You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 8 SSC

Mina de Oro Catholic School, Inc. Week:__3 Quarter: _1


Fr. Peters St., Zone III, Socorro,
Oriental Mindoro 5207, Philippines
“Parochial Schools:
Evangelized and
Lesson Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
No 3
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigaydaan sa pag-usbong ng
mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sasusunod na Henerasyon.

Most Essential Learning Competency:


 Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.

Kasanayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
1. nasusuri ang timeline ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko;
2. napahahalagahan ang pag-unlad at mga tuklas sa panahong prehistoric; at
3. nakabubuo ng konklusyon sa epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan, epekto ng agrikultura sa
pamumuhay ng tao, at higit na pagunlad ng tao dahil sa paggamit ng metal.

Panalangin bago mag-aral


Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin
at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

👌PAGTUKLAS NA GAWAIN:
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga katawagan at paliwanag sa pamamagitan ng paglalagay ng guhit sa magkatugmang
bilang at titik sa Hanay A at Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Homo sapien A. Taong naglalakad ng tuwid.
2. Taong Peking B. Taong nag-iisip.
3. Meso K. Tinawag na Pithecanthropus erectus.
4. Taong Zambia D. Nakita ang mga labí nito sa France.
5. Nomad E. Nadiskubre ang mga labí nito sa Germany.
6. Homo erectus G. Walang permanenteng pook na titirhan.
7. Hittite H. Kauri ng Taong Java.
8. Taong neanderthal I. Nangangahulugang gitna
9. Taong cro-magnon L. Unang nakatuklas sa bakal
10. Taong Java M.Matatagpuan sa Peking, China
N. Taong hindi nag-iisip

PANIMULA
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang antas ng pag-unlad sa kultura ng
sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas
madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging
makabuluhan
MDOCS, ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga
Inc.: ServiceExcellenceRespectVirtuousnessEmpathy gawain
Vivire sa modyul.
servire est (ToGumamit
live is tong hiwalay
serve)
na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Yugto ng Pagunlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko na
Learning Module
Araling Panlipunan 8

PAGTALAKAY SA ARALIN

Ang mga Unang Tao at Ang Kanilang Distribusyon sa Daigdig


Kung pagbabatayan ang ebolusyon, masasabing nabuhay ang mga ninuno ng tao sa pagitan ng dalawang milyon
hanggang 20,000 BCE. Subalit ang mga unang labí ng pinagmulan ng mga ninuno ng tao ay tinatayang 14 milyong taon na ang
itinagal sa daigdig. Tinatawag itong Proconsul at ang mga labí nito ay matatagpuan sa deposito ng Miocene.
Isa pang higit na itinuring na malapit na ninuno ng tao ang Australopithecine. Unang natagpuan ang mga labí ng
Australopithecine sa South Africa at nahahati sa tatlong pangkat: Ang Australopithecus na maaaring nabuhay sa
pamamagitan ng pagkain ng mga halaman at karne; ang Paranthropus na higit na primitibo kaysa sa Australopithecus at
nabuhay sa halaman lamang; at ang isang pangkat ng Paranthropus na tinawag na Zinjanthropus kung saan natagpuan ang
mga labí nito ng mag-asawang sina Mary at Louis Leakey sa Olduvai Gorge sa Tanzania, Africa at pinaniniwalaan na marunong
nang gumamit ng kasangkapan ang Zinjanthropus batay sa natagpuan sa tabi ng labí nito.

Ang pinanggalingan ng ating mga ninuno ay mahahati sa iba’t ibang pangkat.


