You are on page 1of 12

ANG PINAGMULAN

NG WIKA

gina CORTEZ 1
ABSTRAKSIYON

1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon


Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika
ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na
“20 At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga
ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.”
Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan ng
pagkakaiba-iba ng wika.

2
Genesis 11:1-9 Ang Bagong Magandang Balita sa Bibliya
Ang Tore ng Babel
Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang
ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa
silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan.
Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong Mabuti para
tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang
sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa
langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa
daigdig.
3
Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng
mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang
wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi
magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang
mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila
magkaintindihan.” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-
watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtayo ng lunsod. Babel ang
itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ni Yahweh ang wika ng
mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig
dahil sa ginawa ni Yahweh.
4
2. Ebolusyon
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan
ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong
pag-iisip. Umunlad ang kakayahan ng mga taong tumuklas ng
mga bagay na kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila ay
nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginamit sa
pakikipagtalastasan.
gina CORTEZ 5
a. Teoryang Ding Dong
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Ito marahil ang dahilan kung
bakit ang boom ay palaging naikakabit sa pagsabog, splash sa paghampas
ng tubig sa isang bagay, at whoosh sa pag-ihip ng hangin. Sinasabing ang
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman
sa mga salita ng mga sinaunang tao. May sariling tunog na kumakatawan sa
lahat ng bagay sa kapaligiran. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo
ng tunog. Halimbawa: tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan

gina CORTEZ 6
b. Teoryang Bow-Wow
Katulad ng Teoryang Dingdong, ang wika raw ay nagmula sa
panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop,
katulad ng bow-wow para sa aso, ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak para sa
pato, at moo para sa baka. Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol na nag-
uumpisang magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog na kanilang
naririnig. Hindi rin nakapagtataka kung bakit tinawag na “tuko” ang tuko.
Ngunit marami ang hindi sang-ayon sa teoryang ito sapagkat sa bawat
bansa ay naiiba ang tawag sa mga tunog na nililikha ng mga hayop gayong
pare-pareho naman ang mga ito.
7
c. Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang
namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng
masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at
pagkabigla. Ang patalim ay tinawag na ai ai sa Basque sa kadahilanang ai
ai ang winiwika kapag nasasaktan. Ang ibig sabihin ng ai ai sa Basque ay
“aray”.

gina CORTEZ 8
d. Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng
kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa mga nag-aral
ng ebolusyon ng tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na
humantong sa pagkilala ng wika.

9
e. Teoryang Yo-he-ho
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama,
lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog o himig
na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang
sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.

10
f. Teoryang TA-RA-RA- BOOM DE AY
Ayon sa teoryang ito, ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga
tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabago-
bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na


ginagawa tuwing makikidigma, pagtatanim at iba pa.

11
g. Teoryang Sing-Song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba
pang mga bulalas- emosyunal.

Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga


unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami.

12

You might also like