Professional Documents
Culture Documents
Jhma Pagbasa at Pagsulat
Jhma Pagbasa at Pagsulat
Bendita , Magallanes,Cavite
Jemma D. Molinilla
BS CRIMINOLOGY 1
MODYUL 1
MGA GAWAIN
2.Sa pamamagitan ng ispesipikong halimbawa, ipaliwanag kung paano maiaangkop ng mambabasa sa aktwal na
senaryo ang kaisipan ni Gray.
Sagot : APAT NA YUGTO NG PAGBASA ni WILLIAM S. GRAY Ang pagbasa sa akda, Ang pag-unawa sa binas,
Ang reaksyon sa binasa., Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng
dating kaalaman. Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa pang-araw-araw na buhay,Nalalakbay natin
ang mga lugar na hindi natin nararating, nakikilala ang mga taong yumao na,Naiimpluwensyahan nito ang
ating saloobin hinggil sa iba’t-ibang bagay at tao,Nakatutulong sa paglutas ng ating mga suliranin at sa
pagpapataas ng kalidad ng buhay ng tao.
MGA GAWAIN
1.Bakit kailangang mabatid natin ang iba’t ibang dimensyon sa pagbasa? Ipaliwanag.
Sagot : Ang dimensyon ng pagbasa na nagpapakita ng kakayahan ng mambabasa na
magbigay ng sariling pasya. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa. May
kakayahang killanin ang mga pangyayari sa kung ano ang kathang - isip o totoo.
Nakikilala ang kuro - kuro sa katotohanan. Pinag - iisipang mabuti ang mga nabasa.
2.. Pumili ng isang maikling kuwentong babasahin. Isama ang kopya ng napiling kuwento sa
sagutang papel.
Sagot : Namatay SI Boogie
3.Sagutan ang pakuwadrong pagsasalaysay ng napiling maikling kuwento
Mga Gawain
Ibigay ang sariling pagpapaliwanag tungkol sa mga sumusunod na ilustrasyon sa mga teorya sa pagbasa.
A.
⬇️
- Ang pagbabasa ay Isang gawaing pangkaisipan at Ang gawaing ito ay mailalarawan bilang Isang proseso.
Komprrhensyon ng teksto
Komprrhensyon ng teksto
- salungat sa teoryang top down.ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag unawa sa teksto ay batay sa
mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. tinatawag itong teoryang
ibaba pataas o bottom up na nangangahulugang ang pag unawa ng isang. Bottom up tradisyonal na pananaw
impluwensya ng mga behaviorst bottom up ang proseso ng pag unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa
teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom up. sinasabing ang mambabasa ay
hindi kasali sa prosesong pagbabasa
-Pinaghawakan sa teoryang ito na ang pag-unawa sa binasa ay nag-umpisa sa pagkilala sa mga serye ng mga
simbolong nakalimbag. Mula sa mga letra na nabubuo ang mga salita, sa mga pinagsama-samang mga salita ay
nabubuo ang mga parirala, at mula sa mga pinagdugtong-dugtong na mga parirala ay nabubuo ang mga pahayag
sa pagitan ng mga pangungusap
-sinumang mambabasa ay kailangang may kakayahang unawain ang mga simbolong pangwika gaya ng mga letra,
kahulugan ng bawat salita o kaisipan at anupamang mga krokis na makikita at mga talababa upang pagsama-
samahin ito hanggang maunawaan mensaheng taglay nito.
- Kung walang mga simbolong pangwika hindi rin mangyari ang pag-unawa sa mga mensahe.
-Sa kasong pagkakatuto, ang mga estudyante nasa kolehiyo ay may ganap na kakayahan sa pagkilala ng mga serye
ng simbolong wikang Filipino at English kaya walang puwang naman dito ang hindi pagkakaunawa sa binasa
MODYUL 2
Gawin natin
Pag-unawa sa Paksa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong/ pagsasanay. PALAWAKIN ANG SAGOT.
MODYUL 3
MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
Gawin Natin
Ano Sa Palagay Mo?
1. Bakit nagsusulat ang isang tao? Palawakin ang sagot.
Sagot :Ang isang tao ay nagsusulat upang mahasa ang kanyang kakayahan sa pagsulat at makapagbigay ng
kaalaman sa bawat indibidwal na siyang tulay ng kaunawaan.
2. Ano-ano sa tingin mo ang nag-uudyok sa tao upang magsulat?Patunayan
Sagot : Malayang Pamamahayag , Natural na Hilig
3. Kailan masasabing ang sulatin ay pampersonal? Pansosyal? Pangatwiranan.
Sagot : Kapag ito ay hindi pormal
4. Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang ekspresib at transaksyunal na pagsulat.
5. Bumuo ng isang ekspresiv na pagsulat, isang maikling tula tungkol sa Edukasyon sa kasalukuyang panahon. Ang
tula ay limang saknong na may tig aapat na taludtod.
Sagot :
Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya
Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina
“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,
Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.
6.Sumipi ng isang napapanahong isyu sa ating bansa, sumulat ng isang sanaysay na nangangatwiran tungkol sa
isyung napili. Bigyang pansin sa pagsulat ang pagkakaroon ng makatawag-pansing pamagat, kaakit-akit na
panimula, gitnang bahagi na naglalaman ng mahahalagang impormasyon at wakas na mag-iiwan ng isang tumatagal
na impresyon sa mambabasa.
Sagot :
" Maagang pagbubuntis ng mga kabataan"
Gawin sa kompyuter. Bente-kwatro oras pwede kang maghalungkat ng mga bagay-bagay sa tulong ng internet.
