You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I .Layunin

Sa katapusan ng aralin 100 ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 75 ng


kasanayan na:

1.Nakikilala ang mga tauhan sa kwento.


2.Nakapagbibigay ng sariling saloobin batay sa paksang tinatalakay.
3.Napagsusunod-sunod ang pangyayari ayon sa kwento.
II.Paksang Aralin

Paksa :: Bilanggo
ni Wilfredo Pa. Virtusio
Aklat : Wika at Panitikan III
Ph.202-208
Kagamitan: cartolina ,pentelpen , mga larawan

III .Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagbati sa klase
3.Pagtatala ng liban
4.Pagpapasa ng takdang-aralin

B. Balik-Aral
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Klas,maaari niyo bang sabihin kung ano ang
tinalakay natin kahapon?
Sir ang atin pong tinalakay kahapon ay panghalip.

Sir ang panghalip po ay panghalili sa ngalan ng tao.


Tama! Ano nga ba ang panghalip?

Magaling! ngayon maari niyo bang ibigay ang mga Sir panghalip na panao,pamatlig,pasaklaw at
uri ng panghalip? pamaraan.
Mahusay ! Natutuwa ako at natatandaan niyo pa
ang tinalakay natin kahapon.

C.Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng rehas na bakal o
bilangguan.Klas pansinin ninyo ang larawang
idinikit ko sa pisara.
Ano ang nakikita ninyo?

Sir isang bilangguan po kung saan dito nakakulong


ang mga taong nakagawa ng krimen.
Tama! Klas kung kayo ang tatanungin ano ang
gagawin nyo kapag napagbintangan kayo sa
krimeng hindi nyo naman ginawa?

Ako po itatanggi ko po ito dahil alam ko po sa sarili


Tama ! Pero paano kung hindi kayo ko na hindi po ako ang may kasalanan at malinis
paniwalaan ,ano ang gagawin ninyo? ang konsensya ko.

Sir tatakas po ako kasi ayoko pong makulong lalo


Magaling! Pero paano kapag pwersahan kang hinuli na sa kasalanang di ko naman ginawa.
may magagawa ka pa ba?Ano sa inyong palagay?

Sir siguro po wala na, sasama na lang po ako dahil


Mahusay! Klas ano kaya ang tatalakayin natin alam ko pong makakamit ko rin ang
ngayon? hustisya.Mapapawalang sala naman po ako lalo na
kung hindi talaga ako ang nakagawa ng krimen.
Sir siguro po sa krimeng hindi talaga ginawa ng
Tama ! Tignan natin ang kaugnayan nito sa ating taong napagbintangan lamang.
panibagong aralin.
D. Paghawan ng sagabal
Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng bawat Mga sagot:
salita at gamitin ito sa pangugusap 1.nakakasuka- Ang amoy ng maruming palikruran
ay nakakasuka.
1.Nakakasulasok 2. Nabigyan- Si Inday ay hindi nabigyan ng baon ng
2.Nadulutan kanyang tatay.
3.Pinitak 3.Bukirin – Ako ay namasyal sa bukirin ni mang
4.Kinasusungan Juan.
5.Pagkakalumpumpunan 4.Kinasangkutan - Si Totoy ay tumakas sa gulong
kanyang kinasangkutan.
5.Pagkakaguluhan- Si Dingdong ay pagkakaguluhan
kapag nakita sya ng mga humahanga sa kanya.
*Nabigyan * nakakasuka

* Asawa * bukirin

*Pagkakaguluhan
*kinasangkutan

E .Pagtalakay sa aralin
Klas, ngayong araw na ito ay mayroon tayong
babasahin na isang kwentong pinamagatang
“Bilanggo” ni Wilfrido Pa.Virtusio.

Walang makuhang pagkilala sa awtor kaya ang


Pagbasa ay atin ng sisimulan.Para lahat kayo ay
lubos na masiyahan ang kwentong bilanggo ay
ginawan ko ng Komik istrip. Kailngan ko ng 4 na
mag-aaral na babasa sa dayalogo ng tauhan sa
kwento. Pakibasa ito ng malinaw at may damdamin
upang lubos nyo itong maunawaan at ng inyong
mga kamag-aral.
Nauunawaan nyo ba klas?

Opo.
(Matapos mabasa ang kwento ng Bilanggo)

Klas ,naibigan nyo ba ang kwentong pinamagatang


bilanggo?
Opo
Sinu-sino ba ang mga pangunahing tauhan sa
kwento?

Si Mang Selo ,si Lucio at si sarhentO Damaso.

Tama! Anu-ano ang katangian ng bawat tauhan?

Mang Selo- mabuti ang kalooban at tapat


Lucio-Maalalahanin at mabait
Sarhento Damaso-mayabang at mapanakit

Mahusay! Klas ano ba ang naging suliranin sa


kwento?

Sir , napagbintangan po si Mang Selso na pumatay.

Tama! Bakit ba siya napagbintangang pumatay?


Sir kasi po natagpuan ang bangkay ng tao sa
kanyang bukirin.

Magaling ! Ano ba ang solusyon para malutas ni Sir kailangan nya pong ipagbili ang kanyang
Mang Selso ang krimeng Kinasangkutan nya? kalakian ,kubo at ang kanyang bukid

Tama!Bakit kaya mas pinili nya pa ring mabilanggo? dahil para sa kanya kung makakalaya man siya
ngunit mawawala nman ang kanyang lupa ay ano
pang kwenta ng buhay niya.Kaya pabibilanggo na
lang siya ang mahalaga’y nasa kanya ang lupa.

