You are on page 1of 26

UNA – IKALAWANG LINGGO

YUNIT 1: PANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO (PABULA, EPIKO, DULA,


KUWENTONG BAYAN
AT MAIKLING KUWENTO)

INTRODUKSYON
Magandang araw! Ikaw, bilang mag-aaral, ay susubukin ang determinasyon, pagsisikap,
pasensya at lakas ng loob na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng malaking pagbabago sa
panahon natin ngayon. Hindi magiging biro ang mga pagsubok na pagdadaanan mo sa panahong ito
dahil sa pagkakaroon natin ng “new normal”. Kung noon ay nakakasama mo ang iyong mga kapwa
mag-aaral sa isang silid-aralan, ngayon ay sa bahay ka na lang kasama ang iyong pamilya para
matuto. Kung noon ay nakikipagkuwentuhan ka pa nang masinsinan sa iyong mga kaibigan, ngayon
ay sa cellphone mo na lang muna sila makakausap. Kung noon, kasama mo ang iyong mga guro
upang mabilisang matutuhan ang mga dapat pag-aralan, ngayon pamilya mo ang mas makatutulong
sa’yo ngunit huwag mong isiping hahayaan ka na ng iyong mga gurong mag-isang matuto.
Bagaman, ang Mindanao ay ang pinakatahanan ng mga Muslim at Allah ang tawag sa
kanilang Diyos, di maitatangging Pilipino pa rin sila. Magkaiba man ng paniniwala ang
Muslim at Kristiyano ay mahalin natin ang mga kapwa natin sa Mindanao. Magkaisa tayo
tulad ng nakasaad sa aklat ng 1 Pedro 1:22 na nagsasabing “Yamang nilinis ninyo ang mga
kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pag-ibig na hindi pakunwari sa mga
kapatid ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa’t isa.”
Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na naging bahagi na ng kamalayang
Pilipino ngunit hindi ganap ang pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa.
Maraming bagay pa ukol sa Mindanao ang hindi batid ng marami: kasaysayan, kultura at
panitikan. At ang modyul na ito ang magtuturo sa iyo ng mga bagay na iyan. Sa pag-aaral ng
mga panitikang Mindanaoan, inaasahang higit mong mauunawaan at mapahahalagahan ang
iyong pagka-Pilipino.

PAGPAPAHALAGA: PAGSUNOD SA MGA UTOS NG DIYOS AT PANANALIG SA BANAL NA ESPIRITU

Mahahalagang Katanungan
Bago matapos ang modyul na ito, upang lubos na masukat ang iyong pagkakaunawa, ikaw
ay inaasahang bigyang-kasagutan ang mga sumusunod na mahahalagang katanungan:
1. Papaano magiging makabuluhan para sa mga Pilipino na pag-aralan ang mga panitikan
ng Mindanao bilang bahagi ng panitikang Pilipino?
2. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino na alamin at makialam sa usapin ng Mindanao?

1
UNA – IKALAWANG LINGGO
Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Sa buong markahang ito, ikaw ay inaasahang matamo ang mga sumusunod na
layunin:
 F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
 F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga posibilidad
 F7PN-Ic-d-2 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa
 F7PB-Id-e-3 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 F7PS-Id-e-4 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan*
 F7WG-If-g-4 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang
araw, samantala), at sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay, talaga, pero/
subalit, at iba pa)
 F7PB-Ih-i-5 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan
 F7PN-Ij-6 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang
mga pahayag
 F7PB-Ij-6 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo
(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)
 F7PT-Ij-6 Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo
(halimbawa ang paggamit ng akronim sa promosyon)
 F7WG-Ij-6 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo

PANIMULANG PAGTATAYA
Panahon na upang tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong. Sagutin ang lahat ng
aytem. Pagkatapos masagutan at maiwasto ang mga ito, isaalang-alang ang mga naging kamalian at
tuklasin ang tamang sagot sa mga ito habang pinag- aaralan ang modyul.
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Paano sinasalamin sa epiko ang tradisyong Mindanao?
a. Patunay ito na marahas ang mga mamamayan sa Mindanao.
b. Nakakatakot ang Mindanao dahil maraming halimaw na kumakain ng tao.
c. Ipinapakita nito ang kasanayan ng mga taga-Mindanao sa pakikidigma.
d. Noong unang panahon, pinamamahayan ng maraming halimaw sa Mindanao.
2
UNA – IKALAWANG LINGGO
2. Alin sa sumusunod ang pangungusap na walang tiyak na paksa?
a. Nagpunta siya sa palasyo. b. Uulan na naman?
c. Maraming tao ang umasa. d. Ako ay mamamasyal.
3. Ano ang mahalagang kaisipan ng teksto sa ibaba?
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga
asawa ni Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging
magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ding maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang at
nagsimula itong magdadadamba hanggang sa ito’y mahulog sa kaserola at magkulay pula
ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di
sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at siya’y naluto rin.
a. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
b. Walang nakaaabot sa dulo ng buhay nang buhay.
c. Ikaw rin ang maaapektuhan ng sarili mong kabuktutan.
d. Sa anumang problema, higit na nakagagaan kung may kasama.
4. Ano ang katangian ng ahas sa kanyang pahayag?
“Tinalo mo ako, kaibigan! Paanong nangyari iyon?” tanong ng ahas sa pagong.
a. mapagduda b. mapagkumbaba c. mayabang d. mandarambong
5. Alin sa sumusunod ang lohikal na takbo ng mga pangyayari sa ibaba?
1) Hinigpitan ng putakti ang kanyang sinturon dahil sa gutom.
2) Hiniling ng putakti sa kanyang mga asawa na dalhan siya ng pagkain sa bukid.
3) May dalawang asawa ang putakti.
4) Nagsawa nang magdala ng pagkain ang mga asawa ng putakti.
a. 1-2-3-4 b. 3-2-4-1 c. 4-1-3-2 d. 2-1-4-3
6. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula sa Mindanao kaugnay sa
pag-unawa sa mga Mindanaoan?
a. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas
b. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga taga-Mindanao
c. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalalathala sa kasalukuyan
d. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa Mindanao.
7. Paano sinasalamin ng panitikan ng Mindanao ang kahalagahan ng kababaihan?
a. Inilalahad nito ang uri ng pamumuhay mayroon noon ang mga taga- Mindanao.
b. Mababatid na nagiging biktima ng digmaan ang mga babae.
c. May papel na ginagampanan ang kababaihan sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.
d. Hindi nabibigyang-tuon ng kababaihan dahil pulos lalake ang namamagitan sa iba’t ibang
usapin sa Mindanao.
8. Bakit kailangang makialam sa usapin ng Mindanao ang mga Pilipino?

3
UNA – IKALAWANG LINGGO
a. Nakaaapekto ang Mindanao sa turismo at ekonomiya ng bansa.
b. Makikilala nila ang kanilang sarili bilang salik ng pag-unlad ng Mindanao.
c. Matututuhan nila ang iba’t ibang kultura ng Mindanao.
d. Mapayayaman ang kanilang kaalaman ukol sa Mindanao.
9. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang Mindanao?
a. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao.
b. Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao.
c. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao.
d. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.*
10. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Mindanao?
a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan.
b. May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito.
c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao.*
d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao.
11. Alin sa mga sumusunod na katangian ng isang sulatin ang higit na makatutulong sa pagtamo
ng mambabasa ukol sa mga tunguhing panturismo sa Mindanao?
a. Ang mga inilahad na impormasyon ay may sapat na sakop na nilalaman.
b. Nakalapaglalahad ng maraming impormasyon.
c. Gumamit ng matatalinhagang pagpapahayag.
d. Malikhain ang pagkakasulat sa simula at wakas ng sanaysay.

12. Ikaw ay susulat ng iyong sariling akdang pampanitikan para sa isang online na patimpalak
sa pagsulat. Ano ang dapat na isaalang-alang mo upang maging matagumpay ang iyong
pagsulat?
a. Dapat maging malikhain sa iyong pagsusulat.
b. Magbasa ng ibang panitikan para maging huwaran.
c. Alamin ang mga panuntunan at pamantayan sa paghusga.
d. Isakatuparan ang pagiging malaya sa lahat ng pagkakataon.
13. Paano higit na mapababatid sa mga mambabasa ang kaisipan o diwa ng isang isinusulat na
akdang pampanitikan?
a. Dapat malikhain ang pagkasulat.
b. May sapat na kakayahang pangwika ang manunulat.
c. Tumutugon sa tema o paksa ng panitikan.
d. Gumagamit ng matatalinhagang pagpapahayag.
14. Paano makikintal sa susunod na henerasyon ang kakintalan ng kultura at buhay ng mga
Pilipino sa Mindanao?
a. Isulat ang mga ito bilang pagdodokumento.

4
UNA – IKALAWANG LINGGO
b. Ipasa ito bilang isang buhay na tradisyon.
c. Manaliksik ukol sa kakintalan ng lahi.
d. Pagbisita sa mga museo at cultural heritage sites.
15. Paano mo higit na mahihikayat na mamasyal sa Mindanao ang maraming tao nang mamalas
nila ang kagandahan at pag-unlad ng mga bayan sa Mindanao?
a. Bumuo ng mga sulating naglalarawan sa isang lungsod sa Mindanao.
b. Sumulat ng online travelogue na nagpapakita ng mga larawan ukol sa sariling
karanasan sa pagbisita sa Mindanao.
c. Ikuwento sa mga kaibigan ang magagandang tanawing napasyalan sa Mindanao.
d. Gumawa ng scrapbook ng mga larawan ng pagpasyal sa isang lungsod sa Mindanao.

