habang ang wikang Ingles ay buhay.
Subalit ang Authorized Version ay tumanggap din ng mga puna sa pagdaan ng panahon.
Dahil ditto, noong 1870, nagmungkahi si Obispo Winchester na rebisahin ang nasabing
salin. Tumagal ang pagsasaling ito ng 15 taon.
Noong 1881, inilimbag ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag na English Revised
Version.
Tinawag na The New English Bible na nilimbag sa Oxford University Press ang
pinakahuling salin ng Bibliya sa taong 1970. 20 taong pinagtyagaang ihanda ng
simbahang Orthodox na pinakadalubhasang pangkat ng mga tagapagsaling-wika at mga
iskolar. Ang The New English Bible ay isinalin ng tuwiran mula sa orihinal na mga
katitikang Ebreo at Griyego.

Mga Pangkat ng Tagapagsalin ng New English Bible

1. Baptist Union of Great Britain & Ireland Church of England


2. Church of Scotland
3. Irish Council of Churches
4. Congregational Church of England and Wales
5. Presbyterian Church of England
6. British Foreign Bible Society
7. National Bible Society
8. National Bible Society of Scotland
9. Roman Catholic Hierarchies of England and Scotland
Isinama ang Apocrypa sa New English Bible. Pinagkunutan ito ng marami dahil umano sa
hindi mapananaligang siyang nag-uugnay sa Matanda at Bagong Tipan.

Dahilan kung bakit muling Isinalin ang Bibliya

1. Maraming natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming


bahagi ng mga unang salin.
2. Higit na naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika. Di matatawaran
ang naitulong ng karunungan sa linggwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong
bahagi ng Bibliya.
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikong English Bible ay hindi na halos maunawaan
ng kasalukuyang mambabasa, bukod sa kung minsan ay iba ang na ang diwang
inihahatid.
Halimbawa ng pagbabago sa estilo sa nasabing English Bible ay ang sermon sa bundok
ng Sinai.
Old English Bible: You must therefore be all good men, just as your heavenly Father is all
good.
New English Bible: There must be no limit to your goodness, as your heavenly Father’s
goodness knows no bounds.
Halimbawa ng pagkakaiba sa diwa:
Old English Bible: “How can this be……. when I have no husband?”
New English Bible: “How can this be…… I am still a virgin?”
Mga Simulain sa Pagsasaling-Wika
Ayon kay Nida at Savory, may mga katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsaling-
wika. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Upang magkaroon ng


sapat na kaalaman sa mga kasangkot na wika, mainam na lagging kumonsulta sa
diksyunaryo. Kailangang nauunawaan ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang
halagang pandamdaming taglay ng mga salita at ang ginamit na estilo na siyang bumuo
ng “flavor and feel of the message”. Kailangan ding may sapat na kaalaman sa
dalawang wika, lalo na sa Filipino, sapagkat ito ang wikang pagsasalinan. Hanggat
maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat syang unang wika ng tagapagsalin na hawak
niya sa kanyang palad.
Ayon pa kay Nida, dapat taglayin ng tagapagsalin ang “complete control of the receptor
language.” Mahalaga ring maging matiyaga ang tagapagsalin. Tandaan, Ang
kakarampot na kaalaman sa alinmang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay
magiging panganib.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangang


maunawaan ng tagapagsalin, ang pagkakaiba ng balangkas ng Ingles at Filipino. Ang
Ingles ay may sariling balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng
mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Kailangan ito sa pag-arok sa tunay na
diwang nais ipahatid ng awtor; gayundin sa paggamit ng mga salita, wastong
pagbubuo, pagsusunud- sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitkan paraan ng pagpapahayag “capacity of literary


expression.” Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may kakayahan sa wikang
pampanitikan. Halimbawa, Sa pagsasalin ng tula mas higit na mabuting tagapagsalin
ang isa ring makata o sumusulat ng tula. Ito’y sapagakat iba ng hagod at paghahanay
ng mga salita ng isang makata. Ang pag-aangkin ng kakayahan sa paglikha ng tula ay
pinaggugulan ng panahon at pag- iisip. Kapag tayo ay nagsalin ng tula para na rin
tayong lumikha ng tula sapagkat isinaalang-alang natin ang mga sangkap na wala sa
prosa o tuluyan.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Hanggat maaari ay hindi dapat isalin ng sinuman
ang alinmang piyesa ng literatura kung hindi siya interesado rito. Makatutulong din
nang malaki sa pag-unawa sa paksa ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalin sa awtor.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay ng pagsasalin. Ang alinmang


wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay
wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura. Ang
wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Ang isang salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa gamit nito
sa isang pangungusap. Halimbawa na lamang ay ang salitang “rice.”
 He plants some rice. (palay)
 He cooks some rice. (bigas)
 He eats some rice. (kanin)

Ilang Bagay na Dapat Tandaan Hinggil sa Wika Kapag Nagsasalingwika

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito


2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin ay kailangang maunawaan at
tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito
4. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang uri ng Filipino sa kasalukuyang sinasalita ng
bayan
5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing unibersal na
ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa
Filipino.
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang maaaring ipanumbas sa isang katawagang
isinasalin, na ang lahat naman ay pawang tatanggapin ng gagamit ng salin, gamitin ang
alinman sa tinatanggap na katumbas at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba bilang
mga kahulugan
7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita
8. Kung walang maitumbas na salita sa isang salitang isnasalin o kaya’y walang eksaktong
katumabas na maibigay, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:
o Hiramin ang salitang isinasalin at baybayin ito nang ayon sa palabaybayan
o Alamin ang mga sinonimo o kasingkahulugan ng salita at baka sakaling mas madaling
tumbasan ang isa sa mga iyon
o Alamin ang katumbas na salita sa Kastila at baka higit na madali itong hiramin o Alamin
kung may katumbas na salita sa alinman sa mga prinsipal na wikang katutubo at siyang
hiramin
9. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang
maaaring ipalit dito.
10. Hangga’t magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa
ibang wika sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan (homonimo)
11. Kung may kahirapang isalin ang ang pamagat, isalin ito pagkatapos maisalin nag buong
teksto ng materyales na isinasalin
Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi
ng pangungusapMay mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinah. ahayag nang
tahasan sa ingles ay kailangang gamitan ng eupimismong salita sa Filipino upang hindi
maging pangit sa pandinig. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang
sinasalita ng bayan kaysa wikang nakasulat.
Ang kawalan ng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan ay
nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga idyoma,
katutubong paraan ng pagpapahayag, balangkas ng pangungusap, sa wikang isinasalin.
Sapagkat hindi pa estandardisado ang wikang Filipino, sikaping ang mga salitang
gagamitin sa salin ay yaong mga salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit na
nakararami.

