You are on page 1of 34

`

9
Unang Markahan-Modyul 3.2:
Nobela
Filipino – Grade 9
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 3.2: Nobela
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul


Manunulat: Jinggoy M. Aguilar
Editor: Gemma P. Naguit (Master Teacher II)
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Unang Markahan – Modyul 3.2
Nobela

ii
Alamin

Maraming pagbabago ang naganap, nagaganap at magaganap sa larangan ng


edukasyon sa Pilipinas. Nasaksihan natin ang iba’t-ibang estratehiya upang
mapahatid ang de kalidad na pagtuturo gaya ng pagpapalawak nang
kakayahan nito sa isang higit na kapaki-pakinabang na pamamaraan – ang
paggamit ng modyul.

Ang paggamit ng modyul ay hindi paglilimita sa mga impormasyon at aralin


na dapat matutuhan ng mga mag-aaral bagkus ito ay pagpapatibay ng
kakayahan ng mga ito sa pag-unawa at pagsusuri sa pamamagitan ng
pagbabasa at pakikinig.

Inaasahan na sa bawat aralin at gawain na nakapaloob dito ay iyong


mabusising maunawaan. Higit na kinakailangan ngayon ang iyong
pagpapamalas ng sipag at talino upang ang mga kasanayang nakapaloob sa
modyul na ito ay maging kapaki pakinabang sa iyong pagkatao.

Nakapaloob sa modyul na ito ang paglalakbay sa panitikan ng Timog


Silangang Asya na sumasalamin at repleksyon ng Panitikang Pilipino.

Ang nobelang Isang Libo’t Isang Gabi na nagmula sa Saudi Arabia ay isinalin
sa Filipino ni Julieta U. Rivera ay nakapaloob sa modyul na ito. Bahagi rin
nito ang pagtalakay sa mga pahayag na nagbibigay ng katuwiran sa ginawi
ng mga tauhan sa akda na makatutulong sa paghahanay ng mga
mahahalagang pangyayari.

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng


katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi
ng nobela;
2. Nailalahad ang sariling katuwiran sa mga naganap sa akda;
3. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela; at
4. Nabibigyang ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig sa akda.

1
Subukin

Subukan nga natin!

Marami ka nang mga aralin na nalaman sa Filipino noong


ikaw ay nasa unang dalawang baitang sa hayskul. Ngayon
ay nais kong masubukan kung may mga naaalala ka pa sa
mga aralin ninyo noon na siguradong mas bibigyan pa natin
ng matingkad na kulay ngayon.

A. PANIMULANG PAGTATAYA

Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang

1. Anong anyo ng panitikan ang NOBELA?


a. tulang liriko c. patula
b. tuluyan d. romansa

2. Ano ang dalawang nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal?


a. Noli Me Tangere at El Filibusterismo c. Florante at Laura
b. Indarapatra at Sulayman d. Urbana at Felisa

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang nobela?


a. nahahati sa bawat kabanata
b. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa
c. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
d. hango sa pinagmulan ng isang bagay

4. Alin sa mga elemento ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela?


a. tagpuan c. banghay
b. tauhan d. simbolismo

5. Anong uri ng nobela ang Isang libo’t isang Gabi?


a. romansa c. kasaysayan
b. makabanghay d. tauhan

2
B. PAGPAPALAWIG NG MGA TALASALITAAN

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.


Isulat ang sagot sa guhit bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_______ 1. paratang a. palalayain
_______ 2. pakakawalan b. nakapiit
_______ 3. nakakulong c. ipinanukala
_______ 4. Iminungkahi d. layon
_______ 5. pakay e. bintang
_______ 6. bonnet f. banal na aklat
_______ 7. turban g. guwantes
_______ 8. Qur’an h. gora
_______ i. telang ibinibilot sa ulo

C. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapahiwatig ng


katotohanan, kabutihan o kagandahan.

1. Sa panahon ng pandemya ay maraming mga pulitiko ang sangkot


sa korapsyon gaya ng isyu sa pamimigay ng ayuda.
2. Mahirap ang pakikibaka ng buong mundo sa kalabang (Covid19)
hindi man lang nakikita.
3. Marami ang nag-abot ng tulong sa mga Pilipinong nasasadlak sa
hirap dahil sa pandemya.
4. Naghihilom ang inang kalikasan dahil sa nabawasang polusyon
dulot ng mga sasakyan.
5. Tumulong sa mga magsasaka ang sektor ng agrikultura upang may
maitanim sa panahon ng pandemya.
6. Sa bansang China nagsimula ang pandemyang kumakalat ngayon
sa maraming bansa.
7. Nagsasama sama ang buong pamilya sa pagtatanim ng mga gulay
sa kanilang bakuran upang maging abala sa panahon ng lockdown.

3
Aralin

3.2 NOBELA
MASUSING PAKIKINIG

Higit na nakakaunawa ang mga mag-aaral na marunong makinig kaya sa


pagkakataong ito ay masusubok ang inyong kakayahan sa pakikinig.

Balikan

Narito ang buod ng isang nobelang tauhan na aking inihanda para mas
matasa ko ang iyong talas sa larangan ng pakikinig. Kailangang makinig ng
maayos upang masagot ng tama ang mga tanong na matatagpuan sa Gawain
pagkatapos nito.

PAALALA

Kinakailangan ang tulong ng magulang o


sinuman sa mga kasama sa bahay upang
basahin ang akdang ito.

LALAKI SA DILIM
(ni Benjamin M. Pascual)

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang


espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing
bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal
kay Margarita, isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing
kahabag habag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ay hindi siya nakilala nito
kaya “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay. Bilang paghuhugas at paglilinis


niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng
kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham
na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang

4
ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang
kasalanan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang
pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging inaanak niya
rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si


Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang
modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay
Margarita ayos lang na magkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroon lang sila ng pagkakaintindihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t
isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang
sa kanya ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang otel ng
isang babaeng nasa 29 anyos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal
ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa
sukdulan at makapatay ito. Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya
at Aling Sela ang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy
sa katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

Mga Tala para sa Guro


Naglalaman ito ng mga kasanayan na iyong masusumpungan sa
pagpapatuloy sa modyul na ito.

NAIS KONG MALAMAN!


Alam kong malaki ang impak ng ikalawang modyul sa iyo lalo na sa
aspeto nang pagbabanghay ng mga mahahalagang pangyayari sa kwento. Kaya
naghanda ako ng isang Gawain para sa iyo. PANUTO: Ilahad ang mga mahahalagang
pangyayari sa akda gamit ang Flow Chart sa ibaba.

Tauhan

Tagpuan Panimulang Pangyayari

Wakas Suliranin

5
Tuklasin

Nakagagalak isipin na binigyan mo ng pansin at atensyon


ang pakikinig, Ang iyong hindi matatawarang pag
pupursige na matutuhan ang akdang napakinggan ay
nakakataba talaga ng puso.

