You are on page 1of 7

Learning Area Araling Panlipunan 5

Learning Delivery Modality Blended Learning Modality

Paaralan Imus Pilot Elem. School Baitang 5


Guro Ma. Irene M. Malinis Asignatura Araling Panlipunan
LESSON
EXEMPLAR Petsa Nobyembre , 2021 Markahan Una W 8
Bilang ng
Oras 5
Araw

I. LAYUNIN 1. Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay


Teorya, Mitolohiya at Relihiyon.
2. Nakasusulat ng maikling tula ukol sa pinagmulan ng unang tao sa
Pilipinas
3.Napapahalagahan ang pinagmulan ng unang tao sa
Pilipinas

A. Pamantayan Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Pangnilalaman - Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng
lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng
lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang
ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas

B. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga


Pagganap sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang
mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng
lahing Pilipino

C.Pinakamahalagan
g Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) *Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
(Kung mayroon, isulat a. Teorya (Austronesyano)
ang b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao)
pinakamahalagang c. Relihiyon
kasanayan sa Week 3 (MELC) Q1
pagkatuto o MELC)

D. Pampaganang
Kasanayan Walang enabling competencies
(Kung mayroon, isulat
ang pamaganang
pangkasanayan)
II. NILALAMAN Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas Batay sa Teorya, Mito
at Relihiyon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga pahina sa
MELC AP G5 Q1 PIVOT BOW R4QUBE, pahina 39
Gabay ng Guro
b. Mga pahina sa
Kagamitang Araling Panlipunan, Kagamitang Pang mag-aaral pp.8-9
Pang-mag-aaral
c. Mga pahina sa Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 52-55
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng Youtube https://youtu.be/Xz652Yd2rsI
Learning
Resource
B. Listahan ng mga powerpoint presentation, video clip mula sa Youtube, larawan na
Kagamitang Panturo nagpapakita ng mga Teorya, Mito at Relihiyon, mga larawan
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pagbabalitaan
Magbigay ng balita ukol sa mga pangyayarti sa mga tao buhat sa ating
lunsod o lalawigan.

Pagtalakay sa mga panuntunan na dapat sundin sa klase at ang tamang


iskedyul ng paggawa ng mga gawaig pagkatuto.

Nababasa ang mga paalaala sa pagsagot sa modyul.

Balikan Natin
1. Ano – ano ang mga batayan ng pinagmulan ng Pilipinas?
2. Ano ang kapani-paniwalang pinagmulan ng Pilipinas ayon sa ating
pinag-aralan?
3. Paano mo nasabi ito?

Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung Tama ang ipinapahayag ng pangungusap at M
kung Mali sa unang patlang ng bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
____1. Ang mga Negrito ang unang tao sa Pilipinas ayon sa teorya ng Core
Population.
____2. Si Henry Otley Beyer ang naghain ng Teorya ng Core Population.
____3. Pinagbatayan ni Bellwood ang pagkakatulad ng mga pisikal na
katangian ng mga tao sa Timog- Silangang Asya sa kaniyang Teorya ng
Austronesian Migration.
____4. Pinakatanggap na teorya sa pinagmulan ng mga Filipino ang Teorya
ng Wave Migration Theory ni Beyer
____5. Ang Tabon Man ang pinakaunang tao sa Pilipinas.
____6. Tinatayang kasabay na nabuhay ng Java Man ang Tabon Man.
____7. Ayon sa Teorya ng Core Population, nagmula ang mga unang
Pilipino sa isang malaking pangkat ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
____8. Pinagbatayan ni Bellwood ang pagkakatulad ng mga pisikal na
katangian ng mga tao sa Timog Silangang Asya sa kanyang Teorya ng
Astronesian Migration.
____9. Natagpuan ang labi ng Tabon Man sa Callao Cave sa Cagayan.
____10. Ang Antropolohiya ay ang pag- aaral ng pinagmulan, kaasalan, at
ng pisikal na panlipunan at kultural na pag -unlad ng tao.
Kung nasagutan mo na ang Panimulang Pagtataya ay magpapatuloy tayo
sa ating aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang isinasaad sa bawat


