You are on page 1of 27

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

ANG KABIHASNAN SA MESOAMERICA


• Maraming siyentista ang naniniwalang may mga
pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang
nandayuhan mula sa Asya patungong North America,
libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak
ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North
America patungong timog, at nakapagtatag ng mga
kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng
north America at South America.
• Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-
unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec
sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang
mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang
pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng
America.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang
“gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o
Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang
mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa
baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at
sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico,
Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
HEOGRAPIYA NG MESOAMERICA
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-
ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at
isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at
China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.)
• Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan
ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga
pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang
binuo ng estado sa Mesoamerica.
• Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng
mais at iba pang mga produkto sa matabang
lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang
Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E.
• Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-
Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa
mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang
karaniwang kinakain ang isda at karne ng
maiilap na hayop.
ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000-1500 B.C.E.)
• Mababanaag na ang pagkakaroon ng
politikal at panlipunang kaayusan sa
Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900
B.C.E.
• Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit
makapangyarihang pamayanan ay
nagkaroon ng mga pinuno.
• Nagkaroon din ng ilang mga angkang
pinangibabawan ang aspektong
pangekonomiya, pampulitika, at panrehiyon.
Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na
lipunan ay ang Olmec.
ANG MGA OLMEC
• Ang kauna-unahang umusbong sa Central
America (at maaaring maging kabuuang
America) ay ang Olmec
• Ang katagang Olmec ay nangangahulugang
rubber people dahil sila ang kauna - unahang
taong gumamit ng dagta ng punong rubber o
goma
• Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa
rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na
nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala
• Ang panahong ito ay halos kasabayan ng
Dinastiyang Shang sa China
ANG MGA OLMEC
• Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.
• Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay
nagbigay-daan upang masaka ang kanilang
lupain.
• Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo, gumamit ng
isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa
hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng
katangi-tanging akda ng sining.
• Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa
pagkukuwenta.
ANG MGA OLMEC
• Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi
pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar
hanggang ngayon.
• Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba
pang mga sinaunang tao sa America ay hango
mula sa iba pang labi ng kanilang panahon.
• Ang mga likhang ito at maging ang paniniwalang
Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura
ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at
Aztec.
KULTURANG OLMEC
• Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay
mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec. Sila
ay may panrituwal na larong tinatawag na
pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong
basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi
maaaring gumamit ng kanilang kamay upang
hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip,
gamit ang mga siko at baywang, tinatangka
ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang
bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at
nakalagay sa isang mataas na pader.
Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang
ilang mga manlalaro ay ginagawang
sakripisyo matapos ang nasabing laro. Nang
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa
buong Mesoamerica.
KULTURANG OLMEC
• Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng
mga anyong ulo mula sa mga bato. Ang
pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na
talampakan at may bigat na 44 libra.
• Maaari diumanong ang mga lilok na ito ay
hango sa anyo ng kanilang mga pinuno.
• Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis -
piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa.
Ang mga estrukturang ito ay nagsilbing mga
lugar-sambahan ng kanilang mga diyos.
KULTURANG OLMEC
• Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop
na jaguar na pinakakinatatakutanng maninila
(predator) sa central America at South
America.
• Ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at
kakayahang manirahan saan mang lugar.
• Ito rin ay agresibo at matapang.
• Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng
jaguar.
ANG MGA OLMEC
• Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at
ang La Venta. Ang mga lugar na ito ay mga
sentrong pangkalakalan kung saan ang mga
produktong mineral tulad ng jade, obsidian, at
serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar
tulad ng Costa Rica
ANG MGA OLMEC
• Katulad ng iba pang kulturang umusbong
sa America, ang kabihasnang Olmec ay
humina at bumagsak.
• Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo
sa iba pang mga pangkat na sumakop sa
kanila.
• Gayunpaman, ang mga sinaunang taong
sumunod sa kanila ay nagawang
maitatag ang dakilang lungsod ng
Teotihuacan.
ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)
• Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan sa
mga lugar sa lambak ng Mexico ay
naging mas maunlad dahil sa ugnayang
kalakalan at pagyabong ng ekonomiya
• Isa sa mga dakila at pinakamalaking
lungsod sa panahong ito ay ang
Teotihuacan na nangangahulugang
“tirahan ng diyos”
• Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang
lungsod na may halos 12.95 kilometro
kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao
• Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang
populasyon nito ay minsang umabot sa
120,000
ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)
• Ang mga piramide, liwasan, at
lansangan ay nagbigay ng
karangyaan, kadakilaan, at
kapangyarihan sa lungsod.
• Maliban dito, ang mga pinuno nito ay
nagawang makontrol ang malaking
bahagi ng lambak ng Mexico.
• Naging sentrong pagawaan ang
lungsod samantalang ito ay
nagkarooon ng monopolyo sa
mahahalagang produkto tulad ng
cacao, goma, balahibo, at obsidian.
ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)
• Ang obsidian ay isang maitim at makintab na
bato na nabuo mula sa tumigas na lava.
• Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa
ng kagamitan, salamin, at talim ng mga
kutsilyo.
• Matagumpay na pinamunuan ng mga
dugong bughaw o nobility ang malaking
bahagdan ng populasyon.
• Ito ay naganap sa pamamagitan ng
pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa
relihiyon, at pagpapasunod nang
puwersahan.
ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)
• Ang pinakamahalagang diyos
ng Teotihuacan ay si
Quetzalcoatl, ang Feathered
Serpent God.
• Tinawag na diyos ng
kabihasnan, pinaniniwalaang sa
kaniya nagmula ang iba’t ibang
elemento ng kabihasnan ng
Teotihuacan.
• Kinatawan din niya ang puwersa
ng kabutihan at liwanag. Siya rin
ang diyos ng hangin.
ANG MGA TEOTIHUACAN (250 B.C.E.-650 C.E.)
• Noong 600 C.E., ang ilang mga
tribo sa hilaga ay sumalakay sa
lungsod at sinunog ang
Teotihuacan.
• Mabilis na bumagsak ang
lungsod matapos ang 650 C.E.
• Ang paghina ng lugar ay
maaaring dulot ng mga banta
mula sa karatig-lugar, tagtuyot,
at pagkasira ng kalikasan.
GAWAIN 10.
TRACING THE
BEGINNING CHART
GAWAIN 10: TRACING THE BEGINNING CHART
a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.
b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.
PAMPROSESONG
TANONG
PAMPROSESONG TANONG
1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
PAMPROSESONG TANONG
1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga
sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang
mga kabihasnan?
PAMPROSESONG TANONG
1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga
sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang
mga kabihasnan?
3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa
pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
PAMPROSESONG TANONG
1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga
sinaunang katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang
mga kabihasnan?
3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa
pagtatatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at
kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang
kanilang pamumuhay?

You might also like