You are on page 1of 2

ANYO NG PAGPAPAHAYAG

1.PAGLALAHAD
Ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng
pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.
2.PAGLALARAWAN
Nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay.
3.PAGSASALAYSAY
Tinutugunan ang mga tanong na sino,ano,saan,at kalian.
4.PANGANGATWIRAN
Ay isang paraan na komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang makaimpluwensya.
ANYO NG PAGLALAHAD
1.PAGBIBIGAY KATUTURAN
Napalilinaw nito ang pag-uunawa ng isang bagay,tao,pangyayari,dinarama o konsepto.
2.PAGBIBIGAY DIREKSYON
Ito ay pagbibigay ng pamamaraan halimbawa na lamang ang pagsunod sa isang recipe o paraan
ng pag laro ng isang uri ng laro.
3.PAG-UULAT
Paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha natutunan o nasaliksik mula sa
binasa,narinig,nakita o naranasan,sa kahalagahan.
4.PAGSUSURING BASA/PANUNURI
Isang uri ng pansing pampanitikan kung saan ang isang libro ay sinusuri ayon sa laman.
MGA URI NG PAGLALAHAD
1.PANGULONG TUDLING/EDITORYAL
Nagpapahayag ng opinion o palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa
napapanahong isyu.
2.SANAYSAY
Anyong panitikan na naglalahad ng kuro-kuro, pananaw,paniniwala, at damdamin ng manunulat
hango sa kanyang karanasan at sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.
3.BALITA
Naglalaman ng mga pang araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.
4.PITAK
Karaniwang makikita sa pahayagan o magasin.
Naglalaman ng reaksyon,kuro-kuro at pansariling pananaw hinggil ssa isang napapanahong isyu
o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook.
5.TALA
Paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.

PROYEKTO
SA
FILIPINO 13
IPINASA NI:CLAREVIE M. ANTONIO
BSE IIB

IPINASA KAY:JADE ANN DONATO


(GURO SA FILIPINO)

You might also like