You are on page 1of 17

I:PANIMULA

Panggagahasa
“Gaano karaming kaso ng Rape ang nagaganap kada taon? Sino-sino ang

mga nagiging biktima nito? Saan nagaganap ang mga kasong ito ng panggagahasa?”

Ito at ang iba pang mga tanong patungkol sa isyu ng panggagahasa ay hindi madaling

sagutin, dahil ang kabuuang kalagayan ng lipunan ay isa sa malaking aspeto kung bakit

nagkakaroon ng mga kaso ng panggahasa, at nagiging mahirap para lubusang

masugpo ang tuluyang pagdami ng mga ganitong kaso ng pang-aabuso.

Ano nga ba ang Rape o Panggahasa? Ano ang ipinagkaiba nito sa harassment? Ang

dalawang konsepto na ito ay madalas na nai-uugnay sa isa’t-isa, ang harassment ay

karaniwang natutuloy sa panggagahasa kung hindi agad napipigilan.

Bawat kababaihan ay hindi malaya sa takot ng panggagahasa, nananatili ito sa

kanilang mga isipan mula sa pagkabata hanggang sa paglaki, bawat babae ay hindi

ligtas sa ganitong klase ng pang-aabuso, lalo na ang mga bata dahil kalimitan ay sila pa

ang nagiging biktima nito mula sa mga taong dapat ay nag-aalaga at kumakalinga sa

kanila. Lumaki na ang karamihan sa atin kasama ang takot sa gawaing ito, itinuturing

na ito ay parte na ng lipunan, at upang maiwasan ito, ang mga babae ay dapat maging

tahimik, huwag umakit ng atensyon at maging masunurin. Kapag ang isang tao ay hindi

sumunod sa mga panuntunanag ito, ang anumang pangyayari sa kanila ay maisisisi pa

na kanilang pagkakasala, dahil sila umano ang nagpakita ng motibo para mangayari sa

kanila ang ganoong karahasan. Sa lahat ng ito, bihira nating matanong, “bakit nga ba

nanggagahasa ang mga kalalakihan?”


Masasagot ang tanong na ito sa pamamgitan ng pagtingin sa iba’t-ibang aspeto ng pag-

aaral, maari itong mapaliwanag sa pagtingin sa larangan ng sikolohiya, sosyolohiya at

maging sa kasaysayan.

Ang Panggagahasa sa Sosyolohiya


Maaring maipaliwanag ang mga kaso ng panggagahasa sa pag-aaral ng lipunan, ang

lipunang ating ginagalawan ang nagtatakda ng mga bagay na dapat at di natin dapat

gawin,(Rape; Politics of Consciousness) mahirap mang paniwalaan, ngunit

naiintindihan at tanggap ng lipunan ang panggahasa sa kababaihan. Hindi dahil

mayroong mga batas sa kasalukuyan na nagpaparusa sa mga gumagawa ng

panggagahasa ay mapapangatwiranan na itinatakwil ng lipunan sa kabuuan ang mga

isyu ng panggagahasa.

Ang katotohanang ang lalaki ang gumagawa ng ganitong karahasan ay nakaugat sa

mismomg sistema natin. Ang mismong kultura natin ay tanggap ang panggagahasa,lalo

na sa mga lipunanag patriyarkal, hinahayaan ang ganitong aksyon mula sa mga lalaki

dahil sila ang inaasahang malakas at makapangyarihan.

Sa ganitong pagkakataon, ang paggamit ng dahas sa pagtatalik ay nagpapataas ng

kanilang Ego, dahil sinusuportahan nito ang kanilang pangingibabaw at pagiging

superyor. Ang ganitong gawain ay ay isa ring pagpapakita ng kanilang kapangyarihan,

dahil sa mga kababaihan nila itinutuon ang kanilang lakas lalo na kung sila ay

naninilbihan at may mas mataas na tao silang pinaglilingkuran.

