You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
Schools Division Office of Cotabato City
Cotabato City District I
COTABATO CITY CENTRAL PILOT SCHOOL
Cotabato City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at
ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.

B. Pamantayan sa Pagaganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng Lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng
pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)


Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas a. Teorya
(Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
AP5PLP- Ie-5
II. NILALAMAN
Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas
1. Teorya
Teoryang Austronesyano
2. Mitolohiya
Si Malakas at si Maganda
3. Panrelihiyon
Sina Adan at Eba
A. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
Pilipinas Bilang Isang Bansa p. 50-59
3. Mga pahina sa Teksbuk
Pilipinas Bilang Isang Bansa p. 50-59
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Tv, tsart, mga larawan, manila paper, Powerpoint Presentation, mga piraso ng papel

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.

Basahin ang bawat pahayag. Pumalakpak ng tatlong beses kung ito’y nagsasaad ng katotohanan
at tatlong padyak naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.

1. Tinatawag na Pangaea ang malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon
na ang nakalilipas.
2. Gamit ang mga tulay na lupa, narating ng mga unang tao ang bansang Pilipinas.
3. Ang Teoryang Ebolusyon ay nagpapaliwanag na nabuo ang mga kalupaan ng
Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
4. Ayon sa mitolohiya, nabuo ang pilipinas mula sa mga putik na ibinato ng isang higante sa isang
malawak na karagatan nang ito ay biglang magising sa mahimbing na pagkakatulog.
5. Ginawa ang daigdig kasama ang bansang Pilipinas ng isang makapangyarihang
Diyos.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Panimula
1.Pagbasa ng isang liham ng isang mag-aaral tungkol sa kanyang katanungan ukol sa
pinagmulan ng lahing Pilipino.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pagtalakay sa Paksang Aralin: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Tatlong paliwang sa pinagmulan ng lahing Pilipino.


1. Teorya
Teoryang Austronesyano
2. Mitolohiya
Si Malakas at si Maganda
3. Panrelihiyon
Adan at Eba

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Magsagawa ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang mga paliwanag ukol sa pinagmulan ng mga unang pangkat ng tao sa
Pilipinas?
2. Ano ang paliwanag Teoryang Austronesyano tungkol sa unang tao sa Pilipinas?
3. Ano ang paliwanag ng mitolohiyang Si Malakas at si Maganda.
4. Ano naman ang paliwanag ng relihiyon tungkol sa pinagmulang ng lahing Pilipino?
5. Sa tatlong paliwanag alin sa mga ito ang iyong pinaniniwalaan?

E. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)


Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain.
1.Pag uulat ng bawat pangkat.
2.Bigyan ng karagdagang impormasyon ang mga bata kung kinakailangan, mula sa
kanilang guro.

F. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang mga paliwanag tungkol sa sa pinagmulang ng lahing Pilipino?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bakit mahalagang malaman ang pinagmulan ng ating lahi?

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at ayusin ang mga titik sa loob ng
kahon para makabuo ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ang naglikha ng mga unang tao sa mundo ayon sa Relihiyong Islam.
HALAL
2. Ayon sa mitolohiya, nailuwal sa mundo ang tao mula sa isang uri ng halaman.
YANWAKA
3. Sila ang unang babae at lalaki na nailalang ng Diyos.
NADAATBAE
4. Sila ang babae at lalaki na nailuwal mula sa malaking kawayan.
K A S L A M A TA G A N M A D A
5. Pangunahing dahilan ng paglaganap ng taong Austronesyano.
LAKALANKA
6. Siya ay isang antropologong Amerikano na nagsabing ang mga Austronesyano ang unang
tao sa Pilipinas batay sa kanyang teoryang Nusantao.
MLEHWILHEIMSOLII

7. Ayon sa teoryang ito, ang mga Austronesyano ay galing naman ng Indonesia na nagtungo sa
Pilipinas hanggang makarating sa Timog-Tsina dahil sa pakikipagkalakalan.
TAONUSANRYTHEO

8. Ang salitang Austronesyano na nangangahulugang tao mula sa timog.


TAONUSAN

9. Ang naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Timog-Tsina at Taiwan?


TEREPWDOOLELB

10. Isang banal na aklat ng mga Kristiyano na naglalaman ng kwento sa pinagmulan ng unang
tao sa mundo.
YABIBLI
I. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Takdang Aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag ukol sa pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas.
Isulat ang M kung ito ay batay sa mitolohiya at R kung itoy batay sa relihiyon at T kung teorya.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________ 1. Isa sa mga dahilan kung bakit madaling kumalat ang mga Austronesyano sa bansa
ay ang pakikipagkalakalan.
________ 2. Si Peter Bellwood ay naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa
Timog-Tsina at Taiwan .
________ 3. Si Adan at si Eba ang unang pinagmulan ng mga tao ayon sa Banal na
Aklat ng mga Kristiyano at Muslim.
________ 4. Nailuwal sa mundo ang tao sa pamamagitan ng kawayan.
________ 5. Si Malakas at Maganda ang pinagmulan ng mga tao.

You might also like