pangungusap sa pamamagitan ng pagbuo ng mga letra. Isulat ang sagot sa
patlang.
__________1. MTBAAONN- unang tao na nakarating sa bansa ayon kay
Felipe Landa Jocano.
__________2. TYAARSNNOOUES- teorya na pinagbatayan ang wikang
ginamit.
__________3. YPYMG- tawag sa mga Negrito dahil sila ay maliliit na tao.
__________4. DNNSOIE- dalawang pangkat ng tao na dumating sa
Pilipinas na magkaiba ang lahi.
__________5. MMASIION- naging relihiyon ng nmga unang pangkat ng
tao.
Ating talakayin ang iyong mga sagot.

B. Pagpapaunlad
Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

May iba’t ibang teorya na sinasabi ang mga siyentipiko na pinagmulan ng


unang pangkat ng tao sa Pilipinas. May Teorya ng Core Population kung
saan sinasabi ni Felipe Landa Jocano na nagmula sila sa Timog-silangang
Asya batay sa pagkakatulad ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo
sapiens sapiens, at iba pa. Ngunit ayon sa pag-aaral may mas nauna pang
nanirahan dito at ito ay ang Callao Man.Sa Teorya ng Wave Migration
sinasabi naman ni Henry Otley Beyer na dumating sa bansa ang pangkat-
pangkat na mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Naglakad sila mula
sa Borneo gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong sa Pilipinas at sa Asya.

1. Teorya ng Austronesyano
Isa sa teorya na nabuo ng mga arkeologo ay ang Teorya ng
Austronesyano na sinasabing nagmula sa Timog China. Ayon sa
pag-aaral, maaaring dumating sila sa ating bansa at nanatili dito
hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan. Sila ay nakasakay
daw sa isang balangay upang makarating dito.Ayon kay Peter
Bellwood, isang arkeologong Australian, ang mga Austronesian daw
ang ninuno ng mga Filipino. Dumating sila sa Pilipinas mula sa
Taiwan noong 2500 B.C.E. ngunit orihinal na nagmula sa Timog
China. Naglakbay ang ilang pangkat patimog mula sa kapuluan ng
Indonesia, Malaysia, New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island
hanggang Madagascar.Ang pagkakatulad ng wikang ginamit, kultura,
at pisikal na katangian sa Timog-silangang Asya at sa Pasipiko ang
naging batayan ni Bellwood. Si Wilhelm Solheim II, isang
antropologong Amerikano, ay naniniwalang ang mga Austronesyan di
ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Maritime
Trading and Communication Network Hypothesis. Ang nusantao ay
mula sa salitang Austronesyan na nusa at tao na ang ibig sabihin ay
tao mula sa timog. Sinasabi pa niya na ang pakikipagkalakalan ang
pangunahing dahilan ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo. Mula sa
Celebes at Sulu lumawak ang kanilang pakikipag-ugnayan hanggang
sa nagkaroon ng pakikipagkasunduan, kasalan, at migrasyon ng mga
tao sa Timog-silangang Asya hanggang sa makarating sa Pilipinas.