Hindi lang iyon, sa panahon ngayon, mas maaga ng namumulat ang mata ng mga bata sa katotohanan.Pabata ng
pabata ang mga natututong tumingin ng mga malalaswang imahe sa kompyuter, dahil nadin sa magulang na walang
oras para bantayan ang kanilang mga anak. At kahit na gawin nila ito, pag labas ng bahay, wala na silang kontrol sa
mga impluwensiya na bubulong sa taynga ng kanilang mga anak. Iba na talaga ngayon.Taon-taon, pataas ng pataas
ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang
ito sa mga mahihirap na pamilya nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya.Iba na kasi talaga ang panahon
ngayon! Yan ang kailangan natin tanggapin. Sa halip na pilitin nating lasingin ang mga utak natin sa makulay na
alaala natin sa nakaraan, intindihin natin na hindi na maibabalik iyon. Isa lang ang direksyon ng sangkatauhan,
pasulong. Sumabay tayo sa martsa nila at yakapin natin ang hinaharap.Kailangan sa magulang manggaling mismo
ang pagmulat ng mga bata sa mga gawain ng matatanda, ipaliwanag ng mabuti sakanila, ipaintindi na ang aktong
paggawa ng bata ay sagrado, na ito ay ginagawa lamang ng mga taong tunay na nagmamahalan. Huwag natin takpan
ang mata nila, kundi buksan natin ang kanilang mga isipan.Kailangan ipaintindi na bagaman natural ito na ginagawa
ng lahat ng nilalang sa mundo, sa kasalukuyang kinakatayuan ay hindi pa sila hand para dito. Na ang tungkulin nila
bilang mga bata ay mag-aral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan.halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa
maagang pagbubuntis tagalogPara sainyong mga bata, huwag ninyo itapon ang kinabukasan ninyo para sa
panandaliang sarap. Hindi madali magpalaki ng bata, tingnan ninyo ang magulong nyo, kung gaano sila
magsumikap magtrabaho para lang makapasok kayo sa eskwelahan araw-araw. Isusubo nalang nila na pagkain,
ibibigay pa sainyo. Matuto kayo magkaroon ng utang na loob.Sa tingin nyo ba makakapag-aral pa kayo pag
nagkaroon kayo ng anak sa napakabatang edad? Hindi na. Yang mga barkada ninyo? Mawawala lahat yan, ang
pagpapalaki ng bata ay panghabang-buhay na tungkulin.Hindi ninyo kailangan magmadali. Huwag ninyo paikutin
ang mundo ninyo sa mga kasintahan ninyo. Lasapin ninyo ang inyong kabataan dahil bukas makalawa lang ay
tatanda nadin kayo
MODYUL 4
MGA URI NG PAGSULAT
Gawin Natin
A. Sagutin ang mga tanong.
1. law 1. Batas
*the collection of rules imposed by *ang koleksyon ng mga tuntunin na
2. statutory law authority. 2. Batas na naaayon ipinataw ng awtoridad.
*the body of laws created by *ang katawan ng mga batas na nilikha
legislative statutes. ng mga batas na pambatasan.
3.penal code 3. Penal code *ang legal na kodigo na namamahala
*the legal code governing crimes and sa mga krimen at ang kanilang
their punishment. kaparusahan.
4. case law 4.batas ng kaso *isang batas na itinatag sa
*a law established by following pamamagitan ng pagsunod sa mga
earlier judicial decisions naunang hudisyal na desisyon
*isang batas na itinatag sa
5. common law 5.karaniwang batas pamamagitan ng pagsunod sa mga
*a law established by following naunang hudisyal na desisyon
earlier judicial decisions *isang estado ng kaayusan kung saan
ang mga pangyayari ay umaayon sa
6. rule of law 6. Alituntunin ng batas batas
*a state of order in which events *ang sangay ng pilosopiya na may
conform to the law 7. Jurisprudence kinalaman sa batas.
7.jurisprudence *ang katawan ng batas na tumatalakay
*the branch of philosophy concerned 8. Batas kriminal sa mga krimen at ang kanilang
8.criminal law with the law. kaparusahan.
*the body of law dealing with crimes *ang legal na kodigo ng sinaunang
and their punishment. 9. Batas sibil Roma
9. civil law *isang maling gawain kung saan ang
*the legal code of ancient Rome 10. Tort isang aksyon para sa mga pinsala ay
10.tort maaaring dalhin
*a wrongdoing for which an action *ang katawan ng mga alituntunin at
for damages may be brought 11. batas administratibo regulasyon at mga kautusan at
11.administrative law desisyon na nilikha ng mga
*the body of rules and regulations and administratibong ahensya ng
orders and decisions created by pamahalaan
administrative agencies of 12. Precedent *isang halimbawa na ginagamit upang
12. precedent government bigyang-katwiran ang mga katulad na
pangyayari.
