You are on page 1of 5

Teorya ng Pinagmulan ng Wika

1. Teoryang Bow-wow

Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng

aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak

ng ulan, atbp.

2. Teoryang Ding-dong

Ayon kay Max Muller, ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog.

Halimbawa: kampana- ding-dong o kalembang. Ang tunog na ito ay siyang kahulugan

ng nasabing bagay Ngunit may kahinaan ang teoryang ito dahil sa maraming bagay

ang walang tunog at maraming tunog ang walang katumbas na bagay.

3. Teoryang Pooh-pooh

Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na

galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa

mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw,

pagtatanim, atbp.

5. Teoryang Sing-song

Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi

maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.


6. Teoryang Biblikal (Tore ng Babel)

Ang pinagmulan ng wika ay naaayon sa Banal na Kasulatan. Makikita sa Kwentong

Tore ng Babel na sa simula ay may isang wika lamang ang lahat ng tao sa daigdig, at

dahil dito’y nagkaisa silang gumawa ng pinakamataas na tore upang mapatanyag sila at

huwag ng magkawatak-watak. Ito’y salungat sa utos ng Diyos na magkahiwa-hiwalay

sila at magsikalat sa buong mundo. Dahil sa kalapastanganan ng tao, nakita ng Diyos

ang sanhi ng pagkakaunawaan nila, ang pagkakaroon ng iisang wika. Kaya’t naisipang

gibain ng Diyos ang tore at binigyan ng iba’t-ibang wika ang mga tao sa daigdig upang

hindi sila magkaunawaan. Ang kahulugan ng “Babel” o “Babilon” ay “kalituhan o

pagkawatak-watak.”

7. Teoryang Yoo He Yo

Ayon kay D.S Diamond, isang linggwista, ang tao ay natututong magsalita bunga ng

pwersang pisikal.

Halimbawa: pangangarate– “yah! yah!

8. Teoryang Ta-ta

Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye

sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay

nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag

binibigkas ang salitang ta-ta.

9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabi ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o

ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

10. Teoryang Hey you!

Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng

pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang

pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

11. Teoryang Coo coo

Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga

matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

12. Teoryang Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao

na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

13. Teoryang Hocus Pocus

Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga

mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

14. Teoryang Eureka

Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga

arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalikha ang mga

ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa

pagpapangalan ng mga bagay- bagay.


15. Teoryang Yum-yum

Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng

pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay

isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila.

Sanggunian:
Gina B. Araojo, D. A. (2016, October 31). MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA.

Retrieved from angelicatagle.wordpress:

https://angelicatagle.wordpress.com/2016/10/31/mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-wika/

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika. (n.d.). Retrieved from Tagalog Lang:

https://www.tagaloglang.com/teorya-ng-pinagmulan-ng-wika/

Rey, M. V. (2019, June 25). TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Kung Saan Ang Wika Ay

Pinagmumulan. Retrieved from philnews.ph: https://philnews.ph/2019/06/25/teorya-ng-

wika-pinagmumulan-ng-wika/

You might also like