You are on page 1of 14

Control No.

____________

SLK FOR FILIPINO 5

QUARTER 3 WEEK 3

I. Pauna

Kompetensi a. Nakapag-uulat tungkol sa napanood (F5PD-IIIb-


g-15)
b. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood
na maikling kwento (F5PD-IIIc-i-16)
Layunin 1. Natutukoy ang mga tauhan,tagpuan sa
napanood na maikling kwento
2. Nakapag-uulat/nakapagpapahayag tungkol sa
napanood
3. Napapahalagahan ang mga mabuting aral sa
napanood na maikling kuwento
Paksa/Aralin Nakapag-uulat tungkol sa napanood at nasusuri ang
mga tauhan, tagpuan sa maikling kuwento
Kagamitan Bondpaper, lapis,krayola,celpon

Aklat Sinagtala 6

Total Points 40

Petsa Marso 15-19 , 2021

II. Mapa ng Konsepto


Nakapag-uulat o nakakasagot
sa mga tanong
Maikling
Kwento Nasusuri ang mga
tauhan

tagpuan

Page 1 of 14
III. Mga Nilalaman

http://bit.ly/3pKORnu

“ Inay, kakain ako ng maaga mamaya, kasi manonood ako ng aking paboritong
programa. Matatapos kasi ito ngayong gabi.” Sabi ni Lito.
“Bakit ba anak, maganda ba talaga iyang panonoorin mo ? tanong ng Nanay.
“Ah , basta magsasaing ako ng maaga.
Lumipas ang tatlong oras.
Ay! Kay ganda ng ending ng “Nathaniel”.
Ganoon ba anak? Sige nga e kuwento mo anak.
Ok, inay ganito ho iyon , …
Si Nathaniel ay isang batang anak ng mag-asawang Paul at Rachel Laxamana.
Bata palang si Nathaniel ay nasangkot na ito sa isang aksidente dahilan ng
pagkamatay nito. Dahil namatay siyang inosente naging isang anghel siya nang
nakarating na siya sa langit. Bilin sa itaas kay Nathaniel na pwede na siyang
makabalik sa lupa kapag nasa pitong taong gulang na siya para gampanan ang
isang misyon. Ang misyon niya ay tutulungan ang mga taong maibalik ang kanilang
pananampalataya at para paalalahanan din sila na dapat maging mabuti sila sa
kapwa tao nila. At mga bagay na nakalimutan na nilang gampanan at gawin.
Nang nakabalik na sa lupa si Nathaniel siya’y naging parte na ng pamilyang
Bartolome na nakatira sa Bayan ng Laging Saklolo. Sila Abner, Beth, Dimas, Hannah at
Abi ang mga kasapi ng pamilyang ito na humubog at nagturo kay Nathaniel sa mga
nararapat na matutuhan ng isang batang may takot sa Diyos. Habang nasa lupa si
Nathaniel, marami siyang natulungang mga tao kabilang ang kanyang tunay na ina na si
Rachel nahiwalay na ngayon sa kanyang tunay na ama na si Paul.

Page 2 of 14
Napag-alaman ni Nathaniel habang ginampanan niya ang misyong naatas sa kanya na ang
kanyang tunay na ama na si Paul at ang kanyang lola na si AVL ang mga dahilan kung bakit
nakalimutan ng mga taga Bayan ng Laging Saklolo ang mga magagandang ugali nito.
Ginawa ni Nathaniel ang lahat para mapigilan ang mga plano ng kanyang ama at ng kanyang
lola na magkalat pa ng kasamaan sa kanilang bayan. Ngunit, habang nagpaplano si Nathaniel sa
mga nararapat na gawin niya para mapigilian ang mga ito, isang alagad ng masama na tinaguriang
Tagasundo ang lumitaw upang mas lalong pasamain ang mga tao at hikayatin ang mga itong gawin
ang mga masasamang gawain.
Hindi natinag si Nathaniel kay Tagasundo bagkus ay mas lalo niyang ginalingan ang pagbuo
ng kanyang misyon. Ang labanan nina Nathaniel at Tagasundo ay talagang napakasidhi ngunit sa
huli, natalo si Tagasundo. Totoong magwawagi talaga ang kabutihan laban sa kasamaan.
Nanumbalik ang kabutihan ng mga tao sa Bayan ng Laging Saklolo. Nabago rin ang ugali ng
kanyang amang si Paul at ang lolang si AVL.

