You are on page 1of 7

URI NG MGA TEKSTO

PAGBASA AT PAGSUSURI
Cornelio, Mikaela Aelyn A.
11-STEM 11 (B)

Impormatibo - Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga


pahayagan o balita, sa mgamagasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga
bagong mpormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang
impormasyon upangalisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyungtinatalakay. Ang mga kaalaman ay
nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

Mga Halimbawa:
1. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
2. Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan si Virgilio S. Almario.
3. Tagapangulo rin si Almario, kilala rin bilang Rio Alma, ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF).
4. Nilagpasan ng ADMU Lady Eagles ang tatlong do-or-die matches bago nila
nakaharap ang DLSU Lady Spikers sa championship.
5. Si Elha Nimfa ang itinanghal na ikalawang The Voice Kids grand champion .

Ang mga tekstong


impormatibo ay karaniwang
makikita sa mga pahayagan
o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga
pangkalahatang sanggunian
tulad ng ensiklopedya,
gayundin sa iba’t ibang
websites sa
Internet. Naglalahad ng
mga bagong impormasyon,
bagong pangyayari, bagong
paniniwala, at mga
bagong
impormasyon ang tekstong
impormatibo.
Buod- Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng impormasyon o kaalaman
tungkol sa isang tiyak na paksa o tema. Karaniwan itong nakatuon sa mga katotohanan
at impormasyon at kadalasan ay gumagamit ng mga datos, estadistika, at iba pang mga
sanggunian upang patunayan ang mga pahayag.

Deskriptibo - Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at


kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan. Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal
ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.

Mga Halimbawa:
1. Matamis ang malaking manggang dala ni Julie mula sa malayong lalawigan
ng Cebu.
2. Magaling umawit ang batang si Lyca kaya naman siya ang nanalo sa
malaking patimpalak.
3. Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro at
mataas magbigay ng marka.
4. Magaspang ang papel de liha na nahawakan kong laman ng kahong iyon.
5. Sadyang napakalawak ng hardin nina Alice at napakaraming ring makukulay
na bulaklak.

Ang tekstong deskriptibo ay


isang pagpapahayag ng mga
impresyon at kakintalang likha
ng
pandama. Sa pamamagitan ng
pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng
sumusulat
ang paglalarawan ng mga detalye
na kanyang nararanasan.
Buod- Ito ay isang uri ng teksto na naglalarawan o nagbibigay ng detalyadong
paglalarawan tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari, o karanasan. Karaniwan
itong naglalaman ng mga detalye tungkol sa mga nakita, narinig, amoy, lasa, o
pakiramdam na nauugnay sa paksa.
Ang tekstong deskriptibo ay
isang pagpapahayag ng mga
impresyon at kakintalang likha
ng
pandama. Sa pamamagitan ng
pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng
sumusulat
ang paglalarawan ng mga detalye
na kanyang nararanasan.

Persuweysib- Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong makumbinsi o makapagpabago


ng paniniwala, opinyon, o pag-uugali ng mambabasa. Karaniwan itong gumagamit ng
mga argumento, pahayag ng katibayan, at iba pang mga teknik upang manghikayat.

Halimbawa:
Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper, tumatakbong chairman ng barangay
143. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay
nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang
tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na
eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para sa lahat ng mga isyung
gusto niyong bigyan solusyon. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay
bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay
gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga
kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Peter Piper po
bilang inyong chariman. Iboto po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito.
Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po tayong
lahat. Maraming salamat.

Buod- Ang isang tekstong persweysiv ay ginagamit upang manghikayat sa mga


mambabasa na sumang-ayon sa opinyong nasa sulat. Bukod dito, ang tekstong ito ay
naglalayun ring impluwensiyahan ang isiban ng mga mambabasa.

Nagpapaliwanag - Tekstong nagpapaliwanag at naglalahad ng mga impormasyon at


ideya kaugnay sa isang paksa Naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano
ang isang abstrak na konsepto na nasa isip ng tao ay inuugnay sa isang tiyak na paksa
nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinitugunan nito ang pangangailangan ng
mga mambabasa ng malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.