Sa bahagi naman ng kababaihan, ang itinatakdang kilos, pananamit at mga bagaya na

maari at di nila maaring gawin ay ang mga baga na mismong nagkukulong sa kanila

upang patuloy na matakot at hindi maipagtangol ang kanilang sarili sa anumang banta
sa kanila. Ang mga damit na ideyal sa kanila tulad ng pagsusuot ng palda at matataas

na taking ay halimbawa lamang ng mga bagay na nagiging sagabal para maipagtanggol

nila ang kanilang mga sarili.

Maraming uri ng panggagahasa, at di lahat ng ito ay sa mga kababaihan, may iilang

kaso o halimbawa ng panggagahasa na mga kalalakihan din ang mga biktima, ngunit

mga lalaki din ang gumagawa nito. Ito ay ang mga tinatawag na “Male Rape”.

Halimbawa nito ay ang kwento sa Mitolohiya kung saan ginahasa ni Laius (ang ama ni

Oedipus) si Chrysippus. At karaniwang tawag ditto ay “krimen ni Laius” na karaniwang

gigamit upang tukuyin ang mga kaso ng “Male Rape”. Ang iba pang uri ng

panggagahasa ay ay tinatawag na Acquaintance Rape o Date Rape ito ay nag mga

kaso ng panggagahasa na nagaganap sa pagitan ng isang babae, at taong kakilala o

malapit sa kanya. Ang isa pang uri ay ang Marital o Spousal Rape, ito ay ang sapilitang

apkikipagtalik ng isang lalaki sa kanyang asawa o kapareha, dahil sa paniniwalng maari

nynag gawin ang anumang gustuhin nya dahil “pag-aari” nya ang kanyang kapareha.

Ang sumunod na uri ay ang kilala bilang Gang Rape, Group Rape o Pack Rape. Ito ay

nagagnap kapag ang 3 o mahigit pang bilang ng tao ay kabilang sa gawain ng

panggagahasa. Ang Gang Rape ay madali9ng Mai-uuganay sa mga kaso ng

panggahasa na naganap tuwing mayroong mga digmaan.

Ang panggahasa na ginagawa naman nang kahit na sinong kamag-anak ng biktima ay

tinatawag na Incest, ang karaniwang nagiging biktima nito ay mga kabataan, at ito ang

uri ng panggafahasa na may malaking epekto sa mga biktima, Pisikal man, Emosyonal

o Sikolohikal dahil ang mga taong pinagkakatiwalaan nila at dapat ay nangangalaga sa

kanila ang gumagawa ng ganitong pang-aabuso sa kanila.


Panggagahasa sa Kasaysayan

Ang panggahasa ay may malalim din na manipestasyon sa Kasaysayan, maraming isyu

ng panggahasa ang makikita sa pagsusuri ng Kasaysayan, ang pinaka popular ay ang

mga pangyayari sa panahon ng digmaan.

Isa na marahil sa pinakamalupit na krimen sa dantaon na ito o mas maiging tawagin na

pinakamalaking krimen laban sa kababaihan sa Kasaysayan ng mund ay ang ginawnag

Mass Rape o malawakang Panggagahasa sa mga kababaihan sa Europa lalo na ng

panahon ng pagwawagi ng mga Kommunista noong 1945. karamihan sa mga

nanggahasa y mga Red Army Soldiers at ang iba ay mga nagmula sa Kanlurang Asya,

o mas kilala bilang gitnang silangan at iba ay mula din sa Gitnang Asya sa ilalim ng

Unyong Sobyet.ng mga panahong yon, ang lugar sa Alemanya ay literal na walang mga

kalalakihan, sa mahigit 2,7 Milyong populasyon mahigit 2 milyon ay mga kababaihan.

Ang mga sundalo ay pumaasok sa mga Ospital, Bahay Ampunan at oba pang mga

institusyon upang patuloy at paulit-ulit na manggahasa ng mga kababaihan at mga

kabataan.