Hindi pa yan natatapos doon, marami ka pang maaaring


malaman. Halika’t lakbayin ang ilog ng karunungan
gamit ang sagwan ng iyong determinasyon.

ALAM MO BA NA …

Ang NOBELA ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

Mga uri ng Nobela:

1. Nobelang Romansa
2. Nobelang Kasaysayan
3. Nobelang Banghay
4. Nobelang Masining
5. Nobelang Tauhan
6. Nobelang Pagbabago

Ang Nobelang Tauhan ay isang uri ng nobela na ang mga pangyayari ay umiikot sa
pangunahing tauhan at sa mga tauhan nakakaapekto dito. Sentro ito ng
pagpapalawig sa kakayahan, gawi at kalakasan ng isang tauhan sa akda.
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-
akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo -
batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan
BAHAGI NG NOBELA
6
DAGDAG KAALAMAN …

Layunin ng Nobela:

1. nananawagan sa talino ng guni-guni


2. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
3. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
4. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
5. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
6. nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian ng Nobela:

1. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay


2. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig
mangyari
7. malinis at maayos ang pagkakasulat
8. maganda
9. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang
mga tauhan

PAHIBALO

Makulay ang naging paglalakbay ng nobela sa


loob ng maraming dekada. Mula sa pagmulat ng
katotohanan hanggang sa kontemporaryong
hangganan ay patuloy na nagbabago ang akdang
pampanitikan na ito.
Kaya inaasahan na ang bawat layunin at
katangiang taglay nito ay maaaring magkaroon ng
karagdagan sa mga susunod na henerasyon.

7
Suriin

Ipamalas mo na!

Siguro naman ay handang handa ka na upang ipamalas ang


iyong husay. Matapos ang iyong pakikinig, heto naman ang
inihandang pagsubok para sa iyo. Alam kong kayang kaya
mo ito!

GAWAIN 1: KILALANIN NATIN!

A. Ibigay ang mga katangiang ipinakita ng lalaki sa dilim sa akdang napakinggan.


Isulat ito sa bawat patlang na nasa semantic web.

RAFAEL CUEVAS

B. (PAGLALAHAD): Iuugnay ng mag-aaral ang katangiang ipinakita ng mga tauhan


sa akdang napakinggan at sa mga larawang nasa ibaba. Pagkatapos ay ilalahad ito
sa pamamagitan ng pagkukwento. Paalala: Ang paglalahad ay gagawin sa
pamamagitan ng isang video call o phone call mula sa guro.

Rafael Cuevas Margarita at Nick Ligaya

8
BATAYAN SA PAGMAMARKA (PAGKUKWENTO)

Napakahusay Mahusay Paghusayan pa!


PAMANTAYAN (4-5 puntos) (2-3 puntos) (1 punto) Ma
rk
a
Malinaw at May kabuluhan Hindi malinaw
makabuluhan ang ginawang ang kaugnayan
ang pagkukwento ng piniling salita
Nilalaman pagpapaliwanag subalit sa kwentong
sa salitang may ilang mga inihahayag.
kumakatawan sa diwang malabo.
paksang
ikinukwento.
Kapuna-puna Kapansin- May kaguluhan
ang natatanging pansin ang pagsasaayos
Organisasyon pagsasaayos ang kamalayan at kaisahan
at sa pagsasaayos ng mga ideya.
kaisahan ng at kaisahan ng
mga ideya. mga ideya.
Wasto’t angkop May iilang mga Hindi-gaanong
ang paggamit pagkakamali sa Naisaalang -
ng mga salita sa sa paggamit ng alang
Wika bawat mga salita sa ang
pangungusap ng pangungusap wasto’t angkop
kwento na paggamit
ng mga salita sa
pangungusap

GAWAIN 2: KATOTOHANAN-KABUTIHAN-KAGANDAHAN

Punan ang hinihinging impormasyon sa storyline profile. Ibigay ang bahagi ng


nobelang napakinggan na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan
na nagawa ng bawat tauhan.

Katotohanan
Rafael
Cuevas
Kabutihan

Kagandahan

Katotohanan
Margarit
a
Kabutihan

Kagandahan
9
Ituloy na natin!
Tunay akong humanga sa iyong ipinakitang kahusayan
hindi lamang sa pakikinig kundi maging sa pagsagot sa mga
gawain na aking ibinigay sa iyo.

Ihanda mo naman ang iyong sarili dahil ikaw na mismo


ang magbabasa. Halina’t alamin ang kwentong nakapaloob
sa “Mga Patak ng Luha”.

MGA PATAK NG LUHA


(Halaw sa Taare Zameen Par –Every Child is Special)
Bollywood Film India

Unang Pagbasa Halaw at isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang nagpabago, nagpapabago at


magpapabago ng aking mundo… at marahil ng pagpapahalaga… bilang isang guro.
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang kong likmuan sa
pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na
mailapag ko ang aking mga kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan
ng aking sarili isang gabing hindi ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang
buhos ng ulan ngunit wala namang masabing may masamang namumuong
panahon. Wala namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio.
Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking
luha habang pinanonood ko si Ishaan. Siya ang bida sa aking puso… at si
titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala marahil
ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa
una’y mas tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin
akong magulang.

Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan ng kaniyang


mga magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang nakatatanggap ng parusa.
Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad. Bobo. Tanga. Walang alam. Idiot.Wala
siyang tanging masusulingan kundi ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo.
Itinira sa dormitoryo ng paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala
siyang magawa. Siya’y mahina pa. hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang
sapat na lakas upang tumutol sa kagustuhan ng kaniyang ama. Maging ang
kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng kaniyang ama, nagiging sunod-
sunuran rin siya.

May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase, dahil sa
kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pag-aaral. Sadyang mabagal ang
kaniyang pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat. Mas madalas na nagkakabaligtad

10
ang b at d, mga salitang pareho ang bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang
mga bilang ay nagkakabaligtad din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat.