Naku , napakaganda pala ng kuwento na “Nathaniel”, saying at hindi ko nasundan at napakagaling


mong mag-salaysay nito.

Tanong :
1. Nagustohan mo ba ang kwentong Nathaniel? Oo
2. Mabuti bang magkwento si Lito ? Oo
3. Ikaw ba ay marunong din magkwento sa napanood mong maikling kwento ? Oo

Ang Pelikula o Teleserye


Pelikula – Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.

- Ito rin ay isang anyo ng sining at tanyag na anyo ng mga libangan at


negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong
tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera.

- Ito rin ay gumagamit ng sariling wika.


Mga Elemento ng Maikling Pelikula o Teleserye
1. Tauhan – Ang mga gumaganap at mga nagpapagalaw sa pelikula
2. Tagpuan – dito makikita kung saan at kailan nangyari ang mga insidente sa pelikula.
Halimbawa : sa bahay , kalsada ,carnival
3. Tema – Ito ay paksa ng maikling pelikula o teleserye

Mga Uri

✓ Komedya- pelikula na kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad


ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang
namumutawi sa kanyang bibig.
Page 3 of 14
✓ Musikal - pelikula na kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-
awitan. Ang isang musikal na pelikula ay kakitaan ng mga tunog at indak ng musika.
✓ Adventure (Pakikipagsapalaran)- pelikula kung saan ang kuwento ay
nagaganap sa iba’t ibang lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na
pagkakarehistro ng nangyari sa kuwento ng pelikula
✓ Aksyon - pelikula na kung saan ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa
sunod-sunod na mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na
pakikipagtunggali at mga masasalimuot na paglalabanan.
✓ Pantalambuhay- pelikula na kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay
na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata sa kanilang
buhay.
✓ Krimen - pelikula ng kung saan nakapokus sa buhay ng mga kriminal
na umiinog mula sa tunay na buhay ng mga kriminal hanggang
sa mga nilikhang karakter na may napakasamang katauhan.
✓ Drama - pelikula na kung saan nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga
realistikong karakter na tumatalakay sa mga temang emosyonal, gaya ng
pagkalango sa alak, pagtataksil, diskriminasyon, kahirapan, karahasan.
✓ Pantasya - pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga
kakaibang pangyayari o mga kakaibang nilalang.
✓ Horror - pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa
mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Karaniwang ginugulat
at pinanginginig ng pelikulang ito ang mga manonood.

IV. Unang Gawain (Kompetensi 1 at 2)

Panuto : Balikan ang kuwentong “Nathaniel” sagutin ang mga katanungan


ayon pagsasalaysay . Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang batang namatay sa aksidente?


A. Nathan C. Athaniel
B. Thaniel D. Nathaniel

2. Sino-sino ang mga magulang ng batang naaksidente?


A. Paul at AVL C. Rex at Rachel
B. Paul at Rachel D. Tobi at Rachel

3. Ano ang tawag sa bayang pinagmulan ng bata?


A. Bayan ng Laging Saklo C. Bayan ng Laging Saklolo
B. Lugar ng Laging Saklolo D. Bayang Walang Sasaklolo

Page 4 of 14
4. Sa anong taon pupwede nang makabalik ang bata sa lupa?
A. lima C. pito
B. anim D. siyam

5. Bakit napunta sa langit ang bata?


A. dahil namatay ito
B. sapagkat namatay itong inosente
C. sumumpa ang mga magulang ng bata sa Diyos
D. hiningi ng mga magulang ng bata na mapunta siya sa langit

6. Sa anong dahilan pinabalik ang bata sa lupa?


A. para mabigyang hustisya ang kanyang kamatayan
B. upang maisakatuparan niya ang kanyang pangarap
C. sa kadahilanang kailangan niyang gawin ang misyon niya
D. kailangan niyang gawing alipin ang mga totoong magulang

