You are on page 1of 5

Iba’t Ibang Uri ng Teksto

May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa impormasyon o mensaheng nais nitong ibigay sa
mambabasa. Ang ilan ay ang mga sumusunod.

Tekstong Impormatibo
Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay,
lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil
walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa
mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga
babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat.
Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.

5 Halimbawa ng Tekstong Impormatibo


1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
2. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
3. Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi.
4. Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle.
5. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.

Tekstong Deskriptibo
Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito
ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos,
bagay, lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib,
mayaman ang mga ito sa mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong
nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng
masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.

5 Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo


Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tekstong deskriptiv.

1. Mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Martha.


2. Napakabilis umiyak ng batang si Marco kapag inaasar.
3. Tila isang abandonadong lugar ang kaniyang silid dahil sa sobrang dumi.
4. Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang bahay nina Jonas.
5. Malulusog at masasarap kumain ang pamilya Sanchez.

Tekstong Naratibo
Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang
tekstong narativ o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong
naratibo ay magbigay ng impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa
kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan, at mga tauhan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din
itong piksyon at di piskyon.

5 Halimbawa ng Tekstong Naratibo


1. Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
Kinitil siya ng mga Espanyol noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan.
2. Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na
pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito rin ang
itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa kasaysayan.
3. Nagtapos ng pag-aaral si Alyssa Valdez sa Ateneo de Manila University.
Ngayon ay naglalaro siya para sa Creamline Cool Smashers at Philippine
National Team.
4. Matapos ang halos dalawang dekada sa GMA Network, lumipat na sa ABS-
CBN si Regine Velasquez. Naganap ang contract signing niya noong Oktubre
2018.
5. Naganap daw ang pambubugbog ni Alyas Linda sa kaaawa-awang matanda
gabi ng Miyerkules habang nakasakay sila sa dyip. Ngayon ay nasa radio
show na ni Tulfo ang kaso.

Tekstong Prosidyural
May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
mga hakbang sa paggawa ng mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyural.
Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod, sumasagot ito sa mga tanong na
paano—paano nabubuo ang isang bagay, paano iluto, paano isinasagawa ang isang
proseso, o paano naganap ang isang pangyayari.

5 Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


1. Ihalo ang itlog sa giniling at haluin gamit ang ispatula. Haluin nang maigi at
ihulma nang pabilog gamit ang mga kamay.
2. Hatiin sa apat ang papel at gupitin nang maliliit na piraso. Idikit ito sa isang
malinis na bond paper upang makabuo ng mosaic.
3. Pumunta sa website ng DOLE at hanapin ang forms. I-click ang complaints
form at i-download ito. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng
DOLE.
4. Pindutin ang windows icon at i-type sa search bar ang Microsoft Office. Piliin
ang Word at maaari nang gumawa ng dokumento.
5. I-click ang rescan at hintaying matapos ang search. I-refresh ang device at
maaari nang mapanood ang paborito mong TV channel.
Tekstong Persweysib
Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga
mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. Karaniwang
ginagawa ang tekstong persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao at
maniwala sa sinasabi nito. Nagagamit ito sa mga advertisements o mga patalastas sa TV
o radyo. Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.

5 Halimbawa ng Tekstong Persweysiv


1. Laking mahirap, may malasakit sa kapuwa. Laging maaasahan. Iboto! Juan
dela Cruz para Mayor.
2. Mas makapagpapaputi ng damit kaysa sa Brand X. Gumamit na ng Tide
Clean Plus. Para sa puting walang katulad.
3. Ang surf ay nagbibigay ng todong linis at todong bango. Surf with fabcon.
Todo sa linis, todo sa bango.
4. Kung barado na ang inidoro, lumapit na sa lagi ninyong malalapitan.
Malabanan septic tank cleaner. Palaban sa bara.
5. Gumamit nan g Eskinol with papaya extract. Para sa linis-kinis na walang
katulad.

Tekstong Argumentatibo
Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o
kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong
Persweysib, layunin din nito na manghikayat ng mga mambabasa. Gayunman,
gumagamit ito ng mga argumento at mga pangangatuwiran. Karaniwang sinasagot ng
mga tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad
ng damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts.