ARALIN 1: PANITIKAN: LALAPINDIGOWA-I: Kung Bakit Maliit Ang Beywang Ng


Putakti (Pabula)
WIKA: EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD (Wika)

Isang masayang pagbati! Ito ang unang modyul sa Filipino sa ikapitong baitang. Sisimulan mo ang
modyul na ito sa pagsuri sa sariling pananaw at kaalaman ukol sa katimugang bahaging Pilipinas–

5
UNA – IKALAWANG LINGGO
ang Mindanao. Bago tayo magsimula sa ating aralin patungkol sa pabula, narito ang isang berso
mula sa aklat ng 1 Pedro 3:8 na nagsasabing “ Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang
akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga
mapagkumbabang pag-iisip.” Maging gabay sana ang bersong ito sa iyong pagkatuto na tayong
lahat ay magkakapatid at may tungkulin sa bawat isa. Matutuklasan mo sa mga aralin na ito ang
kultura at paniniwala ng Mindanao. Iba man ang kanilang paniniwala subalit kagaya mo, sila ay
minahal ng Diyos.
MGA LAYUNIN:
F7PN-la-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinanggalingan ng
kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
F7WG-la-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga posibilidad
F7PB-Id-e-3 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

PAGTUKLAS
Gawain 1: Impression Web
PANUTO: Ilahad ang iyong impresyon sa Mindanao sa pamamagitan sa pagpuno sa apat na kahong
maglalaman ng iyong pagtingin o pagkilala ukol sa Mindanao. Isulat ang sagot sa inihandang
grapikong pantulong.

PERSEPSYON/OPINYON
MAGANDANG ASPEKTO

MINDANAO
MGA PANGAMBA/TAKOT

PANINIWALA

6
UNA – IKALAWANG LINGGO
Ngayon naman, sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Paano mo nabatid ang mga kaalamang mayroon ka tungkol sa Mindanao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Ano ang sanhi ng iyong pangamba o takot ukol sa Mindanao? Ano ang nakasaad sa Bibliya para sa
mga taong nakadarama nito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Anong berso mula sa Bibliya ang maaaring iugnay sa salitang kapayapaan para sa mga taga-
Mindanao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Bilang isang Pilipino, bakit kailangang makialam ka sa usaping pangkaunlaran at pangkapayaan sa
Mindanao?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mahusay! Talagang napakasipag mong mag-aral. Kitang-kita sa


pamamagitan nang iyong pagsagot sa bahaging ito na determinado kang
matuto sa araling ito. Ipagpatuloy mo iyan.
Ngayon, humanda ka sa pagsagot sa susunod na gawain.

Gawain 2: KWHL Chart


PANUTO: Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa kaugalian ng mga
mamamayan sa Mindanao. Punan ng impormasyon ang bahaging K, W at H lamang.
K W H L
Anong pag-uugali ng Anong pag-uugali ng Paano ko malalaman Ano ang mga
mga mamamayan sa mga mamamayan sa o mapatutunayan ang nalaman o natutuhan
Mindanao ang aking Mindanao ang gusto pag-uugali ng mga ko ukol sa pag-uugali
alam? kong malaman o mamamayan sa ng mga mamamayan
patunayan? Mindanao? sa Mindanao?

7
UNA – IKALAWANG LINGGO

Kahanga-hanga ang ipinakita mong kahusayan sa pagsagot. Nasubok mo ang


iyong kakayahan sa pagpapahayag ng iyong saloobin at opinyon kaugnay ng
Mindanao at inilahad mo rin ang iyong kaalaman tungkol sa mga pag-uugaling
Mindanaoan. Upang higit mong makilala at makintal ang kamalayan tungkol sa
Mindanao sa mga akda nito.
Dumako na tayo sa susunod na gawain.

PAGLINANG

Gawain 3: Tapatan ng mga Hayop


PANUTO: Tukuyin kung aling pares ng mga hayop ang maaaring magkasundo o magkalamangan. Sa
mga patlang sa ibabaw ng bawat pares na larawan, ilagay ang simbolong = kung sa palagay mo ay
magkakasundo ang dalawang hayop; > naman kung malalamangan ng hayop sa unang larawan ang
hayop sa pangalawang larawan; at < kung sa palagay mo ay malalamangan ng hayop sa ikalawang
larawan ang hayop sa unang larawan.

8
UNA – IKALAWANG LINGGO

Ngayon naman, sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.


1. Sa anong araw nilikha ng Diyos ang mga hayop? Ilahad ang berso mula sa Bibliya bilang patunay.

2. Ano ang iyong naging batayan sa pagkilala kung aling pares ang maaaring magkasundo o
magkalamangan? Ipaliwanag.

3. Paano mo nakikita ang lamangan sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit?

4. Paano mo nakikita ang pagkakasundo sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit?

Mahusay! Nasagot mong lahat ang mga tanong ayon sa iyong kakayahan. Sa bandang ito,
napahanga mo ulit ako sa iyong galing. Ipagpatuloy mo ang iyong sipag sa pagkatuto.
Sa mga gawain sa bahaging PAGLINANG, binigyang-pansin mo ang paglalamangan. Sa
bahaging ito ng modyul, makikilala mo ang kaugalian at buhay na mayroon ang mga
mamamayang Pilipino sa Mindanao sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang pabula. Sagutin

9
UNA – IKALAWANG LINGGO
mo nang buong husay ang bawat gawaing inihanda upang matamo mo ang inaasahang antas ng
pag-unawa sa aralin.

