You are on page 1of 14

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Sangay ng Lungsod ng Cabanatuan
Daang Maharlika, Lungsod ng Cabanatuan

Natutukoy ang mga Pinagdaanang


Pangyayari/Kaganapan tungo sa Pagkabuo
at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA

Writer: Marlon I. Escueta (Teacher III SHS, Mataas na Paaralan Nasyunal ng Camp Tinio)
Illustrator: Marlon I. Escueta (Teacher III SHS, Mataas na Paaralan Nasyunal ng Camp Tinio)
Layouter: Marlon I. Escueta (Teacher III SHS, Mataas na Paaralan

11
Nasyunal ng Camp Tinio)

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SECTION SHS


Project EL AR: Enhance Learning thru Adequate Resources
GABAY NG MAG-AARAL, MAGULANG,
TAGAPAG-ALAGA AT TAGAPAGPADALOY

Para sa Iyo, Mag-aaral:

Maligayang pagtunghay sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,


Pangkat 11 Self-Learning Module (SLM) sa Kasaysayan Wikang Pambansa: Panahon ng Ka-
tutubo, Espanyol at Rebolusyong Pilipino
! Ang Modyul na ito ay inihanda para bigyan ka ng masaya at makabuluhang
pagkakataon para sa nagsasarili o ginagabayang pag-aaral na kumbiniyente sa iyo. Ma-
tututuhan mo ang araling hatid ng Modyul bilang isang aktibong mag-aaral.

Para sa mga Magulang, Tagapag-Alaga at Tagapagpadaloy:

Ang Modyul na ito ay binuo at sinuri ng mga guro, punong guro at mga tagamasid ng Ka-
gawaran ng Edukasyon Sangay ng Cabanatuan upang makabalikat kayo sa pagtulong
sa ating mga mag-aaral na maabot ang mga pamantayan ng Kurikulum ng K to 12. Ito ay
sama-sama nating itataguyod sa kabila ng mga hadlang sa normal na pag-aaral na kina-
kaharap ng mga mag-aaral sa
kasalukuyan.

Bilang Tagapagpadaloy, inaasahang gagabayan ninyo ang


mag-aaral sa paggamit ng Modyul na ito. Ito ay sa pamamagitan
ng pagpatnubay sa kanila na maisagawa at matapos nang
maayos ang lahat ng gawain at kahilingan ng aralin.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

2
MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang ilan sa mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan sa panahon ng ka-


tutubo, tungo sa pagkabuo at pag– unlad ng Wikang Pambansa.
2. Natutukoy ang ilan sa mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan sa panahon ng es-
panyol at rebolusyong Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo


at pag-unlad ng Wikang Pambansa

3
ANO ANG ALAM MO NA?

Panuto: Basahin at unaw ain ang mga sumusunod na pangungusap/ pahayag. P ili-
in ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

1. Naniniwala si H, Otley Beyer na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas. Ang mga
ito ay ang grupo ng Malay, Indonesia at Negrito. Ano ang tawag sa teoryang ito ni Dr. H. Otley
Beyer?
A. Theory of Evolution C. Plate tectonic theory

B. Wave migration theory D. General relativity theory

2. Siya ang nanguna sa mga pangkat ng arkeologo ng pambansang museo ng Pilipinas na

Nakadiskubre ng bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

A. Albert Einstein C. Robert Fox

B. Charles Darwin D. H. Otley Beyer

3. Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang teorya ng panda-
rayuhang mula sa rehiyong Austronesyano. Pinaniniwalaan na ang teoryang ito ay nagmula
sa lahing Austronesian. Ano ang ibig sabihin ng salitang latin ng auster ?

A. South wind C. East Wind

B. Western Wind D. North Wind

4. Ang mga unang taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay ng mga patakarang


pangkabuhayan, kultura at paniniwalang relihiyon.Gayundin, sila ay mahihinuha na sila man
ay may sariling nang wikang ginagamit na pinaniniwalaang walang isang wikang nanaig sa
Pilipinas noon. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsulat ng mga katutubo noon?

A. Lumad C. Yukdo

B. Dugso D. Baybayin

5. Ang mga kastila ay nandayuhan sa Pilipinas na may layunin ikintal sa isip at puso ng mga katu-
tubo ang kristiyanismo. Anong kalagayan/ sitwasyon inabutan ng mga espanyol ang mga ka-
tutubo?

A. Barbariko C. Sibilisado

B. Moderno D. Napapanahon

6. Naniniwala ang mga espanyol noon na mas mabisa ang paggamit ng wikang katutubo sa
pagpapatahimik sa mga mamamayan kaysa sa libong sundalong espanyol. Sino ang
nanguna at naging institusyon sa pagpapalaganap ng kristiyanismo?

