You are on page 1of 38

Isyu at Hamong Pangkasarian: Gender-Based Violence

Pananaliksik mula sa 10 –Rizal (Unique-corn)

Claire Cerbo

Francene Aleli Canares

Xzyrelle Cortez

Joshua Dean Letrodo

Carl Justine Marcos

Justine Santos

Justin Gamba
PANIMULA

Sa pagtatalakay ng ekwalidad ng dalawang kasarian, na ang pagiging lalaki o babae, kasama


narin ang mga menor de edad, pati ang komunidad ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender) masasabing hindi pa lubusang nakikitaan ang pagkapantay-pantay ng mga
nabanggit sa mga pagkakataon, mapagkukuhaan, pati narin ang pagkakasangkot sa mga
suliranin at isipin sa lipunan. Habang patagal nang patagal, ang karahasan ay paliit nang paliit
ang nasasaklaw. Mula sa buong bansa, nabawahan hanggang sa bayan, nabawahan pa lalo
hanggang sa personal na karanasan na lamang. Ang karapatan ng mga kalalakihan,
kababaihan, komunidad ng LGBT (pati na rin ang kabataan) ay nagdaan sa kasaysayan ng
Pilipinas na tila bang ito’y isang sasakyang rondilyo, kung ano-ano natatahak at pabago-bago
ang kalagayang nakapaloob dito. Kaya sa bawat panahong kasabay ng malawakang pagkilala
sa mga gampaning pangkasarian sa mga isinaad na “pagkakakilanlan bilang isang
indibidwal,” (kababaihan, kalalakihan, LGBT, kabataan) ito’y makikitaan ng kaakibat na
paiba-ibang pagtrato at kuro sa kanila.

Sa panahong pre-kolonyal, sinasabi na ang mga kababaihan, magmula sa pinakamataas


hanggang sa pinakamababang uri, ay pagmamay-ari umano ng kalalakihan. Kilala ang
panahong ito sa dokumentong “Boxer Codex” (1595), na kung saan isinasaad nito na
pinapayagan ang kalalakihan na magkaroon ng maraming asawa subalit sa pagkakataon na
makita ng lalaki na may kasamang iba ang kaniyang asawang babae ay maari niya itong
patayin. At kung sakaling maputol ang kanilang pagkakasal, ang mga ari-ariang nakamtan
nila sa panahon ng kanilang pagsasama ay mapupunta lahat sa lalake at wala naman sa babae.
Kung pag-uusapan naman ang panahong pre-kolonyal tungkol sa LGBT, ang mga binaggit
ayon sa mga makasaysayang rekords, nagkaroon ng pag-usbong ng mga babaylang lalaki.
Ayon sa "Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report (2013)," ang mga babaylan
ay orihinal na tumutukoy sa mga kababaihan na lider na may relihiyosong punsyon, ngunit
nagkaroon narin ng mga lalaking babaylan. Ang mga lalaking babaylan ay hindi lamang
nagsusuot ng kaugalian na damit bilang isang babae ngunit sila rin ay tila ba nagkukunwa ng
mga karaniwang kilos at pag-aasal ng mga babae, sila ay may panlipunan at banal na
simbolikong pagkilala bilang “TILA-BABAE.” Ang mga babaylan na ito ay kasal at malinaw
na may sekswal na pagsinta sa kapwa nila lalake ganunpaman, hindi sila nahuhusgahan sa
panahong ito. Bago magkaroon ng kolonyalismo sa Pilipinas ay tanggap na nila ang mga
ganitong kasarian na pinaniniwalaang pagkakaisa ng pagkatao ay pagkakaroon ng malakas na
espiritualidad.

Sa panahon naman ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga kababaihan ay sinasabing


sinanay lalo na sa pagkakaloob-tungkulin bilang isang ina at para na rin sa relihiyosong
buhay. Partikular na ang buhay nila ay sapilitang inihanda para sa dalawang pagkakakilanlan
lamang: ang maging asawa o madre. Kaya naman sa gayong pangyayari, ang mga kababaihan
ay limitadong naipagpatupad ang kanilang mga karapatan dahil sila’y umano mga taong
tagasunod sa mga inaasahan ng lipunan. Dahil doon, sila rin ay tinatanaw bilang maging
sunod-sunuran sa kalalakihan, dahil ito sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol mula sa
kanilang bansa na tinitignan ang mga kababaihan bilang mas mababa kumpara sa mga
kalalakihan. Parte rin ng diskriminasyon tungo sa kababaihan ay ang pagpigil sa kanila ng
partisipasyon sa politikal na aspeto. Bukod sa nabanggit na karahasan, ang mga kababaihan,
dahil sa panahong iyon ay ang mga kolonista ay nakikipaglaban sa iba pang puwersa upang
hindi maagaw sa kanila ang pananakop sa Pilipinas, ay ginagawang alipin at ibinibigay sa
nabanggit na ibang puwersa upang tumigil sa pagtatangkang manakop. Bahagi ng karahasan
tungo sa kababaihan ng panahong ito ay ang panggagahasa, at pang-aabuso nang sekswal sa
mga kababaihan (en.wikipedia.org). Ang mga kalalakihan naman ay tinitignan ng lipunan na
dapat gumagamit ng sandata at kakikitaan ng simbolo ng kalakasan at pagiging matikas
(Redentor V. Habla, 2015). Nakahinggil sa kanila na lumaban sa pang-aabusong ginagawa ng
mga Kastila sa panahong iyon. Bagama’t ganun-ganun nalang ang palaisipan ng lipunan sa
mga kababaihan, mayroon din naming mga babaeng bayani na lumaban sa pang-aabuso ng
mga Espanyol gaya ng mga kalalakihan. Samantala, ang pagdating ng dayuhang Espanyol ay
ang naging sanhi upang paglituhan, pag-alinlangan, at katakutan ang mga babaylan dahil sa
nakakasindak nilang posisyon sa lipunan. Kaya naman, ang mga ito ay tuluyan nang naparam
kasabay ng pananakop ng mga Kastila.

Sa panahon ng mga Amerikano, ang mga kababaihan at kalalakihan ay may makatarungang


kalayaan at karapatan, sa pagkakasangkot sa politikal na aspeto. Ang mga kababaihan ay
binigyan ng kapangyarihan na lumabas ng mundo ng bahay at simbahan bilang umano ay
dapat lang na kanilang paggalawan. Ganun pa man, ang mga kababaihan, ay hindi pa rin
makikitaan ng kabuuang suporta mula sa lipunan dahil hanggang sa panahon ng mga
Amerikano ay mayroon pa ring inaasahan sa kanila: ang maging anak o asawa. Sinasabi na
ang katayuan ng babae sa bahay ay sumasalamin sa lalaking kanyang napang-asawa.
Mayroon mga istorya na nagsasalaysay tungkol sa pang-aabusong sekswal tungo sa mga
kababaihan ngunit hindi pa rin nalilinawan kung ito ba’y pawing katotohanan o gawa-
gawa/kasinungalingan. Kung pag-uusapan naman ang panahon ng Amerikano ukol sa LGBT,
nagkaroon ng pagsabog ng kaalaman lalung-lalu na sa larangang sikolohiya sa tulong ng
mass media, dito nasaad na ang pagiging isang bakla ay isang patolohikong karandaman
subalit ito rin ang nag daan dahil na rin sa pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag na ang
mga salitang kabaklaan gaya ng “gay lingo” ng pasimulang gamitin (Redentor V. Habla,
2015).

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang mga kababaihan napawian ng


kapangyarihan sa kanilang dignidad sa pamamagitan ng pambabastos--- o mas malala pa, ng
panggagahasa ng mga kalalakihang Hapones bilang pagturing sa kanila na wari’y sila ay
libangan. Sinasabi rin na sila, ay bukod sa ginawang parausan, ay nilapastangan (Roxanne
Gianna Jaymalin, 2015). Sila ay tinatagurian bilang “comfort lady” o “comfort women” na
magkasinghulugan sa pagiging alipin. At kung mayroong simbolikong pagkilala na “comfort
women” meron ding simbolikong pagkilala sa mga bakla bilang “comfort gay,” na tulad ng
mga “comfort women,” para mabuhay, ay kinakalakal ang kanilang katawan para sa mga
Hapones. Kung malubhang pambabastos ang nagawa ng mga Hapones sa mga kababaihan at
kabaklaan, ang mga kalalakihang napaparatangan naman ng pagiging gerilya ay inilalayo sa
kanilang pamilya, kinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa mamatay
(Roxanne Gianna Jaymalin, 2015). Subalit sa kabila ng paghihirap sa mga Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila, mayroon pa ring mga mga kababaihan at kalalakihan
na lumaban sa pang-aabuso ng mga Hapones.