Salamat sa pagdating ng bagong guro. Si Ram Shankar Nikumbh Sir. Nakaunawa,


Nagpahalaga, Nagmahal, Nagbahagi. Hanggang si Ishaan ay natuto. Sadyang
napakahusay ni Ishaan sa pagguhit. Siya ang itinanghal na pinakamahusay na
artist sa buong paaralan ng New Era High School. Ito ang nagpabago ng kaniyang
kapalaran. Nagpabago ng pagtingin ng kaniyang mga magulang. Nagpabago ng
sistema ng iba pang guro at marahil… nagpabago ng aking pagpapahalaga bilang
isang guro. Iba-iba ang mga batang ating tinuturuan. Lahat sila may iba’t ibang
katangian at kakayanan. Iba ang isa sa isa. bawat isa ay may pagkabukod-tangi.
Ang katangian ng isa ay hindi katangian ng isa. Ang kaya ng iba ay hindi kaya ng
isa. Hanapin lang natin kung ano ang mayroon sa kanila. Iyon ang ating
pagyamanin. At higit sa lahat, maramdaman nila na sila ay minamahal at inaalagaan
upang makakampay para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Buhat sa pagkakatalong ko sa aking likmuan, habang marahil ay namumugto na


ang aking dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood.
Kinapa ko ang aking puso. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Larawan din ba ako
ng gurong ito? Nakikita ko ba ang aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot.
Nahihiya ako sa aking sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking
sarili na iyon ay isa lamang panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw.
Panoorin nga ngunit nangyayari sa tunay na karanasan ng tao. Hinayaan kong
umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga sandali, sinagot ko rin ang aking
tanong… Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan? Sa labas ng silid? ang
sagot, Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa maraming aspeto. Dahil tayo ay may
kaniya-kaniyang pagkabukod- tangi. Bawat bata ay may istilo ng pagkatuto. May
kaniya-kaniyang katangian at kakayahan.

Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso ko, una sa lahat
ang mga estudyante ko.

PAALALA

Ang bawat isipan ng tao ay nagkakasalungatan. Ito


marahil ay dahil sa mayroon tayong sariling
paniniwala, katuwiran at paninindigan. Ngunit
kinakailangang isaalang- alang ang damdamin ng
pinadadalhan ng katuwiran. Kailangan ito ay
huwag sa pamamaraang arogante kundi sa
pamamaraang nagbibigay lamang ng linaw sa isang
isyu at nakapaghahatid ng kaalaman sa ibang tao

11
Pagyamanin

May tiwala ako sa’yo!

Mahusay ang ipinakitang mong kakayahan na


makapagbasa at makaunawa mag-isa. Tunay na malaya
mong nagampanan ang mga ninais kong ipagawa sa iyo
kaya narito ang pagsasanay upang lalo kong makita ang
antas ng karunungang iyong naabot.

Naniniwala akong makakaya mo ito.

GAWAIN I: MANGATUWIRAN KA!


Ilahad ang iyong katuwiran at paninindigan batay sa kontekstong nakapaloob sa
akdang binasa. Kailangan na ang bawat katuwiran at paninindigan na iyong isusulat
ay nagsisimula sa letrang A-R-O-G-A-N-T-E upang mabuo ang salitang “arogante”.
1. Tama ba ang ginawa ng magulang ni Ishaan maging ang kanyang mga guro
na hindi siya unawain sa kanyang mga kahinaan bilang mag-aaral?
A_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Makatuwiran ba ang pagpaparusang ginawa ng kaniyang mga guro?

R_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Tama ba ang desisyon ng kanyang pamilya na siya ay ilipat ng paaralan?


O_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay isang guro, gagawin mo rin ba ang ginawa ng guro sa sining?
G_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Sapat na bang sabihin ng kaniyang magulang na hindi nila sinasadya ang


mga pangyayari?
A_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12
6. Dapat bang nangyari ang mga pangyayari kung naging maunawain lang ang
bawat isa?
N_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7. May naitulong ba kay Ishaan ang desisyon ng magulang na ilayo siya?


T___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

8. Naniniwala ka ba na ang bawat isa ay may kani-kaniyang pagkabukod-tangi?


E_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 2: PAGTIBAYIN/PABULAANAN
Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag o kaisipan. Pumili at ipaliwanag ang
tatlo (3) na gusto mong pagtibayin at dalawa (2) na nais mong pabulaanan. Isulat sa
isang malinis na papel ang iyong pagpapatibay o pagpapabulaan sa isyu.

a. Naghihirap ang ating mga kababayan sapagkat sila ay tamad


b. Hindi nakapag-aral ang mga mahihirap sapagkat sila’y tamad mag-aral
c. Ang mga guro ang nagiging dahilan kung bakit ang ibang mga mag-
aaral ay tumitigil sa pag-aaral.
d. Ang ibang mga anak ay nagiging suwail dahil sa kanilang mga
magulang
e. Nawawalan ng gana sa pag-aaral ang mga bata dahil sa panunukso ng
mga kamag-aral.

BATAYAN SA PAGMAMARKA

3 puntos 2 puntos 1 punto


PAMANTAYAN
Lubhang malinaw at May naipahayag na Walang mainam
maayos ang kaisipang 2 hanggang 3 na kaisipang
PAKSA naipahayag. May 4 o kaisipan ang ipinahayag
higit pang kaisipan nabanggit tungkol tungkol sa
ang nabanggit tungkol sa paksa. paksa.
sa paksa.
Maayos na maayos Maayos ang Walang sapat na
ang pagkakapahayag pagkakapahayag sa kakayahang
PAGPAPAHAYAG na may pang-akit sa mga kaisipan upang ihayag o
mambabasa. ngunit walang pang ilahad ang
akit na nilalaman sariling gawa
May sapat na Walang gaanong Walang sapat na
PANGANGATWIRAN katibayang iniharap iniharap na katibayan ng
sa pangangatwiran. pangangatwiran pangangatwiran

13
DAGDAG DUNONG

Mayroong dalawang uri ng pangangatuwiran:


1. Pabuod o induktibo – nagsisimula sa mga
halimbawa o partikular na kaisipan at
nagtatapos sa pagkalahatang katotohanan
2. Pasaklaw o dedaktibo – sinisimulan sa
pamamagitan ng paglalahad ng
pangkalahatan na pangyayari at mula dito
ay iisa- isahing ilalahad ang maliliit o mga
tiyak na pangyayari o katotohanan.

GAWAIN 3:

Suungin ang isyu ng lipunan na kinakaharap nating mga Pilipino ngayon. Lagyan
ng ( ) kung ang pahayag sa iyong palagay ay makatuwiran at ( ) kung ito sa
iyong wari ay ‘di maktuwiran at magbigay ng paliwanag kung bakit iyon ang iyong
napili.

______ 1. Hindi na dapat pang bigyan ng ayuda ang mga Pilipinong kasapi na ng 4P’s
(Pantawid Pamilyang Pilipino Program).

______ 2. Ang pagbubukas ng klase sa (noong) August 24 ay nararapat lang kahit


wala pang vaccine sa virus.

______ 3. Dapat ipagpaliban muna ang panuruang taon 2020-2021 dahil sa virus.

______ 4. Malabo ang online classes dahil maraming mag-aaral sa Pilipinas ang
walang internet access dahil sa hirap ng buhay.

