You are on page 1of 15

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF THE EDUCATION


Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


Kasarian sa Lipunan

Inihanda ni: Angelita B. Jose

Iniwasto ni: Fidel M. Manuel, PhD


Petsa: February 21, 2022
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

I. LAYUNIN
Sa pagkalipas ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Makapagbabalita ng mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng bansa;
B. Maipapaliwanag ang konsepto ng kasarian;
C. Mapahahalagahan ang iba’t-ibang gampanin ng uri ng kasarian; at
D. Makapaggagawa ng maikling sanaysay tungkol sa sitwasyong nanararanasan ng LGBT sa lipunan.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Kasarian sa Lipunan
B. Sanggunian:
 Department of Education. Araling Panlipuan 10 Learners Module.2017.
 Internet - https://www.ohrc.on.ca/tl/pagkakakilanlan-ng-kasarian
C. Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Google Meet, Larawan at Modyul
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aar
A. Pagbabalitaan

Sa loob ng limang minuto ang mga mag-aaral ay


makakapag-ulat tungkol sa napapanahong balita na
nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

Klas, sino ang makapagbabahagi ng balita?


Pagbabalitaan ng mga piling mag-aara
B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin, magkakaroon muna


tayo ng panimulang gawain. Mayroon tayong
panunooring bidyo ng awiting pinamagatang “ITULOY
MO LANG” ng Siakol at pagkatapos ay magtatawag ako
ng mag-aaral upang sagutan ang aking inihandang mga
katanungan.

Handa na ba kayo klas?


Handa na po ma’am.
https://youtu.be/kU2Yz8r3JII

Mga Katanungan:

1. Ano sa tingin niyo ang mensaheng nais iparating ng


awitin?

Yes, Lucy!
Ang nais pong iparating ng awitin ay
ang mga nais maging sa ating kasarian
tinatapakang tao.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa


napanood na bidyo?

Yes, Ana!
Para po sa akin, base sa pagkakaintindi ko sa kanta na
aking napakinggan. Hindi makaturungan ang kanilang
kalagayan sa awitin dahil sila po ay hinuhusgahan.
3. Ano ang iyong mabubuong konklusyon sa kalagayan
ng LGBT sa napanood na bidyo?

Yes, Kaye!
Ang mabubuo ko pong konklusyon ma’am ay kailangan
natin silang tanggapin at respetuhin.
Magagaling!

Napakahusay ng inyong mga ideya klas.


C. Paglinang ng Aralin

Base sa napanood ninyong bidyo, sino sa inyo ang


makapagbibigay ng kanyang ideya kung ano ang
tatalakayin natin sa araw na ito?
Kasarian sa Lipunan po ma’am.
Tama!

Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang Kasarian sa


Lipunan.
Ano nga ba ang Kasarian?

Yes, Laye!
Ito ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang
layunin ay reproduksiyon ng tao.
Tama!

Maaari ba kayong magbigay ng isang gawain o tungkulin


ng isang babae?

Yes, Yen!
Ang mga babae ay ang siyang gumagawa ng gawain pang
bahay.
Bukod sa naglilinis ng bahay, ano pa klas?

Yes, Mona!
Ang mga babae din ang siyang nag-aalaga sa mga anak.
Ano naman ang tungkulin ng isang lalaki klas?

(magtatawag sa klase)
Ang mga lalaki ay ang siyang nagtratrabaho para
matugunugan ang mga pangangailangan ng pamilya at
taga protekta mula sa kapahamakan.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Mahusay!

Sino sa inyo ang nakaranas na ng diskriminasyon sa ating


lipunan? Maaari mo bang ibahagi sa ating klase?

Yes, Bea!
Ma’am narasanan ko na pong maku
kulay dahil ako ay maitim.
Bukod kay Bea, sino pa klas?

Yes Alan!
Ma’am hinuhusgahan po ako dahil ak
nag aayos na parang babae.
Maraming salamat sa matapang na pagbabahagi ng
inyong mga karanasan kung paano kayo husgahan ng mga
tao sa ating lipunan.

Ano man ang iyong kulay, maitim man o maputi, ano man
ang iyong edad, kasarian, at kultura, lagi nating tandaan
na sa mata ng ating panginoon tayo ay pantay-pantay,
kahit ikaw man ay mahirap o mayaman, ang kailangan
lang nating gawin ay tanggapin, mahalin at resputuhin
ang isa’t isa.