2. Mitolohiya (Luzon. Visayas at Mindanao)


Sinasabing ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ay nagmula sa Timog
-silangang Asya at pinaniniwalaang naglakbay sila hanggang
makarating sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng
paglalakbay at paglalayag kaya sila nakarating ditto. Ilan sa mga ito
ay ang mga Negrito na tinawag nilang Pygmy o maliliit na tao.
Matatagpuan sila sa bahagi ng Luzon, Panay at ilang pulo sa
Mindanao. Kabilang sa kanila ang mga Aeta o Ita. Ayon sa pag-aaral
ang sumunod na dumating sa bansa ay ang mga Unang Indones na
nagmula din sa Timog-silangang Asya. Kung ihahambing sila sa
Negrito mas makabago ang kanilang kalinangan dahil marunong
silang pumana, mangisda, magkaingin at magluto ng pagkain. Sila ay
pinaniniwalaang ninuno ng Ilongo sa Sierra Madre at Caraballo. Ang
Ikalawang Indones ay nagmula naman sa Indo-Tsina at Gitnang
Asya. Pinaniniwalaang ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng
Banawe ay ang mga Indones. Ang mga ninuno sa Visayas, Bicol,
Pampanga, Pangasinan at Banawe ay sinasabing ang mga Malay na
tawag sa mga pangkat etnikong Austronesyano.
3. Relihiyon
Ang relihiyon ng mga katutubo ay tumutukoy sa hindi organisadong
mga pagsasanay. Tinatawag nila itong paganismo, animismo, at
sumasamba ang mga ninuno. Wala silang kinabibilangang relihiyon
sa Pilipinas. Ang animismo ang naging relihiyon ng mga unang
pangkat ng tao. Naniniwala sila sa mga espiritu, mga diwata, at iba
pa. May mga Diyos silang sinasamba gaya ni Bathala. Nagsasanay
sila sa pagsamba sa mga anito. Ang anito ay isang diyos na
pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino. Nagpupugay sila sa mga
anito sa pagbibigay ng alay tulad ng mg ani, hayop at iba pa. Ang
kanilang paniniwala ay kinabibilangan din ng mga pamahiin,
mangkukulam, aswang, dwende at iba pa. Sila ay naniniwala din sa
kapangyarihan ng anting-anting upang maligtas sa kapahamakan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Isulat kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
_________1. Arkeologong Australian na nagsasabing ang
Austronesyan ang ninuno ng mga Filipino.
_________2. Antropologong Amerikano na naniniwalang nagmula sa
Indonesia at nagtungo sa Pilipinas mula sa Mindanao.
_________3. Naniniwala sa Teoryang Wave Migration.
_________4. Pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas na mas
mahusay ang kalinangan dahil marunong silang mangisda,
magkaingin at magluto.
_________5. Naniniwala sa Teoryang Core Population

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Paano nakarating ang mga unang pangkat ng tao sa Pilipinas?
2. Magkapareho bang paniniwala si Bellwood at Solheim? Saan sila
nagkapareho? 3. Bakit nasabi ni Bellwood na ang mga
Austronesyano ang unang nakarating sa Pilipinas?
4. Kung pag-uusapan ang pamumuhay ng mga unang tao paano sila
nabuhay sa pagdating nila dito sa Pilipinas?
C. Pakikipagpalihan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong kung paano mo
maipagmamalaki ang iyong pinagmulan o ang kasaysayan ng inyong lahi

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Gumuhit ng mapa ng Pilipinas at ilagay kung saang lugar sa Pilipinas
nanirahan ang mga unang tao. Maaring gumamit ng larawan o kaya ay
isulat lamang ang pangalan.
D. Paglalapat

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Saan daw nakasakay ang mga Austronesyan nang dumating sa bansa?
A. Bangka B. balangay C. galyon D. barko
2. Ayon sa pag-aaral sino daw ang mas naunang nanirahan dito bago ang
Tabon Man?
A. Callao Man B. Java Man C. Negrito D. Indones
3. Ano ang ginamit ng mga pangkat ng tao mula sa Borneo upang
makarating dito?
A. bangka B. tulay na lupa C. sasakyan D. dagat
4. Kailan daw dumating sa Pilipinas mula sa Taiwan ang mga unang tao?
A. 250 B.C. B. 25000 B.C. C. 2500 D.C. D. 2500 B.C.
5. Naglakbay ang ilang pangkat Austronesyan patimog maliban saang
lugar?
A. Indonesia B. Malaysia C. Siberia D. Madagascar

V. PAGNINILAY
Isulat ang iyong sagot sa pagninilay sa isang short typewriting.
Batay sa ating aralin, sumulat ng makling talata. 3-5 pangungusap.

Aking natutunan na _____________________________________________


_____________________________________________________________

Inihanda ni:
MA. IRENE M. MALINIS
Guro III

Binigyang pansin:
CELINA S. DE LEON
Dalub Guro II

Pinagtibay:

CRISTINA M. BEN, PhD


Punongguro IV

You might also like