______ 5. Mabilis ang pagkalat ng virus dahil sa mga pasaway na Pilipino.

______ 6. Dapat na paimbestigahan ng senado ang anomalya sa SAP o Social


Amelioration Program

______ 7. Dapat lang hulihin at ikulong ang mga netizens na walang habas na
nagpopost ng pagbabanta sa Pangulo.

______ 8. Kailangang magbayad ng danyos perwisyo ang China dahil sa Covid19.

______ 9. Bigyang ayuda maging ang mga nasa middle class na pamilya.

______ 10. Lahat ng manggagawa Pilipino ay sasailalim sa balik probinsya program.

14
ISANG LIBO’T ISANG GABI
(One Thousand and One Nights)
Ikalawang Pagbasa Nobela – Saudi Arabia

Halaw at isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig


maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng kaniyang
asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan
at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.

Isang araw, isang lalaki ang nagsampa ng reklamo laban sa lalaking kaniyang iniibig
at ipinakulong siya. Nang malaman ng babae ang tungkol dito, agad siyang nagbihis
nang pinakamaganda niyang damit at pumunta sa hepe ng pulisya. Bumati siya at
sinabi, “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin
nakikilala, subalit nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.
Nagkakamali kayo sa pagkabilanggo sa kaniya, wala na akong kasama at wala nang
susuporta sa akin, kaya maawa na kayo, pakawalan n’yo siya.”

Nang marinig ng pulis ang kaniyang pagmamakaawa, at makita ang kaniyang ayos,
umibig ito sa kaniya. Sinabi nito, “Pumunta ka sa aking tahanan hanggang sa
mailabas ko ang iyong kapatid; tutulungan ko siya at pagkatapos ay ilayo mo na
siya.”

Diyos ko po,” sagot niya. “Hindi ako pupunta sa bahay ng lalaking estranghero sa
akin,” sabi ng bababe. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung
sasama ka sa akin at payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.
Sumagot siya, “Ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan kahit maghapon at
magdamag kung talagang kinakailangan,” sabi ng babae.

“Saan ang iyong tahanan?” tanong nito. At itinuro ng babae ang bahay at nagbigay
ng oras para sa pagpunta.

Humingi rin siya ng tulong sa Cadi, “Diyos ko! Cadi.” “Oo,” sagot nito at siya’y
nagpatuloy. “Pag-aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng Diyos,” sinabi nito.
“Sino ang may kagagawan nito?” Sumagot siya, “Mayroon akong kapatid, kaisa-isa
kong kapatid. Naparito ako dahil sa kaniya, sapagkat ikinulong siya ng pulis at
pinaratangang isang kriminal. Nagsinungaling laban sa kaniya at sinabing ito’y
masamang tao, kaya nakikiusap ako, tulungan n’yo siya.” Nang sulyapan siya ng
Cadi, umibig din ito sa kaniya. “Pumunta ka sa aking tahanan para makasama ko
at sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong kapatid. Kapag nalaman ko kung
magkano ang kabayaran para sa kaniyang kalayaan, babayaran ko ng sarili kong
pera upang ako’y mapaligaya mo, sapagkat napakalambing ng iyong tinig.” At sinabi
niya, “Kung magiging mabait ka sa akin.” Sumagot ang Cadi, “Kung hindi ka
papayag, makaaalis ka na at huwag mo akong sisisihin.” Muli siyang sumagot. “Kung
talagang iyan ang gusto mo, mas maganda at pribado sa aking tahanan kaysa sa

15
inyo na maraming katulong ang makaiistorbo sa atin. Saka isa pa, hindi naman ako
masamang babae, subalit kailangan ko lang itong gawin.” “Saan ang iyong tahanan?”
tanong ng Cadi. Sumagot siya, “Sa ganitong lugar.” Sinabi niya ang takdang araw at
oras ng kaniyang pagpunta.

Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kaniyang kapatid
sapagkat lubha niya itong kailangan. Subalit may ibinigay rin itong kondisyon.
“Payagan mo akong gawin ang gusto kong gawin sa iyo at palalayain ko ang iyong
kapatid.” Sumagot siya, “Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming
tahanan, tayo lang doon, hindi naman kalayuan ang aking bahay. Para maayos ko
naman ang aking sarili.” “Saan ang bahay mo?” tanong nito. “Sa ganitong lugar.” At
nagtakda ang babae ng oras at araw na gaya ng dalawang nauna.

Mula rito ay pumunta siya sa hari. Isinalaysay rin niya ang pangyayari at humingi
rin siya ng tulong upang mapakawalan ang kaniyang sinasabing kapatid. “Sino ang
nagpakulong sa kaniya?” tanong nito. “Ang hepe ng pulisya,” ang kaniyang sagot.
Nang marinig ng hari ang nakahahabag na salaysay sa pagkakakulong ng kapatid,
bumukal sa puso nito ang awa at pagmamahal. Sinabi nito na sumama sa kaniyang
tinutuluyan at upang matulungan siyang palayain ang kapatid. Subalit kaniyang
sinabi, “O mahal na hari, madali lang para sa iyo ang lahat. Wala akong magagawa
kapag iyong ginusto.

Subalit malaking karangalan kung pupunta ka sa aking tahanan.” Siya’y pumayag.


Sinabi ng babae ang lugar at oras ng kanilang pagtatagpo na gaya ng oras sa sinabi
niya sa unang tatlong lalaki.

Umalis siya pagkatapos at humanap ng isang karpintero at sinabi nito, “Ipaggawa


mo ako ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong, may pinto
ang bawat isa at masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at babayaran
ko.” Sumagot ang karpintero, “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na
ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” “Kung
kinakailangan,” sagot ng babae. “Papayag ako subalit gawin mo nang lima ang
compartment ng cabinet na ipinagagawa ko sa iyo.” At sinabi nito kung kailan
ihahatid ang cabinet sa kaniyang tahanan. Sinabi ng karpintero, “Mabuti, sige
maupo ka na lamang at gagawin ko ngayon din ang iyong cabinet.” Pagkatapos na
magawa, inutusan niya ang karpintero na dalhin sa bahay ang cabinet. Ipinuwesto
niya ito sa sala. Pagkatapos, kumuha ng apat na damit at may iba-ibang kulay.
Naghanda na rin siya ng makakain, karne, inumin, prutas, mga bulaklak, at
pabango.

Dumating ang araw na ibinigay niya sa lahat ng hiningian niya ng tulong. Isinuot
niya ang kaniyang pinakamahal na damit, naglagay ng mga adorno sa sarili,
nagpabango, at nilagyan ng mamahaling karpet, at naghintay sa kahit sino ang
maunang dumating.

16
Si Cadi ang unang dumating. Nang makita niya ito, tumayo siya at humalik sa
paanan ni Cadi. Hawak ang kamay, inaya niya itong maupo sa karpet. Nang
sisimulan na nito ang kaniyang pakay, sinabi ng babae, “Alisin mo muna ang iyong
kasuotan at ang iyong turban. Isuot mo ang dilaw na roba at bonnet na ito habang
inihahanda ko ang makakain at maiinom natin. Pagkatapos, puwede mo nang gawin
ang nais mo.” Habang isinusuot niya ang roba at bonnet, may kumatok sa pinto.
“Sino ang kumakatok?” tanong niya. “Ang aking asawa,” ang kaniyang tugon. “Ano
ang aking gagawin, saan ako pupunta?” tanong ni Cadi. “Huwag kang matakot,” sabi
ng babae. “Itatago kita sa cabinet na ito.” “Gawin mo kung ano ang dapat,” sagot ni
Cadi. Kaya’t ipinasok niya ito sa pinakaibabang compartment at isinara ang pinto.