7. Ano kaya sa palagay mo ang tema ng pelikulang nabasa?


A. Drama C. Komedya
B. Karahasan D. Adventure

8. Bakit kaya mahalaga ang paggawa nang mabubuti kaysa masasama?


A. para lumigaya ang Diyos
B. upang hindi maparusahan
C. sapagkat utos ito ng gobyerno
D. kailangan niyang gawing alipin ang mga totoong magulang

9. Sa tingin mo, anong kaisipan ang ipinahiwatig sa binasang maikling pelikula?


A. maging matapat C. paggawa ng mabubuting bagay
B. pagiging maagap D. pag-iwas sa paggawa ng mabuti

10. Kung ikaw ang batang si Nathaniel, pipiliin mo rin bang maging mabuti sa kabila ng
mga pagsubok na iyong haharapin? Bakit?
A. Oo, upang maisakatuparan ang misyon.
B. Hindi, dahil mahirap ang magkaroon ng mga pagsubok.
C. Oo, para lumigaya ang Diyos at masunod ko ang nais niya.
D. Hindi, kasi ayokong mahirapan ako mabuti ng walang responsibilidad.

Page 5 of 14
Ikalawang Gawain ( Kompetensi 1)

Panuto : Basahin ang maikling pelikulang “Magnifico”

http://bit.ly/3pLkWLU

Sa isang pamayanan sa Maynila, mayroon isang espesyal na batang lalaki na


nakapagbabago ng kahit sinong kanyang na salamuha. Kilala siya bilang si Magnifico, Ikoy ang
kanyang palayaw, anak ng isang mahirap na pamilya. Samu’t saring raket ang pinasukan ng
kanyang ama para may maitustos sa pang-araw-araw nila habang abala naman ang kanyang ina
sa pag-alaga ng kanyang kapatid na may cerebral palsy at sakiting manugang na diabetic at may
cancer na nakatira sa itaas ng kanilang bahay. Isang palangiti at positibong bata si Magnifico
kahit paman madaming problema ang kanilang pamilya. Kadalasa’y napapalo siya ng kanyang
ama sapagkat hindi maunawaan ng kanyang ama ang pagiging wais at positibo nitong ugali.

Abalang-abala si Magnifico sa mga taong nangangailangan ng kanyang positibong ugali


na punong-puno ng pangarap, determinasyon at pagmamahal. Talagang marami siyang
natulungan isa na roon ang isang lalaking nahihirapan sa pagkamatay ng kanyang ina pati na rin
ang dalawang may-ari ng shop na nag-aaway at maging ang kanyang kuya na nagkagusto sa
isang mayamang dalaga. Natulungan din niya ang kanyang kapatid na babae na gustong makita
ang mukha sa labas ng bahay at masilayan ang paligid ngunit hindi makalakad dahil sa dinadala
nitong kondisyon at ang kanyang lola na pinoproblema ang kanilang pamilya na walang-wala at
hindi makabigay sa kanyang ng maayos na libingan kapag mamatay na siya. Kinaya ni Magnifico
na tumulong sa mga iyon kahit pa man sa kanyang murang edad.

Hindi alintana ni Magnifico ang hirap sa pagtulong. Nagawan niya ng paraan ang mga
problemang nabanggit. Naging tagaayos siya sa away ng dalawang may-ari ng shop at naging
tulay sa pag-iibigan ng kanyang kuya at ng babaeng gusto nito. Nakahiram din siya ng wheelchair
para sa kanyang kapatid para makapunta ito sa carnival at nakagawa ng ataol para sa kanyang
lola kung saka-sakaling mamatay na sa sakit na dala-dala nito.

Page 6 of 14
Hindi kailanman inisip ni Magnifico ang sariling kaligayahan kung hindi ang mga
maitulong niya sa ibang tao lalo na’t kung kabilang sa kanilang pamilya. Naging maligayang-
maligaya siya lalo pa’t unti-unting natupad niya ang mga kahilingan ng mga mahal niya sa
buhay.

Isang hapon nang tumawid si Magnifico sa kalsada ay biglang nasagasaan siya ng


humaharurot na sasakyan dahilan ng kanyang kamatayan. Sobrang nasaktan ang pamilya
ni Magnifico sa pagkawala niya lalo ang kanyang ama na si Gerry at ina na si Edna pati na
rin ang kanyang Lola Magda. Inilagay si Magnifico sa ataol na ginawa niya para sana sa
kanyang lola. Lahat ng mga kakilala ni Magnifico, mga kaibigan at mga natulungan niya ay
nagsidatingan at matinding nakidalamhati sa pagkawala niya.