TANDAAN

PABULA AT MGA HAYOP SA PABULA


Isang malikhaing paraan ng pagsasalaysay ng isang makabuluhang karanasan ang
mga kuwentong pabula. Sa mga pabula, isinasalin ng may-akda ang katauhan, katangian, damdamin,
katalinuhan at marami pang aspekto ng pagkatao sa mga tauhang hayop o iba pang hindi taong bagay sa
mundo.
Tulad ng mga taong may iba’t ibang pinagmulan at kalikasan ngunit nagkakataong
magkadaupang palad, matutunghayan din sa pabula ang ilang interaksyon sa pagitan ng mga hayop na
maaaring magkasundo o hindi na taliwas sa iyong inaakala.

Katulad ng maraming kuwento, ang pabula ay may mga elementong tauhan, tagpuan, suliranin,
banghay at mahalagang kaisipan. Higit na napatitingkad ang kabuluhan ng pabula dahil sa mga hayop na
humahalili sa tao upang mabigyang-tuon ang isang mahalagang kaisipan o ideya.

10
UNA – IKALAWANG LINGGO
Gawain 4: Ano Ang Iyong Tingin?
Isulat sa mga kahon sa ibaba ang iyong pananaw ukol sa mga situwasyong inilahad. Sagutin nang
buong husay at tapat.

pagkakaroon ng higit sa isang asawa

pagtanggap sa pagkatalo

kasawian ng isang kaanak o kaibigan

Narito ang mga tanong na kinakailangan mong sagutan kaugnay sa mga sitwasyong nailahad sa
itaas. Ihanda ang iyong Bibliya sa pagsagot. Maligayang pagkatuto!

1. Sa unang sitwasyong nailahad sa itaas na patungkol sa pagkakaroon ng dalawang asawa, alin sa mga
utos ng Diyos ang nilabag sa ganitong paniniwala? Ilahad ang berso mula sa Bibliya.

11
UNA – IKALAWANG LINGGO
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Kung ang pag-uusapan naman ay pagkatalo, anong paalala mula sa Bibliya ang iyong maiuugnay ukol
dito? Basahin ang Deutronomio 31:6.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Ano ang napapansin mo sa mga taong nawalan ng kaanak o kaibigan? Anong berso ang iyong
maibibigay sa kanila upang maibsan ang kanilang kalungkutan at kabiguan sa buhay?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Binabati kita sa iyong husay sa pagsagot ng gawaing ito! Sa pagsagot sa


gawaing ito, nailahad o hindi lang ang iyong pananaw kundi napag-
aralan mo pa ang Bibliya. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa mga Salita
ng Diyos upang lubos kang mapalapit sa Kaniya. Maligayang pagkatuto!

Gawain 5: Talasalitaan
PANUTO: Narito ang ilang saita na dapat mong malaman dahil ito ay may kaugnayan sa araling
tatalakayin. Punan ng wastong titik ang mga blangkong kahon sa ibaba ng bawat pahayag upang
mabuo ang salitang ipinatutukoy sa bawat bilang.
1. Isang _ _ _ _ _ _ _ _ si Lalapindigowa-i dahil katutubo siya ng Lanao.
M R O

2. Nagdamba si Orang dahil hindi niya gusto ang iniuutos kaya _ _ _ _ _ _ _ _ siya.
N G B G

3. Maluwag ang kanyang pantalon, _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ niya ito gamit ang sinturon.


H N P A N

Napakagaling! Nahulaan mo ang mga salitang hinihingi sa bawat


pangungusap. Patunay iyan na handa ka na sa ating aralin.
Ngayon, ihanda ang iyong husay sa pagbabasa upang maunawaang mabuti
ang pabulang pag-aaralan at mabatid mo kung naaayon ba ang ganitong
12
UNA – IKALAWANG LINGGO
pamumuhay ng mga taga-Mindanao sa mga Utos ng Diyos. Maligayang
pagkatuto.

PANUTO: Ikaw ngayon ay magbabasa ng isang pabula mula sa Mindanao. Kapupulutan mo ito ng
magandang aral na maaaring magbunga ng pagpapahalaga sa Kultura ng Mindanao. Subalit, sa iyong
pagbabasa, isaisip na ang pabula ay isang kathang-isip lamang. Inaasahan kong hindi ito magdudulot
nang kalituhan sa iyong paniniwalang Kristiyano bagkus ay maging kasangkapan sa pagkakakilala mo
sa katotohanan sa mundo ng imahinasyon. Dito ay inaasahan kong kaya mong paghiwalayin ang totoo sa
pantasya. Maligayang pagbabasa!

