You are on page 1of 22

ANG UNANG DIGMAANG

PANDAIGDIG
PANIMULANG GAWAIN:
 1. PAGBATI NG GURO
 2.PAGSASAAYOS NG KAPALIGIRAN
 3. PAGTATALA NG LIBAN
PAGBABALIK-ARAL:
 TUNGKOL SA IKALAWANG YUGTO NG
IMPERYALISMONG KANLURANIN:
 Ano ang mga dahilan at uri ng pananakop sa
ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon?
 manifest destiny
 White man’s burden
 Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na sangkap.
 Upang sanayin ang sarili sa pamamahala at iba
pang pagbabalat-kayo.
 IMPERYALISMO- pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
PAGGANYAK:
 IPABASA ANG SUMUSUNOD NA PANGYAYARI.
 DAPAT IPARAMDAM NG BUMABASA ANG DAMDAMING
 NAPAPALOOB:
 A. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakaka
 mit ang kalayaan”
 B. “Sa wakas, Malaya na kami! Malaya na
 kami”
 C. “Giyera! Giyera na raw!
 D. “Pinalubog ang barkong Lusitania” British cruise ship…

largest 1906 sunk on may 7,1915 by a German U-boat…


 SABIHIN: Ganito kaya ang kondisyon at nararamdaman kapag

may kaguluhan o digmaan?


 Tunghayan sa araling ito.
PAGTALAKAY:
 PAG-USAPAN SA KLASE ANG SIMULA NG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG:
 Pangyayaring nabunsod sa unang digmaang pandaigdig

◦ Simula ng Digmaang Pandaigdig


◦ Sumapi narin ang Japan, Romania at United States. Sa kabilang dako,
pinanigan ng Turkey at Bulgaria at tinawag na Central
◦ Nilusob ng Austria ang Serbia nang hindi sumunod sa Ultimatum.
Nakisangkot naman ang Russia at agad nang pumanig sa Serbia at
nagpahayag ng pakikidigma sa Austria-Hungary. Pumanig ang France
sa Russia habang nagpasya ang Germany na tumulong sa Austria-
Hungary.
◦ Nagalit ang pamahalaang Austria at binigyan ng Ultimatum ang Serbia
◦ Pinatay ang tagapagmana ng trono ng Austria, si Archduke Francis
Ferdinand june 28. 1914
◦ Sinakop ng Austria ang Bosnia-Herziegovina
GAWAIN:
 PAGHANDAIN ANG KLASE AT ANG MGA PANGKAT
NG TAKDANG GAWAIN SA PAMAMAGITAN NG
GRAPHIC ORGANIZER TUNGKOL SA MGA SANHI
NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG:
 Pangkat 1- Nasyonalismo
 Pangkat 2- Imperyalismo
 Pangkat 3- Militarismo
 Pangkat 4- Pagbuo ng mga Alyansa
 PIPILI NG KASAPI ANG BAWAT PANGKAT NA

SIYANG MAG-UULAT SA HARAP NG KLASE.


Nasyonalismo
 Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng
pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang
kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at
nagiging panatikong pagmamahal sa bansa.
Halimbawa, ang mga Junker, ang mga
aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang
sila ang nangungunang lahi sa Europe. May mga
bansang masidhi ang paniniwalang karapatan
nilang pangalagaan ang mga kalahi nila at kahit
nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang
halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin
ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.
Nasyonalismo
 Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa
mahigpit na pamamahala ng Austria. Marami rin sa mga
estado ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon, at ang
pananalita ay tulad ng mga Ruso. Ito ang dahilan ng Russia
upang makialam sa Balkan. Gusto ring maangkin ng Russia
ang Constantinople upang magkaroon siya ng daungang ligtas
sa yelo. Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italy angTrent at
Triste na sakop din ng Austria. Ang France naman ay nagnais
ding maibalik sa kaniya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng
Germany noong 1871 bunga ng digmaan ng France at Prussia
(Germany). Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na
natural nilang kaaway ang mga Aleman.
 MAGBIGAY NG MGA BANSA NA NAGPAKITA NG DIWANG
NASYONALISMO
Imperyalismo
 Isa itong paraan ng mga pang-aangkin ng mga
kolonya at pagpapalawak ng mga pambansang
kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang Europe.
Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa
na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol
sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia
ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga
bansa. Halimbawa, sinalungat ng Britanya ang pag-
angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa)
sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay
ng transportasyong riles mula sa Cape Colony
patungong Cairo.
Imperyalismo
 Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatatag ng
French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga
tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan,
nababahala ang England sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad
Railway sapagkat ito’y panganib sa kaniyang lifeline
patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria
sa Balkan ay tumawag ng pansin at mahigpit na pasalungat ng
Serbia at Russia. Naging kalaban din ng Germany ang Great
Britain at Japan sa pagsakop sa China. Hindi nasiyahan ang
Germany at Italy sa pagkakahati-hati ng Africa sapagkat
kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki
naman ang bahaging nakuha ng England at France.
 BAKIT NAGING DAHILAN ANG IMPERALISMO NG UNANG
DIGMAANG PANDAIGDIG…..
Militarismo
 Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo,
kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang
mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa
lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng
armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang
magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang
Germany. Ipinalagay na ito’y tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng England bilang Reyna nag
Karagatan.
 BAKIT NAGING DAHILAN ANG MILITARISMO NG
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG….
Pagbuo ng mga Alyansa
 – Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na
pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo –
ang Triple Entente at ang Triple Alliance.
 Binubuo ng Germany, Austria-Hungary, at Italy, ang