Ngunit sa kasalukuyang panahon na kung saan naitalaga ang pagkasiklab ng karapatan para
sa lahat, iba’t ibang paggalaw ang naibigay para sa pagbibigay-kalayaan sa mga kababaihan,
kalalakihan, LGBT, pati narin ang mga kabataan sa anumang aspeto. Ibig sabihin, kung ano
ang natatamasa ng mga kalalakihan ay maari naring maitamasa ng mga kababaihan, LGBT,
pati narin ang kabataan. Sa gayong palaisipan, ang bawat isa ay tinitignan at nirerespeto nang
makatarungan. Anumang pagpupuri ang nakukuha ng mga kalalakihan ay maari naring
makuha ng mga kababaihan, LGBT, at kabataan ngunit sa kasamaang palad, kung ang bawat
isa ay maaring maipagmalaki, bawat isa rin ay maaring mabastos. Kahit na sa panahon
ngayon na kung saan mas malawak na ang saklaw ng karapatan ng bawat isa anuman ang
kasariang kinikilala nila sa sarili nila, hindi parin maiiwasan ang mga suliraning maaring
kaharapin ng mga Pilipino dahil sa kontemporaryong panahon, ang“Gender-Based Violence”
ay isa mga nakaka-alarmang isyu na ikinakaharap ng Pilipinas, pati na rin sa iba’t ibang panig
ng mundo.

Mula sa South Africa, ang Gender-Based Violence, ay ang pangkalahatang termino na


ginamit upang makuha ang karahasan na nangyayari bilang isang resulta ng mga normatibo
na papel na inaasahan na nauugnay sa bawat kasarian, kasama ang hindi pantay na ugnayan
ng kapangyarihan sa pagitan ng mga kasarian, sa loob ng konteksto ng isang tiyak na lipunan.
Ang isyu sa bansang ito ay karaniwang pumapalibot tungo sa mga kababaihan at kabataan
(sama na rin ang LGBT). Kaya kahit na mayroon pang ibang naapektuhan ng ganitong
karahasan (kalalakihan), ay sila lang ang napagtutuunan ng pansin dahil mas maraming
ebidensya ang nagpapatunay sa nabanggit na pahayag.

Ayon sa sa isang pananaliksik (2012), 77% ng mga kababaihan mula sa Limpopo


(probinsya), 51% ng mga kababaihan mula sa Gauteng (probinsya), 45% ng mga kababaihan
mula sa Western Cape (probinsya), at 36% ng mga kababaihan mula sa KwaZulu-Natal
(probinsya) ay nakaranas na ng partikular na anyo ng karahasan sa buong buhay nila, sa loob
o labas man ng matalik na relasyon. Bilang solusyon, ang programa ng pananaliksik na ang
What Works to Prevent Violence, ay nagpresenta ng mga programang maghahandog ng
kalutasan sa karahasan tulad ng: (1) Skokho Supporting Success, na layuning wakasan ang
Intimate Partner Violence sa mga tinedyer na ang edad ay pumapalibot mula 13 hanggang 14
taon, (2) /Creating Futures, na naglalayong itaguyod ang sekswal na kalusugan, bawasan ang
Intimate Partner Violence, at pagbutihin ang sikolohikal na katayuan ng mga kabataan na
naninirahan sa Stepping Stones mga lunsod o bayan, lalo na ang mga impormal na pag-
areglo, (3) at Sonke CHANGE Trial, na naglalayong bawasan ang karahasan tungo sa
kababaihan sa indibidwal, pang-relasyon, pang-komunidad, at sosyal na lebel
(saferspaces.org.za). Sa mga kabataan naman, mayroon ding isyu sa ilang mga lugar na
kasangkot ang mga bata sa mga gang at naging biktima ng karahasan dahil madalas na mga
gang ay marahas sa kanilang sariling mga kasapi, ibang mga bata at kahit na matanda na
nakatira sa pamayanan. Walang eksaktong numero ang nalaman mula sa aralin tungkol sa
nabanggit na isyu ngunit malinaw raw itong nangyayari sa ilang bahagi ng bansa. Kaya
naman, ang bansa ay gumawa ng batas tungo sa nabanggit na isyu, Ang Child Justice Act ay
isang espesyal na batas na may kinalaman sa mga batang nakikipagtalo sa batas (gumawa ng
isang krimen). Ito ay nagbibigay ng proteksyon para sa mga bata na sinasabing nakagawa ng
isang krimen, o sino ang natagpuang nagkasala paggawa ng isang krimen. Para naman sa
LGBT, wala pang eksaktong bilang ang naipapakita ngunit sinasabing prevalent ang mga
kaso ng gang rape sa mga lesbian upang umano ay mabago ang kanilang sekswalidad, sa mga
kabaklaan naman ay sila’y pisikal na inaabuso sa mga publikong lugar, lahat ng mga
nakakakuta ay hindi nagsabi sa mga awtoridad sa kadahilanang ito ay isang normal na
pangyayari, tulad ng nabanggit ukol sa isyu sa mga lesbians, walang eksaktong bilang ang
naibigay ukol ditto (Study on Violence Against Children in South Africa).

Sa katunayan, kaya sinasabing ang mga kalalakihan ay hindi gaanong nakakaranas ng mga
karahasan, ay dahil sila mismo ang gumagawa nito. Sinasabing 56% o higit pa sa kalahati ng
mga kababaihan ay napatay ng mga karelasyon nilang lalaki, 28% mula sa 37% ng mga
matandang lalaki ay nanggahasa na ng babae batay sa mga naitalang kaso, karamihan sa mga
kalalakihan na nanggahasa ay ginagawa ito sa kauna-unahan ng kanilang panahon bilang mga
tinedyer at halos lahat ng mga kalalakihan na kailanman ay nanggahasa ay ginawa ito nang
mga nasa edarang 20.

Mula sa Australia, hindi gaya ng South Africa, ang Gender-Based Violence ay hindi
karaniwang naapektuhan ang kababaihan at kabataan lamang, bagkus, ang mga kalalakihan,
kahit na hindi kadalas na nakakaranas ng karahasan tulad ng kababaihan at kabataan sa bansa,
ay mas madalas naman kumpara sa South Africa. Ayon sa isang report: (1) noong 2014–15,
sa pamamtayan, halos 8 kababaihan at 2 kalalakihan ay na-ospital bawat araw matapos
salakayin ng kanilang napapanahon o nakaraang karelasyon, (2) mula sa 2012–13 hanggang
2013–14, mga 1 babae sa isang linggo at 1 lalaki kada buwan ay namamatay bilang isang
resulta ng karahasan mula sa kasalukuyan o nakaraang karelasyon, (3) halos 1 sa 4 (23%)
kababaihan at 1 mula sa 6 (16%) na lalaki ang nakaranas ng emosyonal na pang-aabuso mula
sa isang kasalukuyang o nakaraang karelasyon mula sa edad na 15, (4) Halos 1 sa 5
kababaihan (18%) at 1 sa 20 kalalakihan (4.7%) ang nakaranas ng sekswal na karahasan
(sexual assault at/o pagbabanta) mula sa edad na 15, (5) noong 2016, sa pamantayan, naitala
ng pulisya ang 52 sekswal na pag-atake laban sa mga kababaihan at 11 naman laban sa mga
kalalakihan.

