You are on page 1of 32

IKALAWANG LINGGO

FILIPINO 7
MENSAHE MULA SA BIBLIYA

Philippians 2:14-15 “Gawin ninyo ang lahat ng


bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang
kayo’y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis
at walang kapintasan sa gitna ng mga taong liko at
masasama. Sa gayon din, magsisilbi kayong ilaw sa
kanila, tulad ng talang nagniningning sa kalangitan.
MENSAHE MULA KAY FR. AL

“Ang pananampalataya ay
nangangahulugang pagkakita mo sa
liwanag ng Diyos, pagtingin mo sa
pamamagitan ng mga mata ng Diyos,
pakikibahagi mo sa karunungan ng
Diyos.” (Homily, May 21, 1989)
KASANAYAN SA PAGKATUTO

• Nahihinuha ang kaligirang


pangkasaysayan ng binasang alamat
• Nasusuri ang alamat batay sa mga
elemento nito (tauhan, tagpuan,
banghay)
MGA KATANUNGAN
1. Ito ay nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng
mga bagay, lugar o pangyayari.
2. Ano sa Ingles ang alamat?
3. Anong uri ng mga tauhan ang ipinakikita sa
mga alamat?
4. Ano ang kadalasang tema ng mga alamat?
MGA GABAY NA TANONG

1. Ano ang nararamdaman ng matanda sa


tuwing matatanaw niya ang kalagayan ng mga
taong nakatira sa ibaba ng kanyang tahanan?
2. Ano ang madalas na ipagdasal ni Selina para
sa kanyang ama?
3. Bakit labis na nagalit ang ama kay Selina?
4. Bakit bumalik si Selina sa kanyang ama?
5. Ano ang naging reaksyon ng ama sa
pagbabalik ni Selina?
6. Ano ang nangyari sa mga tao na naninirahan
sa may paanan ng bundok?
7. Ano ang naging parusa sa matanda?
8. Ano ang nais sabihin ng alamat sa mga tao?
9. Bakit kaya nabuo ang Alamat ng Alamat?
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG ALAMAT

• Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay


mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang “upang mabasa”.
• Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay
ang ating katutubong kultura, mga
kaugalian, at kapaligiran.
Taglay nito ang magagandang katangiang tulad ng
kalinisan ng kalooban, katapatan, at katapangan,
subalit tinatalakay rin sa mga alamat ang hindi
mabubuting katangiang tulad ng kasakiman,
kalupitan, paghihiganti, pagsumpa, at iba pa.
Karaniwan itong kapupulutan ng aral at
nagpapakita na ang kabutihan ay laging nananaig
laban sa kasamaan.
ELEMENTO NG ALAMAT

1. Tauhan – ang mga


gumaganap sa isang alamat; ang
nagbibigay ng buhay sa temang
nais na iparating ng alamat.
2. Tagpuan – ang bumubo ng
imahinasyon ng mga mambabasa;
nagpapakita hindi lamang ng lugar at
panahon kung kailan at saan naganap
ang alamat kundi naglalarawan din ng
paraan ng pamumuhay o estado ng mga
tauhan sa lipunan.
3.Banghay – ang pagkakasunud-
sunod ng pangyayari sa isang alamat
na nahahati sa tatlong bahagi:
A. Simula – inilalarawan ang
tauhan at tagpuan ng alamat.
B. Katawan – inilalahad ang mga
pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at
kaugalian ng bawat tauhan at ang
suliranin at paraan ng paghanap ng
tauhan sa suliranin.
C. Wakas – ang kinahinatnan ng
kuwento o naging resolusyon.
KASANAYAN SA PAGKATUTO

•Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa akda


Kaugalian
Paniniwala
Paraan ng pamumuhay
Tradisyon
•Natutukoy ang mensahe ng alamat sa iba’t
ibang perspektibo
PAGSUSURI SA ALAMAT
P1: Kaugalian
P2: Paniniwala
P3: Paraan ng Pamumuhay
P4: Tradisyon
P5: Mensahe sa Perspektibo ng Magulang
P6: Mensahe sa Perspektibo ng mga Mayayaman
P7: Mensahe sa Perspektibo ng Isang Anak
P8: Mensahe sa Perspektibo Bilang Isang Mag-aaral.
KASANAYAN SA PAGKATUTO

• Naihahambing ang binasang alamat


sa napanaood na alamat ayon sa mga
elemento nito.
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa
alamat?
2. Ilarawan ang kanilang mga
katangian?
3. Ano ang naging bunga ng kanilang
mga ginagawa?
PAGHAHAMBING (PAREHANG GAWAIN)
Pamantayan sa Alamat ng Alamat ng
Paghahambing Alamat Sampalok
(nabasa) (napanood)
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Tema ng Alamat
Aral na Natutuhan
KASANAYAN SA PAGKATUTO

Nakikilala ang mga panghalip na


ginamit sa binasa

Nagagamit nang maayos ang mga


panghalip sa pangungusap
PANGHALIP
- Salita o katagang panghalili sa pangngalan.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao – panghalili sa ngalan ng
tao.
Halimbawa: Si Dr. Jose ay manggagamot sa
baryo. Siya ay mahal na mahal ng mga tao.
Mga Panghalip na Panao

Kailanan Panauhan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


(palagyo) (paukol) (paari)
Una ako ko akin
Isahan Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo Siya Niya Kanya
Una Kata, kita, tayo Nita, natin Kanita, atin
Dalawahan Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Una Kami Namin Amin
Maramihan Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila kanila
2. Panghalip Pamatlig – mga panghalip
na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba
pa na itinuturo o inihihimaton.

Halimbawa: Doon matatagpuan ang


malaking kayamanan na sinasabing iniwan ng
mga Hapon noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
3. Panghalip na Panaklaw – mga
panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan, dami, o kalahatan ng
tinutukoy.
Halimbawa: Walang sinuman na
maaaring lumahok sa timpalak na
ito.
Halimbawa ng Panghalip Panaklaw
Isa Madla Ilanman
Iba Pawa Kailanman kawan
Balana Anuman Saanman
Lahat Alinman Gaanuman
Tanan Sinuman Magkanoman
4. Panghalip Pananong –
panghalili sa ngalan ng tao, bagay, at
iba pa na ginagamit sa pagtatanong.

Halimbawa: Sino ang may


kasalanan?
Halimbawa ng Panghalip Pananong
Isahan Maramihan
Sino Sino-sino
Ano Ano-ano
Alin Alin-alin
Kanino Kani-kano
Ilan Ilan-ilan
KASANAYAN SA PAGKATUTO

Naisusulat ang isang


alamat sa anyong komiks
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang
mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti
o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang
sariling ekspresyon.
Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Komiks:
1. Buuin muna ang kuwento na nais isalaysay.
2. Gumamit ng mga larawan na aangkop sa kuwento.
3. Sa paggamit ng mga dayalogo, siguraduhin na
magkakasunod ito ayon sa nag-uusap.
4. Gamitin ang angkop na “callouts” sa mga
dayalogo.
5. Siguraduhin din na magkakasunod ang mga istrip
ayon sa mga pangyayari sa kuwento.
Mga Pamantayan sa Paggawa ng Komiks
* Nilalaman (Nagsasalaysay ng pinagmulan ng tao,
bagay, hayop o pangyayari at naglalaman ng tauhan,
tagpuan at banghay.)
* Kababakasan ng kultura ng Kabisayaan
* Paggamit ng mga Panghalip
* Nasa anyong komiks
* Paggamit ng mga panghalip
* Orihinalidad
* Kalinisan ng gawa

You might also like