Walang makapagsasabi kung ano ang eksaktong bilang ng mga kababaihang

nagahasa noong mga panahong iyon. Maliban sa kasong ito. Ito ang naitalang

pinakamalaking kaso ng panggahasa sa Kasaysayan, ngunit ang panggahasa ay

maituturing na istratehiya na ginagamit tuwing nagkakaroon ng digmaan, sa tuwing

nawawala ang balanse ng Kapangyarihan, tuimataas ang tsansa na magkaroon ng mga

kaso ng pangagahasa. Di lang sa makabagong panahon ginagamit ang panggahasa

tuwing may digmaan, ang sapilitang pakikipagtalik sa isang babae ay isnag paraan ng

pag-atake sa kanilang mga kalaban, ang mga Romano at Griyego ay ginagahasa ang
mga kababaihan sa bawat lugar na kanilang nalulupig at nasasakop. Sa panahong

Medival hanggang sa giyerang Sibil ng mga Amerikano ay ganito din ang ginagawang

sistema. patuloy hanggang sa mga Digmaang Pandaigdig tulad sa naunang digmaang

pandaigdig kung saan naganap ang Rape of Nanking, kung saan ang mga Hapon ang

gumagahasa sa mga babaeng Tsino, at kung hindi sila ang gumagahasa,

ipinapagahasa nila sa mga Ama ang knailang mga anak na babae at sa mga anak na

lalaki ang kanilang mga ina, tinatayang mahigit 80,000 babae ang nabiktima ng

insidenteng iyon. Ang mga Giyera sa Vietnam at ang pinakabagong ‘genocidal Rape’ sa

mga bansa sa Silangang Europa ay gumagawa ng ganitong paraan.

Ang ganitong pang-aabuso ay iniuugnay bilang insulto sa mga ama at asawa ng mga

babaeng naging biktima na kung saan ay ipinapalagay na ‘pagmamay-ari’ ng mga

kalalakihan.kung kaya’t nagiging sistematikong taktika na sa digmaan bilang

pagpapalaganap ng takot sa mga tao.

Sa mga bagong digmaan o mga giyerang Sibil, patuloy pa din ang pananalanta ng mga

lalaki sa mga kababaihan, ito ay makikita sa mga naging giyerang Sibil sa Rwandakung

saan mahigit 500,000 mga kababaihan at mga bata ang naging biktima, sa Algeria,

lahat ng kababaihan sa buong lugar ang ginahasa at pinagpapatay.

II:KATAWAN
Ang panggagahasa[1] ay isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik

(o iba pang gawaing penetrasyong sekswal) ang sinimulan laban sa isa o higit pang

indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal na

lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi makapagbigay

ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay, baldado, o wala sa tamang edad.
Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na panghahalay.

Nag-iiba ang dalas ng pag-uulat, pagsasakdal at paghahatol ng panggagahasa sa iba’t

ibang saklaw. Ang saklaw ng panggagahasang naitala ng pulisya sa taong 2010 ay

nasa pagitan ng 0.2 sa bawat 100,000 katao sa Azerbaijan, 92.9 sa bawat 100,000

katao sa Botswana, at bilang median, 6.3 sa bawat 100,000 katao sa Lithuania. Ayon

sa American Medical Association (1995), ang sekswal na karahasan, lalo na ang

panggagahasa, ay ang pinakamadalang maulat ng panggagahasa kumpara sa ibang

marahas na krimen. Ang panggagahasa ng mga estranghero ay karaniwang mas

madalang kaysa sa panggagahasa ng mga taong kakilala ng biktima. Maraming pag-

aaral ang nagsasaad na ang mga panggagahasang lalaki-sa-lalaki at babae-sa-babae

sa mga bilangguan ay karaniwang nangyayari at maaaring ang pinakamadalang na

ibalitang paraan ng panggagahasa.

Kapag bahagi ng isang laganap at sistematikong kasanayan sa panahon ng

pandaigdigang hindi pagkakasundo, ang panggagahasa at seksuwal na pang-aalipin ay

kinikilala bilang krimen laban sa sangkatauhan at krimeng pandigmaan. Ang

panggagahasa ay kinikilala rin bilang isang elemento ng genocide kapag ginawa ito na

may layuning sirain, sa kabuuan o sa bahagi, ang isang pangkat etniko.