Homo erectus
Ang taong nakatayo o naglalakad nang tuwid at maaaring nabuhay sa Silangan at Timog Silangang Asya, Europe
at Africa. Higit na malaki ito kaysa Australopithecine at higit na malaki ang utak nito. Mayroong apat na uri ng Homo erectus:
Taong Java
Kilala rin na Pithecanthropus erectus, ito ay natagpuan ni Eugene Dubois, isang siyentistang Olandes (Dutch),
noong 1891 sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesia. Ipinalalagay na may 500,000 hanggang 750,000 taon ang itinagal nito sa
daigdig.
Ito ang kauna-unahang labí ng Homo erectus na natuklasan ng tao. Isa pang Homo erectus ang nadiskubre sa Zambia noong
1921, ang Taong Zambia, na kauri rin ng Taong Java.
Taong Peking.
Tinatawag na Sinanthropus erectus pekinensis ang labí na natagpuan sa Peking, China sa yungib ng Chowkou tien
noong 1927. Hinihinalang natutunan ng Taong7 Peking ang mga gamit ng apoy at ang pagkain ng berry sapagkat natagpuan
din sa naging tahanan nila ang mga buto nito.
Homo sapiens
Ang tawag sa hinihinuhang taong nag-iisip. Pinakamatalino marahil ang Homo sapiens sa lahat ng unang tao dahil
higit na malaki ang utak nito. Mga halimbawa nito ang Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon. Ang mga labí ng Taong
Neanderthal ay nadiskubre sa mga lambak ng Ilog Neander sa Germany noong 1856.
Maaaring nabuhay sila sa pagitan ng 70,000 BCE hanggang 50,000 BCE. Pandak, malaki ang pangangatawan,
malalaki at tila mabigat na panga, makapal ang noo at malaki ang ilong. Ang Taong Cro-Magnon naman ay hinihinalang
maaaring nabuhay noong 40,000 BCE pagkaraang mawala ang mga Taong Neanderthal. Nakita ang mga labí nito sa France na
lubhang napakalamig noon kaysa kasalukuyan. Nagyeyelo noon sa Polong Hilaga at nagpatuloy sa timog Europe. Palatandaang
malamig ang panahon na kinaroroonan ng Taong Cro-Magnon dahil napaliligiran ito ng mga labí ng mga hayop at halamang
nabuhay sa malalamig na lugar noon nang matagpuan ang labí nito. Upang mas maunawaan mo ang naging pamumuhay ng
mga sinaunang tao, pagaralan mo ang susunod na teksto ng tungkol sa antas ng pag-unlad ng tao, mga katangian at mga
katibayang natuklasan.

