You are on page 1of 10

1

Aralin
Pagsusuri ng Nobela Batay sa Elemento
5
Mga Inaasahan
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isang nobela mula sa bansang Cuba.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan:

1. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga
elemento nito (F10PB-IIf-78)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong
ginagamit sa panunuring pampanitikan (F10PT-IIf-74)
3. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may
paksang kaugnay ng binasa (F10PD-IIf-72)
Bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang unang gawain upang masukat
ang iyong kabatiran sa ating aralin.

Paunang Pagsubok

Basahin at unawain ang buod ng isang nobela. Pagkatapos ay sagutin ang


mga tanong. Isulat sa ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Si Leah Bustamante, larawan ng isang tunay at modernong babae May
dalawang anak sa magkaibang lalake, sina Ojie sa unang asawang si Raffy at Maya sa
ka-live-in na si Ding. Gayonpaman, maayos niyang naipaliwanag sa kaniyang mga
anak ang sitwasyon, na hindi sila magagalit sa kanilang mga magulang at sa mundo.
Natapos ang relasyon nila Raffy at Lea dahil sa paghahanap nila ng katuparan
ng kanilang mga pangarap. Dahil sa kailangang lumipat ni Raffy ng lugar para sa
kaniyang trabaho, hiniling nitong sumama si Lea at tumigil sa kaniyang trabaho.
Hindi pumayag ang huli kaya’t nauwi ito sa paghihiwalay. Samantala, iniwan din siya
ni Ding ang kaniyang kinasama nang makatagpo ito ng bababeng pakakasalan.
Bilang isang babaeng may malayang pag-iisip, ipanaubaya niya sa kaniyang
mga anak ang pagpili kung kanino nila nais na sumama sa kaniya o kanilang ama.
Sa huli ay siya ang pinili ng kaniyang mga anak.
Sa isang bahagi ng akda ay kinuha si Lea na maging tagapagsalita at binitiwan
niya ang mga katagang:
“ Hindi porke ina na ako huminto na ako sa paglaki. Hindi porke babae ako’y
maiiwan ako sa labanan. Para sa kaligtasan ng lipunan at kinabukasan ng mga anak
ko, sa digmaan ng mga kuro’t prinsipyo, sa mapayapa man o madugong pagbabago
magtiwala tayo.”
- Halaw sa Bata Bata Pa’no Ka Ginawa – Lualhati Bautista (Hango sa Panunuring
Pampanitikan Gloria P. San Juan et.al
1. Ang akdang pampanitikan na kawing-kawing ang pangyayari, nahahati sa
kabanata, maraming tauhan, at mahabang panahon ang nasasakupan.
A. tula C. nobela
B. dula D. maikling kuwento
2. Bakit pinili ni Lea na mahiwalay sa asawang si Raffy?
A. Nais niyang maging malaya.
B. Maraming hindi pinagkakasunduan.
C. Ayaw niyang bitawan ang kaniyang mga pangarap.
D. Ayaw niyang lumipat ng tahanan at mapalayo sa pamilya.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
2