Ang mga taong ginahasa ay maaaring malubhang matroma at magdusa mula

sa posttraumatic stress disorder; bilang karagdagan sa sikolohikal na pinsala. Ang

panggagahasa ay maaring maging sanhi ng pisikal na pinsala at karagdagang resulta,

tulad ng sakit na nakukuha sa pagtatalik, o pagbubuntis. Higit pa rito, pagkatapos

mangyari ang panggagahasa, maaaring harapin ng karahasan o pagbabanta ang

biktima mula sa nanggahasa, at, sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag-anak
ng biktima.

Ang mga batas


Ang Batas Laban sa Panggagahasa ng 1997 (Anti-Rape Law of 1997), na nagpalit ng

nakaraang kahulugan ng panggagahasa ayon sa tinukoy ng Binagong Kodigo Penal ng

1930 (Revised Penal Code of 1930), ngayon ay tumutukoy sa krimen ng panggagahasa


gaya ng sumusunod:

Artikulo 266-A. Panggagahasa: Kapag at paano ginawa.

1. Sa pamamagitan ng isang taong pagkakaroon ng kaalaman ukol sa laman ng isang


babae sa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari:

a. Sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta o pananakot;

b. Kapag ang naapi ay inalisan ng mga kadahilanang tumanggi o sa kabilang banda ay


hindi namamalayan;

c. Sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na pakana o malupit na pang-aabuso ng


kapangyarihan; at

d. Kapag ang naapi ay sa ilalim ng labindalawang (12) taong gulang o kaya naman
hindi, kahit na wala sa mga pangyayari na nabanggit ngunit katumbas ng mga nasabi
sa itaas.

2. Sa pamamagitan ng sinumang tao na, sa ilalim ng anumang mga pangyayari na

nabanggit sa talata 1 nito, ilalaan na isang gawa ng sexual assault sa pamamagitan ng

paglagay ng kanyang ari sa bibig ng ibang tao o sa puwet, o anumang instrumento o

bagay, sa genital o puwet ng ibang tao.

Ang 1997 na pagbabago ay pinalawak ang kahulugan ng panggagahasa sa isang mas

malinaw na pagpapakahulugan at pagbibilang na krimen bilang isang krimen laban sa

mga taong sa halip na, tulad dati, sinasama o binibilang ito sa mga krimen laban sa
kalinisan.
Estadistika
Ang statistics sa mga kaso ng panggagahasa ay karaniwang batay sa mga talaan ng

pulis. More often, these are inaccurate and not a true representation of the problem, for

cultural and social stigmatisation associated with rape act as significant barriers to
women reporting rape. Mas madalas, ang mga ito ay hindi tumpak at hindi isang tunay

na representasyon ng mga problema, kaugnay sa panggagahasa bilang malakas na

ebidensiya sa mga kababaihang nagsasabing biktima ng rape. Bukod dito, ang mga

kababaihan ay mas malamang na hindi na mag-uulat ng kasong rape kung ito ay

mayroon lamang maliit o kaya’y walang suporta mula sa kanilang mga pamilya,

pagpapatupad ng batas ahensiya at sa nauukulang sektor at ahensiya ng gobyerno. Sa

Pilipinas, ang Asian Women's Resource Exchange (AWORC), isang Internet-based

tungkol sa mga impormasyon ng mga kababaihan, ay nakapagtala ng 794 kaso ng rape

na naganap sa Pilipinas sa unang apat na buwan ng 1997. Sa unang semestre ng

1999 lamang, may mga 2,393 mga bata na naging biktima sa panggagahasa, tinangka

panggagahasa, "incest", gawa ng kalibugan at prostitusyon. [4] Sa bilang noong 2006,

ang rape ay nagpatuloy na maging isang problema, sa karamihan ng mga kasong hindi

naisasangguni sa may kaalaman. Sa parehong taon, ang PNP ay nakapagtala ng 685

na kasong panggagahasa. Nagkaroon ng mga ulat ng panggagahasa at sekswal na

pang-aabuso ng mga kababaihan sa pulis o mga kababaihan mula sa mahihirap na


mga grupo, tulad ng mga pinaghihinalaang mga prostitute, drug user, at ang mas
mababang kita na mga indibidwal naaresto para sa mga menor de edad na krimen.