Panuto : Sagutin ang mga tanong sa paraan ng pag-uulat sa pamagitan


ng isang video at ipasa ito sa Group Chat o sa inyong adviser (guro).

(10 puntos)

Mga Tanong:

1. Sino-sino ang tauhan sa pelikulang nabasa?

2. Saan-saang mga lugar ang pinagdausan ng mga pangyayari sa pelikula?

3. Ano kaya ang tema ng pelikulang nabasa?

4. Matukoy mo ba ang mensahe ng pelikulang nabasa?

5. May napulot ka bang aral sa pelikula?Ano ito?

Page 7 of 14
V.Ebalwasyon/Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang pelikulang “ A Mother’s Story” sa ibaba at


sagutin ang mga katanungan pagkatapos.

http://bit.ly/3pKpQ
cb

Si Medy ay isang ina na nagtatrabaho bilang isang makeup artist para may maitaguyod sa
kanyang pamilya. Kasama niya ang kanyang walang trabahong asawa na si Gerry at mga anak na
sina King at Queenie Santos. Walang humpay ang pagtatrabaho ni Medy bilang isang makeup artist
kahit kasisilang lang niya sa bunsong anak na si Queenie. Regular siyang tagaayos ng sikat na
concert star kaya siya ang napili nito na maging personal na makeup artist sa concert tour nito sa
US (United States).
Habang nasa Amerika na si Medy ay nakita niya ang kanyang kaklase roon na si Helen na
siyang nagkumbinsi kay Medy na magtrabaho roon at maging isang iligal na dayuhan sa bansa para
maiahon ang pamilya sa Pilipinas sa kahirapan.
Sinunod ni Medy ang payo ng kaibigang si Helen sa kagustuhan din nitong matulungan ang
pamilya. Sa Amerika nagtatrabaho si Medy bilang isang operator sa isang studio na pambata, dahil
masipag at magaling si Medy sa kanyang trabaho ay agad siyang naging bihasa rito dahilan na
naging paborito siya ng isa sa mga bata roon na si Cherry.
Sa kabilang dako, napag-alaman ni Medy na ang bunsong anak na si Queenie ay nagkasakit
ngunit hindi naging sapat ang perang naipon niya para sa mga kinakailangang gamot ng anak. Dahil
gusto ng ina na mabigyan ng nararapat na lunas ang anak, sinunod niya ang utos ng kaibigan na
magtrabaho bilang isang stay-in na katulong sa mag-asawang abogado.
Bilang katulong, tiniis ni Medy ang sobrang hirap pati na ang pisikal at berbal na pang-
aabuso ng mag-asawang abogado sa kanya. Kinuha pa ng kanyang mga walang pusong amo ang
kanyang pasaporte para hindi siya makatakas at makauwi sa Pinas. Tiniis ni Medy ang lahat para
lang maisakatuparan ang kanyang rason sa pamamalagi roon sa Amerika, ang mabigyan ng
maayos na buhay ang kanyang pamilya