3. Anong uri ng tunggalian ang makikita sa akda?


A. tao vs tao C. tao vs lipunan
B. tao vs sarili D. tao vs kalikasan
4. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na “hindi porke ina huminto na ako sa paglaki.”
A. walang pag-unlad C. patuloy na lumalaki bilang tao
B. hindi na magbabago D. lumalaki ang kaniyang mga anak
C. Patuloy na lumalaki bilang tao
5. Sa bahaging, ‘bilang isang babaeng may malayang pag-iisip…’, ano ang
ipinahihiwatig ng katangian ng tauhan.
A. ginagawa ang nais C. bukas ang isipan
B. walang makahahadlang D. hindi nakatali sa nakagawian
Bago ka magpatuloy, magbalik-aral muna at sagutin ang sumusunod na
katanungan batay sa napag-aralan mo sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Basahin at unawain ang akda. Sagutin ang mga tanong. Isulat angletra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
ANG KUMARE KONG T.N.T
Isang Pagtatapat
ni Teresita C. Sayo
(bahagi lamang)
“Mare, maraming Pilipino rito sa abroad ang nakakahiyaan na lamang na
umuwi. Nagtitiyaga na lamang tuloy sa nakatigasang pagyayabang…”
Ito ang simulang liham sa akin ng aking kumareng kinaiinggitan na nakapag-
abroad. Talaga naman pinanaghilian siya ng naririto pa sa sariling bayan at
naghahanda sa pag-alis. Ang nautang niyang pera ay ginugol sa pagbili at
pagpapatahi ng mga bagong kasuotan, pantalon, blusa, at makapal na palda.
“Para sa winter!”, paliwanag ng aking kumare.
“Ang gara ng outfit mo!” puna ko. Parang pang executive. Siguro, mataas ang
puwesto roon!”.
1. Akdang pampanitikan na may iisang banghay, kaunting tauhan at nababasa
sa isang upuan lamang.
A. tula B. dula C. nobela D. maikling kuwento
2. Kinaiinggitan ng marami ang nakakapag-abroad, pinanaghilian ang kanilang
magandang buhay. Ano ag kaugnayan ng dalawang salitang may salungguhit?
A. magkatugma d. magkasalungat
B. magkapantay e. magkasingkahulugan
3. “…maraming Pilipino dito sa abroad ang nakahiyaan na lamang umuwi…” Anong
damdamin ang ipinahihiwatig ng diyalogo?
A. kalungkutan B. kaligayahan C. pagkatakot D. panghihinayang
4. Base sa nabasang bahagi ano ang iyong mahinuha sa kalagayan ng mga kababayan
natin na nasa ibang bansa?
A. Maunlad ang kanilang pamumuhay.
B. Maraming trabahong ang naghihintay sa kanila.
C. Mahirap ang kalagayan ng marami sa ating kababayang nasa ibang bansa.
D. Higit na madali ang pamumuhay ng mga kababayan natin na nasa ibang
bansa.
5. Tukuyin ang pagpapahayag nabibilang ang mga maikling kuwento?
A. naglalahad B. nangangatwiran
B. naglalarawan D. nagsasalaysay

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin
A. Ngayon ay matutunghayan mo ang pakikipagsapalaran ng isang matanda
sa karagatan batay sa nobelang isinulat ni Earnest Hemingway noong
1951. Susuriin mo ang nobela batay sa elemento nito.

Ang Matanda at ang Dagat


Isinalin sa Filipino mula sa English ni Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Earnest Hemingway
Bahagi lamang
Ang akda ay kuwento tungkol sa isang matandang mangingisda at ang
kaniyang pambihirang huli. Si Santiago ay itinuturing na salao o malas
sapagkat sa loob ng walumpu’t apat na araw ay lagi na lamang siyang walang
huli. Ang batang si Manolid na tumutulong sa kaniya ay pinaalis na ng
kaniyang magulang upang sumama sa mga bangkang mas masagana ang
nahuhuli.
Sa pangwalumpu’t limang araw, nagpasya si Santiago na hindi siya titigil
hangga’t hindi nakahuhuli ng isda, pumalaot siya sa mas malayong bahagi ng
karagatan at siya ay nagtagumpay na makahuli ng isang malaking marlin,
subalit hindi naging madali ang pag-uwi rito sapagkat sinalakay ito ng pating.
(Basahin ang bahaging hango sa akda)
Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating
na walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda ang
salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng
pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito nang ipinantali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya
pero halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang
ito. Mas mabuti pang naging isang panaginip lamang ito, sa loob-loob niya.
Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya.
Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo.
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda,
Nakita ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at
may lumalagatok na pagtatad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne
sa may ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw
ang liko at naririnig ng matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa
malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong
nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong mga
guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat, matulis na ulong asul at ang
malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero
ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito nang
mahusay ng salapang at ubos-kayang ipinukol ang kaniyang kamay sa
nanlalagkit na dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagang
pasiya at lubos na hangaring maminsala.
Kumampay ang pating at nakita ng matanda ang walang buhay na mga
mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng
lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng pating.
Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga
panga, sinuyod ng pating ang tubig sa paghaginit ng isang speed-boar. Puti
ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan
ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot.
Saglit na humingang tahimik sa ibabaw ng tubig ng pating at pinanood siya ng
matanda. Paglara’ay dahan-dahan itong lumubog.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
4

