You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

WIKANG PAMBANSA

1
PANAHON NG
KATUTUBO
2
ABSTRAKSIYON
Maraming alamat at teorya ang nabuo patungkol sa tunay na
pinagmulan ng lahing Pilipino.

1. Teorya ng Pandarayuhan
Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na
pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo noong
1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong dumating sa
Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino.
(1) Negrito (2) Indones (3) Malay
3
Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pangkat ng
mga arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni
Dr. Robert B. Fox, ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga
sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962. Ang natagpuang
bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa
Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na sinasabing siyang
pinanggalingan ng mga Pilipino.

4
Tinawag na Taong Tabon ang mga labing kanilang natagpuan
dito. Tinatayang nanirahan ang mga unang taong ito sa yungib ng
Tabon na may 50, 000 taon na ang nakakaraan. Kasama sa mga
nahukay na labi ay ang ilang kagamitan bato tulad ng chertz isang
uri ng quarts, gayundin ang mga buto ng ibon at paniking
nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain
sa kapaligiran. May mga nakuha ring bakas ng uling na katibayan ng
kaalaman sa pagluluto ng pagkain.

5
Pinatunayan din ng Landa Jocano sa kaniyang pag-aaral na ang
bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa
Pilipinas. Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay
nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa Homo Sapiens o
modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo Erectus.
Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr,
Armand Mijares ang isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa
taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao
na sinasabing nabuhay nang 67, 000 taon na ang nakalilipas.
6
2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa
lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa salitang Latin na
auster na nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabihin ay
“isla”.
Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog
Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at
Celebes na tinawag na Nusantao.
Ayon naman kay Peter Bellwood, ang mga Austronesian ay nagmula
sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C.
7
Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito, isa lang ang tiyak na ang
mga Pilipino ay isa sa mga pinakaunang Austronesian.
Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang unang
taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay na ng mga patakarang
pangkabuhayan, kultura, at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, mahihinuha
na sila man ay may sarili nang wikang ginagamit bagama’t pinaniniwalaang
walang isang wikang nanaig sa Pilipinas noon. Gayunpaman, napatunayang
marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo. May sinusunod silang
pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na Baybayin.
8
BAYBAYIN ang tawag sa katutubong paraan ng
pagsulat. Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3)
patinig at labing-apat (14) na katinig

9
Mga Patinig

10
Mga
Katinig

11
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang
tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang
mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan
ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng
/o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.

12
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng
isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang
hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog.

Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa


hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.

13

You might also like