*an example that is used to justify 13. Felony *isang malubhang krimen, tulad ng
13.felony similar occurrences pagpatay o panununog
14.misdeamenor *isang krimen na hindi gaanong
14.misdemeanor *a serious crime, such as murder or seryoso kaysa sa isang felony
arson 15. Pagkakasala *kabiguan na magpakita ng respeto sa
15 offense *a crime less serious than a felony iba
16. Paglabag *isang paglabag sa isang batas o
16.infraction *a failure to show regard for others tuntunin
*a violation of a law or rule 17. Pagtataksil *isang krimen na nagpapahina sa
17.treason gobyerno ng nagkasala
*a crime that undermines the 18. Paniniktik * ang sistematikong paggamit ng mga
18. espionage offender's government espiya upang makakuha ng mga lihim
* the systematic use of spies to obtain *aktibidad na lumalabag sa batas
secrets 19. Actus reusq moral o sibil
19.actus reus *Layong kriminal
*activity that transgresses moral or 20. Lugar ng
20.mens rea civil law kalalakihan
*Criminal intent
Jemma D. Molinilla Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Modyul 5
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
Gawin Natin
Ano Sa Palagay Mo?
1. Ano ang pananaliksik?
Sagot : Ang pananaliksik ay "malikhain at sistematikong gawain na isinagawa upang madagdagan ang
stock ng kaalaman". Ito ay nagsasangkot ng koleksyon, organisasyon at pagsusuri ng impormasyon upang
madagdagan ang pag-unawa sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang
pagpapalawak sa nakaraang gawain sa larangan
2. Bakit isang pangangailangan sa kolehiyo ang pananaliksik? Bakit ito mahalaga?
Sagot : Mahalaga ito dahil dito napalalawak ang kaalaman ng mga tao hinggil sa mga bagay at ilang
diskurso na kailangan pagtuunan ng pansin.Napalalalim ang mga kaalaman at pag-unawa ng mga tao
kapag sila ay nananaliksik, at maaari pang madagdagan ang kanilang personal na kaalaman tungkol
dito.Ang pananaliksik ay nakatutulong sa araw araw na buhay ng mga tao upang magkaroon ng kaalaman
at magamit sa inobasyon at pagbuo ng mga bagong ideya.
3. Ano ang pagbabalangkas? Paano ito nakatutulong sa pag-aaral?
Sagot : Ang Balagtasan ay nilalahukan ng dalawa o higit pang pangunahing tauhan na nakipagdebate sa
isang piling paksa. Bawat bida ay dapat magpahayag ng kanilang mga pananaw sa taludtod at may
tumutula. Ang mga pagtanggi ay dapat ding gawin sa parehong paraan. Isang hukom, na kilala bilang
lakandiwa kung lalaki o lakambini kung babae, ang magpapasya kung sino ang mananalo sa balagtasan.
Ang hukom ay dapat ding ipahayag ang nagwagi sa taludtod at may tumutula. Ang mga kalahok ay
inaasahang magpapahanga sa harap ng manonood , nakakatulong ito sa pagaaral dahil naeensyao kang
magsalita sa harap ng mga tao pati na rin ang iyong bagbigkas. dahil dito kapag ikaw ay nagasasalita, ang
iyong tono ay magmumukang confident sa mga manonood o nakikinig sayo.
4. Bakit mahalagang ang iyong mga datos ay nakaayos?
Sagot : upang maiwasan ang kalituhan at mahanap agad ang impormasyong nanaisin
5. Umisip at magtala ng 5 paksa na gusto mong pag-aralan na may kinalaman sa iyong kurso.
Kurso: ___Criminology____________________________
Paksa #1. krimen sa lahat ng mga pagpapakita nito
Paksa #2. Pagpapasya
Paksa #3. Pagkamaramdamin sa krimen sa ibat ibang impluwensya
Paksa #4. Sanhi ng krimen
6. Sa 5 paksang ibinigay , pumili ng isang paksa at bumuo ng 3 layunin sa paggawa ng konseptong papel.
Mga Layunin : Paksa#4 Sanhi ng krimen
1. Alamin Ang sanhi ng krimen
2. Sino sino Ang sangkot ng bawat krimen
3. Ano ano Ang leksyon na natutunan Mula sa nagawang kasalanan
7. Gamit ang Balangkas Romano at Arabiko. Balangkasin ang mga datos na maaaring talakayin sa paksang napili.
Sagot :
Balangkas romano at arabiko
I. Kahirapan
A. Walang makain
B. Walang mapagkukunan ng pangagailangan
1. Karamihan ay Mula sa gobyerno
2. Mga mahirap o nasa lansangan
II.
A. Maraming bagay na natutunan
1. Di na muling inuulit pa Ang mali
Gawin Natin
Sagutin ang mga sumusunod.
1.Paano mo mahihikayat ang mga mambabasa o makikinig? Ano-ano ang mga katangian dapat tagalayin ng isang
manunulat o tagapagsalita? Magbigayng 5 katangian.
Sagot : Obhetibo , Pormal , Maliwanag at Organisado, May paninindigan ,May pananagutan
2 . Bakit bahaging pang – araw-araw na pakikipag-ugnayan ang pangangatwiran? Sa ano-anong mga pangyayari
nagagamit ang pangangatwiran?
Sagot : Bahagi araw araw Ng pakikipag ugnayan Ang pangangatwiran dahil sa bawat pakikisalamuha
saibang tao inilalahad Ang anumang saloobin sa pamamagitan Ng pagbibigay Ng sariling opinyon,
paninindigan, at katwiran, Nagagamit Ang pangangatwiran upang mabigyang linaw Ang isang mahalagang
usapin o isyu,maipagtanggol Ang sarili sa Mali o masamang propaganda Laban sa kaniya,
Makapagpahayag Ngkanyang saloobin.
3. Bakit mahalagang may mga patunay o ebidensya sa mga tesis o paksang nais pag-aaralan?
Sagot : Mahalaga na may mapatunayan o ebidensya upang maisagawa Ang kakayahang manindigab
kungmay kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili o paksang nais pag aralan upang
paniwalaan Ng magbabasa o nakikinig sa paksang iyon.