1. Hominid
Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 2
Learning Module
Araling Panlipunan 8

Nabuhay noong 14,000,000- 13,000,000 BCE. Naglalakad nang tuwid, mas maliit ang utak na may sukat na kalahati
ng sa modernong tao, malaki ang pagkakahawig sa katangiang pisikal ng modernong tao. May taas na apat na talampakan.
Limang uri ng mga Hominid.
a. Anamensis - nabuhay sa Africa may apat na milyong taon na ang nakararaan.
b. Afarensis - nabuhay may 3.7 milyong taon na ang nakararaan; kasinlaki ng utak ng chimpanzee ang utak nito.
c. Africanus - mas malaki ang bungo, higit na malaki ang utak kaysa Afarensis.
d. Boisei at Robustus- mas malaki ang bagang at panga; kasinliit ng Africanus ang utak; nawala sa pagitan ng 1.5 hanggang
isang milyong taon na ang nakararaan.
2. Homo habilis
Itinuturing na pinakamatandang uri ng tao. Sila ay nabuhay sa Africa may dalawang milyong taon na ang
nakararaan. Hango sa salitang Latin na homo na nangangahulugang tao at habilis na ang ibig sabihin ay sanay o bihasa. Mas
malaki
ang utak at mas maliit ang bagang kaysa Australopithecus. Ang utak ay sumusukat sa halos kalahati ng utak ng modernong tao.
gumawa ng unang kagamitan na yari sa bato bilang panghiwa, pangkayod at pantadtad. Gayon din ang pagkain ng karne,
prutas, insekto at mga halaman. Sila ay nakalalakad nang tuwid.
Katibayan ng Homo habilis ay ang mga sumusunod:
• Taong Olduvai - unang nahukay na labí ng Homo habilis. Natagpuan ang
bungo sa Olduvai Gorge, Tanganyika nina Jonathon Leaky at asawa nito
noong 1960. Nagpatunay ito na nabuhay ang sinaunang tao mahigit tatlong
milyong taon na ang nakararaan
• ER-1470 - pinakamatandang bungo ng Homo habilis na nahukay noong 1972
sa Lawa ng Turkana ni Richard F. Leaky.
3. Homo erectus
Kilala bilang taong nakatatayo nang tuwid. Tinatayang may taas na limang talampakan, makapal ang bungo, maliit
ang ulo at malaki ang panga. Mas maliit ang bagang na hindi gaanong nakausli tulad ng Homo habilis. Ang utak ay halos
kasinlaki ng sa modernong tao. Sila ay unang natutong gumamit ng apoy at damit mula sa balat ng hayop at nakagawa ng
palakol mula sa bato.
Katibayan ng Homo erectus ay ang mga sumusunod:
• Taong Java (dating Pithecathropus Erectus) - kaunaunahang labí ng Homo erectus na natuklasan. Natuklasan ni Eugene
Dubois, isang Dutch, sa buhanginan sa gitnang Java, Indonesia noong 1891. Maliit ang mga taong ito ngunit nakatatayo at
nakalalakad ng tuwid. Gumamit ng mga tinapyas na bato bilang sandata at kagamitan.
• Taong Tabon - natagpuan sa mga yungib sa Tabon, Quezon sa Palawan ni Robert Fox noong 1962. Sinasabing kauna-
unahang tao sa Pilipinas.
• Taong Peking – Pinakamalaking kalansay ng Homo erectus na natuklasan. Natagpuan ni Davidson Black ang mga buto sa
isang kweba sa Choukoutien noong 1919-1937 sa Peking, China. Ayon sa pagsusuri, natutong gumawa ng apoy ang taong ito
minsang tumama ang kidlat sa isang puno.
• East Turkana Homo erectus - labí ng Homo erna tinatayang nabuhay sa Africa mga 1,800,000 taon na ang nakalilipas.
Natuklasan ni Richard F. Leaky sa Lawa ng Turkana noong 1975.
• Batang Nariokotome - labí ng isang batang lalaki. Ito ang pangunahing nahukay na kalansay ng Homo erectus. Natuklasan ni
Kamoya Kimeo sa lawa ng Turkana, Kenya noong 1984.
4. Homo sapiens
Taong nakapag-iisip at nakapangangatwiran. Higit na malaki ang utak sa lahat ng unang tao at hindi nalalayo sa laki
ng utak ng modernong tao. Nabuhay ng halos 300,000-400,000 taon na ang nakararaan.
Katibayan ng Homo sapiens ay ang mga sumusunod:
• Unang prehistorikong Labí ng Kabwe (dating Taong Rhodesian) – natagpuan Kabwe, Zambia ni Arthur S. Woodward noong
1856.
• Bungo ng Dali - natagpuan sa lalawigan ng Shanxi sa China ni Wu Xinzhi noong 1978.
• Taong Neanderthal - unang nahukay na labí ng kinikilalang prehistorikong tao. Natagpuan ito ni Johann Fuhlrott sa isang
kweba ng Neander, Germany noong 1856. mababa at matipuno, pahilig ang noo nito at usli ang panga, malaki ang ilong at
maliit ang baba. Mabangis ang anyo nito ngunit matalino. Nakatira sa mga kweba at nagsusuot ng balat ng hayop. Kaiba sa mga
sinaunang tao, inililibing nila ang kanilang mga patay. Ipinalalagay na naglaho dahil sa matinding lamig noong Ice Age . Noong
1908, natuklasan nina Ameedi at Jean Bouysonnie ang pinakakumpletong kalansay ng Taong Neanderthal sa La-Chapelleaux-
Saints sa France