A. Datu C. Rebolusyunaryo

B. Prayle D. Gobernadorcillo

4
ANO ANG ALAM MO NA?

7. Nagkaroon ng kilusan ang mga propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng kama-
layan upang maghimgsik. Itinatag din ni Andres Bonifacio ang katipunan. Alin sa mga sumusu-
nod ang naging wikang opisyal sa mga kautusan at pahayagan ng Katipunan?

A. Ilokano C. Hiligaynon

B. Kapampangan D. Tagalog

8. Upang maisakatuparan ng mga Espanyol ang kanilang layunin, inuna nila paghati– hatiin ang
isla ng pamayanan. Ilan ang orden na bawat pamayanan ng pinamunuan ng misyonerong
espanyol?

A. 5 c. 7

B. 6 d. 8

9. Kailan nagsimula ang kilusan ng mga propagandista na nagpasimula sa kamalayan ng mga


Pilipino upang maghimagsik?

A. 1861 C. 1898

B. 1890 D. 1872

10. Ilan daang taon nanahimik ang mga Pilipino sa pananakop ng mga espanyol na sa ka-
launa’y nagpamulat sa kanilang kaapihan dinaranas?

A. 200 c. 300

B. 400 d. 100

5
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Kasaysayan Wikang Pambansa:


Panahon ng mga Katutubo

Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropolo kung paano umusbong o
saan nagmula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at teorya ang nabuo
patungkol sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito ang ilan sa mga ito:

Teoryang Pandarayuhan

Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer,
isang amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong du-
mating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito, Indones
at Malay. Ngunit bunga ng masigasig na pananaliksik at pag-aaral, ang mga haka– haka at pag– aal-
inlangan ukol sa mga unang lahing nanirahan sa bansa ay unti– unting nagkaroon ng liwanag. Napabu-
laanan ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng pambansang Museo ng
Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng
Tabon sa Palawan noong 1962. Ang natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang du-
mating sa Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na sinasabing siyang pinanggalingan ng mga Pilipino.

Teorya ng pandarayuhan mula sa Austronesyano

Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang teorya ng pandarayu-
han mula sa rehiyong Austronesyano. Pinani-

Dr. Henry Otley Beyer

niwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing


Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang latin na aus-
ter na nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabi-
hin ay isla.

May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang


Austronesian. Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Dr. Henry
Otlet Beyer arkeolohiya ng Timog Silangan Asya, ang mga
Austronesian

ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na


Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon at pag– aa-
sawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Ayon naman kay Peter Bellwood
ng Australia National University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo
sa Pilipinas noong 5,000 B.C.

Dr. Henry Otlet Beyer .


Kung susuriin, batay sa mga nabanggit ng mga teorya, ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay
nagtataglay na ng mga patakarang kabuhayan, kultura at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, mahihi-
nuha na sila man ay may sarili nang wikang ginagamit bagama’t pinaniniwalang walang isang wikang
nanaig sa Pilipinas noon. Gayunpaman, napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo.
May sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat na tinactawag na baybayin. May mga ebidensyang
magpapatunay sa paggamit nila ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuan nakasulat sa biyas ng ka-
wayan sa Museo ng aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas.

6
Kasaysayan Wikang Pambansa: Panahon ng Espanyol at Rebo-
lusyong Pilipino

Panahon ng Espanyol

Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga kastila naman ang nandayuhan sa Pilipinas.
Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang kristiyanismo. Ayon sa mga espanyol,
nasa kalagayang “barbariko, di sibilisado at pagano” ang mga katutubo noon kung kaya’t
dapat nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya.
Ngunit naging malaking usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng kristiyanismo.
Naniniwala ang mga espanyol noong panahong iyon na mas mabisa ang pagamit ng katutu-
bong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong espanyol. Ang
pananakop ng mga espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas ng pagpapalaganap ng kristi-
yanismo. Ang mga prayleng espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino. Upang
maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng pamayanan.
Nakita nilang mahirap palaganapin ang relihiyon, patahimikin at gawing masunurin ang mga
Pilipino kung iilan lamang ang mga prayleng mangangasiwa. Ang pamayanan ay pinaghati–
hati sa apat na orden ng misyonerong espanyol na pagkaraa’y naging lima. Ang mga orden na
ito ay ang Agustino, Pransiskano, Domoniko, Heswita at Rekoleto.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Matapos ang mahigit tatlong daang taong pananahimik dahil sa


pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga mamamayan sa
kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito, maraming Pilipino
ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa
ibang bansa upang kumuha ng karunungan. Nagkaroon din ng kilusan
ang mga propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng ka-
malayan upang maghimagsik. Itinatag din nina Andres Bonifacio ang
Prayleng Espanyol Katipunan. Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan
at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang tagalog.

