You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 8

MODULE 4 Week 5

ST. JOSEPH’S INSTITUTE, INC.


Candon City, Ilocos Sur
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
SY: 2020-2021

Tahanan ng aking
lahi!
Kinukopkop ako at tinutulungan.

Impluwensya ng
Heograpiya sa
Pag-unlad ng mga
Sinaunang
Kabihasnan

CHARLEMAGNE T. GRAVIDEZ
Subject Teacher
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

Life Performance Outcome (LPO)


May bukas na kamalayan, may direksyong pansarili at mabuting huwaran.
(Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili, mabuting huwaran at isinasabuhay ang
pananampalataya)

Performance Outcome (PO)

PO2: Ipaliwanag at ilapat ang mga pangunahing elemento ng epektibong mga proseso ng paglutas ng
salungatan at gamitin ang mga ito upang mabawasan ang mga kaguluhan ng pangkat at dibisyon, pagsulong
ng mga kasunduan, at itaguyod ang pakikipagtulungan sa hinaharap.

Essential Performance Outcome (EPO)


EPO 3: Sumali sa iba sa pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na awtomatikong protektahan at
mapanatili ang kapaligiran at lahat ng mga porma ng buhay (A3)

Content Standard
Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng
kasalukuyang henerasyon.

Performance Standard
Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon at sumali sa iba sa
pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na awtomatikong protektahan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Most Essential Learning Competencies (MELC)

Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Intended Learning Outcome (Objectives)

 Natutukoy ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.


 Napapahalagahan ang mga heograpiyang nagpaunlad sa mga sinaunang kabihasnan.
 Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon at sumali sa
iba sa pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na awtomatikong protektahan ang mga pamana ng
mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

2
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

CURRICULUM
CONNECTIONS
PANIMULA

Sa bahaging ito, tatalakayin ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan. Mahalagang malaman ang naging bahagi ng heograpikal na
kalagayan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan. Matatalakay kung paanong ang
mga kabihasnan ay umunlad sa pamamagitan ng paglinang sa mga heograpikal na
kalagayan. Paano nga ba ito? Simulan mo na!

PANUTO

 Basahin at sundin ang mga panuto ng mabuti.


 Sagutin ang paunang pagtataya. Makakatulong ito para masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksa.
 Basahin at unawain ang leksyon upang mas lalong mapalawig ang iyong kaalaman at
masagot ang mga katanungan tungkol sa paksa.
 Sagutin ang panghuling pagtataya upang masuri ang iyong natutunan tungkol sa paksa.
 Ipasa ang module pagkatapos ng isang linggo.
 Hindi na tatanggapin ang mga ipapasang module o activity sheets kung lalagpas sa
kasunduang araw ng pagpasa.

3
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

EXPLORE

PAUNANG PAGTATAYA
PANUTO: Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan ang
mapa ng bituin (*) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig.

Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)

Huang Ho (China) Mesoamerica

4
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

PAGLINANG

TALAKAYAN
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o
“ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang
ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang
pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at
Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t
ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba
pang mga kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng
mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga
lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang
lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria
at Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng
Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing
nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-
apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha
na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging
mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa
pagtatanim.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing
ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga
ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan
sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnayugnay ng malalayo at mahahabang rutang
pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga
pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong
kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod
sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa


ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil
inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente.
Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito
samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of
Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong
ito.
Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas
din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng
Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman
sa kulturang Indian.
ARALING PANLIPUNAN 8
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay
MODULE 3

nga ang mga mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa
kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng
sinaunang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa


lambak ng Indus ang ang panibagong tuklas na mga
sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang
lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang
lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng
Sumer noong 3000 B.C.E.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung
ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop
nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa
kasalukuyan. Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang
humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuya, tinatayang mahigit 1000 lungsod at
pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng
kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo
ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km. (1800) milya at bumabagtas sa
Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng
matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India.
Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa
lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E.
Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada.
Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang
pumipigil sa mga pagbaha.
Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin,
ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-
tangi sa iba.

Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang


nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang
nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na
pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal,
halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring
ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog


malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo

65
ARALING PANLIPUNAN 8
sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabagobago nang makailang ulit sa mahabang
panahon at human-
MODULE 3

tong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang


North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag
ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha
sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang
Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China.
Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak
kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng
dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan
upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho.
Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay
sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na
sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat
hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo
na nangangahulugang Middle Kingdom.

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa
hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang
nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang
sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa
loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa
nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay
patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa
pagtatapos ng ika-20 siglo natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao
sa timogng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na
ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng
mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang


Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan
ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean
Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694
kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan
patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay
tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala
ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging
isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang
bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-
rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na
pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng
ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang
idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang
maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng
tubig. ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang


makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng
halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog
ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta.
Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula
rito para sa mga lupang sakahan. Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang
mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal
upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay
nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na
mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay
naisakatuparan din sa mga panahong ito. Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay
nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-
ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga
disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter’ ang
nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting
tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag
ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong
ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America - ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba
pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na


nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang
kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang
rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf
of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito
matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang
katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng
Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at
kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa
at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya
sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang
unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad
ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong
ito.

