You are on page 1of 5

Grade 10

Filipino 4 – Kabanata 1 - Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean


Lesson 2 A. Week 3 – Parabula ng Sampung Dalaga, Mga Berbal, Di-berbal na
Pakikipagtalastasan, Pang-ugnay (Pang-ukol at Pangatnig)
Aralin 2 – “Mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan Upang sa huli ay hindi ito pagsisihan”.
Kinakailangan: Balikan ang mga Uri, Aspekto, at Pokus ng Pandiwa
Introduksyon:
Sa parabulang ito ay makikilala mo ang sampung dalagang naatasang maghintay sa
pagdating ng binatang ikakasal. Ang lima sa kanila’y hangal dahil nagdala ng ilawan subalit hindi
naman sila nagbaon ng karagdagang langis. Sa huli’y tanging ang mga may baong langis ang
nakapasok at nakasama ng lalaking ikakasal.
Layunin:
1. Mapapalawak ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa parabula.
2. Malilinang ang kakayahan sa pagsasalita gamit ang berbal at di-berbal na
pakikipagtalastasan.
3. Makikilala ang mga salitang may naiibang kahulugan.
Lesson Proper A. Parabula ng Sampung Dalaga
Basahin at unawain ang parabula ng Sampung Dalaga. Sagutin ang mga sumusunod:
Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat kung ang bahaging ito ay
nagsasaad ng katotohanan (KT), kabutihan o kagandahang-asal (K/K). Sagot lang ang isulat.
Sagutin Natin -B. Isulat sa isang buong papel ang sagot.
1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay
nagsisimula sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang
ikakasal.
2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda o
buoin ang kanilang magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng
kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.
3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang
langis para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang pangyayari ay
makapagdudulot ng suliranin at kabiguan.
5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang
ikakasal ang limang hangal na dalaga.
C. Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang tamang sagot batay sa nilalaman,
elemento, at kakanyahan ng binasa. Titik lang ang isulat.
1. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?
a. Israel sa kasalukuyang panahon.
b. Israel sa unang siglo
c. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol
d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo.
2. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?
a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal
b. Ang matatalinong dalaga
c. Ang dalagang ikakasal
d. Ang binatang ikakasal

3. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang hindi nakapaghanda?
a. Sila ay pinarusahan at ikinukulong
b. Sila ay hindi nakapasok sa piging
c. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon
d. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan
4. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?
a. Nang sunduin ang binatang ikakasal ang kanyang nobya
b. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang naghihintay
c. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang limang dalaga
d. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakakasal ang kani-kanilang mga anak

5. Kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?


a. Ito’y isang akdang nagbabalita
b. Ito’y isang akdang nangungumbinsi
c. Ito’y isang akdang naglalarawan
d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay

Lesson Proper B. Basahin at unawaing mabuti ang mga Berbal, Di-berbal at Pasulat na
Pakikipagtalastasan.

Sagutin ang tanong na ito.


1. Ano ang pagkakaiba ng berbal, di-berbal at pasulat na pakikipagtalastasan?
Lesson Proper C. – Kasanayang Pangramatika at Panretorika (Pang-ugnay)
Punan ng wastong gamit ng Pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata. Sagot lang ang isulat.

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel 1. ______________ isang Pinay caregiver na may

natatanging talento sa pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor

Israel” noong Enero, 2014. Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel. 2.______

Ngayon nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang

kalagayan at edad niya 3. __________ ipakita ang taglay niyang talento. Sa una’y kabado siya.

4. ___________sumubok pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang

talento niya 5 ________ mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko 6. _________ sa huli ay

nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong mundo ang kanyang talento 7. _______

determinasyon. 8. __________ Kapag nakausap ko si Osang ay ipararating ko sa kanya ang

aking paghanga. Napatunayan niyang 9. ______________ sa pagiging mabuting caregiver ay

may kaya pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya. 10. _____________ lahat ng Pilipino ang

tagumpay na ito ni Osang.


Takdang Aralin:

Pagkumparahin ang maaaring naging pangyayari sa buhay ng mga taong ito gamit ang compare
and organizer sa ibaba.

Taon sa Kasalukuyang Panahon na


Taon sa Kasalikuyang Panahon na Naging
Hindi Naging Handa (tulad ng mga
Handa (tulad ng matatalinong dalaga)
hangal na dalaga)

Isang Pangyayaring
Kapwa Nila
Naranasan

Ang Kinahinatnan Niya Dahil sa Pagiging Ang Kinahinatnan Niya Dahil sa Hindi
Handa Pagiging Handa

Librong ginamit:
Pinagyamang Pluma 9 nina: Alma M. Dayag, et al. Phoenix Publishing House Inc. 2015.927
Quezon Ave. Quezon City.
Inihanda ni::
Prof. Dolores A. Obina
Nob. 3, 2020

You might also like