Ang kalagayan ay patuloy noong 2007, kasama ang bilang ng mga iniulat na kaso

panggagahasa sa pagtaas sa 879. [6] Ayon sa pag-aaral na isinasagawa sa mga

paaralan ipakita na para sa bawat tatlong Pilipinong bata, isang bata ang nakakaranas

sa pang-aabuso. Sa unang semestre ng 1999 lamang, may 2,393 na bata na nahulog

bilang biktima sa panggagahasa, tinangka panggagahasa, incest , gawa ng kalibugan

at prostitusyon . [4] Ang panggagahasa ay palaging kaugnay sa mga panganib ng

sexually transmitted diseases , lalo na Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Pambibiktima

Sa isang konserbatibong bansa tulad ng Pilipinas na kung saan ang isang kapurihan ng

pagkababae ay itinataguyod bilang isang kabutihan , ang kahihiyan ng pagiging biktima


ng rape ay

isang malalim na sugat sa mga biktima. Ang parehong mga saloobin ay sisihin ang
biktima,

pagpapangalan sa babae bilang "isang alembong" na sanhi ng pagkilos, pabiro o nang

hindi sinasadya, sa pamamagitan ng iba't-ibang mga signal ng pangrahuyo o paanyaya.

NGO
Ang mga grupo ng mga kababaihan tulad ng GABRIELA ay nagbibigay ng pagpapayo

para sa mga nagulping kababaihan, biktima ng panggagahasa at iba pang mga biktima

ng karahasan laban sa kababaihan. Ang Bathaluman Crisis Centre Foundation ay

tumutulong sa mga biktima ng panggagahasa at incest. Ang Support Group Volunteers


ay nagbibigay ng tulong, at sikolohikal na mga panghihimasok. Kung angkop, ang kaso

ay isinangguni sa iba pang ahensiya para sa karagdagang espesyalista sa tulong. Ang

Women's Crisis Centre (WCC) ay nagbibigay ng pansamantalang tirahan, medikal na

tulong at pagtataguyod, legal na tulong at pagtataguyod, at stress management, ito ay

may dalawang mga partikular na makabagong parte- pagpapayo sa mga kababaihan,

at isang pagligtas ng Support Group sa mga biktima sa panggagahasa.

III:KONKLUSYON/STAND

Isang pandaigdigang krisis sa karapatang pantao ang pang-aabusang sekswal (sexual abuse) sa

kulungani . Sa maraming pagkakataon, mismong mga kawani ng kulungan — ang mga taong

naatasang mangalaga sa kaligtasan ng mga bilanggo (inmates) — ang sangkot dito. Ang

panggagahasa (rape) at iba pang uri ng sekswal na pang-aabuso ay kinikilala sa buong mundo

bilang mga uri ng torture, kahit pa kawani ng kulungan o bilanggo man ang gumawa nito. Ang

pamahalaan ang may ganap na tungkuling mangalaga sa kaligtasan ng mga bilanggo. Ang pang-

aabusong sekswal sa kulungan, kahit sino pa man ang may gawa, ay kumakatawan sa pagkabigo

ng pamahalaan na mapanghawakan ang tungkulin nito. Maraming bansa ang wala pang opisyal

na pag-aaral na naisagawa tungkol sa kung gaano kalaganap ang mga kaso ng pang-aabusong

sekswal sa kulungan, at tanging iilang mga bilanggo lamang ang nag-uulat na sila ay inabuso. Sa

kabila nito, marami sa mga tagapagmatyag sa mga kulungan ang nagsasabing ang kawalan ng

mga pormal na ulat ay hindi nangangahulugang ligtas ang mga lugar na ito. Sa katunayan,

marami sa mga dating bilanggo, kawani, at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong

mundo ang nagsasabing karamihan sa mga biktima ng pang-aabusong sekswal sa kulungan ang
pinipiling hindi ibahagi ang kanilang karanasan — kung minsan ay dahil sa kahihiyan, o takot na

mapaghigantihan, o dahil sa paniniwalang wala silang tulong na maaaring matanggap. Mga

