You are on page 1of 3

COLD WAR

Cold War at Sanhi Ng Pagkakaroon Nito


Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyer ang naging
makapamngyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig.
Hindi naging maayos ang mga bansang ito na tinatawag na
superpowers
-Ito ay nauwi sa Cold War.
-Ito ay bunga ng matinding kompetensya na naganap sa pagitan ng mga
bansa noong 1940 hanggang 1990.

Sanhi ng pagkakaroon ng Cold war


Mga Tunay Na Sanhi
-Tunggaliang hindi tuwirang labanan kundi magkaribal sa militar at pagkawala
ng tiwala sa isa't isa.
-Ang kanilang sistemang pulitikal ay nakaapekto sa maraming bansa.
-Pinutol ng Unyong Sobyet ang pakikipag-ugnayan sa kanluraning bansa
upang mapanatili nila ang kanilang kapangyarihan.
-Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang
pahayagan,magasin, aklat, at programa sa radyo.

Mabuting Epekto ng Cold War


-Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpasikat sa pagpapalaganap ng
kanilang ideyohiya.
Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang peaceful
coexistence o payapang pakikipamuhay sa halip na nakikipaglaban sa
digmaan.
-Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan
sa pamayanan.
-Nagkasundo si Gorbachev ang Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika
na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War


-Umigting ang hindi pagkakaunawaan sa pulitika, militar at kalakalan ng mga
bansa.
-Bumaba ang moral ng mga manggawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng
malaking suliraning pang-ekonomiya.
-Iginiit ng dalawang pwersa ang kanilang pamamalakad kaya't nawalan ng
tunay na pagkakaisa.
-May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan.
-Mga Pangyayaring Nagbigay daan sa Pagwawakas ng Cold War
1953
-Namatay si Marshal Joseph Satlin ng Unyong Sobyet. Pinalitan ni Nikita
Khurushchev na nagtakda ng bagong patakaran. Ito ay ang peaceful coexistence sa mga Kanluranin.
1972
-Nilagdaan ang SALT o Strategic Arms Limitations Treaty. Kasamang lumagda
si Leonid Breznev. -Nakapagbigay ito ng malaking pag-asa sa malimitahan na
ang panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
1974
-Nagbitiw ng tungkulin si Richard Nixon dahil sa Watergate Scandal.
Nagkaroon ulit ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
1989
-Binuwag ang Berlin Wall.

1990
-Pinagsanib ang Silangan at Kanlurang Alemanya noong buwan ng Oktubre.
-Nobyembre 1990- Nilagdaan ang "Charter of Paris for a New Europe"
na may 34 na estado. Sila ang kumakatawan sa silangan at kanlurang
Europa. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng Cold War.
1969
-Naging pangulo ng Estados Unidos si Richard Nixon. Pinaunlad niya ang
relasyon ng Estados Unidos at USSR sa pamamagitan ng delente o
pagpapaluwag ng tensyon. Inalis ang tropang Amerikano sa Vietnam. Dinalaw
ang China at USSR..