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti


(Pabula ng Maranao batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale)

Si Lalapindigowa-i na isang putakti ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa,
sina Odang, isang hipon at si Orak, isang itlog. Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na
magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa
niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa
ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang
asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni
Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si
Orak ay ayaw ding maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang at nagsimula itong magdadadamba hanggang
sa ito’y mahulog sa kaserola at magkulay pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto
kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at siya’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan
ng ilang oras ng paghihintay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si
Lalapindagowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutom na gutom na
siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit
dahil batid niyang wala na siyang mga asawang magluluto para sa kanya.

Ngayon, batid mo na ang kuwento ni Putakti. Sana ay hindi mo


nakalimutan ang paalalang ito ay kathang-isip lamang ng
manunulat.

Gawain 6: Katauhan sa Tauhan

13
UNA – IKALAWANG LINGGO
PANUTO: Iguhit mo ang tatlong pangunahing tauhan ng pabulang binasa. Pagkatapos, ilarawan ang
bawat isa batay sa kanilang katangian at ugnayan sa isa’t isa.
LALAPINDIGOWA-I ORAK ODANG

Ngayon naman, sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong para sa lubos na

1. Ano ang ugnayan ni Lalapindigowa-i kina Orak at Orang?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Kumusta ang relasyon nina Orak at Orang?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Batay sa nakasulat sa Bibliyang “Huwag kang mangangaluya.” na nasa Exodo 20:14, naging
tapat ba asawa si Lalapindagowa-i? Suportahan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Sang-ayon ka ba sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Anong aral ang iyong nakuha sa pabula?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
14
UNA – IKALAWANG LINGGO

Bravo! Napakagaling mong gumuhit at mas lalong mahusay ka


sa iyong ginawang pagsagot sa mga katanungan. Talagang
ipinakita mo ang iyong determinasyong matuto. Sana ay tuloy-
tuloy na iyan.

15
UNA – IKALAWANG LINGGO
Gawain 7: SANHI AT BUNGA
PANUTO: Ngayon naman, buuhin mo ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang sanhi o bunga ng
mga sumusunod na pangyayari.
1. Si Putakti ay nagkaroon ng maliit na beywang dahil
_____________________________________________________________________________
2. Nagpasyang umuwi si Lalapindigowa-i sapagkat
_____________________________________________________________________________
3. Nahulog si Odang sa kaserola kung kaya
_____________________________________________________________________________
4. Si Orak ay di sinasadyang nasagi ang kaserola kung kaya
_____________________________________________________________________________
5. Si Orak at Odang ay parehong tumangging maghatid ng pagkain kay Lalapindigowa-i dahil
_____________________________________________________________________________

Magaling! Nasgutan mo ang mga sinundang Gawain ibigay mo rin


ang sanhi at bunga ng pangungusap. Batid mo na ang kuwento ni
Putakti at ang pamumuhay ng Maranao kaugnay rito. Pagbutihin
mo pa ang pag-aaral upang lubos mo silang makilala.

WIKA

Pagpapahayag ng Posibilidad

May mga pagkakataon na nagpapahayag tayo ng ating opinyon at nagmumungkahi o


nagbibigay-suhestiyon kaugnay ng paksa o suliraning pinaguusapan.
Sa mga pahayag na nagsasaad ng mga posibilidad bunga ng iyong mungkahi o suhestiyon o
pananaw, gumagamit tayo ng mga salitang nagpapakilala ng mga pahayag ng posibilidad.
Sa Filipino, gumagamit tayo ng pangatnig at/o pang-abay.

Ang pangatnig ay isang uri ng pang-ugnay tulad ng at, upang, kung, at iba pa. Ang pang-abay
naman ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay tulad ng talaga,
yata, opo, at marami pang iba.
Gaya ng naunang sinabi na sa pagpapahayag ng posibilidad, gumamit ng pangatnig at/o pang-
abay. Partikular ang paggamit ng pangatnig na panubali at/o pangabay na pang-agam. Suriin ang mga
halimbawa sa ibaba.
Pangatnig na Panubali – ginagamit sa pagpapahayag ng isang hindi ganap na pagkukuro; halimbawang
pangatnig kung, pag/kapag, sakali.
Halimbawa: Patatawarin kita kung hindi mo na uulitin ang iyong ginawa.
Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan ng pang-uri o pandiwa; halimbawang pang-abay
yata, baka, maaari.
Halimbawa: Magdala ka ng payong baka umulan.

16
UNA – IKALAWANG LINGGO
Manaliksik ng iba pang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng posibilidad upang mapalawak ang
iyong kaalaman.

Tingnan natin kung talagang nauunawaan mo na ang tamang paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng psoibilidad. Sagutin mo ang nakahandang pagsasanay.

