You are on page 1of 20

Paano ka makatutulong

sa pagtugon sa iba’t
ibang isyu at hamong
panlipunan?
Layunin:
Natatalakay ang
katuturan ng lipunan at
ang mga bumubuo rito.
Gawain: Headline-Suri
Makibahagi sa iyong pangkat,
suriin ang larawan ng headline
naitalaga sa inyo. Sagutin ang
tanong na: Bakit ito ay
maituturing na isyu o suliraning
panglipunan? Isulat ang sagot sa
diagram.
Headline
P18.4B in ‘Yolanda’ emergency
aid distributed late
DOLE order ending
contractualization expected in
February
Ano-ano ang pananaw ng
inyong grupo sa headline na
napunta sa inyo? Maituturing
mo bang isyung panlipunan
ang ipinakikita ng bawat
headline?
Ano ang lipunan? Anu-ano
ang bumubuo nito? Bakit
mahalaga na maunawaan
mo ang iba’t ibang isyung
panlipunan?
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga. Halos ganito rin
ang pagpapakahulugan ng ilang
mga sosyologo tungkol sa lipunan.
Magkakaiba man ang
pagpapakahulugan sa lipunan,
makikita na ang mga
sosyologong ito ay nagkakaisa
na ang lipunan ay binubuo ng
iba’t ibang institusyon, ugnayan,
at kultura.
Ilan sa kanila ay sina Emile
Durkheim, Karl Marx, at
Charles Cooley. Tunghayan
ito sa sumusunod na
pahayag.
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
Emile Durkheim
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. Binubuo ang lipunan ng
magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat
at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nangmaayos ang
kanilang tungkulin.”
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian
ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil
sa pag-aagawan ng mga tao sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito,
Karl Marx nagiging makapangyarihan ang pangkat
na kumokontrol sa produksyon. Bunga
nito, nagkakaroon ng magkakaiba at
hindi pantay na antas ng tao sa lipunan
na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na
may magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit na
Charles Cooley nakikilala ng tao ang kaniyangsarili sa
pamamagitan ng pakikisalamuha sa
iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan
sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”
Bilang mag-aaral, paano ka
naaapektuhan sa mga
pangyayari sa ating lipunan? Ano
ang iyong tugon sa mga isyung
lipunan? Ipaliwanag.
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pahayag. Isulat ang A kung tama ang
nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B
kung tama ang nilalaman ng unang
pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali
ang nilalaman ng unang pahayag at tama
ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng
una at ikalawang pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon,
at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan,
mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang lipunan.
___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga
taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao
sa
isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga
institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang
umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang
mga inaasahan
mula rito.
Kasunduan:
Ipaliwanag an mga sumusunod sa
isang kalahating bahagi ng papel.
1.Lipunan
2.Institusyon
3.Kultura
4.Ugnayan
.
That’s all for today….

Thank you for listening and for


cooperating 

You might also like