Triple Alliance. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang


bawat kasapi na magtulungan kung sakaling may
magtangkang sumalakay sa kani-kanilang bansa.
Nais din ng alyansa na pantayan ang lakas ng Triple
Entente. Samantala, sumali ang Germany sa grupo
dahil nais nilang mapigilan ang impluwensiya ng
Russia sa Balkan.
Pagbuo ng mga Alyansa
 Itinatag naman ni Bismarck ang Triple Alliance noong 1882. Resulta
ito ng di-pagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ng Russia at France
noong 1884 (Dual Alliance), ng France at Great Britain noong 1904
(Entente Cordiate) at ng Great Britain at Russia noong 1907. Bilang
ganti, sumali ang France sa Triple Entente. Ang Russia naman gaya
ng nabanggit na, ay karibal ng Germany at Austria sa rehiyon ng
Balkan. Ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong 1899 ay
hindi naging mabisa dahil hindi naman obligado ang isang bansang
mapailalim dito. Ang unang pagpupulong ay ginanap sa Hague
noong 1899 na pinatnubayan ni Czar Nicholas II ng Russia. Ang
pangalawang pagpupulong sa Hague ay noong 1907, sa mungkahi ni
Pangulong Theodore Roosevelt. Nabigo rin ito. Layunin nitong
magpabawas ng armas ngunit nagkaroon ng unawaan tungkol sa
lalong makataong paglalabanan. Sa kasamaang-palad, ang mga
kasunduang ito ay nabalewala nang sumiklab ang Unang digmaang
Pandaigdig.
MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
OK….SA PAGPAPATULOY NG ATING TALAKAYAN….
MAGBIBIGAY AKO NG BABASAHIN NA MAY
KAUGNAYAN SA MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA
DIGMAANG PANDAIGDIG
Nakalagay sa ibaba ang link o pinagkunan ng
kwento…pede itong hanapin sa internet upang
higit na malaman ang iba pang mga kwento na
may kinalaman sa unang diagmaang pandaigdig..
TATAWAG AKO NG MAG AARAL NA SIYANG
MAGBABASA SA HARAPAN…
Ang Digmaan na Bumago sa Daigdig
 Isang siglo na ang nakalipas, iniwan ng milyun-milyong
kabataang lalaki ang seguridad ng kanilang tahanan at
sumuong sa digmaan. Umalis silang punô ng pag-asa
dahil sa pag-ibig sa bayan. “Masaya ako at tuwang-
tuwa sa inaasahan kong magandang kinabukasan,” ang
isinulat ng isang sundalong Amerikano noong 1914.
 Pero di-nagtagal, ang kanilang pananabik ay nauwi sa
kabiguan. Walang sinumang nakaisip na ang
napakaraming sundalo ay maiipit sa pakikipagdigma sa
Belgium at Pransiya. Tinawag ito noon ng mga tao na
“Malaking Digmaan.” Ngayon, tinatawag itong unang
digmaang pandaigdig.
 Ang unang digmaang pandaigdig ay malaki nga
kung pag-uusapan ang dami ng pinsala. Ayon sa
ilang pagtantiya, 10 milyon ang namatay at 20
milyon ang nasugatan. Resulta rin ito ng
malalaking pagkakamali. Hindi napahinto ng mga
estadista sa Europa ang tensiyon sa pagitan ng
mga bansa na lumala at naging pandaigdig na
digmaan. Marahil higit sa lahat, ang “Malaking
Digmaan” ay nag-iwan ng permanenteng pilat sa
daigdig. Binago nito ang daigdig sa paraang
nakaaapekto pa rin sa atin sa ngayon.
KATANUNGAN:
 ANO ANG NILALAMAN NG KWENTO?
 AYON SA PAGTANTIYA ILAN ANG NAMATAY…
 10 MILYON ….ILAN ANG NASUGATAN 20…

MILYON…ILANG ZERO MERON SA 10 MILYON


 7…ZEROES
PAGLINANG NG KABIHASAAN:
 TUNTUNIN SA MAPA ANG LUGAR NA PAGSISIMULA
AT PAGLAGANAP NG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG:
 Bosnia-Herzegovina former Yugoslavia,Croatia,
Macedonia, Montengro, Serbia and Slovenia
 Na noon ay sakop ng imperyong Austria- Hungary
 Germany,Austria-Hungary, Italy- Triple Alliance
 France, Russia, Great Britain –Triple Entente

PAGPAPAHALAGA:
 “Bilang mamamayang Pilipino, paano mo
pinapahalagahan ang iyong kapwa tao upang maiwasan
ang di pagkakaunawaan?
 BOL-Bangsa-moro Organic Law
 Makabuluhang pakikibahagi sa sarili mong komunidad.
 Pagiging nuetral sa pulitika at pagiging magalang
 Laging isipin na kapwa’y kapantay tulad din natin
 Sa bawat salita’t kilos,iwasang makasakit
 Nakabubuti sa atin, sa kapwa’y gawin din.
 GOLDEN RULE: Wag mong gawin sa kapwa ang ayaw
mong gawin sa iyo. Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng
pagmamahal mo sa iyong sarili.
PAGLALAHAT NG ARALIN:
 Maari bang ibigay muli ang mga sanhi at
gayundin kung paano nagsimula ang Unang
Digmaang Pandaigdig?
PAGTATAYA:
 ESSAY: Paano naapektuhan ang mga bansa sa
pandaigdig na digmaan?
TAKDANG ARALIN:
 1. Ilarawan ang mahahalagang pangyayaring
 naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.
 2. Ipaliwanag ang epekto o bunga ng Unang
 Digmaang Pandaigdig.
 pahina 453-463

You might also like