You are on page 1of 8

10

1
2

3 Filipino
4 Unang Markahan–MELC Based
5 RBI SCRIPT: 1. Natutukoy ang
6 mga salitang magkapareho o
7 magkaugnay ang kahulugan

Page 1 of 8
1
1 TITLE: _____________________SA GRADE 10 FILIPINO

2 TOPIC: PAGTUKOY SA MGA SALITANG MAGKAKAPAREHO O

3 MAGKAKAUGNAY ANG KAHULUGAN

4 FORMAT: RADIO BROADCAST INSTRUCTIONS (RBI)

5 LENGTH: 30 MINUTES

6 SCRIPTWRITER: DONNA MAE A.TORRES

7 OBJECTIVE: PAGKATAPOS MAKAPAKINIG NG EPISODE NA ITO, ANG

8 MGA MAG-AARAL NG GRADE 10 FILIPINO AY INAASAHANG

9 MATUKOY ANG MGA SALITANG MAGKAKAPAREHO O

10 MAGKAKAUGNAY ANG KAHULUGAN

11

12 DZLES: INSERT SOA PROGRAM ID

13 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

14 HOST: Magandang araw sa ating lahat lalong lalo na sa ating mga butihing mag-aaral.

15 Ito ang ___________________ ang maghahatid sa inyo ng bagong kaalaman. Ako po

16 ang inyong lingkod, Donna Mae Torres, mula sa Salpad Integrated School.

17 DZLES: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 HOST: Naging maganda ba ang inyong araw? (PAUSE) Nawa’y naging maganda

19 nga ang inyong araw para ganahan kang makinig sa ating talakayan.

20 DZLES: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

21 HOST: Bago natin simulan ang aralin ay tiyaking may notebook, ballpen o lapis
22 nang nakahanda sa inyong tabi upang maitala ang mga impormasyon ating
23 tatalakayin. Magagamit nyo rin ang mga ‘yan sa pagtugon sa ilang mga katanungan.

Page 2 of 8
1
1
2 Ngayon, handa ka na ba?
3 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Ngayon ay may babasahin akong mga salita. Pakinggan ito nang mabuti.
5 nagliliyab - nag-aapoy, (PAUSE) pagmasid- pagmasdan (PAUSE) nasilayan- nakita
6 (PAUSE) bilanggo-bihag (PAUSE) pinagmumulan- pinag-uugatan. (PAUSE) Anong
7 napansin ninyo sa mga salitang iyon? (PAUSE) Tumpak ka kung ang sagot mo ay
8 magkakapareho o magkakaugnay na salita.
9
10 SFX: STINGER UP FOR 1 SECOND THEN FADE OUT

11 HOST: Ang kaparehong salita ng nagliliyab ay nag-aapoy. Kung gagamitin natin sa

12 pangungusap ay maarai nating sabihin na “ Nagliliyab ang kanyang damit nang siya ay

13 dumukit sa lutuan.”

14 SFX: STINGER UP FOR 1 SECOND THEN FADE OUT

15 HOST: Ang sumunod naman na salitang aking binigkas kanina ay ang pagmasid na

16 nangangahulugan ng pagmasdan. Halimbawa, Pagmasdan mo ang ating paligid na

17 unti-unti nang nawawasak dahil sa gawa ng tao.

18 SFX: STINGER UP FOR 1 SECOND THEN FADE OUT

19 HOST: Ang salitang nasilayan ay may katumbas namang itong kahulugan na nakita.

20 Halimbawa, Nasilayan ko ang kanyang kagandahan nang siya ay lumabas ng kwarto.

21 Nakuha mo ba ang kahulugan ng Nasilayan?

22 SFX: STINGER UP FOR 1 SECOND THEN FADE OUT

23 DZLES: MSC OUT

24 DZLES: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXX)

25 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

Page 3 of 8
1
1 HOST: Ngayon ay ikaw naman ang aking susubukin. Gamit ang iyong notebook ay

2 itala ang inyong kasagutan sa mga babasahin kong tanong. Ang mga salitang aking

3 babanggitin ay maaari mong makita sa babasahin mong sanaysay na “Ang Alegorya ng

4 Yungib”.

5 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

6 RADIO TEACHER: Para sa unang bilang, ang pangungusap ay (PAUSE) “Una niyang

7 itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid ng liwanag.” (PAUSE) Ano ang

8 kaugnay na salita ng “maghahatid”? (PAUSE) a. magbibigay (PAUSE) b. magpapatibay

9 (PAUSE) c. magsasabog (PAUSE) d. maglalakbay. (PAUSE)

10 Para naman sa ikalawang bilang. (PAUSE) “Kapag nakita niya na sinuman na may

11 pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak.” Ang salitang

12 humalakhak ay may kaparehong salita na? (PAUSE) a. tumihaya (PAUSE) b. sumayaw

13 (PAUSE) c. tumawa (PAUSE) d. sumigaw (PAUSE). Handa ka na ba para sa ikatlong

14 bilang? (PAUSE)

15 Ikatlong bilang, (PAUSE) “Kailangan mahirati ang kanyang paningin sa dakong itaas ng

16 mundo.” Ano ang kaugnay na salita ng mahirati ay? (PAUSE) a. magalit (PAUSE) b.