Page 8 of 14
Ang kahirapang dinanas ni Medy ay nalaman ni Cherry, isa sa mga bata sa studio na
pinagtrabahuan niya dati na siya palang anak ng walang pusong mag-asawang abogado. Si
Helen na kanyang kaibigan ang inaasahan niya magpadala muna ng kanyang kita sa pamilya
niya sa Pinas habang nasa kumplikadong sitwayon siya.
Inaabot ng pitong taon bago tuluyang iniwan ni Medy ang mapag-abusong mga amo.
Mabuti na lang at naawa ang anak ng mag-asawang abogado sa kanya at tinulungan siya
nitong makuha muli ang pasaporte niya mula sa magulang. Humingi rin ng payo si Medy kay
Atty. Michael Gurfinkel sa ginawa ng kanyang mga amo sa kanya. Ayon sa abogado, mataas
ang porsyento ng pagkapanalo niya sa kaso sapagkat mataas ang ebidensyang hawak niya
laban sa mga amo. Nagawa ring harapin ni Medy ang kaibigang si Helen ng malaman niyang
walang pera o tulong pinansyal ang napadala sa kanyang pamilya noong naghihirap siya sa
Amerika. Akala niya’y naibigay ang nararapat na halaga sa pamilya ngunit hindi pala.
Nakauwi sa Pinas si Medy pagkatapos ng dagok na kanyang pinagdaanan. Nalaman
niyang may ibang babae na ang kanyang asawa at iniwan ang kanyang mga anak sa nanay
niyang si Aling Choleng. Masayang-masaya si Queenie na makita siyang muli ngunit
kasalungat ang naging reaskyon ng panganay na si King. Hindi maunawaan ni King kung bakit
kailangan silang iwan ng ina na naghihirap kasama ang amang walang silbi.
Kinalaunan, nagsampa ng annulment si Medy sa asawa upang tuluyang mawalan ng
bisa ang kasal niya rito. Nabigyan din siya ng pagkakataong maisalaysay sa mga anak at
nanay ang hirap na dinanas niya sa Amerika kaya naunawaan siya ng mga ito at nanghingi ng
paumanhin ang anak na lalaki sa ginawa nito sa kanya. Tumawag din ang abogado mula sa
Amerika na si Atty. Gurfinkel sabing nanalo siya sa kaso laban sa mapag-abusong mga amo
at makukuha niya ang kanyang sahod at dagdag na halaga para sa ginawang abuso ng mga
amo sa kanya. Nabuhayan si Medy sa mga sunod-sunod na magagandang balita sa kanya at
unti-unting bumangon upang magsimula ng bagong buhay kasama ang nanay at mga anak
nito. Masayang-masaya silang sumalubong sa pasko kasabay ng pagbunyag ng anak nitong
si King na gusto rin nitong makipagsapalaran sa ibang bansa gaya ng ginawang sakripisyo ng
ina nito sa kanila. Dasal ni Medy ang mabuting kapalaran ng anak sa ibang bansa.

1. Sino ang inang nagpunta sa Amerika?


Ledy B. Melie C. Medy D. Teddy
2. Sino-sino ang anak ng inang nagpunta sa Amerika?
A. King at Rachel C. King at Queeny
B. King at Quenie D. King at Queenie
3. Ano ang unang naging trabaho ng ina sa pelikula?
A. katulong C. dance instructor
B.makeup artist D. tagagawa ng tinapay
4. Ilang taon ang tiniis ng ina sa Amerika bago nakauwi sa Pilipinas?
lima B. anim C. pito D. siyam
5. Bakit siya nakapunta sa Amerika?
A. sapagkat tinawagan siya ni Helen
B. tumakas siya sa walang silbing asawa
C.pinapunta siya ng among mga abogado
D.dahil siya ang napiling makeup artist sa isang concert tour
Page 9 of 14
6. Sa anong dahilan naging katulong siya ng mag-asawang abogado?
A. upang matustusan ang may sakit na anak
B. para mabigyang kaligayan ang anak ng amo
C. kailangan niyang magkaroon ng maraming raket
D. sa kadahilanang kailangan niyang gawin ang sabi ng kaibigan
7. Ano kaya sa palagay mo ang tema ng pelikulang nabasa?
Drama B. Adventure C. Horror D. Comedy
8.Bakit kaya humingi ng tawad si King sa kanyang ina?
A. kasi halos mapatay niya ang ina
B. upang hindi maparusahan ng kanyang lola
C. kailangan niyang kunin ang kalooban ng ina
D. sapagkat nahusgahan niya ang ina ng hindi inalam ang dahilan
9. Kung ikaw ang anak na si King, magagalit ka rin ba sa iyong ina sa nangyari?Bakit?
A. Oo, dahil iniwan niya kami basta-basta.
B. Hindi, dahil naghihirap ang inay para matustusan kami.
C. Marahil, sapagkat mahirap ang maiwan sa hindi kakilala.
D. Pupwede, depende lng sa ibibigay na pera sa akin ng nanay
10. Sa tingin mo, anong kaisipan ang ipinahiwatig sa binasang maikling pelikula?
A. pagiging wais
B. pag-iwas sa paggawa ng mabuti
C. pagsakripisyo at pagiging responsable
D. paggawa ng masama paminsan-minsan

