You are on page 1of 35

MALIKHAINGPAGSULAT:

TULA
Ikatlong aralin
Ang Tula
Pagsasama ng mga
piling salita na may Nadaramang
tugma, sukat, mga kaisipan
talinghaga, at
kaisipan

Nakikita ng mga mata, nauunawaan


ng isip, at tumutuloy sa damdamin
Makata
May mayamang imahinasyon,
sensitibong pandama, at
matayog na kaisipan
Ang mahusay na tula…
• May larawang diwa
• Gumigising ng damdamin at
kamalayan
• Pinapagalaw ang guniguni ng
mambabasa
Mga Elemento o
Sangkap
Taludtod

Saknong

Sesura
1. Tugma
Pagkakatulad o pagkakahawig ng
mga tunog sa huling pantig ng
bawat taludtod ng tula.

Halimbawa:
Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami
Naamis sa hukay ng dusa’t pighati
Tugmaang Patinig pagtutugma ng tunog na kung saan
ang
salita ay nagtatapos sa patinig.

Tugmaang Katinig pagtutugma ng tunog na kung saan


ang salita ay nagtatapos sa katinig
Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s

Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r,
y
2. Sukat
Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang
mga tradisyonal na anyo ng tula ay may
sukat na 8,12, 14, 16. Kung
lalabindalawahin ang sukat, ang sesura
o hati ay nasa ikaanim na pantig.

Halimbawa:
Ang lahat ng ito / maawaing
langit, Iyong tinutunghay /, ano’t
natitiis?
Wala ka ng buong / katwiran at
bait, Pinapayagan pang/ ilubog ng
lupit.
3. Paksa/Kaisipan
Mga nabubuong kaalaman o kaisipan,
mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating

Halimbawa:
“Ang Guryon” ni Ildefonso Santos

Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon,


ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na
nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal
na pinapangarap ay tiyak na babagsak.
4. Talinghaga
Nagpapagalaw ng guniguni
ng mga mambabasa, likas na
taglay ng tula, pagpili ng
salita at tayutay na
nagbibigay ng kariktan sa
tula
5. Imahen o
Larawang-diwa
Nabubuo sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng mga bagay
sa paligid o konsepto sa
nais ipakahulugan
6. Aliw-iw
Maindayog na pagbigkas
na karaniwang taglay ng
tradisyonal na tula
7. Tono
Damdaming nakapaloob sa
tula na maaaring
pagkalungkot, pagkatuwa,
pagkagalit, at iba pa
8. Persona
Tauhang nagsasalita sa
tula
Ang tula ay isang awit
Nag-aangkin ng melodiya o tono,
nararamdaman sa indayog o ritmo
Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at
Pagbuo ng Tula
1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa
nilalaman at paksa ng tula.
2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay.
Nakatutulong ito upang maging mabisa at kaakit-
akit ang tula.
3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging
mabisa at kapupukaw ng interes ng
mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga
tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit ng mga
inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.
Mga Anyo ng Tula
1. Tradisyonal
Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng
pagsulat. Nagtataglay ito ng apat na sangkap - sukat,
tugma, talinghaga, at kaisipan.

Halimbawa:
Sa langit na iyon, agham ang may
haka, Walang katapusan, diya’y
naglipana.
Ang napakaraming bitui’t bantala.
O! Saan hahantong ang ganiyang
hiwaga?
-”Ang Diyos at ang Agham” ni
Conrado C. Fajardo
3 taludtod
Haiku Sukat: 5-7-5

4 na taludtod
Tanaga Sukat: 7 pantig bawat
taludtod
3 taludtod

Diona Sukat: 7 pantig bawat


taludtod
May tugma
14 na taludtod

Soneto May striktong tugmaang


sinusunod: abba abba cde cde
2. Malayang Taludturan
Mga tulang walang sukat at tugma ngunit
nagtataglay naman ng talinghaga at kaisipan.