Katangian ng Pang-aabusong Sekswal sa Kulungan

Iba’t iba ang anyo at legal na katawagan at

kahulugan ng pang-aabusong sekswal sa kulungan sa loob at pagitan ng bawat bansa, at maging

sa bawat rehiyon. Para sa Just Detention International ( JDI), ang pang-aabusong sekswal sa

kulungan ay tumutukoy sa mga hindi tanggap na pakikipagtalik (sexual contact) o pananakot


mula sa kapwa bilanggo, at anumang sexual contact mula sa kawani ng kulungan, ano pa man

ang kasarian ng may sala o ng biktima. Ang pang-aabusong sekswal ay nangyayari sa kulungan

ng mga kababaihan at kalalakihan, at maaaring kapareho o kasalungat ng kasarian ng biktima

ang may sala. Talamak ang karahasan at panggagahasa sa loob ng mga kulungan sa buong

mundo. Para lamang mabuhay, marami sa mga bilanggo ang napipilitang makipag-relasyon at

makipagtalik sa mga mas kapangyarihang preso kapalit ng kanilang proteksyon. Sa maraming

lugar, ang panggagahasa sa kulungan ay may kaugnayan sa mga organisadong grupo (gang):

“ibinibenta” ang mga biktima sa mga grupong ito, o pinipilit silang pumasok sa prostitusyon.

Karamihan sa mga biktima ang ginagahasa nang maraming beses. Mabilis kumalat ang balita sa

loob ng mga kulungan, at kung minsan nang ginahasa ang isang bilanggo, karaniwang nagiging

target siyang muli ng iba pang preso at kawani ng bilangguan. Mas karaniwang kasangkot sa

panggagahasa ang isang kawani ng kulungan, kumpara sa mga kapwa-preso ng biktima. Kung

minsan, ang mga kawaning ito ang nagse-setup upang gahasain ang isang bilanggo ng kapwa

niya preso. Sa iba pang kaso, hinihingi nilang kapalit ang pakikipagtalik para sa pagkain, ilegal na

droga, o pangako ng mas kanais-nais o paborableng pagtrato. Ilan sa mga kawani ng kulungan
ang sangkot sa sekswal na relasyon sa mga inmate na sa unang tingin, ay tila may kapwa-

pagpayag. Ngunit, kahit pa hindi naging puwersahan ang pakikipagtalik, kailanman ay hindi ito

tamang gawin ng mga kawani ng kulungan sa mga bilanggo. Ang mga kawaning ito ay may lubos

na kapangyarihan sa mga bilanggo, at maaari nilang limitahan ang kalayaan o mas pahirapan

ang buhay ng mga preso. Sa ganitong sitwasyon, kalimitan ay halos 1 just detention
international internasyunal na buod 2 imposible para sa mga bilanggo na tanggihan ang utos ng

mga kawani ng kulungan na nais makipagtalik sa kanila. Maaari ding gamitin ang panggagahasa

sa kulungan bilang isang kasangkapan para sa pulitikal na paniniil (political repression). Sa mga

kasong gaya nito, mag-uutos o magbibigay ng di-hayagang pagsang-ayon ang pamahalaan,

administrador, o sinumang kawani ng kulungan, para sa paggahasa sa mga inmate na

itinuturing na kalaban sa pulitika, bilang parusa o paraan ng pananakot sa kanila. Bagaman kahit

sino ay maaaring makaranas ng panggagahasa sa loob ng kulungan, may mga taong

pinaniniwalaan ng iba na mas mahina, kung kaya’t mas nanganganib silang maging biktima.