4. Isa-isahin ang mga instrumentong magagamit sa paglalatag ng ebidensya. Ipaliwanag sa sariling pangungusap
kung paano magagamit ang mga ito.
Sagot : Ang mga instrumentong magagamit sa paglatag ng ebidensya ay kinakailangan na may
pagkakakilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon , paglalatag katotohanan at ebidensya , pagbibigay
ng cross reference sa loob ng papel , pagpapalawig ng ideya.
5. Paano naiiba ang pasaklaw at pabuod na pangangatwiran? Magbigay ng halimbawa ng bawat isa.
Sagot : * Ang pagbuod nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa panlahat na simulain o paglalahat
Ang pangangatwirang pabuod
* Ang pasaklaw Mula sa lahat tungo sa maliit na katotohanan
Hal( pabuod - May karinderya Ang aking Kapatid at Malaki Ang kita duon. Magtatayo Rin ako.)
Hal( pasaklaw- Lahat ng mag aaral sa PUP ay matalino, Si mark ay Isang magaaral sa PUP , Si mark ay
matalino )
6.Magsaliksik ng isang tekstong nangangatwiran at suriin ito batay sa mga
sumusunod: (Paalala:isama sa sagutang papel ang sipi ng tekstong nangangatwiran.)
a. Ang pangangatwiran ba ay pabuod o pasaklaw?
Sagot : Pabuod
b. Ano-ano ang mga ebidensyang ginamit sa pangangatwiran?
Sagot: Mga katunayan(Facts) , Opinyon
c.Tukuyin kung may lihis na pangangatwirang ginamit, pagkatapos, isa-isahin ang mga ito
Sagot: Oo ito ay may pangangatwirang ginamit
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga lihis o maling pangangatwiran
Sagot : Ang pagkilala sa maling katwiran ay makatutulong sa pagiwas na maiuwi sa argumentasyon tulad
na lamang ng tayo ay nahuhulog sa maling pangangatwiran.
8.Sumulat ng pasaklaw na pangangatwiran tungkol sa balitang posibleng umarangkada na ang bakunahan sa bansa
dahil sa pagdating ng unang batch ng mga bakuna.
Sagot : MAYNILA (UPDATE) — Umarangkada ngayong Lunes ang opisyal na pagbabakuna sa Pilipinas
laban sa COVID-19 gamit ang mga bakunang CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac.Unang
naturukan ng kauna-unahang awtorisadong bakuna sa bansa si Dr. Gerardo "Gap" Legaspi, direktor ng
Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila kung saan idinaos ang seremonyal na pag-uumpisa ng
vaccination program ng gobyerno.Ang PGH nurse na si Chareluck Santos ang nagbigay ng bakuna kay
Legaspi.
Modyul 7
Ang Pananaliksik
Gawin natin
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa sulating pananaliksik? Magbigay ng tatlo.
Sagot : Ito ay maaaring tungkol sa science, statistics o iba pang mga paksa. Ito ay mayroong layuning
magbigay at magbahagi ng kaalaman , Sa pagsulat nito, may sinusunod na layout o balangkas upang mas
madali itong maunawaan , Mahalaga ito sapagkat ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
2.Sa iyong sariling pananaw, paano ito naiiba sa isang ulat o sa iba pang uri ng teksto? Magbigay ng mga
pagpapatunay.
Sagot : naiiba ang pananaliksik dahil ang pananalisik ay kailngan natin mag survey o mag interview ng
isang tao ang ulat nman ay ito ay pag bibigay kaalaman sa tao
3.Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik? Sa paanong paraan nagiging mahalaga ang bawat layuning ito?
Sagot : mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu. Upang Makatuklas ng mga bagong
impormasyon ,ideya at konsepto
4.Maglahad ng sariling patotoo na ang pananaliksik ay nagbubunga ng mas malawak na kaalaman at
kapakinabangan. Magbigay ng limang (5) sagot. Gumawa ng sariling dayagram (sundan ang halimbawa) sa
pagsagot. Ipaliwanag.
5.Bakit sinasabing hindi lamang ang aklatan at ang internet ang maaaring mapagkunan ng mga gamit o
impormasyon para sa isang sulating pananaliksik. Palawakin ang sagot.
Sagot : Dahil maaari mo rin itong makuha mula sa sarili mong mga karanasan o sa personal na karanasan
din ng iba
6.Bakit mahalagang tugma ang layunin ng isang mananaliksik sa uri ng pananaliksik na kanyang gagawin?
Magbigay ng mga pagpapatunay.
