You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 8

MODULE 3 Week 4

ST. JOSEPH’S INSTITUTE, INC.


Candon City, Ilocos Sur
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
SY: 2020-2021

Saan Ako
Nagmula?

Ang mga Sinaunang Tao sa


Daigdig

CHARLEMAGNE T. GRAVIDEZ
Subject Teacher
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

Life Performance Outcome (LPO)


May bukas na kamalayan, may direksyong pansarili at mabuting huwaran.
(Ako ay may bukas na kamalayan, direksyong pansarili, mabuting huwaran at isinasabuhay ang
pananampalataya)

Performance Outcome (PO)

PO2: Ipaliwanag at ilapat ang mga pangunahing elemento ng epektibong mga proseso ng paglutas ng
salungatan at gamitin ang mga ito upang mabawasan ang mga kaguluhan ng pangkat at dibisyon, pagsulong
ng mga kasunduan, at itaguyod ang pakikipagtulungan sa hinaharap.

Essential Performance Outcome (EPO)


EPO 3: Sumali sa iba sa pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na awtomatikong protektahan at
mapanatili ang kapaligiran at lahat ng mga porma ng buhay (A3)

Content Standard
Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng
kasalukuyang henerasyon.

Performance Standard
Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon at sumali sa iba sa
pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na awtomatikong protektahan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Most Essential Learning Competencies (MELC)

Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.

Intended Learning Outcome (Objectives)

 Natatalakay ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.


 Nailalarawan ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao.
 Nailalahad ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura mula Paleolitiko hanggang Neolitiko.
 Sumasali at nakahihikayat ng kapwa kabataan sa pagpapatakbo ng mga lokal na proyekto na
awtomatikong protektahan at mapanatili ang kapaligiran, kultura at lahat ng mga porma ng buhay.

2
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

CURRICULUM
CONNECTIONS
PANIMULA

Sa modyul na ito, pagtutuonan ang pamumuhay at kultura ng mga unang tao. Pag-
aaralan din natin kung paano ang pakikiangkop ng mga unang tao sa kanilang kapaligiran
ay nagdulot ng pag-unlad sa kanilang pamumuhay. Simulan mo na ang pagtuklas.

PANUTO

 Basahin at sundin ang mga panuto ng mabuti.


 Sagutin ang paunang pagtataya. Makakatulong ito para masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksa.
 Basahin at unawain ang leksyon upang mas lalong mapalawig ang iyong kaalaman at
masagot ang mga katanungan tungkol sa paksa.
 Sagutin ang panghuling pagtataya upang masuri ang iyong natutunan tungkol sa paksa.
 Ipasa ang module pagkatapos ng isang linggo.
 Hindi na tatanggapin ang mga ipapasang module o activity sheets kung lalagpas sa
kasunduang araw ng pagpasa.

3
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

EXPLORE

PAUNANG PAGTATAYA

PANUTO: A. Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili
sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutukong sa iyong araw-araw
na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong pinili.

apoy bato

kahoy banga

buto ng hayop

Pamprosesong Tanong:
1. Alin ang iyong mga pinili?
_______________________________________________________________________
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung taglay mo ang bagay na pinili?
Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart


Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong. Punan lamang ang unang
kolum (Alam ko Ngayon)

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

4
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

FIRM-UP

TALAKAYAN

Ang Mga Sinaunang Tao

Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa ay maaari nang magtungo sa susunod na
bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahalagang konsepto tungkol
sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto at mga gawaing higit na magpapayabong sa
iyong kaalaman.

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao
may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang Homo Species (homo na nangangahulugang
tao) nagtagumpay na makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng
sitwasyon noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng
mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao ni
Charles Darwin, mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo Sapiens.

Australopithecine – Homo Habilis,


Ape – sinasabing Chimpanzee – tinatayang ninuno homo erectus, at
pinagmulan ng pinapalagay na ng makabagong Homo Sapiens –
tao. pinakamalapit na tao; Ape na may mga pangkat ng
kaanak ng tao ayon kakayahang tunayo homo species.
sa mga siyentista. nang tuwid.

Lucy – pinakatanyag
na Australopithecus
afarensis na
natuklasan ang mga
labi noong 1974.

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo Species partikular ang Homo Habilis noong dakong
2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto
ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

5
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

 Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Lower Paleolithic Period


Bato” (Old Stone Age)  Nagwakas dakong 120, 000 taon na ang
 Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang nakararaan.
Paleos o luma at lithos o bato.  Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
 Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng  Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan.
sangkatauhan.  Ang Homo habilis ay nangangahulugang
 Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng able man o handy man dahil sila ang unang
kasangkapang bato ng mga Hominid. species ng hominid na marunong gumawa ng
 Unang gumamit ng apoy at nangaso kagamitang bato.
ang  Sinundan ng mga Homo Erectus nang higit
sinaunang tao. na may kakayahan sa paggawa ng bato.