1. Sa pagpili ng mga salita, isipang lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ay higit
na gamitin
2. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitag hinihram na ibnag wika
3. Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakanyahan
4. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi kailangang ilipat sa
pinagsasalinan
Kahulugan at Pagpapakahulugan ng Pagsasalin
Ang pagsasalin ay paglalahad ng orihinal na ideya sa katumbas wika. Isa itong
pagtatangkang mabigyang pakahulugan ang diwa ng orihinal na akda sa ibang wika. Ito
rin ay ang paglilipat wika ng konsepto at paraan ng pagpapahayag mula sa orihinal na
wika.
Maituturing din ang pagsasalin bilang isang sining ng matapat na pagbibigay kahulugan
at pakahulugan ng isinasaad sa ibang wika mula sa orihinal na wika. Gayundin, ito ay
paglalapat ng katumbas na kahulugan ng isang akda o sulatin mula sa orihinal na
kultura patungong ibang kultura. Bukod pa rito, ang pagsasalin ay paglilipat ng diwa,
estilo at paraan ng pagpapahayag mula orihinal na wika patungong ibang wika.

Antas ng Pagsasaling-Wika

1. Karaniwang Salin - Gumagamit ng karaniwang mga pangungusap na madaling


maunawaan ng karaniwang mambabasa.
2. Pampanitikan - Mataas na uri ng pagsasaling-wika na nagpapahalaga sa timbang na
bigat ng impormasyon at istilo ng pagkakasulat.
3. Idyomatiko - Nagpapahalaga sa pragmatiks at simbolong kultural sa pagpili ng mga
itinutumbas na salita.
4. Teknikal at Pang-agham - Nakapokus sa ugnayan ng impormasyong pangagham at
epekto nito sa institusyong panlipunan.
5. Malikhain Pagsasalin - Pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan ng paglikha
ng sining.
6. Mapanuring Pagsasalin - Nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa pagtutumbas lamang
ng mga salin

Paraan ng Pagsasalin
Sa aklat na A Textbook of Translation inilahad ni Peter Newmark (1988) ang mga
sumusunod na paraan ng pagsasalin:

1. Word -for –word – ang kaayusan ng Simulang Lemguwahe ay pinanatili at ang mga
salita ay isinalin sa kanyang pinakakaraniwang kahulugan. Maaaring gawing prosesong
pre-translation upang ganap na maunawaan ang may kahirapang unawaing pahayag.

2. Literal – Ang kayariang gramatika ng Simulaang Lengguwahe ay isinalin sa kanilang


pinakamalapit na katumbas sa Tunguhang Lengguwahe. Isinasalin din ang mga salita
nang labas sa konteksto. Bilang proseso sa pre-translation, ipinakikita nito ang mga
suliraning lulutasin.

3. Matapat – (Faithful) Ang matapat na pagsasalin ay nagtatangkang makagawa ng


eksaktong kahulugang kontekstuwal ng orihinal sa loob ng mga kayariang gramatikal
ng Tunguhang Lengguwahe.
4. Komunikatibo – nagtatangkang maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan
ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng target na
mambabasa.

5. Idyomatik- Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal ang isinasalin. Di nakatali sa anyo,


ayos o estruktura ng SL (Simulaang Lengguwahe), bagkus iniaangkop ang bagong
teksto sa normal na anyo ng TL.

6. Adaptasyon – itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin ang


adaptasyon sa salin ng dula (komedya) at tula. Kadalasan ay pinananatili ang paksang-
diwa, mga tauhan, banghay. Ang kultura ng SL ay pinapalitan ng kultura ng TL at ang
teksto ay muling isinusulat. Isinasalin ang nilalaman nang wal ang tinatawag na
‘pagsasaling intralingual’. Kadalasan ay masalita at parng hindi na salin.

MODULE 2

NILALAMAN
Maraming kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral na tulad mo at isa na rito
ang malawak na kaalaman sa pagsasaling-wika. Nasubukan mo na bang makipag-usap
sa isang banyaga? Naging madali ba para sa iyo na ipahayag ang nais mong sabihin?
Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pakikipag-ugnayan natin sa mga banyaga at dahil
ang Ingles ay tinatawag na unibersal na lenggwahe, marapat lamang na may taglay
tayong kaalaman ukol dito.
Mapatutunayan mo rin na kayang-kaya mo ang magsalin kung pakatatandaan mo ang
mahahalagang impormasyon at detalyeng inilahad sa modyul na ito. Ika nga ni Panciano
Mercado Rizal (1886);
Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang malaya
naman kapag iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.
Ayon kay Almario, “lahat ng pagsasalin, sa tingin ko, ay maaaring ipaloob sa tatlong
pangalang sumusunod. Una, ang metaprase, o ang pag-uulit sa isang awtor nang salita
sa salita, at linya sa linya, mula sa isang wika tungo sa isa pa. Ganito, o malapit sa
ganitong paraan, ang Art of Poetry ni Horace na isinalin ni Ben Johnson. Ang ikalawaang
paraan ay ang paraprase, o pagsasalin nang may pagluluwag. Dito ang awtor ay laging
nása pananaw ng tagasalin, upang hindi kailanman mawala, ngunit ang kaniyang mga
salita ay hindi estriktong sinusunod na katulad sa kaniyang ibig sabihin; at ito man ay
inaaming ipinaliliwanag, ngunit hindi binabago. Ganoon ang pagsasalin ni Mr. Waller sa
Ikaapat na Aeneid ni Virgil. Ang ikatlong paraan ay ang imitasyon, at dito ang tagasalin
(kung hindi pa niya naiwawala ang gayong pangalan ngayon) ay nanghahawakan sa
kalayaan, hindi lámang para lumihis sa mga salita at ibig sabihin, kundi maging para
talikdan kapuwa ang mga ito kung makita niyang hinihingi”

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSASALIN


 Karaniwang nasusulat sa wikang ingles ang mga akda na siyang pinagkukunan ng mga
impormasyon ng isang mananaliksik.
 Nangangahulugan lamang ito na kailangan na mayroong kakayahan sa pagsasalin ang
isang nagtatangkang mananaliksik
 Daan tungo sa matagumpay na pagsasalin

o maingat na pananaliksik kaugnay ng akdang isasalin.
o kasanayan sa pagtukoy sa teoryang gagamitin sa pagsasalin.
o maingat na pagtuklas sa kahulugan at katumbas.
o pagpapahalaga sa tatanggap ng salin
o pagpapahalaga sa orihinal at sa salin.
 Pagsasalin → Paglilipat

o Wika ni Nida (1964, sa Almario, etal., 1996) - translation consists of producing in the
receptor language the closet, natural equivalent of the message of the source languages
first in meaning and second in style.
 Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
natural na katumbas ng orihinal na mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa
kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.
 Ang pagsasaling wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
sa DIWA at ESTILO na nasa wikang isinasalin.

o Ayon kay Newmark (1958 sa Almario et.al. 1996) -translation is an exercise which consists
in the attempt to replace a written message in one language by the same message in
another language.
o Catford (1965 sa Santiago, 2003) -translation may be defined as the replacement of
textual material in one language (source language) by equivalent textual material in
another language (target language)
o (Larson, 1984 sa Almario,et.al 1996) -translation is reproducing in the receptor language
a text which communicates the same message as the source language but using the
natural grammatical and lexical choices of the receptor language.

