You are on page 1of 3

1. Ano ang ibig sabihin ng neolohismo?

- Neolohismo- bagong salita, termino o parirala na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa


pangkaraniwang gamit subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw araw na wika.

2. Magsaliksik ng 10 halimbawang nilikhang salita at alamin ang mga kasaysayan o pinagmulan ng wika,
kahulugan at ang implikasyon nito sa araw-araw.

Tapsilog = tapa (maliliit na piraso ng karneng baka na ibinabad sa suka’t toyo na may kasamang bawang
at paminta) + sinangag (kaning lamig na niluto sa mantikang pinaglutuan ng tapa) + itlog (estrellado o
sunny side up).Isang popular at tunay na nakabubusog na almusal ang tapsilog na pinalaganap noong
1983 ng isang sidewalk restaurant, ang Sinangag Plaza sa Ermita Food Plaza sa Adriatico St., Malate.
Unang ginamit ang pinagtambal na mga salitang tapa-sinangag-itlog para tukuyin ang bagong menung
ito. Pero nahirapan ang mga tagasilbi (waitresses) noon dahil may kahabaang bigkasin ito kung kaya sa
katagalan pinaikli na nila at naging tapsilog.

Ang tsugi ay pantsatsaka o panlalait. Ang objek ng panlalait ay isang di makapasa sa pamantayang ng
subhetibismong bading. Ang subhetibismong bading ay ang etikang panuntunan sa pakikipagkapuwa-tao
ng bading. Etika ito dahil may pagninilay-nilay kung sino ang ibabrand na tsugi at kung sino ang wagi.
Tsugi ka kapag sobra-sobra ka sa mismong kalabisan ng bading, kasama na ang attachment sa kloseta o
di-paglaladlad.

Tsika ang ibig sabihin ay kwentuhan. Kapag malapit na kaibigan o katapatang-loob mo ang isang tao,
karaniwan nang bahagi ng inyong pagkakaibigan ang pagkukuwentuhan. Kailangang mag-update kayo ng
nangyayari sa buhay ng isa’t isa. O kailangang pagtsismisan ninyo ang mga kaibigan o kakilala. Tsikahan
ang tawag dito.

Salbakuta= salbaheng anak ng p*ta. Ang salbakuta ay tahasang pagmumura na pinapurol ang pangil ng
kalaswaan sa pamamagitan ng pagpapalit ng tunog ng ilang pantig upang kunwari ay magkaroon ng
ibang kahulugan ngunit naroon pa rin—maaaninaw na tila nababalutan lamang ng manipis na saplot at
mauulinig na pasaring—ang bigat at diin ng poot na ibig ipahatid ng nasubhang damdamin. Kaya ang
salbaheng anak ng p*ta ay maaaring ipagkamali sa pagsalbar sa kuta, na nanggaling sa mga salitang
salvar (Espanyol), pagligtas o pagtatanggol, at ng salitang kuta, na moog, tanggulan o muralya ang
kahulugan.

Tokhang=Halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok (“katok”) at hangyo (“pakiusap”),


Tokhang ang mukha ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte.Ang Oplan Tokhang ay isa sa dalawang
kampanyang inilunsad ni Ronald “Bato” dela Rosa habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police
Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016.

Gaya ng kaniyang banta, pinalawak ni dela Rosa sa pambansang saklaw ang kampanya nang maupo
bilang Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police o PNP).
Kasama ni dela Rosa ang sampung miyembro ng tinaguriang “Davao Boys” na itinalaga sa Station 6, o
Batasan Station, ang estasyon ng pulis sa Quezon City Police District na naging sentro ng patayan, ayon
sa ulat ng Reuters noong Disyembre 2017.

Tunay nga, mahigit 2,500 drug suspects na ang napatay sa unang bugso ng Oplan Tokhang noong 2016.
Kasama sa mga napatay ang 54 menor-de-edad. Ilang linggo matapos patayin sina Kian Loyd delos
Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo de Guzman, na dagdag sa dose-dosena pang mga pinaslang,
pinahinto ang operasyon noong Oktubre 2017 at ipinasa ang kampanya kontra-droga sa Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA).

Meme=Ang salitang “meme” ay nagmula sa salitang “minime” – salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
“ginagayang bagay”. Ito ay inimbento ng biyologong ebolusyonaryo na si Richard Dawkins sa kanyang
libro na “ The Selfish Gene” bilang isang konsepto para sa pagtalakay ng mga prinsipyong ebolusyonaryo
sa pagpapaliwanag ng pagkalat ng ideya at mga phenomenang kultural.

Dito ay nabanggit ni Dawkins ang pagkakaroon ng dalawang magkakaibang “proccessor ng


impormasyon” sa mga tao. Ang unang pagkilos ay mula sa gene na nagtatabi ng impormasyon na lilipas
mula sahenerasyon hanggang sa henerasyon, at ang pangalawang pagkilos ay sa antas ng utak; na
kinokopya ang kultura ng indibidwal na impormasyon, na natatanggap sa pamamagitan ng pagtuturo,
imitasyon o simpleng paglagom.

Ukay-ukay=ay tindahan sa Pilipinas ng mga segunda manong damit at mga kagamitan gaya ng mga
sapatos, bag at kung ano-ano pang aksesorya.[1] Karaniwang galing sa ibang bansa ang mga itinitinda
ritong pinaglumaang mga damit at kagamitan na ibinebenta sa napakamurang halaga, depende sa
kalidad at klase ng mga paninda o sa tagal nitong maibenta. Ang mga damit na karaniwa'y libong piso
ang halaga kapag bibilhin ng bago, kung ito ma'y mabibili sa Pilipinas, ay mabibili na lamang sa halagang
50 piso pataas o minsa'y mas mababa pa.Ayon sa kuro-kuro, nagsimula ang ukay-ukay matapos bilhin ng
ilang mangangalakal ang mga naimbak na bulto-bultong tulong na pinaglumaang mga damit na
pinadadala ng humanitaryong grupong Salvation Army sa Pilipinas, bilang tugon nito sa mga
pangangailangan ng mga nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa mula noong dekada 80.3

3. Lumikha ng 5 sariling sariling likhang salita batay sa konseptong batayang ibinigay ni Zafra sa
paglikha ng salita.

Baskil - salitang basa at kilikili

Lodi/lods - salitang idol na binaligtad na ang inig sabihin ay kahanga hanga

Keribels - kaya iyan

brunch - salitang breakfast at lunch

marupokpok - salitang marupok at pokpok ibig sabihin ay mabilis bumigay


4. Magbigay ng 5 na nagbibigay pakahulugan sa salitang neolohismo.

Neolohismo - bagong salita, hindi ganap na tanggap, gawa gawa, slang, kadalasan ay pinagsamang salita

5. Sa iyong palagay bakit kailangan ang neolohismo?

Kailangan ang neolohismo upang mas makatulong sa pagpapahayag ng saloobin sa mas kakaibnag
paraan at paraan na maiintindihan ng lahat. Nakatutulong ito upang mas mapolawak ang ating wika na
lubos na nagagamit sa pang araw araw.

6. Ano ang implikasyon ng neolohismo sa pang-araw–araw na buhay ng tao?

Ang implikasyon ng neolohismo ay mas napapadali nito ang pagsumite ng wika ng bawat tao at mas
napagbubukod bukod at naiintindihan ng isa at bawat isa.

You might also like