PAGSASANAY 1
PANUTO: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang wastong salitang nagpapahayag ng
posibilidad sa patlang upang makumpleto ito.
1. ______________________ makita mo si Bernie doon sa kanto, pakisabing kailangan niyang
pumunta sa opisina ng punungguro.
2. Lahat ng tao ay nagiging mabait at malapit sa iyo ______________ marami kang pera.
3. _____________________ mong gawing inspirasyon ang iyong mga paghihirap sa ngayon nang
sa gayon ay hindi ito maging hadlang sa iyong mga pangarap.
4. Wala na ________________ silang natirang bigas kaya walang hapunang naganap sa bahay nina
Aling Lourdes.
5. Hindi masama _________________ susubukan mong maging positibo sa lahat ng bagay.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Basahin ang pangungusap sa ibaba at salungguhitan ang wastong salitang nagpapahayag ng
posibilidad
1. Si Rosana ay pupunta lamang sa kaniyang ate (kung, kapag) tatawagin siya nito dahil ito ay
naka-quarantine.
2. Malapit na (yata, sakali) mahawa ang lahat sa sakit na COVID 19 na ito dahil tumataas nang
tumataas ang bilang ng kaso sa Pilipinas.
3. Kung (baka, sakali) gumaling ang lahat na mayroong virus, isa ito sa pinakamalaking pagsubok
na malalagpasan ng lahat.
4. Si Mang Alan ay umuwing laylay ang balikat dahil isa (yata, baka) siya sa mga nawalan ng
trabaho sa ABS-CBN Netwrok.
5. (Kung, Kapag) kalian wala nang natirang pera ang gobyerno ay doon pa malakas gumawa ng
katiwalian ang mga nakaupo.

MAGALING! Nasagot mo ang dalawang pagsasanay.


Nahirapan ka ba? Piliin ang iyong sagot at lagyan ng tsek ang
kahon. OO o HINDI

Gawain 8: Pananaw Mo, Sabihin Mo


Isang tanggap na kaugalian sa Islam na maaaring magkaroon ng higit isa isang legal na maybahay ang
isang lalaking Muslim. Hindi ito kinikilalang pangangaliwa, subalit isang responsibilidad. Ngunit bilang
isang Kristiyano, ito ay taliwas sa ating paniniwala dahil ito ay labag sa kautusan ng Panginoong Diyos.
Isang mainit naman na paksa sa kasalukuyan ang pakikipagrelasyon nang higit sa isa sa parehong

17
UNA – IKALAWANG LINGGO
pagkakataon. Sa gawaing ito, ibabahagi mo ang iyong opinyon ukol sa nasabing paksa sa pamamagitan
ng pagsagot sa tanong sa ibaba. Isaalang-alang mo ang mga paniniwala at pamumuhay ng isang
Kristiyano sa iyong pagsagot. Lagyan ng sanhi ang iyong sagot kung bakit nangyayaring nagkakaroon
ng higit na isang asawa o karelasyon ang isang tao at isulat mo rin ang mga maaaring maging bunga
kung ang isang tao ay nasangkot sa ganitong sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa kahon.
TANONG:
Ano ang iyong opinyon sa pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon sa kasalukuyan?
Suportahan ang iyong sagot.

Wow! Napahanga mo ako sa isinulat mong palagay. Talagang


masasalamin sa iyo ang pamumuhay ng isang Kristiyano dahil batid
mo kung ano ang tama ayon sa Bibliya at kung alin hindi karapat-
dapat. Ipagpatuloy mo ang nasimulan.

Gawain 9: Pagsulat ng mga Pangungusap


PANUTO: Sa puntong ito, ikaw ay susulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng mga salitang
nagpapahayag ng posibilidad at limang pangungusap na mayroong sanhi at bunga. Isulat ang iyong
sagot sa isang kalahating papel. Pagkatapos ay iipit sa pahinang ito ang iyong papel na sinagutan.

Napakagaling! Marunong ka nang gumamit ng mga salitang


nagpapahayag ng posibilidad. Nakikita ko nang mahusay ka nang
bumuo ng pangungusap. Ipagpatuloy mo iyan! Sana ay manatili sa iyong
puso’t isipan ang mga napag-aralan.

Pagsulat ng Sanaysay

Kaugnay ng mga pagpapahayag ng posibilidad, dapat mabatid na higit na makatutulong sa


pagpapahayag kung may kasanayan sa pagsusulat ang isang tao. Mahalaga ang papel na ginagampanan
ng pagsasanaysay sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kaalaman, prinsipyo’t paniniwala sa mundo.

Ang sanaysay ay isang sulating naghahayag sa pananaw, saloobin at pagpapahalaga ng manunulat ukol
sa isang naibigang paksa, suliranin o isyu.

18
UNA – IKALAWANG LINGGO
Kadalasan sa payak na paraan nasusulat ang mga sanaysay dahil layuning itawid sa mga mambabasa ang
mahahalagang kaisipan sa pamamaraang tuwiran. Ngunit dahil sa kalayaan at determinasyon ng mga
manunulat, dumarami na rin ang mga sanaysay na nagpapakilala ng panibago o inobatibong
pamamaraan.

May tatlong bahagi ng sanaysay: panimula, katawan at wakas.

