You are on page 1of 8

Masusing Banghay- Aralin

sa Pagtuturo ng Baitang 10

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag- aaral ang pag-unawa mga akdang pampanitikan sa Panahon
ng mga katutubo, Espanyol at Hapon.
II. Pamantayang Pagganap
Nakasusulat ng isang liham na nagsasaad ng isang opinyon tungkol sa mga biktima ng
kawalang hustisya sa ating bansa.
III. Kasanayang Pampagkatuto
A. Pag- unawa sa Binasa
Nasasagot nang tama ang mga katanungan mula sa akda.
B. Pagsulat
Nakasusulat ng isang liham sa isang patnugot ng dyaryo na nagsasaad ng isang
opinyon tungkol sa mga biktima ng kawalang hustisya sa ating bansa
C. Wika at Gramatika
Natutukoy ang mga sangkap ng maikling kwento gamit ang mga paglalarawang
pahayag. .
IV. Paksang Aralin
A. Lunsaran: Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual
B. Sanggunian: Pluma 8, pahina 275-283
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation

V. Yugto ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral

A. Tuklasin
I. Pangganyak

Magandang umaga mga mag-


aaral.
Magandang umaga rin po, ma’am.
Bago natin simulan ang ating
talakayan ay maari bang
pakiayos muna ang inyong
upuan at pulutin ang mga kalat
na nakikita ninyo.

(Aayusin ng mga mag- aaral ang kanilang


mga upuan at pupulutin ang mga kalat.)
Ngayon naman ay may
ipapakita ako sa inyong mga
larawan. Ang gagawin niyo
lamang ay magbibigay kayo ng
inyong mga opinyon tungkol sa
mga larawan na aking ididikit
sa pisara. Opo, ma’am.

Ano ang masasabi niyo sa


unang larawan?

Ma’am, isang maruming bata po.


Tama! Sa inyong palagay, bakit
kaya ganyan ang kanyang itsura
at paraan ng pananamit? Dahil wala po siya sigurong mga magulang na
nag-aalaga sa kanya, ma’am.

Magaling! Bukod doon, ano pa


kaya ang maaaring mahinuha
natin lalo na sa antas ng
kanyang pamumuhay? Ang batang nasa larawan po ay nanggaling sa
mahirap na pamilya po, ma’am.

Mahusay! Sa larawan na ito ay


mahihinuha mo na siya ay
nanggaling sa mahirap na
pamilya. Sino naman sa inyo
ang makapagbibigay ano ang
nasa ikalawang larawan?

Isang batang magtatapos po sa pag-aaral


ma’am.

Maayos po ang kanyang pananamit, ma’am at


siguradong ang antas ng pamumuhay nila ay
nakaaangat.

Tama, paano niyo naman mailalarawan


ang kanyang itsura at ano kaya ang estado ng
kanilang pamumuhay ?
Ma’am, para sa akin po ay iyong maruming
bata dahil mukha siyang magnanakaw siya.

Magaling! Ngayon kung mayroong


nakawan na naganap sa inyong lugar. Sino
kaya sa dalawang nasa larawan ang Ganoon din po sakin ma’am, iyong maruming
mahihinuha ninyong nagnakaw? bata dahil na rin siguro sa itsura niya .

Hindi po, ma’am. Una ay wala tayong


Maaari, sino pa ang may iba pang karapatang husgahan ang isang tao dahil
kasagutan? lamang sa kanyang itsura dahil hindi tayo
sigurado sa tunay niyang pagkatao.

Sa tingin ninyo, tama bang husgahan


natin ang maruming bata na siya ang
nagnakaw batay sa kanyang itsura at Kung nanakawan po tayo ayy imbestigahan
pananamit? nating mabuti at kumuha ng mga ebidensya
para mapatunay kung sino talaga ang may
sala.

Magaling! Kung ganoon, ano ang


nararapat nating gawin sa ganitong klaseng
sitwasyon?

Tama! Hindi sapat na batayan ang


panlabas na anyo para husgahan ang isang tao
kaya nararapat lamang na maging patas tayo
ano man ang antas na buhay mayroon sila.
II. Paglinang ng Talasalitaan

Bago tayo dumako sa pagbabasa ay


sagutan muna natin ang mga mahihirap na
salitang maaari nating matagpuan sa maikling
kwent na “Ang Kalupi”.
B
Panuto: Tukuyin kung ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin
ang titik ng may tamang sagot.

1. Mataas na ang araw nang lumabas


si Aling Marta sa bakuran nila. B
a. madaling araw .
b. tanghali na
c. pahapon na
2. Saglit na nangulimlim ang kanyang
mukha. B
a. sumaya ang kanyang mukha
b. sumimangot o lumungkot ang
kanyang mukha
c. natabingan ang kanyang mukha
3. Hindi siya kaagad nakapasok dahil
maraming batang nakaharang sa A
lagusan.
a. palengke
b. daanan
c. sasakyan
4. Talagang dito sa palengke ay A
maraming naglipanang batang
ganyan.
a. nagkalat
b. naglinis
c. nagsaya
5. Sa kanyang pagpasok ay may isang
batang bumangga sa kanya na
muntik na niyag ikinabuwal.
a. ikinatumba
b. ikinagalit
c. ikasigaw
B. Linangin

III. Pagtalakay sa Akda

Ngayon ay tiyak kong wala


nang balakid sa ating pagbabasa
Kahapon ay ibinigay kong
takdang aralin ang pagbasa (Babasahing muli ang akda)
ninyo sa isang maikling kwento
ni Benjamin P. Pascual na “Ang
Kalupi”. Ngayon ay bibigyan
ko kayo ulit ng pagkakataon
para basahing muli ang akda.
Kayo ay mayroong limang
minuto lamang para basahin ito
at maari na ninyong umpisahan.