Halimbawa:
Sa bawat araw na nagdaraan
May mithiin tayong
gagampanan.
Marangal na hangarin
Taos sa damdamin
Tumulong sa kapwa, ating
adhikain.
Enjambment
• Pagpapatuloy ng ideya mula sa isang taludtod
tungo sa kasunod na taludtod.
• Hindi pagtigil sa dulo ng taludtod bagkus
pagpapatuloy sa susunod at titigil lamang kung
may tuldok o kuwit

Halimbawa:
April is the cruellest month, breeding
Lilacs out of the dead land, mixing
Memory and desire, stirring
Dull roots with spring rain.
Winter kept us warm, covering
Earth in forgetful snow, feeding A
little life with dried tubers.
-”The Waste Land” ni T.S.
3. Blangkong Berso
Mga tulang mayroong sukat ngunit
walang tugma
Uri ng Tula
1. Tulang Liriko
Ang paksa ay ukol sa iba’t-ibang
damdamin.
Dalit Parangal sa Maykapal
Soneto Aral sa buhay
Elehiya Parangal sa alaala ng namatay
Oda Parangal o papuri sa isang
dakilang gawain
Awit Pagpapahayag ng
damdamin, kaugalian,
karanasan,
pananampalataya, at iba pa
2.Tulang Pasalaysay
Nagsasaad ito ng mahahalagang pangyayari na
may tauhan, tagpuan, at banghay.
Epiko Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na hindi kapani-
paniwala sapagkat may halong
kababalaghan
Awit Nagsasalaysay ng kagitingan at
at pagkamaginoo, pakikipagsapalaran ng
Korido pangunahing tauhan.
Ang awit ay may sukat na 12 pantig sa isang
taludtod. Ang korido ay may 8 pantig sa
bawat taludtod.
3. Tulang Patnigan
May layuning mangatwiran, manghikayat, at
magbigay- linaw tungkol sa isang paksa.
Balagtasan Tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula
bilang pangangatwiran sa isang
paksang pinagtatalunan
Karagatan Paligsahan sa pagtula na mula sa
alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat
Duplo Paligsahan ng mga bilyako’t bilyaka sa
pagbigkas at pangangatwiran na
madalas ginaganap kung lamay
4.Tulang Pantanghalan
Patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan
ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito
ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng nagaganap sa pang-araw-araw na
buhay.
Eksperimental na Teksto
Pagtuklas ng mga bagong porma,
anyo, o uri ng malikhaing akda
Typograph
y
Alak
Ni Lilia F.
Antonio
PINA
sim

sim
mo ako,
aking
mahal,
ng matamis na alak
nalanghap ko ang
nakalalango nitong samyo
(waring ikaw sa kaloob-looban ko)
sa pagdaiti ng labi sa gilid ng
kopita
(nadama ko ang alab ng iyong
pagtatangi) habang nilalaru-laro ng
aking dila
ang dumadaloy na likido
(nagsasanib ang ating puso at
isip) sa pagkatitig sa iyong mga
Tulang Diyamante
Malayang pagkakaayos ng mga taludtod na nasa anyo
ng iba’t-ibang hugis, tulad ng diyamante, na
nakadaragdag linaw at kahulugan sa paksa.

Kaibigan
Ni Neriza C. Pesigan

Kaibigan
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot man o
ligaya
Wala kang
Tulang Paralel
Isang uri ng tula na basahin man ng pahalang o
pababa ay makabubuo ng mensahe

Rosas
Ni Nikki Lalaine M. Avila

Magandang Iba’t ibang kulay


bulaklak May pula Kay inam
at dilaw Mayroon pagmasdan Busilak
pang puti Sagisag na tunay Kakaibang
ng kalinisan katangian
Haibun
Binubuo ng prosa at tula na pangkaraniwang
kinakikitaan ng mga elementong nakaaaliw at
seryoso. Karaniwang nagtatapos sa haiku o tanaga.
Mga Batayan
• Ang Tula. (2016). In Malikhaing Pagsulat (pp. 28-47). Publishing House,
SIBS
• Cabrera,
Inc. M. (2010, June). Retrieved from Filipino Tula:
http://Filipino- tula.blogspot.com/2010/06/mga-uri-ng-tula.html
• Go, K. (2011, August). Retrieved from Slideshar.net:
https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182

© Andrea Tiangco, 2018

You might also like