You are on page 1of 5

TEKSTONG IMPORMATIBO

Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon,


kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang
sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at
katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang
opinyon o saloobin.

Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahing tulad ng
teksbuk o batayang aklat, magasin, pahina ng balita sa mga pahayagan, encyclopedia, almanac,
maging mga sanaysay. Kapag nakababasa ng isang tekstong impormatibo, mayroon laging
nadaragdag na kaalaman sa isang mambabasa.

Ex.
 “Sekreto raw ni Marie sa kaniyang matataas na grades ang madalas na pagbabasa.”

 “Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng republika ng Pilipinas.“

TEKSTONG DISKRIPTIBO
Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito
ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay ang mga tekstong
deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa mga katangian.

Isang mabisang paraan ng paggamit ng mga tekstong deskriptibo ay ang pagtaya sa impresyon
ng isang tao o nadarama nito. Maaari din namang pairalin ang pang-amoy, panlasa, pandinig,
pansalat, o maging ang kabuuang karanasan ng isang tao sa isang pangyayari. Karaniwan ding
tumutugon ito sa tanong na ‘ano.’

Ex.
 “Iginagalang ng mga mag-aaral si Gng. Santos dahil magiliw itong guro at mataas
magbigay ng marka.”

 “Mabula ang nabiling sabon ni nanay kumpara sa mamamahaling brand na binibili niya
noon.”
TEKSTONG NARATIBO 
Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tekstong naratibo at ang mga halimbawa
nito.

Ang isang tekstong naratibo ay tekstong may pagkasunod-sunod ng mga impormasyon sa isang
maayos na paraan. Ito ay maaaring maging tungkol sa isang bagay, tao, haop, pangyayari, o
kwento na pwede maging tototoo o hindi.

Ex.
 “Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas
kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina
Julio at Vina Cruz.

Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas


samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.

Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito. “Nak,
ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng
bago?” tanong ng ina sa bata.

Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid


sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.

“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid


habang tumatakbo siya palabas.”

TEKSTONG PROSIDYURAL
Ang mga tekstong prosidyural na sa Ingles ay procedure. Ito ay parang manwal, na naglalaman
ng mga impormasyon na kailangan ng isa para gawin ang isang bagay na naaayun sa
pagkakasunod-sunod nito. Iba-iba ang pwedeng maging istura nito, pwede itong brusyur, maliit
na aklat o malaking aklat depende sa pagkakadesenyo nito.
Nakakatulong ang tekstong prosidyural sa mga tao sa tamang paggawa ng mga bagay-bagay para
maging organisado ito. Isa pa, naiiwasan ang pagkasira ng mga gamit na hindi alam kung paano
gagamitin. Ginagamitan ito ng mga pananda gaya ng Una, Ikalawa, Ikatlo....(1,2,3,4....)

Ex.
 Pagluluto ng sinigang na baboy
1) Una, pakuluan ang baboy ng 4 oras.
2) Ikalawa, sa isang kawali, maggisa ng sibuyas at kamatis.
3) Hanguin ang baboy.
4) Isama sa ginigisa ang baboy na pinakuluan at lagyan ito ng mga pampalasa gaya ng
patis, toyo, suka, asin at paminta.
5) Lagyan ito ng madaming tubig o ng tubig galing sa pinagpakuluan ng baboy. Takpan at
hayaang kumulo.
6) Habang kumukulo ilagay na ang mga gulay, simula sa mahirap maluto hanggang sa
madaling maluto.
7) lagyan muli ng mga pampalasa at ng paasim.
8) Pakuluan ng sandali.

TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ang tekstong persweysib ay tekstong naglalayong manghikayat na sumang-ayon ang mga
mambabasa sa opinyon ng manunulat. Layunin din ng tekstong persweysib na
maimpluwensiyahan ang isipan ng kanyang mambabasa upang pumanig sa kanyang paniniwala.
Inilalahad ng tekstong persweysib ang ilang katotohanan tungkol sa paksa upang makumbinsi o
mahikayat ng husto ang mga mambabasa.

Kadalasang ginagamit ang tekstong persweysib sa:

1) Talumpati ng pulitiko

2) Patalastas sa radyo, telebisyon o diyaryo

Ex.
 Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper, tumatakbong chairman ng barangay
143. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay
nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang
tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na eleksiyon,
sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para sa lahat ng mga isyung gusto niyong
bigyan solusyon. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng
kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng
proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag
ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Peter Piper po bilang inyong chariman.
Iboto po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na
ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po tayong lahat. Maraming salamat.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Ang tekstong argumentatibo ay pangangatuwiran tungkol sa isang mahalagang isyu. Hinihikayat
ang mga mambabasa na tanggapin ang mga argumentong inilalahad. Ang ginagamit na panimula
ay mapanghikayat. Sa katawan tinatalakay ang Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon
Ang konklusyong teksto ay nakalagay ang kabuuan niyang pangangatwiran tungkol sa isyu.
Ang pangunahing layunin ng isang argumentative na dokumento ay upang magbigay ng
katibayan. Dapat maipaliwanag ng manunulat ang kanyang pananaw sa paksa o isyu sa tekstong
ito.Upang mapatunayan ang katotohanan ng kanyang inaangkin, dapat may matibay na
ebidensya ang manunulat. Ang personal na karanasan, kasaysayan, kaugnay na panitikan, at
tunay na mga resulta sa pagsasaliksik ay pawang mga halimbawa ng ebidensya na maaari niyang
gamitin.

Ex.
 Same sex marriage
 Pagiging legal ng diborsyo sa Pilipinas
 Pagiging legal ng aborsyon sa Pilipinas
 Isyu ng West Philippine Sea
 Bakuna para sa COVID-19

mga halimbawa ng sulatin o akda na ginagamitan ng tekstong argumentatibo:

 Tesis
 Posisyong Papel
 Papel na Pananaliksik
 Editoryal (nababasa karaniwan sa bahaging editoryal ng mga magasin at dyaryo)
 Petisyon
 Debate (pakikipagtalo na maaaring nakasulat o binibigkas gaya ng Balagtasan)
PAGBABASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO AT
PANANALIKSIK

IPINASA NI:
ALLEN JOHN PAUL A. CAINOY

IPINASA KAY:
EMMALINDA T. OVAR

You might also like