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 3
Learning Module
Araling Panlipunan 8

MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG MGA SINAUNANG TAO


Nakakuha ang mga anthropologist ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa pamamagitan
ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Makikita na ang
kanilang
mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay ay siyang bumubuo ng kanilang kultura. Sa paglipas ng panahon, napaghusay ng
sinaunang tao ang kanilang mga kagamitan upang lalong maging episyente ang mga ito sa araw-araw na pamumuhay. Dahil
diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa daigdig.
Ang panahon ng paglilinang ng sinaunang tao ay tinatawag na panahon ng bato.
Panahon ng Bato
Nang makalinang ng kabihasnan ang mga sinaunang tao. Sila ay namuhay bilanggrupo ng sampu (10) hanggang
tatlumpung (30) katao. Tanging pangangaso atpangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga kuweba ang
kanilang tinitirahan.
Ayon sa mga archeologist, mga dalubhasa sa pag-aaral ng pre-historikong kasaysayan ng tao sa pamamagitan ng
artifacts o mga bagay na gawa ng sinaunang tao, nahahati sa tatlong bahagi ang Panahon ng Bato. Ito ay ang mga sumusunod:
Panahong Paleolitiko
Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong 500,000 BCE hanggang 8,000 BCE . Sa panahong ito
nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo habilis, Homo erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo
sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong cro-magnon. Ang Paleolitiko ay nagmula sa salitang Greek na “palaios” na
nangangahulugang
luma at “lithos” na bato. Kaya ito ay kilala rin sa tawag na Panahon ng Lumang Bato.
Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa kuweba upang pangalagaan ang sarili sa malamig na panahon. Katatapos
pa lamang ng Ice Age at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan o
nomadic ang mga tao sa panahong ito. Namimitas sila ng mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa
tubig sa pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong panghampas o pambato at sanga
ng kahoy upang maging madali ang paghuli. Natuklasan din ang gamit ng apoy. Sinasabi na sa hindi sinasadyang pagkakataon,
tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Ito ay nagbigay ng magandang epekto sa
katawan sa panahon ng taglamig.
Panahong Mesolitiko
Nangangahulugang “gitna” ang salitang meso sa Greek. Kayat ito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama
ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahong Neolitiko. Hindi ito isinasama ng
ilang historyador sa pagtatala ng kasaysayan dahil itinuturing itong transisyunal na panahon.
Tinatayang nagsimula noong 10,000 BCE hanggang 7,000 BCE ang Panahong Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John
Marshall, isang anthropologist, ang teorya ng “paghamon at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong
naganap sa kapaligiran (hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at mga
gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago samantalang namuhay sa kasukalan ang
ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal lamang ng 3000 taon sa Mesopotamia at kaunting panahon lamang sa Europa ang
Panahon ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain. Ang pinakamainam ay
ang pagiging prodyuser ng tao kaysa umasa sa likas na yaman. Subalit isang mahirap na hamon ang nagbabagong klima.
Rebolusyong Neolitiko
Ang Neolitiko ay nagmula sa salitang Greek na “neos” na nangangahulugang bago at “lithos” na bato. Kaya ito ay kilala
rin sa tawag na Panahon ng Bagong Bato.
Nahubog ang Panahong Neolitiko nang magsimula ang pag-aalaga ng hayop, ang pagtuklas sa pagtatanim, at
pagkaimbento ng aserol at mga kagamitan sa pagsasaka. Ang pagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.
Sa katunayan umusbong ang isang pamayanang sakahan na tinawag na Catal Huyuk na may populasyong mula 3000- 6000
katao. Matatagpuan ang Catal Huyuk sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Nagsimula rin sa panahong
ito ang pagpapalayok (pottery). Natutunan ng taong gumawa ng mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na
pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia at ito ay ginagamit sa
paggawa ng bahay. Sa panahong ito kapansin-pansin ang pagbabago sa kasangkapan ng tao. Pinakinis ang dating magagaspang
na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-
ahit, pamutol ng buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba. Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga
ng hayop na nasimulan noong Panahong Mesolitiko. Ginamit din itong sasakyan o tagahila ng behikulo katulad ng paragos at
karwahe. Kabayo at baka ang karaniwang ginagamit para rito.