Kabilang dito ang mga sumusunod: lesbian, gay, bisexual, at transgender na mga bilanggo; mga

mas bata, o mga taong may maliit na pangangatawan; mga taong unang beses pa lamang na

makulong; at mga hindi bayolenteng bilanggo. Sa mga kulungan para sa kalalakihan, talamak

ang eksaheradong pagkalalaki (hyper-masculinity), at pag-uugaling kumikiling sa galit o

diskriminasyon laban sa mga kababaihan (misognynistic attitudes). Ibig sabihin, ang mga

karaniwang nasasangkot sa pang-aabusong sekswal ay kinikilala bilang malakas o ‘tunay na

lalaki’, habang ang mga biktima naman ay mahina o ‘parang babae’. Ginagawang lubhang

mapanganib ng mga pag-uugaling ito para sa mga biktima ng panggagahasa na mag-ulat ng

kanilang karansan ng pang-aabuso at humingi ng tulong na kinakailangan nila. Maging ang mga

bilanggong hindi sekswal na inabuso ay napipilitang umangkop sa isang kapaligiran na kung


saan, nanganganib ang sinumang pinaniniwalaang mahina. Ano pa man ang uri nito, ang

panggagahasa ay isang marahas na gawain na ginagamit upang ipakita ang pangingibabaw,

kapangyarihan at kontrol. Kainlanman, hindi kasalanan ng biktima na makaranas ng


panggagahasa.

Epekto sa mga biktima


Ang panggagahasa at iba pang uri ng pang-aabusong

sekswal sa mga tahanan, komunidad, o kulungan, ay may seryosong emosyonal at pisikal na

epekto sa mga biktima. Bagaman natatangi ang karanasan ng bawat indibidwal, may mga

karaniwang reaksyon na makikita sa kanila gaya ng takot, kahihiyan, galit, pagkabalisa, mga

bangungot at pagbabalik sa alaala ng natapos nang pangyayari (flashbacks). Para sa mga


bilanggo, lumalala ang mga sintomas na ito dahil sa kawalan ng privacy, kawalan ng kontrol sa

kanilang kapaligiran, at kalimitan, ng patuloy na presensya sa kulungan ng mga taong gumahasa

sa kanila. Dagdag pa sa mga emosyonal na sakit na hatid ng panggagahasa sa loob ng kulungan

ang posibilidad na mahawa sa HIV at iba pang nakamamatay na sexually transmitted infections

(STI). Marami sa mga biktima ng pang-aabusong sekswal ang nakararanas din ng pisikal na

pinsala gaya ng pagkabali ng mga buto; karaniwang naisasantabi ang paggamot sa mga

pinsalang ito. Ang mga babaeng inmate ay nanganganib na mabuntis at maaaring mapuwersang

sumailalim sa aborsyon. Bagaman malaki ang naitutulong ng agarang rape crisis counseling at

pangangalagang medikal kabilang ang paggamot matapos ang rape upang malabanan ang STI,

pawang iilan lamang sa mga bilanggo ang may akses sa mga nabanggit na serbisyo. Sa buong

mundo, bitbit ng karamihan sa mga nakalayang bilanggo pabalik sa kanilang mga pamilya at

komunidad, ang trauma at iba pang mga naging karanasan nila sa piitan. Kung hindi sila
makatatanggap ng tulong, ang mga biktima ng panggagahasa sa kulungan ay nanganganib na

makaranas ng mas malala at pangmatagalang mga problema gaya ng depresyon, pagnanais na

magpakamatay, o pagka-adik sa alkohol o ipinagbabawal na droga. Dahil sa kahihiyan at stigma

na kalakip ng panggagahasa sa kulungan, maaaring hindi sabihin ng mga bilanggo ang naging

karanasan kaninuman, maging sa kanilang mga asawa o sexual partner; maaari itong magpataas

ng panganib na pagkakahawa mula sa HIV at iba pang STI. Marami sa mga biktima ng sekswal

na pang-aabuso sa kulungan ang nagkakaroon ng mga pag-uugaling nakasasakit sa kanilang

sarili, mga kapamilya, at sa komunidad. Ang mga dating nakulong na mga biktima ng

panggagahasa na hindi natutunan ang mga epektibong paraan upang harapin ang kanilang mga

hinanakit ay may mas malaking posibilidad na bumalik sa kanilang mapanganib o kriminal na

pag-uugali, walang lakas na labanan ang kahirapan, at nahaharap sa mas mataas na panganib

na bumalik sa kulungan. Sa kabila ng mga nakapanlulumong kahihinatnan, posible ang pisikal at

sikolohikal na pagbuti sa kalagayan at recovery ng mga biktima. Sa pamamagitan ng suporta,

maaaring matutunan ng mga biktima ng panggagahasa sa kulungan ang epektibong paraan

upang harapin ang kanilang trauma, ipahayag ang kanilang damdamin sa paraang hindi

magdudulot ng sakit sa kanilang sarili o sa iba, at buuin muli ang kanilang mga buhay.