17 magalak (PAUSE) c. malungkot (PAUSE) d. masanay (PAUSE).

18 Sa ikaapat na bilang naman, ang pangungusap ay (PAUSE) “Sinuman ang may wastong

19 pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri. (PAUSE) Ang

Page 4 of 8
1
1 kaparehong salita ng “mababatid” ay? (PAUSE) a. mabibigay (PAUSE) b. malalaman

2 (PAUSE) c. maiibigan (PAUSE) d. mahahanap (PAUSE)

3 Ang pangungusap naman sa ikalimang bilang ay (PAUSE). “Sa palagay ko ay pipiliin

4 niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag habag na

5 kalagayan.” (PAUSE) Ano ang kaugnay na salita ng “huwad”? (PAUSE) a. tunay (PAUSE)

6 b. bago (PAUSE) c. peke (PAUSE) d. luma (PAUSE)

7 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Ngayon handa ka na bang iwasto ang iyong mga sagot? Masdan

9 nang mabuti ang inyong mga kasagutan at maging tapat sa pagwawasto. (PAUSE)

10 Ang sagot sa unang bilang ay... (PAUSE) magbibigay, titik a.

11 Ang kaparehong salita naman ng humalakhak sa ikalawang bilang ay... (PAUSE)

12 tumawa, titik c!.

13 Ang tamang sagot naman sa ikatlong bilang ay... (PAUSE) titik d!, masanay.

14 Sa ikaapat na bilang naman ay... (PAUSE) malalaman, titik b.

15 At sa huling bilang naman ay... (PAUSE) titik c! Peke ang kahulugan ng huwad.

16 Ngayon ay bilangin ang tamang sagot at isulat ang iskor sa inyong papel.

17 DZLES: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

18 BIZ: MSC OUT

19 HOST: D’yan nagtatapos ang ating gawain. Kung may tanong kayo o nais linawin, isulat

Page 5 of 8
1
1 n’yo na rin ang mga ito sa iyong kit. Isama n’yo na rin ang inyong mga pagbati o kaya ay

2 mga request. Puwede rin ang mga request ng kantang nais n’yong marinig sa ating

3 paaralang panghimpapawid. Pagkatapos ay dalhin n’yo ito sa

4 (HOST PROVIDES INSTRUCTION ABOUT SUBMISSION OF QUIZ

5 FORMS).

6 DZLES: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

7 BIZ: PLAY SONG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

8 _. Request ‘yan ni __________ mula sa seksyon_____. Kung may kanta kayong gustong

9 ipatugtog din dito ay maaari mo itong isulat sa ating feedback form. Uulitin ko, huwag

10 n’yong kalimutang ipasa ang inyong quiz at feedback forms sa ____.

11 DZLES: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

12 HOST: Aking babasahin naman ngayon ang inyong mga tanong at pagbati.

13 (HOSTS READS AND PROVIDES ANSWER TO QUESTIONS; READS

14 GREETINGS AND FEEDBACK; PROVIDES REACTIONS)

15 DZLES: MSC OUT

16 HOST: Isang panibago na namang leksyon ang ating natapos. Upang mas maunawaan

17 niyo pa ang ating aralin, maaaring basahin ang pahina bilang ng inyong mga modules.

18 Nakalakip din d’yan ang isang sanayang gawain sa pahina bilang __ na maaari n’yo

19 itong sagutan at gawin upang mas mahasa ang inyong galing sa _.

20 DZLES: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Page 6 of 8
1
1 HOST: Hihintayin din ng inyong mga guro ang inyong text message ukol sa _.

2 Ipadala n’yo ito sa numerong nakalagay sa inyong kits.

3 (HOST CAN ALSO READ THIS IF PROVIDED) Kung kaya, puwede ring magpadala

4 ng e-mail o kaya ay mensahe sa Facebook.

5 (HOST PROVIDES DETAILS).

6 DZLES: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

7 HOST: Muling antabayanan ang susunod na leksyon tungkol sa . Siguruhing

8 tumutok sa ating _______________tuwing___________________ Hanggang sa muli,

9 ako si____________________Laging tandaan, Ang wastong edukasyon ay pahalagahan,

10 ito ay susi sa’yong kinabukasan. Paaalam!

11 DZLES: MSC UP THEN OUT

Page 7 of 8
1
1

Page 8 of 8

You might also like