Para naman sa kabataan, mula 2011 hanggang 2016 ay pataas nang pataas ang abiso na
nakukuha ng gobyerno ukol sa karahasan tungo sa kabataan. Ayon sa isang report: (1)
252,962 mula 2011-12, 272,980 mula 2012-13, 304,097 mula 2013-14, 320,169 mula 2014-
15, at 355,935 naman mula 2015-2016. Para naman sa mga napatunayang naitalang kaso sa
karahasan tungo sa mga kabataan, 12% ay Sexual Abuse, 18% ay Physical Abuse, 25% ay
Neglect, at 45% naman ay Emotional Abuse (aifs.gov.au). Para naman sa LGBT, sinasabi na
kahit ang sekswalidad nila ay hindi naaayon sa “tradisyunal” na oyentasyong sekswal ay
nararapat lamang na natatamasa nila ng mga karapatang natatamasa ng mga heterosekswal na
indibidwal. Ilan sa mga ito ay ang: (1) ang mga karapatan sa buhay, kalayaan mula sa
pagpapahirap, at seguridad ng tao, (2) Ang karapatan sa kalusugan, (3) ang karapatan sa
edukasyon, (4) ang karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay (kabilang ang
pabahay, trabaho), (5) ang karapatan sa privacy, at (6) ang karapatang makilahok sa pang-
publiko at pangkultura buhay; ang karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag at pagbabahagi ng
saloobin o opinyon; ang karapatan sa mapayapang pagpupulong at kapisanan. Binanggit din
na ang mga naitalang kaso ukol sa karahasan tungo sa LGBT ay hindi gaanong tiyak dahil
mayroong mga insidenteng Gender-Based Violence tungo sa LGBT ngunit hindi umaabot sa
mga awtoridad ang abiso ukol dito. Kahit papaano, mayroon pa ring iilang mga istatistiks, at
pananayam na makakapagbigay impormasyon ukol sa kalagayan ng LGBT sa bansang
Australia: (1) sa pinangyayarihang tahanan at pamilya, ayon sa isang pananayam (2006) ang
mga indibidwal na bahagi ng komunidad ng LGBT ay nakakaranas ng mga pang-aabuso
(pagdidikta/negatibong pamamayani, pagseselos, pisikal na pang-aabuso, panliligalig,
pamamahiya, pang-aapi, at sekswal nang-aabuso), (2) sa pinangyayarihang paaralan, sa mga
naitalang kaso ng pagdurusa sa abuso, 74% ay nagaganap sa paaralan at umaabot ng 89% sa
mga mag-aaral na ang edad ay umiikot mula 14-17, (3) sa pinangyayarihang pag-aalaga, ayon
sa Productivity Commision, ang mga natanggap nilang ulat ay masamang epekto ang
nakukuha ng mga nakakatandang LGBT mula sa karahasan, panliligalig, at pang-aapi kaya
mas pinipili nilang itago ang kanilang totoong oryentasyong sekswal, (4) sa
pinangyayarihang trabaho, isang ulat (2002) ang nagsasabing ang mga LGBT ay
nakakatanggap ng mga homophobic na pagtatarato sa kanila, nagiging hindi maganda ang
epekto nito sa pagkukuha at pagpapanatili ng trabaho, (5) mula sa pinangyayarihang
komunidad/publiko, ipinapakita ng mga istatistika na halos 1/3 ng karahasan laban sa mga
LGBT na tao ang nangyayari sa kalye, sa LGBT-youth, halos kalahati ang nakaranas ng
karahasan sa kalye, sa isang pagsisiyasat hinggil sa mga kaganapan sa LGBT, halos 30% ng
mga respondente ang personal na nakaranas ng ilang pang-aapi o pisikal na pag-atake sa
isang pampublikong kaganapan, at (6) mula sa pinangyayarihang makabagong teknolohiya,
sinasabing ito raw ay mahirap sukatan ng cyber-bullying o cyber-harassment tungo sa LGBT,
ngunit dahil sa mas nagiging hanta dang mga kaso ng karahasang nabanggit, ay hindi
imposible na ang mga LGBT ay makaranas rin ng cyber-bullying o cyber-harassment
(bullying.humanrights.gov.au).

Makikitaan na LGBT, kalalakihan, kabataan, o kababaihan man, ay pare-parehong


nakakaranas ng Gender-Based Violence. Bawat isa sa kanila ay maaring maging ang nang-
aabuso ngunit batay sa mga nakalap na datos ay mas mataas ang palad na sila ay maging
biktima ng karahasan. Ang nagawa ng gobyerno ng Australia ukol sa Gender-Based Violence
ay ang “National Plan to Reduce Violence Against Women and their Children 2010-2022,”
bilang pangunahing patakaran nito sa Domestic and Family Violence, at Sexual Assault.

Mula naman sa Pilipinas, ang Gender-Based Violence ay isa rin sa mga isyu na kinakaharap
ng Pilipinas. Sa kabila ng pagdudusa ng bansa sa ganitong problema, mayroon namang
nagawang mga lehislasyon at batas upang hadlangan ang pagpapatuloy nito.

Isa na rito ang Republic Act 9262, o ang “Anti-Violence Against Women and their Children
Act of 2004” kinikilala ang pangangailangang protektahan ang pamilya at ang mga miyembro
nito lalo na ang mga kababaihan at mga bata mula sa karahasan at pagbabanta sa kanilang
personal na kaligtasan at seguridad, ito ay nilagdaan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo (en.wikipedia.org). Isa rin dito ang “Family Courts Act of 1997” o ang Republict Act
8396, kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay ng pamilya at dapat protektahan at
palakasin ang pamilya bilang isang pangunahing awtonomikong institusyong panlipunan.
Ang mga korte ay dapat panatilihin ang pagkakaisa ng pamilya, magbigay ng mga
pamamaraan para sa pagkakasundo ng mga asawa at ang magagandang pag-areglo ng
kontrobersya ng pamilya (pcw.gov.ph). Mayroon ding iilang mga batas at lehislasyon na may
kinalaman sa Gender-Based Violence ngunit ang mga iyon ay karaniwang nakatuon lamang
sa mga kababaihan at kabataan.

Sa kasalukuyan, bagaman ang isyu na ito ay hindi kasing pambihira ng mga nakaraang
isyung nagdaan, ay isa pa rin itong seryoso at makabuluhang bagay na dapat din
nasososlusyunan. Layunin at kahalagahan ng pananaliksik na ito ay bigyan kaalaman ang
mga mag-aaral tungo sa mabuti at karampatang kalagayan ng bawat isa (mapa-babae, lalaki,
parte ng komunidad ng LGBT, o bata man iyan) at upang magmulat narin ang mga mag-aaral
ang lahat na pumapatungkol sa “Gender-Based Violence.
SULIRANING PANG-KASARIAN

Ang Gender-Based Violence ay tumutukoy sa tipo ng karahasan na kung saan ang biktima ay
naaabuso dahil sa kanyang kasarian. Ito ay nauugat sa Gender Inequality o ang hindi
pagkapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian.

Mayroong iba’t ibang kondisyon ang Gender-Based Violence kung bakit ito nangyayari ayon
sa obserbasyon at pagkakaintindi ng mga mananaliksik: (1) dahil ito sa mababang pagtingin
sa isang indibidwal na may partikular kasarian, maaaring nakaugat ito sa mga pamantayang
panlipunang pangkasariang nakatakda sa kanila, (2) mayroon ding mga pagkakataon na
nangyayari ang karahasang ito dahil sa pagpapaloob ng mga bagay-bagay na nakakakaapekto
sa kanilang mga ginagawa, at kung minsan ay ito pa’y hindi namamalayan (tulad ng drugs at
alak), at (3) dahil sa kung ano ang pinaniniwalaan sa partikular na relihiyon, na nakakaapekto
sa pagtatamo ng pagkapantay-pantay ng mga kasarian (ang mga nabanggit ay pawang
perspektibo ng mga mananaliksik lamang).

Ayon sa mga datos na nakalap mula sa Brgy. 23, ang mga naitalang kaso ukol sa Gender-
Based Violence ay “Domestic Violence” lamang mula sa taong 2018 hanggang 2019. Ang
pagkakapare-pareho ng mga naitalang kaso ay: (1) mga kababaihan lamang ang mga
nabibiktima, (2) pisikal na pang-aabuso ang karahasang naranasan ng mga kababaihan, at (3)
mga kalalakihan ang mga nang-aabuso.

Ayon sa mga opisyales ng barangay, ang dahilan kung bakit naganap ang mga naitalang
insidente ng Gender-Based Violence ay alcohol at drugs lamang. Ang alcohol at drugs ay ang
nagtulak sa mga nang-aabuso upang magmalabis sa mga naturang biktima. Walang ibang
dahilan kung bakit napangyarihan ang Domestic Violence batay sa mga naitalang kasong
binaggit ng mga opisyales ng barangay.