 Bagay na sangkot sa gawaing pagsasalin



o Dalawang Wika

1.
1.
1. simulaing wika
2. tunguhing wika

o Teksto na siyang pinag-uugatan ng gawain

o Tagasalin

KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA
Bibinigyang diin ng mga kinatawan ng Pilipinas ang malaking gampanin ng mga
tagapagsalin sa pagpapayabong ng kamalayang pampanitikan sa huling araw ng Asean
Literary Symposium, ika-28 ng Agosto sa Ateneo de Manila.
Iginiit ni Danilo Francisco M. Reyes ng Ateneo na nararapat parangalan ang mga
Filipinong iskolar na nagsasalin ng mga akdang banyaga sa wikang Filipino. Dapat din
aniyang suportahan ng pamahalaan ang kanilang mga adhikain.
“We should reward translators and scholars,” ani Reyes sa harap ng mga kinatawan ng
iba’t-ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. “We should also protect them from piracies
and unjust appropriations.”
Ipinahayag din ng mga Filipinong delegado ang kanilang pagkadismaya sa kultura ng
pagsasalin sa bansa kung saan nauuwi lamang sa mga textbook ang mga isinaling akda
sa Filpino, imbes na naililimbag nang maayos at napababantog sa mga Filipinong
mambabasa.
Iminungkahi ni Reyes ang pakikipag-ugnayan sa mga malalaking bookstore sa Timog-
Silangang Asya upang mas maging madali ang distribusiyon ng mga akda. “We have
materials, but the problem is accessibility,” wika niya.
Iginiit naman ni Marne Kilates, tanyag na makata at tagapagsalin, na sa kabila ng hindi
gaanong katanyagan ng larangan ng pagsasalin sa bansa, nararapat pa ring sanayin ang
mga Filipinong iskolar lalo na sa pagsasaalang-alang ng wordplay sa pagsasalin ng mga
tulang banyaga.
“Ang isang tagapagsalin ay dapat marunong mamangka sa dalawang ilog; [‘yong may
sapat na kaalaman sa paggamit ng dalawang magkaibang wika] at dapat may sanga-
sangang dila,” aniya.
Idiniin naman ni Mario Miclat, propesor ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas
at isang ring tagapagsalin, na ang ugat ng suliranin sa ating kulturang pampanitikan ay
ang hindi pagpapahalaga sa pambansang wika at ang pagtingin dito bilang isang mas
nakabababang wika kumpara
sa Ingles.
“Filipinos would not admit that they read Filipino literature,” aniya. Dagdag pa niya, hindi
lamang dapat mga akda sa Ingles ang isinasalin sa wikang Filipino, kung hindi pati na rin
ang mga akda ng mga karatig-bayan sa Asya na nasa wikang Indones, Lao o Malay.
Sinabi naman ni Rebecca Añonuevo, pinuno ng Department of English sa Miriam College,
na magsisilbing tulay sa matibay na pagsasamahan ng mga Asyanong bansa ang
pagsasalin sa Filipino ng mga akdang pampanitikan mula sa wikang banyaga. Ito ay daan
sa integrasiyon ng mga nagkakaisang lahi sa rehiyon, aniya.
Isinalaysay niya kung paano naging malaking bahagi ng panitikang Filipino ang paggunita
sa mga sakuna tulad ng Bagyong “Ondoy,” lindol noong 1991 at ang panahon ng Batas
Militar.
“Literature makes us remember the power of our natural forces,” ani Añonuevo. “The
literature of catastrophe is our song of trauma.”
Kaugnay ng talumpati ni Añonuevo, maraming delegado ang nagsalaysay ng kani-
kanilang karanasan sa kasagsagan ng mga kalamidad.
“We, Asean countries, have a ‘catastrophe’ connection,” wika ni Melani Budianta ng
Indonesia. “Aside from having the same monsoon, we have experienced similar social
and political ‘storms’ and life-changing disasters that all affect our literature.”
Samantala, pinuri naman ni Trisilpa Boonkhachorn, kinatawan ng Thailand, ang
kagandahan ng panitikang Filipino na aniya’y may malaking pagkakaugnay sa panitikang
Thai bunsod ng magkakadugong mga ninuno sa rehiyong Malay.
PAGSASALIN AGHAM BA O SINING?
Kahulugan ng Pagsasalin
 Wikang Filipino:Pagsalin
 Wikang Ingles:Translation
 Wikang Latin:Translatione
 Wikang Griyego: Metafora/Metaphrasis

Ang Pagsasalin Bilang Sining/ Agham


 Ang Pagsasalin Bilang Sining/Agham (Chabban)
Ang pagsasalin ay isang subhetibong sining na kaiba sa agham. Mabusisi itong trabaho
dahil hindi pa ito natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan.
 Ang Pagsasalin Bilang Sining/Agham (Liban-Iringan)
Ang pagsasalin ay isang agham na dulot ng pinagdadaanan nitong proseso at isang sining
dahil sa mga ginagamit nitong sangkap upang maipaunawa ang isang akda.

Ano ang Pagsasalin?


 Nida 1964
Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas
ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo.
 Savory, 1968
Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang
nasa likod ng pananalita
 Larson 1984
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng
kahalintulad na mensahe sa simulang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning
gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika
 Newmark 1988
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang
nakasulat na mensahe sa isang wika na gayon ding mensahe saibang wika
Katangian ng Isang Mahusay na Salin
 C- Clear (malinaw)
 A - ccurate (wasto)
 N- Natural (natural)

1. Malinaw na Salin

1.
A. Kailangang malinaw ang isang akdang salin upang matamo ang layunin nito ang mailipat
sa ibang lengguwahe ang isang akda at maunawaaan ang mensahe ng taong hindi
marunong ng wika ng orihinal.
B. Wasto ang salin kung ang sinasabi ng awtor ay iyon ding katapat na mensahe ang
ipahayag ibang wika.

