You are on page 1of 13

MAIKLING KUWENTO

ANG PAMANA
NI AUREA M. LIGAYA
ANO NGA BA ANG MAIKLING KUWENTO?
• Ang maikling kuwento ay isang
kathang pampanitikan na may
sariling kaanyuan at kakayahan na
ang pangunahing layunin ay
lumibang sa pamamagitan ng isang
makapangyarihang paglalahad ng
isang maselang pangyayari sa buhay
ng tao na siyang pinakakaluluwa nito.
MGA SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
1. Paksa- pinag-ugatan ng mga
pangyayaring tatalakayin sa
kuwento.
2. Tauhan- naglalahad o naglalarawan
ng mga pangyayari.
3. Tagpuan- kinaganapan ng mga
pangyayari.
MGA SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
4. Panahon- takdang saklaw ng
kaganapan ng mga pangyayari.

5. Balangkas- makasining na galaw o


pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring nagaganap sa
kuwento.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO
1. Panimula- pambungad na bahagi
ng maikling kuwento na tatawag ng
pansin ng mambabasa.
2. Pagkakapukaw- pamukaw-siglang
pangyayari na gigising sa interes ng
mambabasa; na siyang nagsisilbing
unang pahiwatig sa suliraning
lulutasin sa kuwento.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO

3. Tunggalian- pagpipingkain ng
dalawang magkalabang lakas
na bunga ng maigting suliranin
sa kuwento na siyang hahawak
sa interes ng mambabasa
upang ipagpatuloy ang pagbasa
o basahin ang kuwento.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO

4. Kasukdulan- kaigtigan ng
pagpipingkain ng dalawang
magkalabang lakas na
siyang magiging kaganapan
ng nag-uumigting na interes
ng mga mambabasa.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO

5. Kakalasan- kinahinatnan
ng pagtutunggalian ng
dalawang magkalabang
lakas na siyang magbibigay-
kalinawan sa suliraning
magpapakilos at
nagpagalaw sa kuwento.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO

6. Wakas- kaganapan ng
kalinawan ng suliranin na siyang
mag-iiwan ng kakintalan at bisa
sa diwa’t kamalayan ng mga
mambabasa na siyang
nagsisilbing tatak at kaangkinan
ng may-akda.
BALANGKAS NG MAIKLING KUWENTO
Kasukdulan
Tunggalian
Kakalasan

Pagkakapukaw

Panimula Wakas
Basahin ang maikling
kuwento na “Ang
Pamana” ni Aurea M.
Ligaya
Gawain: Base sa
iyong binasa na
maikling kuwento
tukuyin ang naging
balangkas nito.

You might also like