Kung pag-uusapan naman ang epekto ng Domestic Violence, ayon sa mga opisyales ng
barangay, ay panandaliang trauma lamang (at tulong mula sa mga opisyales ng barangay) sa
biktima dahil pagkatapos ng sandaling panahon ay nagkakaroon na ng pagkakaisa sa pagitan
ng biktima at nang-aabuso, dahil na rin sa sila ay mag-asawa. Para naman sa nang-abuso, ay
nakatanggap ng kaparusahan (mababanggit sa “Solusyon” na bahagi ng pananaliksik), ngunit
gaya ng binanggit kanina, ang biktima at ang nang-abuso ay mag-asawa, kaya nagkakasundo
muli sila.

Para sa karagdagang impormasyon, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam sa mga


sinasakupan ng Brgy. 23. Karamihan sa kanila ay sumasang-ayon na pihado at ligtas na
napoproteksyunan sila ng mga opisyales ng barangay at karamihan din sa kanila ay
nagsasabing sapat ang abstensya, solusyon, at proteksyong natatanggap nila mula muli sa
mga opisyales ng barangay.
PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS

Ang “Gender-Based Violence” ay tumutukoy sa mga biyolenteng akto na hindi nagbubukod-


tangi sa anumang kasarian, edad at katayuan sa buhay. Sa panahon ngayon, ang ganitong
karahasan ay karaniwang nabibiktima ang mga kababaihan, at ang karaniwang mga nang-
aabuso ay ang mga kalalakihan (hrlibrary.umn.edu). Bilang kumpirmasyon, ang mga
mananaliksik ay naghanda ng mga datos na magpapatunay sa nasabing kawikaan.

(Ang sumusunod na biswal tsart na pie graph ay kumakatawan bilang ebidesnya na naisaad):

Bilang ng mga Naitalang Kaso Tungo sa


mga Kababihan, LGBT, Kalalkihan, at
Kabataan (2018-2019)

Kababaihan
Kalalakihan
LGBT
Kabataan
Bilang ng mga Naitalang Kaso kung saan ang
Nang-Abuso ay Kalalakihan, Kababaihan,
LGBT, o Kabataan

Kalalakihan
Kababaihan
LGBT
Kabataan

Ang biswal tsart na pie graph ay nagsasabing sa 100% ng mga naitalang kaso ng Brgy. 23 ay
100% doon ay mga kaso ng karahasan tungo sa kababaihan samantalang ang natitirang 0% ay
ang mga kaso ng karahasan tungo sa kalalakihan, kalalakihan, at LGBT.

Ayon sa mga mananaliksik, habang patagal nang patagal ang panahon ay nagiging mas
mapanganib na ang kapaligiran, kahit sino ay maaring madawit sa anumang kapahamakan sa
kabila ng mga batas na nagsisilbing pangilin at tagapagtanggol. Ang siklo ng pagkakaroon ng
manunuway, kasabay ng pagkakakaroon ng biktima ay patuloy-tuloy pa rin. Ngunit sa
kasalukuyan ang Pilipinas ay tumaas ang lebel sa Global Peace Index mula 138 (2018),
napunta sa 134 (2019), ibig sabihin mas nagiging ligtas na lugar na tirahan ang Pilipinas
habang tumatagal ang panahpn (en.wikipedia.org). Bilang pagkukumpara, inalam din ng mga
mananaliksik kung iilang kaso ang mga naitala sa taong 2018 at sa taong 2019.

(Ang sumusunod na biswal tsart na pie graph ay kumakatawan bilang ebidesnya na naisaad):
Komparasyon ng mga Naitalang Kaso ng
Gender-Based Violence sa taong 2018 at
2019

2019
2018

Ipinapakita sa biswal tsart na pie graph na sa 100% ng mga naitalang kaso sa Brgy. 23 ng
Gender-Based Violence (mula 2018 hanggang 2019) ay 25% ay nanggagaling mulam sa
taong 2018 at ang natitirang 75% naman ay galing sa taong 2019. Dahil sa 2018, iisa lamang
ang naitalang kaso ng Gender-Based Violence samantalang sa 2019 naman ay dadalawa.

Ang Gender-Based Violence ay nahuhulog sa iba’t ibang uri dahil sa ang karahasan ay hindi
lang iisa ang mukha at lalong lalo nang hindi pare-pareho ang katangian kung ito’y
mararanasan. Ang mga uri ng Gender-Based Violence ay: Domestic Violence, Abusive
International Marriage, Forced Marriage, Elder Abuse, HIV and Intimimate Parter Violence,
LGBTQ+ Intimate Partner Violence, Human Trafficking, at Sexual Assault/Violence. Ang
mga mananaliksik ay naghanda ng mga datos ng mga naitalang kaso ng Gender-Based
Violence na nahuhulog sa iba’t ibang uri sa Brgy. 23 mula sa taong 2018 hanggang taong
2019.

(Ang sumusunod na biswal tsart na pie graph ay kumakatawan bilang ebidesnya na naisaad):
Bilang ng mga Naitalang Kaso ng Iba't
Ibang Uri ng Gender-Based Violence (2018-
2019) Domestic Violence

Abusive International Marriage

Forced Marriage

Elder Abuse

HIV and Intimate Partner


Violence
LGBTQ+ Intimate Partner
Violence
Human Trafficking

Sexual Assault/Violence

Inilalarawan sa biswal tsart na pie graph ay sa loob ng 100%, 100% ng mga naitalang kaso
ng Gender-Based Violence sa Brgy. 23 mula sa taong 2018 hanggang 2019 ay nahuhulog sa
uri na tinatawag na “Domestic Violence” samantalang ang 0% ay nahuhulog sa lahat ng uri
ng Gender-Based Violence na nabanggit bukod sa Domestic Violence.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan ukol sa abstensiya, proteksiyon, at


solusyon sa karahasan na nagawa ng mga barangay officials para sa mga barangay citizens
(Brgy. 23) tungo sa Gender-Based Violence. At upang mas mapadali ang paghahandog ng
mga katanungan/survey, ang mga mananaliksik ay gumamit ng talahayan upang ang aralin ay
mas epektibong maintindihan dahil sa nasabing istratehiya.
Q1. Sa aming pananaliksik, Q2. Sapat ba ang abstensya,
ang Brgy. 23 ay kaka-onti proteksyon, solusyon sa
ang mga reported cases ng karahasan ang nagagawa ng
Gender-Based Violence? mga Baranggay Officials
Ayon sa pananaw ng mga tungo sa Gender-Based
Mga Respondent Baranggay Officials, ay dahil Violence?
ito sa mahigpit na proteksyon
na ginagawa ng nila laban sa
tipo ng karahasang
nabanggit, sumasang-ayon
ka ba na ikaw ay
naproproteksyonan bilang
isang citizen ng Brgy. 23
Babae
Respondent # 1 Oo Oo
Respondent # 2 Oo Hindi
Respondent # 3 Hindi Hindi
Respondent# 4 Oo Oo
Respondent# 5 Oo Oo
Lalaki
Respondent # 1 Oo Oo
Respondent # 2 Hindi Hindi
Respondent # 3 Oo Oo
Respondent # 4 Oo Oo
Respondent # 5 Hindi Hindi
Child
Respondent # 1 Hindi Hindi
Respondent # 2 Oo Oo
Respondent # 3 Oo Oo
Respondent # 4 Oo Oo
Respondent # 5 Oo Oo
LGBT
Respondent # 1 Oo Oo
Respondent # 2 Oo Oo
Respondent # 3 Oo Oo
Respondent # 4 Hindi Hindi
Respondent # 5 Hindi Hindi
30 % Hindi, 70% Oo 25% Hindi, 75% Oo

Upang mas maintindihan pa ang nakalap ng datos sa pamamagitan ng mga kasagutan sa mga
katanungang inihanda, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga biswal tsart na
magpapakita ng kaibhan ng panig ng mga piling katugon mula sa Brgy. 23.

