You are on page 1of 5

SUMMER CLASS

FILIPINO 2
ASYNCHRONOUS

Activity 2

Talakayin : TEKSTONG IMPORMATIBO, TEKSTONG DESKRIPTIBO O


NAGLALARAWAN, TEKSTONG NANGHIHIKAYAT, TEKSTONG NARATIBO O
NAGSASALAYSAY AT TEKSTONG ARGUMENTATIBO.
Ibigay ang mga sumusunod:
1.kahulugan ng teksto-
ay tumutukoy sa mga orihinal iniakdang salita o nailimbag na gawa. Maaari rin itong
tumukoy sa pinaka-katawan ng isang likhang panitikan tulad ng libro, lathalain, at iba
pang naisulat.

2.kahalagahan o layunin ng teksto-


Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas malawak na
maintindihan. Ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng manunulat .
Nakatulong ito upang mas malawak maipagana ang imahinasyon ng mambabasa . Mas
madaling maintindidan at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat.

3.katangian ng bawat teksto

•TEKSTONG NARATIBO
1. Ang textong narativ ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang nagkuwento ng
isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan

2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga


tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng
isang matibay na kongklusyon.

•TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Makatotohan ang mga datos
2. May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat
3. Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inalalahad nang buong diwa at may
kaisahan.
4. Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa mga
pangkalahatang sanggunian.

•TEKSTONG DESKRIPTIBO
1. Mahalaga na sa pagbuo ng isang teksto ay may relasyon nito sa iba pang uri ng
teksto.
2. Lagi nitong kabahagi ang tekstong naratibo sa paglalarawan.
3. Inilalarawan nito ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, at ang tono ng
pagsasalaysay.
4. Ito ay ginagamit din sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban
sa tekstong persuwisibo o sa paglahad kung paano magagawa o mabubuo nang
maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural.
5. Ang tekstong ito bihirang magamit nang walang kabahagi ng iba pang uri ng teksto.

•TEKSTONG NANGHIHIKAYAT
1. Nagsasaad ng prinsipyo o paniniwala -pagpapahayag na itinatampok ang paniniwala o
adhikain ng isang tao.
2. Nagbibigay- edukasyon o nangangaral – pagpapahayag na ginagamit na pang
hihikayat na may saligan o batayan na ang layon ay makapag bigay ng kaalaman.
3. Nang-iimpluwensiya -nagpapahayag na ang layon ay mabago ang paniniwala ng isang
indiwidwal.
4. Namimilit- pagpapahayag na hindi pa lubos ang katatagan kung kaya’t may kasamang
puwesa,
5. Nanliligaw- pagpapahayag na kabaligtaran ng pamimilit.
•TEKSTONG ARGUMENTATIBO

1. Mahalaga at napapanahong paksa


2. Maikli ngunit malaman at malinaw
3. Malinaw at lohikal na transisyon
4. Maayos na pagkasunod -sunod ng mga talata
5. Matibay na ebidensiya para sa argumento

4 MAGBIGAY NG 3 HALIMBAWA SA BAWAT TEKSTO


•Tekstong Impormatibo (halimbawa)
1. Mga tala (notes)
2 Listahan (directory)
3. Diksyunaryo

•Tekstong diskriptibo (halimbawa)


1. “Tahimik ang paligid at walang ibang maririnig kundi ang awit ng ibon at tunog ng
mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin”

2. “Ang kanyang kagandahan ay walang katumbas. Ang kanyang mga labi ay pula at
ang malaporselanang kutis ay nagbibigay ng tingkad sa kanyang itsura.”

3. “Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang


umuwi sa gabi”

•Tekstong Nanghihikayat (halimbawa)


1. Talumpati ng pulitiko

Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Rod Cruz, tumatakbong kapitan ng


ating barangay - ang barangay San Nicolas.  Simula’t sapol ay hindi po ako umalis
sa barangay na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong
aking mga kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato.
Kapag ako ang nanalo ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas
ang aking opisina para sa inyong mga mungkahi. Ang patubig na laging
ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang
kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet.
Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking
pangalan, Rod Cruz po bilang inyong kapitan. Iboto po ninyo ako bilang bagong
kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong mga
hinaing. Ako po ang bahala sa inyo. Maraming salamat.

2. Patalastas

Araw-araw ka bang tinutuksong naligo sa uling? Nais mo bang pumuti ang iyong
balat ngunit hindi gumastos ng malaki? Narito na ang solusyon ng inyong problema
- ang calasoap. Ang calasoap ay sabon sa katawan na pinag-aralan at ginawa ng
mga eksperto upang magpaputi. Ito ay pinaghalong ingredients ng papaya at
calamansi na kilala sa pagpaputi. Binibenta ito sa mga grocery at mga botika. Ano
pang hinihintay n’yo? Putian time na!

3. Ikaw pagod ka na ba sa pag aaral? Susuko ka nalang ban g ganyan kadali? Isipin
mo muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para ma tus-tusan ang
pag aaral mo, ang supporta nila sa iyo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag
aral , Sana’y pag isipin mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.

•Tekstong Naratibo (halimbawa)


1. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga
bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa
mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya
pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos.

2. Isang araw ng Linggo, ika-31 ng Marso 1521, nang sapitin ng mga Espanyol ang
Pilipinas, sa pangunguna ni Ferdinand Magellan, isang tripulanteng Portuges.
Dumaong sila sa pampang ng isla ng Limasawa (Mazaua). Ang tropa ni Magellan
ay nagtungo sa Cebu at dito ay magiliw silang tinanggap ng mga katutubo. Bilang
pagpapasalamat sa mainit na pagtangkilik sa kanila ay bininyagan sina Rajah
Humabon, Rajah Kolambu, at 400 na iba pa sa relihiyong Kristiyanismo, at kinilala
bilang mga unang Kristiyano sa bansa. Liban dito, ang mag-asawang namumuno sa
isla, sina Rajah Humabon at Hara Humamay, ay binigyan ng Kristiyanong
pangalan at kinilala na bilang haring Carlos at Reyna Juana. Bilang simbolo ng
kanilang alyansa at mabuting pagkakaibigan ay ibinigay ni Magellan kay Juana ang
imahe ng Sto. Niño – yari sa kahoy at inukit ng mahusay na artisanong Flemish.

3. Kaibigan
Ika'y aking pinagkakatiwalaan
Madalas kasama saan man magpunta
Ipinagtatanggol mula sa masama
Aking kaibigan sa hirap at ginhawa.
Walang sikretong lihim sa isa't-isa
Totoo at hindi pakitang tao lang
Ika'y nand'yan para ako'y suportahan
Mabuti't tapat na aking kaibigan.

•Tekstong Argumentatibo (halimbawa)


1. Paglalarawan sa katangian ng tao
Ang mga kabataan sa makabagong henerasyon ay sadyang mahuhusay sa paggamit ng
teknolohiya.

2. Paglalarawan sa Bagay
Ang bahay na iyon ay yari sa mga naglalakihang kahoy na may kakaibang disenyo.

3 Paglalarawan sa Lugar
Tinaguriang Perlas ng Silangan ang bansang Pilipinas dahil sa likas na yamang makikita
dito.

You might also like