Tumpak! Hindi po,dahil dumanas po sya ng matinding


Naging maganda ba ng bunga ng kanyang desisyon paghihirap sa kamay ni sarhento.
na mabilanggo na lng kesa ibenta ang kanyang
lupa?

Tama! Bakit ba siya binugbog ni sarhento?

Dahil gusto po ni sarhento na pirmahan ni mang


Selso ang papeles na binebenta nya ang lupa,para
mapunta kay sarhento ang pursyento ng
mapagbibilan nito.

Magaling ! Mali kaya ang ginawa nyang hindi


pagsunod kay sarhento?

Hindi po ,dahil hindi porket bilanggo ka eh pede ka


ng maging sunud sunuran sa mga may
kapangyarihan.

Tama,kaya lahat tayo dapat maging matapang nga


harapin lahat ng pagsubok tularan natin si Mang
Selso na hanggang sa huli ay hindi dapat sumuko.

Dadako na tayo sa pangkatang Gawain .Hahatiin ko


kayo sa tatlong grupo.

Pangkatang Gawain:

Pangkat1. Gamit ang concept cluster ibigay ninyo


ang ibat
-ibang katangian namutawi sa kwento.
Pangkat2. Sa pamamagitan ng discussion web
magbigay ng konklusyon o sariling saloobin ayon
sa paksa.

Oo Hindi

Pangkat3.Magtala ng mahahalagang pangyayari


batay sa kwento. Gamit ang saylikal na tsart.

(Pagsasagawa ng pangkatang Gawain)


P1.

matapang

mabait mabuti

Mang
Selo

matiisin
Tapat mababang
Kaloonban

P2.Paksa Sang-ayon k aba sa desisyon ni Mang Selso


na mabilanggo na lang kaysa ibenta ang lupa?

Oo.
-Sang-ayon po ako kasi kahit na sya ay nakakulong
hindi namn mawawala ang kanyang lupain magiging
masaya pa rin siya kapag sya ay lumaya na.

Hindi.
-Hindi po kasi kung binenta nya n asana yung lupa
hindi n asana sya magdurusa sa kulungan.

P3.
-Hinuli si Mang Selso kahit wala siyang kasalanan -
Nun siyay nasa kulungan na inisip nya kung ibebenta
nya baa ng lupa nya para makalaya o hindi. -nakilala
niya sa bilangguan si lucio at nagging kaibigan niya ito
-Kinausap sya ni sarhento na ibenta sa kanya ang lupa
at nagmakaawa si Mang selso na wag gawin iyon. -
Binugbog ng sarhento si Mang Selso ngunit hindi pa
rin nito nakuha ang gueto na pirmahan ni Mang Selso
ang papeles.
E.Paglalahat

Klas ,bakit kaya mas pinili pa rin ni Mang Selso na


makulong siya kaysa ibenta na lang ang kanyang
lupa?
Dahil po iyon lamang ang kanyang libangan at
pagbinenta niya iyon para makalaya lang ngunit wala
nman ang lupa niya ay walang saysay na rin ang
kanyang buhay kaya nanghinayang siya na ipagbili ang
lupa.

Tumpak! Klas bakit kaya nasabi ni Mang Selso na


buhat sa kanyang kisasadlakang bilangguan ay hindi
niya matanaw ang kahit na kapilas ng langit?

Sir siguro po dahil hindi niya makamit –kamit ang


tunay na hustisya at halos wala ng kabutihan pang
nababalot sa bilangguan ,wala na syang makitang
pagasa na makalaya pa.

Tama!

G.Paglalapat

Mahusay! Kung kayo ay napagbintangan din sa


kasalanang hindi niyo naman ginawa susuko na ba
agad kayo?

OpO,kasi po alam ko pong hindi ako ang may sala kaya


hindi ako makukulong ng matagal kaya hindi ko na
kailngang ibenta pa ang mga ari-arian ko lalo na kung
ito ay mahalaga at pamana pa ng ninuno ko sakin

Maaari ,iba pang sagot?

Hindi po,gagawa po ako ng paraan para makamit ko


ang hustisya kung kailngan kumuha ako ng abogado
kukuha ako mapatunayan ko lang na wala akong
kasalanan.

Tama!
IV.Pagtataya
A.Piliin ang tamang sagot.

1.Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


a).Mang Selso b).totoy c.) Mang juan

2. Saan natagpuan ang bangkay?


a) sapa b.)bukid c.)ilog

3.Sino ang nagging kaibigan ni Mang Selso sa


kulungan ?
a).lucoi b.)lucio c.)lilo

4.Sino ang bumugbog kay mang Selso sa


kulungan?
a)Sarhento Damaso b.)moymoy c.)kooky

5.Ano ang pamagat ng kwentong binasa?


a) balanga b)Bilango c.)Bilanggo

B.
Pagsunud-sunorin ang mga pangyayari batay sa
kwento gumamit ng bilang 1 hanggang 4

_________ May natagpuang patay sa bukirin ni


mang Sels0

__________ Hinuli na lang bigla ng mga pulis Si


Mang Selso.

__________Binugbog ni sarhento si Mang Selso sa


kadahilanang ayaw pumayag nito sa ibenta ang
kanyang lupa.

__________ Nakilala ni Mang Selso sa bilangguan


at siya ang kanyang nagging kakampi sa kulungan.

Sagot:
A B.
1.a 1
2.b 2
3.b 4
4.a 3
5.c

V.Takdang Aralin
Sa isang buong papel gumawa ng talata tungkol sa
pagiging matapang at matiisin.

Inihanda ni:

Leonard Castillo

Ipinasa kay:

You might also like