Nakatutulong na malaman ng mga biktima na hindi sila just detention international

internasyunal na buod nag-iisa at may mga ibang tao rin na bagaman nakaranas ng

panggagahasa, ay sinikap rin at matagumpay na naka-recover. Sa ilang mga pagkakataon,

naging matagumpay na mga human rights advocate ang mga biktima ng panggagahasa sa

kulungan, at nakahanap sila ng bagong kahulugan sa kanilang buhay sa pamamagitan ng

pagtulong upang matiyak na hindi na mararanasan pa ng iba ang pang-aabusong kinaharap nila.
IV:REKOMENDASYON
Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw mawala sa ating

lipunan.

Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring mga babae ang

nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa o domestic partners. Mas

dumadami din ang biktima ng rape.

Ang nakakalungkot kapanalig, ayon sa Philippine Commission on Women o PCW, ang

babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay nabubugbog. Maraming babae ang

binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya sa kanilang

mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa nga, ang panggagahasa ay

sa babae pa nasisisi, dahil sila ay “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang babae

o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon

pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010

tungo sa 9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa

limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan simla pa ng

edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas na ng pananakit

mula sa kanilang asawa.

Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ang katawan. Ang epekto nito

ay malawig, kapanalig. Nakakapanliit ng pagkatao ng babae ang pananakit. Kadalasan,

ang pananakit na ito ay sa karaniwang sinisisi pa sa babae. Wala ng dangal, binibigyan

pa ng ibayong “shame” o binabalot ng kahihiyan ang babae sa tuwing sila ay


sinasaktan. Ang nakakalungkot kapanalig, ang machong kultura na ito ay tila

tumitingkad pa sa ngayon.

Kapanalig, ang karahasan ay walang puwang sa ating lipunan, lalo na sa loob ng ating

mga tahanan. Sa ating modernong mundo kung saan parehong kinikilala na ang

kakayahan ng babae at lalake, marami pa ring babae ang nakakaranas ng pangliliit at

karahasan. Kailan ito titigil?

Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal. Ngunit

tila nagiging “norm” o kasanayan na naman sa ating lipunan ang panlilibak sa babae.

Dapat maisawata ito. Ang pamahalaan ay dapat manguna sa mga aksyon at programa

na magbibigay galang at papuri sa mga Filipina.

Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung hindi tayo

marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Nawa’y maging hamon sa ating ang mga

kataga mula sa Mater et Magistra: Wherefore, whatever the progress in technology and

economic life, there can be neither justice nor peace in the world, so long as men fail to

realize how great is their dignity; for they have been created by God and are His

children. Kapanalig, ang karahasan sa kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi

lamang ng babae, kundi ng sangkatauhan.

V:REPLEKSYON
Batay sa aming pananaliksik ang panggagahasa ay isang isyu sa politika na ginagawa

sa mga kababaihan ng mga kalalakihang lulong sa droga at ang mga kinatatakutan ng

mga kababaihan. At batay sa amin kaya nila ito ginagawa dahil sa kaadikan o dahil sa

iba pang dahilan katulad ng pag ka lulong sa droga. At isa pa ang panggagahasa ay

isang isyu sa mga komunidad o sa iba pang lugar. Sa aming pananaliksik ang
panggagahasa ay kadalasang ginagawa sa isang madilim na lugar.Dito namin

nalaman na wag kang basta basta makikipag inom sa hindi mo kilalang tao

kasi hindi mo alam kung ito ba ay lulong sa droga. Meron silang pinaiinom na alak

na may drogang pampatulog para maka tulog ang kanilang bibiktimahin at dadalhin

nila ito sa isang madilim na lugar at doon nila gagawin ang panghahalay o

panggagahasa.

You might also like