2. Wastong Salin
Natural ang daloy ng salin kung madulas ang mga pahayag sa tunguhang lengguwahe at
hindi bumibikig sa lalamunan ng mambabasa ang mga pangungusap

3. Natural ang Daloy


Dapat taglayin ng tagasalin ang sumusunod na kasanayan: (Abdellah 2002)
 Kasanayan sa Pagbasa
 Kasanayan sa Pananaliksik
 Kasanayan sa Panunuri
 Kasanayan sa Pagsulat

1. Kasanayan sa Pagbasa
Sa malawak na pagbabasa ng iba't ibang saling akda, masusuri o matataya niya ang
mabuti at di-mabuting salin at mamumulat siya sa iba't ibang konseptong kultural ng wika

2. Kasanayan sa Pananaliksik
Mahalagang kilalanin ng tagasalin ang inaasahan ng mambabasa ng akda sa tunguhing
lenggwahe upang maiangkop ang mga salitang gagamitin at ang dikiyonaryong maaaring
sangguniin

3. Kasanayan sa Panunuri
Upang makilala nang lubuasn ng tagasalin ang orihinal na teksto, kailangan alamin niya
ang artikulasyon ng mga ideya, paniniwala, tauhan, ritmo, at iba pang salik ng teksto
4. Ayon sa " Generative Grammar" ni Chomsky, may tendensiyang magkaroon ng
maraming pakahulugan at salin ang isang partikular na pahayag kaya naman
dapat maging masusi ang pagpili ng tamang salita

5. Kasanayan sa Pagsulat
Pagkatapos ng masalimuot na proseso ng paglikha ng salin, isasagawa pa ang patuloy
na rebisyon nito upang ganap na maging natural ang tunguhing lenggwahe at sa
mambabasa nito. Tunay na isang mapanghamon na gawain ang pagsasalin. Isang
malaking tungkulin ang nakaatas sa sinumang tagasalin kaya naman nararapat ang
ganap na kahandaan at kasanayan para rito
MGA PAALAALA SA PAGBABAYBAY KAPAG NAGSASALING WIKA
Narito ang ilang mga panimulang patnubay sa pagsasaling-wika ng Drupal sa Filipino.
Habang tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya ng mas tiyak na mga
patnubay upang mapahusay ang pagsalin ng Drupal sa Filipino. Ang pahinang ito ay isang
wiki, ibig sabihin ay maaari mong baguhin ang teksto ng pahinang ito.
Ang iyong gawain ay ... ipahatid ang nilalaman, kaya huwag matakot na lokalisahin ang
orihinal na teksto kahit na ito'y ibang-iba (dapat akma, siyempre). Basahin ang orihinal
na teksto, unawain ang nilalaman nito, at isaalang-alang kung paano mo nais na
ibalangkas ang teksto sa iyong wika (kung hindi mo pa naririnig ang orihinal na teksto).
Mas madaling maintindihan ang Drupal kung ang mga tagapagsalin ay may kayang
maging pare-pareho sa paggamit ng mga salita. Kung iyong isasalin ang isang salita sa
ibat-ibang singkahulugan nito, mahihirapan ang mga tao na maintindihan na ang
tinutukoy sa Drupal ay parehong tampok o pag-andar.
Mahalaga rin na alamin ang estilo ng pagsasaling-wika ng proyekto. Tandaang gumamit
ng konserbatibo at pormal na Filipino.
Isalin ang mga salita at teknolohiyang pang-internet at pigilin muna ang sarili sa paggamit
ng mga katumbas na salita sa Ingles.
Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa Tagalog. Kung mayroon,
gamitin ito.
Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak na wika ng
Pilipinas gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray, Kapampangan, Northern
Bicolano, Chavacano, Pangasinense, Southern Bicolano, Maranao , Maguindanao,
Kinaray-a, at Tausug.
Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika ng Pilipinas.
Kung walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika ng Pilipinas, maari mong
itranslitereyt ang salita mula sa ingles papuntang Tagalog (halimbawa: account ->
akawnt, computer -> kompyuter). Tandaang ang pagta-translitereyt ay papuntang
Tagalog at hindi Filipino, dahil ang Filipino ay may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na
hindi ginagamit sa pagtatranslitereyt.
Kung talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga terminolohiya at salita,
gamitin ang Ingles na salita. (halimbawa: internet) Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga
katumbas na salita, subukang makipag-ugnay sa departamento ng iyong wika mula sa
mga pinagpipitaganang pamantasan sa iyong bansa o sa isang kawanihan na
nangangalaga ng iyong wika. Huwag matakot na gamitin o ipakilala ang mga bagong
salita kung ito ay maging saligan. Tandaan, nang ipinakilala ang salitang "mouse" (pang-
kamay na aparato upang makipag-ugnay sa isang kompyuter), ang salita ay kinutya at
pinagtawanan.

TEORYA SA PAGSASALIN
Teorya ng Pagsasalin Ayon kay Newmark.
Ayon kay Newmark (1988), "ang pagsasaling-wika ay pagbibigay kahulugan ng isang
text sa ibang wika sa paraang ninanais ng may-akda." Madalas na inaakala natin na ang
pagsasaling-wika ay isang payak na pagsasabi ng isang bagay sa ibang wika; ang tutuo
ang pagsasaling-wika ay isang masalimuot at mahirap na gawain. Masalimuot ang
gawaing itosapagkat napakaraming bagay o factors ang mga hadlang sa pagsasalin;
tulad ng kultura, kaugalian, kaayusang panlipunan at marami pang iba. Mahirapang
pagsasalin sapagkat nakatali ito sa orihinal; dito ang nagsasalin ay hindi malayang
magpasok ng kanyang sarilingkaisipan.
Ang salin ay kinakailangang nagtataglay ng diwa at kahulugan ng isinalin. Hanggat
maaari ito ay dapat magmukhang natural. Ang mga dayuhan ay may sariling
istrukturang pangwika, sariling kalinangan, may ibang paraan ng pag- iisip at paraan ng
pagpapahayag, ang lahat ng ito ay dapat kilalanin ng nagsasalin na mga balakid o
hadlang na dapat niyang bakahin.
Ayon kay Newmark (1988) walang bansa, walang kultura ang lubhang nakababata
upang hindi tumanggap sa makabagong kaisipan. Samakatwid, ang pagsasalin ay
laging posible. Gayunpaman, dahil sa iba't ibang katwiran, ang isinasalin ay maaring
magkaroon ng ibang dating kaysa orihinal. Halimbawa maaaring ang pakay ng isang
lathalain ay ipakilala ang isang produkto subalit ang pakay ng nagsasalin ay
makahikayat ng mamimili ng nasabing produkto.

Ang teorya ng pagsasalin ay nauukol sa mga paraan ng pagsasalin na nararapat sa


isang text, at nakasalalay sa mga teoryang pangwika. Ang teorya ng pagsasalin ay may
kinalaman sa pinakamaliit na bantas o tanda (tuldok, kwit, aytaliks atbp.), gayundin sa
panlahat na kahulugan na parehong mahalaga sa isang text.Tunghayan ang halimbawa
na magpapakita ng kahalagah ng bantas. Hindi, puti. (No, it's white.) Hindi puti. (It's
not white.)