Tapos na ang limang minuto


niyong pagbabasa. At para
matiyak ko kung naunawaan
niyo ang maikling kwento ay
magbibigay ak ng katanungan
at kung sino mang sasagot ay
pipili ng numero ditto sa slide at
kung ano ang lalabas na numero
ay iyon ang magiging puntos
ninyo.

1 2 3 4 5
6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 Opo, ma’am.
16 17 18 19 20
21 22 23 24 25
26 27 28 29 30

Dahil magtatapos ng high school ang kanyang


Isusulat niyo ang puntos na anak, ma’am.
nakuha sa isang-kapat na papel.
Maliwanag ba?

Magaling! Unang tanong ay


bakit masaya si Aling Marta
nang araw na iyon?
Numero 8 po, ma’am.
Tama! Masayang masaya si
Aling Marta noong araw na
iyon dahil magtatapos ang
dalaga niyang anak na isang
malaking pribelehiyo sa
kanilang pamiya. Pumili ka ng
numero mula sa slides para sa
iyong puntos. Nabunggo siya ng isang maruming bata na
siyang dahilang nang muntikan niyang
pagkatumba, ma’am.
Ang nakuha mong puntos ay 5.

Ano naman ang pangyayari sa


palengke ang nagpaiba ng Numero 13 po, ma’am.
damdamin ni Aling Marta?
Ilarawan ang bata.

Tama! Muntikan na siyang


matumba dahil sa pangyayaring
iyon. Pumili ka ng puntos mula
sa slides, Jenna.

Naisip ni Aling Marta na ang maruming bata


Ikaw ay may apat na puntos. ang nangbunggo sa kanya ang nangnakaw ng
kanyang kalupi. Ngunit hindi naman maganda
Sino naman ang naisip ni Aling na pinagbintangan niya kaagad ang bata dahil
Marta nang malaman niyang sa kanyang hitsura.
nawawala ang kanyang kalupi?
Makatarungan ba ang kanyang
ginawang pagpaparatang sa
bata?

Numero 5, ma’am.
Mahusay! Inisip niya kaagad na
ang nakabunggo sa kanya ang
nangnakaw ng kanyang kalupi
at masasabi nating hindi ito
makatarungan sa pagkat siya’y
walang sapat na ebidensya para
paratangan ang bata. Jenna, Nasagaan ang bata dahil pinilit niyang
pumili ka ng numero sa slides. makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni
Aling Marta at maaari nating sisihin siya ang
Ikaw ay may limang puntos. may sala dahil sa maling pagtrato niya sa
bata.
Paano ngayon binawian ang
bata? Sino kaya sa palagay
ninyo ang nararapat na sisihin
sa kanyang pagkamatay?

Magaling! Dahil sa nais ng bata


nang kalayaan sa kamay ni Numero 23 po, ma’am.
Aling Marta ay tumakbo siya
nang mabilis dahilan na hindi
niya nakita ang paparating na
sasakyan. At maaari nga natin
siguro isisi kay Aling Marta ang
malagim na nangyari sa bata.
Maari ka nang pumili para sa
iyong puntos, Jerry.

Ikaw ay may anim na puntos. Hindi ko po siguro mapapatawad ang aking


sarili dahil may namatay na bata nang dahil
Kung ikaw si Aling Marta, ano lang sa maling akala.
ang gagawin mo pagkatapos
mong malaman ang
katothanang naiwan mo lang
pala ang kalupi mong nagging
sanhi ng pagkamatay ng
inosenteng bata?

Kaya nararapat lamang na


huwag nating husgahan ang
isang tao nang dahil lang sa
panlabas na anyo at sikaping
lumikom muna ng sapat na
ebidensya bago tayo
magparatang sa maling gawa ng
tao.

C. Unawain at Pagnilayan
Ngayon ay papangkatin ko kayo
sa lima at sagutan sa manila
paper ang isang gawain.

(Papangkatin ang mga mag- (Sasagutan ang gawain.)


aaral.)

Bibigyan ko lamang kayo ng


limang minuto para matapos
ang gawain. Maaari na kayong
pumunta sa inyong kapangkat
nang masimulan niyo na ito.

Tauhan

Tagpuan

Panahon

Pangyayari

D. Ilipat

Gumawa ng isang liham sa isang


patnugot ng dyaryo na nagsasaad ng
inyong opinion tungkol sa mga biktima
ng kawalang hustisya sa ating bansa.

You might also like