Andres Bonifacio Mga katipunero

Propagandista

-Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


-

7
ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Panuto: Tama o Mali: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap/


pahayag. Isulat ang sagot kung Tama o Mali ang pangungusap/ salita.

_________________1. Nagsimula ang kilusan ng mga propagandista laban sa mga espanyol sa


panahon ng kanilang pananakop noong 1880.

__________________2. Mahigit 200 taon nanahimik ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng
mga Espanyol.

—————————3. Ang layunin ng mga espanyol sa pananakop nila sa mga Pilipino ay


maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang Kristiyanismo.

__________________4. Ang naging malaking usapin sa pagpapalawak ng kristiyanismo sa


panahon ng pananakop ng mga espanyol ay ang wika ng mga katutubo.

__________________5. Ang mga prayle ang nagsilbing institusyon ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga espanyol.

__________________6. Nagkaroon ng pitong orden na itinalaga ang mga misyonerong espanyol sa


pagkakahati– hati ng mga pamayanan sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
espanyol.

__________________7. Ang romano ay ang Sistema/pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino


noong panahon ng mga katutubo.

__________________8. Nusantao ang tawag sa mga Austronesian na nagmula sa mga isla ng Sulu
sa Celebes?

__________________9. Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang tagalog.

__________________10. Kung susuriin, batay sa mga nabanggit ng mga teorya, ang unang taong
nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay na ng mga patakarang kabuhayan, kultura at paniniwa-
lang panrelihiyon

8
GAWAIN BILANG 1

Basahin ang sumusunod na mga pangyayaring may kaugnayan sa pag–unlad


ng Wikang Pambansa. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tat-
long malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag–
unlad ng wika?

A. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.

B. Walang isang wikang nanaig sa bansa.

C. Hindi nag-uusap ang ating mga ninuno.


2. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa– ang
baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng
pagsunog nila rito?

A. Labig ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang sim-
bolo ng pagkakaisa ng mga ito.

B. Mahirap unawain at pag– aralan ang baybayin. Hindi sila nagkakaunawan kung ito ang
gagamitin.

C. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng mga diyablo, pero ang totoo naisip nilang makaha-
hadlang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag– usap sa
mga mamamayan. Ano ang sanhi nito?
A. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalalaganap nila ang pananampalataya kung
ang wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.

B. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang
wika.

C. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong wika.

4. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalagap ng Kristiyanismo. Ano


ang ibinunga nito?

A. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag– ugnayan
sila sa mga katutubo.

B. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag– aral ng mga wikang katutubo.

C. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.


5. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “ Isang Bansa, Isang Diwa”?

A. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang tagalog.
B. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag– aralan ang wikang Espanyol.

C. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod


ang mga kababayan nila.

9
GAWAIN BILANG 2

Ibigay ang mga salitang tinutukoy sa mga pangungusap. Hanapin ito sa


Puzzle Word at isulat sa sagutang papel.

______________1. Siya ang nagpasikat ng teoryang wave migration theory.

______________2. ito ang kahulugan ng salitang Nesos sa salitang Latin.


______________3. Sila ang naging institusyon ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol.
______________4. Ito ang ginami na wika ng Katipunan sa kanilang mga pahayagan at kautusan.
______________5. Siya ang nanguna sa pangkat ng mga arkeolo ng Pilipinas na nakadiskubre sa
buto ng taong tabon sa Pilipinas.

T A G A L O G

G B U O I I S

P I E L H J L

R S P Y A

A L R F E Q W

Y A Q E R R B

L I O V G T N

E F O X V C O

10
11
FOX 5. C 5.
TAGALOG 4. B 4.
PRAYLE 3. A 3.
ISLA 2. C 2.
BEYER 1. B 1.
Gawain 2 Gawain 1
Ano ang iyong Natutuhan? Ano ang alam mo na?
1. Mali 9. Tama 1. B 9. D
2. Mali 10. Tama 2. C 10. C
3. Tama 3. A
4. Tama 4. D
5. Tama 5. A
6. Mali 6. B
7. Mali 7. D
8. Tama 8. A
MGA SAGOT PARA SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mga Sangguniang Aklat

Alma M. Dayag, Mary Grace G. Del Rosario, Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Panana-
liksik sa Wika at Kulturang Pilipino: (Place of Publication: Phoenix Publishing House,Quezon
Avenue, Quezon City), Pahina 79-88