(Ang mga sususunod ay nagsisilbing representasiyon ng mga datos na nakuha mula sa


pagsisiyasat);

Pagkakaiba ng mga Panig sa Q1 Ayon sa


mga Piling Respondents

Hindi
Oo
Pagkakaiba ng mga Panig sa Q2 Ayon sa
mga Piling Respondents

Hindi
Oo
KONKLUSYON

 Batay sa mga datos na nakalap, ang kawikaang nagsasabi na ang mga


kababaihan ay karaniwang nagiging biktima ng Gender-Based Violence at
kalalakihan ay ang karaniwang nang-aabuso ay kumpirmado ng pananaliksik
na ito dahil sa ang mga naitalang kaso ng nabanggit na tipo ng karahasan mula
sa taong 2018 hanggang 2019 a sa Brgy. 23 ay nabiktima ang mga
kababaihan.
 Batay sa mga datos na nakalap, ang kasabihang nagsasaad na habang
tumatakbo ang panahon, ang kapaligiran ay nagiging mas delikado na ay
nakumpirma ng pananaliksik na ito dahil sa ang mga naitalang kaso ng
Gender-Based Violence ng makabagong taong 2019 ay mas marami kumpara
sa nakalipas na taon, ang 2018.
 Batay sa mga datos na nakalap, ang Domestic Violence (100%), isang uri ng
Gender-Based Violence ay ang karaniwang insidenteng nagaganap sa Brgy. 23
mula sa taong 2018 hanggang 2019 habang ang natitirang uri ng tipo ng
karahasang nabanggit sa biswal tsart/pie graph ay hindi naganap sa mga taong
iyon.
 Batay sa mga datos na nakalap (na ang mga kasagutan ng mga inihandang
mga katanungan ng mga mananaliksik), karamihan (70%) sa mga piling
katugon mula sa Brgy. 23 ay sumasang-ayon sa perspektibo ng mga
Baranggay Officials na mahigpit at pihado ang seguridad na isinasagawa nila
para sa kaligtasan ng lahat samantalang ang iilang natirang (30%) piling
katugon ay hindi sumasang-ayon sa nabanggit na perspektibo.
 Batay sa mga datos na nakalap (na ang mga kasagutan sa mga inihandang mga
katanungan ng mga mananaliksik), karamihan (75%) sa mga piling katugon
mula Brgy. 23 ay sumasang-ayon na sapat ang proteksiyon, abstensiya, at
solusyon sa karahasan ang isinasagawa ng mga Baranggay Officials laban sa
Gender-Based Violence samantalang ang iilang natitirang (25%) ay
nakukulangan pa rin sa mga aksiyong ginagawa ng mga Baranggay Officials
laban sa tipo ng karahasang nabanggit.
SOLUSYON

Mula sa punto de vista ng mga Barangay Officials, ang mga solusyong naipatupad o
naisagawa ay ang mga sumusunod:

 Ang (mga) biktima sa naturang kaso ng Gender-Based Violence, partikular sa


Domestic Violence, ay kapag hindi maaring umuwi ang biktima, ang Brgy. 23 ay
naglalaan ng kwarto upang may matutulugan ang biktima matapos ang insidente (ang
kwartong nabanggit ay maaring manggaling mismo sa loob ng Baranggay Hall o
kwarto ng isa sa mga Barangay Officials). Ang gawing ito ay karaniwang tumatagal
hanggang 3 araw lamang, sa loob ng tagal na nabanggit ay pinakakain, at hindi
hinahayaang bumalik sa orihinal na tahanan hangga’t napapansin ng mga Barangay
Officials na ito’y hindi pa handa.
 Ang nang-aabuso, kapag nasa edarang 18 at pataas ay pinakukulong nang hanggang
isang linggo, tumatagal ang pagkakabilanggo depende kung gaano katindi ang epekto
insidente sa naturang biktima. Kapag naman menor de edad naman ang nang-aabuso,
ay dumadaan sa proseso na kung tinatawag na counselling at kung matindi ang epekto
ng insidente sa naturang biktimi ay ipinapadala sa DSWD (Department of Social
Welfare and Development).
 Ang nakalaang pondo para sa Gender-Based Violence (kasama narin ang Violence
Against Women and Children) ay isang porsiyento lamang ng kabuuang pondo ng
Baranggay para sa anumang pangyayari. Ang pondong iyon ay inilalaan para sa mga
seminars ukol sa Gender-Based Violence pati na rin ang Violence Against Women and
Children. Ang mga seminars na ito ay isinasagawa kada taon mula sa buwan ng
Nobyembre hanggang sa buwan ng Disyembre, upang magbigay-pitagan sa anuwal na
gawi na kung tinatawag na “16 Days of Activism Against Gender-Based Violence”
pati ang “18-Day Campaign To End VAW (Violence Against Women).” Ang gawi na
ito ay parehong abstensiya at solusyon lalong lalo na sa pangkaraniwang kaso sa
komunidad tulad ng Domestic Violence.

Mula sa punto de vista ng mga mananaliksik, ang mga solusyon na dapat isinasagawa at
ipinapatupad sa Brgy. 23 ay ang mga susmusunod:
 Kailangan ng buwanang pagsubaybay sa mga nagreport sa baranggay ng Gender-
Based Violence, lalong lalo na sa Domestic Violence dahil ayon sa pagsasaliksik,
hindi pa sapat ang ginagawang seminars at meetings ukol sa mga nabanggit.
 Pagpapalaki ng inilaang pondo para sa Gender-Based Violence upang mas maisaayos
ang pagsugpo sa tipo ng karahasang nabanggit.
 Bigyan ng mas mabigat na parusa sa mga nang-aabuso tulad na lamang ng mga
sumusnod:
1. Pagkakabilanggo sa mga sumubok mang-abuso at sa mga nang-aabusong hindi
matindi ang epektong dinala sa biktima ng mga 1 linggo hanggang 1 buwan
ngunit hindi mapapakiusapan ng biktima na pakawalan ang nang-abuso sa
kaparusahang ibinigay.
2. Pagkakabilanggo sa mga nang-aabuso (katamtamang epekto ang dinala sa
biktima) ng mga nasa 1 taon hanggang 2 taon na hindi matutumbasan ng halaga
ng multa. Ang pagkakabilanggo na ito ay hindi mawawakasan kahit na sa
pakiusap ng biktima na makawala ang nang-abuso sa kaparusahang ibinigay.
3. Death Penalty para sa mga nang-aabusong nagdala ng malubhang epekto sa mga
biktima.
REPLEKSYON (Justin Gamba)

Bilang isang matalinong mag-aaral ng Maypajo High School, napag-alaman ko na sa


paanong paraan nakakaapekto ang mga araling natalakay mula sa asignaturang “Araling
Panlipunan” at sa pananaliksik na aming ginawa. Dagdag pa rito, mayroon akong napulutang
aral na maari kong gamitin bilang pag-unlad ng aking pagkatao, kasama na rito ang mga
napag-alam kong maling gawi na iiwasan at iiwanan ko sa aking likuran.

Ang ilan sa mga napag-alam ko ay ang pang-aabuso ay hindi pa rin natatapos kahit sa
anumang batas at lehislasyon ang gawin upang maagapan ito. Ang aming pananaliksik ay
nagpatibay sa gender stereotype na ang naaapi ay ang mga kababaihan at ang mga
kalalakihan ay ang mga nang-aapi. Kahit papaano naman ay mayroon pa ring nagawa ang
barangay upang hindi ito maipagpatuloy at tuluyan nang matapos. Napagtanto ko rin na kahit
hindi gaano ka-sigurado ang proteksyon, abstensya, at solusyon na naihanda ng barangay ay
ang mga naninirahan naman sa barangay na iyon ay nasasapatan naman sa kung ano meron
ang naihandan nila. Mayroon mang hindi sumasang-ayon sa nabanggit na perspektibo ay mas
marami pa ring naniniwala na ligtas na matitirahan ang Brgy. 23. At dahil sa barangay iyon,
natural lamang na “Domestic Violence” ang karaniwan, o ang nag—isang naitalang kaso na
anyo ng Gender-Based Violence dahil sa maraming bahay-bahay iyon.

Ang pananaliksik at araling ito ay nakakaapekto sa akin dahil sa walang taong exempted sa
ganitong karahasan. Mayroong mga paaran kung paano ito mapipigilan pero hangga’t
mayroon pa ring mga taong nasa kawilihan mag-labag ng karapatang pantao ay kulang pa rin
minsan ang bastang iwas na lamang.