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 4
Learning Module
Araling Panlipunan 8

PANAHON NG METAL
A. Panahon ng Tanso
- Daglian ang kaunlaran ng tao ngunit walang tigil pa ring pinakinabangan ang mga kasangkapang bato.
- Pagdating ng 4000 BCE, nag-umpisa ang paggamit ng kasangkapan na yari sa tanso sa ilang mga pook sa Asia, Europe
at Egypt
- Napahusay ang paglikha at pagyari ng mga kasangkapang mula sa tanso
B. Panahon ng Bronse
- Nadiskubre sa panahonh ito ang panibagong proseso sa pagpapatibay ng bronse bilang kasangkapan na labis na
pinakinabangan ng mga sinaunang tao.
- Para makalikha ng lampas pa sa inaasahang matibay na gamit, ang tanso at lata (tin) ay pinagsama.
- Ang mga nalikhang kasangkapan at sandata na galing sa tanso ay samu’t-sari gaya ng espada, palakol, kutsilyo,
punyal,
martilyo, pana, at sibat.
- Marunong nang makipagpalitan ng produkto ang mga sinaunang tao sa karatig na lugar.
C. Panahon ng Bakal
- Isang grupo ng tao na nakatira sa Kanlurang Asya na kinilala bilang Hittite ang nakadiskubre ng bakal.
- Marunong na silang magpalambot at magpanday ng bakal.
- Ang pagpapalambot at pagpapanday ng bakal ay mahabang panahon nilang itinago at isinekreto.
- Hindi nagtagal, ang pagkasangkapan ng bakal ay kumalat sa iba pang lupain.

BIBLIOGRAPHY/ REFERENCES:
Modyul
Bawalan, Clevekanda. 2019. Mga Yugto Ng Pag-Unlad Ng Kultura Ng Mga Sinaunang
Tao Sa Panahong Prehistoriko. Ebook. 1st ed. Pasig: Department of Education.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16937.
Blando, Rosemarie, Michael Mercado, Mark Alvin Cruz, and Angelo Espiritu. 2013.
Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig.
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS).

Pangalan: __________________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangkat: _________________________________________________________

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 5
Learning Module
Araling Panlipunan 8

