You are on page 1of 20

Aralin 5

Ang Pinagmulan ng
Wika
Ayon sa propesor sa
Komunikasyon na sina
Emmert at Donaghy (1981),
ang wika, kung ito ay pasalita, ay
isang sistema ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog; kung ito
naman ay pasulat, ito ay
iniuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating iparating
sa ibang tao.
1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng
Panginoon
Ang mga teologo ay
naniniwalang ang pinagmulan
ng wika ay matatagpuan sa
Banal na Aklat. Sa Genesis
2:20 naisulat na, “At
pinangalanan ng lalaki ang
lahat ng mga hayop, at mga
ibon sa himpapawid, at ang
mga bawat ganid sa parang.”
Sa Genesis 11:1-9 naman ay
ipinakikita ang pinagmulan ng
2. Ebolusyon

Ayon sa mga antropologo,


masasabi raw na sa pagdaan ng
panahon ang mga tao ay
nagkaroon ng mga
sopistikadong pag-iisip.
Nagsulputan ang sumusunod
na mga teoryang
nagtatangkang ipaliwanag ang
pinagmulan ng wika.
a. Teoryang Ding Dong
Batay sa teoryang ito,
nagmula raw ang wika sa
panggagaya ng mga sinaunang
tao sa mga tunog ng kalikasan.
Ito marahil ang dahilan kung
bakit ang boom ay palaging
naikakabit sa pagsabog, splash
sa paghampas ng tubig sa isang
bagay, at whoosh sa pag-ihip
b. Teoryang Bow-Wow
Ang wika raw ay nagmula
sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na
nilikha ng mga hayop katulad
ng bow-wow para sa aso,
ngiyaw para sa pusa, kwak-
kwak para sa pato, at moo para
sa baka.
c. Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na
nagmula raw ang wika sa mga
salitang namutawi sa mga bibig
ng sinaunang tao nang
nakaramdam sila ng
masisidhing damdamin tulad
ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla.
d. Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may
koneksiyon ang kumpas o
galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila.
d. Teoryang Yo-he-ho
Batay sa teoryang ito, ang
wika aqy nabuo mula sa
pagsama-sama lalo na kapag
nagtatrabaho nang
magkakasama.
Kasaysayang ng
Wikang Pambansa
Panahon ng Katutubo
1. Teoryang Pandarayuhan
kilala rin sa tawag na Wave Migration Theory na
pinasikat ni Henry Otley Beyer. Ayon kay Beyer, may
tatlong grupo ang nauna dito sa Pilipinas:
• Negrito
• Indones
• Malay
Panahon ng Katutubo
Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan
ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo ng Pilipinas at ito ay pinangungunahan
ni Dr. Robert Fox. Ang harap ng isang bungo
at panga sa yungib ng Tabon sa Palawan
noong 1962.
Tinawag itong Taong Tabon at tinatayang
50,000 years na ang nakakaraan. Kasama ang
mga kagamitan tulad ng chertz, buto ng mga
paniki na pinaniniwalaang nabuhay ang mga
Panahon ng Katutubo
Makalipas ang ilang taon ay natagpuan
naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto
o paa na siansabing mas matanda pa sa Taong
Tabon.
Natagpuan ito sa kuweba ng Callao,
Cagayan. Ito ay tinawag na Taong Callao na
sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang
nakakalipas
Panahon ng Katutubo
2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa
Rehiyong Austonesyano
May dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan
nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim
Solheim II, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa
pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa
ay kumalat ang mga Austronesian.
Ayon naman kay Peter Bellwood, ang mga
Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na
nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.
Panahon ng Katutubo
Gayunpaman, napatunayang
marunong sumulat at bumasa ang
mga katutubo. May sinusunod
silang pamamaraan ng pagsulat na
tinatawag na baybayin. May mga
ebidensiyang magpapatunay sa
paggamit nila ng baybayin.
Ang baybayin ay binubuo ng
labimpitong titik-tatlong patinig at
laping-apat na katinig.
Panahon ng mga Espanyol
Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga Kastila
naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Layunin
nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo
ang Kristiyanismo.
❖ barbariko
❖ di sibilisado
❖ pagano
Panahon ng mga Espanyol
Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na orden ng
misyonerong Espanyol na pagkaraa'y naging lima. Ang mga
ordeng ito ay ang:
• Agustino
• Pransiskano
• Dominiko
• Heswita
• Rekoleto
Panahon ng Rebolusyong
Pilipino
Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik
dahil sa pananakop ng mga Espanyol. Sa panahong ito,
maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo.
Itinatag din nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang
wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at
pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
Panahon ng Rebolusyong
Pilipino
Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik
na Pilipino ang kaisipang “isang bansa, isang diwa”
laban sa mga Espanyol.
• Sanaysay
• Tula
• Kuwento
• Liham
• Talumpati

You might also like