Sagot : Upang maintindihan nang magbabasa or makakabasa ang nais iparating ng nanaliksik
Jemma D. Molinilla Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Modyul 8
Problematisasyon: Paghahanda ng Panimulang Bahagi ng Pananaliksik
Gawin Natin:
Pagsasanay 8.1
Gamit ang talahanayan sa ibaba, ilagay ang paksang nais mong pag-aralan at punan ang hinihingi sa bawat kahon
Pakaisipin:Ano ang paksang nais mong pag-aralan(puwedeng isulat ang sagot sa modyul 4 kung ito ang nais maging
paksa)
" Pagkaadik ng kabataan sa online games "
Nilimitahang paksa
Mga salik
Perspektiba - paglalaro ng mga online games ay maaring makaapekto ng masama sa isang kabataan
Sapagkat ito ay nagumgamit nito, mahirap itong tanggihan lalo na at ito ay nasa paligid lamang, ito ay
kanilang libangan nakakalibang atmaaring makalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin, nagkakaroon
ito ng masamang epektokatulad ng adiksyon. (Bryan Mags, 2011)Sa Pilipinas isa ang mga
online na laro sa mga nilalaro ng mga kabataan ngayon at dahil sasobra nilang paglalaro
dumadami na sa kanila ang lumiliban sa clase at ito ay nakakabahala sa mgamagulang at sa
paaralan. (Reuel John F. Lumawag, 2015)Ayon sa American Medical Association o AMA
pinag-uuspannila kung ang Video GamingAddiction ay isang illness na ng mga kabataanSa
ibang bahagi ng Pilipinas katulad sa Davao ang paglalaro ng Online games ay bahagi nang
buhay ng kabataan, palagi din lumiliban ang mga estudyante upang makapaglaro ng online
games.(Jobert Recabe, 2017)Ang online gaming ay madaming ginagamit na computer
network, madalas agamitin ditoay ang internet. Taong 1990’s nagkaroon ng iba’t ibang uri
ng LAN protocol (tulad ng IPX) at hangganginternet ang gamit ng TCP/IP protocol.
Uri
Edad - labing dalwa Walang edad Ang paglalaro nito, ngunit sa kasalukuyan dahil sa pandemya marami sa
pataas kabataan Ang napapabayaan na Ang pagaaral at Ang kaluaugan ng dahil sa mga online
games
Kasarian- babae at Mapa babae o lalaki man ay nalululong sa larong ito
lalake
Pangkat - pilipinas Sa buong lalawigan ng pilipinas
Lugar - Sa kahit
anong lugar
Panahon : Sa Sa panahon ng pandemya ito ay Nagsisilbi na nilang libangan o gawain sa Araw Araw kaya
kasalukuyan Naman halos di na natutulog upang nakapaglaro dito.
Pagsasanay 8.2
Balikan ang iyong paksa at pagnilayan kung ano ang pangkalahatan at tiyak na suliranin nito.
PAKSA NG PANANALIKSIK : Pagkaadik ng kabataan sa online games
PANGKALAHATANG SULIRANIN : Pagkapabaya sa nutrisyon , Pagpupuyat , pagpabaya sa pag aaral
MGA TIYAK NA SULIRANIN :
1 Mabilis na pagkahilo
2 Natutunan Ang pang tatarashtalk
3 Pagpupuyat at pagpapabaya
Pagsasanay 8.3
Balikan ang pagsasanay 8.2, bumuo ng haypotesis sa bawat tiyak na suliranin.
Mga Haypotesis
1. Sobrang pag-iisip sa online activity at nagpaplano na agad ng susunod na pag-atake sa kanyang lalaruin.
2.Nagsisinungaling sa kaibigan at magulang tungkol sa tagal ng paglalaro.
3. Laging may excuse na ayaw nang makipag-usap sa ibang tao para magkaroon ng mas maraming oras sa
paglalaro.
Pagsasanay 8.4
Gamit ang iyong nabuong paksa, suliranin at haypotesis ng pag-aaral, lumikha ng isang konseptwal
na balangkas na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto sa iyong gagawing pananaliksik. Sa huli,
ipaliwanag ang balangkas na binuo.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Kaakibat ng modernisadong panahon ang pag-unlad maging sa libangan ng mga kabataan. Kung dati pagsapit ng
hapon, maglalabasan na ang mga kabataan, maglalaro ng basketball, o ‘di kaya’y patintero o piko, ngunit sa
kasalukuyan, unti-unting nababawasan ang mga kabataang naglalaro sa kalye at karamihan sa kanila ngayon ay
matatagpuan na lamang sa isang lugar, sa loob ng computer shop.
Sa madaling salita, ang katutubong laro na nagpapalakas ng katawan at kakayahan gaya ng patintero, luksong tinik
ay napalitan ng moderno at tila kaakit-akit na online games. Hindi na maitatanggi ang katotohanan na malaki ang
nagiging epekto nito sa mga kabataan partikular na sa kanilang pag-aaral.Hindi na mapigil, kahit pa ng kanilang
mga magulang ang pagkahumaling ng mga anak sa mga paglalaro ng online games gaya ng League of Legend,
Crossfire, Special Forces, Dragon Nest atbp. Ayon sa mga eksperto may pagkakataon na ang sobrang
pagkahumaling sa paglalaro sa harap ng kompyuter ay maaaring magdulot ng ‘di maganda, maaari umano nitong
sirain ang pag-iisip ng mga bata dahil imbes na pag-aaral umano ang inaatupag ay naglalaro sa kompyuter ang mga
ito, bilang resulta, bumaba ang grado sa eskuwela.
Pagsasanay 8.5
Gamit ang iyong nabuong paksa, suliranin at haypotesis ng pag-aaral, ilahad ang saklaw at
limitasyon ng iyong pananaliksik upang Makita ang hangganan ng iyong pag-aaral.
SAKLAW NG PANANALIKSIK
*Una, bilang isang mekanismo sa pagkonekta ng mga manlalaro sa iba pang players (multiplayer) sa isang
partikular na disenyo ng laro, nakaaaliw sa isang manlalaro na makipag-ugnayan sa iba pa para magsukatan ng
kaalaman, husay, diskarte at lakas.