Kung saan ka masaya, ang mahalaga ikaw ay


nagpapakatotoo sa iyong sarili, ituloy mo lang basta wala
kang tinatapakang ibang tao.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am
Dumako naman tayo sa Konsepto ng Kasarian.

Maaari mo bang ibigay ang dibisyon ng Kasarian?

Yes, Mae!
Ito ang Seks at Gender po ma’am.
Tumpak!

Ang konsepto ng Gender at Seks ay magkaiba. Bagama’t


kung isasalin ang dalawang ito sa wikang Pilipino ay
katumbas ay pareho ng salitang kasarian.

Ang Seks ay tumutukoy sa kasarian kung lalaki o babae.


Ang Seks ay ang natural, bayolohikal at pisyohikal na
katangian ng isang tao noong pagkapanganak niya. Ito ay
tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao.

Ang Gender ay tumutukoy sa panlipunang gamapanin o


tinatawag na social act, kilos at gawain na itinakda ng
lipunan para sa babae at lalaki o sa salitang ingles
masculine (panlalaki) at feminine (pambabae).

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Dumako naman tayo sa Katangian ng Seks.

Maaari ka bang magbigay ng katangian ng isang babae?

Yes, Danica!
Ang mga babae ay nireregla ma’am
Ano pa klas?

Yes, Faye!
Ang mga babae may vagina ma’am.
Ano naman ang mga katangian ng lalaki klas?

Yes, Jack!
Ang mga lalaki ma’am ay mga bayag.
Sino pa? Yes, Ben!
Ang mga lalaki ma’am ay nagpapatuli
Mahuhusay klas!

Tama lahat ng mga katangian na inyong ibinahagi.

Ang katangian ng babae ay nagkakaroon sila ng


buwanang regla o dalaw. Samantalang ang mga lalaki ay
hindi nagkakaroon nito. Ang mga lalaki ay may testicles o
pribadong bahagi ng lalaki, samantalang ang mga babae
ay may vagina at walang testicles.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am.
Dumako naman tayo sa gender klas.

(magtatawag sa klase)

Maaari mo bang basahin ang depinisyon ng gender?


Ang gender ay mas komplikado dahil
mga social factors. Ito ay ang panl
pagkilos at gawain na batay sa lugar,
ginagalawan ng mga babae at lalaki.
Kabilang na dito ang iyong kapasidad, intelektual,
emosyonal na nakaatas sa mga babae at lalaki at iba pang
kategoryang itinakda ng kultura at lipunan.

Maaaring ikaw ay feminine o masculine depende sa tingin


sayo ng lipunan.
Sino ang makakapagbibigay ng tungkulin ng isang babae
base sa itinakda ng kultura at lipunan?

Yes, Gaye!
Ang mga tungkulin ng mga baba
naglalaba sa kanilang bahay.
Bukod sa naglilinis at naglalaba klas, ano pa?

Yes, Yuri!
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-
1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Ang mga babae din ang siyang nag-


mga anak at asawa ma’am.
Magagaling!

Ang mga babae klas ay ang inaasahang gumawa ng


gawain pang bahay, tulad ng paghahanda ng pagkain,
maglinis at mag-alaga sa mga anak.
Ano naman ang tungkulin ng lalaki sa lipunang kanyang
ginagalawan?

Yes, Pen!
Ang mga lalaki ang naghahanapbuha
pamilya.
Ano pa klas?

Yes, Mint!
Ang mga lalaki gumagamit din
nagproprotekta sa kanyang pamilya.
Magagaling!

Ang mga lalaki naman ang inaasahang magtrabaho para


suportahan at magtanggol sa pamilya mula sa
kapahamakan.

May mga katanungan ba kayo klas?


Wala po ma’am.
Upang lubos nating maunawaan ang Konsepto ng
Kasarian, ating isa-isahin ang mga Oryentasyong
Seksuwal.

Una ay ang HETEROSEXUAL.

Maaari mo bang basahin ang depinisyon ng


HETEROSEXUAL?

(magtatawag sa klase)
Tao na nagkakagusto o naaakit
kahalintulad ng kanyang kasarian.
Maraming salamat sa pagbabasa!

Heterosexual ang tawag sa mga taong nagkakanasang


seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian o sila ay
tinatawag nating straight.

Halimbawa nito klas ay ang mga lalaki ay nagkakagusto


lamang sa babae, ganun din sa mga babae, nagkakagusto
lamang sila sa mga lalaki.

