You are on page 1of 2

Kalagayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Espanyol at sakupin ang Pilipinas, mayroon ng sining,
pamahalaan (barangay), batas, sining, panitikan at wika ang mga katutubo noon. Karmaihan
samga panitikan nila’y yaong mga pasalindila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong,
epiko, salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na
anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang panakaunang anyo ng dula
sa bansa. Habang kadalasan ay pasalin-dila, gumamit din sila ng mga biyas ng kawayan, dahoon
ng palaspas at balat ng punong kahoy upang maging pinakapapel noon. Ang ginagamit nilang
panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal (lanseta). Ito ang ginagamit upang isulat ang ating
alibata na may lambimpitong letra, tatlo ang patinig, labing-apat ang katinig. Pinatunayan ni
Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyangRelacion de las Islas Filipinas (1604).
Ayon sa kanya, mayroong sariling Sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay
tinatawag na Baybayin o Alibata. Ang mga gawa ng mga katutubo noong ay sinunog ng mga
Kastila dahil ito daw ay gawa ng demonyo. Marami ang nabuong alat at teorya hinggil sa unang
taong nanirahan sa Pilipinas. Isa na dito ang Teorya ng Pandarayuhan ni Dr. Otley Beyer, isang
Amerikanong antropologo. Kilala ang teoryang ito bilang wave migration theory na sumikat
noong 1916. Ayon kay Beyer, may tatlong grupon ang nagpasimula ng lahing Pilipino: Negrito,
Indones, at Malay. Ngunit nasira ang teorya ni Dr. Beyer dahil nakita ang bungo at isang panga
ang pangkat ng arkeologo na pinangungunahan ni Dr. Robert B. Fox sa yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962. Pinatunayan ng bungong ito na mas nauna ang grupo ng tao nito o yung
lahi nto kaysa sa Malaysia na sinasabing pinanggalingan ng mga Pilipino. Tinitawag silang
Taong Tabon na nainirahan sa yungib may 50,000 taon nang nakakaraann. May nakuha rin
silang bakas ng uling na nagpapatunay na marunong magluto ang mga sinaunang tao sa
Pilipinas. Pinatunayan ni landa Jacano sa kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP
Center of Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum sa ang
bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi ng Pilipino. Ang Taong Tabon ay nagmula sa
species ng taong Peking na kabilang sahomo sapiens o modern man at ang taong Java na
kabilang sa homo erectus. Natagpuan ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa sa kuweba sa
Callao, Cagayan na sinasabing mas matanda pa raw sa Taong Tabon at nabuhay ito 67,000 taon
na nakakalipas. Teoryang Pandarayuhan mula sa Pelihiyosong Austronesyano. Ang mga Pilipino
daw ay nagmula sa lahi ng mga Austronesian. Ito ay hango sa salitang Latin na auster na ibig
sabihin ay “south wind’at nesos na nangunguhalagang isla. Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama
ng Arkeolohiyang Timog-Silangang Asya, nagmula ang mga Austronesian sa isla ng Sulu at
Celebes na tinatawag n Nustantao. Dahil sa kalakalan, migrasyon at pagaasawa kaya umabot ang
lahing ito sa iba’t -ibang rehiyon. Ayon kay Peter Bellwood ng Australia National University,
ang lahing ito ay nagmula pa sa Taiwan at Tsina at nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C.
Kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig. Ang mga
Austronesian ang kinikilalang nagpaunlad ng rice terracing. Naniniwala din ang lahing ito sa
mga anito. Naniniwala din sila sa paglilibing ng mga bangkay tulad ng natagpuan sa Manunggul
Cave sa Palawan.

You might also like