You are on page 1of 6

MGA ANYO NG PAGPAPAHAYAG

PAGLALARAWAN / DESKRIPTIB
Kahulugan at Layunin

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan nagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay. Sa diskursong ito
ay napapagalw ng isang tagapagpahayag ang kaniyang imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa at
tagapakinig. Sa pangkalahatan, ang diskursong ito ay nagbibigay ng malinaw na imahen ng isang tao, bagay,
pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan. Bunga ng kakintalang nilikha
ng limang pandama ng tao o tinatawag na singko bukales.

Layunin
Ang layunin ay magpamalas sa isip ng tagapakinig at mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.

Mga kahingian sa epektibong Paglalarawan


 Pagbuo ng isang pangunahing larawan

Ito ay daan upang makapukaw ng interes ng tagapakinig o mambabasa.


 Sariling pananaw o perspektib

Bago simulant ang paglalarawan, mahalagang maging malinaw sa isipan ng tagapagpahayag kung ano
ang kanyang layunin.
 Pagpili ng mga sangkap

Ito ay nagsisilbing batayan ng tagapakinig o mambabasa upang mapag-iba ang bagay na inilarawan.
 Kaisahan

Ang mga saita ay nararapat na naaayon sa kabuuan ng inilalarawan.

Salik at Elemento ng Paglalarawan

1. Ang paggamit ng Wika


2. Pagiging organisado ng paglalarawan
3. Mga ginagamit na detalye
4. Pananaw o punto de vista
5. Ang naiiwang impresyon o kakintalan
Uri ng Paglalarawan

 Karaniwang Paglalarawan

Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalalarawan.


1. Ang pisikal na anyo
2. Antas ng pamumuhay
3. Pag-uugali
4. Mga nakasanayan atbp.
 Masining na Paglalarawan

Pinagagalaw ng masining na paglalarawan ang guniguni ng bumabasa o nakikinig upang makita ang isang
larawang buhay na buhay.
1. Tula
2. Nobela
3. Maikling kuwento atbp.
Mga Halimbawa:
Ikaw,
Para kang hiwaga ang sabi ng aking inang
Minumutya
Ikaw raw ang kanyang matandang manika
Aywan ko kung tunay ang sinasabi ni inang
“Manika” ni Cirio H. Panginiban

 Teknikal na Paglalarawan

Pangunahing layunin ng siyensya ang dapat mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang
malaman tungkol sa mundo at kalawakan

PAGLALAHAD / EKSPOSITORI
Kahulugan at Kalikasan

Isa sa pinakamadalas gamitin sa apat na anyo ng pagpapahayag ang paglalahad. Isa rin ito sa mga
pangunahing sining ng komunikasyon na madalas ginagamit ng isang tao sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Naipapahayag niya ang kaniyang mga saloobin
sa pamamagitan nito. sinasaklaw ng paglalahad (Rubin 1995) ang malawak na abahgi ng sinusulat at
binabasa ng mga karaniwang tao. Paglalahad ang ginagamit upang himay-himayin ang esturktura ng
pilosopiya at ng iba’t ibang kaisipan, teorya, at organisasyon. Madalas ding gamitin ang paglalahad sa mga
panunuri, artikulo, sa diaryo o magasin, komposisyon, at programa sa radio at telebisyon.

Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang
pagkampi na may sapat na detalye pawing pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw anng
lubos upang maunawaan nang may interes. Ayon kay Rubin (1995), sa bias ng paglalahad naipapaliwanag
ang kahulugan ng isang ideya at ang katuturan ng isang salita; gayundin, nakikilala o nakikilatis pa lalo ang
isang bagay, tao, o pangyayari. Natutugunan ang paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang usapin. Sa
medaling sabi, may layunin itong magpaliwanag at sinasagot ang mga tanong na: Ano ito? Ano ang
kahulugan nito? Ano ang ibubunga nito? Ano ang pagkayari nito? Ano ang pagkakatulad nito sa iba? Ano ang
pagkayari nito? Ano ang pagkakatulad nito sa iba at anu-ano ang mga uri nito? Nagpapaunawa ng diwang
inilalahad o nais ipahatid ng sumulat. Ang paglalahad ay kadalasang ginagamit sa kuwento, ibig sabihin
siya’y naglalahad ng kuwento.

Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang


bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layuni o simulain.Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng
mga hakbang.Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang usapin.Sinasaklaw ng
paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng tao.

Ang ekspositori ay isang anyo ng diskursong nagpapaliwanag. Anyo ng diskurso kung


saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman
na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan.
Kahalagan ng Paglalahad /Ekspositori

ØNagiging daan sa pagkakaroon ng bago at/o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay ng mga bagay na
nagaganap sa kanyang kapaligiran.

Layunin ng Paglalahad / Ekspositori

Ø Makapagbigay ng impormasyon.
Ø Madagdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.

Kahingian ng Epektibong Eksposisyon

v Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng paksa.


Ø Makabubo lamang ng isang mahusay na eksposisyon kung malawak at maituturing na may kalaliman ang
saklaw ng kaalaman ng isang tao sa isang paksa.

v Pagkakaroon ng kakayahang ihanay ang kaisipan.


Ø Ang mahusay na organisasyon ay daan sa pag-unawa ng eksposisyon.

v Kawalan ng pagkiling.
Ø Nararapat na obhetibo ang tagapagpahayag kaya’t kailangang taglay ang pagkakaroon ng bukas na isipan
upang tanggapin ang mga mahaha-lagang ideya kaugnay ng isang bagay maging ito man ay taliwas sa
sariling paniniwala.

v Mahalagang nagbabasa ang isang tao upang laging nakakakalap ng mga impormasyon.
Ø Mainam na maging mapagmasid dahil bukod sa mga aklat, ang kapaligiran ay kapupulutan ng mga
impormasyon na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Katangian ng Mahusay at Epektibong Paglalahad / Eksposisyon

Ø MALINAW – maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay agad na mauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig.
Ø TIYAK – nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magawang mapanindigan ang kanyang pahayag.
Ø MAY KOHIRENS – hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung ito ay hindi naihanay sa maayos
na pamamaraan.
Ø EMPASIS – kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o tagapakinig ngunit mahalaga ang mga
karagdagang paliwanag upang mas maging epektibo ang paglalahad.

Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon

vPAGBIBIGAY – DEPINISYON
Ø Itinuturing na karaniwang pamamaraan ng pagbibigay ng eksposisyon na ginagamit sa mga teksbuk at iba
pang aklat reperensyal na ginagamit sa pagkatuto.

v PAG – IISA – ISA (ENUMERASYON)


Ø Ang pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ay ang pagbanggit nang isa-isa ng mga kaugnay na
mahahalagang kaisipan.

v PAGSUSUNUD – SUNOD (ORDER)


Ø Nararapat na isaayos ng tagapagpahayag ang kanyang mga kaisipan mula sa panimula hanggang sa
pagwawakas ng akda,
Ø Kailangan upang matiyak na hindi mapupunta sa wala ang pahayag.

v PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAS
Ø Ang dalawang ideyang ito ay hindi maaaring mapaghiwalay.
Ø PAGHAHAMBING – pagpapahayag ng katangian, kahinaan at kalakasan ng bagay upang makabuo ng sariling
pagpapasya ang tao tungkol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.
Ø PAGKOKONTRAS – pagpapahayag ng pagkakaiba-iba ng mga bagay na nakapaloob sa isang akda.

v PROBLEMA AT SOLUSYON
Ø Walang problema na walang katapat na solusyon dahil hindi maituturing na problema ang isang bagay kung
hindi mahahanapan ng katapat na solusyon.

v SANHI AT BUNGA
Ø Walang pangyayari na hindi nagging kahinatnan ng isang pangyayari.
Ø Ang bawat pangyayari na nagbibigay-daan sa iba pang pangyayari ay nagiging simulain ng panibagong
pangyayari.