Pangalawa, nagsisilbi itong libangan at nakapagbibigay ng lubos na kasiyahan. Sa isang banda, masasabing isa rin
itong ehersisyo (sa isip) at edukasyonal. Para sa naglalaro, itinuturing niya ang kanyang player na siya mismo na
nakikipagsapalaran. Sumasabak sa digmaan at maging bayani kahit sa imahinasyon at pangarap lamang. At
maaaring nasasabik para sa susunod na misyon ng laro.
Kadalasan, ang mga sugapa sa online games ay hindi makatulog at laging atat na maglaro.
LIMITASYON NG PANANALIKSIK
*Ngayong taon ay may napabalitaang namatay dahil sa sunod-sunod na paglalaro ng online game, ayon sa ulat ang
32-anyos na lalaki ay 72 oras na naglalaro ng Diablo III nang walang pahinga kaya naman, inatake ito sa puso. Ang
inaakalang simple at payak na pagkahumaling dito ay dapat timbangin at kontrolin.Sapagkat, ang labis-labis na
pagkahumaling dito ay may ‘di-magandang epekto sa iba’t ibang aspeto. Payo ng mga eksperto balansehin ang
mga activity ng mga kabataan, siguruhin na mag-ehersisyo upang hindi magdulot ng masama ang pagbababad sa
harap ng kompyuter.
Wala namang masama sa paglalaro ng online games. Alam naman ng ilan ang tama at mali lalong-lalo na ang mga
mag-aaral
Pagsasanay 8.7
Isulat ang unang kabanata ng iyong pananaliksik. Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa
maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa lahat ng gilid, doble-espasyo at may font na
Arial na 10 ang font size (8 papel o higit pa.)
Sagot : Habang lumalago ang industriyang ito, patuloy ang pagdami at pagdiskubre ng mgamakabagong
kagamitan. Isa na rito ang pagkilala ng kompyuter. Hindi maiiwasang paggamit ng kompyuter upang
gawin ang isangmundo kung saan maaaring gawing biswal ang imahinasyon ng tao. Di naglaon, pumasok
ang ideya na maaaring gamitin ang Virtual Reality o Virtual World na dito napapasok ng tao ang isang
mundo sa kathang isip sa pamamagitan ng panonood o paglalakbay dito tulong na rin ng monitor o
telebisyon na ginagamit sa kompyuter. Sa panahon ngayon, Usong uso ngayon ang Internet, isa dito ang
mga papular na mga websayt kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang mga nag
susulputang websayt. At sa computer games naman, Ang paglalaro ng Computer Games ay hindi
nagsimula bilang isang industriya o produkto na agad inihayag sa mundo. Sa panahon ngayon,
madaming kabataan ang sadyang naaadik sapaglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer
games, naaapektuhan ang isip ng manlalaro dahil nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro nila
Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga
larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay. Hindi masama ang
paggamit ng industriyang ito, ngunit ang kalabisan ng paggamit nito ay nakakaapekto ng lubos sa pag-
aaral ng estudyante. Pati nadin ang Internet ay nakakaepekto din ito sa mgaestudyante, di lang ito
nangyayari sa ating bansa pati nadin sa ibang bansa kagaya ng USA at Japan, mga bansa na maraming
kaso tungkol sa mga pagkahumaling ng mga estudyante sa Internet at Games, Ang Internet ay isa nasa
bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao marami mga estudyateng ang nahuhumling sa pag
tutuklas at pag lalaro ng Computer Games at ng Internet, pati nadin sa mga popular na websayt na
nakikita sa Internet world.laganap ito sa maga Estudyante lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami
ng mga kabataan. partikular nalang sa Maynila, Itong Internet ay may positibong gawa kaso sa mga
Estudyante ginagawa nila itong Libangan o pangpalipas oras.
Jemma D. Molinilla Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Modyul 9
Pagsisiyasat ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Gawin Natin
Pagsasanay 9.1: Ibuod ang teksto. Sikaping maging maikli subalit buo pa rin ang mga ideya.
Pagsasanay 9.2.
Pumili ng tatlong paksa batay sa iyong interes. Sumipi o humalaw ng mga impormasyon tungkol
dito. Huwag kalimutang ilagay ang mga sanggunian
" limitadong Face to face classes "
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face
classes sa low risk areas o yaong mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ)
o transition phase sa pagitan ng MGCQ patungo sa new normal. Pinayagan na ng Pangulo ang pagsasagawa
ng limited face-to-face classes sa Enero 2021 o sa ikatlong kwarter ng panuruang taon base na rin sa panukala
ng Department of Education. Samantala, ang mga pribadong paaralan na nagsimula na ng limited face-to-face
classes noong Hunyo ay papayagang magpatuloy.Ang desisyon na payagan ang limited, localized face-to-face
classes ay magaganap lamang kung may koordinasyon sa pagitan ng DepEd, naatasang local government
unit, at local health authorities. Sa kabila nito, binigyang-diin ni DepEd Secretary Leonor “Liling” Briones na
hindi basta-basta isasagawa ang face-to-face classes at kailangan muna nitong dumaan sa pilot testing at
masusing inspekyon katuwang ang National Task Force Against COVID-19 upang matiyak na masusunod at
maipatutupad ang kinakailangang pamantayan sa kalusugan.
“Limited, ibig sabihin, na-approve na ng IATF. Na-classify na naman ng government kung low-risk ang
isang area o hindi. Muli, hindi ito pinipilit sa lahat ng eskwelahan. Para lamang ito sa mga lugar na mababa
ang health risk; sa mga school sa isla; sa malalayong lugar na hindi naaabot ng coronavirus,” ani Sec. Briones .