Pumunta siya sa pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok. Ang hepe ng
pulisya. Pinatuloy niya ito agad. “Ariin mong iyo ang lugar na ito at ako’y iyong alipin.
Buong araw sa akin ka kaya’t alisin mo na ang iyong suot at ipalit mo ang pulang
roba na ito.” Subalit bago nito magawa ang kaniyang pakay, sinabi nito, “Ako’y iyong-
iyo at walang iistorbo sa atin. Kung mabait kang talaga, gumawa ka muna ng
kautusan na nagpapalaya sa aking kapatid para naman mapanatag ang aking
kalooban.” “Masusunod,” sabi nito. At gumawa na nga ng kautusan ang pulis na
nakasaad ang agarang pagpapalaya sa kaniyang kapatid. Nang sisimulan na niya
ang kaniyang pakay, biglang may kumatok sa pinto. “Sino iyon?” tanong ng pulis.
“Ang aking asawa,” sagot ng babae. “Ano ang gagawin ko?” ang muli niyang tanong.
“Pumasok ka sa cabinet na ito, pag-alis niya saka ka lumabas.” At ipinasok niya ito
sa pangalawang compartment sa ilalim at sinarhan ang pinto.

Samantala ang nangyayari ay naririnig lamang ni Cadi na nasa loob ng isang


compartment ng cabinet. Pumunta uli ang babae sa pintuan upang muling tingnan
kung sino ang kumakatok, si Vizier. Sinabihan din niya ito na tanggalin ang mabigat
na damit at turban at magsuot ng mas magaan. Isinuot niya ang bughaw na damit
at ang kaniyang pulang bonnet at pati na rin ang kaniyang robang gagamitin upang
maginhawa sa pagtulog. Nagsimula na ang pakay ni Vizier, nang biglang may
kumatok. Tinanong din niya kung sino ito at sinabi ng babae na ito ay ang kaniyang
asawa. Nalito ang lalaki at nagtanong kung ano ang kaniyang dapat gawin kaya’t
sinabi sa kaniyang magtago sa loob ng cabinet sa ikatlong compartment. Tulad ng
nauna, isinara rin niya ang pinto ng cabinet.

Pumunta siya sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok. Ito ay ang hari. Pagkatapos
na imungkahi nito ang pagpapalit ng damit, maya-maya pa nagkakapalagayang loob
na sila. Sinimulang gawin ng hari ang kaniyang ninanais. Nakiusap ang babae na
tumigil muna at nangakong paliligayahin niya ito sa silid pagkatapos ng kaniyang
sasabihin. “Kahit ano ang iyong kahilingan,” sagot niya. “Alisin mo ang iyong roba
at turban.” Mahal ang kaniyang damit. Nagkakahalaga ito ng isang libong dinaryo.
Nang alisin niya ito, ipinalit ang roba na nagkakahalaga ng sampung dinaryo
lamang. Ang lahat ng kanilang pinag-uusapan ay naririnig lamang ng tatlong
lalaking nakatago sa tatlong compartment ng cabinet subalit hindi sila

17
makapagsalita. Nang simulan ng hari ang kaniyang nais sa babae, sinabi niya,
“Mayroon sana akong ipakikiusap sa iyo.” Habang sila’y nag-uusap, may kumatok
muli sa pintuan. Tinanong nito kung sino ang kumakatok. Muli niyang sinabi na ito
ang kaniyang asawa. Sinabi nito na paalisin ang asawa o siya, ang hari, ang
magpapaalis dito. Subalit sinabi niya na maging matiyaga. Kaya’t pinapasok niya ito
sa pang-apat na compartment ng cabinet. At isinara ang pinto.

Lumabas siya upang patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero. Tinanong ng
babae. “Anong klaseng cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong masama sa
ginawa ko?” Sumagot siya, “Masyadong makipot ang ibabaw na compartment.”
“Hindi.” “Anong hindi?” Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.”
Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng
babae.

Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya. Agad namang pinalaya ang
kaniyang mangingibig. Hindi nila malaman ang kanilang gagawin. Napagpasiyahan
nilang magpakalayo-layo at lumipat ng syudad sapagkat hindi na sila
makapananatili sa lugar na iyon. Gumayak sila at tumakas sakay ng isang kamelyo.

Samantala, nanatili ang limang lalaking nakakulong sa compartment ng cabinet. Sa


loob ng tatlong araw na walang pagkain at walang tubig. Hindi nakatiis ang
karpintero, kinatok niya ang compartment ng hari, kinatok naman ng hari ang
compartment ni Vizier, kinatok naman ni Vizier ang compartment ng pulis at ng
pulis sa compartment ni Cadi. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing bakit ba sila
nagsasakitan gayong lahat naman sila ay nakakulong. Nagkarinigan silang lima.
Napagtanto nila na sila ay napagkaisahan ng babae. At habang sila-sila ay
nagkukuwentuhan ng mga pangyayari, nagtataka ang kanilang mga kapitbahay
sapagkat may ingay ay wala naman silang makitang tao sa loob. Kaya’t
napagpasyahan nilang wasakin ang pinto at pasukin ang bahay.

Nakita nila ang cabinet na yari sa kahoy. Nakarinig sila ng nagsasalita kaya’t
tinanong nila kung may genie sa loob nito. Sinabi ng isa na sunugin ang cabinet.
Sumigaw ang Cadi na huwag silang sunugin. Nagkunwari siyang genie, nagsalita ng
mensahe galing sa Qur’an. Pinalapit nito ang mga tao sa cabinet.

Lumapit sila sa cabinet at nagsimulang magsalaysay ang mga nakakulong. Tinanong


nila kung sinong may kagagawan ng lahat ng ito. Ikinuwento nila lahat-lahat nang
nangyari. Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na
lamang sila. Lumabas sila ng bahay na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang
di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.

18
Isaisip

Lawakan ang Pag-iisip

Isa sa mga sangkap ng nobela ay ang tunggalian, ito ay ang


gusot o buhol- ang salik na naglalarawan kung ano ang
sagabal na haharapin o kababakahin ng pangunahing
tauhan sa kanyang layunin.