Bagaman magkatumbas o pareho ang dalawang leksikal na salita (hindi at puti) na


nakapaloob sa dalawang pangungusap, ay nagkaiba naman ng kahulugan ang
dalawang pangungusap dahil sa kwit na nakalagay pagkatapos ng hindi. Ang
pagwawalang bahala sa isang bantas, intensyonal o di intensyonal ay maaring magdulot
ng malaking pagkakamali sa pagsasalin. Ang layon ng pagsasalin ay suriin ang lahat ng
paraang posibleng pagpilian at pagkatapos ay gumawa ng pagpapasya. Ang unang
tungkulin ng nagsasalin ay alamin at tukuyin ang kahulugan ng isang suliranin sa
pagsasalin; pangalawa ay ilahad ang lahat ng mga factors na dapat isaalang-alang sa
paglutas sa suliranin; pangatlo ay itala ang lahat ng posibleng pamamaraan; at huli ay
pagpasyahan ang pinakanararapat na paraan. Kaugnay nito, si Newmark (1988) ay
naglahad ng mga elemento ng pagsasalin:

1. Ang pagbibigay- diin sa mga mambabasa at kaayusan (setting). Dapat maging natural
ang dating ng salin upang madaling maunawaan at makapag- iwan ng kakintalan sa
mambabasa. Halimbawa dito ang pagsaalin ng Noli. Kapansin-pansin na ang mga salitang
ginamit ni Poblete na nalathala noong 1907 ay malayo na o malaki ang pagkakaiba sa
salin nina Sayo at Marquez sapagkat malaki ang pagkakaiba ng mambabasa ni Poblete at
mambabasa nina Sayo at Marquez. Iba na rin ang kaayusang panlipunan na umiiral noon
kaysa sa umiiral ngayon.
2. Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa panrelihyon, panpanitikan, pang- agham at
teknikal, kasalukuyang kaganapan, publisidad, propagando o anumang paksa ng
panitikan.
3. Pagdaragdag sa mga text na sinasalin mula sa mga libro (kasama ang mga dula at tula)
hanggang sa mga artikulo, kasulatan, kontrata, tratado, batas, panuto, patalastas, liham,
ulat, mga form sa kalakalan, atbp.
4. Istandardisasyon mg mga katawagan.
5. Pagbuo ng mga pangkat ng tagasalin at tagarebisa. Ang pagsasalin ay dapat gawin ng
grupo hindi lamng ng isang tao upang makuha ang pananaw ng nakararami at hanggat
maari ay magtalaga ng ibang tao na magrerebisa sa mga sinalin.
6. Magiging malinaw lamang ang dating (impact)lingwistika, sosyolingwistika, at teorya ng
pagsasalin kung ang mga tagapagsalin ay sasanayin sa mga politeknik at unibersidad.
7. Ang pagsasalin ngayon ay ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman para
lumikha ng unawaan sa pagitan grupo at mga bansa, gayundin ang paglaganap ng
kultura. Sa kabuuan, sinasabi ni Newmark na ang pagsasalin ay isang bagong disiplina,
isang bagong profesyon, isang lumang pakikihamok na nakatalaga sa iba't ibang layunin.
Ang Pagsusuri ng Text Pagbasa ng Text Sinisimulang ang pagsasalin sa pagbasa sa
textsa dalawang kadahilanan: una, upang maunawaan kung saan ito nauukol;
pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalin na iba kaysa pananaw-
dalubwika o kritikong- pampanitikan.
Ang pag- unawa sa text ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan
upang makuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa
pagsasalin na maaring gamiting sangunian tulad ng ensayklopidya, texbuk, thesis, atbp.
Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita na
nakapaloob sa text para matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga
talinhaga, kolokyalismo, at neologism. Dapat malaman ang layunin at paraan kung paano
ito nasulat para matukoy ang karapat-dapat na paraan ng pagsasalin at para matukoy
ang tiyak at paulit-ulit na mga suliranin na kakaharapin sa pagsasalin.
Translation ay isang proseso, batay sa teorya na ito ay posible na abstract ang kahulugan
ng isang text mula sa mga form at kopyahin ang kahulugan na may iba't-ibang form ng
isang pangalawang wika.
MGA PARAAN NG PAGSASALIN
Mga Paraan Sansalita-bawat- sansalita Literal Adaptasyon Malaya Idyomatiko
KomunikatiboMatapat Semantiko Diing Pang-SW Diing Pang-TW
 Sansalita-bawat - sansalita Maaaring gamitin ang naturang paraan sa pagsisimula ng
gawaing pagsasalin, sa prosesong tinutuklas ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal
ngunit hindi dito nagtatapos ang pagsasalin.
 Literal - Sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang mensahe mula sa orihinal na
wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas na nagbibigay
halaga sa gramatikal na aspekto ng tumatanggap na wika.
 Adaptasyon - Sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal. Ginagamit lamang
niya ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang makabuo ng bagong
akda.
 Malaya - Inilalagay ng tagasalin sa kanyang kamay ang pagpapasya kung paano isasalin
ang mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
 Matapat - Sa pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng kanyang
kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang tanggap sa bagong
wika.
 Idyomatikong salin - Ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng wika
ng orihinal at hanapin ang katumabas nito sa target na wika ang nangingibabaw.
 Saling semantiko - Pinangingibabaw ng tagasalin ang pagiging katanggap-tanggap ng
salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan ng pagtiyak na natural sa pandinig at
paningin nila ang salin at hindi ito lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
 Komunikatibong salin - Hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin,
ngunit maging sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito sa paraang madaling
tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong karaniwan at
payak.
NILALAMAN
Pagsasalin ng Pilosopiya, Bisyon, Misyon, Goal at Layunin ng University of
Batangas
 Pilosopiya
Orihinal Salin

Ang Unibersidad ng Batangas, isang


The University of Batangas, a stock non- pribadong pang edukasyong institusyon, ay
sectarian private educational institution, naniniwala sa pagkakamit ng katalinuhan,
believes in the pursuit of knowledge, values pag-uugali at kakayahan na kinakailangan sa
and skills necessary for the preservation and pagprepreserba at pagpapalago ng
improvement of the Philippine society. It has makabansang komunidad. May paniniwala
faith in the dignity of a human person in the ito sa dignidad ng isang tao sa
democratic process, in the reward for makademokratikong paraan, sa kagalingang
individual excellence, and in the freedom of pang-indibidwal at sa Kalayaan ng taong
a person to worship God according to his sumampalataya sa Diyos batay sa kanyang
conscience. Thus, the institution believes konsiyensya. Kung kaya, naniniwala ang
that the development of the individual as a institusyon na ang paghubog sa isang
person and worker is an effective means in indibidwal bilang isang tao at manggagawa
building a better family, community and ay isang epektibong pamamaraan sa pagbuo
nation, and a better world. ng mas maayos na pamilya, komunidad at
bansa, at buong mundo.