Maaari mo bang basahin ang depinsyon ng


HOMOSEXUAL?
Tao na nagkakagusto o naaakit sa tao
kanyang kasarian.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-
1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Homosexual naman ang tawag sa mga taong nagkakaroon


ng atraksyong seksuwal sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian.

Maaari ka bang magbigay ng halimbawa ng Homosexual?

Yes, Lean!
Maam ang Homosexual ay nagkakagusto sa katulad nila
ng kasarian.
Tumpak!

Halimbawa ng Homosexual klas ay ang mga lalaki ay


nagkakagusto sa kapwa nila lalaki, ganun din sa babae,
nagkakagusto sa kapwa babae.
Bukod sa lalaki at babae, ay may tinatawag din tayo sa
kasalukuyan na LGBT.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng LGBT?

Yes, Rema!
Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender
Tama!

Ngayon ay may ipapakita akong watawat.

Kayo ba ay pamilyar sa watawat na ito?


Opo ma’am, ito ay watawat ng LGBT.
Tama!

Sino ang makapagbibigay ng kahulugan ng mga kulay sa


watawat ng LGBT?

(magtatawag sa klase)
RED – life and sexuality
Ano naman ang kahulugan ng orange?

Yes, Nat!
ORANGE – healing and friendship
Ano naman ang kahulugan ng yellow?

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Yes, Nate!
YELLOW – vitality and energy
Ano naman ang kahulugan ng green?

Yes, Mae!
GREEN – serenity and nature
Ano naman ang kahulugan ng blue?

Yes, Bobby!
BLUE – harmony and artistry
At ang huli ay violet?

Yes, Ken!
VIOLET – spirit and gratitude
Mahuhusay!

Tama ang inyong mga kasagutan klas.

Ito ang mga kahulugan ng watawat ng LGBT, rainbow


flag kung tawagin ng mga LGBT community.

Dumako naman tayo sa kung ano ang ibig sabihin ng


LGBT.

Maaari mo bang basahin ang depinasyon ng LESBIAN?

(magtatawag sa klas)
Ang Lesbian ay mga babae na nagkakagusto o naaakit sa
kapwa babae.
Lesbian ang tawag sa mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki
at umiibig sa kapwa babae…

Bukod sa Lesbian, ano pa ang ibang tawag sa kanila?

Yes, Carla!
Tomboy o tibo ma’am.
Ang Gay naman ay mga lalaki na nagkakagusto o naaakit
sa kapwa lalaki.

Sila yung mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa


kapwa lalaki, may ilang gay din na nagdadamit at
kumikilos na parang babae.

Sa ilang bahagi ng pilipinas, sila ang tinatawag na bakla,


beki, at biot.
Dumako naman tayo sa BISEXUAL klas.
 Tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang
ibang tawag sa kanya ay AC-DC. silahis atbp.

Bisexual ang tawag sa mga taong nakakaramdam ng


atraksyon sa dalawang kasarian.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF THE EDUCATION


Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Dumako naman tayo sa TRANSGENDER klas.

Maaari mo bang basahin ang depinisyon ng Transgender?

(magtatawag sa klase)
Tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring
taliwas sa ari nung pinanganak siya.
Mga taong nakakaramdam na sila ay nabubuhay sa
maling katawan, ang kanilang pag-iisip at pangangatawan
ay hindi magkatugma.

May kilala ba kayong isang Transgender klas?

Yes, Lia!
Ma’am si Charice Pempengco po.
Tama!

Isa si Charice Pempengco na nag pa opera sa pribadong


parte ng kanyang katawan.

Ngunit kahit nabago ang iyong kasarian, hindi mo


mapapalitan ang iyong seks sa iyong civil registry.
Maaari mo bang basahin ang depinisyon ng QUEER?

(magtatawag sa klase)

Tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi


na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaaring hindi limitado
sa dalawang kasarian lamang.
PANSEXUAL naman ang tawag sa mga taong
nakararamdam ng atraksyon sa ibang tao anuman ang
kanilang kasarian.

ASEXUAL ang tawag sa mga taong walang


nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang
kasarian.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am.
Mayroon ba kayong mga katanungan sa ating talakayan?
Wala na po ma’am.
Sa inyong komunidad klas, may makikita ba kayong
iba’t-ibang uri ng kasarian?

Yes, Toni!
Opo Ma’am, meron pong lalaki, babae, tomboy at bakla.
Kung meron, ano ang inyong mabubuong konklusyon
dito?

