You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN sa ARALING PANLIPUNAN 5

Unang Markahan (Week 1)

Date Time:

Subject/Grade Araling Panlipunan 5


Level/Section

Content Standard Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at


kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto
ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang
ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.

Performance Standard Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong


kabihasnan ng mga sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa
kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan
at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino

Learning Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas, a.


Competencies Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
(AP5PLP – Ie - 5)

I. Layunin: Sa katapusan ng leksyon ang mag-aaral ay:

1. Nakikilala ang iba’t – ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipino.


2. Nakasusulat ng maikling sanaysay ukol sa teoryang natutunan.

3. Naipagmamalaki ang pinagmulan ng lahing Pilipino.

II. Paksang Aralin: A. Topic: Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa
Pilipinas, a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao)
c. Relihiyon

B. Sanggunian: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 5, Pp. 50 – 55

Module Week 3

C. Kagamitan: Laptop, LCD Projector, PPT Presentation, Worksheets,

Cards, Manila Paper, Marker, at Tape.

D. Estratehiya: Collaborative

E. Integrasyon: ESP (Napahahalagahan ang katotohanan sa


pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1.1. balitang napakinggan 1.2.
patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na programang
pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27)

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain 1. Pagbati


2. Panalangin
3. Pagtala sa mga lumiban
4. Alituntunin sa silid-aralan
5. Balik Aral:
Para mas lalong masuri ang iyong natutunan sa unang aralin, balikan
muna natin ang nakaraang leksyon.

Isulat sa iyong sagutang kwaderno ang konseptong hinihingi sa bawat


bilang.

______1. Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng


Pilipinas.

______2. Teorya tungkol sa unti – unting paggalaw ng mga kalupaan


mula sa isang supercontinent.

_____ 3. Teoryang nagpapaliwanag sa paggalaw ng kalupaan.

______4. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bumubuo sa crust.

______5. Bahagi ng mantle na kung saan may paikot na paggalaw ang


init dahilan upang gumalaw ang kalupaan sa ibabaw nito.

Panuto: Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang


titik ng tamang sagot.
B. Panlinang na mga
1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga:
Gawain
A. Indones

B. Malay

C. Austronesyano

D. Ita

2. Ang pinagmulan ng lahing Pilipino ay __________________.

A. iisa lamang

B. dalawa lamang

C. tatlo lamang

D. marami

3. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng

A. paso

B. paghahabi

C. bagong bato

D. lumang bato

4. Ang mga Pilipino sa panahon ng metal ay ________________.

A. nagtatanim na

B. naghahabi na

C. nangangaso

D. pumipitas ng prutas at gulay

5. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay _________________.


A. nagpayabong ng kulturang Pilipino

B. nag-udyok sa permanenteng paninirahan

C. nagpalaganap ng paggamit ng metal

D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit n gating mga ninuno

Guro: Magpapakita ng Mapa ng Daigdig. Papiliin ng dalawang lugar sa


daigdig na nais nilang puntahan o lipatan sa susunod na panahon kung
mabibigyan ng pagkakataon.
1. Pagganyak
Mga Prosesong Tanong:

1. Ano ang iyong pangunahing dahilan ng pagpili sa lugar na iyong


lilipatan?

2. Bakit mo napili ang mga lugar na ito?

3. Ano-ano kaya ang maaaring maging hamon o balakid sa paninirahan.

4. Ano-ano ang mga bagay na hahanapin mo sa isang lugar upang ikaw


ay manatili at manirahan dito?

3. Bakit kaya maraming pangkat ng mga tao ang naglalakbay at piniling


manirahan sa bagong lugar?