 Bisyon

Orihinal Salin

Aming nakikita ang Unibersidad ng Batangas


We envision the University of Batangas to
bilang isang sentro ng kalinangan; tapat sa
be a center of excellence committed to
pagbibigay serbisyo sa mas malawak na
serve the broader community through
komunidad sa pamamagitan ng mataas na
quality education.
kalidad ng edukasyon.

 Misyon
Orihinal Salin

The University of Batangas provides Ang Unibersidad ng Batangas ay nagbibigay ng


quality education by promoting personal mataas na kalidad ng edukasyon sa
and professional growth and enabling the pamamagitan ng paglinang sa personal at
person to participate in a global propesyunal na pag-angat ng tao; hinahayaang
technology and research-driven maging bahagi ng isang pang-global,
environment. teknolohiya at makapansaliksik na kapaligiran.
Hakbang-hakbang na Yugto sa Pagsasalin
Layunin: matulungan ang isang baguhan sa pagsasalin

A. Preliminaryong Gawain

1. Paghahanda
Ang tagasalin ay dapat na:

o may sapat na pag-aaral sa linggwistika
o handa at pamilyar sa tekstong isasalin.
Ang tekstong isasalin ay maaring:
• mga materyal teknikal o siyentipiko (agham, teknolohiya, karunungan)
• di teknikal o malikhaing panitikan (tula, maikling kwento, nobela)
Bilang paghahanda habang binabasa ang teksto ay dapat na:

o markahan ang mga bahaging may kalabuan
o magsagawa ng pag-aaral sa background material na makukuha:
-may-akda;
-kalagayan habang isinusulat ang teksto;
-layunin sa pagkakasulat, kultura ng tekstong isasalin;
-kung para kanino ang teksto.

2. Pagsusuri (Analysis)
Habang binabasa ang teksto ay dapat:

o maingat sa pag-aaral sa mga key words.
o pag-ukulan ng pansin ang pagkilala sa simula at wakas ng teksto sapagkat dito
mahuhulaan ang paksang-diwa.
o tuklasin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ginamit na cohesive devices na pang-ugnay.
o kilalanin ang pinakamahalagang bahagi.
o bigyan ng angkop na katumbas sa wikang pagsasalinan na may diin sa bahaging
binibigyang- halaga ng may akda.

o inaalam ang lahat ng pangyayari at kalahok.
o pansinin ang iba pang kahulugan, mga matalinhagang kahulugan at mga tungkuling
pangretorika ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.
B. Aktwal na Pagsasalin
3. Paglilipat (Initial Draft)

o nagaganap sa isip ng tagapagsalin.
o paglilipat ng kahulugan sa ikalawang wika.
o mga pamamaraang pantalinhaga o panretorika ng simulaang wika.
o mga anyong panggramatika ang gagamitin upang higit na masabi ang tamang kahulugan.
4. Pagsulat ng Unang Burador

o basahin muli ang ilan sa mga bahagi o tingnan muli sa diksyunaryo. Mapapansin dito ang
anyo ng tekstong isinasalin.
o ang burador na kaniyang isusulat ay dapat lilitaw na natural o malinaw nang hindi
tinitingnan ang simulaang lenggwahe.
o iwasto ang mga nawalang impormasyon
5. Pagsasaayos ng Unang Burador

1. Higit na mabuti kung hindi galawin ang burador ng isa o dalawang linggo sapagkat sa
ganitong paraan nagkakaroon ng bagong pagtingin.
2. Pagbabasa ng manuskrito ng malakas

o Mga bahagi na masyadong may maraming salita
o Mga maling anyong panggramatika o malabong kayarian
o Maling kaayusan
o Mali ang koneksyon
o Collocational clashes
o Malabo/Di maintindihan
o Istilo

3. Tingnan ang kawastuhan ng kahulugan



o May nawala
o May nadagdag
o Iba ang kahulugan
o Walang kahulugan
4. Malinaw na lumulutang ang paksang-diwa o pangunahing kaisipan
C. Evalwasyon ng Pagsasalin

1. Paghahambing ng salin sa orihinal- Ang layunin nito ay upang tingnan kung pareho ang
nilalamang impormasyon ng dalawa at matiyak na ang lahat ng impormasyon ay nailipat
sa salin. Hindi dapat pareho ang salin sa forms (paimbabaw na istruktura o ang mga
salita parirala, sugnay, pangungusap na sinasalita o sinusulat) ng Simulaang Wika.

2. Balik-salin (Back-translation) Isang taong bilinggwal sa mga wikang kasangkot sa


pagsasalin. Kailangan hindi nabasa ang source text o tekstong isasalin. Bago ang back-
translation mayroon munang Literal rendering ng salin. Isa-isang tumbasan upang
maipakita ang kayarian o structure ng salin. What is your name? salin: Ano ang iyong
pangalan? Literal rendering: What the your name? Balik-salin: What is your name?

3. Pagsubok sa pag-unawa Ang layunin nito ay upang malaman kung ang salin ay
naiintindihan nang wasto o hindi ng mga katutubong nagsasalita ng wikang pinagsalinan.
Tester | Respondent

o Higit na mabuti kung ang tester ay hindi ang taong nagsalin.
o Alam ng respondent na hindi siya ang sinusubok kundi ang salin.
o Itinatala ng tester ang lahat ng mga sagot ng respondent.
o Magsasagawa ng ebalwasyon ang tester at ang tagasalin.
o Ipinapasalaysay sa respondent ang materyal na binasa. -upang matiyak ang pangunahing
pangyayari/paksang-diwa ay maliwanag.
o Pagtatanong tungkol sa salin. Dapat ito’y nakahanda, napag-isipan nang maayos upang
makapagbigay ng impormasyon tungkol sa istilo, tema, o detalye ng akda.

4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test) Ang layunin
nito ay upang matiyak na ang anyo ng salin ay natural at nababagay ang estilo, madaling
basahin at malinaw ang mensahe.

o Ginagawan ito ng review (manunulat/skilled writers, bilinggwal)
o Handang mag-ukol ng panahon para basahin sa mabuting paraan:

1.
1.
1. Babasahin ng reviewer ang buong salin upang tingnan ang daloy at pangkalahatang
kahulugan.
2. Mamarkahan ng reviewer ang mga bahaging mahirap basahin/hindi malinaw.

o Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin (Naturalness Test)
o Babalikan niya ang mga bahaging minarkahan niya.
o Magbibigay siya ng mga mungkahi sa nagsalin gaya ng pagpili ng tamang salita, wastong
gramatika.

5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test) Ito’y isinasagawa ng mga nagsalin o


tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa sa isang bahagi. Ang readability
test ay maari rin maapektuhan ng formatting matters. (tipo, bantas, baybay, laki ng
marjin, at puwang sa pagitan ng linya)

6. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test)



o May kinalaman sa nilalaman ng salin
o May kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon o paggamit ng pananalita.
Maaaring hindi na naging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng mga leksikal na
katumbas para sa ilang key terms.

