You are on page 1of 5

TULA PARA SA MGA BATA

GUSTO KO NANG LUMAKI


John Enrico C. Torralba
First prize, Gawad Palanca Awards 2012

Gusto ko nang lumaki, gusto ko nang tumangkad,

At mapuno ng masel ang katawan kong payat.

Kapag nagkaganoon, kay raming magagawa,

At hindi na titingnan bilang kawawang bata.

Maaabot ko na rin ang sumabit kong guryon,

Matatawid ang baha sa higante kong talon.

Walang bundok o burol ang ‘di kayang lampasan,

Matutuling sasakyan ay kaya kong sabayan.

Kahit anong mabigat ay kaya kong pasanin,

At hindi matitinag ng malakas na hangin.

Katatakutang tiyak ng mahilig manukso,

Ngunit laging tutulong sa naaagrabyado.

Gusto ko nang lumaki, gusto ko ng tumangkad,

At mapuno ng masel ang katawan kong payat.

Ngunit kapag pagod na, ang gusto ko’y lumiit,

At sa tabi ni Nanay at Tatay ay sisingit.


Talambuhay ng may akda:

 Nagtapos si John Enrico C. Torralba ng Batsilyer sa Agham sa Komersyo,


Medyor sa Pamamahalang Legal sa Pamantasang De La Salle – Maynila at
kumukuha ng Master sa Sining, Medyor sa Araling Filipino sa nasabi ring
pamantasan. Natamo naman niya ang kanyang Sertipiko sa Pagtuturo para sa
Edukasyong Sekundarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Dati siyang
nagturo sa PAREF Southridge School for Boys, Training Associate sa Asian
Council for Peoples Culture at kasalukuyang guro sa Departamento ng
Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Nakadalo at nakapagbasa na
siya ng papel sa ilang kumperensya at nalathala na ang kanyang mga
malikhaing akda sa ilang pambansang magazin tulad ng Sunday Inquirer
Magazine , Panorama at Filmag at antolohiya tulad ng Relasyon, Aklat
Likhaan (1995, 1996, 1997, 1999), Ikatlong Bagting, Ani at Wordsmith and
Archipelagoes. Nanalo rin siya sa Gawad Ka Amado, Textanaga, Textula,
Pandaylipi, ROAC Children’s Book Contest, at Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature. Ang kanyang dalawang aklat ay Ang Mga Kaibigan ni
Ella (Rex Publishing, 1996) at Estranghero at iba pang Tula(NCCA, 2005).
Manunulat din ang asawa niyang si Elyrah Loyola Salanga. Sila ay naka-base
sa Quezon City.

Pagsusuring Pangnilalaman

Paksa ng tula:

 Ang paksa ng tula ay tungkol sa batang nagnanais na lumaki

Tono:

 Nagsasaad ng matinding pagnanais na lumaki

Mensahe:

 Dumadating sa ating buhay na tayo ay nagmamadaling lumaki o


tumanda. Naiisip natin ito sapagkat may nais tayong gawin na
tanging malalaki o matatanda lamang ang nakakagawa. Gusto
nating maranasan ang buhay nila. Sa pagtagal ng panahon kung
tayo ay malaki na at nakaranas ng pagod, saka naman dadako sa
ating isipan na mas magandang maging bata dahil sa panahon na
iyon ay nasa piling tayo ng ating magulang.
Kayarian

Uri ng tula:

 Tulang liriko o pandamdamin


Ito ay tulang liriko o tulang damdamin sapagkat ipinapahayag ng
diretso ang mga saloobin at damdamin ng makata. Hindi
nagpapahayag ng isang kuwento na naglalarawan sa karakter at
aksyon. Direktang sinasabi ng makata sa mambabasa ang kanyang
sariling damdamin, iniisip at persepsyon.

Ritmo/Indayog:

 Saknong – 4
 Taludtod – 4
 Sukat – 14
 Tugma katinig at patinig/ patinig at katinig

Tayutay:

 “At hindi na titingnan bilang kawawang bata.”


Pagtanggi (litotes)
(Saknong 1, taludtod 4)
 “Matatawid ang baha sa higante kong talon.”
Pagmamalabis (hyperbole)
(Saknong 2, taludtod 2)
 “Walang bundok o burol ang ‘di kayang lampasan,”
Pagtanggi (litotes)
(Saknong 2, taludtod 3)
 “At hindi matitinag ng malakas na hangin.”
Pagtanggi (litotes) at Pagmamalabis (hyperbole)
(Saknong 3, taludtod 2)

Pagpapahalaga sa talasalitaang ginamit:

 Guryon – saranggola
 Higante – malaki
 Lampasan – higitan
 Naaagrabyado – naaapi
Angkop na Teoryang Pampanitikan:

 Ang tulang ito ay gumamit ng teoryang pormalistiko sapagkat


ipinarating ng manunulat sa mambabasa ang kanyang nais ipaalam.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.
Ipinasa ni: Ma.Ellaine A. Penasbo
Ipinasa kay: Gng. Janicille Buena

You might also like