Heto ang ilan sa mga uri ng tunggalian na maaari ninyong


makita at marahil nakita ninyo sa akdang binasa.
Tunggaliang Panloob
Mga uri ng Tunggalian a. Mismong sariling
prinsipyo at
1. Pisikal (Tao laban sa paniniwala na ang
Kalikasan) kanyang kinakalaban.
2. Panlipunan (Tao laban b. May malaking
sa Tao) kaugnayan ito sa
3. Panloob o Sikolohikal kanyang pagtitimbang
(Tao laban sa Sarili) – sa mga pangyayari.
masasalamin dito ang c. Karaniwang problema
dalawang magkasalungat ng tauhan kung ano
na hangad o pananaw ng ang pipiliin – ang tama
iisang tao. o mali.
d. Ang tao lamang ang
Halimbawa ng Tunggaliang Panloob makakaresolba ng
Sa paaralan, nais mong humabol bilang kanyang suliranin
president ng SSG o magpokus na lang batay sa desisyong
sa academics. pinili.
Sa pamilya, kung kanino ba papanig sa
dalawang nagbabangayang kapamilya.

Paano kaya kung …


Ikaw ang lumugar sa pwesto ng babae sa kwento, anong gagawin mo kung
iniwan ka nang asawa mo?
a. Hihintayin ko siya dahil
________________________________________________
b. Maghahanap ako ng iba sapagkat
______________________________________
Ikaw ay isa sa mga lalaking naloko sa kwento, anong gagawin mo kapag
humingi ng tulong sa iyo ang babae?
a. Tutulungan ko siya nang walang kapalit dahil
______________________
b. Tutulungan ko siya ngunit
_____________________________________________
c. Hindi ko siya tutulungan dahil
_________________________________________
19
Isagawa

Subukan natin ‘to!

Bawat tao ay may mga katunggali sa buhay. Alamin kung


ano ang mga kalabang iyong maaaring makaharap. Kung
ito ba ay dulot ng lipunan, ng kalikasan o mismo ng sarili.
Anuman iyan, nasa iyo ang solusyon!

Kaya nandito ang mga gawain na dapat mong


masolusyunan. Subukan ang iyong sarili at lagpasan ang
mga hamon na ito.

GAWAIN I: PAGBUBUO

a. Ilahad ang akdang nabasa sa pamamagitan ng paggamit ng yugtu-


yugtong pagbuo o Episodic Organizer.

Simula

Kaugnay ng mga ideya (Panimula)


Gitna

Kaugnay ng mga ideya (Mga Gawain)


Wakas

Kaugnay ng mga ideya (Pagbibigay ng


mga solusyon sa tunggalian)

b. Bumuo ng pictomap sa panlilinlang ng pangunahing tauhan sa limang lalaki


na hiningan niya ng tulong.

1 2 3

4 5

20
GAWAIN 2: PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT

Ipamalas ang kakayahan sa pagpapasya sa tuwing may mga bagay na gumugulo sa


isipan sa pamamagitan ng pagsulat ng SA o pagsang-ayon at SL o pagsalungat sa
mga naging desisyon ng pangunahing tauhan sa akdang “Isang libo’t isang gabi”.

_______ 1. Humingi pa nang tulong sa iba kahit na mayroon ng kasiguraduhan ang


paglaya ng minamahal sa kamay ng hepe ng pulisya o ng hari.
_______ 2. Umibig sa ibang lalaki dahil ang kanyang nakaisang dibdib ay matagal ng
hindi umuuwi.
_______ 3. Nagpakalayu – layo sila upang hindi na masundan o makita pa ng mga
taong niloko niya.
_______ 4. Nagpanggap bilang kapatid ng lalaking mahal upang maakit ang mga
taong hihingan niya ng tulong.
_______ 5. Ginawa ang lahat upang mailabas sa kulungan ang lalaking kaniyang
minamahal.

BATID KO!
Mahirap sang-ayunan o salungatan ang mga bagay na
ginawa ng isang tao sa kanyang buhay. Batid nating
ito’y kanyang tinimbang at pinag-isipan anuman ang
maaaring kalabasan. Gaya din natin siya na
nakikipagtunggali sa ating mga sarili kung ano ang
pipiliin.
Paano kung mapunta ka sa kanyang sitwasyon, ano
ang iyong gagawin? Tignan nga natin…

GAWAIN 3: TAO LABAN SA SARILI

A. Gamit ang isang dayagram, maglahad ng mga suliraning iyong


nasumpungan sa bawat aspetong nakapaloob sa kahon.

Pamilya Pag-ibig

Ikaw

Paaralan Pagkatao

21
B. Mula sa Gawain 3.A, pumili ng (2) dalawang aspeto, (ito’y maaaring
suliranin sa pamilya, paaralan, pag-ibig o pagkatao). Gawin ang
ang organizational chart sa ibaba at punan ang mga kinakailangang
detalye.

Ikaw

Unang Napili Ikalawang Napili

Naglalabanang ideya o sitwasyon Naglalabanang ideya o sitwasyon

Solusyon o Solusyon o
desiyong ginawa desiyong ginawa

DAGDAG DUNONG

Binabati kita sa iyong nagawa… nalagpasan


mo ang bahaging ito.
Narito pa ang ilang mga impormasyon na
kailangan mong mabatid.
Ang Nobela ay tinatawag ding
kathambuhay. Ito ay nagsasalaysay ng higit
na malawak kaysa sa maikling kwento.
Narito ang buod ng isang nobelang tauhan
na nagpapakita ng katha ng buhay ng
pangunahing tauhan. Maglayag sa kwento
ng magkaibigang Nena at Neneng

22
KASAYSAYAN NG MAGKAIBIGANG NENA AT NENENG
(Bahagi ng Nobela)
Ikatlong Pagbasa Nobela ng Tauhan

Isinulat ni Valeriano Hernandez Pena


MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI:

1. Si NENA at NENENG ay matalik na magkaibigang dalaga na parang kapatid na


ang tratuhan.

2. Ang unang pagsubok sa pagkakaibigan ay nagsimula nang magkaroon ng tinginan


sina Nena at ang kilalang babaero't mapaglaro sa damdamin na si Miguel-
sinumbong ni Neneng kay Aling Anday, pinarusahan nito si Nena, at sa gitna ng
paghuhumigpit ng ale, hiningi ni Miguel ang kamay ni Nena.

3. Muling nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa nang maipakita ni Neneng kay


Nena na magkasama sina Miguel at Chayong.

4. Si CHAYONG ay may dalawang lalaking kinaguguluhan sa buhay- si Miguel na


naiipit sa dalawang dalaga, at ang pinsan nitong si Narciso na mas pabor sa pamilya
ni Chayong, matino't matalino, at saka dati nang minahal ni Chayong.

5. Ang kuwento'y lumalim lalo nang nagkaroon ng malalim na pagtitinginan sina


Neneng at Narciso habang pinagtapat naman ni Miguel kay Chayong na wala na sila
ni Nena.