Mga Royalty-Free na Larawan

https://www.google.com.ph/search?q=andres+bonifacio&tbm=isch&ved=2ahUKEwjN-
e2SsZfqAhVHUJQKHdmTDqAQ2cCegQIA-
BAA&oq=andres+bonifa&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgUIABCxAzICCAAyAggAMgIIADICCAA
yAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQChAYUI7XAliN7gJg64cDaABwAHgCgAG0B4gB
wSeSAQ0xLjEuMi4xLjEuMS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=L6vxXo2mNse
g0QTZp7qACg&bih=640&biw=1349&tbs=sur%3Afc&hl=en

https://www.google.com.ph/search?
q=prayleng+espanyol+1880&tbm=isch&ved=2ahUKEwia5emes5fqAhVyx4sBHbQRB_MQ2-
cCegQIABAA-

https://www.google.com.ph/search?q=H.%20OTLEY%20BEYER&tbm=isch&tbs=sur%
3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCPDD1f-zl-oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=640
-

https://www.google.com.ph/search?
q=pilipino+revolutuion&tbm=isch&ved=2ahUKEwjXtujMtZfqAhUcx4sBHXF0CCUQ2-
cCegQIBAA&oq=pilipino+revolutuion&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoFCAAQsQM6AggA
OgQIABBDOgcIABCxAxBDOgYIABAIEB46BggAEAoQGFCSuApYlNoKYIXcCmgAcAB4AIABpwK
IAeIakgEGMC4xMi43mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=26_xXpfdCpyOr7wP
8eihqAI&bih=640&biw=1349&tbs=sur%3Afc&hl=en-

https://www.google.com.ph/search?
q=baybayin&tbm=isch&ved=2ahUKEwjduP2htpfqAhVEKqYKHdvGCKwQ2-
cCegQIA-
BAA&oq=baybayin&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIAB
CxAzIFCAAQsQMyAggAMgQIABBDMgQIABBDMgUIABCxAzIFCAAQsQM6BAgjECc6BwgjEOoC
ECdQ6eMDWIT8A2Dc_gNoAXAAeASAAbQCiAGtFZIBBzAuNy41LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l
6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=jbDxXp2-L8TUmAXbjaPgCg&bih=640&biw=1349&tbs=sur%
3Afc&hl=en-- https://www.google.com.ph/search?
q=baybayin&tbm=isch&ved=2ahUKEwjduP2htpfqAhVEKqYKHdvGCKwQ2-
cCegQIA-

12
https://www.google.com.ph/search?
q=propagandista&tbm=isch&ved=2ahUKEwiqirXEtpfqAhUN7ZQKHZ2GDIcQ2-
cCegQIA-
BAA&oq=propagandista&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgII
ADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoHCAAQsQMQQzoECAAQQzoHCCMQ6gIQJzoFCAA
QsQNQ39UGWLr0BmCm-
wZoAXAAeAGAAaYIiAGcMZIBDzAuMS4zLjMuMi4xLjEuMpgBAKABAaoB-
C2d3cy13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=1bDxXurLPI3a0wSdjbK4CA&bih=640&biw=1349
&tbs=sur%3Afc&hl=en---PROPAGANDISTA

13
Natutukoy ang mga Pinagdaanang
Pangyayari/Kaganapan tungo sa Pagkabuo
at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Ang Self– Learning Module na ito ay may Pamantayan sa Pagkatuto na
natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa at may mga layuning (a). Natutukoy ang ilan sa
mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan sa panahon ng katutubo, tungo sa
pagkabuo at pag– unlad ng Wikang Pambansa (b). Natutukoy ang ilan sa mga
pinagdaanang pangyayari/ kaganapan sa panahon ng espanyol at rebolusyong Pili-
pino. Gumamit ang tagapagdaloy ng iba’t ibang estratehiya upang maging kawili–
wili ang pagtalakay sa paksa. Tiniyak na anumang track ng pag-aaral ang pupun-
tahan ng mag-aaral, magsisilbing pundasyon ang module na ito sa maayos na
pagpapahayag ng ideya, kaisipan at Damdamin. Tutugunan ng Self– learning Module
na ito ang kapaki– pakinabang na literasi sa pamamagitan ng mga pagsasanay,
gawain, Inaasahan pagganap at Pamantayang Pagkatuto. Maligayang Pagkatuto
mga Mag-aaral.

DR. HENRY OTLEY BEYER

DEPARTMENT OF EDUCATION Region 3 Division of Cabanatuan City


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
This self-learning module (SLM) is developed by the SDO Cabanatuan City CID-LRMDS Team under
Project EL AR: Enhanced Learning thru Adequate Resources.
Cover and page elements illustrations by Jan Carl B. Briones ● Project EL AR logo by Gemmarie G. Rivas

You might also like