Mga Halimbawa:
1. Tekstong naglalahad
2. Depinisyon
3. Enumerasyon
4. Order
5. Paghahambing at pagkontrast

Buod- Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng kahulugan o


pagpapaliwanag tungkol sa isang konsepto, ideya, o proseso. Karaniwan itong
naglalaman ng mga kahulugan, mga halimbawa, at mga detalyadong pagpapaliwanag
upang matulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa.

Reperensiyal - Ang reperensyal ay isa sa mga uri ng pagsulat. Ito'y ginagamit sa


teksbuk, pamanahong papel o disertasyon. Ang reperensyal ay tumutukoy
sa pagrerekomenda ng iba pang sanggunian tungkol sa isang paksa. Dito ay
kadalasang binubuod ng manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan. Ito ay maaaring sa paraang parentetikal, footnotes at endnotes.

Mga Halimbawa:
1. (Jackson, 2019; Sapolsky, 2017; Svendsen & Løber, 2020)
2. (Hygum & Pedersen, 2010; Kesharwani, 2020; Torino et al., 2019)
3. (Watson & Rayner, 1920/2013)
4. (Kübler-Ross, 1969/2014)
5. (Harris et al., 2012)

Buod- Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng mga sanggunian o mga
detalye tungkol sa isang tiyak na paksa. Karaniwan itong ginagamit sa mga
akademikong pagsulat, tulad ng mga pananaliksik at mga papel.

Naratibo - Ito ay isang uri ng teksto na naglalaman ng mga kwento o mga kuwento na
nagbibigay ng mga pangyayari o karanasan ng mga tauhan. Karaniwan itong mayroong
isang simula, gitna, at wakas na estruktura, at mayroong mga tauhang pangunahin at
pangalawang nagpapakilos sa kuwento.

Mga Halimbawa:
Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz.
Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak
nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa
bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito. “Nak,
ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng
bago?” tanong ng ina sa bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na
bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama
niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid
habang tumatakbo siya palabas.

Buod- Ito’y ginagamit upang bigyan ng leksyon ang mga mambabasa sapagkat ang
isang “moral lesson” o “araling moral” ang makikita sa huling bahagi ng isang naratibo.
Ang mga halimbawa nito ay palaging nakikita sa mailing kwento, alamat, nobela at iba
pa.
Argumentatibo- Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng mga argumento
o mga dahilan upang suportahan ang isang paniniwala, opinyon, o posisyon. Karaniwan
itong naglalaman ng mga pahayag ng katibayan, mga detalyadong argumento, at mga
paliwanag upang patunayan ang isang punto ng pananaw.

Mga Halimbawa:
1. Tesis
2. Debate
3. Petisyon
4. Posisyong Papel
5. Papel na Pananaliksik
Buod- Ang uri ng tekstong ito ay nangangailangan ng pangangalap ng data o patunay
nang may mabuting pangangalaga. Samantala, ang manunulat ay obligadong magsalita
para sa kanyang panig sa sandaling mayroong malaking katibayan, at maaari rin siyang
magsimulang magsulat ng kaalaman at nauugnay na argumento.

Prosidyural - Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng mga hakbang o


mga tagubilin upang matupad ang isang tiyak na gawain o proseso. Ito ay karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng mga pagsusulit, mga manual sa paggawa ng mga bagay, o
mga recipe sa pagluluto. Karaniwan itong mayroong mga malinaw na hakbang o mga
tagubilin upang matulungan ang mambabasa na maisagawa ang isang gawain o
proseso sa tamang paraan.

Mga Halimbawa:
1. Pagluluto
2. Laruan
3. DIY Furniture
4. Bagong TV
5. Appliances

Buod- Ang mga tekstong prosidyural ay katulad ng isang manwal. Naglalaman ito ng
mga gabay at hakbang na kailangang sundin na makakatulong sa pagkamit ng ninanais
na resulta.

You might also like