5 Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo


1. Dapat nang itigil ang laban kontra droga ng administrasyong Duterte dahil
marami nang mga inosenteng buhay ang nadadamay.
2. Maraming Pilipino ang nakararanas ng hirap dahil sa angking katamaran at
hindi dahil walang oportunidad dito sa bansa.
3. Para mapanatiling maayos at malinis ang mga karagatan at ilog,
kinakailangan nang tanggalin ang mga illegal settlers sa paligid ng mga ito.
4. Nararapat lamang na parusahan ng mga magulang ang mga anak nilang
pasaway upang maturuan ng displina at maging mabuti.
5. Hindi totoo ang mga nanghuhula sa Quiapo dahil lumabas sa pag-aaral ng
mga eksperto na raket o modus lamang ito ng mga manloloko.

Tekstong Humanidades
Kapag sinabing humanidades, tumatalakay ito sa disiplina sa pag-aaral na tumutukoy
sa mga sining na biswal kabilang ang mga pinta, awitin, arkitektura, dula, sayaw, o
anumang akdang pampanitikan. Sa madaling sabi, ang tekstong humanidades ay isang
uri ng teksto na tumatalakay sa opinyon, nadarama, adhikain, o pangamba ng isang tao
sa mga akdang nabanggit.

5 Halimbawa ng Tekstong Humanidades


1. Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar ay salamin ng realidad ng buhay ng
mga pamilya. Mayroong mga pinagdaraanang pagsubok ang bawat pamilya
ngunit nagsisisi rin sa huli.
2. Ang wikang Filipino ay yaman ng bansang Pilipinas. Ito ang nagiging
pakakakilanlan ng mga Pilipino saanmang panig ng mundo kaya naman
nararapat lamang itong pagyamanin.
3. Nakaka-emo ang kantang ‘Will You Ever Learn’ ng bandang Typecast.
Sinasalamin nito ang lahat ng bigat sa damdamin ng isang taong may
pinagdaraanan sa buhay.
4. Ang Oblation na iskultura sa University of the Philippines ay nagpapakita ng
kalayaan sa pag-iisip, pagpapahayag ng opinyon, at kalayaang matuto ng
isang tao.
5. Ang palabas na The Gift ni Alden Richards ay isang patunay na walang
pinipiling kapansanan upang maging kapakipakinabang na bahagi ng
lipunan.

Tekstong Propesyonal
Ang uri naman ng tekstong ito ay isang komprehensibo at organisadong pagkakalahad
ng mga impormasyong isinulat ng isang may-akadang mayroong mahusay at sapat na
kaalaman tungkol sa isang paksa. Kumbaga, isang pagsasaliksik itong ginawa ng isang
tao mula sa isang larangan at inilimbag sa isang uri ng babasahin o dokumento. Hindi
maligoy at direkta ang paglalahad ng mga impormasyon sa tekstong propesyonal.
Layon lamang nitong magbigay ng isang konkretong pag-aaral at kaalaman tungkol sa
isang paksa at hindi ang bigyan ng aliw ang mga mababasa. Kilala rin ito bilang
tekstong akademiko.

5 Halimbawa ng Tekstong Propesyonal


1. Ang sakit na dengue ay nakukuha mula sa mga lamok na aedes aegypti.
Naisasalin ang virus kapag nakagat ng lamok ang isang tao. Maaaring
magkalagnat, magkapantal, o sumakit ang tiyan kapag dinapuan ng dengue
fever.
2. Ayon sa pag-aaral ng mga eskperto sa kalusugan mula sa United Kingdom
mas mahaba raw ang life expectancy ng mga taong mabibilis lumakad dahil
mas aktibo raw ang mga ito kaysa sa mga mababagal maglakad.
3. Isang senyales daw na mas matlino ang isang tao kapag mas makalat ang
lamesa nito sa trabaho. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mas lumalabas
daw kasi na mas malikhain at mas madiskarte ang mga magugulo ang
lamesa kaysa sa mga organisado.
4. Mas alerto raw ang mga late gumising at matulog kaysa sa mga maaagang
matulog dahil lumabas sa pag-aaral na mas kaya nilang gumawa ng mga
bagay nang mas matagal. Hindi raw umano inaantok agad ang mga ito at
kayang tumagal sa mga gawain.
5. Ipinahayag ng journalist na si Kara David na sa pagsusulat daw ng balita,
kailangan ang matinding pokus sa mga detalye at impormasyon. Kailangan
daw malaman ang mga mahahalagang detalye na dapat ilagay sa isang
balita.

You might also like