Panahong Paleolitiko
dakong 2 500 000 – 10 00 BCE

Upper Paleolithic Period Middle Paleolithic Period


 Dakong 40 000 – 8 500 taon ang  Dakong 120 000 – 40 000 taon ang
nakararan. nakararaan
 Nagkaroon na ng mga unang  Paglitaw ng makabagong tao noong
pamayanan sa anyong mga campsite 100 000 taon ang nakalilipas.
na kadalasang matatagpuan sa mga  Umusbong ang pagiging artistiko ng
lambak. mga tao sa pagpinta at pagguhit sa
 Ang mga yaong Neanderthal ay bato.
Nawala sa panahong ito at napalitan ng  Nabuhay ang taong Neanderthal na
mga taong Cro-Magnon. natuklasan sa Germany ang mga labi.
 Lumitaw ang mga komplikadong
pagpapangkat sa lipunan.

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao


Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo Sapiens
Neanderthalensis. Higit na malaki ang utak ng Homo Sapiens kung ihahambing sa mga naunang
species kaya nangangahulugang higit ang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan.
May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-
Magnon ay lumikha ng sining ng pagpinta sa kuweba.

Homo Sapiens Neanderthalensis Cro-Magnon

6
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at
pangangalap ng pagkain. Dakong 12 000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim. Tuluyan ding umuunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis
na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

 Kilala ang panahong ito sa paggamit ng


makinis na kasangkapang bato,
 Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay
permanenteng paninirahan sa
tinatawag na Panahong Neolitiko
pamayanan, pagtatanim, paggawa ng
(Neolithic Period) o Panahon ng
palayok at paghahabi.
Bagong Bato (New Stone Age) na
 Naganap sa panahong ito ang
hango sa mga salitang Greek na neos o
Rebolusyong Neolitiko o sistematikong
bago at lithos o bato.
pagtatanim.
 Ang terminong beolitiko ay ginagamit
sa arkeolohiya at antropolohiya upang  Isa itong rebolusyong agricultural
italaga ang isang antos ng ebolusyonng sapagkat natustusan na ang
pangkalinangan o pagbabago sa pangangailangan sa pagkain.
 Ito rin ang nagbigay-daan sa
pamumuhay at teknolohiya.
permanenteng paninirahan sa isang
lugar upang alagaan ang mga pananim.

Panahong Neolitiko
dakong 10 000 – 4 000 BCE

 May populasyong mula 3 000 – 6 000


katao.
 Magkakadikit ang mga dingding ng  Catal Huyuk – isang pamayanang
kabahayan at ang tabing pasukan ng Neolitikong matatagpuan sa
isang bahay ay mula sa bubungan kapagatagan ng Konya ng gitnang
pababa sa hagdan. Anatolia (Turkey ngayon)
 Inililibing ang mga yumao sa loob ng  Isang pamayanang sakahan.
kanilang bahay.
 May paghahabi, paggawa ng mga
alahas, salamin at kutsilyo.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang


matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito
dakong 4 000 BCE. Inilalarawan sa susunod na dayagram – ang Panahon ng Metal.

7
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

Panahon ng Bronse
Panahon ng Tanso
 Naging malawakan na noon ang
 Naging mabilis ang pag-unlad ng tao
paggamit ng bronse nang matuklasan
dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang
ang panibagong paraan ng pagpapatigas
paggamit sa kagamitang yari sa bato.
dito.
 Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4
 Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang
000 BC sa ilang lugar sa Asya at 2 000
makagawa ng higit na matigas na bagay.
BCE sa Europe at 1 500 BCE naman sa
Egypt.  Iba’t ibang kagamitan at armas ang
 Nalinang nang mabuti ang paggawa at nagagawa mula sa tanso tulad ng espada,
pagpapanday ng mga kagamitang yari sa palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana
tanso. at sibat.
 Sa panahong ito natutong
makipagkalakalan ang ga tao sa mga
karatig-pook.

Panahon ng Metal
4 000 BCE - Kasalukuyan

Persian Silver Cup


Panahon ng Bakal
 Natuklasan ang bakal ng mga Hittite,
isang pangkat ng Indo-Europeo na
naninirahan sa Kanlurang Asya dakong 1
500 BCE.
 Natutunan nilang magtunaw at
magpanday ng bakal.
 Matagal nilang pinanatiling lihim ang
pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
 Nang lumaon, lumaganap ang paggamit
ng bakal sa iba’t ibang kaharian.