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Pilipino

A. Teorya ng Austronesian Migration

C. Pagtatalakay Ayon sa arkeologong Australian na si Peter Bellwood, ang mga


Austronesian ang ninuno ng mga Pilipino. Aniya, ang mga taong
nagsasalita ng wikang Austronesian ang ninuno ng lahat ng mga tao sa
Timog – Silangang Asya. Paliwanang niya, ang mga Austronesian ay
dumating sa Pilipinas noong 2500 B.C.E mula Taiwan. Sa Timog China
naman aniya ang orihinal na pinagmulan ng pangkat ng taong
ito.Sinasabing naglakbay ang mga ito patungo sa kapuluan ng Pilipnas
gamit ang sasakyang balangay –isang maliit na bangka. Ito ay kinilalang
Teoryang Austronesian Migration. Noong 1500B.C.E, ang ilang pangkat
nito ay patuloy na naglakbay patimog mula sa kapuluan – ang iba
patungong Indonesia at Malaysia, gayundin sa New Guinea, Samoa,
Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar. Naging batayan ni
Bellwood sa kaniyang teorya ang pagkakatulad ng wikang ginamit sa
Timog – Silangang Asya at sa Pacific. Naniniwala naman ang
antropologong Amerikano na si Wilhelm Solheim II na ang mga
Austronesian din ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang
Nusantao Maritime Trading and Communication Network Hypothesis.
Ang nusantao ay hango sa mga salitang Austronesian na nusa at tao na
nangangahulugang “tao mula sa timog”. Batay rito, naniniwala si Solheim
na ang mga Austronesian ay nanggaling naman sa Indonesia at
nagtungo sa Pilipinas mula sa Mindana. Nagpatuloy sila mula sa
Pilipinas patungong hilaga hanggang sa makarating sila sa Timog China.
Ayon kay Solheim, ang pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng
teritoryo ng mga Austronesian noon ay ang pakikipagkalakalan.
Pinaniniwalaang nagmula sa Celebes at Sulu, lumawak ang kanilang
pakikipag – ugnayan na nauwi sa pakikipagkasunduan, kasalan at
migrasyon ng mga tao sa Timog - silangang Asya hanggang sa
makarating sa Pilipinas. Alinman ang totoo sa magkaibang paniniwala
tungkol sa pinagmulan ng mga Austronesian, mas mahalagang malaman
na ang mga ninunong ito ay kinikilalang mga bihasa sa pandaragat at
paglalalayag. Maiuugnay sa mga Austronesian ang imbensyon ng
bangkang may katig na nagpakilala sa mga kakayahan sa sopistikadong
paglalayag.

B. Teorya ng Core Population

Ayon naman sa isang Filipinong antropologo na si Felipe Landa Jocano,


ang mga unang Pilipino ay mula sa isang malaking pangkat ng mga
sinaunang tao sa Timog – silangang Asya. Ito ay batay sa pagkakatulad
ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo Sapiens, sa iba pang
natagpuang labi sa iba’t-ibang parte ng rehiyon ng Timog - silangang
Asya. Ang teoryang ito ni Jocano ay isang reaksiyon sa mas naunang
teorya noon tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino – ang Teorya ng
Wave Migration ni Henry Otley Beyer. Ginamit na batayan ni Jocano sa
kaniyang teorya ang mga nahukay na labi ng tao ng grupong
pinangunahan ng antropologo na si Dr. Robert Fox sa Tabon Cave sa
Lipuun Point sa Palawan noong 1962. Natuklasan sa yungib ang ilang
bahagi ng bungo, paa, at ngipin ng may tatlong magkakaibang tao.
Kinilala ito bilang Tabon Man. Tinatayang nasa 22 0000 hanggang 23
0000 taon na ang nahukay na labi. Kasamang

natagpuan dito ang iba’t ibang uri ng kasangkapang bato na ginamit sa


paghuli ng ibon, paniki, at iba pang maliliit na hayop. Sa patuloy na pag –
aaral at paghahanap ng ebidensiya ng unang Filipino, napatunayang
mayroon pa palang mas naunang taong nanirahan sa Pilipinas kaysa
Tabon Man. Noong 2007, natuklasan ng mga arkeologo sa pangunguna
ni Armand Salvador Mijares sa Callao Cave sa Penablanca, Cagayan
ang isang maliit na bahagi ng buto ng paa ng tao. Isa itong mahalagang
tuklas na nakapagpapatunay na may naninirahan na sa Pilipinas 67 000
na ang nakalilipas, 47 000 taon na mas maaga kaysa Tabon Man – ang
Callao Man.