VI. Karagdagang Babasahin

Panuto : Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Paru-paro
http://bit.ly/3oTnZjZ

Kabilang ang paruparo sa pinakamagagandang kulisap sa buong daigdig. Mahaba at


mahagway ang katawan nito na may dalawang pares na pakpak. May ilang paraan ng
pagkakakilanlan ang isang mangangaso sa pagkakaiba ng paruparo at mariposa. Ang mga
sungot ng isang paruparo ay maninipis at may bilog sa dulo, samantalang mabalahibo naman
ang mga sungot ng mariposa. Sa araw kung lumipad ang paruparo at kung nakadapo ito,
nakatiklop ang dalawang pakpak nito tulad ng isang eroplano.
Nangingitlog ang babaing paruparo sa mga halaman na nagsisilbing pagkain para sa mga
batang paruparo. Nagkakaroon ng isang ganap na pagbabago ang paruparo mula sa pagiging
itlog hanggang sa maging ganap na paruparo. Marami sa mga paruparo ang nangingitlog
minsan lamang sa isang taon.

Page 10 of 14
1. Ano ang paruparo?
A.Isang hayop
B.isang karaniwang kulisap
C.isa sa pinakamagandang kulisap sa daigdig

2. Paano ilalarawan ang katawan nito?


A. mataba at mahaba
B. matipuno at Malaki
C. mahaba at mahagway
3. Alin ang nakabuka ang pakpak kung nakadapo?
A.paruparo B. mariposa C. tutubi

4. Ano ang isang paraan na pagkakakilanlan sa pagkakaiba ng paruparo sa


mariposa ?
A. manipis ang mga sungot ng mariposa
B . may mga bilog sa dulo ng mga sungot ng paruparo
C . mabalahibo ang mga sungot ng paruparo

5 . Kailan lumilipad ang paruparo?


A . kung araw B. kung gabi C. kung tanghali
6 . Alin ang lumilipad kung gabi ?
A . paruparo B. mariposa C. tutubi
7 . Alin ang nakatiklop ang pakpak kapag nakadapo?
A . paruparo B. mariposa C. tutubi
8. Kaninong pakpak ang nakabukang tila eropalno kung nakadapo?
A. paruparo B. mariposa C. tutubi
9. Saan nangingitlog ang babaeng paruparo?
A. sa halaman B. sa tubig C. sa pugad
10. Paanong nagkakaroon ng paruparo?
A. nagsimula ito sa pagiging mariposa
B. paruparo agad ito pagkapanganak
C. nagsimula ito sa pagiging itlog

Page 11 of 14
C 10.
Susi ng Pagwawasto A 9.
B 8.
10.A B 5.
A 7.
9.C C 4.
B 6.
8.A C 3.
A 5.
7. A B 2.
B 4.
6. C D 1.
B 3.
Gawain 1 C 2.
C 1.

Babasahin
Karagdangan

Sanggunian
Marasigan, Emily V. , Alma M. Dayag. Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2018.

https://en.wikipedia.org/wiki/Nathaniel_(TV_series)

https://en.wikipedia.org/wiki/Magnifico_(film)

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula

https://danrogayan.wordpress.com/2012/10/07/mga-genre-ng-pelikula-filipino-
iii/

https://en.wikipedia.org/wiki/A_Mother%27s_Story

Dr. Laisa Gonzales

Inihanda ni :

Dr. Beth C. Cabano - Jaclupan Elementary School

09338196262

Page 12 of 14
SLK FOR FILIPINO 5

QUARTER 3 WEEK 3

Pangalan : _________________________________________________

Baitang at seksyon : ______________________ Contact no. ____________________

Guro : ________________________________________

SAGUTANG PAPEL

GAWAIN 1 EBALWASYON
1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8.
4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10.

KARAGDAGANG BABASAHIN

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Page 13 of 14
SLK FOR FILIPINO 5

QUARTER 3 WEEK 3

Pangalan : _____________________________________________________

Baitang at seksyon : ________________________ Contact no. ___________________

Guro : ___________________________________________

MGA PUNA O PIDBAK

MAG-AARAL

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

MAGULANG

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Page 14 of 14

You might also like