Yes, Oli!
Ang konklusyon ko po ay tanggapin at respetuhin natin
ang isa’t-isa.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Mahusay!

Kailangan natin tanggapin at respetuhin ang isa’t-isa, dahil


lahat ng tao sa mundo ay pantay pantay at meron tayong
mga kanya kanyang kalayaan kung ano ang gusto nating
gawin sa ating mga buhay at hind hinuhusgahan ang isa’t-
isa.
D. Pangwakas na Gawain

Gumawa ng isang maikling sanaysay kung anu-ano ang


iba’t-ibang sitwasyon ang nararanasan ng iba’t-ibang uri ng
kasarian sa lipunan. Ilagay ang inyong kasagutan sa
kalahating papel.

Bibigyan ko kayo ng sampung minuto upang tapusin ang


gawaing ito. Pagkatapos ay pipili ako ng mag-aaral upang
ibahagi ang kanyang natapos na gawain.

Narito ang kraytirya upang magsilbing batayan ninyo sa


pagsagot sa inyong gawain.

Presentasyon 5 puntos
Nilalaman 5 puntos
Organisado 5 puntos
Kabubuan 15 puntos

Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am.
Maaari niyo ng umpisahan klas.
(Makalipas ang sampung minuto)

Okay klas, natapos na ang inyong sampung minuto.

Ang unang magbabahagi ay si Kaye!


Alam naman nating lahat, na sa ating bansa ay madalas
nangyayari ang diskriminasyon lalo na sa mga taong
parte ng LGBT. Bilang isang kabataan, ang aking
maitutulong ay magshare ng mga aral na pwedeng
makakapagbuklat ng kanilang isipan sapagkat lahat tayo
ay pare pareho lamang. At kung hindi man kayang
tanggapin ang mga taong parte dito ay mas magandang
manahimik nalang dahil tao lamang din sila na may
karapatan at saloobin. Ano man ang iyong kasarian,
kulay o relihiyon, lahat tayo ay pantay pantay lamang.
Huwag matakot ipakita kung ano ka talaga, always be
yourself ika nga nila.
Mahusay!

Sunod ay si Jasmin!

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________

Bilang isang mag aaral ang gagawin ko ay irerespeto ko at


hindi huhusgahan dahil sila parin ay isang tao at may
nararamdaman irerespeto ko sila gaya ng pag respeto ko
sa ibang tao at hindi ko sila huhusgahan upang wala
akong masaktang tao.
Magaling!

Maraming salamat sa mga nagbahagi ng kanilang mga


kasagutan sa araw na ito at sa inyong lahat dahil sa
aktibong pakikilahok sa ating talakayan.
E. Pagpapayaman ng Aralin

Magbigay ng tig limang katangian ng gender at seks.


Ilagay ang kasagutan sa inyong kuwaderno.

A. pang-aabuso
B. diskriminasyon
C. pagsasamantala
D. pananakit

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________
4. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam
din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla
B. transgender
C. lesbian
D. homosexual
5. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata
pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
6. Ito ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
A. Bisexual
B. Heterosexual
C. Homosexual
D. Gay
7. Ito ang tawag sa mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
A. Homosexual
B. Transgender
C. Lesbian
D. Asexual
8. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki at mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa
babae. Ano ang tawag sa kanila?
A. Lesbian
B. Gay
C. Pansexual
D. Homosexual
9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng
Gender?
A. Sa maraming bansa ang mga babae ang gumagawa ng mga gawaing pambahay
B. Mas malaki ang buto ng lalaki kaysa sa babae
C. Ang mga babae ay may buwanang regla
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF THE EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Telephone Numbers: (078) 844-7768, 844-1232
facebook.com/Cagayan Nhs
__________________________________________________________________________________________________________
D. Dumadaan sa pagtutuli ang isang lalaki na simbolo ng kalinisan (hygiene)
10. Sila ang mga taong may atraksyong sekswal at romatiko sa anuman o lahat ng uri ng kasarian.
A. Asexual
B. Bisexual
C. Ally
D. Pansexual

V. TAKDANG ARALIN
A. Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5-10 pangungusap. Gawing gabay ang krayterya sa ibaba.
Katanungan: “Bilang isang kabataan o mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o maiwasan ang
diskriminasyon lalo na sa aspetong pangkasarian?”
Orihinalidad 5 puntos
Nilalaman 5 puntos
Organisado 5 puntos
Kabubuan 15 puntos

You might also like