You are on page 1of 12

Natataya ang pagsisikap ng mga bansa

na makamit ang
kapayapaang pandaigdig at kaunlaran

NAME: JOSE MARI RICERRA


CRITIQUE TEACHER: HERMELITA BAUTISTA
SUBMITTED TO: Sir JOHN BILLY SORIANO
SUBMITTED BY: JOSE MARI RICERRA

1
PANIMULA:
Mababasa sa ika-19 na siglo sa kasaysayan ng daigdig, ang malawakang
paglaganap ng diwang nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi nito. Iisang lahi, iisang
lipi, magkatulad na wika, relihiyon at pagpapahalaga ang pangunahing salik na
nabunsod sa diwang nasyonalismo. Kasabay nito ay ang pag-unlad ng agham,
industriya at kaisipang pampulitika ng mga bansa. Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng
Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot
ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may
naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong
labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok
sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang
bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang kasunduang
Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang
Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais
sakupin sa Poland. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran,
hilaga, at timog ng Poland noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay
nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng
Poland. Nang sumuko ang Poland, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi
ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang
maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940
upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika,
Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus,
Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon.
Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan
ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng
bansang United States sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl
Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon.
Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-
atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang
umatake ang Japan sa mga bansang nasa timog-silangang Asia tulad ng Pilipinas,
Hong kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa
timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at
pinatay. Noong 1943, sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla sa timog ng
Italy hanggang sa sumuko ang Italy sa pamamagitan ng paglagda ng
kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at dineklara sa Setyembre 8. Noong
Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling labanan ng
hukbong Alemnya at USSR. Habang nangyari ang labanan na ito, noong Abril
30, si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at
kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun na nagpakamatay din sa
pamamagitan ng paggamit ng cyanide. Sa pagkamatay ni Hitler, humina ang
2
Nazi Germany at marami sa kanila ang namamatay sa daan. Sumuko ang mga
Alemanya noong Mayo 7, 1945 at bunga nito, nanalo ang USSR. Pagkatapos nito,
nagkaroon ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang Los Angeles,
nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng
award sa kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''. Noong Agosto 6 at 9,
nagsimulang magbomba ang mga hukbong Amerikano sa mga lungsod ng
Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang
bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang
sila'y sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan
ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa pagtapos ng digmaan, 60 milyon tao
ang nasawi.

Alamin
Sa modyul na ito, susuriin ang mahahalagang papel na ginagampanan ng
mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang

kapayapaang pandaigdig at kaunlaran

Layunin:

a. Naipapaliwanag ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang

kapayapaang pandaigdig at kaunlaran; at

b. Natutukoy ang mga pangunahing sangay ng “Mga Bansang

Nagkakaisa”

Balikan
Gawain 1: Nakaraan ay Balikan!

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang

sagot sa sagutang papel.

3
1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging dahilan sa pagsisimula ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

B. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo

C. Pagwawakas ng mga imperyo tulad ng Russia, Germany at Austria

D. Paglusob ng Germany sa Poland

2. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig maliban sa:

A. Pagbuo ng Axis Powers at Allied Powers

B. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

C. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia

D. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente

3. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng
digmaan?

A. Nagkaroon ng World War III

B. Nawala ang Fascism at Nazism

C. Nagkaroon ng tunggalian sa ideolohiya

D. Naitatag ang United Nations

4. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga


mamamayang naninirahan sa Estados Unidos at Pilipinas, alin ang
hindi kabilang?

A. May karapatan sa edukasyon

B. May kalayaan sa pananampalataya

C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan

D. May karapatang makaboto

5. Sino sa mga sumusunod ang naging pangulo ng Pilipinas sa panahon ng

4
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Diosdado Macapagal

B. Fidel V. Ramos

C. Manuel Quezon

D. Ramon Magsaysay

Tuklasin
Gawain 2: Guess Mo Ako!

Panuto: Pamilyar ka ba sa logo? Alamin kung anong organisasyon ang


sinisimbolo nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Clue: Organisasyon ng mga bansa na naitatag pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

Sagot:__________________________________________________

Gabay na tanong:

1. Ano ang layunin ng United Nations?

2. Nakatulong ba ito upang wakasan ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdig?

Suriin
5
Gawain 3: Magbasa at Matuto

Upang hindi na masundan pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,


humanap ng paraan ang mga bansa upang tuluyan nang makamit ang
kapayapaan. Isa sa mga hakbang na ginawa nila ay ang pagtatag ng United
Nations.

Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)


Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip ni
Pangulong Roosevelt ng United States na muling magtatag ng isang samahang
pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa. Apat na buwan bago sumalakay ang
mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at Punong Ministro
Winston Churchill ng England ay bumalangkas ngdeklarasyon, ang Atlantic
Charter na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang “Deklarasyon ng Mga
Bansang Nagkakaisa” (United Nations).

Sa isang kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States,


Great Britain, at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang
kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis Powers. Sinundan ito ng Deklarasyon
ng Apat na Bansa, kasama ang China, para maitatag ang isang pangkalahatang
samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo.

Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang


balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika-24 ng Oktubre,
1945 ay itinatag ang “Mga Bansang Nagkakaisa” o United Nations (UN). Muling
nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal
na unang Sekretaryo-Heneral, si Trygve Lie ng Sweden.

Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang


Pangkalahatang Asemblea (General Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng
samahan. Binubuo ito ng mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito
isinasagawa ang mga pangkalahatang pagpupulong.

Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay


tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay
permanentengmiyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na
panunungkulan na dalawang taon.

Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang


pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.

Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of


Justice) ang siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa
alitan ng mga bansa.

6
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo
ng 54 na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspekto ng
pangkabuhayan, panlipunan, pang-edukasyon, siyentipiko, at pangkalusugan ng
daigdig.

Pagyamanin
Gawain 4: Sagot Ko, Alamin Mo!

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot

sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

ROOSEVELT INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE GENERAL


ASSEMBLY

OCTOBER 24, 1945 SANGGUNIANG PANGKATIWASAYAN SECRETARIAT

1. Ito ang araw kung kailan naitatag ang United Nations (U.N.).

2. Siya ang pangulo ng United States na namuno para maitatag ang samahang
pandaigdig para tuluyang makamit ang kapayapaan pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

3. Isa sa mga sangay ng United Nations na binubuo ng lahat ng kinatawan ng


mga kasaping bansa.

4. Sangay ng United Nations na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa


mga alitan ng mga bansa.

5. Isa sa mga sangay ng United Nations na tagapaganap.

Gawain 5: Pagtatambal-tambalin

Panuto: Pagtambalin ang mga aytem sa HANAY A at mga aytem sa HANAY B.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY – A HANAY – B

_____1. Samahang pandaigdig Pangkalahatang Asemblea


na itinatag at naglalayong (General Assembly)

7
makamit ng tuluyan ang United Nations
kapayapaan sa mundo.
_____2. Ito ang sangay na Sangguniang Pangkabuhayan
namamahala sa aspekto ng at Panlipunan
pangkabuhayan, panlipunan at
pang-edukasyon. Sangguniang Pangkatiwasayan
_____3. Sangay na tagapagbatas (Security
ng “Pandaigdigang Samahan”. Council)
_____4. Pangkat ng mga tauhang
pampangasiwaan ng U.N. na Kalihim (Secretariat International
nagpapatupad sa gawaing pang Court of Justice)
araw-araw.

Gawain
Gawain 6: Semantic Web

Batay sa binasang teksto, isulat sa mga kahon na nasa paligid ang layunin ng
United Nations, gayundin ang mabubuting naidulot ng organisasyon. Gawin ito
sa sagutang papel.

8
Isaisip
Gawain 7: Punan Mo Ako!

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon

ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) ay opisyal na isinilang

noong (1) ____________________. Mula noon ang ika-24 ng Oktubre ay

ipinagdiwang taun-taon bilang “Araw ng Nagkakaisang mga Bansa”.

Ang pagtatag ng (2)________________________ ang naging daan upang

mawakasan ang (3) _________________________________ at ito rin ang naging

daan upang maiwasan ang (4) _________________________ ng mga kasaping

bansa dahil sa (5) _________________________.

Nilalayon nitong panatilihin ang pandaigdigang (6) ___________________

at seguridad, paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa;

9
makipagtulungan sa paglutas sa mga (7) ___________________________ ng

sangkatauhan sa (8) ________________________, lipunan at sa pagtaguyod ng

respeto para sa karapatang (9) ___________________________ at maging sentro

ng (10) __________________________________ ng mga bansa.

Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian sa bawat katanungan.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?

A. Naitatag ang United Nations

B. Nagkaroon ng World War III

C. Nawala ang Fascism

D. Nagkaroon ng labanan ng ideolohiya

2. Alin sa sumusunod ang nagtatakda sa UN?

A. Ang mga bansang nanalo sa digmaan.

B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw.

C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan.

D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. Kailan naitatag ang United Nations?

A. October 24, 1945

B. December 7, 1941

C. February 14, 1945

D.June 12, 1898

4. Ang kauna-unahang UN Secretary General mula Sweden.

A. Winston Churchill

B. Karl Max

10
C. Woodrow Wilson

D. Trygve Lie

5. Ang sumusunod ay mga sangay ng United Nations maliban sa,

A. General Assembly

B. International Red Cross

C. International Court of Justice

D. Security Council

Para sa bilang 6-10. Basahing mabuti ang mga pahayag. Iguhit ang “happy

face” ( ) kung tama ang pahayag at “sad face” ( ) kung mali.


Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.

_______6. Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa nagkaroon ng


kapayapaan.

_______7. Sa pandaigdigang samahan, bawat isa at nangangako ng


pakikipagtulungan at pakikiisa sa mga layuning nakakabuti sa lahat.

_______8. Ang United Nations ay itinatag para sa kapakanan ng mga mayayamang


bansa.

_______9. Ang United Nations ay patuloy na nagsusulong ng pandaigdigang


kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan.

______10. Ang International Court of Justice ay sangay ng United Nations na


nagpapasya sa mga alitan sa pagitan ng mga kasaping bansa.

Karagdagang Gawain
Gawain 8: U.N. Ramdam Ka!

1. Ano ang layunin ng United Nations? Nagtagumpay ba ito na mawakasan ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

2. Sa kasalukuyang krisis-pangkalusugan na hinaharap natin dulot ng COVID 19,


ano ang ginagawang mga hakbang ng United Nations upang maisulong ang
pagtutulungan sa mga kasaping bansa lalo na sa mga mahihirap na bansa?
Patunayan.

11
SANGGUNIAN:

Philippines.Department of Education. (1995). Labanan ng mga Bansa

sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) – Modyul 17.

Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE

Kasaysayan ng Daigdig – Gabay ng Guro

12

You might also like