Uri ng Eksposisyon
1. SANAYSAY – pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay
ng isang paksa.
2. PAGLALAHAD NG PROSESO – maraming bagay sa ating paligid na kailangang ipaliwanag upang
mapakinabangan. Ang matagumpay na pagsasa-gawa ng isang bagay o ang wastong paggamit ng isang
bagay ay nakasalalay sa mahusay na pagsunod sa mga panuto na magaganap lamang kung maingat at
masusing inihayag ang bawat hakbang na nakapaloob sa isang proseso.
3. SURING – BASA O REBYU – nakatutulong sa mga manonood o mambabasa upang maging mapanuri sa
pagpili ng aklat at pelikulang tatangkilikin.
4. EDITORYAL – isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw ng isang pahayagan o ng isang
manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-sosyal, pulitikal, ispirituwal o cultural na may mahalagang impak
sa buhay ng tao.
5. BALITA O ULAT – madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o telebisyon na nagbibigay ng mga
tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na madalas ay kagaganap lamang

PAGSASALAYSAY
Kahulugan

Nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmulan tungo sa isang tiyak
na makabuluhang pangwakas. Isa sa mga kahalagahan ng diskursong ito ay ang pagkakataon ng tao na
maibahagi ang mga bagay-bagay na nagyari sa ating buhay o maging sa buhay ng iba. Maraming dalubhasa
ang sumang-ayon na ang uri / anyo ng diskursong ito ay mayroong kalikasang dualistic: ano at paano. Dahil
sa maayos na daloy ng pagpapahayag ng detalye nakasalalay ang tagumpay ng uri na ito ng diskurso.
Mga kahingian sa epektibong Naratib

A. Orihinal at kawili-wiling paksa


B. Mapanghikayat na pamagat
1. Maikli
2. Orihinal
3. Angkop
4. Sinaliksik
5.Nagtatago ng lihim o di nagbubunyag ng wakas
6. Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala namang layuning magpatawa
C. Mapangganyak na panimula
1. pagbuo ng nakakatawag-pansing pangungusap
2. Dayalogo
3. Paglalarawan ng tauhan o tagpuan
4. Pagtatanong
5. Sipi o Kasabihan
D. Kapanapanabik, di maligoy at magkakaugnay-ugnay na daloy ng pangyayari
E. Angkop at interesanteng wakas
F. Makabuluhang karanasang pantao
G. Angkop na bokabularyo o pananalita
H. Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay o paningin

Iba’t ibang uri ng Naratib

1. Maikli o mahabang kuwento / nobela


2. Talambuhay
3. Kasaysayan
4. Kuwento ng paglalakbay
5. Kuwento ng pakikipagsapalaran
6. Balita
7. Alamat, legenda, epiko, at kuwentong bayan

PANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIB

Kahulugan at Kaligiran
 Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.
 Maisasagawa ito kung mayroon tayong kakayahang ihanay nang maaayos ang ating kaisipan at ipaliwanag
ito upang makahikayat ng kapwa.
 Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng tagapagpahayag ng diskursong ito ay ang pagkakaroon ng matibay
na paninindigan sa mga bagay na pinaniniwalaang tama.
 Mahalaga ang diskursong ito sa ating pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga isyung kinakaharap.
 Ang Pangangatwiran bilang ikaapat na batayang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa paglalahad,
pagsasalaysay, at paglalarawan dahil layunin nitong hikayatin ang iba na tanggapin ang katoohanan o
kawastuhan ng isang paninindigan o dili kaya’y baguhin ang kanilang pag-iisip o impluwensiyahan ang
kanilang pag-uugali at pagkilos sa pamamagitan ng mga makatwitrang pahayag.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA MAGING MATAGUMPAY ANG ARGUMENTASYON

1. Matibay na Paniniwala - Nagmula sa pagkakaroon ng isang tao ng malinaw na pag-iisip na maipamamalas


sa pamamagitan ng diskurso.
2. Mahatak na Panghikayat - Nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang binubuong diskurso.
PANGKALAHATANG URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pasaklaw na Pangangatwiran

 Nagsisimula sa malaking kaisipan tungo sa tiyak na kaisipan.


2. Pabuod na Pangangatwiran

 Nagsisimula sa isang maliit na halimbawa patungo sa panalahat na simulain.

You might also like