UNITED NATION
Ang United Nations ay isang internasyonal na organisasyong itinatag
noong 1945 pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin ng 51
bansang nagtatag nito ang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa gitna
ng mga kasaping bansa, itaguyod ang magandang relasyon upang isulong
ang kaunlaran, at upang magkaroon ng mas mabisang pamantayan sa
pamumuhay at karapatang pantao. Higit na kilala ang United Nations para sa
mga hakbang nito para sa pananatili ng kapayapaan ngunit mayroon ring
iba't ibang ahensya at programa ang UN upang mapabuti ang mga buhay ng
mga mamamayan sa lahat ng mga bansa sa mundo. Isinusulong ng
organisasyon ang pagtataguyod ng proteksyon para sa kalikasan, pagbibigay
ng tulong sa mga sinalanta ng sakuna at kalamidad at pagtataguyod ng
kalayaan at karapatang pantao. Ang huling yugto ng mga sesyon
ng Pangkalahatang Kapulungan (General Assembly) ay pinagdiwang noong
10 Enero 1926 sa Central Hall Westminster sa Londres. Ang kanyang aktuwal
na himpilan ay matatagpuan ngayon saLungsod ng New York. Ito ang
sumunod sa yapak ng Liga ng mga Bansa, isang organisasyon na nalikha
taong 1910 noon namang Unang Digmaang Pandaigdig at pinatotohanan
ng Tratado ng Versalles, "para itaguyod ang pandaigdigang pagtutulungan at
makamit ang kapayapaan at seguridad". Ang lahat ng mga bansang
soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miembro ng
United Nations, maliban sa Lungsod ng Batikano, na isa lamang tagamasid,
at ang Republika ng Tsina (espesyal na kaso). Noong Setyembre 2003, ang
organisasyon ay mayroon 191 mga bansang kalahok. Isa sa mga bukod
tanging nagawa ng United Nations ang pagproklama sa Deklarasyong
Unibersal ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human
Rights) noong 1948. Ang Organisasyon ng United Nations ay ang
pinakaimportanteng poro para sa diplomasyang multilateral. Kasalukuyan
nilang ginaganap ang Durban Review Conference sa Genegro, Switzenegger.
Ang ideya sa likod ng United Nations ay nakasaad sa deklarasyon, pirmado
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pagpupulong ng mga alyado
sa Moscow noong 1943. Ang naging pangulo ng Estados Unidos na si Franklin
Delano Roosevelt ang nagmungkahi sa pangalan na "United Nations".
Ipinagdiwang ang kauna-unahang pagpupulong ng mga estadong kasapi ng
bagong organisasyon noong 25 Abril 1945 sa San Francisco. Maliban sa mga
pamahalaan, inimbitahan rin ang mgaorganisasyong di-pampamahalaan.
Noong Hulyo 26, nilagdaan ng kinatawan ng 50 bansang nasa kumperensiya
ang Karta ng United Nations. Ang Poland, na walang kinatawan sa

pagpupulong, ay nadagdag din kinalaunan para sa total na 51 Estado. Ang


tinuturing na simula ng United Nations ay ang mismong araw ng 24 Oktubre
1945, pagkatapos ng ratipikasyon ng Karta ng naging limang mga
permanenteng kasapi ng Kapulungang Panseguridad (angRepublika ng
Tsina, Pransiya, Unyong Sobyet, ang United Kingdom of Great Britain and
Northern Ireland at ang Estados Unidos ng Amerika) kasama ang malaking
mayoriya ng natitirang 46 na miembro. Sa katunayan, ang natatanging may
veto sa mga desisyon ng organisasyon ay itong limang permanenteng
myembro ng Konseho ng Seguridad: ang Estados Unidos ng
Amerika, Federasyon ng Russia, Pransiya, United Kingdom of Great Britain
and Northern Ireland at ang Republikang Bayan ng Tsina. Ang mga
tagapagtatag ng mga Nagkakaisang Bansya ay umaasa dito na maiiwasan
ang mga bagong digmaan sa mundo. Subalit ang hangaring ito ay hindi rin
natupad sa maraming pagkakataon. Mula 1947 hanggang 1989 (pagbagsak
ng Berlin Wall), ang dibisyon at pagkakahati ng mundo sa mga sona sa loob
ng tinatawag na Cold War ay nagpahirap sa pagkamit sa layunin nito, lalo
pa't ang sistemang ginagamit sa Konseho ng Seguridad ay veto. Ang mga
United Nations ay may anim na wikang
opisyal: Arabo, Espanyol, Ingles, Pranses, Ruso at Tsino. Halos lahat ng mga opisyal
na pagpupulong ay agad na sinasalin sa mga wikang ito, kasama ang lahat ng mga
opisyal na dokumento sa printed format man o elektroniko. Ang mga prinsipal na
wikang panggawa ng United Nations ay ang Pranses at Ingles, o Pranses, at
Espanyol.

You might also like