7
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

PAGPAPALALIM

SARILING PAGTATAYA
Gawain 1: Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagtatambal sa mga
terminolohiya sa Hanay A at Hanay B at Hanay B sa Hanay C.

A B C

 Lupain ng
 Sa pagitan ng Yucatan
mga ilog.  Egypt Peninsula
 Nasa pagitan ng  Timog ng
 Tsino
kontinente Mediterranean
 Biyaya ng Nile  Indus  Nasa Kanluran ng
 Nasa tangway ng Yellow Sea
Timog Asya  Mesoamerica
 Dumadaloy ang
 May matabang
 Mesopotamia Indus River
lupain sa Huang  Nasa Kanlurang
Ho Asya

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa
isa’t isa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng
kabihasnan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa


pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
ARALING PANLIPUNAN 8
PAGLIPAT
MODULE 3

VALUE INTEGRATION
Gawain 2: Ipakita ang iyong pagiging huwaran at mabuting Paulino sa pamamagitan ng
paggawa ng isang poster-slogan na nagpapakita ng impluwensiya ng heograpiya sa
pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. (Ilagay ang iyong gawa sa kahon)

9
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

PANGHULING
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Ang ibig sabihin ng salitang Griyego na “potamos”?


a. dagat c. lupa
b. ilog d. bundok
____2. Ang lungsod na ito sa kabihasnang Indus ay ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
a. Aztec c. Harappa at Mohenjo Daro
b. Mayan d. Sumer
____3. Ito ang tawag sa putik na dala ng ilog Nile pagkatapos ng pagbaha na naiipon sa
bunganga nito sa hilaga upang maging latiang.
a. Alpha c. Gama
b. Beta d. Delta
____4. Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa America.
a. Aztec c. Mayan
b. Olmec d. Tenochtitlan
____5. Mas malawak ang lupain nito kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia.
a. Indus c. Tsino
b. Mesoamerica d. Huang Ho
____6. Bahagi ng Egypt na nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel.
a. Nile River c. Cairo
b. Lower Egypt d. Upper Egypt
____7. Ito ang lunduyan ng unang kabihasnan.
a. Egypt c. India
b. Mesopotamia d. Mexico
____8. Ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China.
a. Xia c. Zhongguo
b. Shang d. Qi’n
____9. Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga ______ ang
nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan.
Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong
timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north
America at South America.
a. mandarayuhan c. mangangaso
b. magsasaka d. manlalakbay

10
____10. Noong unang panahon, ang Egypt ay tinawag na _____ dahil kung wala ang ilog na ito,
ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
a. Gift of Cleopatra c. Wonder of Nile
ARALING PANLIPUNAN 8
b. Nile’s Treasure d. Gift of Nile

MODULE 3

BUOD

Natuklasan mo ang impluwensya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.


Mahalagang malaman ang naging bahagi ng heograpikal na kalagayan sa pag-usbong ng mga sinaunang
kabihasnan. Nalaman mo kung paanong ang mga kabihasnan ay umunlad sa pamamagitan ng paglinang
sa mga heograpikal na kalagayan. Nagsimula ang mga ito sa mga lambak at mga lugar kung saan
mapapakinabangan nila ang mga bagay sa kanilang paligid.
Unang umusbong ang mga kabihasnan sa Mesopotamia, Indus, Tsino, Egypt at Mesoamerica na
umunlad dahil sa impluwensya ng kanilang kapaligiran o heograpikal na kalagayan. Malaki ang naging
papel ng mga lambak sa pag-unlad ng mga kabihasan sapagkat dito nila nalinang ang kanilang mga
talino at kakayahan upang maging matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan
upang higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang sa makapagtatag sila ng mga mauunlad na
mga pamayanan.

MGA SANGGUNIAN
Printed Books:
Department of Education (2014).

Del Rosario, G. P. (2017). Araling Panlipunan 8. Marilao, Bulacan, Philippines: KLEAFS Publishing,
Inc.

Cruz, M.A, et.al. (2015). Kasaysayan ng daigdig. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City,
Philippines: Vibal Group, Inc.

Bustamante, E. (2015). Sulyap sa kasaysayan ng daigdig. E. Rodriguez, Sr. Avenue, Kristong Hari,
Quezon City, Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation

CARITAS CHRISTI
URGET NOS
CHECKED BY:

MRS. LAWRENCE V. AUTRIZ


ATL-AP

11
APPROVED AND NOTED BY:

SR. NELA A. RAMIREZ, SPC


School Directress

12

You might also like