You are on page 1of 4

Teoryang Pangwika

Sosyolingwistikong teorya
Sa teoryang ito, ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang indibidwal. Ayon kay Sapir,
ang wika ay instrumento o kasangkapan ng sosyolisasyon. Ibig sabihin nito ang mga
relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito.
Narito ang mga tao na nagbigay ng pilosopiya pagdating sa wika:
Dell Hymes at Burke - ang wika ay siyang humuhubog sa lipunan at ang lipunan ang
siyang bumubuo sa wika.
Saussure – ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang
signifier (language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng
daan sa indibidwal na umiintindi at maintindihan, at ang signified (parole) na gamit ang wika
sa pagsasalita.
Kaugnay sa teoryang ito ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga
magkakaibang indibidwal at grupo na may magakaibang lugar na tinitirhan, interes, Gawain
at pinag-aralan.
Sa teoryang ito pinaniniwalaan na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng
komunikasyon kundi isang pinagsama-samang anyo sa isang magkakaibang kultura. At
bunga nito dito na nagkaroon ng tatlong anyo ng wika, ang Idyolek, Dayalek at sosyole.
Kung naiisip nating pare-parehong magsaita ang mga tao sa loob ng isang lipunan sa
pananaw ng mga sosyolingwistiko ay may barayting gamit ang mga speech communities.
Teorya ng Akomodasyon
sa teoryang ito naman ni Howard Giles , ang linguistic convergence at linguistic
divergence. Ang mga ito ay mga teorya mula sa SLA (second
language acquisition). Sa linguistic convergence sinasabi na nagkakaroon ng tendensiya na
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikisama, pakikilahok o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa
linguistic divergence naman, pilit itong iniiba ang pagnanalita sa kausap para ipakita ang
pagiging iba o ‘di pakikiisa o ang pagigiit na sa sariling kakayahan at identidad.

Sa larangan naman ng sikolohiya ang mga sumusunod na teorya ay may malaking


impluwensiya sa proseso ng pagkatuto ng wika.
1. Teoryang Behaviorist - batay kay Burrhus Fredeick Skinner, ang bata ay ipinanganak
na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.ang galaw at kilos ay maaaring hubugin
sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran at ipinalagay niya na ang bawat isa
ay may kakayahang matuto ng wika.
2. Teoryang Innative – sa teoryang ito ni Noam Chomsky, ang kakayahan sa pagkatuto ng
wika ay kasama na mula sa pagsilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa
kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang-hugis sa kanyang kakayahang sosyo-kultural.
3.Teoryang Kognitib – sa teoryang ito, ang wika ay nagagaap matapos maunawaan ang
isang bagay o kaganapan. Kinakailangang maunawaan ng tao ang bawat impormasyong
kanyang natatanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangungusap. Batay dito ang
kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nangyayari. At ayon sa
kognitibist ang pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto.
4.Teoryang Makatao- binibigyang tuon ditto ang kahalagahan ng mga salik na may
kinalaman sa damdamin at emosyon na reaksyon. Ito ay nananalig na ang pagtatagumpay
sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran. Samakatuwid, mangyayari
lamang ito kung may kawilihan at positibong saloobin sa bagong kaalaman at
impormasyon.

Sa paglipas ng panahon kaalinsabay nito ang maraming pag-aaral na ginawa ng mga


dalubhasa kung kaya’t nabuo ang ilan sa mga Teorya ng Wika. Narito at tunghayan natin
ang ilan sa mga Teorya ng wika.
wikaMaraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa napakaraming teorya
ng iba't ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula
ang wika.Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan
ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito.

1. Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang
suliranin sapakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan
ng Diyos, nagging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng
pakataas-taas na tore.Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng
Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan,
ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, upang hindi na
ganoon kadali na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis
kab. 11:1-8).
2. Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog
ngkalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit.Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
3. Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sapamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ayhindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog
niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
4. Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
5. Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog
kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anong tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina
ay nanganganak.
6. Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa
sabawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam sapagkat, kapag ang isang tao nga naman ay nagpapaalam ay kumakampay ang
kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag
binibigkas ang salitang ta-ta.
7. Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponenteng teoryang ito sa pinagmulan
ng wika.
8. Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa,pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi
pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
9. Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
ang wikasa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang
(Tayo! ).
10. Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang
mgatunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sapaligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng
tunog ng mgamatatanda.
11. Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walangkabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid
na kalaunan aynaging pangalan ng mga iyon.
12. Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalinga
n ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y
tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na
kalaunanay naging pangalan ng bawat hayop.
13. La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
14. Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawaintulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala,panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga
ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang
ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na
kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

You might also like