You are on page 1of 15

MESO AMERIKA

PANGKAT 5
ARALING PANLIPUNAN
MESO-AMERIKA
Maraming siyentipiko ang naniniwalang may mga pangkat
ng mga nangangasong tao ang nandayuhan mula sa Asya
patungong North America, libu-libong taon na ang
nakakaraan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang
baybayin ng North America patungong Timog.
Nakapagtatag ng mga kalat-kalat na mga pamayanan sa
mga kontinente. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang
pinakaunang kabihasnan sa America - - ang mga Olmec
sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwesiyahan ng mga
gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng
mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.
HEOGRAPIYA
Ang pangalang Mesoamerica ay hango sa katagang meso na
ang ibig sabihin ay “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang
kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ay
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang
Mexico at Gulf of Fensoca sa katimugan ng El Salvador. Sa
hilagang hangganan nito ay matatagpuan ang mga anyong tubig
ng ilog Panuco at Santiago. Samantalang ang katimugang
hangganan ay mula sa Baybayin ng Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa
tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi
ng Mexico, Guatemala, Belize at El Salvador. Sa lupaing ito, ang
malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan
ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-
bago ang panahon sa rehiyong ito
ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA
2000-1500 B.C.E.
Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng
pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at
pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Meso-
Amerika
Ang mga sinaunang tao ang nagtanim ng mais at iba pang
mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at
kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E.
Sa pagsapit ng 1500 B.C.E. , maraming taga Meso-
Amerika ang nagsimulang manirahan sa mga
pamayanan.Naidagdag din sa kanilang karaniwang
kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.
ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA
2000-1500 B.C.E.
Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at
panlipunang kaayusan sa Meso-Amerika sa pagitan ng
2000 B.C.E. at 900 B.C.E.
Sa maraming rehiyon,ang maliit subalit makapangyarihang
pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng ilang mga angkan na pinangibabawan
ang mga aspektong pangekonomiya,pampolitika at
panrehiyon.Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na
lipunan ay ang Olmec.
ANG MGA OLMEC

Ang kauna-unahang umusbong sa Central Amerika (at


maaaring maging kabuuang merica) ay ang Olmec
Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people
dahil sila ang kauna-unahang taong gumagamit ng dagta
ng punong rubber o goma
Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf
Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig
hanggang Guatemala.
Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang
Shang sa China
ANG MGA OLMEC

Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.


Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nag-bigay daan
upang masaka ang kanilang lupain.
Sila rin ay nakagawa ng kalendaryo,gumamit ng isang
sistema ng pagsusulat na may pagkakahalintulad sa
hieroglyphics ng mga Egyptian at nakalinang ng katangi-
tanging akda ng sining
Naunawaan rin nila ang konseptong zero sa
pagkukuwenta.
ANG MGA OLMEC
Sa kasamaang palad ang kanilang sulat ay hindi
pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar
hanggang ngayon.
Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba
pang mga sinaunang tao sa Amerika ay hango
mula sa iba pang labi ng kanilang panahon.
Ang mga likhang ito at maging ang mga
paniniwalang Olmec ay may malaking
impluwensya sa kultura ng mga Maya at Aztec.
KULTURANG OLMEC
Ang rituwal ukol sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa
pamumuhay ng mga Olmec.Sila ay may panrituwal na
laro na tinatawag na pok-a-tok na tila kahalintulad ng
larong basketball,subalit ang mga manlalaro ay hindi
gumagamit ng kanilang kamay upang hawakan ang
bolang yari sa goma.Sa halip,gamit ang mga siko at
bewang,tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok
ang bola sa maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay
sa isang mataas na pader.Pinaniniwalaan ng mga
arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginagawang
sakripisyo matapos ang nasabing laro.Nang lumaon,ito
ay nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Meso-Amerika.
KULTURANG OLMEC
Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglililok ng
mga anyong ulo mula sa mga bato.Ang
pinakamalaking ulo ay may taas na siyam na
talampakan at may bigat na 44 libra.
Maaari ang mga lilok na ito ay hango sa anyo
ng kanilang mga pinuno.
Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis-
piramide sa ibabaw ng umbok ng lupa.Ang mga
estrukturang ito ay nagsilbing mga lugar-
sambahan ng kanilang mga Diyos.
KULTURANG OLMEC
Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang
hayop na Jaguar na pinaka kinatatakutang
maninila (predator) sa Central at South
Amerika.
Ito ay nagpapakita ng lakas,katusuhan at
kakayahang manirahan saan mang lugar.
Ito ay agresibo at matapang.
Sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng
mga Jaguar.
ANG MGA OLMEC
Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang
La Venta.Ang mga lugar na ito ay mga sentrong
pagkalakalan kung saan ang mga produktong mga
mineral tulad ng jade,obsidian at serpentine ay
nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa Rica.
Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa
America,ang kabihasnang Olmec ay humina at
bumagsak.
Sinasabing sila ay maaaring nakihalubilo sa iba pang
mga pangkat na sumakop sa kanila.
Gayunpaman,ang mga sinaunang taong sumunod sa
kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng
Teotihuacan.
ANG MGA TEOTIHUACAN
250 B.C.E. – 650 B.C.E.
Ang mga piramide,liwasan at lansangan ay
nagbigay karangyaan,kadakilaan at
kapangyarihan sa lungsod.
Maliban dito,ang mga pinuno nito ay nagawang
makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng
Mexico.
Naging sentrong pagawaan ang lungsod
samantalang ito ay nagkaroon ng monopolyo
sa mahahalagang produkto tulad ng
cacao,goma,balahibo at obsidian.
ANG MGA TEOTIHUACAN
250 B.C.E. – 650 B.C.E.
Ang obsidian ay isang maitim at makintab na bato
na nabuo mula sa tumigas na lava.
Ginamit ito ng mga Teotihuacan sa paggawa ng
kagamitan,salamin,at talim ng kutsilyo.
Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong
bughaw o nobility ang malaking bahagdan ng
populasyon.
Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa
ekonomiya,pag-angkop sa relihiyon at
pagpapasunod nang puwersahan.
ANG MGA TEOTIHUACAN
250 B.C.E. – 650 B.C.E.
Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si
Quetzalcoatl,ang Feathered Serpent God.
Tinawag na diyos ng kabihasnan dahil pinaniniwalaang
sa kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng
kabihasnang Teotihuacan.
Kinatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at
liwanag,Siya rin ang diyos ng hangin.
Noong 600 C.E. , ang ilang mga tribo sa hilaga ay
sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan.
Mabilis na bumagsak ang lungsod amatapos ang 650
C.E.
Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta
mula sa karatig-lugar,tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.

You might also like