PAGSASALIN NG MGA TEKSTONG PAMPANITIKAN


PANITIKAN-Ito nagmula sa salitang "pang-titik- an" na ang ibig sabihin ay literatura o
mga akdang nasusulat.
-Ito ay naglalaman ng mga akdang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay, mga
kathang-isip, pag- ibig, kasaysayan at iba pa.

TALAMBUHAY -akdang pampanitikan kung saan nilalarawan ang buhay ng


pangunahing tauhan at ang mga nagawa, nangyari, at mga katangian ng mga tauhan sa
akda.
TULA - Uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng makahulugang mga paksa.
Naglalaman ang tula ng mga tugma, metro at taludtod sa isang akda.
DULA - Akdang pampanitikan kung saan ito ay itinatanghal sa entablado sa harapan ng
maraming manunood.
- Kadalasang may paksang pag-iibigan, panlipunan at pangpamahalaan.
- isang masining at mabulaklak na pagtatanghal na bibibigyang buhay ang galaw o
karanasan ng isang tao sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado.
Mayaman ito sa mga paksang pangkasaysayan.
TALUMPATI - Akda kung saan ito ay itinatanghal sa harapan ng maraming tao gamit
ang pagsasalita. Karaniwang may temang panghihikayat.
ALAMAT - Akda na ang laman ang mga kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa mundong ibabawa. Ito ay pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
o anuman sa paligid.
MAIKLING KWENTO - Akdang pampanitikan na may bilang na tauhan lamang at
pangyayari. May mga paksang pang pamilya at panlipunan. Dito, ang mga pangyayari
ay nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
EPIKO - Akdang pampanitikan kung saan naglalaman ng mga kwento tungkol sa
paglalakbay, pakikidigma at kabayanihan ng pangunahin tauhan. - Mga
tulang-salaysay tungkol sa mga bayani at sa kanilang mga kabayanihan.
PABULA - Mga kwento na kung saan ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Ito ay
karaniwang ginagalawan ng mga hayop bilang tauhan ng kwento. Kadalasang ito ay
nagbibigay ng aral sa hulihan ng kwento. Kadalasang pambata ang mga tema upang
mahikayat sa mga mambabasa.
NOBELA - Panitikan kung saan ito ay naglalaman ng mga paksang panlipunan. Ito ay
may mga mahahabang serye at kabanata sa isang akda. ito rin ay isang salayaysay na
binubuo ng mga kawil- kawil na mga pangyayari, hinati-hati sa kabanata, punung-puno
ng masasalimuot na mga pangyayari, may malalim na mga tunggalian, kasukdulan at
kakalasan.
SALAWIKAIN - Maikling mga pangungusap na naglalaman ng makahulugang mga
paksa, kadalasang naihahalintulad sa pang-araw- araw na pamumuhay.
PARABULA - karaniwang ang kwento ay nagmula sa Bibliya na karaniwang nagiiwan ng
magandang aral sa mga mambabasa
MITO – ito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
KWENTONG -BAYAN – karaniwang ang kwento ay tungkol sa mga kaugalian,kultura,
paniniwala sa isang partikular na pook.
ANEKDOTA - isang pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayaring naganap sa buhay
ng isang tao, maaaring nakatutuwa at nakawiwiling pakinggan.

PAGSASALIN NG TULA
Bakit mas Mahirap Magsalin ng Tula?
 Sa mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagasalin ang nilalaman ng kanyang
isinasalin, ang problema lamang ay ang mga katawagan o terminolohiyang gagawin.
 Kahit na diwa rin o mensahe ang isinasalin sa mga tekstong di-teknikal na tulad ng tula,
lahat ng teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika ay nagsasabing mahirap nang hindi
hamak ang magsalin ng ganitong uri ng materyales.
 Ayon kay Finlay: The translating of poetry must surely be a case par excellence in which
the old Italian saying traduttori, traditori applies. Few things are more difficult than the
effective and true meaning of poetry into poetry (if indeed, it is at all possible…)
 Mapatutunayang higit na mahirap limiin ang diwang ibig ipahatid ng makata sa kanyang
tula kaysa diwang ibig ipahatid ng isang espesyalistang sumulat ng isang tekstong
teknikal tungkol sa kanyang espesalisasyon. Sapagkat may nadaragdag na dimensyon ng
mga problema sa pagsasalin ng isang tula na wala sa isang tekstong teknikal.
 Paggamit ng mga tayutay (figures of speech)
 Ang pangangalaga sa estilo ng awtor o paraan ng kanyang pagpapahayag
 Ang pagbagtas sa pamamagitan ng salin sa dalawang magkaibang kultura. Halimbawa:
Kultura ng sumulat sa Ingles na Amerikano at kultura ng babasa ng salin salin sa Filipino
na isang Pilipino.
 Maraming dalubhasa sa pagsasaling-wika ang naniniwalang imposibleng matamo ng
sinuman ang ganap (perfect) na pagsasalin sa larangan ng poesya o tula.

Ano Ba ang Poesya o Tula?


 Ayon kay Savory: Ang poesya ay isang sining ng paggamit ng mga salita upang lumikha
ng ilusyon sa ating mga pandama.
 Ang isang tula ay may ritmo, sukat at tugma; may emosyon o damdaming masidhi at
malalim sa karaniwang pahayag; may higit sa karaniwang dami ng mga tayutay at hindi
gaanong mahigpit sa pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng mga salita
 Ayon kay Almario: Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng magsisintunog na titik at
makahulugang salita. Dapat itong maging isang buong pangungusap; ang mga titik at
salitang dapat isaayos tungo sa isang makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa,
damdamin, pangyayari, larawan o kakintalan.
 Magkakatulad kaya ang nagiging pagtingin ng lahat ng makata sa isang bagay maging
anuman ang kanyang lahi? Magkakatulad kaya ang kanilang paraan ng pagpapahayag
ng damdamin sa isang inspirasyon? Sagot: HINDI
 Ang isang akdang patula ay may katangiang naiiba sa akdang tuluyan. Sa tula’y pinipili
ang isang salita hindi lamang dahil sa kahulugan nito kundi dahil pa rin sa tunog nito. Sa
bahaging ito ng pagsasalin, nakasusumpong ng hindi biro-birong suliranin ang maraming
tagapagsalin. Ito rin ang dahilan kung bakit nababago ang diwa ng ilang bahagi.
 Masasabing madaling isalin nang tuluyan ang kahulugang napapaloob sa isang tula
subalit imposibleng ilipat sa ibang wika ang buong ritmo, sesura, emosyon, at iba pang
katangian ng orihinal na teksto.
 Sa anong paraan ngayon dapat isalin ang isang tula? Sa paraang patula rin ba? O sa
paraang tuluyan?