GAWAIN 1

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula samga pagpipilian. Titik lamang ng
tamang sagot ang isulat.
____1. Pinakamaagang bahagi ng panahon ng bato kung saan unang ginamit ng hominid ang bato.
A. Paleolitiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Metal Age
_____2. Ang paghahalo sa tanso at lata ay nakagawa ng higit na matigas na bagay. Ano ang tawag sa natuklasang metal na ito?
A. iron B. copper C. bronze D. aluminum
_____3.Ang pagsusulong ng kaalaman at teknolohiya sa mga sinaunang pamayanan ay higit na nagpaunlad ng pamumuhay ng
tao. Alin sa sumusunod ang kapakinabangan nito?
A. Napadadali ang mga gawain ng sinaunang tao. C. Nagbibigay suporta sa espiritwal na pangngailangan.
B. Napararami ang bilang ng tao sa pamayanan D. Pinalalakas ang damdaming makabayan ng bawat mamamayan.
____4. Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa gilid ng ilog Tigris. Ang sumusunod ay
dahilan kaya hindi nagkaroon ng panahon ng ginto MALIBAN sa
A. malambot at hindi maaaring gawing kasangkapan. C. hindi ito magamit nang episyente.
B. mabibili sa mataas na presyo. D. hindi mainam na gawing armas.
____5.Ang paggamit at paggawa ng mga stone tools ay nakatulong sa paghasa ng kaisipan ng sinaunang tao. Anong yugto ng
kasaysayan una itong ginamit?
A. bronze age B. ice age C. paleolitiko D. metal age
____6. Ang sumusunod ay katangian ng Homo sapien MALIBAN sa .
A. nakapag-iisip B. nakapangangatwiran C. pinakamatandang uri ng tao D. higit na malaki ang utak sa lahat ng unang tao
____7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang lipunang neolitiko?
A. Isang pamayanang sakahan C. Isang lipunang pinansyal
B. Ang panahanan ay sa kabundukan D. Umiiral ang militarismo
____8. Ang mga sumusunod ay mga salik na nagpabago sa gawi, asal at pamumuhay ng tao maliban sa
A. Naging mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahan na makalikha ng mga kasangkapan
B. Ang paggamit ng apoy ay nakapagpabago sa pamumuhay ng mga prehistorikong tao
C. Ang paggamit ng wika sa pagpasa ng kaalaman sa iba pang mga tao
D. Pag‐unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod‐estado
____9. Ang Homo hiedelbergensis ang pinaniniwalaang unang gumamit ng wika. Anong yugto ng kasaysayan ang panahon kung
saan HINDI pa gumagamit ngsistema ng panulat ang tao?
A. historic B. jurassic C. pandemic D. prehistoric
____10.Anong imbensyon ng sinaunang tao ang nagpapatunay ng pagkakaroon ng pakikipagkalakalan at paglalakbay?
A. jar B. tablet at stylus C. gulong D. sundial

GAWAIN 2

Punan ang venn diagram gamit ang iyong kaalaman ukol sa kaibahan at pagkatulad ng panahong Neolitko at Paleolitiiko.

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 6
Learning Module
Araling Panlipunan 8

Pamprosesong Tanong
1.) Ano-ano ang mga pagkakatulad at kaibahan ng panahong Neolitiko at Paleolitiko?

2.) Paano nakatulong sa paghubog ng kabihasnan ang mga pag-unlad ng pamumuhay ng sinaunang tao?

GAWAIN 3
Magtala ng limang bagay na ginamit noon at patuloy pa ring ginagamit ngayon. Ibigay angkahalagahan ng bawat isa.
Isulat ito sa sagutang papel.
BAGAY KAHALAGAHAN NOON KAHALAGAHAN NGAYON
1.

2.

3.

4.

5.

Ipaliwanag ang iyong nabuong kongklusyon tungkol sa mga nagawa ng sinaunang tao?
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mini Task 1

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 7
Learning Module
Araling Panlipunan 8

Gumuhit o magsaliksik ng larawan sa internet upang makagawa ng isang collage na naglalaman ng mga kagamitan sa napiling
yugto ng panahong prehistoric. Ang nilikhang collage ay ilalagay sa isang ¼ illustration board. Gagawing batayan ang
rubriks para sa pagmamarka.
Rubriks sa pagmamarka ng collage.
KATANGIAN Katangi-tangi Mahusay Katamtaman Kailangan pa na
4 3 2 dagdag na pagsasanay
1
Makabuluhan at wasto
ang ibinigay na
impormasyon.
Napakahusay ng istilo at
materyales na ginamit.
Napakamasining ng
ginawang collage.
Napakalinis ng paggawa.
Sapat ang detalye
at lubhang malinaw
ang impormasyong
ibinigay.
Maayos ang
pagkakalahad o
pagkakasulat.
Puntos Kahulugan
15-16 Katangi-tangi
11-14 Mahusay
7-10 Katamtaman
4-6 Kailangan pa ng dagdag na pagsasanay

Subject Teacher: __Sheridan D. Dimaano Contact No./ E-mail Address :sheridandimaano186@gmail.com Page 8

You might also like