6. Lalo pang lumalim ito nang mamatay ang asawa ni Aling Anday kung kaya't
nagkahiwalay ang magkaibigan.

7. At sunud-sunuran ang mga pangyayaring naganap na sila ring nagbago ng


direksyon ng buhay nilang lahat.

8. Lumalim ang pagkakaibigan tungo sa pagmamahalan at pagpapakasal nina Nena


at Deogracias- ang kanyang kalaro't parang kapatid sa lalawigan noong lumalaki pa
sila.

9. Ganun din halos para kina Narciso't Neneng- sa pagkikilala ni Narciso kay Pepe
hanggang sa matamis na pagdedeklara ng mga nararamdaman para sa isa't isa.

10. Ang kina Miguel at Chayong nama'y nauwi sa bigo.

11. Nagtanan ang dalawa, nawalan ng puri si Chayong, nadiskubre sila ng magulang
ng babae, pinaghiwalay, at nang nalamang buntis ang anak, pinakulong sa bilibid
si Miguel.

23
12. Nalaman ni Miguel kay Narciso ang tungkol sa anak nitong Narciso rin ang
ngalan, ngunit di na ito nakapagsilbi bilang ama ng sanggol nang siya'y mamatay sa
bilangguan.

13. Sa kabilang panig naman ng kwento'y muling sinasamahan ang dalawang pares
na sina Nena't Deogracias at sina Neneng at Narciso- mula sa pagbisita ng mga taga-
lalawigan sa Maynila na ikinasaya ng dalawang dalaga't dito binalita ang
mangyayaring pag-iisang dibdib nina Nena't Deogracias at ang kasal nila sa Bulacan,
hanggang sa mga pagsubok sa relasyon nina Neneng at Narciso nang tumakas sila
galing sa Misa de Gallo, at nang malaman ni Neneng ang pagbibisita ni Narciso kay
Chayong sabay pagtanto sa mga maliliit na kasinungalingan ni Narciso.

14. Lumbay muli ang napupuna kay Chayong na sawi sa pag-ibig hindi lamang kay
Miguel kundi na rin kay Narciso, at ngayo'y may alaga pang sanggol.

15. Natatapos ang kwento niya sa paglalayas mula sa malulupit na magulang at sa


tuluyang pagkasawi nang ikasal na si Narciso.

16. At ang kwento naman nila Neneng at Narciso’y mas-hihigit pa bilang trahedya
nang ang kaguluha’y magsimula sa isang liham mula kay Isko na siyang isang
munting taga-hanga na may pagtingin kay Neneng noong kasal pa ni Nena sa
Bulacan.

17. Datapwat nakasal na ang dalawa’y di nagtagal bago magulo ni Isko sa


pamamagitan ng mga liham at pagkulit sa kanila ang kanilang pagiging mag-asawa.

18. Dahan-dahan na rin pumasok ang samu’t saring mga tanong at duda sa noong
una’y masayang pag-iisang dibdib.

19. At dahil sa liham na rin, umalis si Narciso dahil sa kanyang isipa’y hindi na tapat
ang pagibig ni Neneng sa kanya, na naging sanhi na rin ng pagkasakit na malubha
ni Neneng.

20. Nang makumpleto na ang mga huling habilin at nasabi na sa kaibigan ang mga
lihim na tira’y hindi na nagtagal ay pumanaw si Neneng, at nang malaman na ito ni
Narciso na nais na sanang makipagbalikan kay Neneng ay hindi nagtagal siya din
ay namatay.

24
Tayahin

Saktong Sakto!

Lahat tayo ay may kani-kaniyang tala o katha sa buhay,


maganda man ito o punung puno ng sigalot… atin itong
nalalampasan.

Gaya na lamang ng mga gawaing inihanda para sa’yo.


Tahakin, harapin at lagpasan upang matanto kung tunay
ang iyong natutuhan.

GAWAIN 1: INDIBIDWAL NA GAWAIN


a. Gamit ang Basic Story Frame, ibuod ang nabasang akda.

Pamagat: _________________________________________________
Nagsimula ng kwento nang: _________________________________________
Pagkatapos nito: _________________________________________________
Sumunod dito: _________________________________________________
Bukod pa rito: _________________________________________________
Nalutas ang suliranin nang: ________________________________________
Naging wakas ng kwento: ___________________________________________

b. Ilarawan ang mga karakter o tauhan sa kwento batay sa mga pahiwatig


na ipinakita nila sa kwento. Gamitin ang character webbing.

Nena

Neneng

Miguel

Chayong

Narciso

25
Karagdagang Gawain

GAWAIN 1: INDIBIDWAL NA GAWAIN

a. Hanapin sa Hanay B ang interpretasyon ng mga pahiwatig na nasa


Hanay A. Isulat ang sagot sa guhit bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
____ 1. Ninais hingin ni Miguel ang kamay ni a. nalaman ang lihim na
Nena mula kay aling Anday pagtatagpo nina Chayong at
Narciso
____ 2. Sinumbong ni Neneng si Nena dahil b. mas higit ang pagkakaibigan
batid nitong babaero si Miguel kaysa sa pag-ibig
____ 3. Napatanto ni Nena ang maliliit na c. hihingi ng tawad sa nagawa
kasinungalingan ni Narciso kahit sa huling sandali
____ 4. Pinangalanan ni Chayong ang d. pakakasalan ang dalaga
kanyang anak na Narciso
____ 5. Sinaktan ni Aling Anday si Nena ng e. hindi naging maganda ang
malaman ang pag-ibig nito kay Miguel pagsasama
____ 6. Ang pag-iibigang Miguel at Chayong ay f. ayaw mapariwara ang kaibigan
nauwi sa kabiguan
____ 7. Muling nanumbalik ang g. walang inang nananising
pagkakaibigan nina Nena at Neneng noong mapunta sa maling lalaki ang anak
ipinakita ni Neneng kay Nena na magkasama
sina Chayong at Miguel
____ 8. Ninais balikan ni Narciso si Neneng ng h. may pagmamahal pa si Chayong
malaman na malapit na itong mamatay kay Narciso

DAGDAG DUNONG

Ang bawat akda ay may mga pahiwatig na nilalaman.


Marapat lamang na mabigyan natin ito ng mas malalim
na interpretasyon upang lubos na maunawaan.

Sa paggawa nito, kailangangang isalang-alang ang


dalawang pag-unawa- ang literal na pag-unawa o
pagbibigay ng interpretasyon.

Halika’t subukin ang iyong sarili sa pagbibigay ng literal


at malalim na interpretasyon.

26
GAWAIN 2: INTERPRETASYON – (Paggawa ng Sanaysay)

a. Tukuyin ang pahiwatig na ipinapakita ng mga sumusunod na larawan


at pumili ng dalawa (2) sa mga larawan na gagawan ng sanaysay.

PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


4 -5 puntos 2 - 3 puntos 1 punto
PAMANTAYAN
Lubhang malinaw at May naipahayag na Walang mainam
maayos ang kaisipang 2 hanggang 3 na kaisipang
PAKSA naipahayag. May 4 o higit kaisipan ang ipinahayag
pang kaisipan ang nabanggit tungkol tungkol sa
nabanggit tungkol sa sa paksa. paksa.
paksa.
Maayos na maayos ang Maayos ang Walang
kaisahan ng mga pahayag kaisahan ng mga kaayusan ang
NILALAMAN at kaisipan na may pang- pahayag at mga pahayag na
akit na lalim na kaisipan na may nakapaloob sa
interpretasyon pang-akit na literal sanaysay
na interpretasyon
Nasundan ng tama ang Nasundan ang mga Walang sapat na
ORGANISASYON lahat ng mga dapat pamantayan nang katibayan ng
isaalang alang sa pagsulat may kaunting pagsunod sa
ng sanaysay kakulangan pamantayan

27
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN SURIIN

Kilalanin natin!
A. Panimulang Pagtataya
A. Pagbibigay katangian
1. B gamit ang semantic web
2. A
3. D
– Ang mag-aaral ay gagawing
4. B
5. D
basehan ang mga nakitang
katangian sa pangunahing
B. Pagpapalawig ng mga tauhan sa nobelang
Talasalitaan napakinggan.

1. E B. (Pangkatang Gawain) Pag-


2. A uugnay sa larawan
3. B
4. C - Ang bawat larawan ay mag
5. D kaugnayan sa mga gawi at
6. I pag-uugali na ipinakita ng
7. H mga tauhan sa kwentong
8. F napakinggan. Ang aspetong
iyon ang magiging basehan
C. Pagtukoy sa ng mag-aaral upang makuha
ipinapahiwatig ang konseptong ito.

1. Katotohanan Gawain 2: Storyline Profile


2. Katotohanan
3. Kabutihan - Ilalahad ng mag-aaral kung
4. Kagandahan anong bahagi sa kwentong
5. Kabutihan napakinggan ang
6. Katotohanan nagpapakita ng kabutihan,
7. kagandahan katotohanan at kagandahan.

28
SUBUKIN ISAISIP

Pupunan ng mag-aaral ang


Gawain 1: Mangatwiran Ka! desisyon na maaari niyang
gawin ukol sa sitwasyong
- Madali lamang masagutan binigay ng guro.
ng mag-aaral ang Gawain na
ito basta sundan lamang ang ISAGAWA
itinakdang pattern na ang
unang salita sa gagawing Gawain 1:
sagot ay nagsisimula sa mga
a. Pagbubuo
letrang A-R-O-G-A-N-T-E.
- Gamit ang Episodic Organizer,
ilalahad ng mag-aaral ang
Gawain 2: Pares, isyu at akdang nabasa
katwiran b. Pictomap

- Debate ang puntong ito, Gawain 2:


pipili lamang sila ng isa sa
limang binigay na isyu ng 1. SA
guro at kanilang 2. SL
pagdedebatihan 3. SA
4. SL
5. SA
Gawain 3: Makatwiran o ‘di
makatwiran Gawain 3:

- ang sagot dito ay A. Tutukuyin ng mag-aaral ang


papaliwanag pa ng mag- mga suliranin na nasumpungan
niya sa apat na aspetong
aaral. Ibig sabihin maaaring
ibinigay ng guro
iba iba sila ng punto sa
pinag-uusapan B. Mula roon ay gagawa siya ng
organizational chart upang
lalong malaman kung bakit iyon
ang kanyang natukoy.

29
TAYAHIN KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 1: Basic Story Frame Gawain 1: Paghahanay

Pamagat: Ang kasaysayan ng


1. D
magkaibigang Nena at Neneng
Nagsimula ang kwento nang: 2. F
inilahad ang pagkakaibigan 3. A
nina Nena at Neneng 4. H
Pagkatapos nito: ay nagkaroon 5. G
ng lamat dahil sa 6. E
pagmamalasakit ni Neneng sa 7. B
kaibigan kaya nagsumbong ito 8. C
kay Aling Anday
Sumunod dito: ay hiningi ni
Miguel ang kamay ni Nena para Gawain 2: Pagsulat ng
pakasalan Sanaysay
Bukod pa rito: ay tutol pa rin Unang Larawan –
si Neneng dahil alam niya ang ipinapahiwatig ang masamang
kalokohan ni Miguel sa babaeng dulot ng pagpuputol ng mga
nagngangalang Chayong punongkahoy sa kagubatan na
Nalutas ang suliranin nang: nagiging sanhi ng pagbaha at
nagkaroon na nang ibang pagguho ng lupa.
mahal si Nena at umibig rin sa
Neneng kay Narciso. Ikalawang Larawan – Maraming
Naging wakas ng kwento: ay masamang dulot ang maling
ang kamatayan ni Neneng dahil pangingisda gaya ng paggamit
sa ang nobela ay isang ng dinamita dahil
trahedya. nakakabahala ito sa kalagayan
ng mga lamang dagat.
Gawain 2: Character webbing Ikatlong Larawan – Maraming
karamdaman ang maaaring
Nena – Mapagmahal makuha sa paninigarilyo. Taon
Neneng – Tapat sa kaibigan taon marami ang namamatay
Miguel – Babaero dahil sa sakit sa baga.
Chayong – Marupok
Narciso – Matalino at edukado

30
Sanggunian

Heto ‘yon!

Ang mga bagay na nangyayari sa mundo ay mayroong mga


basehan. Maaaring ito ay kusang ginamit o bigla na lamang
naiugnay sa konsepto na pina-uusapan. Hayaan ninyong
ilahad ko sa inyo isa isa ang mga naging sanggunian ko
upang matapos ang modyul na ito.

Mga sangguniang ginawa kong basehan para makapaghatid


ng de kalidad na edukasyon gamit ito.

Arrogante, Jose A. et.al1991) Panitikang Filipino, Pampanahong


Elektroniko, National Bookstore, Inc.

Bilasano, Jose B. (2017). Ang BATIKAN Bolyum XXI. Blg.1. Quezon City:
Educational Resources Corporation

Bilasano, Jose B. (2004). Ang BATIKAN Bolyum XII. Blg.1. Quezon City:
Educational Resources Corporation

Lachica, Veneranda S. (1996) Komunikasyon at Linggwistika

Liwanag, Elvira R. (2010) Yaman ng Pamana IV Ikalawang Edisyon

Panitikang Asyano, Modyul ng mga Mag-aaral sa Filipino

MGA AKLAT

http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/isang-libot-isang-gabi.html

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/isang-libot-isang-gabigrade-9-aralin-
35

https://www.slideshare.net/lovelycentizas/limang-elemento-ng-nobela

https://www.scribd.com/document/327814385/Uri-Ng-Nobela

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/04/rubric-sa-pagtatalodebate.html

INTERNET SITES

31

You might also like