Mula sa araling natalakay at sa aming pananaliksik, nalaman ko na ang Gender-Based


Violence ay hindi isang isyu na sa ika-21 siglo lumaganap, bagkus, hindi na ito bago, at bago
pa ito maranasan ng mga tao ngayon ay mayroon nang nakaranas sa mga nagdaang taon.
Kada panahon na lumilipas, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pare-pareho ang saklaw ng
karapatan na natatamasa ng bawat isa, may umaangat, may napapangibabaw, at kahit
papaano ay may pumapantay. Ngunit sa kasamaang palad ay sa pagkakataong nagiging
pantay ang lahat ay hindi mangyayari sa iba pang pagkakataon. Dahil sa kahit anong
istratehiya ang ating gawin, ay hindi pihadong-pihado ang pagtamo ng Gender Equality sa
kabila ng pag-unlad ng mga diskarte upang maranasan natin ito. Nakakalungkot isipin ang
ganitong penomeno, ngunit dahil sa karanasan ko sa pagpalad na mapag-aralan ito ay hindi
ko sasayangin ang naibigay sa akin upang maging mas mabuting indibidwal sa lipunan, sa
bansa, sa buong mundo, at lalong lalo na sa sarili upang kahit papaano ay tuluyang mabawan
at kung kakayanin, ay mawakasan ang isang tulad na karahasan na ating pinagtutuunan, ang
Gender-Based Violence.
REPLEKSIYON (Carl Justine Marcos)

Natutunan ko sa aralin ng ikatlong markahan ang kahulugan, konsepto, konteksto at


pagkakaiba ng sex sa gender, na ang sex ay katangiang pisikal ay pisyolohikal at hindi nag
babago, ang gender naman ay katangiang sikolohikal impluwensya ng kultura at kapaligiran.
Dito din nasama sa aking kaalaman ang kahulugan ng gampaning pangkasarian o Gender
Roles. Ang Gender Roles ay tumutukoy sa pamantayang panlipunan na nag tatakda ng
gawaing mainam o katanggap-tanggap sa lipunan. Isang parte din ng aralin ang aking higit na
napagtuunan ng pansin ay ang kasaysayan ng Gender Roles sa Pilipinas kung saan may
limang panahon na iba iba ang karapatan ng kalalakihan sa kababaihan, una ay ang panahong
Pre-Kolonyal, ang mga kalalakihan sa panahong ito ay maaaring mag asawa ng marami at
maaari ding makipaghiwalay, ang mga kababaihan naman sa panahong ito ay pagmamay-ari
ng mga kalalakihan maaari silang patayin kapag sumama sa ibang lalaki, sumunod ay ang
panahon ng Espanyol kung saan malawak ang saklaw ng karapatan ng mga kalalakihan at ang
mga kababaihan naman ay limitado ang saklaw ng karapatan at maaaring sumama sa mga pag
aalsa, sumunod ay ang panahong Amerikano, sa panahong ito malawak pa din ang saklaw ng
mga kalalakihan at sa mga kababaihan naman ay nabigyan na sila ng karapatang
bumoto,sumunod sa Amerikano ay ang mga Hapones, sa panahon ng Hapones malawak at
hindi pa din nag bago ang karapatang saklaw ng mga kalalakihan, ang mga kababaihan
naman ay bahagi na ng mga pag-aalsa, sumunod ay ang kasalukuyang panahon kung saan
pantay na ang karapatan ng mga kalalakihan sa kababaihan, malawak at malaki ang saklaw
ng mga karapatan ng parehong kasarian. Napagtanto ko dito na napakarami munang
pinagdaanang hindi pantay na pagtrato ang mga kababaihan bago nila natamasa ang pantay
na karapatan kagaya ng sa mga kalalakihan. Nadagdag din sa kaalaman ko ang kahulugan ng
LGBT at kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas kung saan natalakay dito ang mga babaylan na
maihahalintulad sa sinaunang priestess o shaman. Natutunan ko naman sa paggawa ng
Critical Analysis Paper ay hindi pala talaga isang simpleng isyu ang Gender-Based Violence
dahil ito'y isang karahasan na direktang ginagawa sa tao ano pa man ang kanyang kasarian.
Nalaman ko din ang iba't ibang uri ng Gender-Based Violence tulad na lamang ng Domestic
Violence na kung saan 100% ng kanilang iba't ibang mga naitalang kaso ng aming napiling
brgy ay nakapaloob dito. Inilathala din sa amin ng brgy ang solusyon ukol sa kaso ng
nagreklamo. Nagsasagawa din sila ng mga seminars at meetings tungkol sa Gender-Based
Violence. Sa kabuuan nalaman ko dito na kahit pa malawak na ang saklaw ng karapatan ng
bawat isa sa atin ay may nakararanas pa din ng mga karahasan at hindi pantay na pagtingin
dahil kanilang kasarian. Natutunan ko dito na nararapat lang igalang ang bawat isa sa atin,
mapa lalaki, babae o miyembro pa ito ng LGBTQA+.
REPLEKSIYON (Xzyrele Cortez)

Bilang isang mag aaral mahalagang malaman ang karapatan mo bilang tao. Sa panahon ng
Espanyol, hindi pantay ang tingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, limitado ang
saklaw ng mga karapatan ng mga ito at hindi tulad ng mga kalalakihan. Sa panahon naman ng
Amerikano, ang mga kababaihan ay binigyan ng karapatan na lumabas sa mundo ng bahay at
simbahan. Sa panahon naman ng Hapones ang mga kababaihan ay ginawang "comfort lady"
na kung saan ginagawang libangan sila ng mga Hapones. Hindi lamang mga kababaihan ang
ginagawang parausan maging ang mga kabaklaan din na tinatawag na "comfort gay". Aking
napag alaman din na ang Gender-Based Violence ay isa sa mga isyu na kinakaharap ng
Pilipinas. Ang Gender-Based Violence ay tumutukoy sa mga biyolenteng akto na hindi
nagbubukod-tangi sa anumang kasarian. Ang Gender-Based Violence ay may iba't ibang uri
Domestic Violence, Abusive International Marriage, Forced Marriage, Elder Abuse, HIV and
Intimimate Parter Violence, LGBTQ+ Intimate Partner Violence, Human Trafficking, at
Sexual Assault/Violence. Mayroong 100% ng mga naitalang kaso sa brgy 23 ay pumapaloob
sa uri ng "Domestic Violence" mula 2018 hanggang 2019.Aking napagtanto din na ang
karaniwang nagiging biktima ng Gender-Based Violence ay ang mga kababaihan. Karamihan
sa mga tao ng barangay 23 ay suma-sangayon sa perspektibo ng mga opisyales ng brangay na
mahigpit at pihado ang seguridad na isinasagawa nila para sa kaligtasan ng lahat.
Samantalang 30% naman ang hindi sumang ayon sa nabanggit na perspektibo. Sa aking
palagay kaya mayroong 30% na hindi sumang ayon ay dahil na rin hindi sila kumbinstibo sa
perspektibo ng brangay 23. Aking napagalaman din na tumatagal lamang sa barangay 23 ng
tatlong araw ang tinatagal ng nang abuso. Sa tatlong araw na iyon ay pinapakain ang mga ito
at hindi hinahayaang bumalik sa orihinal na tahanan hangga't napapansin ng mga opisyales
ng barangay na hindi pa ito handa. Batay sa mga datos na nakalap ng aming grupo, ang
kasabihang nagsasaad na habang tumatakbo ang panahon, ang kapaligiran ay nagiging mas
delikado na ito dahil sa ang mga naitalang kaso ng Gender-Based Violence ng makabagong
taong 2019 ay mas marami kumpara sa nakalipas na taon, ang 2018. Namulatan ako na kapag
hindi ito naaganap agad ay maaaring mas lumala pa o mas dumami pa ang posibleng gumawa
ng mga pang-aabuso sa salita man o sa gawa. Ako'y mas natutulong rumespeto mapa-lalaki
man o iba pa. Namulatan din ako na dapat alamin ko pa lalo ang mga batas upang maiwasan
ang pang aabuso o umabuso
REPLEKSIYON (Joshua Dean Letrodo)

Ang mga natutunan ko sa ating mga aralin ay ang gender equality ay isang malaking isyu na
kinahaharap ng napakaraming bansa. Napagtanto ko sa aralin na ito na napakahaba ng
panahon na kinailangan ng kababaihan bago sila bigyan ng karapatan na katulad sa
kalalakihan. Nalaman ko rin na may ibat-ibang gampanin ang mga kababaihan sa ibat-ibang
panahon at lugar halimbawa nalang nito ay kapwa maalaga at maaruga ang baabe at lalaki sa
arapesh samantalang matatapang, agresibo at bayolente naman sa Mundugumur sa Tchambuli
naman ay mas dominante ang mga babae kaysa sa lalaki sila rin ang nag hahanap ng pagkain
para sa kanilang pamilya. Sa panahon naman ng Pre-Kolonyal ay mas angat ang kalalakihan
kaysa sa mga kababaihan ganon rin sa panahon ng Espanyo limitado ang saklaw ng kanilang
karapatan sa panahon naman ng Amerikano ay nag karoon sila ng karaptan na bumoto.
Samantalang sa panahon ng Hapones pinaka naabuso ang karapatan ng mga kababaihan. Isa
rin sa ating mga pinag aralan ay ang kasaysayan ng LGBT sa Pilipina, napag-usapan natin
dito ang iba’t ibang samahan na nabuo na may kinalaman sa LGBT. Gaya nalang ng .
Lesbian Collective na sumali sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992
ang Progay Philippines noong 1993 at Ladlad na kauna-unahang partido ng LGBT na
tumakbo sa halalan noong Abril 2010.