Ang panimula ay sinasabing pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil ito ang unang nababasa.
Kaya’t iminumungkahi na gawing mapang-akit o mapanghimok ang panimula ng sanaysay. Maaaring
isang tanong, palaisipan, anekdota, kasabihan, bugtong, paglalarawan, metapora, simili o pagmamalabis
ang panimula.

Mahalaga man bilang pang-akit ng mambabasa ang panimula, pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
ang katawan nito dahil dito natatagpuan ang pinakamahahalagang aspekto ng sanasay. Nilalaman
nito ang mga makabuluhang impormasyon, opinyon, ideya, proposisyon at iba pa na nais ibahagi ng
may-akda. Sa bahaging ito naglalahad at nangangatuwiran ang may-akda sa mga kaisipan at puntong
nais niyang pagtibayin gamit ang iba’t ibang patunay at halimbawa.

Ang wakas ng isang sanaysay ay kadalasa’y paglalagom o pagbubuod sa mga puntong pantalakayan
na inilahad sa bahagi ng katawan. Sa wakas nagkakaroon ng pag-uulit ng mahahalagang ideya,
pagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkakataon para sa mambabasa na magnilay sa mga proposiyon o
suliraning inilalahad ng mayakda.

Higit na makatutulong sa isang magsusulat ng sanaysay na may tiyak siyang layunin sa kanyang
pagsusulat upang magsilbing gabay sa pagbuo ng sanaysay.

Katapusang Bahagi ng Paglinang

Napalawak mo ang iyong kaalaman at pag-unawa ukol sa pabulang


Mindanaoan sa papamagitan ng akdang Lalapindigowa-i. Napag-alaman
mong may mga aspekto ng kulturang Maranao ang posibleng maging
taliwas sa paniniwala ng iba. Batid mo ring sinasalamin ng pabula mula
sa Mindanao hindi lamang ang karanasan, pangarap, pag-iisip at
damdamin, kapaligiran at kultura ng mamamayang Mindanao kundi
maiuugnay din ang mga ito sa kasalukuyang lipunang Pilipino.

19
UNA – IKALAWANG LINGGO

PAGPAPAILALIM
Gawain 10: Pakapanalo at Pagkatalo
PANUTO: Basahin ang pabulang Ang Pagong at ang Ahas at Ang Palaka at ang Daga. Pagkatapos
basahin ang mga pabula, buuhin ang concept map sa ibaba. Paghambingin ang mga tauhang hayop at
mga pangyayari sa kanila sa dalawang pabula.

MGA PABULA

Ang Pagong at ang Ahas Ang Palaka at ang Daga

DAGA
PAGONG
AHAS PALAKA

20
UNA – IKALAWANG LINGGO
PANUTO: Basahin at unawaang mabuti ang mga pabula na mula sa Lanao at Bukidnon.

21
UNA – IKALAWANG LINGGO

Ngayon, sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.


1. Anong katangian ng mga tauhang nagtagumpay sa patimpalak ang iyong hinahangaan? Bakit?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Anong katangian ng mga tauhang talunan sa patimpalak ang iyong hinahangaan? Bakit?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Paano nakaapekto sa relasyon ng mga tauhan ang kinalabasan ng kanilang paligsahan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Paano nabago ng dalawang pabula ang iyong pagtingin ukol sa pag-uugali ng mga tao sa Mindanao
kaugnay ng patimpalak at pagtanggap ng pagkatalo?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay nasa isang paligsahan, paano mo tatanggapin ang iyong pagkatalo? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

22
UNA – IKALAWANG LINGGO

Ipinagmamalaki kita! Nasagot mo lahat ng katanungan. Sana ay


huwag mong kalimutang hindi mahalaga kung ikaw nanalo o natalo
sa isang paligsahan, ang mahalaga ay sumubok ka. Ipagpatuloy mo
iyan.

Gawain 13: KWHL Chart


Balikan ang iyong mga isinagot sa KWHL Chart sa bahaging PAGTUKLAS na nasa pahina. Sa
pagkakataong ito, tugunan ang hanay ng L kaugnay ng iyong sagot sa hanay W at H. Pagnilayan ang
iyong mga natamong pag-unawa sa araling ito.
K W H L
Anong pag-uugali ng Anong pag-uugali ng Paano ko malalaman o Ano ang mga
mga mamamayan sa mga mamamayan sa mapatutunayan ang nalaman o natutuhan
Mindanao ang aking Mindanao ang gusto pag-uugali ng mga ko ukol sa pag-uugali
alam? kong malaman o mamamayan sa ng mga mamamayan
patunayan? Mindanao? sa Mindanao?

Matapos mong patunayan na sinasalamin ng pabula hindi lamang ang karanasan ng mga mamamayan sa
Mindanao kundi ng Pilipino sa kalahatan, ililipat mo ngayon ang iyong mga natutuhan at naunawaan sa
pamamagitan ng pagpapatunay sa mga kakayahang natamo. Isaalang-alang mo ang mga kasanayan at
mahahalagang pag-unawang iyong natamo sa araling ito. Simulan mo na ang gawain sa PAGLILIPAT
na bahagi ng modyul.