“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda.


Tinangay nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at
nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.
Ayaw na niyang tignan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang
sagpangin ang isda, parang siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko naisip niya. At
siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita
na ako nang malalaki.
Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa
lamang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa
akong nakahiga sa mga diyaryo.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin
ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda,
sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man
lamang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at
matalino. Pero mas matalino ako kaysa sa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob
niya. Siguro’y mas armado lamang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa
paglalayag at harapin ang anomang dumating”.
Napatay ni Santiago ang pating, subalit higit na marami pang pating ang
dumating. Pinilit na lumaban ni Santiago subalit patuloy na dumating ang mga
nanginginain sa kaniyang isda. Bago sumikat ang araw nakauwi na siya, at
natulog nang mahimbing sa kaniyang tahanan.
Kinaumagahan, pinagkaguluhan ng mga mangingisda ang natirang mga
buto ng isda, nang hindi batid ang dinanas na paghihirap ng matanda.
Sa pag-aalala pinuntahan agad ni Manolid ang matanda at natagpuang
payapang natutulog sa kaniyang higaan. Binigyan ito ng kape at ng
pahayagan. Nagkasundo ang dalawang na muling magsasama sa pangingisda.
Bumalik ang matanda sa kanyang panaginip, ang kaniyang karaniwang
panaginip tungkol sa mga leon at mga karagatan sa Africa.
Ngayon naman ay alamin natin kung ano klase ng pampanitkan ang akdang
iyong binasa.
A. Ang Nobela Bilang Akdang Pampanitikan
Ang nobela ay isang uri ng prosa na binubuo ng mga kawil ng
pangyayari. Nahahati sa kabanata, sumasakop sa mahabang
panahon ang daloy ng kuwento at maraming tauhang gumaganap.
Pangunahing layunin nito na maghain ng mga katotohanan na may
basehan o kaya’y kathang-isip na maaaring maganap sa
katotohanan.
Elemento ng isang Nobela
1. Banghay – ang banghay ang tumutukoy sa estruktura ng isang
nobela. Maaari ring sabihing ito ang blueprint ng akda. Ang
banghay ang batayan sa pagbuo na akda sa pamamagitan ng mga
magkakaugnay na pangyayari.
2. Tauhan – Tumutukoy sa gumaganap sa kuwento, sila ang dahilan
ng pag-usad ng mga pangyayari.
3. Tagpuan -Ang tagpuan ay tumutukoy sa pook na pinagganapan ng
mga pangyayari sa akda. Kaugnay na rin ng pook ang oras at
panahon ng pagkakaganap.
4. Tunggalian – ang suliranin ay ang pagsubok na pinagdaraanan ng
tauhan. Maaaring ang katunggali o dahilan ng suliranin ay ang
sarili, kalikasan o kapwa.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
5