C. TEORYA NG WAVE MIGRATION

Bago pa ang pagkakaroon ng mga bagong teorya sa pinagmulan ng


lahing Filipino, matagal na panahon ding tinanggap sa pag – aaral ng
mga unang tao sa Pilipinas ang Teorya ng Wave Migration ni Henry
Otley Beyer. Ayon sa Teorya ng Wave Migration, dumating sa Pilipinas
ang pangkat – pangkat na mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Batay rito, naunang nakarating sa Pilipinas ang mga Negrito na naglakad
mula sa Borneo gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong noon sa
Pilipinas at sa Asya. Sinundan sila ng ikalawang pangkat – ang maga
Indones sakay ng mga bangka mula Timog China at Indochina, at ang
pangatlong pangkat na dumating ay ang mga Malay. Pinabulaanan ng
mga antropologo at historyador ang teorya ni Beyer bunsod ng hindi
kasapatan ngebidensiyang makapagpapatunay rito.

D. Paglalahat: Mga Tanong: HOTS

Integrasyon sa ESP

1. Ano ang mga teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga


Sinaunang Pilipino?

2. Paano nagkakaiba ang mga ito?

3. Ano-ano ang mga naging basihan batay sa mga teoryang ito?

4. Bakit mahalagahan ang pagsasaliksik upang malaman ang isang


impormasyon?

E. Pangwakas na
Gawain: 10 Minutes
Pangkatang Gawain: HOTS

Collaborative Activities

Panuto:

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.

2. Ibigay sa bawat pangkat ang isang manila paper na naglalaman

ng isang gawain.

PAGHAMBINGIN: Pumili ng dalawa sa mga teoryang napag-aralan.

Gumawa ng Venn Diagram sa iyong kwaderno na magpapakita ng

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

Pa
Pagkakaiba
Pagkakaiba gk
ak
atu
lad

3. Presentasyon ng bawat grupo. Bigyang pansin ang pagkakaiba at

Pagkakatulad ng bawat kasagutan sa bawat grupo.

Mga Prosesong Tanong:


1. Ano-ano ang teoryang nabuo na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng

lahing Pilipino?

2. Paano ipinaliliwanag ng mga teoryang ito ang pinagmulan ng mga

Filipino?

3. Ano-ano ang patunay na may sinaunang tao nang naninirahan sa

Pilipinas noong unang panahon?

4. Gaano kahalaga para sa mga Filipino ang kaalamang may mga

Sinaunang taong naninirahan sa Pilipinas?

5. Bakit mahalaga maunawaan ang ating pinagmulan?

IV. Pagtataya: A. Panuto: Kilalanin ang sumusunod. Isulat sa sagutang kwaderno ang

tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ayon kay_________________,may tatlong pangkat ng tao na unang


nandayuhan sa Pilipinas batay sa Teorya ng Wave Migration.

2. Si ________ang tinaguriang “Ama ng Antropolohiyang Filipino”.

3. Ayon kay _________,ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa


Taiwan.

4. __________ang tawag sa mga sinaunang taong nandayuhan sa


Pilipinas mula sa Taiwan.

5. Ayon kay_____________,nagmula sa isang malaking pangkat ng tao


sa Timog Silangang Asya ang mga Filipino.

B. Panuto: Isulat ang T sa iyong sagutang kwaderno kung tama ang


ipinahayag ng pangungusap at M kong mali.

______1. Ang mga Negrito ang unang tao sa Pilipinas ayon sa Teorya
ng Core Population.

______2. Si Henry Otley Beyer ang naghain ng Teorya ng Core


Population.

______3. Ang Tabon Man ang pinakaunang tao sa Pilipinas.

______4. Natagpuan ang labi ng Cagayan Man sa tabi ng mga


kasangkapan at labi ng mga hayop 750 000 taong gulang.

______5. Tinatayang kasabay na nabuhay ng Java Man ang Tabon Man.

V. Takdang Aralin: Ang Aking Lahi.

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa iyong papel na nagpapakilala sa


lahing iyong pinagmulan. Ilarawan ang mga katangian ng iyong mga
ninuno na dapat ipagpatuloy na masisilayan ng iyong henerasyon.

VI. Repleksyon:

VII. Remarks:
Prepared by: Orwen T. Emperado

Position: Teacher I

School: Biso Elementary School

Prepared by:
ORWEN T. EMPERADO
Teacher I

Noted by:
DESIREE ANN L. GABLINES
Head Teacher I

You might also like