Tiniyak din ng Kalihim ang organisadong pagsasagawa ng limited face-to-face classes sapagkat aniya,
kumpleto ang istruktura ng DepEd mula sa central office pababa sa school level pagdating sa monitoring
hanggang sa implementation.“Sa mga school na interesado na mag-implement ng face-to-face classes,
subject for review ito ng Secretary ng DepEd. Susulatan ng school level ang kanilang regional director para i-
monitor ang level nila. Ang regional directors naman, alam nila sa lugar nila kung aling schools ang pwede,
Ang magpapatagal lang naman diyan ang physical inspection sa school gaya ng facilities, ventilation, at
arrangement,” dagdag pa niya.Nanawagan naman ang Kalihim sa mga magulang na ayaw ng face-to-face
classes. Aniya, pwedeng gumamit ng mga materyales na makukuha online. Kung wala namang internet,
pwede ang radyo at telebisyon. Mayroon ding reading materials na i-de-deliver sa bahay ng mga mag-aaral.
“Ang thrust natin ngayon ay blended learning. Ang mga teacher, i-mobilize natin. Sinubukan na natin
iyan sa Navotas. Apat na pamamaran ang nasimulan natin – mula sa kindergarten to senior high school.
Kailangan lang ang tulong ng local executives, mga magulang, guro, at s’yempre, suporta ng national
government natin.”
Pagsasanay 9.3
Isalin sa Filipino ang mga impormasyon, ideya at kaisipan sa teksto. Sikaping huwag lumayo sa
orihinal na mensahe.
Panginoon, sa pagharap namin sa mga panahong ito na walang katiyakan sa aming bansa at sa mundo,
Hinihiling namin sa Iyo na manatili sa gitna namin. Naaaliw kami sa kaalaman na iyon
Ikaw lamang ang aming Tagapagligtas at Panginoon, at ang tunay na Guro ng buhay. Ipadal
Ang iyong espiritu upang maantig ang mga puso ng aming mga pinuno. Bigyan sila ng karunungan at
pag-unawa habang sila ay namumuno., at ang lakas ng loob na gawin ito. Bigyan mo kami ng Iyong
liwanag
at ang Iyong katotohanan upang gabayan kami sa aming mga daan upang aming hanapin ang Iyong
kalooban sa ating buhay.
Idinadalangin namin ang Iyong dakilang kagalingan sa aming lupain. Lumiwanag ang Iyong mukha sa
amin,
Mahal na Diyos. Kailangan ka namin ngayon, higit kailanman. Salamat na lang
Ikaw ay mayaman sa awa at puno ng biyaya. Salamat dahil ikaw ay nagpapatawad
At maawain. Salamat dahil Ikaw ay malakas at makapangyarihan. Pagpalain ang
Pilipinas at gamitin ang sambayanang Pilipino sa pagpapalaganap ng Iyong Banal salita.
Luwalhati sa Iyo aming Diyos sa kaitaasan. Dalangin ko, sa pangalan ng aking Panginoon,
Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo. Amen!
Pagsasanay 9.4
Humanap ng mga sangguniang makatutulong sa pagpapatibay ng iyong ginawang pananaliksik.
Kumuha ng dalawampung sanggunian (aklat, dyornal, dyaryo, internet at iba pa). Matapos mangalap ng
mga sanggunian, subukan mo ng sumulat ng burador ng Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral.
Ang papel ay kailangang kompyuterisado sa maikling bond paper na may isang pulgadang palugit sa
lahat ng gilid, doble-espasyo at may font na Arial na 10 ang font size
Modyul 10
Dokumentasyon: Pagbuo ng Listahan ng mga Sanggunian
Pagsasanay
Itala ang mga sangguniang ginamit mo sa iyong gagawing pananaliksik. Sundin ang APA na pormat.
Modyul 11
Metodolohiya
Mga Gawain
1.Ano-ano ang pamamaraang ginamit mo sa pagpili ng impormante? Bakit ito ang iyong napili?
Sagot : Dahil dito makakalap Ang mahahalagang mga datos at mga sangguniang nakatulog dito.
2.Bilang isang mananaliksik, paano mo kinalap ang mga datos na ginamit mo sa iyong pag-aaral?
Sagot: Sa opinyon at pagrereseaech sa aking datos
3.Ilahad ang instrumentong ginamit mo sa pangangalap ng mga datos o impormasyon
a. Kung gumamit ka ng talatanungan, ilakip sa sagutang papel ang kopya ng iyong mga
tanong. (ginamit ng respondente)
b. Kung gumamit ka ng pakikipanayam, ilakip ang sipi ng mga ginamit mong mga tanong,
kasama ng mga katibayan (larawan) na ikaw ang nakikipanayam.