5. Himig – ang himig o mood ay tumutukoy sa damdamin ng may-


akda sa kaniyang paksa na masasalamin sa akda sa pamamagitan
ng mga piniling salita. Ang himig ng isang nobela ay maaaring
masaya, malungkot, galit o ‘di kaya’y nagpapatawa.
6. Solusyon – ang solusyon ay tumutukoy sa mga pangyayaring
nagbibigay daan sa pagwawakas ng suliranin ng akda.
7. Kasukdulan – tinatawag na kasukdulan ang pangyayaring higit na
nakatawag ng ating pansin, pangyayaring nagiging kapana-
panabik dahil na rin sa mga detalyeng nakabalot sa sitwasyon.
8. Resolusyon – ang resolusyon ang nagbibigay-daan sa pagtatapos
ng kuwento.
9. Wakas- dito ang mga pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan, lahat
ng mga tanong na may tiyak na kasagutan, at ang bawat tauhan
ay may tiyak na patutunguhan, maaaring ang wakas at tahasang
pagtatapos o maaaring pagpapahiwatig lamang.
Naunawaan mo ba ating aralin? Kung may bahaging hindi naging
malinaw sa iyo ay maaari kang makipag-ugnayan sa iyong guro. Ngayon
inaasahang handa ka ng isagawa ang mga sumusunod na gawain.

Mga Gawain

Gawain 1 A. Pagpapalawak ng Talasalitaan


Bigyang-kahulugan ang mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit
sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
1. hindi nilikha ang tao para magapi.
2. pinakamalaking dentuso
3. nang sagpangin ang isda
4. inulos nang mahusay ang salapang
5. nakalapit sa popa
B. Bigyang kahulugan ang sumusunod na elemento batay sa
iyong pang-unawa. Isulat sa sagutang papel.

1. Banghay -
2. Tunggalian -
3. Tagpuan -
4. Himig -
5. Tauhan-

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✓ Malinaw ang pagbibigay ng katuturan. 3 –dalawang pamantayan lamang


✓ Nakapagbibigay ng tiyak na halimbawa
✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
6

Gawain 2 Mga Gabay na Tanong


1. Ihambing ang akda sa ibang nobela batay sa elemento nito. Ilagay ang sagot
sa hiwalay na papel.
Ang Matanda at ang Bata Bata, Paano ka Iba pang nobelang
Dagat Ginawa? nabasa

Banghay

Tauhan

Tagpuan

Tunggalian/
Suliranin

Himig

2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang tauhang si Santiago at Lea sa


kanilang pagtingin sa kanilang gawain.

3. Paghambingin ang naging pagwawakas ng dalawang nobela. (Ang Matanda


at ang Dagat at Bata Bata, Paano ka Ginawa?)

4. Makatotohanan ba ang naging pakikipagsapalaran ni Santiago?


Pangatwiranan ang sagot.

5. Kung ihahambing mo ang tauhang si Santiago sa mga personalidad sa


kasalukuyan. Kanino mo siya ihahambing at bakit?

6. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang pahayag na “maaaring wasakin


ang tao, subalit hindi siya magagapi?”

7. Tukuyin ang himig ng akdang Ang Matanda at ang Dagat. Patunayan.


Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 –dalawang pamantayan lamang


✓ Mahusay ang pagpapaliwanag
✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan laman

Tandaan
Ang nobela o katahambuhay katulad din ng ibang panitikan ay sumasalamin sa
lahing pinagmulan nito.

1. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan o prosa,


nahahati ito sa mga kabanata na may mga pagkakataong pinamamagatan ang
bawat kaabnata.
2. Ang nobela ay kawil ng mga pangyayari o kawing-kawing ng mga pangyayari,
sa ibang salita ang nobela ay binubuo ng ilang banghay na pinag-uugnay-
ugnay.
3. Sapagkat kawing ng mga pangyayari, karaniwan ng maraming tauhan sa mga
nobela at mahabang panahon ang nasasakupan.
4. Ang mga nobela ay hindi nababasa sa isang upuan lamang

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pagkatha na iyong sariling


pagwawakas sa isang teleserye.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
7

Pag-alam sa mga Natutuhan


Isalaysay ang buod ng isang teleserye na iyong napanood na may kaugnayan
sa ating paksa at pagkatapos ay gawan ng sariling pagwawakas o kaya naman ay
baguhin ang wakas ayon sa iyong nais.
Sumulat ng wakas na hindi bababa sa tatlong talata ngunit hindi lalampas sa
lima. Isaalang- alang ang mga katangian nang mahusay na pagsasalaysay at elemento
ng nobela. Isulat sa sagutang papel.