8
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

DEEPEN

SARILING PAGTATAYA
A. Pagsulat ng sanaysay:
Rubriks: Nilalaman – 3 pts. ; Organisasyon: 2 pts.

1. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan,
kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-
unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng
ebidensyang susuporta sa nakatalang kongklusyon.

Malaki ang epekto ng heograpiya


Malaki ang naging epekto ng Higit na umunlad ang pamumuhay
sa pag-usbong ng unang agrikultura sa pamumuhay ng tao. ng tao dahil sa paggamit ng metal.
pamayanan.

1 1 1

2 2 2

3 3 3

B. Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart


Natapos mo ng sagutan ang unang kolum. Ngayon naman ay handa ka ng punan ang
pangalawang kolum (Nadagdag Kong Kaalaman)

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

9
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

-
VALUE INTEGRATION
Bilang isang huwarang Paulino, ibigay ang kahalagahan ng mga sumusunod na
pangyayari sa iba-ibang yugto ng pag-unlad ng mga sinaunang tao sa kasalukuyan.

Mga Pangyayari sa Kahalagahan sa Kasalukuyan


iba-ibang yugto ng
pag-unlad

________________________________________________________________
Paggamit ng ________________________________________________________________
Apoy ________________________________________________________________

________________________________________________________________
Pagsasaka ________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
Paggamit ng mga ________________________________________________________________
pinatulis na bato ________________________________________________________________

Paggamit ng mga ________________________________________________________________


kasangkapang ________________________________________________________________
________________________________________________________________
metal

10
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

TRANSFER

PANGHULING PAGTATAYA
A. Pagtutukoy: Isulat sa patlang ang inilalarawan ng bawat pangungusap.
_________________1. Ito ay teorya ni Charles Darwin na nagsasaad na ang tao ay galing sa ape
o unggoy.
_________________2. Ito ay nangangahulugang able man o handy man.
_________________3. Salitang Griyego na nangangahulugang bato sa tagalog.
_________________4. Pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista.
_________________5. Panahon kung saan tinatawag itong Panahon ng Bagong Bato.
_________________6. Ito ay isang pamayanang Neolitiko na matatagpuan sa kapatagam ng
Konya ng gitnang Anatolia.
_________________7. Panahon kung saan naging mabilis ang pag-unlad subalit patuloy pa rin
ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa bato.
_________________8. Ito ang tinatayang ninuno ng makabagong tao.
_________________9. Katumbas na salitang tagalog ng neos.
_________________10. Uri ng sapiens na lumilikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

B. Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi.
_____________1. Naganap ang isang rebolusyong agricultural sa panahon ng Neolitiko sapagkat
natustusan na ang pangangailangan sa pagkain.
_____________2. Sa panahon ng tanso nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong mga
campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak.
_____________3. Ang Homo Habilis ang pinakatanyag na Australopithecus afarensis na
natuklasan ang labi noong 1974.
_____________4. Sa panahong Paleolitiko unang gumamit ng apoy.
_____________5. Sa panahong Bronse natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-
pook.

C. Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart


Natapos mo ng sagutan ang una at ikalawang kolum. Ngayon ay handa ka ng sagutan ang
pangtalong kolum. Iyong isulat ang mga natutunan o nalaman sa naging talakayan sa
huling kolum. (Nadagdag Kong Kaalaman)

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

9
11
ARALING PANLIPUNAN 8
MODULE 3

BUOD

Natutuhan mo sa modyul na ito ang pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig ay


naimpluwensiyahan ng kanilang pakikiangkop sa kanilang kapaligiran. Tinalakay rin sa
modyul na ito ang pagkakaiba at pag-unlad ng mga pamumuhay ng mga unang tao mula
noong Panahong Paleolitiko hanggang Panahon ng Metal. Ang kanilang talion at kakayahan
ang naging instrumento upang maging matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang
nagbigay-daan upang higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag
sila ng mga mauunlad na pamayanan.

MGA SANGGUNIAN
Printed Books:
Department of Education (2014).

Del Rosario, G. P. (2017). Araling Panlipunan 8. Marilao, Bulacan, Philippines: KLEAFS Publishing,
Inc.

Cruz, M.A, et.al. (2015). Kasaysayan ng daigdig. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City,
Philippines: Vibal Group, Inc.

Bustamante, E. (2015). Sulyap sa kasaysayan ng daigdig. E. Rodriguez, Sr. Avenue, Kristong Hari,
Quezon City, Philippines: St. Bernadette Publishing House Corporation

CARITAS CHRISTI
URGET NOS
CHECKED BY:

MRS. LAWRENCE V. AUTRIZ


ATL-AP

APPROVED AND NOTED BY:

SR. NELA A. RAMIREZ, SPC


School Directress

12

You might also like