Ang akin namang natutunan sa aming ginawang pananaliksik ay napaka-laking usapin


talaga ang isyung Gender-Based Violence at ang kababaihan ang kadalasang naabuso pag
dating sa usaping ito. Gaya nalang sa Barangay 23 na aming napili lahat ng kaso ng pang-
aabuso na naitala ay pang aabuso sa kababaihan at hindi sa kalalakihan o LGBT. Nag
papakita lang ito na may pagkakataon parin inaabuso ang karapatan ng kababaihan sa kabila
ng ginagawa ng pamahalaan ukol sa pag kakapantay pantay. Sa kabilang banda ayon sa
aming pananaliksik may mga taong nag sasabing ligtas sila sa kanilang Baranggay at may
nag sasabi ding hindi, nanganngahulugan lang ito na may naabuso man na karapatan ngunit
hindi naman ganon kalaki. Ibig sabihin may mga paraan paring nagawa ang mga Baranggay
na epektibo sa pagsugpo ng karahasan ukol sa pangkasariaan ngunit kailangan parin itong
pag igihin upang mas lumiit pa ang mga kaso at mas maging ligtas ang bawat mamamayan
partikular na ang kababaihan. Sa kabuuan ng aking natutunan sa aming pananaliksik ay hindi
man lubusang pantay-pantay ang karapatang ng ibat ibang kasariaan ay sinusubukan naman
itong gawan ng paraan ng mga kinauukulaan gaya nalang ng pakikiisa nila sa VAWC
(Violence Againts Women and Children) at pag sasagawa ng mga seminar ukol sa mga batas
na nag bibigay ng parusa sa mga taong nang aabuso ng karapatan sa malilit na paraan na ito
ay masasabi nating may ginagawa talaga ang ating kinauukulan.

Nakaapekto ang ating aralin at aming pananaliksik dahil sa panahon ngayon ay mas
malaki ang tsansa na mabiktima ang kagaya kong kabataaan. Kaya dapat mas alam natin ang
mga karapatan natin bilang isang lalaki,babae o mapa LGBT man. Kailangan na mas maging
bukas ang ating isipan sa mga ganitong pang aabuso. Sa pag tagal din ng panahon tayong
mga kabataan ang susunod na pinuno kaya nararapat lang na malawak ang ating kaalaman
ukol sa ganitong isyu
REPLEKSIYON (Justine Santos)

Alam naman nating lahat na dalawang kasarian lang kinikilala dito sa ating mundong
kinagagalawan babae at lalaki ngunit sa paglipas pa ng mga panahon marami na ang mga
pagbabagong naganap sa kasalukuyang panahon mga kasariang umusbong Lesbian Gay
Bisexual Transgenger o "LGBT" na tinatawag.Ngunit sa panahong ating tinatamasa
nawawalan ng ekwalidad na tinatawag o pagkakapantay pantay maging sa trabaho
komunidad at kasarian .Sa panahong ng pre kolonyal may tinatawag na Boxer Codex ito ay
pumapatungkol sa mga karapatan ng babae lalaki o magasawa,ang mga kalalakihan ay
pwedeng magasawa ng marami ngunit ang mga babae ay hindi ag kung mahuli ng lalaki ang
kanyang asawang babae ay pwede siyang patayin at kung magkakaroon ng hiwalayang
tinatawag ang lahat ng ari-arian na kanilang ipinundar ay sa lalaki at mapupunta.Dito parteng
ito ay hindi pinapakita ang ekwalidad hindi maganda para sa bawat indibidwal na walang
pagkakapantay pantay lahat ng tao ay may karapatan,may karapatan tayong ipaglaban kung
ano ang ating saloobin ipaglaban kung ano ang tama o mali at higit sa lahat ang iyong
pagkatao. Hindi diskriminasyon pangungutya at panlalait ang nais matanggap ng bawat
indibidwal o maging parte ng LGBT kung hindi pagtanggap at maging malaya dito sa ating
mundo mabuhay ng walang kaba at takot na darama,dahil bilang isang kasapi ng LGBT hindi
madali ang aking pinagdaanan ngunit kailangan mong maging matatag hindi para lang sa
iyong sarili kung hindi sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil dito sa ating mundo puro
panghuhusga ang ginagawa kailangan mong ipakita sa kanilang lahat na walang mali sa
iyong kasariang pinili ang mali ang hilahin ka ng kapwa mo pababa.
REPLEKSIYON (Francene Aleli Canares)

Hindi lalago ang isang estudyante hanggat wala siyang napupundar na bagong kaalaman,
kaya't mahalaga na sa pag-aaral ay matutunan din ng isang mag-aaral na magsaliksik. Ang
CAP ay isang uri ng research na ginawa ng aming grupo at ipinatungkol namin ito sa Gender
Based-Violence. Base sa aming pag-aaral ang GBV ay hindi isang modernong isyu, ito ay
nagaganap noon palamang. Lalo na't noon ay di talaga nakikitaan ng pagkakapantay-pantay-
ang bawat kasarian kaya't madaling magsagawa ng karahasan.

Sa pag-aaral na ito nilayon ng aming grupo na himayin ang mga isyung pangaabuso at
karahasan na nakapaloob sa GBV (Gender-Based Violence). Bago maglahad ng datos ay
minabuti naming intindihin muna ang ibig sabihin ng GBV. Ang GBV ay isang penomeno na
nauugat sa Gender Inequality, ang di pantay na pagtingin at pagtrato sa iba't ibang kasarian.
Pagkatapos maintindihan ang suliraning pinaguusapan dumiretso ang aming grupo sa pag
alam ng mga dahilan kung bakit nagaganap ito.

Base sa aming pag-aaral, mayroong 3 puntong dahilan kung bakit nagaganap ito. Una ay ang
pagkaroon ng pagbabago sa norms. Ayon sa norms ang lalake ay maskulado, agresibo at
dominante, samantalang ang babae ay mahinhin, pines at sunod sunuran. Ang pagkakaroon
ng pagbabago sa norms na ito ay nagdudulot ng karahasan at pangaabuso. Pangalawa naman
ay ang conflict at gera, hindi naiiwasan ang GBV kapag nagkakaroon ng gera o digmaan,
dahil sa panahong ito ay magulo at hindi nagkakaintindihan ang lahat, ang iba't ibang klase
ng masasamang uri ng gawi ay maaring maganap. Pangatlo naman ay alcohol at drugs.
Malaking porsyento ng mga kaso ng Gender-Based Violence ang inuugnay sa pagkalango sa
alcohol at drugs. Ang epekto ng alcohol at drugs sa tao na nagcecreate ng illusions at false
reality ang nagiging dahilan kung kaya't nakakagawa ang isang tao ng mga nakagigimbal na
gawain habang siya ay wala sa sarili dahil dito.

Ang GBV kapag hindi nasolusyonan at napaghandaan ay maaring magdulot ng mga


seryosong kahihinatnan. Ito ay pwedeng magdulot ng pagkasira sa mental at pisikal na anyo
ng isang tao. Ayon sa nakalap na datos ng aming grupo aming nalaman na malaking
porsyento ng biktima ng GBV ay ang mga kababaihan. Ayon sa pagsasaliksik ng aming grupo
nalaman namin na ang konotasyon na “ang babae ay madalas na biktima ng GBV” ay totoo.