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin at unawain ang buod ng nobela. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-
asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo.
Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni
Amelita, sa kursong pinili ng bunsong si Amelita. Sapagkat ang kaniyang apat na
anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," dala na rin ng kaisipang hindi
titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong
nakukuha ng anak.
Gayonpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa kay Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si
Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, si Mauro na isa ring guro.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad


na nakipag-isang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa
poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak
na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin
ang kaniyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran
na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay.
Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa
nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng
maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala
na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng
kaniyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng
gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang


ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay
kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita
ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil
ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa.
Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong


bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kaniyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na manliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kaniyang pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may
asawa't anak na ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging
magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si
Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis
na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
8

Osmundo ngunit ibinalik din nito ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang
ipinakita sa kaniya ni Osmundo. Nang lumaon, nagpasiya na rin ni Osmundo na
tanggapin ang kabiguan.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang


kaniyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na
matiyagang nag-asikaso sa kaniya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang
ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
Titser ni Liwayway Arceo
http://iamnotvoiceless.blogspot.com/2013/06/titser.html
1. Anong uri ng tunggalian ang matutunghayan sa akda?
A. Tao vs Tao C. Tao vs Lipunan
B. Tao vs Sarili D. Tao vs Kalikasan
2. Ang tauhang nagpakita ng pagbabagong-loob sa dulo ng akda?
A. Amelita C. Rosalida
B. Mauro D. Aling Rosa

3. Nang malaman ni Amelita na ipakakasal siya ng ina kay Osmundo


agad itong nakipag-isang dibdib kay Mauro. Ano ang pariralang may
salungguhit?

A. nakipagtanan C. nakipagkasundo
B. nagpakasal D. nakipagtalusira
4. Hindi itinuturing na titulo ni Aling Rosa ang pagiging titser. Ano ang
ipanahihiwatig ng pahayag?
A. Mababa lamang ang sahod ng mga titser.
B. Kahit hindi nakapagtapos ay nakapagtuturo.
C. Hindi nakapapantay ang titser sa ibang propesyon.
D. May mga taong minamaliit ang pagiging isang titser.
5. Ano ang naging resolusyon ng akda?
A. Natanggap ni Osmundo ang kabiguan.
B. Nagkaroon ng anak sina Amelita at Mauro
C. Naging maunlad ang pamumuhay ng mag-anak.
D. Kinilala ni Aling Rosa ang kurso ng anak at nabatid ang pagkakamali.

Pagninilay
Ang nobela, katulad din ng ibang akdang pampanitikan ay tinataguriang talaan
ng buhay. Isinasalaysay nito ang mga pangyayari sa ating paligid sa masining na
paraan. Kung ang kinahaharap nating pandemya ay isang nobela paano mo ito
wawakasan?

Bumuo ng 3-5 talatang pagwawakas. Isaalang-alang sa pagbuo ng wakas ang


mga elemento no nobela. Gawin sa sagutang papel.
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng talata: 10 – nasunod ang lahat ng
pamantayan
✓ Malinaw ang pagkakasaysay 8 – dalawang pamantayan
✓ Naipakita ang elemento ng nobela ang naisagawa
✓ Orihinal at makatotohanan 5 – isang pamantayan lamang ang
✓ Wastong anyo ng gramatika at nasundan
retorika

Pagbati sa’yo sapagkat alam kong pinaghusayan mo ang lahat ng


gawaing ibinigay sa’yo. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
9

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Quarter 2- Week 5
Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Petsa:
Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Mga Gawain

Gawain 1.1 (a)

Gawain 1.1 (b)

Pag-alam sa Natutuhan

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
10

Pangwakas na Pagsusulit

Pagninilay

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like