PAGLILIPAT
Gawain 14: Pagbuo ng Sanaysay

Bumuo ng isang maikling sanaysay na nagtatampok sa Maria Cristina Falls na


matatagpuan sa Lungsod ng Iligan, Lalawigan ng Lanao. Sundin ang mga panuto sa
ibaba kaugnay ng inaasahang tungkulin.

1. Manaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa tanyag na Maria Cristina Falls.


23
UNA – IKALAWANG LINGGO

2. Sa pagkuha ng mga impormasyon, tiyaking masagot ang mga sumusunod na tanong:


Saan matatagpuan ang Maria Cristina Falls?
Ano-ano ang katangiang taglay ng talon na ito?
Ano-anong bayan ang saklaw ng tubig-ilog na kaugnay ng talon na ito?
Paano ito nakaambag sa kaunlaran sa ekonomiya ng Iligan at mga karatig-bayan?
Bakit mahalaga ang talon na ito para sa Mindanao?

3. Gamit ang mga impormasyong nakalap, bumuo ng isang maikling sulatin na nagtatampok sa Maria
Cristina Falls nang tinutupad ang daloy na itinakda sa pagsulat ng sanaysay.

a. Panimulang Talata - Sisimulan mo ang iyong sulatin sa pamamagitan ng isang talatang malikhain at
nakapang-aakit na paglalarawan sa pisikal na katangian ng Maria Cristina Falls.

b. Katawang Talata - Sa pamamagitan ng tatlong talata, lalamanin nito ang sumusunod: bubuuin mong
sulatin ang (1) katanyagan ng Maria Cristina Falls kaugnay ng turismo sa lalawigan; (2) kahalagahan
nito sa kabuhayan ng mga mamamayan sa mga nakapalibot na bayan, at kontribusyon ng talon sa
ekonomiya ng Lungsod ng Iligan at mga karatig-lalawigan; at (3) kahalagahan nito sa ekonomiya ng
Mindanao kaugnay ng enerhiyang pang-elektrisidad na ibinibigay nito sa buong Kamindanaoan.

c. Talatang Pangwakas - Wawakasan mo ang iyong sulitan sa pamamagitan ng isang talatang


nagbubuod at nagpapaliwanag kung bakit tunay na yaman ng Mindanao sa aspektong panturimso at
pang-ekonomiya ang Maria Cristina Falls.

4. Sa pagbuo mo ng iyong sulatin, tiyaking susundin ang mga pamantayang panggramatika tulad ng
wastong baybay, wastong paggamit ng mga bantas, wastong pagbanghay sa mga pandiwa’t pang-uri,
mabisang pagbuo ng pangungusap at konsistent na daloy ng kaisipan.

5. Maghanda ng isang buong malinis na papel na susulatan mo ng iyong sanaysay.

Checkbrik sa Pagsulat ng Sanaysay


PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nilalaman
Dapat mailahad sa sanaysay ang mahahalagang impormayon ukol sa katangian at
mahalagang naiaambag ng Maria Cristina Falls sa turismo at ekonomiya ng
lalawigan at mga karatig lalawigan.
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag lalo na’t mabisa ang ginawang pagbibigay ng opinyon,
at paglalahad ng sanhi at bunga.
Bahagi ng Sanaysay
Mabisa at kaakit-akit ang simula ng sulatin. Malaman ang katawan. Nagbubuod ang
wakas at nanghihikayat
Gramatika
24
UNA – IKALAWANG LINGGO
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng mga salita, pagbabantas, at
pag-uugnay-ugnay ng mga kaisipang ipinahayag.

Sa bahaging ito ng aralin, nagawa mong bumuo ng isang sulating nagtatampok sa


tanyag na Maria Cristina Falls at ang kahalagahan nito sa kabuhayan at
ekonomiya ng Mindanao. Ngayon, may mga bago kang nalaman at naunawaan
tungkol sa Mindanao. Batid mo rin na isang paraan ng pagpapahalaga at
pagpapalaganap ng pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa ang mga pabulang
mayroon ang Pilipinas.

Talagang kahanga-hanga ang iyong ginawa sa araling ito. Lubos


kitang ipinagmamalaki sa lahat ng iyong natutuhan sa bawat
gawain. Huwag nating kalimutang sumunod sa Utos ng Diyos sa
lahat ng oras. Alalahanin nating tayo ay Kristiyano at Anak ng
Diyos kung kaya huwag nating kalimutang maging tapat sa
Kaniya. Ang nilalaman ng pabulang pinag-aralan ay may hindi
angkop sa paniniwala ng isang Kristiyano kung kaya mahalagang
tandaan mo sa lahat ng oras kung ano ang mga kautusan ng ating
Panginoong Diyos. Sana ang lahat ng aral na napag-aralan mo sa
araling ito ay manatili sa iyong puso’t isipan. Maligayang
pagkatuto!

25

You might also like