Sa kabuuan bilang miyembro ng pagsasaliksik na ito. Aking nahinuha na ang isyu patungkol
sa suliraning pangkasarian ay matuturing na isang malawak at malalim na usapin. Para itong
isang domino pieces, ang pagkilos ng padalos dalos ay magdudulot ng pagkabagsak at
pagkadamay ng iba pang domino pieces. Kaya't mas nakabubuti kung bibigyan ng ibayong
pagiisip at pag aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nagbukas sa aking mata patungkol sa mga kinakaharap na


pangaabuso at karahasan na nararanasan ng iba't ibang kasarian. Sa paglalahat akin lamang
masasabi na tayo tayo lang ang magtutulungan upang maibsan ito dahil sa huli babae man o
lalake, tomboy man o bakla, pare pareho lang naman tayong tao na sinusubukang makamit
ang mundong payapa
REPLEKSIYON (Claire Cerbo)

Alam naman natin na sa kasalukuyang panahon ay hindi lahat ng tao'y bukas ang kaisipan sa
pagintindi at pagtingin sa isyu ng ekwalidad sa ating bansa. Upang maintindihan pa ay sa
panahon ng mga Espanyol ay hindi naging pantay ang pagtrato sa babae at lalaki, sa panahon
iyon ay mas lamang ang karapatan ng mga lalaki, sa panahon naman ng mga Amerikano ay
mas naging magaang ang pagtrato sa mga kababaihan kumpara sa panahon ng Espanyol, sa
panahon naman ng mga Hapones ay mas naging malala ang sinapit ng mga kababaihan, dahil
sila ay naging parausang mga lalaking hapones at sila'y tinawag na mga "comfort lady", sa
panahon ding iyon ay hindi lamang ang mga kababaihan ang naging parausan kundi pati
narin ang mga bakla, na tinawag ding “comfort gay.” Ang pagtalakay ng iba't- ibang kasarian
tulad ng kababaihan, kalalakihan maging ang LGBT ( Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)
ay hindi ganong nabibigyang pansin sa ating bansa, dahil dito ay maraming umusbong na
ibat- ibang karahasan o Gender-Based Violence na nangyayari hindi lang sa ating bansa,
kundi sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang Gender-Based Violence ay patungkol sa
pagkakaroon ng marahas na aksiyon na hindi namimili ng anumang kasarian. Ang Gender -
Based Violence ay hindi birong isyu na dapat ay binibigyang pansin. Ang Gender-Based
Violence ay may iba't ibang uri, Domestic Violence, HIV Intimate and Partner Violence,
Human Trafficking at marami pang iba. Sa barangay na aming napili ay limitado lamang ang
reported cases ng Gender-Based violence tungkol sa naturang barangay. Ayon sa datos na
aming nakalap ay 100% ay uri ng domestic violence mula 2018-2019. Marami ding nagsasabi
na ang kanilang barangay ay may sapat na proteksyon upang malimitahan ang karahasan sa
kanilang lugar, ngunit may 30% na nagsasabi na hindi sapat ang proteksiyon na kanilang
natatanggap. Ayon din sa datos na aming nakalap, ang mga babae parin ang may
pinakamaraming Gender-Based Violence kung ikukumpara sa iba pang kasarian, ngunit,
kung inaakala ng karamihan na ang mga kababaihan lamang ang nakakaranas ng Gender-
Based Violence ay nagkakamali sila, dahil mayroon ding mga kalalakihan na nakakaranas ng
Gender-Based Violence ngunit ito ay hindi masyadong pansin dahil na din sa perspekribo ng
mga tao na ang kalalakihan ay kayang ipagtanggol ang sarili nila. Kabilang din sa nagiging
biktima ng Gender-Based Violence ay ang mga kasama sa LGBT, dahil sa kasalukuyang
panahon ay hindi parin ganong natatanggap ng ating lipunan ang LGBT, dahil narin sa iba't-
ibang paniniwala in terms of religion, politics at marami pang iba, sa pagtalakay ng mga
ganitong isyu ay mas napapalawak pa ang aking isipan sa pag-intindi hindi lang sa isang
panig, ngunit sa pagkalap ng maraming datos na magpapatunay na may nangyaring krimen sa
isang lugar. Natuto ako sa maraming bagay na saklaw ng Gender-Based Violence, na hindi
lang dapat ang mga kababaihan at kalalakihan ang binibigyang pansin, dahil sa panahon
ngayon ay marami nang umusbong na iba't- ibang kasarian na patuloy pang dumarami at
lumalaganap. Natuto din ako na maging pantay ang pagtingin sa bawat isang kasarian na
nabanggit, dahil kung mas maiintindihan ko ang bawat hinaing o bawat nararamdaman ng
isang kasarian ay mas magkakaroon tayo ng isang mapayapang bansa, at maaring kung
magkakaintindihan ang lahat ng mag kakaibang kasarian ay mas mababawasan ang mga
karahasan na nangyayari at lumalaganap hindi lamang sa ating bansa, kundi sa iba na pang
panig ng mundo.
KUHA NG LARAWAN

Ito ang mga panahon na kung saan ginagawa


ni Mr. Gamba The Great ang Panimula ng
pagsasaliksik. Di mo makita noh? Di yan
black beauty, unfathomable stupidity po yan.

Ito ang mga panahon na kung saan


isinasagawa na ang pag-interview sa mga
opisyales ng barangay, particular sa VAWC
Chairman. Nakabase ang linaw ng imahe sa
relasyon niyo. Kung Malabo nakikita niyo,
edi malabong tatagal kayo
OoooOOOOOOOOOOoooOOOOooOww

Ito ang mga panahon na nagsasagawa


sila ng interview para naman sa mga
katao mula sa Brgy. 23. Pakapalan na
lang ng mukha, panalo kung sino nasa
imahe, talo yung nag-picture.
Ito naman ang pangalawang pagkakataon na
makapag-interview sa mga katao ng Brgy. 23
dahil sa hindi natapos nung una. Ganon talaga
kapag isang malaking disappointment ang
nadadala ng mga kagrupo mo
hAaAAAAAaaAAAAAAAAaaAyst

Ito ang mga panahon kung saan nagsasagawa


na kami ng typing ng mga datos, konklusyon,
at solusyon. Ito rin ang mga panahon na kung
saan nagkaroon na rin sila ng kwenta sa
pagsasaliksik.

Ito ang mga huling panahon na kung


saan nagsasagawa na kami ng typing
ng mga repleksiyon, kuha ng larawan,
pati na rin ang sanggunian. Medyo mas
maaga kaming natapos kesa
expectations naming late naming toh
matatapos. Sana hende bumagsak, kase
ang alam ko lang bumagsak sayo
yiEEEEEeEEEEEeeeeEEEEEeE
SANGGUNIAN

 Araling Panlipunan: Isyu at Hamong Panlipunan 10;


https://www.academia.edu/35618747/ARALING_PANLIPUNAN_ISYU_AT_HAM
ONG_PANLIPUNAN_Panimula_at_Gabay_na_Tanong
 .Being LGBT in ASIA: The Philippine Country Report;
https://www.ph.undp.org/content/Philippines/en/home/library/democratic_governance
/being-lgbt-in-asia-the-philippine-country-report.html
 Violence Against Women in the Philippines,
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Violence_against_women_in_the_Philippines
 Habla, Redentor; March 2016; Pagtalakay at Karapatan Ukol sa LGBT; Philippines
 Jaymalin, Roxxanr Gianna; October 2014; Pamumuhay sa Ilalim ng mga Hapones;
Philippines
 Gender-Based Violence in South Africa;
https://www.saferspaces.org.za/understand/entry/gender-based-violence-in-south-
africa
 What Works to Prevent Gender-Based Violence;
https://www.saferspaces.org.za/blog/entry/what-worls-to-prevent-gender-based-
violence-in-south-africa
 The Study on Violence Against Children in South Africa; https:///www.unicef.org/
 Children’s exporsure to domestic and family violence ;
https://aifs.gov.au/cfca/publication/childrens-exporsure-domestic-and-family-
violence/defining-domes
 Gay-hate related homicides: an interview of major findings in NSW :
 https://aic.gov.au/publication/tandi/tandi155
 Jenny Mouzos and Sue Thompson; June 2000
 The national plan to reduce violence against women and their children 2010-2022
https://www.pmc.gove.ay/office-women/womens-safety/national-plan-reduce-
violence-against-women-and-their-children
 Causes and effects and Gender-Based Violence;
https://hrlibrary.umn.edu/svaw/advocacy/modelsessions/causes_effects.PDF
 https://en.wikipedia.org/wiki/Global_Peace_Index

You might also like