Mga Nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin


 Ayon kay Savory, si Postgate ang nagsabi sa kanyang aklat na Translations and
Translators na ang isang prosa o tuluyan at dapat masalin sa paraang tuluyan din at ang
tula ay sa paraang patula rin.
 Si Matthew Arnold man ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula,
ang salin ay kailangang magtaglay ng mga katangian ng tula.
 Ang pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina kung mawawala ang sukat; na
ang tuluyang salin ng isang tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan.
 Naniniwala sila na upang maging makatarungan sa makatang awtor, ang kanyang tula
ay kailangang isalin ng isa ring makata at sa paraang patula rin.
 Sinabi ni Hilaire Belloc na ang pagsasalin sa isang tula ay higit na mabuti kung gagawin
sa paraang tuluyan. Sinusugan pa ito ni Sir John Denham nang isalin nito ang Aeneid.
 Sa Introduksyon ng salin ay sinabi ni Denham na ang layunin niya sa pagsasalin ay hindi
upang lumikha ng bagong tula kundi upang isalin lamang ang diwang taglay ng isang
tula hindi sa paraang patula rin kundi sa paraang tuluyan.
 Ang pagsasalin ng tula ay isang napakadelikadong gawain; na sa pagsasaling tula-sa-
tula, ang bisa ng awtor ay tulad ng gamot na nawawalan ng “ispiritu”.
 Ang orihinal na tula at ang patula ring salin nito, karaniwan na, ay dapat magkatulad sa
anyo. Ang patulang salin ng isang tula ay humahamon sa kakayahan ng tagapagsaling
gumamit ng mga tayutay at iba’t ibang paraan ng pagsasaayos ng mga salitang tulad ng
orihinal na kailangang mapanatili ang hangga’t maaari.
 Kung ang isang tula ay isasalin sa paraang tuluyan, mayroon na kaagad na isang
“kapilayan” ang tagapagsalin bago pa siya magsimula.
 Sa dalawang salin, ayon kay Savory, ay malinaw na mapatutunayang higit na mabuti ang
paraang tula-sa-tula sapagkat bukod sa napananatili sa salin ang “musika” ng orihinal ay
nahahantad pa rin ang mambabasa sa aktwal na anyo nito.
 Lyric poem translated as prose is not an adequate equivalent of the original. Though it
may reproduce the conceptual content, it falls far short of reproducing the emotional
intensity and flavor. However, the translating of some types of poetry by prose may be
dictated by important considerations. -Nida

TUGMANG PAMBATA
Ang tugmaang pambata, ritmong pambata, o tulang pambata ay mga tula, berso, kanta,
o awiting kinawiwilihan ng mga bata dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng nakasisiyang
mga tugmaan ng tunog, tinig, at mga salita. Isang halimbawa nito ang Pen-pen de
Sarapen. Sa Kanluraning Mundong nagsasalita ng Ingles, nalalaman ng mga bata ang
tinatawag nilang mga rima ni Inang Gansa o Mother Goose.
Karamihan sa mga tugmaang pambata ang hindi naman talaga layuning maging para sa
mga bata, sapagkat mayroon sa mga ito ang may pinagmulang mga balada o awiting
kinakanta ng mga matatanda. Mayroon din namang may impluho ng mga bugtong.
Mayroon din namang ukol sa mga kaganapang pampolitika sa ilang pook ngunit naging
bahagi ng panitikang pambata. Nang awitin ang mga ito ng mga ina at narinig ng mga
batang inaalagaan nila, natandaan ng mga bata ang mga nakaaakit sa pandinig na mga
koro o parirala.
Kabilang sa mga tangi o talagang pambatang mga tugmaan o rima ang mga inaawit ng
mga ina para sa mga bata tuwing oras na ng pagtulog, ang mga panghele o oyayi. Pati
na ang mga tulang nagtuturo sa mga bata ng pagbilang at pagbigkas
ng abakada o alpabeto. Kasama rin ang mga tugmaang ginagamit ng mga ina at mga
anak sa tuwinang naglalaro sila habang magkakapiling.
May mga tugmaang pambata ang bawat bansa. Naglalaman ang mga ito ng kasaysayan
at ng kaugalian ng mga mamamayan ng bansa.

Mga Katangian
May mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga bata ang makinig at magsambit ng
mga kataga ng mga tugmaang pambata. Naging bantog ang mga ito sa mga bata dahil
sa mga katangian nito. Sari sari ang mga paksa ng mga panulaang pambata, katulad ng
mahaharot na mga bata, mga taong may masasamang mga ugali o gawi, matatandang
mga kababaihan, mga hari, mga reyna, at mga hayop. Naglalahad ang iba ng
mga kuwentong pambata na kalimitang may sigla at nakasisiyang pakinggan. Mayroon
namang labis ang pagiging nakakatawa, bagaman mayroon ding malulungkot. Siyempre,
mayroon itong tiyak na tugmaan ng mga tunog at salita, kahit na walang saysay ang mga
nilalaman o mensahe. May mga himig ang mga ito na naaangkop sa bawat damdaming
nakakaantig sa mga isipan, pandinig, at puso ng mga bata.

Mga Piling Halimbawa:


Pen-Pen de Sarapen
Tungkol ang seksiyon ito sa awiting pambata, para sa bandang Pilipino pumunta sa Pen
Pen.
Sa kasalukuyan, isa nang tugmaang pambata ang Pen-Pen di Sarapen, ngunit dati itong
isang tila "walang saysay" na tugmaan na may nakapailalim na kahulugan. Sapagkat
tinutuligsa nito ang mga Kastilang mananakop ng Pilipinas na gumagamit
ng espada upang igiit ang Kristiyanismo sa mga sinaunang Pilipino.
Narito ang taludturan nito:

Pen Pen di Sarapen, de kutsilyo de almasen.


Hau hau de kalabaw, de batuten!
Sayang pula, tatlong pera,
Sayang puti, tatlong salapi.
Sipit namimilipit, gintong pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat!

Pongpong
Binibigkas ang tugmaang pambatang Pongpong para sa mga sanggol na may limang
taong gulang at pataas na edad. Sinasambit ito habang may pag-iingat na hinahawakang
magkakadikit ang mga kamay at mga paa ng sanggol, parang isang ehersisyo ng pag-
uunat para sa mga bata:
Pong...
pong...
pong....
Galapong!
Haba, haba
Binabanggit ang Haba, haba sa mga sanggol na may apat na taong gulang at pataas.
Nilalahad ito habang mahinahong hinihipo ang katawan ng sanggol magmula sa balikat
papunta sa mga hita, na nagsisilbing masahe sa mga bata:
Haba, haba,
Parang bangka!
Bilog, bilog,
Parang niyog!

You might also like