Jemma D. Molinilla Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Modyul 12
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Mga Gawain
Sagot : Ang pag-aaral ay isa sa mga pinaka-apektadong aspeto ng buhay ng tao dahil sa pandemya ng
coronavirus disease-2019 (COVID-19). Sa isang kamakailang sulat na nai-publish, pinaalalahanan ng mga
may-akda ang bawat bansa ng kanilang responsibilidad na makabuo ng mga diskarte upang mabuksan muli
ang mga paaralan nang ligtas. Inuulit ng papel na ito ang pagsunod sa mga protocol sa kalusugan ng
paaralan bilang makabuluhan sa paghahatid ng mga harapang klase na sumusunod sa pambansa at
internasyonal na mga alituntunin sa pag-iwas sa mga epekto ng pandemya ng COVID-19 bilang isang krisis
sa kalusugan ng publiko.Sa Pilipinas, ang Departamento ng Edukasyon ng pamahalaan ay nakabuo ng mga
alituntunin para ipatupad ang online at modular distance learning na paghahatid ng pagtuturo.4 Ito ay
upang mapangalagaan ang mga mag-aaral mula sa pagkahawa ng sakit. Gayunpaman, ang mga planong
magsagawa ng pilot na pagpapatupad ng limitadong face-to-face na paghahatid sa mga lugar na mababa
ang panganib ng paghahatid ng COVID-19 para sa Enero 2021 ay inaprubahan ng pangulo5 ngunit
kalaunan ay na-recall6 dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19 . Ang mga suliranin ay itinataas kung
handa ang bansa na buksan ang mga paaralan nito para sa mga mag-aaral na pumunta para sa harapang
pag-aaral sa kabila ng pagiging isa sa pinakamatagal at mahigpit na lockdown sa mundo.Ang muling
pagbubukas ng paaralan para sa harapang pakikipag-ugnayan ay dapat na maingat na planuhin upang
matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral gayundin ng mga guro at kawani ng paaralan sa isang yugtong
paraan lalo na sa pagsunod sa physical distancing.
Bilang konklusyon, ang mga protocol sa kalusugan ng paaralan sa pagsasagawa ng mga harapang klase ay
dapat na planuhin nang mabuti ayon sa pambansa at internasyonal na mga alituntunin upang matiyak na
ang mga mag-aaral ay magiging ligtas o hindi bababa sa pagaanin ang mga epekto ng COVID-19. Kung
tutuusin, mahalaga ang buhay ng mga estudyante tulad ng kahalagahan ng edukasyon sa kanila. Iyan ang
responsibilidad ng bawat pamahalaan na tiyakin ang katuparan nito.
Modyul 13
Pagsulat ng Manuskrito ng Saliksik Papel
Mga Gawain
Ilahad ang kabuuan ng isinagawang pananaliksik. Tandaan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng saliksik-papel. Gawing gabay ang mga bahagi ng pananaliksik.
Face to face classes sa panahon ng Pandemya:Sa paglaganap ng pandemya sa ating bansa, marami
ang naapektuhan at nagbagolalo na sa sektor ng edukasyon. Hindi maaaring lumabas kung kaya’t sinuspinde
angklase sa buong bansa nang mahigit anim na buwan. Kinakailangan ng bawat isa napatuloy matuto at mag-
aral kaya naman pinatupad ang online classes sa ating bansa.Mahirap ang naging simula dahil sa kawalan ng
kagamitan at kakulangan ng kaalamansa mga makabagong teknolohiya.
Marami ang hindi makasabay dahil sa bagal nginternet at signal sa ating bansa na nakakahadlang
upang maunawaang mabuti ng mgamag-aaral ang mga tinuturo. Dahil nga sa mga suliraning
kinakaharap sa online classes, minungkahi angpagpapatupad ng face to face classes sa panahon ng
pandemya. Ayon din sa bagongpanukala ng Commission on Higher Education (CHEd), pinayagan na ang
limitadongface to face classes sa 24 na kolehiyo at unibersidad sa ating bansa. Ngunit, magigingepektibo ba
ito lalong lalo na sa pagsugpo at pagtigil ng patuloy na dumaraming kasong COVID-19? Hindi, lalo lamang
itong kakalat dahil sa dalasang paglabas ng mgamag-aaral.Batay sa tala ng Department of Health
(DOH) noong ika-26 ng Marso 2021,mayroong 9,838 na bagong kaso ng covid. Ito ang
pinakamataas na naitalangpositibong kaso sa loob lamang ng isang araw. Sa kasalukuyan, ang bilang ng
aktibongkaso sa ating bansa ay umabot na sa 109,018. Marami pa rin ang naitatalang mgabagong kaso at
patuloy itong tumataas kaya’t hindi pa maaaring ipatupad ang face toface classes. Marahil maraming
nahihirapan sa online class ngunit mas mahalaga parin ang ating kalusugan. Hindi natin alam kung sino ang
ating mga nakakasalamuhakung magkaroon ng face to face classes. Maaring sila ay positibo na at wala
tayongkaalam alam na maaring magdulot ng hawaan. Bagaman limitado ang face to face naito, hindi pa rin
maiiwasan na makasalamuha ng iba lalo na kung bumi-byahe pa angmga mag-aaral.Wala pa ring kongkretong
solusyon ang ating bansa ukol dito. Wala pang gamot,may mga bakuna na ngunit limitado lamang ang bilang
nito.
Tanging mga healthworkersat frontliners pa lamang ang nababakunan sapagkat mas kailangan nila
ang mga ito.Hindi lahat kayang mabakunahan kaya’t hindi pa ligtas ang lumabas. Hindi pa ligtas namagkaroon
ng face to face classes lalo na sa panahong ito.Mahalaga na matuto at mahirap ang sitwasyon sa online
classes. Totoo ang mga itongunit ang pinakamahalaga ay ang ating kalusugan upang matupad at maisagawa
natinang ating mga hangarin. Gumagawa rin naman ng paraan ang mga guro upangmakasabay
ang mga mag-aaral. Kailangan ng pagkakaisa at pagtutulungan nangmawala na ang mikrobyo sa
ating bansa. Ipagpaliban ang face to face classes atpatuloy tayong sumunod sa mga protokol na
ipinapatupad sa acting Bansa.